ganun na lang kadali ang naging relasyon namin ni andrei. ni hindi pa kami umaabot ng buwan. pero ganun talaga. masyado akong nasaktan sa nangyari. ni hindi ko na nga nagawang hayaan siyang magpaliwanag dahil sa nabingi ako sa mga narinig ko sa usapan nila ni ryan.
sabi nga nang iba, pag may ulan tiyak na sisikat muli ang haring araw kaya ipinagpatuloy ko ang buhay. aral at bahay muli ang routine ko pag weekdays at sa weekends naman ay sa library ako tumatambay. pag nasa library ako, hindi ko na naman maiwasang hindi maalala si andrei lalo na ang table na lagi niyang ginagamit tuwing magbabasa siya nang libro. pero gaya nang dati, ginawa kong busy ang sarili ko. pansin din ni arjay na hindi na kami madalas lumabas ni andrei. inamin ko sa kanya ang totoo na wala na kami. kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. siyempre, nasa akin ang simpatya niya. tinutulungan niya akong mag-move on. unti-unti ko namang naibabalik ang dating sigla ko nung wala pa sa buhay ko si andrei. wala na din akong balita pa sa kanya at wala na din akong balak pa na alamin kung ano na nangyayari sa buhay niya ngayon.
isang araw, nakasalubong ko ang mga barkada ni andrei at nag-uusap sila.
"mga pare paano ba yan talo tayo sa pustahan."
"oo nga, badtrip naman kasi naunahan si andrei na i-break. ang kapal naman ng mukha nung taong yun."
"sinabi mo pa, sa gwapong iyon ni drei tiyak jackpot ang kahit sino mapa-babae man o mapa-bakla." dahil sa sinabi niyang iyon di na ako nakatiis na hindi sumabad.
"excuse me." sabi ko. bigla silang lumingon at tiningnan ako. namukhaan ako nung isa nila kasama.
"ikaw yun! ikaw yung nang-break kay andrei di ba."
"oo ako nga. paano ba yan eh di talo kayo. buti nga sa inyo. ang kakapal ng mga mukha niyong paglaruan ang iba sino ba kayo sa akala niyo. sana lang hindi mangyari sa inyo ang mga pinaggagagawa niyo sa iba. bahala na ang Diyos sa inyo." sabay talikod ko. kumpirmado ngang pinagpustahan ako. masakit. sobrang sakit. bakit nila ginawa sakin yun.
sa halip na ipagmukmok ko ang mga kaganapan sa buhay ko, ginawa ko iyong learning experience. nagpaganda ako nang katawan. pinigilan ko ang sarili sa pagkain. mga sakripisyong dapat kong harapin kapalit ng isang dahilan: ang magbago nang image. hindi naman ako nabigo at nakuha ko din ang ninanais na korte nang katawan. tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakitang ang dating matabang si tonton ay naging fit na. walang bakas ng kahapon.
summer nuon at napagpasiyahan kong magbakasyon sa tito ko sa laguna. mag-isa lang akong bumiyahe dahil sa mga panahong ito, gusto ko talaga nang peace of mind. habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang hindi siya isipin. kung kamusta na ba siya? kung asan na siya? kung anong ginagawa niya. hindi ko siya totally mawala sa isip ko parang he's already been tattooed on my mind.
makalipas ang ilang oras ding byahe, muli na naman akong nakatapak sa laguna. pinapangarap ko na balang araw ay magtatayo ako nang sarili kong bahay sa lugar na ito kasama nang magiging katuwang ko habambuhay. nakabili na ako nang bagong cellphone kaya tinext ko na ang pinsan ko na nasa terminal na ako.
gutom na din ako dahil sa haba nang biyahe kaya naisipan kong kumain muna sa nakita kong turo-turo. namimili na ako nang uulamin ko nang bigla akong natigilan. isa sa mga ulam na tinda ni ate eh yung paborito kong ulam na minsan na ding niluto ni andrei para sakin. kakainis! bakit ba lagi na lang siya ang pumapasok sa isip ko. ibang putahe na lang ang pinili ko.
nasa kasagsagan ako nang laban ng ilipat nang anak nung may-ari nang tindahan ang channel ng tv. myx ang gusto nitong panuodin. tiningnan ko ang oras. alas dose na nang tanghali sakto sa myx daily top ten. tuloy-tuloy lang ang kain ko nang biglang pinatugtog ang solo ni iyaz. isang napakalaking badtrip naman oh. paano ako makakamove on kung lahat ng nangyayari sa paligid ko eh laging may koneksyon sa kanya. dali-dali kong tinapos ang pagkain para makaalis na sa lugar na iyon. matapos kong magbayad ay hangos akong lumabas na. bigla akong tinawag nung ateng tindera.
"ay sir, naiwan niyo po itong pitaka niyo sa pagmamadali niyo kanina." kinapa ko ang wallet ko sa bulsa, wala ito doon kaya naman kinuha ko ang wallet na hawak ni ate at tiningnan iyon. nang makumpirmang akin nga iyon, laking pasalamat ko sa kanya kaya naman inabutan ko siya nang isang daang piso. ayaw pa sana niyang tanggapin pero ako na mismo ang nagpumilit. maya-maya ay dumating na din ang pinsan ko.
inaya ako nang pinsan ko sa paradahan ng tricycle papasok sa subdivision nila. kuwento nang kuwento ang pinsan ko pero parang wala akong naririnig. lutang ang isip ko noon. iniisip ko pa din si andrei. napansin naman niya ang pananahimik ko kaya tumigil nadin siya kakasalita.
tuwang tuwang sinalubong ako nina tito at tita pati na din ang bunso nilang anak. ang tagal kong hindi nakita ang mga kamag-anak kong ito kaya labis ang tuwa ko nang makasama sila ulit. habang nagkakamustahan, kinulit ako nang pinsan ko na sumama sa swimming nila mamayang gabi.
"hoy abby, pagpahingain mo muna si kuya tonton mo at galing sa byahe. mamaya ka na mangulit diyan."
"wag mong pakinggan si nanay kuya. hayaan mo siya. kuya huh, mayang gabi sama ka samin magswimming." pangungulit niya.
"ah, eh..." wala akong maapuhap na sagot.
"sige na kuya. please." may papikit pikit pa siya na parang nagpapacute.
"sige payag na ako basta ba libre mo entrance fee ko. hahah." bigla kong naalala na ngayon na lang ako ulit nakatawa nang ganun after ng break up.
dumiretso na ako sa kuwarto nang pinsan ko at nag-unpack ng gamit. ilang araw ba ako dito at parang andami ko atang nadalang damit? tanong ko sa sarili ko. nang makatapos ay inihiga ko ang katawan muna sa higaan. hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. hindi pa ako magigising kung hindi ako kinilit ni abby.
"kuya, gising ka na dyan. nakahanda na kaming lahat kaw na lang ang wala." sabi ni abby. dali-dali akong tumayo at naghilamos. nagpalit na din ako nang damit na gagamitin ko sa swimming. samantalang inilagay ko sa bag ni rich, as instructed, ang pagpapalitan kong damit mamaya. nakagayak na ako nang humarap ako sa kanila.
sakay ng family van nila, dumiretso kami nang calamba. napansin kong magkakadikit ang mga resort at para itong mga kabuteng nagsisulputan. di nagtagal ay ipinasok na ni tito ang sasakyan sa parking lot ng resort na pupuntahan namin. gaya nang napag-usapan, nilibre ak ni abby ng entrance fee kapalit nun ang pagsama ko sa kanya mamayang mamasyal sa loob.
inilatag na namin ang mga gamit namin sa napiling cottage. parang outcasted ang grupo namin dahil napapaligiran kami nang mga bushes at dadaan ka pa sa isa nilang pool. pang-mayaman ang cottage namin. nalaman ko kay abby na bestfriend pala ni tito ang may-ari nang resort na iyon kaya iyon ang ibinigay samin.
"kuya, samahan mo nga ako sa banyo. magpapalit lang ako nang attire."
"sige nang makapagshower na din ako. naiinitan na ako eh. kaw ba rich hindi ka pa magsa-shower?" tanong ko sa kuya niya.
"sige sabay na tayo." magkaedad nga pala kami ni rich. close kaming tatlo dahil kami lang ang magpipinsan na magkakalapit ang mga edad.
hindi rin kami nagtagal sa shower room at tuluyan nang nagbabad sa pool. ang sarap damhin ng tubig. para akong nasa hot spring ng mga oras na iyon. nakakarelax, nakakawala nang stress. pumikit ako sandali nagbabakasakaling marelax din ang utak ko. bigla akong sinabuyan ni abby nang tubig sa mukha kaya napadilat ako. hinabol ko siya. para kaming mga batang nag-hahabulan sa tubig. enjoy na enjoy ako sa moment na iyon. nakaramdam ako nang gutom kaya umahon muna ako at tumungo sa cottage para kumain. dahil medyo madilim ang daan patungong cottage at lutang padin ako, hindi ko napansin na may kasalubong akong lalaki. nagkabungguan kami.
"sorry po. kasalanan ko hindi kasi ako tumitingin sa daan." agad kong paghingi nang tawad.
"sorry din, hindi ko napansin na may kasalubong ako." at tumuloy na ng ako sa cottage namin.
pagdating ko sa cottage, nagmeryenda agad ako. paminsan-minsan ay tinatanong ako ni tito ko tungkol sa nangyayari sa bahay namin. sinasagot ko naman siya. kinakamusta niya din ako at sinabi ko namang okay pa din ako. biglang nag-ring ang phone ko.
'hey arjay, musta? sorry hindi kita na-update kanina pagod eh.'
'okay lang yun noh. nagpapahinga ka na ba?'
'hindi pa naman. andito nga pala kami sa resort ngayon nila tito. nagrerelax.'
'good for you ton para naman magka-leisure time ka din. hahah. nga pala ton, alam mo na ba ang latest?'
'hindi pa. anong meron?'
'si andrei umuwi na nang amerika. hindi ko alam kung hanggang kelan siya dun.'
'kanino mo naman nalaman yan? chismoso ka talaga.'
'nagpunta siya dito sa bahay kanina nagbabakasakaling andito ka. gusto ka niya sana makausap for the last time bago siya tuluyang lumipad sinabi kong wala ka dito. ayun umalis nang malungkot.' ako din nalungkot sa balita niya. 'anyways ton, wag mo na siya muna isipin. mag-enjoy ka lang dyan and magrelax. okay?'
'uhm.'
'oh siya tol, gotta go. bye. see yah sa pasukan.' at pinutol na niya ang linya.
malungkot akong naglakad lakad sa may resort. nakakita ako nang isang magandang spot. isang bench sa ilalim ng liwanag na nanggagaling sa buwan. kung tutuusin napakaromantic nang place na iyon pero dun ko pa din piniling mag-stay. nakatingin ako sa kawalan nang walang pasabing tumulo ang mga luha ko. hinayaan ko lang itong bumagsak. isang presensya ang naramdaman kong kasama ko sa lugar na iyon. hindi ako nagkamali. iyong lalaking nakabungguan ko kanina ang nasilayan ko at may inaabot siyang panyo sa akin. nahiya ako lalo na sa tagpong nakita niya akong umiiyak. sa halip na kunin ang panyo, pinahid ko lang ang luha ko.
"pare, ang ganda nang buwan di ba." sabi niya.
"oo nga."
"alam mo, ngayon lang ako nakakita nang lalaking umiiyak. hindi ko alam ang dahilan mo pero why spoil your night. andito ka para mag-enjoy and magrelax di ba?" sabay bitaw ng isang mala-anghel na ngiti. natigilan ako saglit ng mapansin kong parehas sila nang ngiti ni andrei. "nga pala, i'm alvin montez and you are?" sabay lahad ng palad niya.
"antonio lopez." nakipag-shake hands ako sa kanya. noon ko lang nakita na mestiso siya. hindi siya ganun ka-gwapo pero sobrang lakas nang arrive niya sakin. mga 5'10 ang height, gym fit at mukhang mayaman.
"okay lang ba na dito lang ako tambay?" tanong niya.
"oo naman, i don't own this place kaya you too can get your ass here." natawa siya sa sinabi ko. ano ba naman yan, pati pagtawa may resemblance sa kanya. masyado na ba akong involved sa kanya at pati dito sa kausap ko eh parang siya ang nakikita ko?
"nice one antonio. teka can i call you ton na lang? masyado kasing mahaba eh. heheh."
"yeah sure. my friends used to call me that way din kaya no big deal." ngiti lang ang sagot niya.
"nga pala tol, may gagawin ka pa ba aside from crying here all night?" pang-aalaska niyang tanong. napatawa ako sa birit niya.
"wala naman. bakit mo natanong?"
"kasi gusto sana kitang ayain na mag-inuman sa room ko."
"sige call ako dyan pero paalam muna ako kila tito."
sinamahan niya ako pabalik ng cottage habang nagkukwentuhan. kung anu-ano na lang ang mga pinag-uusapan namin. pumayag naman sila tito. kaya dire-diretso na kami sa room niya. nagtaka pa ako nang batiin siya nang mga staff dun at tawagin pa siyang sir. nahalata niya siguro na nagtataka ako pero tahimik lang siya.
pagkapasok namin sa loob, labis na pagkamangha naman ang naramdaman ko. simple lang ang decoration ng room niya pero napaka-inviting. may mga portraits sa dingding, may state of the art entertainment set sa sala, water bed, at higit sa lahat, tagus-tagusan ang liwanag ng buwan sa bintana nang kuwarto niya.
"hey ton, natutulala ka na naman diyan. come over here and let's get started." aya niya sakin. tumalima naman ako at humarap na sa kanya.
"bakit ka nila tinawag na sir kanina?" bungad kong tanong.
"sabi ko na you're going to ask me that. i'm the son of the owner of this resort." napanganga ako.
"what?! naku nakakahiya naman sa inyo sir." tumawa siya.
"anong sir ka dyan. magkaibigan na tayo kaya you don't have to call me sir. tol nga lang okay na eh."
"eh kahit na. langit ka lupa ako. ayan oh." sabay muwestra nang mga kamay. tumawa siyang lalo.
"nakakatuwa ka naman. kani-kanina lang umiiyak ka ngayon naman nagkakaganyan ka. ang saya mo pala kasama."
tuloy-tuloy lang ang kuwentuhan at inuman namin. nagpalitan na din kami nang number tanda nang pagiging official friends namin. medyo tinamaan na ako kaya medyo nabawasan ang inhibitions ko. ganun din siya. dumikit siyang lalo sakin. hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero parang alam ko na ang patutunguhan nun.
kunwari aakbayan niya ako at ididikit ang mukha niya sa pisngi ko habang nagkukwento pero ang talagang pakay niya eh ang halikan ako. nasabi ko iyon dahil hindi na siya nakatiis pa at bigla niya akong siniil ng halik. dahil sa espirito nang alak, nagawa kong lumaban ng halikan. magaling siyang humalik, alam mong eksperto na.
maya-maya yung halik niya bumaba papuntang leeg ko habang ang kamay niya ay niyayapos ang dibdib ko. nadadarang na ako sa mga ginagawa niya. walang anu-ano ay inilapat ko ang kamay ko sa harap niya. naramdaman kong kumikislot pa ito. pinakawalan niya ang nagwawala na niyang alaga at doon ko nasilayan ang itinatago niya. ang laki nang ulo na pinkish at mahaba na mataba ang katawan. siguro nasa 7-8 inches iyon. hindi na ako nakapagpigil at lumuhod na ako at isinubo ang ari niya. impit na ungol ang naging musika sa kwarto niya na iyon. dahil din sa alak, hindi din nagtagal at tuluyan na siyang sumabog sa bunganga ko. kumuha siya nang tissue paper at ipinadura niya sakin ang dagta niya. alam niyang hindi pa ako nilalabasan kaya ang ginawa niya ay sinubo din si jr ko at nagtaas baba ang ulo niya. magaling din siyang sumuso kaya naman ilang taas baba pa ay hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan ng ibinigay ang pinaghirapan niya. idinura din niya ito sa tissue.
kapwa kami humihingal pagkatapos. nang magkatinginan kami, sabay kaming tumawa. nang mapagod sa kakatawa ay bigla siyang tumingin sa akin at muling binigyan nang isang mariing halik sa labi. nagpahinga muna kami saglit. nang makabawi na nag-ayos na din kami nang aming mga sarili. bago ako tuluyang umalis ay nagpahabol siya ulit ng isang halik.
pangiti-ngiti ako habang naglalakad palabas. hindi pa ako nakakalayo nang makareceive ako nang text galing sa kanya. thanks ton for coming. sana we have a longer time to know each other. i miss you tol. ingat ka palagi. bakit ganun, bakit may i miss you na. pero hindi ko maiwasang hindi kiligin at magtaka. hindi naman ako kagwapuhan pero bakit sila na-iinlove sakin. ang gulo naman.
pagdating ko sa cottage ibang ngiti ang bungad sakin ni rich. bakit kaya? ano kayang meron at nakangisi si pinsan?
(itutuloy...)
2 comments:
where's the next part?
Nahanap ko din blog site mo tol.. update na po..Hehe
Post a Comment