bago po ang lahat ay nais ko po munag ipakilala ang aking sarili. ako po si tonton, 19 years old, college student sa isang kilalang unibersidad dito sa aming probinsya, 5'6 ang height, moreno, chubby, at ordinary looking. hindi ako halata pero ako ay isang bisexual. itong kwentong ito ay nangyari noong ako ay freshman pa lang sa college.
gaya ng mga kabataang kagagraduate pa lang ng high school, hirap akong pumili ng eskwelahang papasukan sa kolehiyo. madaming offers akong natatanggap na mga scholarships, meron sa gobyerno at meron din sa mga private individuals or organizations. hindi naman po sa pagmamalaki eh ako ang batch valedictorian nung high school kaya hindi nakakapagtakang madaming opportunities sakin. isa sa mga nagpadala ng scholaarship grants ay ang eskwelahang aking pinapasukan sa kasalukuyan. pangarap ko kasi ang makapag-abroad kaya kumuha nadin ako ng pinagkakapitagang kurso na nursing.
dumaan ako sa napakaraming tests para lang makuha ko ang pinapangarap kong full time scholarship ng unibersidad. lahat naman iyon ay naipasa ko kaya naman laking tuwa ko ng mareceive ko ang scholarship grant na yun. wala nang poproblemahin pa sila nanay at tatay sa gastusin ko sa tuition fee. bukod pa sa scholarship na yun, nag-apply din ako na maging isang student aide para makatulong sa iba pang gastusin sa pag-aaral ko. syempre pasado din ako sa inaplyan ko kaya lubos ang kaligayahan ko.
matapos ang isang linggo, nakapagpaenrol na ako at ang section ko ay 1D. kinakabahan ako dahil di ko pa nakikita kung sino ang mga magiging kaklase ko. sa pasukan ko pa lang sila makikilala. hindi ako excited na bumili ng mga school supplies ko kundi mas excited ako sa maaaring mangyari ngayong college.
lumipas pa ang mga araw at pasukan na. unang araw ay orientation namin. lahat ng mga bagong estudyante ay required na pumunta sa auditorium para sa orientation ng rules and regulations and university. halo-halo ang lahat ng mga estudyante doon galing sa iba't ibang department. pinaghiwahiwalay ang mga departments kumbaga sorted ang mga estudyante. hindi nakakapagtaka na ang department ng nursing ang pinakamarami dahil sa pagiging indemand nito abroad. maya-maya pa ay inihiwalaya nadin kami sa iba pang departments. tumingin tingin ako sa mga estudyante roon baka me kakilala ako pero wala akong kilala ni isa.
sa paglinga-linga ko nakita ko ang grupo ng mga lalaki na puro mga gwapo. maiingay sila at tipong mga bad boys. nakita ako nung isa na nakatingin sa kanila. nakita ko din na lumingon silang lahat sa direksyon ko. agad akong umiwas ng tingin pero narinig ko pa din ang tawanan nila. waring ako ang topic nila. sabi ko sa sarili ko na iiwasan ko ang grupong ito hangga't maaari.
tapos na ang orientation namin. agad naman akong umakyat sa 2nd floor para pumunta sa library dahil dun ako in-assign na student aide. ang trabaho ko doon eh ayusin at i-sort lahat ng mga libro ayon sa codes na nakalagay sa kanila.
mahirap ang naging adjustment ko sa buhay kolehiyo dahil na din sa scholarships. dumaan ang mga araw na puro aral, trabaho, aral, trabaho ang ginagawa ko sa araw araw. nakakapagod dahil sabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. pero no choice ako dahil gusto kong makatapos ng kolehiyo.
isang araw, naka-duty ako sa library nun ng pumasok ang grupo nang mga kabataang maiingay nung orientation. hindi sila basta basta pwedeng mag-ingay doon dahil sa library iyon. dapat naka-silent din ang mga cellphones. lumapit sa sakin iyong lalaking nakatingin sakin noon at nagtatanong ng libro. feeling ko mabait naman tong taong to at nadala lang ng barkada niya. hinanap ko yung sinasabi niyang libro sa may reserved section ng library at nakita ko doon yung libro. agad ko itong ibinigay sa kanya. hindi pwedeng ilabas yung libro kaya mapipilitan silang doon na magstay sa library kung gusto nilang mabasa iyon.
tumingin ako sa relo ko at nakita kong ten minutes na lang at time ko na sa next subject ko. nagpaalam na ako sa supervisor ko na papasok na. ayokong malate dahil terror ang professor ko sa subject na iyon bukod pa sa katotohanang nasa kabilang building iyon at nasa 5th floor pa. ala namang elevator sa university namin kaya maglalakad pa ako.
dala-dala ko ang mga gamit ko nun at nagmamadali akong maglakad ng mabunggo ko ang isang lalaki. tumilapon lahat ng gamit ko sa sahig.
"sorry po, di ko po sinasadya. nagmamadali lang po kasi ako." sabi ko sa estrangherong lalaki.
"sorry din huh. nagmamadali din kasi ako. sa kabilang building pa kasi ang room ko at asa 5th floor pa." sabi niya. habang tinutulungan akong damputin lahat ng gamit ko.
"naku, baka magkaklase tayo. anatomy ba yan?" tanong ko.
"oo ana01 nga." tugon niya.
"naku classmate dalian natin at baka mahuli tayo at mapagalitan pa tayo ni sir." sabi ko sa kanya sabay tayo.
dali-dali na nga kaming naglakad. hingal kabayo kami pareho nang makarating kami ng 5th floor. pagdating namin ay wala pa ang professor namin. laking tuwa namin at ng makapagpahinga pa kami bago magsimula ang klase. nagtabi kami nang upuan at nagpakilala sa isa't isa. arjay ang pangalan niya. tsinito, petite, cute at smart ass din. kaya naman nag-click kaagad kami.
simula nang araw na yun, lagi na kami magkasama ni arjay. kasama siya sa block sections at ako naman ay irregular student pero lahat ng major ko ay sa section niya para naman lagi padin kami magkasama. nalaman ko din na gaya ko bisexual din si arjay at sa katunayan ay mayroon siyang boyfriend ngayon na sa US naninirahan. sobrang click talaga kami sa lahat ng bagay.
minsan tumambay si arjay sa library habang on duty ako. vacant niya noon kaya andun siya. nag-aaral kami nang advanced topics sa anatomy nun ng pumasok ulit ang mga buwisit na maiingay na yun. pero himala dahil tahimik sila ngayon. nalaman ko na sanction pala nila iyon at ang dapat nilang gawin eh tulungan kaming mga student aide sa pag-aayos ng mga used books sa shelves. lumapit sakin iyong guy na humiram ng book sakin before.
"excuse me." sabi niya.
"yes, how may i help you sir?" tanong ko naman na inalis ang atensyon sa binabasang libro.
"uhm, we're here to help" di niya masabing parusa iyon sa kanila dahil sa ginawa nilang kalokohan. napatingin ako sa supervisor ko na nagtataka. tumango lang ito tanda na pwede akong mag-utos sa kanya.
"okay sir, since you're here, may i ask you to please return those books from their respective shelves." medyo pormal ko namang utos sa kanya. tumango lang siya at agad pumunta sa stall ng used books. di nagtagal bumalik siya.
"i don't understand these numbers" sabay turo sa mga codes.
"those are codes. they are there so that you'll know which shelf this book belong. say for an instance, this book has a code of 005671, you have to look for the shelf with a 005600 - 005699 marking on it. then you have to put the book there." sabi ko naman.
"ah okay. thank you." sabay talikod niya. nang medyo malayo na siya saka kami tumawa ni arjay nang nakakagago. nakapag-ingles kasi ako ng todo. inglisero din kasi ang mokong eh.umalis na din sila nung nagbell na. nagstay pa si arjay nun sa library dahil ang susunod naming subject ay isang oras pa ang pagitan.
quarter to 4pm na nung nagpaalam ako sa supervisor ko. bumaba muna kami sa canteen para bumili nang makakakain dahil nagutom kami sa kakaaral. matapos naming bumili ay agad kaming pumunta sa locker room para magpalit ng p.e. uniform. flawless si arjay pero wala akong maramdamang libog sa kanya. napansin ako ni arjay na tinititigan siya kaya tinukso niya ako. nilabas niya yung ari niya. malaki iyon kumpara sa height niya. bilang ganti nilabas ko din ang akin na may kalakihan din. sabay kaming tumawa after.
asa may gym na kami nun nang mapansin namin na kasama namin yung grupo nung mga naparusahan. naisip ko hanggang ngayon pala hindi ko pa alam pangalan niya. ang p.e. namin noon eh gymnastics kaya puro stunts ang pinagawa samin. kagrupo ko nun yung inglisero. dahil sa kaming dalawa lang ang lalaki sagrupo nun kaya kami lagi ang nagbubuhat sa mga kasama naming mga girls. pansin kong dami nagpapacute sa kanya. noon ko lang napansin na may kagwapuhan nga siya. matangos ang ilong, blue ang eyes, medyo blonde ang buhok, toned ang katawan at maputi. closed to perfection ika nga. pero hindi ko padin alam pangalan niya at wala akong balak alamin. pero sa totoo lang crush ko na siya nung time na yun.
after ng p.e. class uwian na namin. balik kami ng locker room ni arjay. pero this time may mga kasama na kami sa loob. kasama na naman siya dun. ewan ko ba kung pure coincidence yun o talagang sinasadya. pero sino, alangan naman ako. ah ewan. wala na kaming pakialam dun at nagbihis na agad kami. nasa kabilang area sila kaya dedmahan pa din. naririnig namin na nagtatawanan sila at may particular na tao silang pinatutungkulan. as usual deadma padin kami. pagkatapos naming magbihis ni arjay ay diretso na kami sa labas. naglalakad na kami palayo nun ng may tumawag sa pangalan ko. napalingon ako kung sino yun. pag tingin ko si ingliserong mokong pala ang tumawag sakin. pero bakit alam niya pangalan ko. may hawak hawak siyang bagay. nang makalapit siya ay inabot niya sakin ang libro ko.
"antonio right? i think this is yours." sabi niya sabay ngiti. shit killer smile. kinilig ako nang patago.
"ah thanks." nginitian ko din. tatalikod na sana ako nang nagsalita siya ulit.
"by the way i'm andrei. andrei hughes." sabay abot ng kamay.
"antonio lopez. nice meeting you." inabot ko kamay niya at nakipagshake hands. "here is my friend arjay chy."
"nice meeting you dude." sabi ni arjay. nakipagkamay din ito. tumalikod na siya at ganun din kami. napag-usapan tuloy namin siya.
"hey tol, ang gwapo nung andrei na yun di ba?" sabay kilig na sabi ni arjay.
"oo nga tol eh, kaso nakakatakot ang ganung itsura." tugon ko.
"bakit naman?"
"una, yung ganung looks eh straight. pangalawa mukhang sasaktan lang nun ang mga kalahi natin. pangatlo, tumigil ka na sa ilusyon mo dahil committed ka na." sabay tawa ko.
"aba, bakit me sinabi ba akong papaligaw ako?" sabi naman niya sabay tawa na din.
ganito kami lagi ng bestfriend ko. oo bestfriend na turingan namin.
lumipas ang mga araw, napapansin ko na lagi nang tumatambay si andrei sa library lalo na pag andudun ako. sinasadya kaya niya o baka nagkataon lang. pero this time siya na lang mag-isa. nakatutok naman siya sa binabasa niya at seryosong nagtetake down ng notes niya. after ng bell, sabay na kaming lumabas. pero sinadya kong magpahuli para kunwari hindi ko siya napansin. dumiretso na ako sa klase namin nun. magkatabi pa din upuan namin ni arjay nun pero pag oras ng klase wala talaga kaming pansinan at kapag may quiz kami or exam para kaming mag-kaaway na ayaw magpakopya sa isa't isa. pero kahit na ganun pa man ang nangyayari sa loob, hindi kami affected lalo pa't pareho naming napeperfect ang mga quizzes namin at hindi nagkakalayo ang scores namin sa exam. usually sa result, kami lang ang nagpapalitan sa top 2 spots eh.
one saturday morning, nasa library ako nun nang makita ko si andrei na nagbabasa ng libro. hindi ko siya nilapitan. dun ako sa malayong table para hindi ako makaistorbo sa kanya. nakatutok ako nun sa binabasa kong libro nang may taong lumapit sakin. pag-angat ko nang tingin, si andrei pala. umupo siya sa tabi ko. nag-aadvanced lesson daw siya sa college algebra. di daw kasi niya maintindihan eh kaya todo effort siya sa pag-aaral nun. di na siya nakatiis kaya lumapit na siya sakin to ask for help.
"hey antonio." sabi niya.
"tonton would be fine." sabi ko.
"oh sorry. tonton, could you help me on this?"
"college algebra? let me try."
"i don't understand how this value of x here came." tinulungan ko naman siya kung bakit naging ganun ang value nang x. mahabang turuan pa iyon. para malaman ko kung natuto siya, binigyan ko siya nang simple and complicated math problems. hinayaan ko lang siyang magcompute habang ako naman ay nag-aaral ng lessons ko. umabot siya 45 minutes kasasagot sa questions na binigay ko. to my surprised, nakuha niya lahat ng complicated questions and may isang mail siya sa simple questions.
"look andrei, you did a very good job here. you got 90% correct answers. are you sure that you don't understand math?" biro ko sa kanya. sa halip na sumagot eh tumawa na lang siya. ang sarap pakinggan nang tawa niya. lalaking lalaki.
"tonton, are you free next saturday?" tanong niya. napaisip tuloy ako at bakit niya ako tinanong na ganun. magdedate ba kami?
" why are you asking?"
"let's go out and have fun. you seemed to have no happy life. you're very much into your studies."
"but..."
"no but's. you're coming with me and i'll be expecting you at 6pm sharp at 7 eleven." wala na akong nagawapa kundi ang tumango na lang.
kinagabihan hindi ako mapakali kasi ba naman inimbitahan ako ni andrei na lumabas. tinext q si arjay para sabihin yun sa kanya. nainggit naman ang loko pero nagbid siya nang concern sakin. sinabi ko naman na walang mangayayaring masama sakin tsaka considering na hottie siya and i'm a nottie plus he's straight. natapos ang usapan namin ng may ngiti.
kabilis dumaan ng araw at sabado na naman. as usual asa library na naman ako for some advanced readings. wala this time si andrei. inisip ko na baka busy siya or talagang joke niya lang yung invitation niya sakin. pinigil ko ang sarili ko na hindi umasa na tototohanin niya yung sinabi niya. habang papalapit ang gabi, lalo akong kinakabahan. quarter to 6pm na pero hindi padin ako nagsashower or nagbibihis. di talaga ako makapagdecide. humiga na lang ako sa kama ko. maya-maya pa nagriring yung phone ko. unknown caller ang nagregister. sinagot ko baka emergency yun eh.
'hello?' sabi nang caller.
'hi. who's this please?'
'am i speaking to tonton?'
'yeah, who's this?'
'it's drei. aren't you coming?' napabalikwas ako nang malamang si andrei pala ang kausap ko.
'oh sorry dude. i thought you're joking when you asked me out.' tumawa lang siya.
'i'll wait for you dude.' sabay pindot ng off.
lalong kumabog dibdib ko knowing na seryoso si andrei sa paglabas namin ngayong gabi. agad akong naligo. todo paspas ang ginawa ko sa banyo kasi nakakahiya naman na pinaghihintay ko siya nang matagal. simbilis ng kidlat ang mga kilos ko at wala pang 10minutes andun nadin ako sa 7 eleven. agad ko naman siyang nakita. nag-iisa lang din siya. tiningnan ko siya, astig ang porma niya. pang-artista talaga. feeling ko alalay ako nitong si andrei sa tindi nang porma.
"tonton, i'm over here." sabi niya sakin na kala mo eh napakalayo ko. lumapit nadin ako sa kanya.
"i'm sorry for making you wait for me."
"ano ka ba okay lang yun. i'm used to wait na nga eh. sinanay ako nang mga friends ko na mag-intay pag may hang out kami." langya, nagtatagalog pala ito pinapahirapan pa ako.
"ah nkakapagsalita ka pala nang tagalog. i'm amazed." sabay tawa. tumawa nadin siya.
"nga pala, where do you want to go tonight?" tanong niya.
"sorry wala akong alam eh. alam mo naman na school-bahay lang ako eh."
"tara sa sm. bukas pa yun eh. dun na din tayo mag-dinner." pag-aya niya. sumunod na lang ako. dumiretso kami sa nakaparadang kotse. sa kanya pala iyon. napahanga ako sa ganda ng kotse niya.
"like it?" tango lang ako. "you like it better inside." sabay pasok. totoo nga, mas maganda sa loob. may sariling tv yung kotse niya. naglabas siya nang cd. nakita ko sa cover na si iyaz ang artist. tumugtog yung favorite song ko na solo. sinasabayan ko nang kanta. sumabay din siya sa may bandang chorus.
"i like that song very much" sabi niya.
"ako din. yung lyrics niya eh sobrang nakakarelate." sabay ngiti ko. nakita ko siyang tumingin sakin na parang nagtatanong pero minabuti niyang tumahimik na lang. ilang saglit pa at nasa sm na kami. dumiretso na kami nang foodcourt dahil trip niya daw na doon kumain. umikot kami at namili nang makakain. di naman ako makahirit na ang gusto kong kainin eh seafoods dahil nahihiya ako kaya hinayaan ko na lang siya. huminto kami sa isang food stall na puro seafoods. sinabihan niya akong umorder na pero sabi ko sa kanya siya na ang bahala at maghahanap na ako nang uupuan namin. inaantay ko siya nang biglang tumwag si arjay.
'best, asan na kayo? asa room niya?' tanong niya.
'loko ka best. andito kami sa foodcourt ng sm. bakit?'
'give me an update best huh. i'm super excited.'
'excited san?'
'sa pwedeng mangyari.'
'tumigil ka nga jan. masyado tong assuming.' sabay tawa ko. tumawa din siya. kasalukuyan pa kaming nag-uusap ni arjay nang umupo si andrei sa tabi ko. kinabahan ako bigla. of all places ba naman kasi sa tabi ko pa. pwede naman sa harap ko. sobrang hussle talaga ni andrei. na-stress ako sa ginagawa niya. nagpaalam na din agad ako kay arjay.
"who's that?" tanong niya.
"my bestfriend arjay."
"ah kala ko kung sino na. musta naman kayo nang gf mo?" tanong niya ulit.
"gf? wala akong karelasyon up to now dahil ayoko masira concentration ko sa pag-aaral sayang naman scholarships ko." sagot ko naman. parang hindi siya convinced pero tumahimik na lang siya. "kaw? how's your status with gf?" ganting tanong ko.
"she sucks. ayaw ko na sa kanya pero pinipilit pa rin niya sarili niya sakin. i'm not inlove with anybody else. gusto ko lang maging single. maging free."
"bakit? sinasakal ka ba niya sa relationship niyo?"
"that's exactly the term. i hate that kind of relationship. di naman kami mag-asawa para higpitan niya ako nang ganun. i'm sick of her." tumahimik na lang ako. i don't know the feeling pero somehow i empathize with him.
"nga pala, just wondering, how'd you get my number? i don't remember of you asking for it. sa book ba? that seems to be impossible di ako naglalagay ng phone number dun eh."
"don't think too much magkakawrinkles ka nyan and you're too young for it. hahah." lakas ng tama nitong taong to. "alright, i got it from arjay. i talked to him kahapon when we bumped onto each other kasi i had this strong feeling na wala kang balak sumipot. and true enough, you make me wait." napahiya ako sa sinabi niya. bigla akong napayuko. he touched my chin and lifted it up. "don't feel sad, okay lang yun nuh. di naman ako galit eh tsaka im not in the position. im happy pa nga na kasama kita right here eh. promise." sabay taas niya nang kamay. feeling ko that time na babae ako at nanliligaw siya sakin. di naman maiwasan na pagtsismisan kami nang mga nakakakita samin lalo pat dalawang lalaki ang sweet in public. bigla na lang ako natawa sa pagiging seryoso niya. sumabay na din siya nang tawa.
ang tagal naming kumain. dumiretso kami nang arcade nang maubos namin yung pagkain. pampalipas oras lang tsaka pampababa nang kinaen. masaya siyang kasama at nag-eenjoy ako. lalo tuloy akong nafofol sa gayuma niya. everytime na titingin siya sakin at ngingiti, feeling ko na nagpapacute siya sakin. may mga oras pa na he's so extra caring sakin. pupunasan niya ako nang pawis or bibilhan ng drinks or aakayin papunta sa upuan. di ko alam kung anong motibo niya at ginagawa niya yun sakin. in return, ginagawa ko din yun sa kanya. pinupunasan ko din siya nang pawis. feeling ko talaga na ineenjoy niya yung ginagawa ko sa kanya. parang nag-papaalaga siya sakin. nang mapagod na kami sa kakalaro eh naisipan naming bumili nang zagu. tumambay muna kami habang nilalasap ang lamig nang zagu.
"did you had a great time?"
"tinatanong mo ko? eh obvious naman di ba. i enjoyed your company." sabi ko. ngumiti siya.
"good to know that you enjoyed your time with me. siguro naman next time if i ask you out di ka na maghehesitate pa na pumunta. besides i'll make sure na makakauwi ka nang safe sa inyo."
"bakit? me kasunod pa ito?" birong tanong ko sabay tawa. feeling at ease na ako sa kanya.
"oo naman if you want."
"ang sabihin mo, i dont have a choice to say no."
after ng last sip namin nang zagu, napagpasyahan na naming umuwi na dahil magko-close na din ang mall. habang nasa car sinasabayan padin namin yung kanta ni iyaz na solo. di nagtagal at nasa tapat na kami nang bahay namin. nainis naman akong bigla kasi gusto ko kasama ko pa siya nang matagal eh. pero no choice ako kundi bumaba nang sasakyan niya. bumaba din siya nang sasakyan niya para ihatid ako hanggang gate namin. pinapasok ko siya sa loob ng bahay.
"pasensya ka na andrei huh, maliit lang tong bahay namin and medyo magulo."
"ano ka ba. okay lang yun ano. ilan kayo here?"
"4 lang kami. si nanay at si tatay at yung bunso naming lalaki." nakapasok na kami sa loob. eksakto namang kumakain sila ng dinner kaya inaya namin siyang kumain na din. pulang itlog na may kamatis ang ulam namin.
"nay, tay, si andrei po. kaibigan ko. andrei, ang nanay at tatay ko at ang kapating kong si niko."
"hello po tito and tito and niko."
"halika, dumulog ka na samin at sabay sabay na tayong kumain." paanyaya ni nanay. feeling ko di niya naintindihan yung word na dumulog kaya inaya ko na siyang kumain. umupo naman siya sa tabi ko. "anak, bigyan mo nang plato niya si andrei at kubyertos." ginawa ko naman at inabot sa kanya. napansin niya atang wala akong kutsara at tinidor kaya nagtanong siya.
"why don't you have these?"
"kasi sanay kami ditong kumain ng nakakamay pag ganito ang ulam." naamazed si andrei sa nalaman niya.
"eh bakit mo pa ako binigyan nito if you're not gonna used them it's unfair." sabay tawa. kaya ayun at hindi na nga niya gagamitin pa yung kutsara at tinidor. nagulat pa ako na nung binaba niya kamay niya sa ilalim nang table eh hinawakan niya yung kamay ko nang mahigpit. tiningnan ko siya pero hindi siya nakatingin sakin pero nakangiti siya. naguguluhan na talaga ako sa mga ikinikilos niya.
iniabot ko sa kanya yung rice at kumuha naman siya, sinunod kong inabot yung ulam. nilagyan ko na din ang sarili kong plato para makakain na. enjoy na enjoy si andrei na kumain ng nakakamay. natawa pa kami nang bigla siyang sinukin. niloko pa tuloy siya nang kapatid ko na matakaw. dali naman akong kumuha nang tubig para ibigay sa kanya. in fairness naman sa tubig namin, distilled iniinom namin kaya hindi nakakahiya sa bisita. masaya kaming natapos sa pagkain. nang makapagpahinga na kami nang maayos eh nagpaalam na din si andrei na uuwi na. hinatid ko siya sa labas.
"thanks for coming." sabi niya. medyo magulo yung sinabi niya. di ko naman siya matanong kasi kakahiya naman baka isipin niya assuming ako. bago siya tuluyang sumakay eh bigla na lang siyang bumalik at hinalikan ako sa pisngi sabay takbong pabalik sa kotse niya. gulat na gulat talaga ako sa mga pangyayari. bakit niya ako hinalikan sa pisngi? para san yun?
hindi ako dalawin nang antok. iniisip ko lahat nang mga pangyayari. buti na lang at linggo bukas. di ko problema pag late akong nagising. ayoko naman itext si arjay dahil baka mag-feeling iyon. pinilit ko talagang matulog na. nang malapit ko nang makuha yung tulog ko eh bigla na lang nagring ulit un phone ko. nakita ko number ni andrei. sinagot ko naman.
'ton, i can't sleep. did i disturb you?'
'nope, hindi din ako makatulog eh.'
'ganun ba? i should have stayed there for the night. mukhang masaya dyan eh.'
'bakit dyan hindi ba masaya?'
'mom and dad are not here. nasa US sila. they left me here para daw matuto ako nang manners lalo na nang filipino culture and norms. in short, im alone here.'
'wala kang kasama? as in?'
'i have maids naman. pero i don't have a family i can call dito sa bahay.'
'if you're bored, you're welcome naman dito sa bahay and have my family as yours. share tayo.'
'para namang gamit yang family mo at magseshare tayo.'
'nag-iinarte ka pa jan. kaw na nga tinutulungan eh.' sabay tawa ko. tumawa din siya.
'am i welcome in your house?'
'oo naman.'
'always?'
'oo sabi eh makulit ka huh.'
'can't wait to see you again. i enjoyed the time i had with you.'
'me too.' wala sa sarili kong tugon.
'so, let's call it a night?'
'good night andrei.'
'good night ton.' sabay putol ng line.
(itutuloy...)
1 comments:
Nu ba yan. Kilig to the max
Post a Comment