Wednesday, May 26, 2010

SHORT STORY: Si Andrei Part 3

ayun at nakatulog ako nang mahimbing katabi siya. nagising ako nang mga bandang 3:30am dahil sa napakabigat na nakadantay sa tyan ko. aba ang mokong, dinantay ang hita sa akin. ang bigat kaya. hinawi ko ito at ibinalik sa pwesto. tumalikod na ako sa kanya pagkatapos. saglit pa, naramdaman ko siyang kumilos at humarap sakin. walang sabi sabi ay bigla niya akong niyakap.

"mahal na mahal kita. wag mo kong iiwan, i can't see how my days will go without you". dinig kong sabi niya. natutulog ba siya at nananaginip o gising siya? kung nananaginip man siya, ako ba ang iniisip niya o baka isa sa mga babae niya. masyado na naman akong nag-assume na may pagtingin din siya sa akin. masakit isipin na sa bawat pangyayari sa pagitan namin ay bunga lamang ng aking imahinasyon na nagsasabing mahal niya din ako. bigla akong naluha sa isiping iyon. napagpasyahan kong matulog na lang ulit. di naman ako nabigo.

nauna padin ako sa kanyang nagising. bumangon ako at bumaba para magmumog at tumulong nadin sa ginagawa nang nanay. nagluluto si nanay ng agahan namin. dahil sa espesyal daw ang bisita namin, maghahain daw siya nang masarap. magaling na kusinera si nanay kaya't alam na niya ang iluluto niya. hindi naglipas oras, bumaba na si andrei at tumungo nang banyo. nang mapadaan samin ay nag-good morning pa siya. nakita ko ang ayos niya, gulo ang buhok at pupungas pungas pa pero gwapong gwapo pa din. di ko na naman maiwasang hindi humanga sa kanya.

naghain nadin kami agad ni nanay matapos naming magluto. dumulog na ang lahat sa lamesa at nagsimula nang kumain. masaya ang lahat dahil sa may bisita na naman kami. parang pyesta ang ambiance sa bahay, sobrang saya nang feeling.

lumabas muna ako at tumambay sa paborito kong duyan sa likod bahay at para na rin magpahangin. naisip ko, masyadong mabilis ang lahat ng mga pangyayari. parang kailan lang ay isang estranghero si andrei na hindi ko pinapansin. pero ngayon, parang bigla na lang siyang naging close sa pamilya ko. minsan naiisip ko na baka may itinatago siyang dahilan.

"bulaga!" nakalapit pala siya nang hindi ko namamalayan. naputol ang pagmumuni ko at biglang nabuwal. lakas ng tawa niya.
"aba, gago to ah." sabi ko na lang din sabay tawa. muli akong sumampa sa duyan ko.
"patabi naman." sabi niya kaya umusod naman ako para may space siya na uupuan. naamoy ko na naman ang samyo niya. nakakaadik ang amoy na iyon na tipong ayaw mo nang kumawala sa yo.
"is there a problem?" tanong niya.
"wala naman. bakit mo natanong?"
"kasi i saw you kanina na you're thinking of something so deep that you don't want to be interrupted."
"naku, don't mind me. ganun lang ako talaga minsan. moody kasi ako tsaka pag tumambay na ako dito sa duyan nagiging peaceful ako. mukha lang na may iniisip akong malalim pero wala talaga." pag-explain ko.
"ah ganun ba? pero you're right. masarap nga tumambay dito sa duyan mo. the air here is so cool and so calm." bigla siyang tumahimik at biglang nalungkot.
"napatahimik ka diyan? may problema ba?"
"none, i just thought of bringing you at my house."
"sige ba, payag ako. kelan ba yan?"
"soon." sabay ngiti. hayup na ngiti talaga yan. lalo tuloy nadagdagan problema ko.

bigla niyang idinantay yung ulo niya sa balikat ko. di na ako kumibo pero nagulat ako. kinuha niya kamay ko at naghold hands kami. hindi ako nakatagal sa ganung sitwasyon kaya kinuha ko sa kanya ang kamay ko pero di ko tinanggal ang ulo niya sa balikat ko. nung inangat niya yung ulo niya, tumingin siya sakin. mata sa mata. unti-unting lumalapit yung mukha niya. natetense ako. di ko alam ang gagawin. nag-aassume na naman ako na hahalikan niya ako pero impossible. ngunit...

tuluyan nang naglapat ang mga labi namin. hindi ako makapaniwala na siya ang magiging first kiss ko. banayad siya kung humalik. hindi ako marunong kaya hindi ko alam gagawin ko. para akong tuod na naghihintay sa susunod niyang gagawin. pilit niyang binubuka ng dila niya yung labi ko at pinagbiyan ko naman siya. di na rin ako nakatiis at gumanti na din ako sa mga halik niya. ang tamis ng laway niya. nilabas niya ang dila niya at ganun din ako. naramdaman ko na lang na hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko. hindi ako nagwoworry na may makakakita samin kasi medyo tago yung duyan sa may bahay. tuloy pa din ang halikan namin nang biglang magring yung phone niya.

bigla siyang huminto at tiningnan kung sino yung tumatawag sa kanya. tumayo siya at lumayo para sagutin ang tawag. nabadtrip ako dahil nabitin ako. ang sarap niyang kahalikan. hindi talaga ako makapaniwal sa mga nangyayari. parang nabibitag na ako ni andrei sa mga pain niya sakin. lumapit siya sa akin pagkatapos nilang mag-usap.

"ton, alis na ako huh. nag-aaya yung barkada na mag-basketball. bonding time lang." pagpapaalam niya sa akin.
"ah sige, paalam ka din kila nanay at tatay." tugon ko. lumakad na siya palayo.

iniisip ko pa din yung nangyaring halikan sa pagitan namin ni andrei. parang napakatagal na napakabilis ng mga nangyari. totoo, naiinlove na ako sa kanya. pero paano ako? ako lang ba ang may pagtingin at siya wala? bakit niya ako hinalikan? ibig bang sabihin nun na mahal niya din ako? ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. pero iisa lang ang sigurado ako. masaya ako sa kung ano ang meron sa akin ngayon. lumapit ulit si andrei sakin na nakagayak na.

"thanks ton sa pagpapatuloy mo sakin dito sa house niyo. i'm really happy knowing you." at muli pa ay ginawaran niya ako nang isang halik sa labi bago tuluyang umalis. naging masaya ang maghapon ko. napansin din nila nay at tay ang kasiglahan ko. pero hindi sila nagtanong kung bakit. basta msaya din sila sa nakikita nila sa akin at hinahayaan lang ako.

lumipas ang ilang linggo na lago kaming magkasama ni andrei. kulitan, kwentuhan, bonding time. minsan nakakasama din namin si arjay sa mga gimik namin. kahit ganun, hindi ko pa din pinapabayaan ang pag-aaral ko bagkus lalo ko pang pinagbubuti.

malapit na ang midterm exam namin nun at busy na din kami ni arjay sa pagrereview. hindi na din muna ako inistorbo ni andrei dahil alam niyang seryoso ako sa pag-aaral ko. ayos lang sakin ang ganung set-up tsaka hindi naman kami para maubos ang oras sa isa't isa.

sa huling gabi bago nang exam, may isang unknown caller ang nag-appear sa phone ko kaya sinagot ko agad ito.

"hello?" tanong ko.
"si antonio ba to? yung sa library?"
"oo ako nga po. sino po ba sila?"
"layuan mo si andrei kung ayaw mong magulo ang buhay mo."
"ano pong sinasabi niyo at sino ba kayo?" medyo gulat kong sagot.
"hindi mo siya kilala at hindi mo alam kung ano ang nasa isip niya. sa ngayon sweet siya pero bukas makalawa ganun padin kaya siya sayo? hindi mo ba naiisip kung bakit na lang siya biglang naging malapit sayo? wala kayang kinalaman ang barkada niya dito?" sunud-sunod na tanong nang caller. "kung ayaw mong tuluyang masaktan at mahulog sa bitag nila. layuan mo na siya ngayon na." at tuluyan nang pinutol ng mysterious caller ang linya.

napanganga ako sa lahat ng mga pinagsasasabi niya. hindi ko alam kung tama ba ang nangyayari pero parang feeling ko tama ang caller. bakit bigla na lang siya naging malapit? bakit ang sabi nang caller na may kinalaman ang barkada niya sa pagiging malapit sa akin? totoo kaya lahat iyon?

isinantabi ko muna lahat ng mga katanungan kong iyon at tumutok sa pagrereview. natapos akong magreview nang mga bandang alas10 na nang gabi. tinext ko na si arjay na matutulog na ako at magkita na lang kami sa school bukas.

maaga akong nagising kinabukasan. handang handa na ako sa exam namin. two days ang schedule namin ngayon kaya i expect na hindi ako iistorbohin ni andrei. may plano akong kausapin siya after exam para magkalinawan na. bothered ako sa sinabi nung caller pero hindi ako papatalo doon. i will make best results for my exams. pumasok na ako nang school. konting minuto na lang at exam na. magkatabi kami nang arrangement ni arjay pero may isang upuan kaming distance. wala kaming imikan hanggang sa matapos lahat ng exams sa araw na iyon.

honestly hindi ako nahirapan sa exam na binigay samin kaya tuwang tuwa ako. i am expecting of good grades sa term na iyon. meron pa akong isang araw na exam na paghahandaan ko pa. actually nakareview na ako last week pa pero refresher na lang kumbaga. maaga akong natulog kinagabihan.

ganun na naman ang scenario naming dalawa ni arjay. nang matapos ang huling exam, hinintay ako ni arjay sa labas ng pintuan matapos niyang sagutin ang paper niya. pagkalabas ko, nagkamustahan kami at nagchikahan. nagutom kami kaya naisipan naming tumuloy sa canteen. umorder kami nang makakain at umupo sa isang bakanteng spot sa labas ng canteen. masaya kaming nagkukwentuhan ng dumaan yung mga barkada ni andrei. kasama din siya dun. kinawayan ko siya pero hindi niya ako pinansin tipong hindi ako nag-eexist. napahiya ako pero buti na lang may kaklase akong asa may likuran niya at nakita akong kumaway kaya kumaway din siya sabay lapit samn ni arjay. alam ni arjay na napahiya ako pero tumahimik na lang siya. tuloy ang kwentuhan namin. kinilig bigla yung kaklase namin ng tumabi sa may table namin yung grupo nila.

parang nabadtrip ako na ewan kaya bigla akong tumayo at umalis. nagulat silang dalawa sa ginawa ko. naalala ko na kasama ko si arjay kaya bumalik ako sa table at sinabihan siyang may emergency lang. sumabay na din sakin si arjay samantalang yung kaklase namin eh umalis na din at may pinuntahan. hindi ko na tiningnan pa yun reaksyon niya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam sa kanya. inis ang naghari sa dibdib ko nung oras na iyon.

nang asa malayo na kami, nakatanggap ako nang isang text mula sa kanya. humihingi siya nang sorry sa pang-iisnab niya sa akin at nagtataka daw siya na bigla akong umalis. hindi ko siya nireplyan. ano sa akala niya, maysademonyo din ako no. bahala siya sa buhay niya. dumiretso ako sa bahay nila arjay para maglabas ng sama nang loob.

gaya sa bahay, meron din siyang duyan sa likod ng bahay nila kaya dun kami pumwesto. naghanda nang maiinom at makakain si arjay bago kami nag-umpisa. tinanong niya ako bakit hindi ko pinansin si andrei. meron daw ba akong sikreto sa kanya. ayun at ikinuwento ko lahat sa bestfriend ko ang mga nangyari. nakisimpatya naman siya sa nararamdaman ko. para malift up ang mood nang sitwasyon, kumanta kami ni arjay na parang walang bukas. maganda boses namin ni arjay kaya naman todo blending kami. sa katunayan nga, gumawa kami nang video ni arjay at pinost sa youtube. naka-ilang libo din kami nang viewers. may mga requests kami pero hindi na namin naituloy dahil busy kami pareho.

pinutol ng isang tawag ang kasiyahan namin. sinagot ko naman ang tawag niya.

"hey ton, where are you?"
"bakit mo tinatanong kung asan ako? may kailangan ka ba?" inis kong sagot.
"gusto kong tumambay eh. wanna join me?"
"hindi na, wag na. i'm already in a bliss ngayon." narinig niyang may kasama ako. hindi ko kasi sinaway si arjay na kumanta eh.
"who's that?" tanong niya.
"someone special, bestfriend, close friend, yun. bakit?"
"bakit magkasama kayo? what are you doing?"
"we're drinking"
"just the two of you?"
"oo bakit? wala namang magagalit eh."
"sigurado kang wala? teka, suitor mo ba yan at kayong dalawa lang ang nag-iinuman?"
"talagang wala. i'm single naman kaya walang magagalit sakin."
"kala mo lang yun. asan ka ba kasi? i'll fetch you." medyo iritable na niyang tanong.
"no need. i can take care of myself. i know exactly where my house is."
"what's with you. you are a different person now."
"hindi naman. i'm still me its just that di mo pa ako lubos na kilala. o sige na, may gagawin pa kami." sabay turn-off ng line.

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mga oras na iyon. does he really cares for me? totoo ba siya? bakit niya nasasabi yung mga bagay na iyon? lalo lang niya ginulo ang isip ko.
tinuloy padin namin ni arjay ang kasiyahan. nang medyo lubog na ang araw, napagpasyahan ko nang umuwi na. since malapit lang naman ang bahay namin kila arjay, naglakad na lang ako.

nang makarating na ako sa kanto namin, nakita ko ang sasakyan ni andrei. bakit siya andudun? anong ginagawa niya dun? bigla akong kinabahan. bumukas ang pinto sa driver's side at iniluwa nun ang isang naka-unipormeng student jock. lumapit ito sakin at bigla akong hinatak sa braso palapit sa kanya. mukhang galit ang aura niya. natakot ako sa nakita ko sa kanya. dali-dali niya akong pinasakay sa kotse niya at dinala sa bahay namin. ipinaalam niya ako kila nanay na may pupuntahan lang kami at pumayag naman ang mga ito.

pinaharurot niya ang sasakyan niya. napakalayo na nang nararating namin pero hindi pa rin kami tumitigil. bakas pa din ang galit sa mukha niya. maya-maya pa, bigla kaming huminto sa isang park. walang masyadong tao doon. hindi siya bumaba nang sasakyan. binuksan ko ang pintuan ko pero nabigo ako dahil ni-lock niya ang pinto. mas lalo akong kinabahan.

ano kaya ang binabalak niya sakin? bakit dito sa park na ito? hindi ko alam kung san lugar na ito? bakit niya ako dinala dito?

(itutuloy...)

0 comments: