Monday, May 24, 2010

SHORT STORY: Si Andrei Part 2

at nakatulog na nga ako. maayos ang naging pagtulog ko. actually, nanaginip pa ako na magkasama daw kami sa isang place ni andrei. sobrang sweet namin halos di magkamayaw ang mga langgam sa paglapit samin. nasa moment kami na magkaholding hands at naglalakad sa beach nang may tumawag sa kanyang isang magandang babae. hindi familiar sakin yung girl. nung makalapit ito sa amin, bigla niyang hinablot si andrei mula sakin at tuluyang inilayo sakin. mistula namang napakalakas nung babae at hindi magawang makawala ni andrei. kitang kita ko kung panu pilit na inaalis ni andrei ang pagkakahawak sa kanya nang babae. nang may kalayuan na sila, nakita kong bumunot na .45 caliber pistol yung babae at itinutok sakin. nagmamakaawa si andrei na wag niyang ituloy yung balak niya pero huli na ang lahat. nakalabit na niya ang gatilyo at diretso ang tama nang bala sa aking dibdib. patuloy ang pag-agos ng dugo sa aking dibdib. bago ako nalagutan nang hininga narinig ko pa ang malakas na tawa nung babae.

"tonton!" sigaw ng nanay na nagpagising sakin. nakita ko ang aking sarili na naliligo sa pawis. hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko. nabasa ko sa isang psychology book na maaring mangyari ang isang panaginip sa totoong buhay dahil may koneksyon ito. kinabahan akong bigla at nanalangin na sana hindi iyon magkatotoo.

bumaba na ako nang hagdanan at dumiretso nang banyo para umihi. pagkatapos ko sa banyo, agad akong tumungo sa hapag dahil nakaready na ang agahan ko. pansamantala kong nakalimutan ang nangyari sa panaginip ko dahil sa sarap ng pagkain ko. maya-maya pa biglang dumating si arjay. nakita niya ako sa aktong naghuhugas ng plato.

"wow best, marunong ka pala maghugas ng pinagkainan mo." pambubuska sakin ni arjay. pero nginitian ko lang siya.
"uy best, samahan mo naman ako sa sm oh. may bibilhin kasi ako. ayoko naman mag-isang pumunta dun." pagmamakaawa niya.
"at ano na naman ba ang bibilhin mo dun? regalo sa lalaki mo?" sinadya kong hinaan ang term na lalaki kasi hindi alam sa bahay na bi si arjay.
"gago, hindi noh. may pinapabili si mama na gamit sa kitchen. tapos nood tayo nang sine afterwards. treat ko."
"wow ang yaman naman niya ata ngayon."
"i'll take that as a yes huh. for the mean time, since maaga pa naman, paopen naman ako nang computer mo. mag-uusap kasi kami nang dyowa ko eh." tumango na lang ako at tinapos agad ang ginagawa ko. nagpaalam ako kay nanay na doon na lang kami sa kwarto ko tatambay ni arjay.

pagdating doon, agad kong binuksan ang laptop ko at inopen ang skype dahil dun sila mag-uusap. di rin naman naglipat sandali at nag-uusap na sila. walang patumanggang kamustahan at kwentuhan ang ginawa nila. puro I LOVE YOU at I MISS YOU ang mga naririnig ko. ang mga inlove talaga. pero sa kabilang dako, naiinggit ako sa bestfriend ko kasi siya may lovelife ako wala. dahil sa nararamdaman kong sadness, muli kong naalala ang nangyari sa panaginip ko na binaril ako. ayoko nang maalala pa yun kaya nilabas ko yung gameboy nang pinsan ko at naglaro dito. nasa gitna na ako adventure ko nang bigla akong tinawag ni arjay.

"best, tawag ka ni aljohn. gusto ka daw kausapin."
"bakit daw?" lumapit na ako sa kanya. at ayun nga nakita ko na ang boyfriend ng bestfriend ko. gwapo siya na hindi naman nakakapagtaka dahil cute naman itong si bestfriend. yun nga lang hindi ko ito tipo dahil sa gaya ni andrei ang gusto ko. sinabi lang sakin ni aljohn na bantayan ko nang maigi ang bf niya at wag na wag ko daw pababayaan. nakita ko kung gaano kamahal ni aljohn si arjay at lalo lamang akong nainggit. nang matapos na akong magsalita ay nagpaalam na ako at ibinalik kay arjay ang headset.

bumaba muna ako sandali para kumuha nang makakain dahil baka nagugutom na si arjay. naghanda lang ako ng chicken sandwich at juice para sa kanya. pagdating ko doon ay katatapos lang nilang dalawa mag-usap at nang makita niya ang dala ko ay agad niyang kinuha. nagutom daw siya nang sobra sa ginawa nila. natawa ako dahil wala naman akong narinig mula sa ibaba na may ginawa silang milagro.

hindi rin nagtagal at naligo na ako. matagal akong maligo kaya pinaglaro ko muna si arjay sa computer ko para malibang siya habang naghihintay. hindi lang kasi basta ligo ang ginagawa ko sa loob ng banyo. kahit naman ganoon lang ang buhay namin, di mayaman pero hindi din mahirap, may mga stock naman kami nang olay body soap - kalimitang padala nang tita ko sa saudi. kaya pagkatapos kong magsabon ay ibinababad ko ang sarili ko sa olay para kahit papano eh maging malambot pa din ang skin ko. inabot din siguro ako nang halos 30 minutes sa loob dahil pag-akyat ko ay nakahiga na si arjay sa kama ko at natutulog. di ko na siya ginising dahil baka napuyat kagabi. nagsuot na ako nang damit. suot ko ang paborito kong polo shirt na white na lacoste bigay nang tita ko at isang medyo hapit na shorts ko. bumagay naman ito. nagflip flops na lang ako para mas presko.

nagpalipas ako nang oras sa may duyan sa likod ng bahay. ang presko nang hangin, ang sarap damhin. andami kong iniisip na mga bagay bagay sa oras na iyon pero ang pinakamaganda ay ang alaala namin ni andrei kagabi. hindi din naman nagtagal at nakita ko si arjay na pupungas pungas pa habang naglalakad palapit sakin.

"best, di na kita ginising pa kanina kasi feeling ko nakipagpuyatan ka na naman kagabi." pang-asar ko sa kanya. umismid lang siya pero tumawa din.
"tara na nga sa mall ng makalibot pa tayo." sabi niya sabay tayo at lakad palabas ng compound.

di din naman nagtagal at nakarating kami nang mall. agad kaming pumunta sa store na pagbibilhan namin nang bilin nang mama ni arjay. matapos naming makabili ay agad kaming naglibot libot sa mga stalls na andun. tuwang tuwa kami pareho na nagsusukat ng mga damit pero di naman namin binibili dahil kapos kami sa budget.

kasalukuyan kaming nasa may stall nang american blvd nun nang bigla akong kinalabit ni arjay. tumingin ako sa kanya na nakatingin sa ibang direksyon. sinundan ko nang tingin kung san siya nakatingin at nakita ko si andrei. biglang nanikip ang dibdib ko sa tagpong nasumpungan. si andrei kasama ang isang babae at nakaakbay pa siya rito habang sweet na sweet na nagsusubuan ng ice cream. hindi ko kaya ang nakikita ko. gusto kong lumabas pero paano? pag lumabas ako, makikita niya ako. gulung-gulo ang isip ko nun pero nanaig ang kagustuhan kong makaalis sa lugar na iyon.

dali-dali akong lumabas kasunod si arjay. dumaan ako sa harap nilang dalawa. alam kong nagulat si andrei nang makita niya akong lumabas sa stall pero hindi ko siya tiningnan. nagmamadali ako kunwari at biglang labas ng cellphone na kunwari may tumatawag sakin. tuloy-tuloy lang kami nang lakad ni arjay hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa kanila. labis akong nasaktan at nakita ko na lang na inabutan ako ni arjay ng panyo dahil umiiyak na pala ako. kinuha ko naman ito at pinunasan ang mga luha ko.

"best, tara na sa moviehouse. gusto kong malibang." sabi ko.
"sige pero daan muna tayo nang mcdo. remember, di magandang manood pag walang fries and float?" sabi niya sabay ngiti. napangiti naman ako sa bestfriend ko. kahit kelan talaga kaya akong patahanin ni arjay. minsan nga naiisip kong bakit di na lang kami ni arjay ang magkatuluyan. tumayo na ako at sumunod na sa kanya papuntang mcdo. napagtripan naming monster float ang bibilhin namin at large fries. bumili pa kami nang burger para masaya. pagkatapos noon ay umakyat na kami papuntang moviehouse. pinili naming panoorin ang angels and demons.

pagkapasok ay commercials pa lang ang nasa screen kaya nakapwesto pa kami nang mabuti sa panonod. di nagtagal at nag-umpisa na ang palabas. nabasa na namin pareho ang novel na ito pero iba pa rin kapag pinanood mo to sa big screen. sabay pa kaming nagulat ni arjay ng pinakita ang unang cardinal na may tatak earth. tutok na tutok kami sa screen. ni hindi na nga kami nag-uusap hanggang sa natapos ang palabas. kapwa namin binigyan na 9 out of 10 rating ang palabas dahil maganda naman talaga ito.

pumunta muna ako nang cr para magbawas ng load. pumasok ako sa loob at umihi na. kinilig pa ako pagkatapos kong umihi dahil hindi talaga ako nakalabas habang nanonood dahil sa sobrang ganda nang plot nung movie. dumiretso ako sa lavatory para maghugas ng kamay. pag-angat ko nang mukha ko, nakita ko si andrei na kalalabas lang din sa kabilang cubicle. nagtama ang tingin naming dalawa pero ako na din ang unang bumawi. tapos na akong maghugas at dumiretso na ako sa labas at nagpunas nang kamay gamit ang panyo dahil ayoko nang magtagal pa sa loob. wala akong pakialam kahit magkasama sila nang babae niya.

inaya ko muna si arjay na pumunta nang arcade para magpalipas ng oras. hindi naman urgent yung pinabili nang nanay niya kaya okay lang sa kanya. ayun nga at nagpapalit na kami nang tokens at nagsimulang maglaro. tuwang tuwa siya dahil ngayon na lang siya ulit nakahawak ng joystick simula nung elementary siya kaya inalalayan ko muna siya. nang masanay na siya ay hinayaan ko na siya. naglakad muna ako sa loob. napansin ko ang dalawang kapwa ko kabataan na enjoy na enjoy sa dance dance revo. parang feeling ko na gusto ko ding maglaro nun. nagtyaga akong maghintay hanggang sa matapos na sila. nakalimutan ko si arjay na naglalaro. gusto ko kasing sumayaw din pampawala nang inis. ginaya ko yung ginawa nung nauna sakin dahil mabagal lang yung umpisa pero habang tumatagal eh bumibilis.

tuwang tuwa ako na pinagmamasdan ang mga lumalabas na arrows sa screen sabay tapak sa corresponding arrows sa may paanan ko. nakakasabay naman ako at puro combo yung lumalabas. nung medyo bumilis na, himala namang nasasabayan ko pa din. tuloy tuloy siya. wala na akong pakialam pa sa poise ko dahil talagang nag-eenjoy ako. nang matapos yung song, andaming nakapalibot sakin at tuwang tuwa din sila sa pagkakakuha ko nang magandang score sa tugtog na yun. nakita ko din si arjay na nakangiti. inaya ko na din siyang umuwi nun.

hinatid ko na muna si arjay sa kanila bago ako tumuloy ng uwi sa bahay. alam naman kasi nila nanay kung saan ako pupunta kaya hindi na sila nagtext pa para pauwiin ako. habang naglalakad pauwi galing sa bahay nila arjay, may humintong familiar na kotse sa harap ko. hindi ako tumigil sa halip dumiretso lang ako nang lakad. narinig ko na lang ang pagsara nang pinto nang kotse tanda na may bumaba mula rito. di ako lumingon para tingnan kung sino yung bumaba dahil sigurado ako na si andrei yung sakay nun. hindi nga ako nagkamali.

"ton, wait naman dyan." sabi niya sabay hila sa braso ko.
"oh andrei kaw pala yan." sabi ko naman sabay harap sa kanya. "napadaan ka dito? may pupuntahan ka ba?" tanong ko sa kanya.
"wala naman. gusto ko kasing pumunta sa inyo eh. tambay lang." tumango lang ako. "tara sabay na tayo, sakay ka na sa kotse." aya niya sakin. medyo masakit na din paa ko nun sa kakalakad kaya napilitan na akong sumabay sa kanya. sa loob ng sasakyan ay parang walang tao sa sobrang tahimik naming dalawa pero di siya nakatiis at nagsalita siya.

"ton, sorry kanina huh."
"bakit ka nagsosorry sakin at para saan?" tanong ko naman.
"dun sa mall kanina. nakita kita kanina kasama si arjay na lumabas sa american blvd."
"teka, bat ka nagsosorry sakin? wala ka namang ginawang masama di ba tsaka i am in no position para magalit sayo kung anuman yon."
"pero i believed na nasaktan ka sa nakita mo kanina." tama siya nasaktan ako sa nakita ko pero magkamatayan na ang umamin.
"nasaktan? bakit naman ako masasaktan? wala naman akong pakialam kung anuman ang mga ginagawa mo at kung sino kasama mo. you have your own life and authority to do what you wanted. and besides ano ba tayo?" nagbago bigla expression ng mukha niya. napaka-gloomy nang expression niya ngayon.
"nakita kasi kitang umiiyak kanina. lalapitan sana kita kaso kasama ko si joanne at kasama mo naman si arjay. tsaka you're right. ano nga ba naman tayo. we're just acquaintances nothing more."
"umiiyak? oh, yun ba? tumawag kasi yung tita ko at sinabi saking namatay yung pinakamamahal kong aso. masakit sakin yun dahil halos sakin na lumaki yung aso na yun kaya sobrang malapit ang loob ko dun." pagsisinungaling ko. alam ko hindi siya naniwala sa palusot ko pero mas pinili niya ang tumahimik na lang. acquaintance? siguro ganun nga lang talaga ang turing niya sa akin. hindi na kami nag-usap afterwards at di nagtagal at nasa bahay na kami.

pinapasok ko siya sa loob para makapagpahinga muna siya. sinabi niya sa nanay ko na dito siya matutulog sa gabing iyon at dali dali namang umoo ang nanay. wala na akong nagawa pa nang utusan ako ni nanay na kunin ang banig sa kwarto nila at iakyat sa kwarto ko. pagpasok ko sa kwarto ko, agad kong inayos ang banig na paghihigaan ko. ibinaba ko na din ang paborito kong unan at kumot na din. naglabas na din ako nang bagong unan at kumot para sa kanya. pagkatapos kong ayusin ang higaan ay bumaba na ako para tumulong kay nanay na maghain.

nakita ko siya sa may salas at may kausap sa phone. hindi ko na lang siya masyadong binigyan pa nang pansin. masyado kasi akong nag-assume sa sweetness na ipinapakita niya sakin noon kaya heto ngayon at nasasaktan ako. sino nga ba naman ang magmamahal sa kagaya ko. nakapaghain na ako nun at tinawag ko na silang lahat para dumulog sa hapag.

masaya kaming kumain ng hapunan. may mga moment na nagtatawanan kami at may mga moment din na tahimik lang. para kaming ewan. masaya sila nanay dahil bukod kay arjay ay may bago daw akong kaibigan at kasama pa naming kumakain.

natapos na kaming kumain at nagligpit nang pinagkainan nang naisipan kong umakyat na sa kwarto ko. humarap ako agad sa computer at in-open ang facebook account ko. natuwa ako na andami ko na palang friend requests mula sa mga bago kong classmates. ilang araw ko na din hindi in-open tong account ko dahil sobrang busy talaga. sa lahat ng requests, sa isang profile lang ako halos hindi makapaniwala. in-add ako ni andrei, pero bakit? siguro dahil gusto lang niya. in-accept ko na lang din siya kahit papaano nakakahiya pag ni-reject ko.

kasalukuyan kaming nagchachat ng mga classmates ko nang maramdaman kong pumasok na siya nang kwarto. hindi ko na lang siya pinansin at tuloy ako sa pakikipag-usap. nagtanong siya na para saan daw ba yung banig na nilatag ko.
"bakit yang banig na nasa floor? don't tell me na dyan ka matutulog tonight." sabi niya
"tama ka. dito ako matutulog, nakakahiya naman kasi sa bisita na sa floor siya matulog hindi ba." pormal kung tugon.
"dito ka na lang sa bed, let me try to sleep dyan." ngunit umiling ako.
"or if you want, you can stay with me on the bed. i am harmless." sabay tawa niya.
"no, dito na lang talaga ako sa floor matutulog."
"come on please." pangungumbinsi niya pero umiling padin ako. "alright, i'll go home na lang. nakakahiya naman na agawan kita nang bed. may bahay naman kasi ako na pwedeng uwian." bigla niyang sabi. bigla akong natauhan sa sinabi niya. hindi pwedeng umuwi siya dahil tiyak na kagagalitan ako nina nanay at tatay pag nalaman nila na umuwi si andrei. at ayun, pumayag na nga akong tumabi sa kanya sa bed ko.

di na ko nagtagal pa sa account ko at nag-logout na ako. tinanong ko siya kung gusto niya gumamit ng computer habang nagsa-shower ako. pumayag naman siya. hindi ako natatakot na ipahiram yung laptop dahil wala naman siyang pwedeng makita dun na maaaring mag-divulge sa totoong pagkatao ko. kaya't carefree akong nagshower na. after kong mag-shower nakita ko siyang busy pa din sa laptop ko at nakita kong tinitingnan niya mga pictures ko na nakastore dun including mga pictures namin ni arjay na sobrang kulit.

"sana may moments din tayong ganito." narinig kong sabi niya habang nagsusuklay ako nang buhok ko.
"may sinasabi ka ba dyan?" tanong ko sa kanya na nagpretend na wala akong narinig.
"ah wala naman akong sinasabi eh." pagsisinungaling niya. lingid sa kaalaman niya, kinikilig ako nang sobra nung oras na yun. para bang lahat ng sama nang loob na binigay niya sa akin kanina eh napalitan nang saya lalo pat tabi kami sa higaan.

(itutuloy...)

0 comments: