gabi na nang ako ay magising. wala na si andrei sa aking tabi. hinanap siya nang aking mga mata pero nabigo ako. ni anino niya ay ayaw magpakita sa akin. akma na sana akong tatayo nang mapansin kong may suot na akong damit. alam ko na kung sino ang nagbihis sakin. ang saya ko nang mga oras na iyon. oo nga't naibigay ko kay andrei ang aking puri pero masaya naman ako sa nangyari.
para akong prinsesa sa sariling pamamahay ng buksan ni andrei ang pintuan ng aking kuwarto at may dala-dalang tray ng pagkain. amoy pa lang ay alam ko nang mapapalaban ako.
"dinner on bed!" sabi pa niya sa akin. natawa pa ako sa kanya. nagpapaka-sweet na ewan. hindi naman ako buntis para ganito na lang ang treatment sakin aside from the fact na gabi na.
"sige tumawa ka lang and after that you will eat these."
"kaw nagluto?" tanong ko.
"yeah pero nanay helped me how to make this adobong gizzard and liver." amoy pa lang ulam na. mas gusto ko sa adobo yung medyo spicy. dahil sa si nanay ang tumulong sa kanya, sakto lang ang anghang nang adobo niya. napansin kong pinapanood niya lang akong kumain kaya naman inaya ko na din siya. ayaw niyang kumain unless subuan ko daw siya.
"ang sosyal mo naman. infant ka ba at kailangan pa kitang subuan?"
"yeah, i'm your baby!"
"what?!" gulat kong sabi. "baby ka dyan. upak gusto mo?"
"just kidding. hahah." ang sarap talaga pakinggan nang tawa niya. there's something on the way he laughs that's always been mesmerizing me. "kumain na ako kanina sa baba. si nanay kasi ayaw akong pasabayin kumain sayo. ayun at bonding ulit kami."
nang matapos na akong kumain, niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at bumaba na papuntang kusina para hugasan ito. nakita ko sila tatay na nag-iinuman kasama nng mga barkada nito. feeling ko may tama na si tatay kasi sobra na niyang daldal.
"yang si tonton, kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan." touched naman ako sa sinabi ni tatay kaya naman ng makita kong paubos na iyong pulutan nila, pinagluto ko sila. inihain ko naman agad ito sa lamesa nila.
"mga pare, eto ang anak kong si tonton. maraming nagsasabing bakla ito pero hindi ako naniniwala. masyado lang busy yan sa pag-aaral niya kaya wala siyang panahong magkaroon nang kasintahan. tamo, baka paggraduate niyan magulat kayo at may apo na agad kami." natatawa ako sa mga pinagsasasabi ni tatay pero sinakyan ko na lang.
"pare, hindi ba syota nang anak mo yang bisita niyo? lagi ko kasi silang nakikita na magkasama." sabi nang isang kainuman niya.
"naku hindi, bestfriend niya iyon kaya madalas silang magkasama." at tuloy ang kwentuhan ng mga lasing.
hindi ko na itinuloy yung pakikinig sa mga usapan nila dahil baka kung ano pa ang madinig kong mali. habang papalayo, naisip ko na sana, sana, kami ni andrei ang magkatuluyan.
dumiretso ako nang gawi sa may tv para magpalipas ng ilang oras dahil malapit na din namang matapos sila tatay sa session nila. makalipas ang isang oras at isa-isa nang nagpaalam kay tatay ang mga kabarkada nito. tuluyan na ding umakyat si tatay para matulog. ako naman ay lumabas para ayusin ang mga kalat nila.
napagod ako sa dinami-dami nang mga iniwan nilang kalat kaya naman dumiretso ako sa likod ng bahay para magpahinga. sa paborito kong duyan ako pumwesto. tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit na nagsisipagkislapan. nagwish ako nang may dumaan na isang bulalakaw.
pagmulat ko nang mga mata ko ay nakita kong papalapit si andrei sa kanlungan ko.
"sabi ko na at dito lang kita mahahanap."
"bakit mo naman ako hinahanap?"
"ahm, bonding time."
"ah"
"how are you na? does it still hurts?" pag-aalala niyang tanong. kinapa ko naman ang sarili kung masakit pa yung tuhod ko.
"hindi na masakit yung tuhod ko and nag-stop na din yung pagdugo niya."
"eh yung isang sugat?" namula ako sa tanong niya. alam ko na ang tinutukoy niya.
"i'm fine okay. everything's fine."
"okay, just wanted to make sure." bigla siyang tumahimik. "ton?"
"uhm?"
"i'm dead serious when i said that i liked you. at alam ko you're wondering why. even i don't know the answer. basta one day i had this feeling na i wanted to see you everyday."
"ah kaya ka siguro palaging tumatambay sa library pag andun ako noh?" alaska kong tanong sa kanya.
"yeah!" diretso naman niyang sagot. tumingin siya sakin. naguguluhan ako sa mga revelations niya.
"una pa lang kitang nakita noon sa orientation eh i felt na magiging close tayo. i never thought of falling for you." tahimik lang ako lalo. "one particular situation eh nung nakita kitang umiiyak sa mall. i really wanted to offer you my shoulder for you to cry pero nahihiya ako sa iyo. tapos umalis kayo and you both went to mcdo and buy some stuffs, i too. i followed you kahit kasama ko si joanne. when you went inside the movie theatre, kami din nakipila. and yung incident sa cr, that was just purely coincidental. pero nagmadali kang lumabas. i really felt that time na you saw me and joanne in an intimate moment, which was the reason why you wept."
"hoy, excuse me huh. hindi ikaw ang iniyakan ko nun noh." nagpaka-defensive ako pero tuloy lang siya. nakakainis siya. nababasa niya ako.
"i don't believe you. bakit hindi mo masabi sakin na you like me also. there's nothing wrong with that. makikipagbreak ako kay joanne para ma-meet ko standard mo."
"hindi mo alam ang mga sinasabi mo."
"alam ko kung anong sinasabi ko and i firmly stand on my position. hindi mo naman kailangan pang magkunwari sakin eh dahil obvious ka. hindi ka sanay magsinungaling. i can see you through. alam ko natatakot ka lang sa sitwasyong papasukin natin pero one thing i'll assure you, i will never leave you just let me stay. let me occupy a space in your heart." sabay turo niya sa dibdib ko. at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin at dahan-dahang hinalikan.
napaka-sweet ng kiss niya that night. full of passion, full of love. yun na ang naging confirmation namin na officially kami na.
since that night, lagi na kaming magkasama ni andrei. kahit saan ako pumunta ay laging siya ang kasama ko. kapag duty ko sa library, andun din siya at tinutulungan ako. nagtataka na yung mga kasamahan ko dun pero ang sabi ko na lang may kasalanan ulit siyang ginawa kaya't tuloy ang punishment sa kanya.
pag asa labas naman kami, he will make sure na happy ako sa company niya. tinatrato niya akong isang babae. minsan nga napapangiti yung asa cashier sa mga stalls sa mall dahil sa ipinapakita niyang sweetness sakin. pinagsasabihan ko siya pero he doesn't mind. ang rason niya, he's proud of me and what we have. hinayaan ko na lang siya.
minsan, nagdate kami sa sm. inikot namin ang lahat ng mga stalls gaya nang dati. nang mapagod, kumain kami sa wendy's. burger at drinks lang inorder namin. maya-maya, may tumawag sa kanya. tumayo siya at lumayo gaya nang dati. hindi naman issue sakin yun eh. meron siyang right for privacy kaya hinayaan ko lang siya. lumingon lingon ako sa paligid ng mapansin ko na may isang lalaking nakatitig sakin. nakipagtitigan ako. hindi ko namalayan na bumalik na si andrei sa upuan niya at nakita akong nakatingin dun sa lalaki.
"hey ton. who are you looking at?" nabigla ako sa tanong niya.
"wala naman." tumango naman ito.
"oh okay."
"cr lang muna ako. need to unload." at tumayo na ako.
pagpasok ko nang cr sumabay din ng pasok yung lalaki. natatakot na ako sa nangyayari. stalker ba siya? bakit ako? hindi naman ako public figure or ano. kabado akong umihi. parang ayaw lumabas ng ihi ko pero pinilit ko. konti lang ang lumabas at medyo nairita ako kaya lumabas na ako nang cubicle. paglabas ko andun padin yung lalaki. palabas na ako nang bigla niya kong harangin.
"hindi ka dapat nakikipagmabutihan sa lalaking iyon. you barely know him." dahil sa iritable ako, iba ang naging reception ko sa sinabi niya.
"teka nga, sino ka ba? kilala ba kita?"
"ako si ryan. hindi mo ako kilala pero ikaw kilala kita lalo na iyong kasama mo. kung may namamagitan na sa inyong dalawa, mag-isip isip ka na ngayon pa lang."
"mag-isip isip san? tsaka ano ba mga pinagsasasabi mo?"
"mali na pinatulan mo si andrei dahil guguluhin niya lang ang tahimik mong buhay!"
"bakit isa ka ba sa mga taong nagulo ang buhay dahil sa kanya?"
"sabihin na nating oo at hindi ko makakayang may gawan pa siya nang ganoon."
"teka nga, ano ba kasi ang nangyari? naguguluhan ako." nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si andrei. nagulat pa siya nang makita kung sino ang kausap ko.
"r-ryan?" bigla niyang tanong.
"ako nga drei. kamusta na? siya na ba ang bago mong biktima?"
"shut up ryan. hindi mo alam ang mga sinasabi mo. don't listen to him ton everything he'll say are not true."
"masyado ka namang defensive drei. wala naman akong sinasabi sa kanya eh. just a simple hi lang. kung maka-react ka naman ngayon kala mo naman may malaki kang sikreto na ayaw mong malaman niya." naguguluhan na ako sa mga nangyayari kaya nag-excuse na ako sa dalawa at tuluyan ng lumabas. narinig ko pang sinabi ni andrei na 'you'll pay for the cause you made this time ryan, you'll pay.'
diri-diretso ako sa may labas ng mall. walang lingon likod na naglakad palayo sa lugar na iyon. parang sasabog ang ulo ko sa mga sinabi ni ryan sakin. hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang sabihini iyon sakin. sino ba si ryan? sino ba talaga si andrei?
biglang bagsak ng ulan. wala akong pakialam kung mabasa ako. lakad lang ako nang lakad. walang alam kung san pupunta nang mapadpad ako sa isang bakanteng lote na may bench sa ilalim nang puno. naisipan kong umupo muna dun at magmuni-muni. inilabas ko ang cellphone ko dahil nagvibrate. si andrei tumatawag pero wala akong balak na sagutin. gaya ko nabasa din ito at biglang nag-off.
ang lungkot naman ng araw na iyon. kahapon masaya ako ngayon naman totally the opposite. gusto kong itext si arjay pero paano? ayaw mag-on ng cp ko. mukhang nasira na dahil nabasa nang ulan. gusto kong uminom pero paano ulit basa ako. hindi ako papapasukin sa loob. kainis, wala akong magawang iba.
di din nagtagal at tumila na ang pagtangis ng kalangitan kaya napagpasiyahan kong umuwi na. habang naglalakad, nakita ko si andrei kausap si ryan at mukhang galit na galit. nagkubli ako pero nakabukas ang tenga sa mga pinag-uusapan nilang dalawa.
"damn you ryan! why are you doing this to me?"
"tangina ka drei! nagtanong ka pa kung bakit. alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ba? minahal kita noon. buong buhay ko sayo ko lang inalay. pero bakit bigla kang nagbago. nung mga unang araw natin sobrang sweet mo sakin. pagkatapos ng 2nd monthsary natin, nakipaghiwalay ka sakin at ipinagpalit mo ako agad sa iba."
"dahil hindi kita minahal i was just forced by my friends to court you and prove them that you are gay. it was peer pressure."
"peer pressure? shit, yan ang pinaka-walang kwentang rason na narinig ko galing sayo. ang sabihin mo, natatakot kang mabansagang bakla. kagaya din naman kita drei eh isa kang gay, bayot, bakla, bading --- "
PAAAAAAKKKK! isang suntok ang ibinigay ni andrei kay ryan. natumba ito at duguan ang nguso.
"yan lang ba ang kaya mo huh drei?"
"stop it ryan! you're crossing your line already. baka hindi na ako makapigil at mapatay kita."
"hindi ako natatakot sayo drei. i'll do what i have to do para hindi tuluyang mahulog si tonton sa mga kamay mo. kawawa naman iyong tao. napakatahimik niya para guluhin niyo ang buhay niya. at gaya ko, pinagpustahan niyo pa siya para lang mapatunayang kagaya ko rin siya. hindi ka na ba naawa sa kanya o talagang wala ka nang natitirang awa diyan sa sarili mo." akmang susuntukin ulit ni andrei si ryan ng bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko. laking gulat nito nang makita ako. binitiwan niya agad si ryan at lumapit sakin.
"ton listen to me. lahat nang narinig mo ---"
"you don't have to explain mr. hughes. i've heard so much today and i'm tired of listening to your explanations." pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"don't tell me naniniwala ka sa mga sinabi niya."
"i don't know. di ko na alam kung sino pa ang papaniwalaan ko. everyone's been so selfish. wala na kayong ibang inintindi kundi ang mga sarili niyo. " nagbreak down na ako at nag-unahan ang mga luha ko sa pag-agos.
"hindi ganun yun ton, mahal kita at totoo ako sa nararamdaman ko sayo. please listen to me. i know that your heart believes me." sabay yakap sakin ng mahigpit.
"i'm sorry hindi ko na alam pa kung anong totoo sa mga sinabi mo." unti-unti namang lumayo si ryan hanggang sa tuluyan ng mawala. "loose your grip drei, i'm calling it off."
"ano? you're breaking up with me?"
"i guess, just to be fair."
"that's unfair! you don't really know the situation here ton. please don't leave me, let's start again. i love you so much!" pagmamakaawa ni andrei pero hindi ko na siya pinakinggan pa at tuluyan ng umalis.
masyadong heavy ang araw na ito. pag-uwi ko sa bahay napakatahimik. nakalimutan kong nagpunta pala silang lahat sa lola ko sa karatig bayan para magbakasyon. ako lang nag-iisa sa bahay kaya hindi ko maiwasang hindi malungkot. sira pa ang cp ko kaya hindi ko matawagan si arjay. itinulog ko na lang lahat ng mga sakit na nararamdaman ko.
(itutuloy...)
0 comments:
Post a Comment