Saturday, November 3, 2012

Huling Paalam



Hi guys,


Heto po halloween special ko para sa ating lahat. Aheheheheh. Ewan ko pero sana magustuhan niyo. Nga pala, regalo ko ito sa inyo ngayong kaarawan ko. :) Maraming salamat sa inyo.


Lovelots,


dhenxo :))


*************************************************************************************


Kitang kita ko ang mumunting butil ng luha na lumalabas sa magkabilaan mong mga mata. Nagkamali ako pero hindi ko na maibabalik pa ang mga panahong iyon. Gusto ko mang bumawi pero huli na ang lahat. Nahihirapan ako sa nakikita ko sa’yo. Labis ang aking pagsisisi.


Hindi mo ako deserve. Maghanap ka na ng iba. Malaya ka na. Paulit-ulit na sambit ko sa aking sarili. Wala akong lakas ng loob na isatinig iyon.


“Mahal na mahal kita Gino.”


Ako din Riko. Sobrang mahal na mahal pero kailangan mo na akong kalimutan.


“Bakit mo ginagawa sa akin ito?” tanong mo na may pagka-garalgal ang boses.


Napayuko ako.


“Alam mo bang nasasaktan ako. Tingnan mo ako!” may kalakasan mong tinig habang patuloy ka sa pagtangis.


Napaangat ako ng mukha.


Bakas na bakas ko ang hirap, sakit at lungkot sa iyong mukha lalong lalo na sa mga mata mo. Napatingin din ako sa mga tao sa paligid at lahat sila ay may nagtataka’t malulungkot na titig. Lahat sila nakatingin sa ating dalawa.


“Sabi mo mahal na mahal mo ako pero kabaligtaran yung ginagawa mo sa akin. Hindi ko maramdaman pagmamahal mo.”


Sorry kung hindi ko naibabalik sa’yo iyong pagmamahal na hinihingi mo. Alam ko napakawalang kuwenta kong boyfriend kasi imbes na pasayahin kita, heto, pinapaiyak ka.


“Naalala mo pa ba paano tayo nagkakilala?”


Pilit ko namang inaalala.


“Hindi mo na siguro naaalala pero sige ikukuwento ko.” Dumukot ka bigla ng panyo at pinunasan mo iyong mukha mo.


“Bestfriend ko iyong girlfriend mo noon. Tapos magkasama kayong sumundo sa akin sa airport galing probinsiya. Alam mo ba na unang kita ko pa lang sa’yo noon gusto na kita? Kaso off limits ka na eh.” Bahagya kang natawa sa nasabi mo, ako nama’y napangiti.


Maliwanag pa sa akin lahat ng iyon at sa tuwing naaalala ko iyon ay napapangiti talaga ako. Mukha ka kasing haggard nun eh. Nakita ko naman na lumapit siya sa tabi mo.


“Alam mo bang ramdam kong may gusto sa iyo itong bestfriend ko? At ng mga panahong iyon, I’m falling out of love na, nagiging dragging na kasi iyong relationship natin.” Sambit niya.


Nakaramdam ako ng bahagyang lungkot ng maalala ko ang tagpong nakikipaghiwalay ka na sa akin. Napakasakit niyon sa akin dahil labis ko siyang minahal. Naputol lang ako ng muli kang nagsalita.


 “Tapos ikaw pa bumuhat ng mga gamit ko. Feeling babae ako nun. At talagang hinatid niyo ako sa tutuluyan ko. Sobra kong na-appreciate iyon. Simula noong araw na iyon lagi niyo na akong sinasamang dalawa. May mga times pa na tayong dalawa lang ang lumalabas.”


“At feeling nitong si Riko, nagde-date kayo.”


Pinamulahan kang bigla. Napangiti na naman ako. Gustong gusto kong nakikita kang nagba-blush kasi doon ko nararamdaman na mahal mo ako.


“At noong nag-break tayo alam kong si Riko ang tumulong sa’yo. Alam mo ba, isang malaking favour iyong binigay ko para sa inyong dalawa.”


Napatingin kami pareho ni Riko sa kanya.


“Totoo naman ah kasi kung hindi ko ginawa iyon di sana hindi kayo nagkaaminan na may nararamdaman kayo sa isa’t isa. Ako pa ang naging tulay niyong dalawa.” Kita ko na masaya siya sa mga sinasabi niya.


Tama ka. Salamat Angie. Hulog ka ng langit samin.


“At alam niyo bang ako ang unang unang taong naging masaya nung nalaman kong kayo na? Walastik. Pero sa una natakot ako kasi baka ginagawa mo siyang panakip butas pero you proved me wrong.”


He was there when I was down kaya naman natutunan ko na siyang mahalin. Sino bang mag-aakala na magtatagal kami ng 5years, mas matagal sa naging relasyon natin.


“Pasensya na at na-interrupt ko moment niyo. Sige maiwan ko na muna kayo.”


Angie, salamat ulit.


“Walang anuman Gino.”


Nang tuluyan ng nakalayo si Angie ay bigla ka na namang nalungkot at naiiyak. Hinawakan ko ang pisngi mo. Tumingin ka sakin.


“Gino, hindi ko kayang mawala ka.” Bigla mong sabi. “Huwag mo naman gawin sa akin to. Nagmamakaawa ako.” At tuluyan ng bumuhos muli ang mga luha mo.


“Sabi mo walang iwanan pero bakit ikaw ang unang bumitaw? Napakadaya mo! Paano na mga pangarap natin?”


Sa totoo lang nahihirapan akong tingnan siya. Nagkamali ata talaga ako, pero anong magagawa ko. Sa ganito na nagtapos ang story nating dalawa.


“Pwede ko bang marinig or maramdaman man lang iyong pagmamahal mo sa akin kahit sa huling pagkakataon?” pakiusap mo sa akin ngunit hindi ako kumibo.


Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko pero kailangan eh. Kailangan mo ng mag-move on. Kailangan mo na akong kalimutan. Kailangan mo nang mabuhay ng wala ako sa piling mo.


“Hindi ko kayang mawala ka. Please lang bumalik ka sa akin. Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat.” Patuloy mo pa ring sambit.


Ginawa mo na ang lahat Riko pero hanggang dito na lang talaga. Hindi na kita masasamahan pa sa mga susunod na araw.


Patuloy ka pa rin sa pagmamakaawa na balikan kita. Ilang beses na ring bumalik si Angie sa atin para lang patahanin ka pero ayaw mong papigil. Nasasaktan akong makitang nagkakaganyan ka pero nakapagdesisyon na ako. Ito na ang huling beses na magkikita tayo ng personal. Lalayo na ako para sa ikabubuti nating lahat.


Papasikat na ang araw ng muli kang balikan ni Angie.


“Riko, tama na. Kailangan na nating maghanda pareho. Maya-maya darating na ang iba pa nating mga kaibigan pati na mga kamag-anak ni Gino.”


“Sasama ako sa kanya.” Sagot mo habang nakatingin sa akin.


“Hindi pupwede. Kailangan mong mabuhay para sa sarili mo, para sa aming mga buhay pang nagmamahal sa’yo. Alam mo kung nandidito pa si Gino hinding hindi papayag iyon na nagkakaganyan ka.” Panenermon ni Angie sa’yo.


Napailing ka at napilitang tumayo.


Oo nga pala, ngayon na ang itinakdang araw ng libing ko. Hindi ko masisisi si Riko, nagmahal lang siya ng sobra ngunit iniwan ko siya. Sino bang mag-aakala na sa isang maliit na sugat lang sa paa ang magiging katapusan ng pagmamahalan namin.


Tumayo ako at lumapit sa’yo.


Riko, mahal na mahal kita. Lagi mo sanang tatandaan iyan. Paalam. Niyakap kita at hinagkan sa mga labi. Napapikit ka. Alam kong naramdaman mo iyon dahil napangiti ka.


Ngayon masaya na akong aalis bitbit ang ngiting iyon. Paalam Riko. Paalam.

Sunday, July 29, 2012

Give Your Heart a Break v



“I just want to remind you young man na may boyfriend ka na at hindi tama na nakikipaglandian ka sa iba lalo na sa ex mo. Paano na si Aljohn?” bungad ni mama ng makapasok na kami sa loob ng bahay.

“Ma, wala naman ng masama dahil we’re all grown up and besides hindi ako nakikipaglandian.” Pagdepensa ko sa sarili ko.

“Sigurado ka?”

Tumango lang ako sa kanya.

“Kung hindi pala pakikipaglandian ang makipaghalikan anong tawag dun? Greetings? At sa lips?”

Napamaang ako. Patay, nahuli kami.

“Pe-pero hindi ako ang nanghalik ma. Si Mac iyon.”

“Regardless, may utak at judgment ka na para tumanggi sa gusto niya.”

May point siya. Natahimik ako dahil nahihiya ako. Guilty as charged. Napabuntong-hininga na lang ako.

“I’m sorry ma.”

“Hindi kita pinalaking ganyan Jay. Pumayag ako sa kagustuhan mong magmahal ng lalaki dahil may tiwala ako sa’yo at gusto kong lumigaya ka pero sana naman ingatan mo iyon.” Patuloy nitong pangangaral sakin.

“Opo.” Nasambit ko na lang.

Matagal na nanaig ang katahimikan sa loob ng bahay. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang tinamaan ako sa mga sinabi ni mama. Hindi ko siya pwedeng barahin ngayon dahil may mali ako. Bakit ko nga ba kasi hinayaang halikan niya ako.

Naupo na lang ako sa sofa sa sobrang pagkadismaya. Rinig ko naman ang ingay na nagmumula sa kusina ngunit balewala sa akin iyon. Nailing ako ng maalala ko ang nangyari kani-kanina lang.

Ano na lang kaya magiging reaction ni mama kapag nalaman niyang pinagbigyan ko si Mac na subukang bawiin ako kay Aljohn. Buntong-hininga na lang ang naisagot ko.

“May sasabihin ka pa ba sa akin?” tanong ni mama habang inaabot nito sakin ang mug kong may gatas.

Inabot ko naman ito. Naalala ko na madalas gawin ito ni mama sa akin noong bata pa ako sa tuwing lagi ko siyang nabibigo at talagang dinadamdam ko. Tiningnan ko muna siya bago humigop. Hindi ko alam pero mukhang hindi umeepekto iyong gatas.

Mukhang nakuha naman niya ang nararamdaman ko kaya tumabi na ito ng upo sa akin at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Biglang namuo iyong mga luha ko sa ginawa niya.

“Guys need to cry every once in a while.” Wika niya habang hinahaplos ang buhok ko.

“Ma, I’m sorry for disappointing you. Promise I won’t do it again.”

“Shhhhh, quiet. Nag-e-emote ako.”

Napakalas ako sa yakap nito at tiningnan siya. Kita kong nakapikit ito ngunit bakas din sa pisngi nito na nabasa ito ng luha. Kinabig niya ako ulit payakap sa kanya.

“I love you so much ma!”

“I love you more baby.”

Hindi na namin namalayang nakatulog na kaming dalawa sa sofa. Napasarap tulog ko dahil nagising na lang ako na may naaamoy akong ginigisang bawang at sibuyas. Napakabango. Bigla tuloy akong nagutom.

Tumayo ako at tumungo sa kusina. Iniyakap ko ang mga braso ko sa baywang niya.

“Gising ka na pala.”

Hindi ako sumagot.

“Naku naman, naglalambing baby ko. Hala magmumog ka na muna ng makakain na tayo. Lapit na rin maluto itong paborito mo.”

Hindi ako kumilos. Narinig kong itinigil niya ang paghahalo sa niluluto at hinarap ako.

“Aga-aga naman nito. Hey, ano? Ganyan na lang tayo hanggang maghapon?” wika niya.

Natawa ako sa inasal niya.

“I feel like hugging you all day ma. I’m safe when I’m in your arms.”

“Sus, bolero. Matapos mong makipaglandian kahapon maglalambing ka ngayon. Ano iyan bawi-bawi?”

“Kainis ka naman. Naglalambing na nga lang ako sa’yo eh. Tandaan mo ma, dalawang buwan din akong mawawala.”

“Ay oo nga pala. Sige diyan ka na lang buong maghapon para wala tayong magawa pareho.” Pambabalewala niya sa sinabi ko.

“KJ!” sambit ko sa kanya sabay kalas at tumungo na sa banyo para mag-ayos. Rinig ko pa ang pagtawa nito.

Matapos kong mag-ayos dumiretso na ako sa hapagkainan. Pagkaupo ko ay sabay na kaming nagdasal at sinimulan ng kumain.

“Your foods are great. One of the best in town.”

“In town lang?”

“Your foods are great. One of the best in the country.”

“Country lang?”

“Fine. Your foods are great. One of the best in the whole wide world kahit pa sa lahat ng universe sa kalawakan. Happy?”

Ngumiti lang itong nang-iinis.

“Ikaw sumosobra ka na huh. Kanina pang pagkagising ko basag na ako sa’yo.”

“Kasalanan ko?”

“May sinabi ako.”

At nagkukuwentuhan kaming dalawa habang nag-aagahan. Hindi sinasadyang masagi sa usapan namin ang update sa relasyon namin ni Aljohn.

“Hindi pa rin po kami nakakapag-usap hanggang ngayon.”

“Mukhang may katagalan na ring hindi nagpaparamdam iyon ah.”

“Miss ko na nga siya eh.”

“May balita ba nanay niya tungkol sa kanya?”

“Wala nga po eh. Ewan ko ba sa isang iyon bakit hindi magawanag magbalita man lang. Kakatampo na nga eh.”

“Hmmmm.”

Napatingin ako rito.

“Why?”

“Kaya ka siguro naglalandi dahil nami-miss mo siya at sa ganoong way mo inilalabas. Tama ba?”

“Hindi ah.”

“Lokohin mo pa ako. Mama mo kausap mo.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Okay. Anyway, any plans sa pagre-review mo?”

“Baka luwas na kami ni Tonton next week para mag-enrol tsaka para maghanap ng matitirhan.”

“Hindi niyo na kailangang maghanap ng matutuluyan, nakakita na ako sa may Recto. Ayos naman iyong facilities and nakapagbayad na rin ako ng 18k doon para sa two months stay niyo.”

Nanlaki mata ko. “Seryoso?”

“Hindi joke lang.”

“Ma!”

“Oo nga. Ang kulit mo.”

Napatayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

“Thank you so much ma! You’re the best mom in the whole wide world.”

“Naman. Ako pa ba?”

“I should tell this to Tonton.”

“Mamaya na kapag tapos na tayong kumain.”

At tinapos na nga naming dalawa ang pagkain namin. Ako na rin ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan. Ramdam na ramdam ko ang good vibes na umaagos sa buong katawan ko. Matapos iyon ay dali-dali kong tinawagan si Tonton para ibalita iyong ginawa ni mama. Tuwang-tuwa ito sa sinabi ko at excited na ring makita iyong tutuluyan namin.

“Labas tayo mayang hapon Jay.”

Nagtaka naman ako.

“Saan tayo pupunta?”

“Magde-date tayo.”

“Weee, excited na ako. Saan tayo magde-date?”

“We’ll watch Harry Potter and the Half-blood Prince.”

“Really? Yes! Yes! Yes!”

Sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko si mama sa pisngi.

“Pero seriously ma, bakit mo ginagawa ito?”

“Siyempre nagdaan din ako sa ganyan dati. Alam ko ang stress ng pagrereview kaya naman gusto ko na bago ka ma-pressure sa pag-aaral, magawa mo naman sana makapag-enjoy.”

“Ang sweet naman. Pa-hug ulit.”

“Nakakarami ka na huh.”

“Aayaw?”

“May narinig?”

“Wala.”

“Wala naman pala. Come here give mama a hug.”

At binigyan ko nga siya ng isang napakahigpit na yakap.

I can tell how much I love my mom and lagi ko iyong ipinaparamdam sa kanya sa tuwing may pagkakataon. She deserves it lalo na’t mag-isa niya akong pinalaki. She’s been the greatest girl friend I ever had and have.

Nang mga bandang hapon na ay gumayak na kami para pumunta sa mall at manood ng movie. Hindi ko na nga maalala when’s the last time na nanood kami ng ganito. Nung high school or nung elementary? Hindi ko na maalala sa tagal.

Enjoy na enjoy akong kasama si mama sa loob ng sine. Kitang kita ko rito na masaya’t nag-e-enjoy din siya sa ginagawa niya. Nang matapos iyong pinapanood naming dalawa ay para itong bata na nagkukwento. Nangingiti ako sa inaasal ni mama.

“Para namang di tayo magkasama sa loob kung maka-kuwento ka.”

“Eh bakit ba nag-enjoy ako eh. Sus!”

“Sus sinabi mo pa. Tutok na tutok ka nga sa screen eh. Akala mo yata ililipat ng channel. Ganyan ka kapag gusto mo pinapanood mo eh, dedma sa kasama.” Tugon ko sabay tawa.

“Ganun talaga.”

Maya-maya pa ay natahimik na ito. Napagod ata sa kakasalita.

“Kain na tayo. Nagutom ako eh.”

“Sa bahay na lang.”

“Hindi na. Tinatamad ako magluto.”

“Sino nagsabi sa’yong ikaw magluluto?” sabi ko.

“Marunong ka?”

“Naman. Ano ba gusto mo? Hotdog, noodles o sunog na kanin?”

“Naku di bale na. Bili na lang tayo dito tsaka natin iuwi.”

“Huwag kang makulit ma huh. Pagbigyan mo na ako this time. Please?” Pagmamakaawa ko rito.

Pumayag naman siya.

“Punta lang ako sa supermarket ma libot ka muna sa department store.”

“Ayaw mong pasama sa akin?”

“Hindi na. Kaya ko na ito. Sobrang gutom ka na ba?”

“Medyo. Merienda naman muna tayo.”

“Sure. Saan mo gusto kumain?”

“Sa mura na lang.”

“Titipid?”

“Hindi naman.”

At dumiretso na nga kami sa Jollibee. Um-order na kami ng kakainin at aktong maglalabas ito ng pera ng pigilan ko.

“Ako na. Libre kita. Hanap ka na lang upuan natin.”

Nangiti siya sa inasta ko. Habang naghihintay sa orders ko ay ka-text ko si Tonton. Sinabi ko lang kung ano mga ginawa namin ni mama ngayon at tuwang-tuwa siyang malaman na nag-e-enjoy si mama. Pansamantala ko munang itinago phone ko kasi kumpleto na iyong order ko. Binuhat ko na ito at isa-isang hinanap kung saan pumwesto si mama. Kita ko naman na nasa may bandang dulo ito umupo sa may parang sofa.

“Sigurado ka bang magluluto ka pa?” tanong niya sa akin.

“Yup.”

“Anong oras na rin.” Sabi niya.

“Kaya yan. Trust me.”

“The last time na pinagkatiwalaan kita binali mo ng slight eh.”

“Ibang trust iyon. Basta I’ll make you proud.”

“Talaga lang huh.”

“Promise.”

“Okay.”

Matapos naming kumain ay naghiwalay na kami ni mama. Siya tumungo sa department store, ako naman ay sa supermarket. Dala-dala ang pushcart ay may biglang kumalabit sa balikat ko. Napatingin ako sa kumakalabit.

“Hey! Andito ka rin pala.”

Ngumiti lang siya.

“Nakita ko kayo ni tita kanina sa Jollibee kaso nahiya akong lumapit.”

“Bakit naman?”

“Mukha kasing nagsasaya kayo eh.”

“Okay.” At muli ko ng tinulak iyong cart. Sumunod naman siya.

“Tapos nung naghiwalay kayo sinundan na kita.”

“Stalker?”

“Siguro.” Sabay tawa niya. “Teka ano bang bibilhin mo?”

“Magluluto kasi ako para kay mama ngayon.”

“Naks, ang sweet naman.” Sabay agaw sa cart. Pinabayaan ko na lang.

“Ganun talaga.”

“Ano bang iluluto mo?”

“Paborito kasi ni mama iyong pork binagoongan kaya iyon sana balak kong gawin.”

“Mukhang masarap iyon ah.”

“Masarap talaga lalo na kapag ako ang may gawa.”

“Sige na lang.”

“Hoy Makko, tigilan mo ako huh.” Sambit ko ng biglang may bumundol sa likuran ko. “Aray ko!”

Tiningnan ko siya at kita ko na inis ito sa ginawa ko. Itutulak niya sana ito ulit ng panlakihan ko ito ng mata. Tumigil siya.

Itinuloy ko na ang pamimili ko hanggang sa tingin ko ay nabili ko na lahat ng ingredients. Agad na kaming pumila sa may counter.

“Anong plano mo ngayong summer?”

“Mag-review.”

“Para saan?”

“Board exam.”

“Saan?” tanong niya.

“Sa Manila.”

“Bakit ang layo? Meron naman tayo dito ah.”

“Doon namin napagkasunduan ni Tonton at ni mama.”

“Pwede ba akong sumama?”

“Magre-review ka din?”

“Pwede makasama ka lang.”

Parang may kung anong sumundot na kilig sa akin.

“Ewan ko sa’yo.” Naiilang kong sagot.

“Kelan niyo naman balak na lumuwas?” pag-iiba niya sa usapan.

“Sa Wednesday na.”

“Ah okay.” Sagot nito.

Matapos kaming mamili ni Mac ay lumabas na kami. Hindi naman ganun karami binili ko. Umalis na rin siya agad. Tinext ko naman na si mama na tapos na akong namili at nasa may labas lang ng department store naghihintay. Maya-maya pa ay lumabas na ito kasama ng ilang paper bags na hawak niya.

“Ilang saglit lang ako nawala parang kalahati na ng department store nabili mo ah.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Well ganun talaga.”

“Tara na?”

“Yup.”

Tuluyan na nga kaming umuwi. Buti na lang hindi masyadong traffic kaya naman saglit lang ay nasa bahay na kami. Pagkapasok ay agad itong umupo sa sofa at nagpahinga samantalang ako ay dumiretso sa kusina para maghanda.

Inuna ko ng hiwain iyong karne para i-marinate bago iyong gulay. Nag-mince na rin ako ng garlic at onion. Hinayaan ko munang manuot iyong lasa ng asin sa karne bago ko ito inilagay sa mainit na kawali. Pinagmantika ko ito hanggang sa maging medyo crispy na siya. Isinunod ko iyong talong. Saglit lang ito maluto pagkatapos ay isinantabi ko muna. Mag-uumpisa na sana akong maggisa ng makita kong may nag-aabot ng bawang at sibuyas.

“Ma, ako na. Pahinga ka na lang doon.”

“Sure?”

“Yup.”

“Baka hindi mo kaya.”

“Kaya ko ito.”

“Okay. Nood muna ako sa sala.”

“Okay.”

Itinuloy ko na nga ang pagluluto. Gisa dito, gisa doon. Lagay nung karne at halo. Konti na lang at matatapos na akong magluto. Inilagay ko na iyong alamang para humalo sa lasa ng karne. Konting halo pa at timpla at tapos na akong magluto.

Nagluto na rin ako ng kanin. Para masigurong hindi ito masusunog ay sa rice cooker na ako nagsaing. Ayoko masira iyong dinner naming dalawa. Habang naghihintay na maluto iyong kanin ay naisipan ko namang ligpitin iyong mga ginamit ko. Hindi na rin naman nagtagal at naluto na iyong kanin. Naghain na ako at inaya na siyang dumulog.

“Ang bango naman ng niluto mo.”

“Siyempre naman. Ako pa?” pagmamayabang ko.

“Ano ba niluto mo?” sabay lapit sa lamesa. Napatda siya.

“Surprise!”

Nakita ko na naluluha siya.

“Bawal magdrama sa harap ng hapag. Magtatampo ang grasya.”

Dali-dali naman niyang pinigilan pagda-drama niya at umupo na.

“Tikman mo nga ma kung masarap.” Sabi ko rito na hindi pa rin ata makapaniwala.

“Masarap yan sigurado ako.”

“Eh, sige na.”

Kumuha naman siya ng kaunti at tinikman. Napangiti siya.

“Pwede na. Lasang binagoongan naman.” Kumento niya.

“Atleast pasado.” Pagmamayabang ko. “Alam kong paborito mo ito kaya ito na naisipan kong iluto.”

“Paano mo nalaman paano magluto nito?”

“Pinag-aralan ko sa internet kung paano tapos saka ko unti-unting pinagpraktisan sa tuwing wala ka.”

“Ah iyon ba iyong minsang nakagalitan kita dahil sa sobrang dumi ng kusina?” tumango lang ako. “Thank you Jay.”

“You’re welcome ma!”

Tuwang-tuwa ako na nagustuhan ni mama iyong ginawa ko. Nagulat kami na naubos naming dalawa iyong niluto ko kahit na nagmerienda pa kami sa labas kanina. Hindi ko na siya pinagtrabaho pa. Pumayag naman siya dahil sa sobrang pagod niya.

Matapos kong mag-asikaso sa baba ay pansamantala muna akong lumabas at nakita kong may tao sa gate. Paglapit ko ay parang bigla itong nawala. Namamalikmata lang siguro ako. Tumambay muna ako ng ilang minuto bag ko naisipang pumasok na at matulog. Napagpasyahan kong bukas na mag-empake at for sure mahihirapan akong maghanap ng damit na dadalhin.

(itutuloy)

Sunday, July 1, 2012

Give your Heart a Break iv



“Ikaw?” ang nabigla rin nitong sabi.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa mukha nito.


“Arjay, bakit mo minahal si Mac?” tanong niya sa akin.

“Bakit ko siya minahal?”

Napatango lang ito. Kasalukuyan kaming nasa kuwarto ni Mac dahil sa regular bonding moments naming tatlo every Saturday night simula ng maging kami.

“Ahm, dahil sa sobrang caring niya tsaka ano pa nga ba. Hmmm. Honestly wala akong maisip na dahilan kung bakit eh basta mahal ko siya sa kung ano at sino siya.”

“Yeah right. He’s really a good guy kaya naman everybody can love him.”

Napatingin ako rito. May pinaghuhugutan.

“W-what I mean is base sa mga sinabi mo anyone can love him, right? Girls, guys . . . and gays.” Pagpapaliwanag nito.

“Nag-e-explain?” natawa kami pareho. “You’re right there. He can be everybody’s greatest special person. I’m so lucky that I have him. Ako na ang pinakamasayang boyfriend sa buong mundo.”

Nakita ko na nag-buntong hininga ito pero hindi ko na gaanong binigyan pa ng pansin.

“So how’s you and your girlfriend.”

“We broke up.”

Nagulat ako sa sagot niya.

“What? I thought you love her and ganun din siya sa’yo?”

“I thought too.”

“What do you mean?”

“I fell out of love.”

“Then the other girl must be very lucky.”

Natahimik ito. Mukhang madaming bumabagabag kaya naman hindi ko na in-expand iyong topic. Naging parang nakakailang ang ambience sa paligid dahil sa katahimikan naming dalawa. Buti na lang ay dumating na si Mac.

“Merienda’s ready.”



Still napakaamo, mapupungay ang mga mata at makapal na kilay. Halos walang pinagbago except sa buhok nitong ngayon ay pinaiklian na nito. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kanya at hindi ko rin alam kung gaano na katagal kami sa ganoong sitwasyon.

“Ehem.” Pagbasag ni Mac sa nangyari samin.

Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya. Nag-ayos naman siya ng sarili. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong tagpong iyon dahil sa iyon na pala ang umpisa ng lahat.

Napabuntong hininga na lang ako na hindi nakaligtas kay Mac.

“Something’s wrong?” tanong nito ng makaalis kami sa sala.

Iling lang sagot ko.

“Come on Jay.”

“Nothing really.”

“Look, kung dahil sa kanya kaya ka nagkakaganyan papaalisin ko siya.”

“Sira! Of course not.” Sabay bigay ko ng ngiti.

Tiningnan lang ako nito. Hindi lang siguro ako nakapaghanda sa muli naming pagkikita.

“I’m serious and why still think na affected ako sa kanya.”

“Okay.” Simpleng tugon nito.

Tumungo na kami sa pinagdadausan ng birthday ni tita Inday. Napakaraming mga bisita at halos lahat ay ka-henerasyon nito. Bibihira ang mga kaedad namin ni Mac. Halos maiikot ko na ng 3600 ang ulo ko kakahanap ng muli kong mahagip ang anyo nito. Nakatingin sa akin. Para akong nahiya at agad nagbawi ng tingin.

Ako pa talaga ang nahiya? Galit kong turan sa sarili.

“Hey you dickhead, naglalakbay na naman ba utak mo?”

“Ah eh sorry.”

“Hay naku Jay. We’re here to relax. Come on let’s have fun please?” pagmamakaawa nito sa akin kasama iyong pa-cute nitong mata.

Napa-roll eyes na lang ako sa ginagawa nito sa akin.

I don’t really have a choice. Nasambit ko na lang sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago pilit na binago ang mood.

“Pssst.” Pagtawag ko dito.

Napalingon naman siya agad sa akin. Lumapit ako.

“Anong itinawag mo sa akin?” bulong ko sa tenga nito.

“Dickhead.” Sagot nito.

“Let’s see Makko.” Nangiti ako matapos kong masabi iyon.

At tiningnan ko ang hitsura nito at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito sa inis.

“Call me again names and we’ll see.” Sabay flash ko dito ng isang nakakagagong ngiti.

“I hate you for that.” Sabi nito na may inis pa rin.

“Can you really hate me?” sumbat ko rito kasabay ng sad face.

Tumalikod ito sa akin.

“Can you hate me?” pangungulit ko rito.

Hindi siya sumagot kaya naman tiningnan ko mukha nito ngunit tumalikod lang ito ulit. Hinabol ko naman ang mukha nito.

“Can you or can you not?”

Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa napika ito.

“Arrgggghhh! Stop it! I hate you so much because I love you still!” pikon na sabi nito habang nakahawak sa mga balikat ko.

Napatigil ako sa nasabi nito. Maging ito ay natameme ng ma-realize kung ano ang sinabi nito kani-kanina lang. Napatakip ito ng bibig.

So mahal pa rin niya ako all this time?

“Ah eh . . .” tulirong wika nito sabay dampot ng isang plato at abot sa akin. “. . .dig in.”

Inabot ko na lang iyong plato at pilit iwinawaksi iyong sinabi niya pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na mag-isip.

“What do you want? Pasta or rice?” tanong nito na ramdam kong pilit niyang tinatanggal iyong awkwardness.

Napatingin ako sa choices ng pagkain. Wala akong makitang pasta or rice. Puro bread and salads ang meron. Napatingin ako rito. Napangiti lang ito sabay baba ng mga plato namin at hinila ako ulit papasok.

“You’re weird.”

“Sorry.” Wika nito habang nakatalikod sa akin.

“Apology accepted.” Sambit ko naman na pilit inaalis iyong pagkabagabag niya. Ngumiti pa talaga ako para ipakita sa kanya na I’m okay kaso wala atang epekto.

“Hey Mac, chillax. I know. . .”

“No Jay. I mean it.” Pagputol nito sa dapat kong sabihin.

Mukhang may bagyong paparating. I can sense it. Uh oh. Not this time please!

“M-mean what?”

Humarap ito sa akin at tiningnan ako sa mata. “I still love you.”

Shoot!

“I know this is so sudden at alam ko ring this is not the right time pero after all what I did still I can’t get over you.”

Ginagap nito ang kamay ko.

“Jay, I’m really sorry that I left you for him. I’m really sorry that I’ve taken you for granted. Sorry for the pain I caused you.”

“Ah, eh. . .”

“You don’t have to say anything Jay. Gusto kong bumawi sa’yo.”

“We’re over Mac matagal na and I’m with Aljohn na.” Iyon na lang ang nasabi ko out of nowhere.

“I know. Maybe it’s not yet too late. I can still put up a good fight.”

“Mac.”

“Jay, please? All I ask from you is one more chance. I need to prove you my worth. I need you.” Desperado nitong litanya.

I don’t know what came into me at napatango niya ako. I saw how a smile painted on his face then all of a sudden he gave me a kiss.

Bang. It gave me shivers. It was short but it may last a lifetime. Nakatunganga lang ako. Bigla akong napaisip, tama ba itong ginagawa ko? I knew I’ve loved him pero bakit I still had the same hots for him.

Crap! A start of something anew.

After, naging sobrang maasikaso nito sa akin and talagang naging host ko sa birthday ni tita. Nakita kong dumating na si mama siguro mga past lunch na iyon at kuntodo chika ito sa kumare niya. Pasulyap-sulyap ito sa kinalalagyan ko. Maya-maya pa ay nag-vibrate phone ko.

One message received from mom.

Great! Nasambit ko na lang sa sarili ko. Nailing ako bigla ng mabasa message ni mom kaya naman nagpaalam ako ditto.

“Okay. Be back.” Wika nito.

“I will.”

Pinilit kong magpaalam dahil matutunaw na ako sa panakaw na sulyap ni mama. Her stare fires like hell. Ang alibi ko ay ginawa ko ng makatotohanan. Tinawagan ko ang best friend ko at nagkuwento tungkol sa mga sudden changes sa buhay ko.

“I don’t know.”

“Nabigla ako. Hindi ko naman puwedeng bawiin iyong nagawa ko na. Alam mo iyan.”

“I know. Real big trouble and now mom stares like as if she wanted to eat me whole.”

“Help me Ton. Paano if malaman ito ni Aljohn?”

“Not yet. Wala pa ring paramdam.”

“I know and I’m missing him so much.”

“Yeah. Sana matapos na ito.”

“Sige, see you in a few.”

At tuluyan na namin tinapos ang pag-uusap namin. Pagtalikod ko ay sakto naman na nagkita ulit kami. Nakatingin pa rin ito sa akin. Hindi ko maintindihan ibig sabihin ng tingin niyang iyon sa akin hanggang sa tuluyan na itong lumapit sa kinatatayuan ko.

“Hey.” Bati nito sa akin.

“Hi.” Ganti ko rito.

“How are you?”

“I’m great, ikaw?”

“Already moved on.”

Napangiti naman ako.

“Nga pala, I’m really sorry sa nangyari noon. Masyado ko lang talaga minahal yang best friend ko.”



“I’m sorry Jay pero mahal ko siya.”

“Mas mahal mo siya kaysa sa akin Mac?” tanong ko na umiiyak.

Hindi siya umimik pero sapat na ang hawakan nito ang kamay niya sa harap ko para sabihing totoo siya sa sinabi nito.

“Pero ako ang boyfriend mo at best friend mo lang siya.”

Hindi pa rin ito umimik. Nanliit ako bigla sa reaksyon nito.

“Pero...” hindi ako makapaniwala, “...pero sabi mo mahal mo ako? Na ako lang?”

“Noon iyon Jay bago ko na-realize na hindi ko kayang mawala sa tabi ko ang best friend ko.” Sa wakas ay nasambit nito.

“Mac, we’ve been together for four years tapos ganito lang? Aayaw kang bigla dahil dyan sa best friend mo? Please don’t do this to me.” may halong pagmamakaawa sa tinig ko.

“I’m sorry.”

Natahimik ako. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Never had I imagined na sa ganito matatapos ang lahat. Napaupo ako sa sobrang panlulumo. Lumapit ito sa akin at pilit akong inaalo.

Sinampal ko siya. “This is for hurting me.” Nabakas niya sa akin ang galit at sakit. Tumayo ako at lumapit sa taong nasa likuran niya at binigyan ito ng isang sampal. “This is for betraying me...” at isa pa, “...uhm, for breaking my trust. You deserve each other.”

At tuluyan na akong umalis sa eksena bitbit ang sugatan kong puso. Nang araw na iyon ay itinatak ko sa sarili kong I can live without him kahit na mahirap.



“Matagal na iyon Dylan. Kinalimutan ko na iyong sakit nung pangyayari though iyong mismong pangyayari mahirap ng alisin.” Sambit ko rito.

Napayuko naman ito sa sinabi ko.

“No pun intended. Nagmahal ka rin lang wala kang kasalanan doon.”

Tumingin ito sa akin dahil sa sinabi ko. Nginitian ko siya at gumanti naman ito ng ngiti.

“By the way, I’m sorry.”

“Huh? Para saan?” takang tanong nito.

“Sa pagkakasampal ko sa iyo noon. Aba masakit iyon ah.”

“Naku, wala iyon. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa sa akin iyon. Ako man, magagawa ko rin iyon kung mangyari man sa akin.” Sabi nitong natatawa sa inasal ko.

Natawa na rin ako. Maya-maya ay kapwa kami natahimik.

“Ngayon ko na-realize kung bakit mahal na mahal ka ni MacMac.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“To tell you honestly, ikaw lagi ang pinag-aawayan naming dalawa.”

“Hala, bakit ako? Labas ako diyan ah.”

Natawa naman siya.

“Kasi lagi ka niyang ikinukumpara sa akin na kesyo hindi ka ganito, hindi ka ganyan. Nakakarindi. Hanggang sa isang gabing lasing siya, pangalan mo ang binanggit niya sa halip na ako. Maging sa panaginip niya ikaw pa rin ang isinisigaw niya.”

Natameme ako sa rebelasyon niya. Hindi ko inisip na may epekto pa rin ako sa kanya kahit sila na ng best friend niya.

“Minsan tinanong ko siya bakit ikaw pa rin laman ng puso niya kahit na ako na ang karelasyon niya, sabi niya dahil hindi daw ako ikaw. Ibang iba raw ako sa iyo. Sa totoo lang inggit na inggit ako sa’yo pero hindi ko magawang magalit sa iyo.”

“Dylan, let’s move on. Alam kong nahirapan ka pero you know what pinabilib mo ako. Ang tatag mo dude tsaka napaka-martyr mo. At dahil diyan iinom natin yan. Tara dali.” At hinila ko siya papunta sa loob.

Pansamantala ko siyang iniwan sa sala at lumabas muli para humingi ng konting maiinom. Pagbalik ko ay nakapirmi pa rin itong nakaupo na naghihintay sa akin. Agad kong inabot dito ang isang boteng hawak ko.

“Thank you.”

“Sus, wala iyon. O ano shot na.”

“Sige ba.”

Nasa ganoon kaming ayos ng makita kami ni Mac. Nakangiti ito sa amin. Inaya ko itong makipagkuwentuhan sa amin. Lumabas muna ito saglit para kumuha din ng maiinom at sumalo na sa amin. Napakasaya ng reunion naming tatlo. Hindi mo aakalaing may nangyaring malaking gusot sa aming tatlo noon.

Nasa gitna kami ng pagsasaya noon ng panay ang vibrate ng phone ko. Tumigil muna ako sandali sa ginagawa namin at sinilip iyong phone ko.

Shit!

“Guys, I have to go.” Paalam ko sa dalawa.

“Hahatid na kita.” Paanyaya ni Mac.

“No need. I can manage tsaka walang mag-aasikaso kay Dylan.” Pagtanggi ko.

“No, ayos lang sa akin. Go MacMac ihatid mo na si JayJay.”

“Seriously, I can manage.”

“But...”

“No buts. You want me to call you names para lang pumayag ka.”

“Andaya mo. Matututunan ko ring ma-get over iyang pamba-blackmail mo Jay.”

“Nah, in your dreams!”

Nagtawanan kaming tatlo.

“O siya, I’ll go ahead guys.”

“Ingat.” Sabi ni Dylan.

“Ingat, text ka pag nakauwi ka na.”

“Thanks. Sure I will.”

At lumabas na ako. Nagpaalam muna ako kay tita na aalis na. Sumama na rin sa akin si mama.

Nasa labas na kami at naghihintay ng taxi ng kurutin ako ni mama.

“What’s that for.”

“We have to talk when we got home.”

“Yeah yeah.”

Sakto naman na may dumaan na cab at pinara ko na ito. Wala pang 30minutes at dumating na kami sa bahay. Sigurado ako kung anong mangyayari ngayong gabi. I know mom.

(itutuloy)

Sunday, June 24, 2012

Give your Heart a Break iii



Nag-aanticipate ba ako ng kiss? Oo! Pero hindi pwede, ayoko magkasala kay Aljohn.

At hinalikan nga ako ni Mac sa ilong. Napadilat ako sa ginawa niya. Magkahalong relief at panghihinayang naramdaman ko. Panghihinayang? Why?

“Remember?” tanong nito.

Naguguluhan ako sa reaction ko pero napatango pa rin ako.

Naalala ko na noong kami pa, kapag nag-away kami lagi naming ginagawa na halikan sa ilong ang isa’t isa sa tuwing nakakagawa kami ng pagkakamali. Kung sino ang may sala ay siya ang hahalik. Ito ang paraan naming dalawa ng paghingi ng tawad.

“Thank you again for the chance Arjay.”

“You’re welcome.”

“See you around?” tanong nito,

“Yeah of course. So shall we call it a night?”

“Yeah. Good night dear old friend.” Wika nito.

Napangiti ako.

Everything’s going out just fine for now. It’s true na nangungulila pa rin ako kay Aljohn pero the thing between my ex-boyfriend and I are finally sealed and that’s already a reason for me to be happy.

Dumiretso na ako sa kuwarto at nahiga sa kama. Dina-digest ko pa rin ang bilis ng nangyari kanina. That’s the least thing I am expecting to happen pero God has His own way to end nightmares and what He did is really, really great. Napangiti ako.

Bumangon na ako at tinungo ang banyo para mag-shower dahil nakaramdam ako ng panlalagkit. While in the shower, ramdam ko pa rin yung saya sa nangyari kanina at nag-vibrate ito sa buo kong pagkatao dahil may pakanta-kanta pa ako habang sinasabon ang katawan ko.

Dinala ko ang kasiyahang iyon hanggang sa pagbibihis. Bigla akong may naalalang gawin, dapat matagal ko ng nagawa ito kung hindi lang dahil sa sobrang busy sa defense at kung anu-ano pang requirements bago maka-graduate. Inilabas ko na ang mga materials ko.

Isa-isa kong dinikit ang mga wallpapers sa kuwarto ko. Nothing much to be added dahil maganda na iyong material I believe. Gupit dito, dikit doon. I’m having so much fun. I should be sleeping at this hour of the day pero hindi kasi I’m energized and I cannot sleep. Wala rin naman masyadong gagawing makeover sa kuwarto dahil in the first place maganda naman ang structure ng room ko.

So rather than over dressing my room, have to keep it simple with a black toned paper with white streaks on it na parang kidlat that complements the cover sheet of my bed from Crates and Barrel. It’s so relaxing and I can’t help but to smile. I so love this creation.

Inayos ko na rin ang distortions na naganap sa buong kuwarto ko dahil sa ginawang pag-aayos. Hindi ko sinasadya na mahawi ang lamesitang pinaglalagyan ko ng picture naming dalawa ni Aljohn at nalaglag ito. Basag ang frame. Dali-dali ko itong pinulot at dahil sa pagmamadali ay nabubog ako. Kita ko ang mapulang likido na lumabas sa sugat. Nilinis ko muna ang sahig bago ko nilinisan ang sugat ko.

“I’m sorry Aljohn, nabasag iyong picture frame natin. Bili na lang ako ng bago bukas.” Wala sa sariling nawika ko.

Matapos kong malinis iyong bubog ay tuluyan na akong nahiga.

Ang weird ko. Naligo muna ako bago nagkabit ng wallpapers at naglinis ng kuwarto. Silly. Now, nanlalagkit na naman ako. Pahinga muna ako sandali then shower ulit. May pangiti-ngiting kumento ko sa inasal ko.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa may orasan ko at nakitang hatinggabi na. Nagtataka sa kung sino ang nagtext ng ganoong oras. Inabot ko ang unit ko sa lamesita.

1 message received.

Binuksan ko at nakitang galing iyon kay Mac.

‘Gudnyt dear old friend! Hav a great sleep. Thank you for the 2nd chance.’

Hindi na ako nag-reply dahil baka pag ginawa ko iyon ay mauwi na iyon sa magdamagang pag-uusap. Muli kong ibinalik ang awditibo sa kinalalagyan nito at muling dinama ang lamig ng unan. Sarap lang sa pakiramdam. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pansamantalang nagpahinga. Ngunit bago pa ako tuluyang tangayin ni Mr. Sandman ay nag-shower ulit ako.

Finally makakatulog na rin. Sabi ko ng matapos makabihis.

Nahiga na ako at natulog. Time check, 3:05am.



“Anak wake up. Andito si Mac.” Paggising sa akin ni mama.

“Hmmmmm.” Tugon ko dito at binalewala iyong sinabi niya.

“Dali na dyan at may pag-uusapan tayo.” Wika pa nitong medyo seryoso.

“Ma naman eh...”, tumingin sa phone ko, “...are you for real? 8:00 am?”

“Oo at kung hindi ka pa babangon diyan papauwiin ko bisita mo.”

“Babangon na.” Napilitan kong tugon dahil nakakahiya dun sa tao.

Papunta na sana ako sa banyo ng pigilan niya ako.

“Magkaibigan kayo ... ulit?” hindi napigilang tanong niya.

Nilingon ko lang siya pero hindi ko magawang magsalita.

“Kelan pa?”

Hindi pa rin ako nagsasalita.

“Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa iyo?” Medyo pikon nitong tanong combo pa ng nakakunot nitong noo.

“Pwede mag-brush muna? Maamoy mo pa hininga ko kakahiya naman sa’yo.” Sagot ko rito habang takip ko ang bibig ko. Natawa siya sa inasta ko imbes na magalit.

I don’t always have a choice. Nawika ko na lang sa isip at tuluyang pumunta sa banyo para maghilamos at mag-brush.

“Now what?” tanong ko rito ng makita kong naghihintay lang ito sa labas ng pinto matapos kong mag-ayos.

“I want to know everything.”

Buntong-hininga.

“Just a minute.” Sabi ko rito.

Nagpunas muna ako ng tuwalya at kita ko naman ang pagsunod nito ng tingin sa akin. Talagang naghihintay ito na magsalita ako. I don’t always have a choice. Muli kong naisaisip.

“Yeah, yeah. We’re friends again kagabi lang.”

“Why?”

“Ma, for old time’s sake. We’re friends before bago namin naisipang mag-level up.” Explain ko rito.

“Pero he’s the reason kung bakit muntik ka ng hindi makatapos noon and this.” Sabay taas ng kamay ko at pakita ng pilat sa aking wrist.

“Ma, that’s a very long time ago. See, graduate na ang baby mo with flying colors at buhay na buhay.” Pag-a-assure ko rito.

“Pero...”

“Ma, trust my judgment this time. Kaya ko na ang sarili ko tsaka you don’t want to see your baby na lampa and doesn’t know how to make decisions on his own right?”

Napatango na lang ito.

“So, stop being silly ma. Your baby’s a big boy na.”

“You’re never a big boy to me. You’re still a baby and ayokong nasasaktan ka. Mahal na mahal kita Jay.”

“Awwwww, I’m touched. Here, give baby a hug.” At inilahad ko ang mga braso ko.

Lumapit naman si mama at binigyan ako ng hug. Para kaming mg auto pero that’s how we converse.

“Ma, can I ask you something?”

“Sure.”

“Bakit ang drama mo ngayon considering na umaga pa lang? We still have more time today and yet inumpisahan mo sa kadramahan.”

“That’s just I am.”

“Wooshoo! Ang sabihin mo affected ka sa pinapanood mo gabi-gabi. Stop watching teleseryes hindi na bagay.” Suhestiyon ko rito.

“No way kiddo! Kailangan kong panoorin nangyayari kay Celine at Frank.” Pagkontra niya.

“Huh? Who?” naguluhan kong tanong.

“Si Kris Aquino at Albert Martinez sa Kung Tayo’y Magkakalayo iyon palibhasa puro libro inaatupag mo.”

“For real?” di makapaniwalang tanong ko.

“Uh-uh.”

“Grow up ma. You’re 32 years old so act like one.” Sermon ko dito.

“I am and still young tsaka andun kaya si Coco Martin.” Kita ko rito ang pagpula ng pisngi niya.

“Okay fine.” Nasagot ko na lang.

“So should I meet my visitor now?” tanong ko rito.

Pumormal na ulit ito bigla.

“Okay but I’ll watch you.”

“Ma!”

“I’m kidding.” Ngiti nito na may kalakip na pag-aalala.

“Fine.”

At tuluyan na nga kaming bumabang dalawa. Dumiretso na ito sa kusina habang ako ay tumungo sa sala para harapin siya.

“Wow aga mo naman. Ano meron?”

Sasagot na sana ito ng biglang nagsalita si mama.

“Mac, dine with us. Pasensya na at late na nagising itong batang ito.” Paanyaya ni mama.

“Ah eh no worries po. Napaaga lang kasi ako ng dating.” May pag-aalangang sagot nito.

Napaaga? Yeah right! Dapat natutulog pa ako ngayon. Sabi ng isip ko.

“So saan na nga ba ulit lakad niyo nitong si Jay?” tanong ni mama habang naghahain.

Lakad? Kami? Anong meron? Ano to? Nakatingin lang ako rito na may halong pagtataka.

“Actually po kasama kayo kaso inuna ko lang po sunduin si Jay birthday po kasi ni mama ngayon eh.”

Dali-dali namang kinuha ni mama cellphone niya at may binasa.

“Hala oo nga pala birthday ni Inday ngayon. Nakalimutan ko. Hala dalian mo dyan Jay nakakahiya kay Inday.” Pagmamadali ni mama sakin.

Muli ko tiningnan si Mac at kita ko rito ang pagsilay ng ngiti. Pinipilit nitong hindi matawa sa reaction ni mama. Napangiti na lang din ako.

“Ano pa nginingiti-ngiti mo dyan. Hala kain na ng makaligo ka na. Naku...” tuloy-tuloy na pagpapaulan ni mama ng bala sa akin. Naglakad na ako papunta sa lamesa.

“Relax ma, heto na kakain na ako at bibilisan ko rin para hindi nakakahiya kay tita Inday.” Sabi ko rito habang nagsasandok ng makakain.

Napansin ko na lang na hindi pala sumunod si Mac. Tinawag ko ito pero umiling lang.

“Ma, mukhang ayaw ni Mac luto mo o ayaw kumain eh.” Pagsusumbong ko.

Tumingin naman si mama sa kanya. Dali-dali itong tumayo. Natawa ako. Dumulog na rin sa hapag si Mac at nag-sandok ng kakainin niya.

“Babawi ako sa’yo.” Bulong nito.

Napansin ito ni mama.

“Ahem, bawal magbulungan sa harap ng pagkain.” Saway ni mama.

Napayuko ng ulo si Mac. Ang cute niyang tingnan pag nahihiya or napapahiya.

A harmless creature. Kumento ko.

Andaming tanong ni mama kay Mac. Kala mo nasa isang showbiz oriented talk show kami. Ano nangyari sa’yo, anong nangyari ke ganire. Si ano kamusta na. Blah blah blah. Normal na kay mama alamin ang lahat lalo na sa akin pero okay lang dahil sobrang love ko yan.

“Sige na Jay maligo ka na ako na bahala dito. Utang mo sakin paghuhugas ng pinggan ngayon.” Sabi nito habang nagliligpit.

“Okay.” Tugon ko rito.

Tumingin ako kay Mac na busy sa pagte-text.

“I’ll be quick Mac. Paantay na lang and sorry to keep you waiting.”

Ngiti lang tugon nito.

Umakyat na ako sa kuwarto ko para ihanda gagamitin ko.

Tees o sleeves? Sige t-shirt na lang. Hmmm, ano kaya magandang kulay dito? Heto na nga lang. What about yung pang-ibaba. Pants or shorts? Geez, ang hirap mag-decide. Pagkakuha ng isa at hindi nagustuhan ay ibabalik at mamimili na naman.

“Pants.” Lumapit ito sa cabinet ko at siya na mismo ang namili ng susuotin ko.

“Ma!” gulat kong nawika.

“I know matatagalan kang mamili ng susuotin that’s why I came here to help.”

“Matagal?”

“Yeah like 20 minutes already.”

“What?”

Tumango lang ito.

“No I can manage.”

“Shut up. Go at maligo ka na. I’ll fix your things here. Mga bata talaga ngayon ang babagal kumilos...”

Hindi ko na tinapos ang speech ni mama dahil naisip ko may point siya. Kailangan ko ng magmadali dahil sobrang nakakahiya na kay Mac.

“Ten minutes.” Sigaw pa ni mama.

Hindi na ako tumugon at tuluyan ng pumasok sa banyo at naligo. Just like the song goes, I did my best but I guess my best wasn’t good enough.

“11 minutes, 39 seconds and 78 laps.” Sabi ni mama na may hawak na stop watch.

“No way, I’m as fast as superman.”

Lumapit ito at pinakita iyong stop watch.

“That ain’t real. It’s not working.” Sabi ko rito at tumungo na sa kama para sana magbihis ng may maalala ako. “Ma, may you please?”

“Please what?”

“Get out of my room? Magbibihis na ako.” Malambing kong sabi rito baka umepekto.

“Why? Eh nakita ko naman na iyan. Ang liit nga eh. Mas malaki pa iyong sa bata sa kanto.” Pang-aasar nito sabay tawa. Badtrip!

“Excuse me. This is big and you know that.” May pagka-pikon kong sabi.

“Patingin nga?” Akma niyang aagawin iyong tuwalya ko.

Umiwas ako.

“Ma, stop that. It’s not funny.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Tumatawa lang ito. Naghabulan kaming dalawa sa loob ng kuwarto ko. Nahuli niya ako at pinilit na tanggalin tuwalya ko pero hindi ako nagpatalo. Nagpambuno kami sa pag-alis niya ng tuwalya ko pero sumuko na rin siya dahil sa pagod.

“F-fix yourself. Aasikasuhin ko muna bisita mo sa baba baka nakatulog na sa kahihintay sa’yo.” Sambit nitong hinahabol ang hininga.

“Yeah kaya ma labas na.” At pinagtulakan ko na siya habang humihingal din.

Nang tuluyan ng nakalabas si mama ay nagbihis na ako. Isinuot ko iyong inalabas niyang damit. Ang ganda ng napili niya. Ibang klase talaga taste niya sa damit pati combinations.

I cannot live without her. Nasabi ko sa sarili.

Mahal na mahal ko si mama kaya naman lahat ginagawa ko para pagaanin ang loob niya. Siya na kasi nag-alaga sa akin at tumayong ama’t ina simula ng mamatay si papa dahil lumubog iyong barkong pinagtatrabahuan nito.

Binilisan ko na ang pag-aayos at sobrang nakakahiya na kay Mac. Dami kasing pinag-iisip eh. Bulong ng isip ko.

Bumaba na ako at nakita kong nanunuod pa rin si Mac. Lumapit ako rito at napansin kong hindi man lang ito nakilos kahit bahagya iyon pala ay natutulog na ito. Sinipat ko ang facial features niya. May katangusan ang ilong, mahahabang pilikmata, manipis na labi, makinis na mukha. Ang gwapo mo pa rin Mac.

May biglang umubo sa likod ko. Nagulat ako at inayos ang sarili.

“May boyfriend ka na anak. Be loyal and faithful.” Pagpapa-alala nito.

Napahiya ako. Buti na lang tulog ito. Napatango na lang ako. Ginising ko na si Mac para makaalis na kami.

“Ah, tita alis na po kami.” Paalam niya kay mama.

“Sige ingat kayo and pakisabi na lang kay Inday sunod ako mamaya.”

“Sige po.”

“Ma alis na kami.” Sabay halik at yakap dito.

“Wait Jay.” Sabi nito at umalis. Saglit lang ay may inabot itong pera sa akin. “Just in case.”

“Thanks ma. See you later and huwag masyado magpapakapagod huh.” Sabi ko rito.

“I will. Bye.”

“Bye ma, I love you!”

“I love you too.”

At tuluyan na nga kaming umalis ni Mac. Dala nito iyong sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa habang bumibyahe. Parang hindi ako sanay na tahimik siya kaya naman pinilit ko itong kinausap.

“Bakit hindi ka nagsabi kagabi na birthday pala ni tita ngayon?”

“Eh wala naman kasi sa plano na maghahanda siya eh kaso nasabi ko sa kanya na nagkita at nagkausap tayo kaya naman sabi niya imbitahan na rin kita although na-invite na niya mama mo.”

“Ah ganun ba? Pero bakit hindi ka man lang nagtext?”

“Mas maganda kung surprise.”

“Surprise ka dyan at dahil sa ginawa mong yan naghintay ka ng matagal at nakatulog sa tagal kong kumilos.”

“Sanay na ako dun at wala ka pa ring pinagbago sa pagka-pagong mo.”

“I’m proud of that.”

Nagtawanan kami at ng matapos ay katahimikan muli ang naghari.

“Ang sweet niyo ng mama mo.” Pagbasag niya.

“Yeah, ganyan talaga kami tsaka alam mo naman na siya na lang naiwan sa akin.” May himig lungkot na wika ko.

“Don’t tell me iiyak ka?” pang-aasar niya.

“No way. Ako pa ba iiyak? Di uyyy!” ganti ko rito.

Nagtawanan ulit kami and this time pinilit naming hindi matahimik para hindi naman boring yung biyahe namin papunta sa kanila. Di rin naman na nagtagal at nakarating na kami sa village nila. Parang ang tagal ng byahe pero kung tutuusin eh 10 minutes lang kung sa tricycle yun.

Ipinasok na nito ang sasakyan sa may garahe at bumaba na kami. May mangilan-ngilang bisita na rin akong nakikita. Sinisipat ko kung may mga kakilala ako o wala ng may mahagip ang tingin ko. Lalapitan ko sana ng hilain ako ni Mac papasok.

“Ma we’re here.”

“Ang tagal niyo naman.” Wika ng nanay niya.

“Happy birthday po tita!” pagbati ko rito sabay halik sa pisngi.

“Arjay, I miss you hijo. Buti napadalaw ka ulit. Tagal na nung huli mong bisita dito ah.” Sabay yakap nito sa akin.

“Oo nga po tita eh medyo naging busy po nung nag-college na.”

“Sabagay pero alam mo minsan kinukulit ko itong si Makko na dalhin ka rito eh. Na-miss kaya kitang bata ka.” Sabi nito na may kasamang pagpisil sa pisngi ko. “Hala, maiwan ko muna kayo rito. Asikasuhin ko muna iyong ibang mga bisita at ikaw asikasuhin mo iyang si Jay.”

Ngiti lang tugon ko rito.

“Sure thing ma.”

Nang makaalis na si tita ay tiningnan ko ito. Tumingin din siya sa akin. Sumilay sa akin ang isang nakakalokong ngiti.

“Why?” tanong niya.

“Wala naman . . . MAKKO!” sambit ko rito kasabay ng pagtawa.

Tumawa na rin ito at kiniliti ako. Iwas naman ako ng iwas. Para kaming mga tanga na naghahabulan sa loob ng bahay. Buti na lang at sa may bakuran nila gaganapin iyong salu-salo kaya hindi kami nakakaistorbo.

“Ang kulit mo Makko, tama na.” Sabi ko rito dahil hinihingal na ako.

“Ulitin mo pa akong tawaging ganyan at makakatikim ka talaga sa akin.”

“Talaga lang huh.”

“Oo.” Sagot niya habang nasa kabilang dulo ito ng lamesa sa kusina.

“MAKKO!” sambit ko.

Muli hinabol niya ako hanggang sa hindi sinasadyang may nabunggo ako. Dahil sa intense ng pag-iwas ko kay Mac ay muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nahawakan nung taong nabunggo ko.

“Ikaw?” sabay pa naming nasabi.

(itutuloy)

Sunday, June 17, 2012

Give your Heart a Break ii



“H-how are you?” Tanong niya na may pagka-hesitant.

“I’m ok.” Simpleng tugon ko.

“That’s great to hear Arjay.” Mahina ngunit dinig kong sambit niya.

“How about you?” tanong ko na hindi man lang tumingin sa mukha nito.

“I’m doing just fine like you.” At ramdam kong humarap ito sakin.

Napatingin ako rito. Ngumiti siya, yung ngiting nagpaibig sa akin pero agad din akong nagbawi ng tingin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayong nagkita ulit kami. Tama bang makipag-usap ako sa kanya sa kabila ng ginawa niya sa akin? That was 4years ago pa.



“Arjay come over here.” Aya niya ng minsang magpunta kami sa may shrine malapit sa park.

“Saglit lang.” Tugon ko habang binabagtas ang mabatong daan papunta sa kinaroroonan niya.

“Ang tagal mo naman eh, dalian mo para makita mo pa iyong view.”

“Ang hirap kaya makapunta dyan sa kinalalagyan mo nuh.” May arte kong tugon.

Tahimik lang itong nakatingin sa malayo. Ilang saglit pa ay narating ko na rin ang puwesto niya at namangha ako sa aking namasdan.

“Ang ganda dito di ba?” tanong niya patungkol sa sunset.

Napatango lang ako. Hinawakan niya kamay ko.

“I love you so much Arjay ko! You’re my one, my everything!” Pagsigaw nito mula sa kinalalagyan naming dalawa.

“I love you too Mac ko! You’re my life, my world!” Ganting sigaw ko. Napangiti ako.

Iniharap niya ako at tiningnan sa mga mata.

“Mahal na mahal kita Arjay.”

“Ako man Mac.”

“Mangako tayong dalawa na tayong dalawa habang buhay at saksi ang araw sa magiging pangako natin.”

“Nangangako ako Mac. Ikaw lang at wala ng iba pa.”

Napangiti siya at hinagkan ako. Iyon ang naging takda sa pangako namin sa isa’t isa.



“Kamusta na kayo nung bf mo?” Naulinigan kong tanong ni Tonton na siyang bumasag sa pagbabalik-tanaw ko.

“Wala na kami.”

“Since when?”

“3 years ago pa.”

“Why? Dahil pinagpalit mo rin siya sa iba?” Walang kagatul-gatol na tanong nito. Bakas dito ang galit sa ginawa nito sa akin noon.

Umiling ito.

“Gaano kayo katagal?”

“1 year.”

“1 year lang?” may pagka-sarkastiko sa tinig nito.

Tumango ito.

“Tsk, tsk, tsk. Ipinagpalit mo ang apat na taon para lang sa isang relasyon hindi man lang napantayan yung nauna? Nakakaawa ka naman. Arjay’s a great catch pero binalewala mo. I pity you!” Galit na ito. Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang galit nito although nasabi niya noon na pag nakita niya ito ay uupakan niya. Sa inaasta niya ay mukhang pwedeng magkatotoo.

“Kulang pa yan eh...” patuloy na pang-aaway nito.

Literal na nanlaki mga mata ko sa inaasal ng kaibigan. Hindi ko ito napaghandaan.

“Tonton!!!” Pagsaway ko rito. Oo naiintindihan ko na maaaring may nabuong galit si Tonton para dito dahil sa mga kuwento ko noon pero hindi na to tama. That was a very long time ago.

“What?!?”

Kinausap ni Andrei ang nobyo.

“I’m sorry.” Iyon na lang ang nasambit ko.

“That’s fine. Hindi ko naman siya masisisi dahil mali naman talaga ako eh.” Kita sa maamong mukha nito ang pagtataka hindi dahil sa inaasal ni Tonton kundi sa alam nito. Bumuntong-hininga ito. “He did the same thing I did to you. I guess karma kicked me off.” Nakangiti nitong paglalahad.

“Yeah and you deserved it.” Galit pa ring turan ni Tonton.

“Shhhh.” Pagsaway ni Andrei.

Nagmamaktol na tumalikod ito sa katipan. Sinusuyo naman ito ni Andrei at pinagpapaliwanagan. Kitang kita mo sa mga ito na nagtatalo sila dahil sa sitwasyong kinasusuungan ko ngayon. Maya-maya pa ay nagpaalam ang mga ito na mamamasyal muna para bigyan na rin kami ng oras para mag-usap.

“I’m watching you.” Pagbabanta pa nito bago tuluyang umalis.

Katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa. Walang gustong magbukas ng topic.

Hindi rin siya nakatiis at siya na ang bumasag sa katahimikan.

“C-can I hold your hand?” may pag-aatubiling tanong nito.

Tumango lang ako at agad niya itong ginagap.

“I missed how I touch this hand at wala pa ring pinagbago. Malambot pa rin at napakasarap hawakan. It made me wonder why it came to me na palitan ka when the truth is hawakan ko pa lang ang kamay mo ay napapabilis na nito ang takbo ng puso ko hindi gaya ng sa kanya.” Sabi nito habang mariing hawak-hawak ang aking kamay.

Pinili ko na lang na hindi magsalaita ngunit ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Kinikilig ba ako?

“Arjay?”

“Hmmmm?”

“I’m really sorry if nagawa ko iyon sa’yo. You’re friend is correct, you’re a great catch pero ipinagpalit kita. I supposed you should not be talking to me right now after all pero I’m really grateful dahil hindi mo ako pinagtabuyan.”

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita.

“Tama ka. Hindi dapat kita kinakausap ngayon dahil sa ginawa mo sa akin noon. You don’t know how many sleepless nights ang pinilit kong kayanin just to make me realize na we’re over.”

Tahimik siya.

“I gave you my heart, my soul, my life pero hindi mo pinahalagahan. I’m so miserable that time lalo pa’t may mga nagbabalita sa akin that the two of you were a great couple. You don’t understand how I wanted to end my life that time.”

Tahimik pa rin siya.

“Pero somehow I thank you for doing that to me. I’m so young, so weak yet that incident made me stronger and smarter and that’s the time I met Aljohn, my boyfriend. Noong una ang gusto ko lang naman ay makabawi pero later I realized that I have found my new life.” At napngiti ako.

“Right and you deserve someone better than I am.” May panghihinayang sa tinig nito.

“Bakit?” biglaang tanong ko rito.

“Bakit ang alin?”

“Bakit bigla kang sumulpot ulit sa buhay ko?”

“I want to reconcile with you Arjay kahit friendship lang okay na sa akin.”

“Why?” Tanong ko ulit.

“Gusto kong bumawi sa’yo.”

“You don’t have to.”

“I have to.”

“Why?”

“Dahil gusto ko.”

Napabuntong-hininga ako. Naramdaman niya naman iyon kaya dumistansiya siya ng konti. Napangiti ako sa reaction niya. Pagtripan ko nga ito.

“Hindi ka pa rin nagbabago. Lahat ng gusto mo dapat makuha. When will you ever change?” tanong ko dito na may seryoso pa ring mukha.

“Pag naging friends na tayo ulit?” patanong na sagot niya.

I looked at him and once again I saw that same eyes na magpaparamdam sa’yo na you’re safe with me. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago nagsalita.

“Ang kulit mo pa rin.”

Tumawa itong nakakagago.

“Why?”

“Hindi ka pa rin nagbabago. You’re still giving out a sigh before you speak when we’re talking about something serious.”

Napangiti ako at napansin pa pala niya iyon.

“So will you accept me ‘again’ as a friend?”

“Hayyyy, ang kulit mo. Whatever! I always don’t have a choice.”

“You always have a choice.”

“And my choice is to give you another chance. Friends?” nawala na ang bigat sa dibdib ko. Na-let go ko na rin totally.

“Yippee!” parang bata nitong tugon.

“So can I have your number?”

“No, you can’t.”

“Why?” malungkot na tanong nito.

“Kasi pag kinuha mo wala na akong number.” Pagbibiro ko dito.

“Make sense.” Sabay tawa nito.

Sa totoo lang na-miss ko iyong tawa niyang iyon. Isi-nave ko number ko sa cellphone niya at agad naman niyang tinawagan ang telepono ko para mai-save ko rin number niya. Nagkuwentuhan na kami tungkol sa mga nangyari samin after niya akong iwan. Nagkwento pa ako ng tungkol sa relasyon namin ni Aljohn. Bagamat lumatay sa mukha nito ang lungkot sa tuwing nababnggit ko kung gaano na ako kasaya ngayon ay pinili na lang nitong maging Masaya rin para sa akin.

Ganun pala pakiramdam na naibuhos mo lahat ng sama ng loob mo sa taong dahilan ng mga pag-iyak mo noon. Gumaan ng sobra iyong dibdib ko. Alam kong nasaktan din siya sa ginawa niya sa akin pero hindi maipagkakailang ako ang dehado nung panahong iyon. Panay ang sorry nito.

“Sorry ka ng sorry. Magtira ka naman bukas.”

Tawa lang siya. “Ang kulit mo!” sabay kurot sa pisngi ko.

“Aray ko naman. Aba, sinasaktan mo na naman ako?” pagbibiro ko dito.

“Tse! Bakit kasi ang kulit mo.”

“Ganun talaga. Eh ikaw bakit ang tanga mo?” mukhang wrong move ako doon ah. Nakita ko kasing sumimangot ito.

“Sorry.” Pagpaumanhin ko.

“No, ayos lang.”

“Ayos lang pero nakasimangot ka pa rin.”

Ngumiti siya at mukha siyang tanga na ikinatawa ko.

“Bakit mo ako tinatawanan huh?”

“Basta ang dami mo namang tanong.” Tugon ko.

Nagtatawanan at nagbibiruan na kami ng bumalik si Tonton at Andrei.

“Looks like we missed something here eh.” Bati ni Andrei.

“Ah hindi naman. Nagkausap na din kasi kami sa wakas nitong gagong to kaya okay na kami pareho.” Tugon ko.

“Really?” Skeptic na tanong ni Tonton.

“Yeah, don’t worry, uhm...”

“Tonton, Arjay’s bestfriend.” Pagpapakilala nito.

“Don’t worry Tonton, I came here in peace. Ngayong okay na kami ni Arjay, tutulong ako sa pagpapasaya sa kanya while Aljohn’s not here.”

“Still, I’ll watch your moves.” Pagbabanta pa rin nito na ikinangiti ko naman. Mahal na mahal talaga ako ni Tonton.

“Oh by the way, I’m Andrei, Tonton’s boyfriend.” Sabay lahad ng kamay.

Inabot naman ito ni Mac at nakipag-kamay. “”Mac, Arjay’s dumbass ex-boyfriend slash friend.” Ngiti nito.

Nagustuhan ni Tonton iyong sinabi ni Mac kaya naman napangiti ito.

“Moving on, what’s your plan Arjay?” tanong ni Andrei.

“Hmmm, don’t have yet.”

“I have a great idea.” Pagsingit ni Mac.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

“Let’s watch a movie, my treat.”

“Ayun naman pala eh, ano pang hinihintay mo Arjay. Tumayo ka na dyan.” Utos ni Tonton na ikinatawa ko talaga. Bigla kasing nag-shift mood ito.

“Heto na nga oh.” At tumayo na nga ako.

Umakyat na kami sa moviehouse at namili ng papanuorin. Ang daming magagandang palabas ngayon pero iisa ang tumatakbo sa mga isip namin ni Tonton.

“Toy Story 3!” Sabay pa naming sigaw.

Pumila na si Mac habang kami namang tatlo ay nagku-kwentuhan. Maya-maya ay nagpaalam si Andrei na bibili lang daw ng pwedeng kainin habang nanunuod. Hindi naman gaano nagtagal si Mac at may hawak na itong apat na tickets.

“Nasaan si Andrei?” tanong niya.

“Bumili ng pagkain.” Tugon ko.

“Ah ganun ba, ako na sana ang bibili eh nakakahiya naman.”

“Anong nakakahiya dun eh ikaw na ang manlilibre ng ticket.” Si Tonton.

“Eh gusto ko kasing bumawi kay Arjay kaya dapat sana ako ang taya.”

“Oh sige pagbalik niya papabayaran ko nagastos niya.” Seryosong tugon ni Tonton.

Tinaasan ko ito ng kilay. Ngumiti lang ito na wari mo’y may pinaplano. Maya-maya nga’y dumating na si Andrei na may hawak na pagkain.

“Dude, iyong resibo?” bungad na tanong ni Mac.

“Huh? Bakit?” takang tanong ni Andrei.

“Babayaran ko.”

Nagtataka ito sa inaasal ni Mac kaya ipinaliwanag na ni Tonton kung bakit nagkakaganon ito.

“No need, this is my share.”

“Pero...”

“No buts shall we?” paggiya nito.

Tumuloy na nga kami. Maganda iyong puwestong napili ni Mac dahil hindi masyadong malayo, hindi rin malapit. Kanya-kanya na kaming upo at habang hindi pa nag-uumpisa ang palabas ay panay pa rin ang kuwentuhan naming apat.

Kapwa kami natahimik ng nagsimula ng i-roll ang palabas. Puno ng tawanan at maya-maya ay katahimikan ang bumalot sa amin kasama ng ilang mga manunuod din.

Pasulyap-sulyap naman ako sa dalawa at gaya nga ng inaasahan ay sweet ang mga ito. Walang pakialam sa iisipin ng iba sa kanila. Nakaramdam naman ako ng inggit. Muling ibinaling ko ang tingin sa big screen ng maramdaman kong isinasandal ni Mac ang ulo ko sa balikat niya.

Nagtataka ako sa gawi niya kaya naman tumingin ako rito. Matama niya akong tinitingnan. May assurance sa mga titig niya na nagsasabing I am here kaya naman pumayag na ako sa gusto nito. Naging ganun ang setups naming apat hanggang sa matapos ang movie.

“Grabe ang ganda talaga ng Toy Story. Pinaiyak na naman niya ako.” Kumento ni Tonton.

“Yeah especially when Andy gave all of his toys including Woody and Buzz dun sa girl.” Dagdag ni Andrei.

“Ibang klase iyong nabuong friendship sa kanila, nakakainspire.” Sambit naman ni Mac.

Matapos nito magsalita ay tumahimik ang mga ito. Napatingin ako sa kanila at lahat sila ay nakatingin din sa akin.

“What?” tanong ko.

“Wala ka man lang bang comment sa pinanood natin?” tanong ni Tonton.

“Ah, eh, maganda iyong movie siyempre.” Walang kwentang tugon ko.

“Nonsense bhest. Lumilipad na naman siguro isip mo ano? Earth calling Arjay! Earth calling Arjay!” wika pa nito sabay alog sa ulo ko.

Natawa naman ako. Oo nga naman parang wala na naman ako sa sarili ko. Kung anu-ano kasi pumapasok sa isip ko. Ang pagbabalik ni Mac, ang pagiging magkaibigan namin, ang sweetness niya. Hayysss, sumasakit ulo ko!

“Hoy bhest!”

Nagulat naman ako rito.

“Oh?”

“Hay nako, wala ka nga sa katinuan.”

“Sorry. Oh ano na?”

“Una na kaming uwi ni Andrei at tumawag si nanay.”

“Ganun ba? Sabay na ako sa inyo.”

“Paano si Mac?” tanong nito.

“May sasakyan ba kayo?” tanong ni Mac.

Umiling kami.

“Tara hatid ko na kayo.”

“Okay, makakatipid kami nito.” Nagbibirong sagot ni Tonton.

At iyon nga hinatid kami ni Mac. Inuna niya sina Tonton at Andrei. Pumasok muna kami sa bahay nila para magpakita na rin kila nanay at tatay.

“Hindi na ba kayo kakain?”

“Hindi na po nay. Kumain na rin po kasi kami kanina eh bago kami umuwi.” Sabi ko rito.

“Ah ganun ba? O siya ingat kayo sa pag-uwi.”

“Salamat po.” At nagmano na ako rito pati kay tatay.

Inihatid naman kami ni Tonton sa may labasan.

“Hoy Mac, ingatan mo tong best friend ko huh. Malaman ko lang na sinaktan mo to, humanda ka sa akin.”

“Lakas makababae ng habilin mo bhest huh.” Pagbibiro ko rito.

“I just want to make sure na makakauwi ka ng walang nangyayaring masama.”

“I promise.” Assurance ni Mac.

“Good. I have your word for that.”

Napangiti na lang si Mac. Nagyakapan muna kami bago kami tuluyang umalis.

Habang nasa byahe ay hindi ko pa rin mapigilang mag-isip. Napakagaling kasi ng pagkakataon, kung kailan ako malungkot ay saka siya darating.

“Arjay, thank you.”

“Saan?”

“For the chance.”

“Everybody deserves a second chance Mac tatandaan mo yan and besides hindi na tayo bumabata. Let’s promote world peace.” Litanya ko.

Natawa naman ito sa huling sinabi ko. Ilang kuwentuhang kutsero ang pinagsaluhan naming dalawa bago kami tuluyang nakarating sa bahay.

“Aba, parang ang tagal ng byahe. Nilibot ata natin tong lugar natin ah.”

Tumawa lang siyang nakakagago.

“Hay naku, o siya. Thanks for the time and I enjoyed it.” Sabi ko.

“Thank you din Arjay. Hindi mo lang alam pero pinasaya mo ako ng sobra.”

Akmang bababa na ako ng pigilan ako nito. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Bigla ako napahinto. Ina-anticipate ang pwedeng mangyari.

Papalapit na ng papalapit ang mukha niya. Para namang nag-slow motion ang galaw nito. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako at naghintay sa susunod niyang gagawin.

Sunday, June 10, 2012

Give your Heart a Break i

Hello guys! Ako po ay muling nagbabalik. Ahahahah. Napakatagal na noong huli akong magsulat at magpost ng story ko at inaamin kong na-miss ko ang pagsusulat. Mini-series lang itong gagawin ko sa ngayon dahil pasingit-singit lang pagsusulat ko at ise-set ko na expectations niyo na hindi ako daily makakapag-update, weekly siguro pwede pa. By the way, I think heto na ang tamang oras para makilala niyo ang mga characters ng Give your Heart a Break.


PS: I'm planning na muling buhayin ang mga natutulog ng karakters sa inabangan niyo dating first ever collaboration sa BiOutLoud. Pinag-iisipan ko pa ng maigi. :)
------------------------------------------------------------------------------------------------



“Bhest, paano yan lapit na graduation.” Medyo malungkot kong sabi sa kanya.

“Oo nga eh. Anong plano mo?” Tanong niya sa akin.

“Plano? Siyempre magre-review then board exam. Don’t tell me hindi ka na mage-exam bago ka umalis ng Pilipinas?”

“Of course not. Napag-usapan na naming dalawa ni Andrei ito tsaka siyempre iba pa rin pag may hawak akong lisensya di ba?”

“May point ka dyan. So saan mo balak mag-review?”

“Hmmm, pinag-iisipan ko kasi iyong sinabi ni ma’am na sa RCAP na lang mag-review. Doon din daw kasi siya nag-review dati at ang setup eh parang classroom lang at hindi sa moiviehouse.”

“Doon ka na lang din bhest para magkasama pa rin tayo.”

“Din? Walanghiya ka, nagpa-reserve ka na ng slot doon?”

“Siyempre hindi pa hinihintay pa kasi kita eh.”

“Huwow! Ang sweet naman ng best friend ko.”

“Tsk. Ako pa ba?”

At sabay kaming nagtawanan.

Parang kailan lang ng nag-umpisa kami sa kolehiyo nitong si Tonton at hindi ko akalain na kay bilis na lumipas ng panahon at ngayon nga ay magtatapos na kami. Maraming pinagdaanan ang buhay pag-ibig ng kaibigan kong ito simula ng dumating sa buhay niya si Andrei kaya naman hindi ko masukat ang kaligayahan ko ng malaman kong sila pa rin ang nagkatuluyan at heto nga plantsado na ang future nila.

“Bhest, gutom na ako kain muna tayo.” Pag-aaya niya.

“Hindi na natin hihintayin si Andrei?”

“Huwag na. Nagtext naman na ako sa kanya kung saan tayo kakain eh.”

“Okay.”

At hayun nga naglakad na kami para bumili ng makakain sa paborito naming bentelog. Tapsilog siya pero worth Php20.00. sulit na rin siya kasi masarap talaga pero dahil nga sa taggutom kami ay tig-Php40.00 binili namin. Dumiretso kami sa batibot sa loob ng school at doon naisipang kumain.

Nasa kasarapan kami ng pagkain ng dumating si Andrei. Tumabi ito kay Tonton at may hawak ding styro na binili niya dun kay ale.

“Hey there Arjay!” bati niya sa akin.

“Hey, kain.” Aya ko rito.

“Thanks.”

“Ton, saan mo balak mag-review pala?” Sabay baling sa nobyo.

“Sa RCAP.”

“Where’s that? Ayaw mo sa Pentagon or sa Sultan or sa Gapuz or kay Balita?”

Iling lang sagot nito.

“Why?”

“Mas gusto ko pa rin na classroom setting yung pagrereviewhan ko and ganun sa RCAP.”

“Ahhhh. Teka saan iyon?”

“Sa Manila sa may Recto.”

“Really?”

“Yep.”

“San mo balak tumuloy doon? Magre-rent ka?”

“Siguro. Tingin na lang kami siguro ni Arjay pag nandun na kami.”

“Oo nga naman para hindi masyado magastos.” Pagsang-ayon ko.

“Pwede ba ako sumama na din dun?” Tanong ni Andrei,

“Magrereview ka rin?” Sarkastikong tanong ni Tonton.

“Aba ayaw mo makasama itong guwapong to?” Pagmamayabang nito.

Natawa na lang kami. Patuloy lang sa pag-uusap ang magkasintahan habang ako naman ay matama silang tinitingnan. Natutuwa ako sa ibang kinang ng mga mata ni Tonton sa tuwing kasama niya si Andrei.

“Hoy bhest, natulala ka na dyan.”

“Huh, ah, eh.” Sabay flash ko ng ngiti.

“Naku, mukhang hindi pa rin kayo nakakapag-usap ni Aljohn lately ah.” Si Tonton.

“Hindi naman sa ganun. Iniisip ko lang kasi na sana andito siya para naman may partner ako hindi yung feeling ko nag-iisa ako kahit na may-bf ako.”

Nagkatinginan si Andrei at Tonton.

“Come over here Arjay. Give daddy a hug!” Sabay buka ng mga braso ni Andrei. Natawa naman ako sa gestures niya pero deep inside na-touch ako dito.

Lumapit ako at niyakap siya. Ginulo naman nito ang buhok.

“Huwag mong isipin na nag-iisa ka lang. Ton and I are still here for you. Di ka namin pwedeng pabayaan dahil for sure Aljohn will be mad at us.”

“Oo nga naman bhest. Baka tuluyan ka ng ilayo samin ni Aljohn.”

“Ilayo agad? OA naman nun masyado bhest.”

“Eh malay mo yun maisipan niyang gawin.”

Napabitaw naman ako sa pagyakap kay Andrei dahil sa sinabi ni Ton sabay tawa namin. Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa maisipan naming tumuloy na sa pagpapairma ng clearance namin.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maalis sa akin ang malungkot dahil ilang buwan na kaming hindi nagkikita at nagkakausap ni Aljohn.



“Jay, babalik na ako sa US bukas and mami-miss na naman kita.”

“Ako rin John. Mag-iingat ka dun huh tsaka always remember na mahal na mahal kita.”

“Alam na alam ko yan siyempre. Mag-skype tayo huh para naman mabawasan pagka-miss natin sa isa’t isa once na andun na ulit ako.”

“Sure.”

“I miss you.”

“I miss you more.” Sagot ko.

“I love you!”

“I love you more!” Tugon ko.

“Wala ba akong kiss?”

“Dami naman tao oh. Sa bahay na lang please.”

“Ayaw ko, dito ko gusto at now na.”

“Demanding la...umph”

Di ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil binusalan niya na yung bunganga ko ng halik niya. Gumanti na rin ako sa ginagawa niya.

“Ayan. Ang sarap pa rin talaga ng mga halik mo Jay.”

“Naman, ako pa ba?” Pagmamayabang ko.

“Sus porke’t pinuri nagmayabang na ang bata.”

“Talaga naman eh.”

At nagtawanan kami.

“Hatid na kita Jay.”

“Sige hatid mo ako sa bahay niyo medyo gabi na rin eh.”

Napangiti siya sa sinabi ko. Alam kong may tumatakbo sa isip nito sa mga oras na iyon at desidido akong pagbigyan siya.




Naalala kong bigla ang huling pag-uusap naming dalawa. Kamusta na kaya siya? Ni hindi na nga siya nagpaparamdam eh. Buhay pa kaya siya? O baka nakahanap na ng iba. Mga katanungang gumugulo sa isip ko. Naramdaman ko na lang ang akbay ni Tonton sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.

“Cheer up bhest. Hindi mawawala iyang kalungkutan mo kung palagi mo siyang iniisip.”

“Di ko alam gagawin ko eh.”

“Sige ganito na lang. After nating magpapirma punta tayo ng mall. Mag-arcade tayo gaya ng nakagawian na tin sa tuwing nalulungkot tayo, okay ba yun?”

Napatango na lang ako. Di ko pa rin kasi talaga alam kung makakatulong ba iyon o hindi eh. Dali-dali naming tinapos ang pagpapapirma at tuluyan na nga kaming pumunta sa mall. Pagkadating doon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot sa tuwing nakikita ko na may mga mag-partners na dumadaan sa harapan ko at sobrang sweet nila.

Bigla na lang akong hinila ni Tonton ng maramdaman siguro nitong napahinto ako. Para kaming mga bata na nagtatakbuhan papunta sa palaruan. Nang makarating ay agad na bumili ito ng tokens at ibinigay yung iba sa akin. Hindi pa rin ako mapakali pero dahil na rin sa nakikita kong nag-eenjoy na si Tonton at Andrei ay naisipan ko na ring gumawa ng pagkakaabalahan.

Parang hinihigop ang attention ko sa isang game sa di kalayuan. Lumapit ako rito at nanood. Street Fighter? Hmmm, pwede na pagkatapos ni kuya. Nang tumayo na si kuya dahil na-gameover siya ay ako na agad ang umupo at sumunod.

Namili ako sa mga characters na andudun at ang napili ko ay si Chun-Li. Hindi ako familiar sa mga moves at special attacks niya kaya naman sa mga unang laro ko ay lagi akong natatalo. Siyempre hindi ako papayag nun. Naka-ilang ulit pa ako at talagang hooked na hooked na ako sa kanya. Ilang lightning kick, hikoken at spinning bird kick ang ginamit kong combo para makarating kay M. Byson.

Inisip ko na si Aljohn si Byson at parang gusto ko siyang gantihan at saktan sa hindi niya pagpaparamdam sa akin. Lahat ng hinanakit at kalungkutan ko ay sa kanya ko ibinuhos. Kitang kita sa akin na hindi lang simpleng paglalaro ang intension ko dahil sa sobrang diin ng pagpindot ko sa mga buttons ay kala mo gusto ko ng sirain yung computer.

YOU WIN!

Iyan ang nakita ko sa screen ko kasabay ng pagtalun-talon ni Chun-Li na nagbubunyi sa pagkakapanalo. Doon lang ako napahinto. Parang napagod ako sa ginawa ko. Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa ulirat ko sa paligid.

“Great job.” Sabay ngiti ni Andrei sa akin.

“Napaka-intense nung game mo na yun bhest ah.” Bati ni Tonton sa akin.

“Oo nga eh. Di ko na nga napansin na masyado akong na-hooked sa kanya.”

“Teka matanong ko lang Arjay, of all characters, why Chun-Li?” Tanong ni Andrei.

Napaisip ako kung bakit siya nga ang ginamit ko.

“Kasi she’s strong.” Simpleng tugon ko.

“All of them are strong in their own way.”

“Dahil sa siya lang yung nag-iisang babae?” Patanong na sagot ko.

Napakibit-balikat na lang ito ng malamang wala akong tunay na dahilan bakit siya ang pinili ko. Inaya ko silang magmeryenda dahil sa nagugutom na ako. Pinili naming kumain sa may Pao Tsin. Pumila kami habang natingin kung anong kakainin naming.

“Mag-rice na ba kayo o merienda lang?” Tanong ko sa dalawa na kasalukuyang nagpi-PDA na naman.

“Ah sige rice na lang and shark’s fin.” At muling naglambingan.

Humarap na ako kay kuyang cashier at akmang o-order ng tiningnan ko ang dalawa.

“Hoy PDA kayo masyado!!!” Sabay balik kay kuya at um-order. Rinig ko ang tawanan ng dalawa sa inasal ko.

Maya-maya ay bitbit ko na yung mga pagkain naming tatlo.

“Wow ang sweet niyo huh di niyo man lang ako tinulungang buhatin pagkain natin.” Pagrereklamo ko.

“Eh kayang kaya mo naman bhest eh.”

“Tseeeee!”

“How are you?” Tanong ni Andrei pagkaupo ko.

Tinantiya ko muna kung ano na nararamdaman ko. “Better.”

“Great! At dahil dyan, magse-celebrate tayo. Wait lang.” Sabay tayo nito.

“Saan pupunta iyon?” Tanong ko kay Tonton na nakakunot-noo.

Iling lang sagot nito. Maya-maya pa ay dumating na ito at may dalang ice cream. Inilapag niya ito sa mesa.

“Please lang, bawal maging sweet this time.” Warning ko.

Mukhang na-anticipate na ni Andrei ang sasabihin ko kaya naman inilabas nito ang tatlong piraso ng kutsara.

“Good.”

Kumain na nga kami habang patuloy na nag-uusap. Hindi nga naging sweet ang dalawa bilang pagtupad sa request ko. Maya-maya ay napahinto si Tonton sa pagsasalita at may itinuro sa akin. Napalingon naman ako doon at kita kong papalapit ito sa puwesto namin.

“Hi, can I join you?” Tanong nito.

“Ah, eh, sure. H-have a seat.” Nauutal kong tugon.

Umupo na ito sa tabi ko at sa di malamang kadahilanan ay bigla akong na-tense. Kita ko sa mga mata ni Tonton ang pag-aalala sa akin at galit para rito. Alam kong naikuwento ka sa kanya ang mga nangyari noon kaya sa malamang ay naaalala nito iyon. Nakunot-noo na lang ako sa reaction niya. Kaya ko ito.

“How are you?” tanong nito.