Thursday, November 24, 2011

Guys do me a favor here please!!!

Pa-read and pa-follow na rin po itong blog na ito.

http://zildjianstories.blogspot.com

Marami na po siyang nagawang stories and I'm sure mag-eenjoy kayo. God bless you guys and keep safe. Love you all! :D

Tuesday, November 22, 2011

The Right Time Chapter 14

by: Zildjian
emial: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


The Right Time Chapter 13




by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com




Ito na po ang chapter 13. Gusto ko sanang pasalamatan muli sina
Dave17, Dada, Zekie, jay! :), Mcfrancis, J.V, Wastedpup, R3b3l^+ion, R.J, Ram, David Thaddeus, Ernes aka jun, Marclestermanila, Rue, jayfina, Pink 5ive,Nate, Marc, Ron-Ron,fhavhulhuz, kokey, mat_dxb, Blue, Mico, Kristoffshaun, mars, xtian at sa mga Anoymous.




DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Arl?!” Ang kanya lang nasabi sa pagkabigla.



Nakita ko sa mga mata nya ang pagkagulat nang makita nya ako. Ginising ng presensya nya ang matagal nang nahihimlay na damdamin para sa kanya. Waring isa akong bulkan na malapit nang sumabog anu mang oras. 



Nag tense ang panga ko at naikuyom ang mga kamao ko.



“Anung ginagawa mo rito?!” Sigaw kong sabi at patakbo ko syang nilapitan at binigyan ng malakas na suntok. 



Dahil siguro sa pagkabigla hindi na sya nakaiwas pa.



Agad namang napatayo sa pagkagulat si Red. Napa sigaw naman ang mga babae naming kabarkada sa nang yari. Akmang bibigyan ko ulit sya ng isa pang suntok sa mukha ng pigilan ako ni Red.



“Ace teka anu ba?! Bakit mo sya sinuntok?” Ang gulat paring pag awat ni Red habang naka yakap sa akin mula sa likod.

Monday, November 7, 2011

The Right Time Chapter 12

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Chapter 12


Matapos kong makita si Rome na may kasamang babae sa kama at kapwa hubo't hubad, hindi ko na mapigilan ang sarili kong malungkot at magtanim ng hinanakit sa kanya. Lahat ng pag-asa kong magkaayos pa kami ay nawalang parang bula.


Dali-dali akong lumabas ng bahay nila at hindi na nagawa pang magpaalam kay tita. Narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ko na inalintana pa. Masyado nang mabigat ang nasaksihan ko, hindi ko na kaya pang humarap kay tita.


Bakit ganun? Kung kailan ako handa para kausapin siya at ayusin ang kung ano mang gusot mayroon kami, saka ko naman natuklasan na hindi pa pala ito ang right time. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse at agad itong pinasibad. Tuliro ang isip ko. Bahala na kung saan ako dalhin ng sasakyan ko, ang gusto ko lang ay makalayo ako sa lugar na iyon.

Sunday, November 6, 2011

The Right Time Chapter 11

Ramy from qatar - Pwedi nyo din pong mabasa ang buong Chapters ng TRT sa blog ko http://zildjianstories.blogspot.com/ doon ay tapos na po ang TRT at patapos na rin ang sequel nitong pinamagatang After All. :D salamat sa comment sa chapter 10 :)..


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Chapter 11


Pag pasok ko ng bahay agad ko namang nakita sina Mama at Papa na nanunuod ng tv sa sala. lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.


“Oh bakit ganyan ang mukha mo? Kumusta ang lakad nyo?” Pag pansin ni Mama sa nakasimangot kung mukha.


“Wala naman po na pagod lang siguro.” Pag dedeny ko sa kanila at nag bigay ng pilit na ngiti.


“Sya nga po pala pupunta bukas dito ang barkada kasi mang hihingi kami ng advice about sa business na itatayo namin.” Pag bibigay impormasyon ko sa kanila.


“What kind of business naman yan anak?” Tanong naman ni Papa.


“Naisip kasi naming mag tayo ng Jazz Bar pero tuwing Friday gagawin namin itong Acoustic.” Sagot ko sa kanya.


“Aba maganda yan. But you have to know the risk with upon putting up a business.” Sabi naman ni Mama.


“Risk? What do you mean Mom?” Nag tataka kung tanong sa kanya.


“Pwedi yan maging rason ng pagkakasira nyo ng barkada mo. When you talk about money kasi kahit kapatid mo makakaaway mo.” Si Mama sa seryosong tono.


Alam ko ang ibig sabihin ni Mama pero may tiwala kami ng mga barkada ko sa isat isa at hindi pera ang sisira sa barkadahan namin.


“We aware of that Mom at nakikita ko na hindi kami mag kakaproblema about sa ganyan.” Ang sigurado kung sabi.


Patuloy lang ang discussions namin ni Mama about sa business namin ng may biglang nag door bell. Napakunot nuo ako kung sino ang taong yon at maging si Mama ay nagtaka. Mabigat ang paa kong tinungo ang pintuan para pagbuksan ang hindi inaasahang bisita. Pag kabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Red.

Friday, November 4, 2011

The Right Time Chapter 10

Ito napo ang chapter 10 ng The Right Time. Muli, gusto kong pasalamatan sina
Dave17, Dada, Zekie, jay! :), Mcfrancis, J.V, Wastedpup, R3b3l^+ion, R.J, Ram, David Thaddeus, Ernes aka jun, Marclestermanila, Rue, jayfina, Pink 5ive,Nate, Marc, Ron-Ron,fhavhulhuz, kokey, mat_dxb, Blue, Mico at sa mga Anoymous.
sa patuloy nyong pag suporta sa storya ni Rome at Supah Ace. Ingat tayo lagi! … Zildjian


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Chapter 10


“Ace nasabi ba sayo ni Rome kung bakit ako nawala?” Ang tanong ng Daddy ni Rome sa akin.


“Hindi po.” Simpleng sagot ko naman.


“Napilitan akong mangibang bansa dahil sa isa ako sa mga minalas na matanggal dahil sa recession. Ayaw man akong payagan ng asawa at anak ko nag pumilit pa rin ako. Sobrang eager ako na makaalis dahil na hihiya ako sa mga parents ko na sa kanila parin ako umaasa kahit na may pamilya na ako. Nahihiya rin ako sa asawa ko dahil hindi ko sya pinag trabaho nung makasal kami because of my pride.”pag papatuloy nya.

The Right Time Chapter 9


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Nakapasok na kami sa bahay nila Rome na may matinding pag-aalala sa aking sarili sa mga mang yayari. Dumiretso kami sa dining area nila. Tinawag naman ng Mommy ni Rome ang dalawang katulong para initin at simulang ihanda na ang pag-kain. Pag kaupo ko agad akong binanatan ng tanong ng Mommy nya.


“So Anu ang natapos mo?” walang emosyon nitong tanong sa akin.


“Co- computer Science po Maam.” Kinakabahan kung sagot sa kanya.


“Ikaw pala ang Ace na KAIBIGAN ng anak ko way back in High School.” Pag bibigay diin nya sa salitang kaibigan.


Di ko alam ang isasagot ko. Ramdam ko na pinag papawisan na ako. Tumingin ako kay Rome para sana mag patulong pero naka yuko lang ito.


“Opo.. ako nga po yon.” Ang pabulong kung sagot pinilit hindi mag stammer ang boses ko.


“So dati na ba kayong may SPECIAL na pag tingin sa isat isa?” sabi ulit nito  “Alam ba ng parents mo na ganyan ka?” dagdag pang sabi nito.


Gusto ko nang mag walk out dahil feeling ko minamata na ng Mommy ni Rome ang aking pagka tao. Hindi ko rin alam kung anung tanong ang sasagutin ko.


“O-opo.” Ang pilit kung sagot sa huling tanong nito.


“San ka nag aral nung collge? Don ka rin ba sa Cebu nag aral?” ang may halong galit na nyang sabi. “I didn’t expect this honestly. I was expecting na babae ang dadalhin ng anak ko but it turns out na lalake pala.” Dagdag pa nito sa parehong tono.

The Right Time Chapter 8


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Chapter 8


Nang maka upo ako at busy pa rin sa pakikipag usap sa mga ka barkada ko agad namang may kumuha ng pansin namin.


“EHEM!!!” napalingon ako sa taong nagpapapansin. Di ko inaasahan ang nakita ko mas gwapo sya kesa sa pictures nya, mas maputi at mas lumaki ang katawan. Yummy! Sabi ko sa aking isip.


“So mag tititigan nalang kayo ganun?” si Mina ang bumasag sa huminto kung utak.


“Uhmm.. Hi Rome.” Ang nasabi ko nalang. Pakshet wala akong maisip na sasabihin sa mokong na to.


“Kanina pa yan naka simangot. Nag tatanong kung nag text kanaba or kung buhay kapa.” Ang sabi ni Red.


Binigyan ko sya nang isang ngiti saka nag salita. “Sorry Rome ah..” may idudugtong pa sana ako pero na unahan ako.


“Ok lang yon ang importante nandito na Supah Ace ko” sabay bitiw ng isang ngiti na kita ang dalawang dimples nya.


 Namula naman ako sa sinabi nya. Tumayo sya sa kanyang upuan at binitbit ito sa tabi ko sabay bumulong sa akin nang “I miss you Supah Ace” Di ko alam kung panu eexplain ang aking naramdaman ng marinig ko ang sinabi nya basta may pinag halong kaba at kiliti yon ang sigurado ako.


“Oi!!! May pabulong bulong na sila! Anu nabang level yan Ervin?” ang walang prinong banat ni Angela.


Tumingin naman ako sa paligid at baka may nakarinig kay Angela sa lakas ng pag kakasabi nito talo pa ata ang sound system. Nakita ko naman na nakatingin lahat ng ka batch namin sa amin . Pasimple akong umusog para makaiwas sa intriga.

The Right Time Chapter 7

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Chapter 7:


Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open agad ng fb para mag laro nang naadikan kung laro na ninja saga. Pag-open ko sa fb ko nakita kung may bagong friend request nanaman ako. Chenik ko pero di ko maalala ang mukha. Hinayaan ko nalang at nag laro na.


Habang nag papaka-busy ako sa pag-lalaro ng ninja saga(isang laro sa fb) bigla nalang may  nag appear na notification na may nag message sa akin. Agad ko naman itong binasa.


SUBJECT: O.O


Message:


“Musta na?”


Nang i-check ko ang profile ng taong nag sent sakin ng message na yon, napag-alaman ko na ito pala ang taong nag sent sakin kanina ng friend request.. agad kung pinindot ang accept button sa profile nya at nag reply agad ako sa message nya.


AKO:


“Woi! Okey lang naman ako hehe.. dapat talaga ganyan ang subject mo parang naninilip lang lol!hmmm familiar ang mukha mo ah pero yung name mo kakaiba hahaha!”


Hinihintay ko na mag reply s’ya sa message ko pero nakapag palitan nalang kami ng batian sa chat ng mga ka kabarkada ko eh d pa rin na reply. Chenik ko nalang ang profile info nya kasi familiar talaga sakin ang mukha ni kolokoy.

The Right Time Chapter 6

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Chapter 6


Dumating si Rome sakto lang tapos na ako mag impake ng mga damit ko. Agad syang pumasok sa aking kwarto na hindi ma drawing ang mukha at pinag papawisan.


“Oh? Anu ng yari sayo bakit ganyan ang mukha mo?” ang natatawa kung tanong sa kanya.


“May Problema tayo na di ko naisip agad. Di pa ako nakapag pa reserve ng tutuluyan natin sa Cebu dahil underage pa ako buti pinaalala ni Mommy sa akin kanina  at mahirap daw makahanap ng matutuluyan doon kasi nga maraming torista.” Malungkot na sabi nya sa akin.


“Naku! Palpakers ka talaga! Sabi ko na nga ba walang magandang naidudulot ang instant na mga desisyon mo. Teka tawagan ko si Mama baka magawan nya ng paraan.”


Tinawagan ko agad si Mama para magpatulong. Agad naman nya kaming nahanapan ng matutuluyan, Crown Regency ang nakuha nya dahil sa kilala na sya doon, don kasi sila madalas  mag meeting at don din nila tinutuloy ang mga ka-meetings nila at mainam daw yon dahil malapit lang sa Fuente sa may sky walk at Colon. At nasa likod lang nito ang Robinsons mall.


Nakatitig naman sa akin si Rome habang kinakausap ko si Mama sa telepono. Di ko pinapahalata sa kanya na wala nang problema para pakabahin ko pa sya nang kunti. Wala na akong kausap sa telepono di ko pa rin ito binababa. Nag papangap parin ako na kausap ko si Mama habang nakakunot ang noo ko at nag prepretend na disappointed. Pagkababa ko sa telepono nag buntong hininga ako para mas lalong kapani paniwala.

Thursday, November 3, 2011

The Right Time Chapter 5

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Chapter 5


Kabado talaga ako, hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sabihin sa kanila ang tunay na ng yari nung nasa STEFTI pa ako. Panu kung pandirihan nila ako? Panu kung iwan din nila ako kagaya ng mga ka ibigan ko sa dati kung paaralan? Mga katatungan na hindi ko kayang sagutin unless sabihin ko sa kanila ang totoo. Siguro mas mabuti na ito. Habang maaga pa para na rin malaman ko kung may pupuntahan ba talaga ang barkadahan namin. Kung tunay ko talaga silang mga kaibigan maiintindihan nila ako at tatangapin nila kung anu talaga ako. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas.


“Sige game. Sinu una mag tatanong sa inyo?” Ang may paghamon kong sabi sa kanila.


“Actually Arl pare-pareho kami ng itatanong sayo. Sana wag kang magalit. Umiiwas lang kami na itanong sayo ito noon kasi baka bigla ka nanamang manahimik sa isang tabi at di na naman ulit mamansin.” Si Tonet.


“Tama si Tonet friends mo naman kami Arl diba? Panu ka namin matutulungan ng lubusan kung hindi ka marunong mag open o mag tiwala sa amin?” Si Angela na sa pangalawang pag kakataon ko palang ata marinig na mag seryoso. “Curious talaga kaming lahat kung anu ang nang yari sayo sa dati mong school. Alam namin na narinig mo kami ni Mina na nag-uusap about sayo at nang mag walk out ka sa room noon alam na namin na somewhat may totoo sa mga sinabi namin kasi di ka mag rereact nang ganun. We really wanted to know the real story behind the issue. May idea na kami pero gusto namin mismo sa bibig mo mang galing.” Si Angela ulit.

The Right Time Chapter 4


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




CHAPTER 4

“Salamat ah.” Ang pabulong ko na sabi kay Rome.


“Para saan?” balik na bulong nya sa akin..


“Dahil kung hindi dahil sayo. Malamang nasa Computer shop nanaman ako ngayon para aliwin lang sarili ko. Salamat talaga.” Ang sinsero kung sabi sa kanya.


“Hoy! Anu binubulong bulong nyo jan? Ang daya nyo ah.” Reklamo agad ni Red ng makita kaming nag bubulungan ni Rome.


“Hah? Wala no! sabi ko lang kay Rome na babaero ka talaga.” Ang sabi ko na agad naman nyang binara.



“Babaero? Maniwala ka dyan kay Carlo. Wala akong girlfriend noh! akala lang nila na girlfriend ko sila.” Ang  mayabang na depensa ni Red.


“YABANG!” sabay sabay naming komentong tatlo na pinagtawanan lang ni Red.


Nag dinner kaming anim sa Jollibee. Puro kwentohan, tawanan at kung anu-anu pang kalokohan. Don ko lang ulit na ramdaman ang ganung saya.  Bigla ko ulet naalala ang dawalang taon ko sa STEFTI ganito kami mag harutan ng mga ka barkada ko doon. Hiling ko nalang na sana di na maulit ang nang yari noon. buong  akala ko mag tatapos ako nang high school na walang kaibigan man lang.

The Right Time Chapter 3

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission



CHAPTER 3


Dumating ang Lunes at oras na para sa report namin sa English kay Ma’am Ramos. “Okay class let's start with the presentation on the outcome of your investigations on your partners to the group." Napangiti na lang ako sa ginamit na term ni Mrs. Ramos. "The objectives of this activity are as follows: help you boost your self confidence, build rapport to each other and further know them and to open anything that we 'should' know from you. Without any further ado, Mr. Ruales will be our first presentor. Give him a round of applause.”


Nagsipalakpakan naman mga kaklase ko. Bagama't gulat ang lumatay sa mukha niya ay tumayo pa rin ito sa harapan. Tumingin muna ito sa akin at ngumiti bago nagsalita.


"Good morning classmates." Panimula niya. "One week isn’t enough for me to gather enough information for you guys to know all about Arl Christopher Earl. Well. Ace, as what his parents and close friends call him, is a nice person though most of you, I’m sure, misunderstood him by being snobbish. He’s not. He is the kind of person which I call reserved. He doesn’t want to share some of his burden to anyone. But if you will only take your time to know him more, you will come to realize that Ace is more than that. He is easy to deal with as long as you know how to please him. I don’t know the reason for him acting that way but I’m pretty sure that every act of a person has a corresponding reason, enough for us to understand. What made me say so? Well, as we all know he was the first person whom I talked to, aside from being my seatmate. When I first entered the room, he was the first person that caught my attention. He was grumpy indeed but in spite of that grumpiness impression, I sensed that there is a soft side inside of him. That’s why we became friends, no, not just friends but Best friends! Ayt Supah Ace?”

The Right Time Chapter 2

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





CHAPTER 2

Dumating kami sa bahay ni Rome mga 6:30pm na.


“Wow ganda naman nang bahay n’yo Ace.”Amaze na ewan lang na sabi ni Rome


“Sus! Maganda nga wala naman laging tao sa loob. Ala rin kwenta yan.” Ang sabi ko naman na halatang nagmamaktol ang boses.

“Bakit, asan ba Parents mo Ace?” Tanong naman nya na nakakunot ang mukha.


“Papa ko at mama ko busy sa trabaho. Laging out of nowhere.” Sabi ko.


“Tara pasok na tayo dami mo kasing tanong di tuloy tayo nakapasok agad.hehe” Sabi ko ulet para maiba ang usapan.


“Good evening Sir Ace nan dito na pala kayo, himala ang aga niyo atang umuwi ngayon.”si manang leth ang mayor doma ng bahay namin.

The Right Time Chapter 1

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Sabi nila. Kahit daw mahal nyo pa ang isat-isa kung hindi pa ito ang tamang oras para sa inyo ay mag hihiwalay din kayo.

CHAPTER 1


Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open agad ng fb para mag laro nang naadikan kung laro na ninja saga. Pag-open ko sa fb ko nakita kung may bagong friend request nanaman ako. Chenik ko pero di ko maalala ang mukha. Hinayaan ko nalang at nag laro na.

Habang nag papaka-busy ako sa pag-lalaro ng typing maniac(isang laro sa fb) bigla nalang may  nag appear na notification na may nag message sa akin. Agad ko naman itong binasa.
SUBJECT: O.O
Message:
“Musta na?”

Nang i-check ko ang profile ng taong nag sent sakin ng message na yon, napag-alaman ko na ito pala ang taong nag sent sakin kanina ng friend request.. agad kung pinindot ang accept button sa profile nya at nag reply agad ako sa message nya.
AKO:
“Woi! Okey lang naman ako hehe.. dapat talaga ganyan ang subject mo parang naninilip lang lol!hmmm familiar ang mukha mo ah pero yung name mo kakaiba hahaha!”

Hinihintay ko na mag reply s’ya sa message ko pero nakapag palitan nalang kami ng batian sa chat ng mga ka kabarkada ko eh d pa rin na reply. Chenik ko nalang ang profile info nya kasi familiar talaga sakin ang mukha ni kolokoy.

Habang chenichek ko ang profile nya bigla nalang s’ya nag pm.


SIMPATIKO AKO: cnxa na dc hehe


AKO: walang problema. :P hu u ba?


SIMPATIKO AKO: iba ka na talaga lol! D mo na aq kilala huh.. Rome to.


AKO: rome? Dami ko kakilalang rome lol cnung rome at bakit iba pangalan mo sa fb? Adik kaba?


SIMPATIKO AKO: wahahahaha!!! Ervin Rome Ruales bestbud mo…yay!!!


AKO:  waaat daaaaaa Eyfffff!!! Tangina ang puti mo na hayup ka! Long time no see!! Musta kana? jan kapa sa cebu?


SIMPATIKO AKO: HAHAHAH! Adik ka! Uu pero uwi ako jan sa susunod na month para sa birthday ni mama. Maputi ba? Mas pogi noh? ahhaha Okey naman ako. Kaw ba musta na?


AKO: Ayus ahh! Yabang mong animal ka! Okey naman din ako ganun pa din.. :D ayus yan!! Nang makapag kita naman taU at makapag lasing ulet bwahahaha!


SIMPATIKO AKO: wahaha ganun talag! Uu ba!! Baka jan na muna ako, nag stop kc ako sa trabaho ko d2. Oi out na muna ako liligo lang may date eh. Hahaha anu number mo nang ma txt kita..


AKO: may pumapatol napala saU ngayon? WAHAHAH cge cge ito number ko!0917****** geh ingatz!

Wednesday, October 5, 2011

Contingency

This is my Teacher's Day offering po sa inyong lahat. I'm working on something and sana matapos ko siya sooner but not later. I'm so happy sa responses niyo sa story na Torn Between Two Lovers. You made my day guys. Thank you so much! Happy Teacher's Day pala sa kapatid kong si Rovi!

Enjoy reading guys!

Lovelots,

Dhenxo :DD

-------------------------------------------------------------------------------------
Punung-puno nang mga maliliwanag na ilaw ang patuloy na sumasalubong sa akin sa bawat pagdaan ko sa pasilyo nang lugar na iyon. Maraming tao akong nakikita na wari mo’y naghihintay sa kung ano. May mga umiiyak, may mga tumatawa, may mga nagdarasal, may mga nagkukwentuhan, may kinakabahan at kung anu-ano pa.

Habang binabaybay namin ang daan ay di naman mapigilan ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Luha nang kalungkutan? Pwede. Luha nang kasiyahan? Pwede rin. Pero para saan nga ba ang mga luha kong ito?

--

“Dhen, hijo.” Narinig kong tawag sa akin ng taong kinamumuhian ko.

Kadarating ko lang noon. At 7am? Yeah. Naisipan kasi namin ng barkada na lumabas since Friday kagabi and it’s a gimik day. Party all night ang ginawa namin. Babae roon, lalake rito. Kahit sinong matripan go lang ng go. Wala namang mawawala sa akin eh.

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Diri-diretso ako sa kuwarto ko. Pagka-lock ng pinto ay agad na akong naghubad at tumungo sa banyo para mag-shower. Hindi rin ako nagtagal doon dahil medyo hilo pa ako at gusto ko na talaga matulog.

Nakabihis na ako nun ng pantulog ng makarinig ako nang mga katok sa labas ng pinto.

“Dhen, hijo. Open the door.”

Napataas na lang ako nang kilay. Mabigat ang mga paa kong tinungo ang pintuan.

“Now what?” Anas ko rito.

“Good morning son. I just want to check my boy. Mukhang nag-enjoy ka kagabi ah at inabutan ka na nang liwanag.” Sabi nito na may ngiti sa labi. Ngiting di mo mababakasan ng kung ano mang kaplastikan.

“I’m tired and yeah nag-enjoy ako. Oh by the way, if you’ll excuse me, matutulog na ako.” Walang sabi-sabi kong tugon sa kanya.

Kasabay ng pagsambit ko nang huling salita ay ang dahan-dahan kong pagsara sa pintuan. Sa ginawa ko ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong guilt. Dapat lang sa kanya iyon.

Pagtalikod ko ay bigla kong nai-spotan ang family picture namin. Lahat kami ay nakangiti sa picture na iyon. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mukha namin.

Dahan-dahan ko itong nilapitan.

“Ma, I’m sorry. Palagi na lang kitang binibigo.” At di ko mapigilang haplus-haplusin ang imahe nang aking ina. “Hindi ko pa rin makapa sa sarili ko ang magpatawad. If only you’re here, siguro magiging madali ang lahat pero hindi. You left me with that bastard. I was still young, still vulnerable, still incomplete.”

Hindi ko na napigilang dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko ine-expect na sa loob ng mahabang panahon ay patuloy pa rin akong ngumunguyngoy sa pagkawala nang aking ina.

It’s been 10 years since that event came to me and 10 long hard years ang patuloy kong binubuhay sa sarili ko. Kung tutuusin, hindi worthy para sakin ang pagdaanan ang ganito. Hindi nararapat sakin na maging ganito.

Tumalikod na ako sa imaheng iyon at piniling matulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog ngunit paggising ko ay papalubog na ang araw. Tumayo na ako at lumabas.

Naabutan ko siyang nakaupo sa may sala at nagbabasa nang broadsheet. Hindi ko ito pinansin at dumiretso na sa kusina para maghanap ng makakain. Wala pang naihahandang pagkain kaya naisipan kong gumawa na lang ng sandwich.

Malapit na akong matapos kumain ng pumasok ito sa kusina.

“Good morning son.” Bati nito sa akin na nakangiti.

Hindi ko ito tinapunan man lang ng tingin. Morning when it’s actually getting dark? Silly.

“Do you want anything? Ipagluluto kita.”

“No need. I can fix my own food.” Sabi ko rito.

“Okay. Ahm, if you need anything feel free to tell me okay?” At humalik ito sa ulo ko.

Hindi ko pinansin yung ginawa niya. It felt nothing to me, really. Para nga lang iyong hangin na dumampi sa pisngi ko.

Lumabas na ito nang kusina at bumalik sa dati nitong puwesto sa sala at muling nagbasa. I sighed. Pagkatapos kong kumain ay pinili kong lumabas muna saglit at mag-unwind.

I lit a cigarette habang pinagmamasdan ang makasaysayang paglubog ni haring araw.

“Does smoking make you feel good?”

What the? Inis kong tugon sa sarili ko.

“Many people are dying everyday because of smoking.” Napatingin ako rito. “That’s according to the news.” Sabay taas ng newspaper.

“What do you want?” Tanong ko rito.

“Forgiveness.” Seryosong tugon nito. “Forgiveness from a sin na hindi ko ginawa.”

Patuloy lang ako sa paghithit-buga.

“Come on son, I’ve already suffered 10 years kaya patawarin mo na ako.”

“You don’t know what does that 10 years mean to me.”

“Alam ko.”

“No, you don’t.”

“I do.”

Bigla kong tinapon yung sigarilyo ko at hinarap siya.

“Really? So ibig sabihin pala alam mo yung pakiramdam na you feel that you’re alone samantalang may tatay ka naman na dapat gumagabay sa’yo? Alam mo ba yun?” Panunumbat ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik.

“Alam mo rin ba kung paano ko pinilit ngumiti sa bawat hamon ng buhay at pinilit tumayo sa bawat pagbagsak ko at nakikita kong wala man lang ginawa yung tatay ko para tulungan ako?”

Tahimik pa rin siya.

“Nung panahong nalaman mong bakla ako, anong ginawa mo? Wala! Hindi ko nga alam kung galit ka ba sa akin o tinanggap mo ako. Sana nagalit ka man lang para atleast alam ko kung okay pa ba sa’yo na may kasama ka sa bahay kasi parang hindi ako nag-eexist. What did you do? You turned your back away from me. Tangina!”

“I’m sorry.”

“Sorry? Now you’re saying your sorry para saan? Dahil pinabayaan mo ako? Dahil sa pagiging bakla ko?”

“I’m sorry for everything, for not being the greatest father you ever dreamed of. Sinisisi ko hanggang ngayon ang sarili ko sa pagkawala nang mama mo. If it wasn’t me sana buhay pa rin siya hanggang ngayon. Sana masaya pa rin tayong tatlo habang hawak kamay nating hinaharap ang mga problema. If it wasn’t me hindi ka magkakaganyan.”

“Yeah, it’s your entire fault. Inagaw mo sa akin ang karapatan na mamuhay ng may isang ina.”

“I’m sorry.” Bigla siyang napahagulgol.

Nagulat ako dahil it was the first time that he cried before me.

“I still don’t know how to live my life without her at dahil doon ay nakalimutan kong may anak pa pala akong dapat asikasuhin. The day she died took away all of me. Lahat ng mga pangarap ko at mga kasiyahan ay kasabay nitong dinala sa ilalim ng hukay. Sometimes, I can still hear her laughing.” Patuloy pa rin ito sa pag-iyak na ngayo’y nakaluhod na.

“You’re irresponsibility took away my mom.”

“I’m sorry.” Muli nitong sambit nang ako’y tumalikod na para pumasok na sa loob.

Kahit nagdrama na siya ay hindi ko pa rin makuhang patawarin siya. Masyado nang malalim ang sugat na likha niya at masyado na rin matigas ang puso ko para magpatawad. Nang gabing iyon ay pinili kong magkulong na lang sa kuwarto.

“Ma, wake up! Wake up! Please!” Ngunit hindi gumigising si mama.

“Look ma, here’s my card! I got the highest grade in Math, English and Science ma. I did very well. My teacher told me na I’m in the top spot now. Ma please, bangon ka na!”

Wala pa ring kilos si mama.

“Ma naman eh, huwag ka na magbiro nang ganyan. Nasasaktan na ako oh, umiiyak na si baby boy. Di ba ayaw mo makitang umiiyak si baby boy?”

Wala pa rin.

“Maaaaa!!!!!!!”


Napabalikwas akong bigla. Nakatulog pala ako kaka-emote.

Shit! Bad dream! After 10 long years, bakit bumalik ka pa? Anong gusto mong sabihin sa akin? Bigla kong nakita ang picture naming nakasabit na sa di malamang kadahilanan ay biglang bumagsak. Tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na bubog.

Habang ginagawa ko iyon ay bigla na lang akong kinilabutan. Kilabot na kapareha nang naramdaman ko 10 years na ang nakalipas. Di ko alam kung anong gagawin ko kaya naman lumabas ako nang kuwarto at dahan-dahang lumapit sa pinto nang kuwarto ni papa.

Pinakinggan ko ang loob nito mula sa pintuan. Wala akong marinig na anumang kaluskos. Naglakas-loob akong pumasok. Trip lang. Maingat ako sa ginawa kong pagpasok.

Namangha ako sa kuwarto nila papa. Napaka-organize ng mga kagamitan maging ang mga libro sa may shelf. Alagang-alaga. Binuksan ko ang shelf at tiningnan isa-isa nang malapitan ang mga librong naroroon. Napatda ako.

Andito ka pa rin pala. Tinapon na kita di ba?

Inilabas ko ang libro nang Purpose Driven Life na bigay sa akin ni papa noong birthday ko. Isa-isa kong binuklat ang mga pahina nito nang may isang papel na nakaipit dito. Kinuha ko ito at sinubukang basahin.

Akma ko nang binubuklat ang papel ng bigla akong tinawag ni nanay. Nagulat ito nang makita ako na nasa kuwarto ni papa.

“Maygawd Dhen! What are you doing here?”

Natameme ako.

“Wow si nanay naglevel up na. Umi-English.” Pang-aasar ko sa kanya.

“I know right?” Natawa akong lalo sa inasta niya. “Teka mabalik ako. Anong ginagawa mo rito?”

“Wala naman nay.”

“Wala? As if I know.” Lalo akong napahagalpak.

“Baka naman ang gusto mong sabihin nay eh if I know.”

“Yun na rin yun.”

Kinukulit pa rin ako ni nanay ng biglang nag-ring yung phone sa labas.

“I shall return.” With matching gun sign pa at umalis na nga ito.

Muli kong hinarap yung papel. Iniisip ko kung bakit iyon nandodoon. Maya-maya pa ay hangos na tumatakbo si nanay papunta sa kinalalagyan ko. Takot ang rumehistro sa mukha nito nang bumalik ito sa kuwarto nila papa.

“Anong problema nanay?”

“S-si papa mo.”

“Bakit siya?” Walang emosyong tanong ko.

“Nabaril raw siya.”

“And?” Hindi nag-sink in agad sa akin yung balita ni nanay.

“Anak, nabaril ang papa mo!” Maiyak-iyak na sabi nito sa akin.

“What?!?!”

Sinabi ni nanay yung mga detalye sa nangyari kay papa kaya naman agad na akong lumabas ng bahay para puntahan kung nasaan si papa ngayon.

Hindi naglipat sandali ay dumating na ako sa hospital. Tinanong kong muli yung front desk officer tungkol sa papa ko gaya nang nangyari 10 years ago at sinabi nito sa akin na kasalukuyan itong inooperahan.

Dumiretso na ako sa may waiting area sa labas ng operating room. For the first time after 10 years, ngayon na lang ulit ako nakaramdaman ng takot. Takot na mawawalan na naman ako nang isang taong naging parte na nang buhay ko.

Isa, dalawa, tatlong oras pero hindi pa rin natatapos ang operasyon sa papa ko. Nag-decide akong pumunta nang chapel at magdasal. Tanging ang Diyos na lang ang malalapitan ko sa oras na ito.

God, please don’t do this to me. I know na hindi ako naging mabuting anak kay papa pero huwag niyo naman pong bawiin basta-basta si papa. Hindi ko na talaga kakayanin pa pag pati siya kukunin niyo. God, iligtas niyo lang po si papa magbabago na ako. Babawi ako sa kanya, ipaparamdam ko sa kanya kung ano yung hindi ko naibigay nung nakaraang sampung taon.

Taimtim pa akong nagdasal ng walang anu-ano ay biglang pumasok sa isip ko yung nakita kong papel na nakaipit sa libro. Dinukot ko ito sa aking bulsa at binuklat.

A diary page?


October 29, 2000

Hi mister diary!

Good day! I’m really excited today kasi today we’ll be shopping for Dhen’s birthday on the 4th of November. Wala siyang alam that we’re planning a party for him. It’s a total surprise. I asked dada to accompany me, actually it was dada’s idea to throw a party on his unico hijo. He really loved his young man. I remembered how he leaped upon knowing na lalaki yung magiging anak namin. I can see how he looked after him. Nakakatuwa. I never imagined na ganito siya. Honestly, he was the kind of guy na hangga’t maaari eh hindi niya ipapakita sa’yo kung ano yung totoo niyang nararamdaman pero hindi niya maiwasan lalo na kapag tungkol kay Dhen.

Isa iyan sa mga nagustuhan ko sa kanya. I love Lito so much. I love Dhen so much kasi he’s the boy that his father used to be. I love them both.

Oh wait, he’s here.

See you later mister!

Lovelots,

Sally


Hindi ko namalayan na unti-unti na palang nababasa yung papel na hawak ko. Mahal na mahal ba niya talaga ako? Bakit hindi ko naramdaman?

Tuliro ang isip ko. Binabagtas ko ang isang pamilyar na daan. Huminto ako sa pamilyar na pintuan. The same room kung saan naka-confine si papa dahil sa isang malagim na aksidente na kumitil sa buhay ni mama. I cried in front of it nang makaramdam ako na may humahagod sa likod ko.

Si nanay. Niyakap ko ito nang mahigpit at umiyak pang lalo. Nang mahimasmasan na ako ay inakay na ako ni nanay pabalik sa waiting area. Ilang sandali pagkadating naman ay ang paglabas naman ng doctor.

“Kayo po ba ang kamag-anak ni Mr. Lito Paciente?”

“Opo dok kami nga po. Kumusta na po si papa?” May pag-aalala kong tanong dito.

“He’s still in danger and his kidney suffered dahil iyon ang napuruhan. Tatapatin na kita. Maliit ang chance nang papa mong mabuhay kung hindi maagapan ang kundisyon niya.”

“Ano po ang pwedeng gawin to save him?”

“We needed an urgent kidney transplant kaso according sa kidney center walang available na kidney para sa papa mo dahil marami pa ang nakapila.”

“Doc baka pwedeng ako na lang. I mean, ido-donate ko kidney ko para kay papa. I’ll do everything para sa kanya.”

“Are you sure?”

“Yes doc.”

“Do you know what will happen to you with this?”

Napailing ako.

“Alright, we’ll get your kidney through an operation and it should be transplanted to your father. During the entire procedure, your life is at stake. Meaning, pwede mo itong ikamatay. Are you still willing to do it?” Tanong ni doc.

Medyo nag-isip pa ako. Kinalabit ako ni nanay kaya napaharap ako rito.

“Anak.” Halos pabulong na nitong sabi sa akin.

“Ano po iyon?”

Lumingon ito saglit kay doc at ngumiti.

“Ahm, anong sabi ni doc? Di ko kasi naintindihan eh.” Nahihiya nitong tanong sa akin.

Napamaang ako. Tinatantya ko rin kung nagbibiro ba siya o seryoso pero mukha siyang seryoso.

“Seryoso nay?” Napangiti akong bigla. Kahit kelan talaga si nanay.

“Oo. Ano ba yung transpa, transpa-“

“Transplant nay.”

“Oh yun nga. Ano ba ibig sabihin nun?”

In-explain ko naman sa kaniya kung ano yun, pati na rin kung ano ang pwedeng gawin kay papa at yung maaaring mangyari sakin.

“Anak, sigurado ka ba?” Bakas dito ang labis na pag-aalala sa akin.

“Nay, hindi ko na kaya pang mawalan ng isang taong nagmamahal sa akin. Si papa na lang ang natitira sa akin. Iniwan na ako ni mama eh, wag na sana sumama si papa.” Seryoso kong sabi.

“Opo doc. Itutuloy ko po.”

Punung-puno nang mga maliliwanag na ilaw ang patuloy na sumasalubong sa akin sa bawat pagdaan ko sa pasilyo nang lugar na iyon. Maraming tao akong nakikita na wari mo’y naghihintay sa kung ano. May mga umiiyak, may mga tumatawa, may mga nagdarasal, may mga nagkukwentuhan, may kinakabahan at kung anu-ano pa.

Habang binabaybay namin ang daan ay di naman mapigilan ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Luha nang kalungkutan? Pwede. Luha nang kasiyahan? Pwede rin. Pero para saan nga ba ang mga luha kong ito?

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin pero mas natatakot akong iwanan ni papa. Bakit ngayon ko lang na-realize na si papa na lang ang meron ako? Alam kong sobrang mahal ni papa si mama kaya naman ng mawala ito ay labis na nasaktan at nalungkot si papa. Dapat dinamayan ko siya.

Pa, mahal na mahal kita. I’m sorry if it had to be this way bago kita napatawad sa kasalanang hindi mo ginawa. I’m sorry for bringing you much pain. I’m sorry for all the coldness. Let me make up to you. God please help us.

At tuluyan na akong pinasok sa loob ng operating room.

Friday, September 30, 2011

SUPPORT GUYS!!!!

Good Day Guys... :)

I want to ask some Help, Favor, Time, Basta :)

ammm, Ang Ating Kaibigan na si Sir Michael Juha, ay kasali
sa isang Contest ng PEBA (Pinoy Blog Expat Awards),
sana po ay tulungan at supportahan po natin sya dito..

Isa po syang mahusay na BlogWriter at kaibigan..

Hinihingi ko lng po ay.. i vote nyo sya sa pamamagitan
ng LIKE (Y) and then magcomment nadin ay sympre sa
mga mahihilig mag basa, basahin nadin po

BASAHIN AT MAG COMMENT SA:
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

ILIKE ang PAGE:
http://www.facebook.com/PEBAWARDS

ILIKE and COMMENT na din sa PIC:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

Maraming salamat po mga kababayan...

BE safe.. :)

Malaking bagay po ito para sa amin. Maraming Maraming salamat po :)

Wednesday, September 28, 2011

Torn Between Two Lovers? xvii

Bawat araw simula nang maging official ang relasyon namin ni Arnel ay labis na nagpapasaya at nagpapakulay sa araw ko. Maging sila Febbie at Xyza ay ganap na napapansin ang kakaibang ligaya na dulot nito sa akin.

“Huy girl, blooming ka. Ano bang meron?” Tanong ni Febbie.

“Huh? Wala naman.” Pagtanggi ko.

“ Hindi nga? Bakit hindi mo sabihin sa amin ang katotohanan? Ano pa’t naging girl friends mo kami kung di mo kami pagkakatiwalaan.”

“Seryoso, wala ito.”

“Hindi ka ata talaga namin mapapagsalita. Anyway, musta na kayo ni Francis?” Tanong ni Xyza.

Bago ako nagsalita ay tiningnan ko muna kung okay na ba ako sa nangyari sa pagitan namin ni Francis. Maging ako ay nagulat dahil wala na akong maramdamang hinanakit. Maaaring nagawa ni Arnel na pahupain ang anumang maling nararamdaman ko kay Francis.

“We’re through.” Simple kong tugon.

Napatango-tango na lang si Xyza waring nahulaan na kung anong nangyari sa amin.

“Anong ibig mong sabihin Dhen?” Takang tanong naman ni Febbie.

“Gaga ka talaga. Ang slow mo, ibig sabihin nun wala nang Francis-Dhen love story!” Nag-roll eyes pa si Xyza matapos magsalita.

“Bakit Dhen? Anong ginawa mo?” At hindi napigilan ni Febbie alugin ako.

“Hey wait!” At inilayo ko si Febbie. “Wala naman akong masyadong ginawa, itinigil ko lang ang pagkahibang ko sa kanya.”

“Ibig sabihin, binasted mo siya?” Ewan ko lang kung nagets na ba ni Febbie.

“Sige sabihin na nating binasted ko siya.”

“Pero bakit? Bakit???” Mukhang tanga nitong sabi sa akin.

“Febbie, OA much!” Sabi ko rito.

“Okay. Seryoso bakit nga?” Ayaw talaga papigil nito.

Kita ko naman kay Xyza ang kagustuhan nitong saktan na si Febbie ngunit nagpipigil ito nang sobra. Ngunit pinili ko na lang na ikuwento ang lahat kay Febbie para matigil na ito. Mula sa pag-aaway naming dalawa nung birthday ng tatay ni Arnel hanggang sa naging sagutan namin ni Jie sa may labas ng CR.

Nagtaka kami ni Xyza nang biglang lumakad palayo si Febbie. Nagulat kami sa sumunod nitong ginawa.

“Huy girl, tama na yan! Tapos na!” Habang inaawat ni Xyza si Febbie.

Kita ko naman na halos maiyak na si Jie matapos itong sugurin at sampalin ni Febbie. Nakaramdam naman ako nang awa rito.

“Jie, you should go now. I’m sorry sa ginawa nang kasama ko sa iyo.” At tumalikod na ito sa amin at lumayo.

“Masyado kang impulsive! Nanunugod ka agad. You should have acted just.” Pangangaral ko rito.

“Ang kapal kasi nang mukha niya eh!” Nanggagalaiti pa rin nitong sumbat.

“Tumigil ka na sabi eh. Sasampalin kita pag di ka huminto.”

Dahil sa sinabi ko ay biglang umayos si Febbie.

“Girl, masakit ang masampal.”

“Exactly my point.”

Tatawa-tawa naman si Xyza habang pinapanuod kami. Patuloy pa rin ako sa pangangaral kay Febbie at tila nag-eenjoy talaga si Xyza sa nakikita niya sa amin. Para namang bata ang hitsura ni Febbie na kinagagalitan ng kuya.

“Ahm Dhen.” Biglang awat ni Xyza.

Napatingin ako rito at nakitang may inginunguso ito sa likuran ko.

Parang nag-slow motion ang lahat sa ginawa kong paglingon. Naka-uniform ng pang-Criminology si Arnel na lalong nagpatikas dito habang lumalapit sa amin.

“Hi hon!” Bati nito sa akin.

Naghatid iyon ng isang libong kilig sa akin. Napanganga naman ang dalawa sa narinig nila.

“Did we just hear you call him hon Arnel?” Tanong ni Febbie.

“Hindi pa ba niya sinasabi sa inyo?” Nasabi nitong nakangiti.

Umiling si Febbie.

“Hmmm, now we know! Kelan pa?” Si Xyza naman ang nagtanong.

“Last week lang.”

“Kaya pala. May dilig na kasi kaya blooming na.” Gatong pa ni Xyza.

“Gago kayo!” Na hindi ko na napigilang mag-blush.

“Naku si Dhen nag-blush!” Pang-aasar pa ni Febbie.

“Tse! Tumigil na kayo!” Saway ko rito.

“Naku, tama na yan. Masyado nang namumula tong mahal ko.” Sabay akbay sa akin.

“Ayyyiiiiieeee!” Sabay pa na reaction ng dalawa.

“Ang sweet niyo naman!” Dagdag pa ni Xyza.

Patuloy lang kami sa pagkukulitan kasama si Arnel nang mapadaan kami sa may canteen. Naisipan naming bumili nang makakain habang nagkukwentuhan. Maya-maya pa ay may lumapit samin na hindi ko inaasahan.

Tiningnan ko lang si Arnel.

“Sige na, talk to him.” May pagpayag na sabi nito.

Lumayo muna ako pansamantala sa kanila. Nasa hotseat si Arnel sa tingin ko dahil dinig kong panay ang tanong nila sa naging development ng status namin.

“Kuya, I’m sorry for all the wrongs I caused you.” May sincerity nitong sabi sa akin.

“Wala na sa akin iyon Francis. I’m just glad that you did kasi mas nalaman ko kung sino ba talaga ang mas gusto ko.” Hindi ako nanunumbat pero yun talaga yung gusto kong sabihin.

“Pinapatawad mo na ako kuya?”

“Matagal na. Let’s just move on, continue with our lives and act as if nothing happened.” Sabi ko rito.

“Sige kuya. Napakabait mo talaga.” Bumakas naman dito yung ngiting bumihag sa puso ko.

“Anyway, how are things between you and Jie?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Inaayos na po namin yung nangyaring gusot sa pagkakaibigan namin.”

“That’s good. So this time ba pwede na bang magkaroon ng romance sa inyo?”

“Malabo kuya.”

“Bakit?”

“Hindi ko kasi kayang i-reciprocate yung nararamdaman niya eh. Hanggang best friend lang talaga kaya kong ibigay.”

“Ah I see. Anyway, friends?” Sabay lahad ko nang kamay sa kanya.

Magiliw naman niya itong tinanggap. Nagkakuwentuhan pa kami saglit ng napagdesisyunan nitong magpaalam na.

“Mukhang everything’s flowing smoothly ah.” Nang lumapit ako kay Arnel.

“Yeah right hon. Masarap sa pakiramdam na maayos na lahat ng gusot ko.” Sabi ko rito.

“Glad that you’re happy, at least, we can focus with each other na since all’s well.”

Tumango lang ako rito.

“Aray!” Biglang sabi ni Xyza.

“Oh girl napano ka?” Nag-aalalang tanong ni Febbie. Napatingin naman kami kay Xyza.

“Andami kasing langgam dito. Grabe ang lalaki pa!” Sabi nito.

Hinanap naman ni Febbie yung mga langgam.

“Girl, wala naman akong makita. Niloloko mo lang ata ako eh.” Sambit nito.

Natawa tuloy kami ni Arnel sa ginawa ni Febbie. Kahit kailan talaga si Febbie napaka-slow. Patuloy lang kami sa pagtawa samantalang panay naman ang palo ni Febbie kay Xyza dahil wala naman daw itong nakita.

Sobrang thankful talaga ako sa mga kaibigan kong ito. Balance na balance ang kakiyan ni Xyza, pagiging slow ni Febbie at ang pagiging seryoso at emotero ko. One thing in common samin? Wala.

Days are passing by at okay naman ang naging takbo nang relasyon namin ni Arnel. May ilang tampuhan at hindi pagkakaunawaan ngunit nagagawa naman naming ayusin iyon bago pa man lumala. Hindi rin lumilipas ang isang araw na hindi namin pinag-uusapang maigi yung naging problema.

Isang araw, nag-aya si Arnel ng date. Siyempre agad naman akong pumayag since wala rin naman akong lakad nung araw na pinili niya. Excited ako na parang natatakot kasi baka kung ano na namang kagaguhan ang pasukin namin.

“Saan ba tayo pupunta this time?” Tanong ko.

“Basta.”

“Ayan na naman yang basta mo eh.”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Meron kaso nga lang yung last time na pinagkatiwalaan kita eh dinala mo ako sa venue nang reception ng kasal and you pretended na kakilala mo sila.”

Dahil sa sinabi ko ay natawa ito. Halos mamula na ito sa kakatawa.

“Sige tawa ka pa. Kulang pa yan. Laugh your heart out.”

Nang mahimasmasan ito ay saka lang muling nagsalita. “Trust me, hindi ko na ulit gagawin yun.”

“Okay. Sabi mo eh.”

“So, ready?”

“Very much ready.”

“Then, hop in.” Utos nito.

Umangkas na ako agad sa motor niya.

Bago kami tumuloy sa ‘date’ namin, dumaan muna kami sa grocery store para bumili nang pwedeng kainin. Puro finger foods ang pinagkukuha niya.

“Date ba talaga ang trip mo o picnic?” Tanong ko rito.

“Date siyempre.”

“O eh bakit andami mong binibiling curls tsaka biscuits?”

“Basta, stay put ka lang diyan.”

“Okay. Hey wait, kuha lang ako nang softdrinks.”

“Sige, then, kuha ka na rin ng water.”

“Sure.”

Matapos naming mag-grocery eh tumuloy na kami sa pupuntahan namin. Just imagine na habang papunta kami sa lugar na sinasabi niya sakay ng motor, bitbit ko sa isang kamay yung supot na may lamang softdrinks at water at sa kabila naman yung mga curls.

Mukhang nafo-foresee ko na kung saan kami pupunta. Isa ito sa mga famous spots sa lugar namin in which lagi siyang dinadayo tuwing Mahal na Araw.

“Sa shrine tayo punta?”

“Yup.”

“Sige, maganda nga roon.”

“I know tsaka mas makakapag-usap tayo nang wala masyadong nakikialam.”

Ilang minuto pa ang lumipas at andun na kami sa lugar. Pinili namin yung cottage sa may ibaba nang burol. Pagkababa nang mga gamit, agad ko nang tinahak ang daan paakyat sa Stations of the Cross. Napaka-holy nung place kasi kahit saan ka lumingon may makikita kang imahe nang mga tauhan sa bibliya.

Nang marating ko ang tuktok, pumwesto ako sa may malaking statue ni Jesus. Siyempre, konting picture taking. May pagka-vain kasi ako sa pictures kaya naman lagi niya akong kinukuhanan kahit sa paglalakad ko.

Maya-maya pa ay lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

“Dhen, sobrang saya ko na finally nakuha na rin kita.”

“Ako rin. Masaya ako kasi hindi ka nagbago sa akin.”

“Ewan ko nga ba eh. Antagal ng panahon na naghintay ako. Andami na ring mga babaeng dumaan sa buhay ko pero hindi ko sukat akalain na ikaw pa rin pala ang itinitibok ng puso ko.”

“Pero Len, bakit nga ba ako ang pinili mo?” Tanong ko rito.

“Siguro, cliché nang maituturing ito pero kasi I can see in you yung mga characters ng taong gusto kong makasama habang buhay.”

“Like?”

“Basta.”

“Bakit nga?” Pangungulit ko.

“Andami mo naman tanong eh. Basta mahal kita yun yung mahalaga.”

Tumahimik na lang ako.

“Eh ako bakit mo ako minahal?” Tanong niya sa akin.

“Siguro kasi ikaw lang yung nag-iisang lalaking nakipagkaibigan sa akin nung first year. Alam mo naman na mga babae ang barkada ko pero pinilit mong makipaglapit sa akin kahit na ilang beses kitang itinulak palayo.”

“Naalala ko yan. I remembered how you yelled at me pag kinukulit kita.”

“Yep, kasi honestly natatakot ako, na baka pag kinaibigan kita at maging close tayo, sa sasabihin ng iba sa atin. Pwede ka kasing biglang lumayo sa akin dahil lalaki ka at ang lalaki ay ayaw sa mga kagaya kong mahinhin.”

“Sa totoo lang naisip ko rin yan.”

“See?” Sabi ko rito.

“Pero I persisted kasi alam kong mabuti kang tao at magiging magkaibigan tayo. Akalain mo bang magiging best friend pala kita.”

“Kaya nga eh. Tapos naalala ko inaway mo yung isang kaklase natin nung sinabihan niya akong bakla. Nakakatuwa kayo noon pero syempre napahiya ako nang sobra.”

“Alam ko yun kaya nga nanligaw ka nang babae noon para patunayan sa kanilang hindi ka bakla.” Sabi nito sa akin.

“Tama.”

“Naging kayo ba ni Jenalyn?”

“Hindi eh. Malaki ang chance ko na maging gf siya sa totoo lang.”

“O anong nangyari?”

“Naalala mo ba nung umiiyak siya after namin mag-usap?”

“Huh? Hindi ko alam yun ah. Kuwento mo nga?”

“Yun nga, after class nung hapon kinausap ko siya. Binibiro pa nga kami nang mga kaibigan niya kasi first time kong ginawa iyong ipaalam siya sa mga kaibigan niya.” Napatahimik ako.

“Then?”

“Nung nagkasarilinan na kami, sinabi ko sa kanyang hindi ko na itutuloy yung panliiligaw ko. Nagulat siya at nagtanong. Ang nasabi ko lang sa kanya gusto ko siya pero mas maiging maging magkaibigan na lang kami. Hindi matanggap ng pride niya yung sinabi ko kaya naman nasampal ako. Umalis siya nang umiiyak.”

“Bakit mo ginawa yun? Maganda rin siya tsaka honestly I’m looking forward na magkakatuluyan kayo. Gulat nga ako na biglaang hindi na kayo nagpapansinan.”

“Yun nga yung dahilan kung bakit ayaw na niya akong kausapin. I insisted na kahit yung friendship na lang yung i-save namin. Sayang kasi yung naipundar na naming pagkakaibigan.”

“Pumayag naman siya?”

“Oo.”

“Bakit mo nga ba hindi itinuloy?”

“Dahil may mahal akong iba.” Sabay harap sa kanya.

“Ako siguro yun nuh?” May pagkamayabang nitong sabi.

“Gaano ka naman nakakasigurong ikaw nga yun?”

“Basta feeling ko lang.”

“Asa ka naman na ikaw yun.”

“Hindi ba ako yun?” Kita ko naman ang paglungkot ng mukha nito.

“Uto ka talaga! O siya tara na medyo gutom na ako.” Pag-aya ko rito.

Ayaw man lang niya kumilos para bumaba. Hinila ko na lang siya para makakilos na pero parang wala na talaga sa mood..

“Pag hindi ka gumalaw diyan makikipaghiwalay ako sa’yo.” Pananakot ko rito.

Parang bigla naman itong natauhan.

“Aba, ang bagal mo dalian mo nga riyan baka mawala yung pagkain natin.” Sabi nitong bigla.

Natawa naman ako sa kanya. Isip-bata pa rin talaga.

Naghabulan kami pababa nang grotto. Kala mo mga batang paslit kami kung umasta. Nariyan yung nagtatayaan kami, o kaya naman ay aastang iaangkas niya ako sa likuran niya.

Nang marating namin yung cottage, agad kaming nagpahinga. Makalipas ang ilang sandali, nagsimula na kaming magmeryenda.

“Hon, huwag mo buksan lahat huh.”

“Sure, hindi ko naman kayang ubusin lahat ito eh.” Sagot ko.

“Maya pala samahan mo ako roon sa kabilang parte.”

“Bakit? Anong mayroon doon?”

“Makikita mo rin mamaya.”

Nakailang kuwentuhan pa kami at lambingan sa cottage nang maisipan na naming puntahan yung sinasabi niyang lugar. Habang tinatahak namin yung madamong daan, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka may ahas na biglang tumuklaw sa amin. Sabi niya naman na wala raw ahas doon kaya huwag akong mag-alala.

Ilang sandali nang paglalakad at natunton na rin namin yung gusto niyang dalawin. Namangha naman ako sa nakita ko. May mga kubo na andudun at may mga settlers. Lahat sila ay nakatingin sa amin.

Lumapit pa kami at bumati sa mga ito. Malugod din naman silang bumati pabalik sa amin at nakakapagtakang kilala nila si Arnel. Napag-alaman ko na madalas silang dalawin ni Len pag may pagkakataon para makipagkuwentuhan at mangumusta.

Maya-maya pa ay inabot na ni Len yung mga dala naming pagkain at inumin sa kanila. Doon ko lang nakita yung soft spot niya na iyon. Nang may pagkakataon, tinanong ko sa kanya kung alam ba nang mga parents niya yung pinaggagagawa niya ngunit hindi raw. Ako pa lang daw ang nakakaalam nun.

Patuloy lang ang kuwentuhan namin ng may biglang nagtext sa kanya. Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang itsura nito.

“Len, are you okay?”

“I’m not.” Seryoso nitong tugon.

Dahil sa nalaman ay agad na kaming nagpaalam sa mga ito. Nang makalayo ay kinausap ko itong muli.

“Anong problema?”

“We needed to go back home now.” Ramdam ko naman na mukhang mabigat yung laman nung text sa kanya kaya naman tumango na lang ako.

“Whatever happens, I’ll be here for you.” Pag-alo ko rito.

Sinubukan nitong ipakita sa akin na kaya niya sa pamamagitan ng pagngiti. I gave him a reassuring kiss.

Umangkas na ako sa motor nito pabalik sa kanila. Habang nasa daan ay hindi ko magawang magbukas ng topic. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat kong sabihin para mapagaan man lang iyong loob niya. Gusto ko siyang tulungan pero paano?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Tahimik sa loob. Nakaramdam ako nang hindi magandang pangyayari habang papalapit kami sa pintuan. Pagpihit pa lang niya nang door knob, kumabog na parang tambol ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Sumalubong sa amin si tita.

“Andun yung tatay mo sa may kusina. Kanina ka pa hinihintay.” Sabi nito.

“Good evening po tita.” Bati ko rito.

“Good evening din Dhen. Halika samahan mo ako mag-ayos ng mga kahoy sa likod.”

“Sige po. Sunod ako.” Sabi ko kay tita. Hinarap ko ulit si Arnel. “Hon, kaya mo yan. Andito lang ako sa likod mo.”

Tumango lang ito kaya tumuloy na ako sa likuran.

Gusto kong makinig sa magiging pag-uusap nila pero nakakahiya kasi kay tita kaya naman pinili kong huwag muna. Kasalukuyan naming inaayos yung mga nagkalat na kahoy ng makarinig kami nang malakas na kalabog mula sa kusina.

Napahangos kami agad ni tita roon para tingnan ang mga nagaganap. Pagdating namin ay kita ang nakabagsak na upuan na siyang lumikha nang ingay.

“Hindi ko maisip na pumatol ka sa isang bakla! I’m so disappointed in you!” Sabi ni tito kay Arnel.

Kita ko naman ang pagpipigil ni Arnel na sumagot. Nang biglang mapatingin si tito sa akin. Nanlilisik ang mga tingin nito na wari mo’y kikitil ng buhay.

“Bakit mo ginawa sa amin to? Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo??? I haven’t seen this coming dahil hindi ko binigyang pansin yung sweetness niyo dahil ang tingin ko mag-best friends lang kayo! Kung nalaman ko lang sa umpisa pa lang, pinigilan na kitang lumapit sa anak ko! ” Paninisi ni tito sa akin.

Hindi ko magawang sumagot dahil nahihiya ako. Lumapit ito sa akin

“Andami nang naging girl friends ni Arnel at lahat iyon ay magaganda, matatalino at galing sa mga respetadong pamilya kaya naman tuwang-tuwa ako sa bawat babaeng dinadala niya. I have high hopes para sa kanya na itataguyod niya ang apelyido namin pero nawala lahat dahil sa kalandian mo!” Patuloy nito.

“Tito, I-I didn’t mean to fall sa anak niyo po. It came unexpectedly.” Mahina kong sagot dito.

“Tangina! Sasabihin mo ngayong unexpectedly? Kahit kailan expected na sa inyo ang manglandi nang mga lalaki. Para ano? Para gawing mga kagaya niyong mga salot sa lipunan!” Humarap ito kay Arnel. “What happened to Jessa? Bigla mo siyang tinapon dahil sa bakla na iyan?”

“Minahal ko si Jessa. Totoo napakaganda niya and she’s the perfect girl at mother ng magiging anak namin pero hindi ko na siya kaya pang lokohin. Marami pang mas babagay sa kanya, higit pa sa akin.” Malumanay na sabi nito.

“You’re a disgrace to the family!” Na may kahalong panduduro kay Arnel.

Hindi ko na napigilan pang mapaiyak. Maging si tita ay pinipigilan na mapaiyak.

“Ako na nagsasabi sa inyo na itigil niyo na ang kalokohan niyo dahil kung hindi mapipilitan akong ipatapon ka sa kapatid ko sa Mindanao.” Sabi nito kay Arnel sa malumanay na boses.

“Hindi mo pwedeng gawin sa akin yan! Matanda na ako! I know now what is best for me at hindi mo ako mapipigilang gawin kung ano yung nakikita kong tama!” Biglang sumbat na nito sa ama.

“Tama? Kailan pa naging tama na ang lalaki ay pumatol sa isang bakla? Sige sabihin mo sa akin!” Nanggagalaiti nitong sumbat kay Arnel.

“Nagiging mali lang ang ito sa mga kagaya mong makitid ang takbo nang utak at walang ibang inalala kundi ang sariling pride at kaligayahan!”

Dahil sa sinabi ni Arnel ay sinugod ito ni tito at sinuntok. Napatumba naman ito sa lakas ng impact. Inawat ni tita si tito samantalang inalalayan ko si Arnel.

“Len tama na.” Pagmamakaawa ko rito.

“No Dhen. Kailangan kong manindigan.”

Tumayo ito.

“You were never a father to me. All this time, iniisip mo na isa kang perpektong ama sa aming mga anak mo pero nagkakamali ka! Hindi ko makitang isa kang ama sa akin!”

Napatakip na lang ng bibig si tita sa sobrang pagkabigla nito sa mga sinabi ni Arnel.

“Wala kang karapatang sabihin na wala akong kuwentang ama! Lahat ginagawa ko para sa pamilyang ito!” Sigaw na sabi ni tito.

“Siguro nga tama ka, ikaw kasi tagabigay ng allowance namin. Sa tingin mo ba yun na yun? Alam mo ba how I felt each time na may mahalagang event sa buhay ko and yet walang tatay na dumadalo? Nasaan ka nang mga panahong iyon? Alam ni mama lahat, lahat ng hinanakit ko sa’yo pero lagi niyang sinasabi na intindihin ka. That’s what I did.”

Moment of silence. Hindi na napigilan ni Arnel na mapaiyak.

“I pursued your dream na maging pulis dahil frustrated police officer ka dahil sa military ka gustong ipasok ni lolo. Alam mo ba lahat ginawa ko para mag-excel sa klase? Pinasok ko rin ang student council para kahit paano ipagmalaki mo ako pero anong natanggap ko sa’yo? Wala! Ni simpleng appreciation hindi mo man lang maibigay! Bakit ka ganun pa? Bakit lahat ng decisions ko kinukontrol mo?”

“Dahil ayokong mapariwara ka! Gusto kong maging successful ka at sumunod sa mga yapak namin ng lolo mo!”

“Hindi yun ang gusto mong mangyari pa. Gusto mong maging kagaya niyo ako ni lolo dahil tinanggihan kayo ni kuya! Alam mo pa dahil sa pagkontrol mo sa mga kilos ko, hindi ako naging masaya kasi ang lagi kong naiisip baka hindi mo magustuhan yung kakalabasan ng mga decisions ko! Lumaki ako na walang sariling desisyon at paninindigan. I was grounded by your rules!”

Nanggagalaiti pa rin si tito sa mga sinasabi ni Arnel sa kanya. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa tagpong iyon. Na-shock si tita sa mga salitang lumabas kay Arnel dahil ito yung unang beses na sumagot ito sa ama.

“Alam mo ba na sa tuwing may family day nung bata pa ako, lagi mong sinasabi na darating ka. Lagi akong nag-eexpect ng presence mo. Isang oras, dalawa, tatlo pero dumating ka ba? Sila mama at kuya lang lagi ang nanduduon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin sa tuwing makikita ko mga kaklase ko kasama nila mga tatay nila? Alam mo rin ba kung gaano ako mainggit pag masaya sila? Hindi! Kasi busy ka riyan sa trabaho mo! Wala ka nang oras sa akin! Buti pa sila ate at kuya nakaranas na um-attend ka sa events nila! Were you proud of me?” Hindi nito napigilang maibulalas.

Sa tingin ko medyo kumalma na si tito dahil nawala na ang pagkuyom nito sa mga kamao niya.

“I love you pa but its just wrong na pati puso ko kokontrolin mo pa. Sobra na iyon. Sana maging masaya ka na lang sa amin ni Dhen. Kahit ito na lang yung hihingin ko sa’yo.” Malumanay na sabi nito.

Iyon na ang huli niyang nasabi bago umalis sa eksena si tito. Hindi na ito sinundan pa ni tita. Napahagulgol si Arnel ng niyakap ko ito. Sinubukan ko siyang aluin. Hindi ko ine-expect na ganito kabilis yung mga pangyayari sa amin.

Lumapit sa amin si tita. Niyakap niya kami ni Arnel. “Hayaan mo muna tatay mo, he’ll soon realize na may point ka. Just give him time.”

Simula nung araw na iyon, hindi na umuuwi si Arnel sa kanila bagkus sa amin na ito nanirahan pansamantala. Gusto niya sanang mag-rent na lang kahit bedspace pero hindi pumayag si mama at si papa. Kahit papaano mas mapapanatag sila na makitang ligtas si Arnel. Tanggap naman kami sa bahay namin kahit na nung umamin ako eh feeling ko kagaya ni tito si papa pero nagkamali ako. Ang sinabi niya na lang samin ay huwag babuyin yung bahay niya. Masuwerte ako sa papa ko.

Kahit papaano, kita ko naman ang pagsusumikap ni Arnel para ipakita sa pamilya ko na pinaninindigan niya ako. Nakaantabay sa amin ni Arnel ang mga magulang ko. Tinutulungan nila kami sa bawat desisyong gagawin namin.

Isang araw sa school, nakita kong nag-uusap si Arnel at Jessa sa may puno malapit sa may building namin. Mukhang may pinag-uusapan silang seryoso dahil kitang kita ko ang pagpunas ni Jessa sa mga luha nito. Pinabayaan ko na lang muna silang mag-usap.

“Girl, tara meryenda tayo. Nagugutom na ako eh.” Aya ni Febbie.

“Lagi ka namang gutom eh.” Pang-aasar ko.

“Oh well, ganun talaga. Kailangan eh.”

“Saan mo ba dinadala mga pagkain mo eh ang liit mo pa rin naman tsaka hindi ka ganun kataba?” Tanong ni Xyza.

“Alam ko kung saan.” Sabi ko rito sabay tingin sa dibdib nito.

Lumiyad pa si Febbie para bigyang emphasis yung dibdib niya. Nagtawanan na lang kami.

“Dali na, hirap na baka mangayayat pa. Wala nang magkakagusto sa akin.” Sabi nito.

“Desperada?” Usal ni Xyza.

“Palibhasa kasi kayo may mga dilig kaya wala na kayong pakialam sa akin.” Pagdadrama nito.

“Hay naku samahan na nga natin ito baka kung saan pa mapunta kadramahan nito. Mas lalo itong di magugustuhan ng mga lalaki.” Sabi ko.

“Tama ka.” Pag-sangayon ni Xyza.

Naglalakad na kami papunta sa canteen ng may tumawag sa akin. Si Arnel pala kasama si Jessa. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko ni Xyza sa akin. Tiningnan ko lang ito bago muling hinarap yung dalawa.

“Hon, saan kayo punta?” Tanong nito sa akin.

“Ahm sa canteen. Meryenda lang kasi nagugutom si Febbie eh.” Sabay turo rito.

Tahimik lang si Jessa at kitang kita rito na galing ito sa iyak.

“Ah ganun ba. Sama na kami sa inyo.”

“Hindi ba kami nakakaistorbo?” Hindi maiwasang masabi ni Febbie.

Napatingin kaming lahat kay Febbie at napatahimik.

“Ahm, Dhen. C-can we talk?” Usal ni Jessa.

Kita ko naman ang pagngiti ni Len sa akin. Napatango na lang ako.

“Excuse us guys, una na kayo sa canteen.” Sabi ko sa kanila.

Bago pa umalis si Arnel at sumunod sa dalawa eh bumulong pa ito sa akin ng I love you. Siyempre may dulot iyong kilig sa akin.

“Dhen, I-I’m sorry.” Sambit ni Jessa nang makaalis na yung tatlo.

“Para saan?” Takang tanong ko.

“Kasi, kasi ano…” May hesitations sa tinig nito.

“Sige kaya mo yan.” Pang-eencourage ko rito.

“Ahm, ako kasi nagsabi kay tito nang tungkol sa inyo ni Arnel.” Nakayuko nitong sabi.

Tahimik lang ako. Hindi na ako nagulat pero hindi ko rin maiwasang matuwa sa pagiging tapat niya.

“Nagawa ko lang naman iyon kasi sobrang mahal ko si Arnel. Masyado akong naging selfish. Hindi ko na inisip na pwede ka pa lang mapahamak maging si Arnel sa desisyon ko. Hindi ko ginustong lumayas siya sa kanila.”

“Jessa.” Sabay hawak ko sa balikat niya. Napatingin ito sa akin na may namumuong luha sa mga mata nito. “Kahit na ganun ang ginawa mo sa amin, hindi ko na magawa pang magalit sa’yo. Ayoko na rin kasing magalit pa, dadami lang wrinkles ko.” Sabi ko rito.

Napangiti naman ito sa huli kong sinabi.

“Ayan, dapat ngiti ka lang palagi kasi mas maganda ka pag ganyan. Kung nagkataong straight ako, aagawin kita sa best friend ko.”

“Loka!” Nasambit nito bigla sa akin na nagpatigil sa amin pareho.

Napatawa na lang kami.

“Honestly Jessa, I never expected you na lalapit sa akin at hihingi nang tawad. In the first place, ako pa nga dapat mag-sorry sa’yo kasi dahil sa akin nasira relasyon niyo.”

“Oo nga sinira mo relasyon namin. Kainis ka!” Sabi nito at tinampal pa ako sa balikat.

Mabait pa lang talaga si Jessa kasi nagawa nitong makipag-usap sa akin na kala mo eh walang gulong namagitan sa pagitan namin.

“Pero kamusta naman na ang buhay pag-ibig mo ngayon? May bago na bang nagpapatibok sa puso mo?”

“Maraming nagpaparamdam pero sarado pa kasi ngayon puso ko for applications eh. Still recovering pa kasi.”

“Ah ganun ba? Naku, hangad ko ang kaligayahan mo.”

“Salamat Dhen huh.”

At niyakap ako nito. Gumanti na lang ako nang yakap.

Inaya ko na si Jessa na sumama sa aming magmeryenda sa canteen. Masaya naman kaming nagbabangkaan. Nakiki-sabay na rin paminsan-minsan si Jessa sa mga biruan namin. Nag-aadjust pa kasi siya pero kita mo naman na mas masaya na siya ngayon compared noon.

Matapos ang huling klase naming iyon nung hapon, nakita ko agad si Arnel na naghihintay sa labas ng classroom namin. Nang makita ako nito ay agad na itong nag-ayang umuwi. Siyempre walang nagawa yung dalawa kong kaibigan kasi si Arnel yung batas eh.

Nagkukuwentuhan lang kami sa mga naganap sa amin nung araw na iyon habang naglalakad pauwi nang bahay. Mababakas mo na rin naman ang kasiyahan sa mukha ni Arnel dahil nabawasan na rin siya nang isang tinik sa dibdib. Isa na lang ang alam kong iniinda niya ngayon.

Nagtatawanan pa kami nang pumasok sa loob ng bahay ng kapwa kami biglang natahimik. Hindi ko alam na may bisita pala kami at ang nakakagulat pa ay ang katauhan msimo nang bisita.

“Son?” Tumayo ito pagkakita sa amin.

Napatda ako sa katagang lumabas sa bibig ng bisita namin. Sinipat ko si Arnel at bakas rito ang kaligayahang makita muli ang nakagalit na ama. Napaluha ito. Hinagod ko naman ang likuran nito.

“Pa?” May agam-agam na banggit nito.

Agad naman na nag-reach out si tito kay Arnel. Napatakbo na ito para mayakap ang ama. Labis ang kaligayahang namamahay sa dibdib ko dahil kahit papaano ay nagkaayos na sila. Matapos magyakapan nung dalawa ay kapwa sila napatingin sa akin. Inaya naman ako ni tito na yakapin din siya.

Mas nalubos ang kaligayahan ko nang yakapin si tito. Tama siguro akong sabihin na tinanggap na ni tito ang relasyon namin ng anak niya.

Nang bumitaw ako sa yakap niya ay nagsalita ito.

“Dhen, I’m sorry sa mga masasakit na salita na nasabi ko sa’yo noon.”

“Naiintindihan ko po yun tito. Galit po kasi kayo sa pangyayari kaya hindi niyo na napigilan ang sarili niyo.”

“Oo nga eh. Alam mo ba nung oras na iyon, kung hindi pa kami nagkasagutan nitong anak ko eh hindi ko malalaman na may sama pala ito nang loob sa akin. Wala kasi itong lakas ng loob na sumagot sa akin eh.”

Litanya ni tito habang ginugulo buhok ni Arnel. Natutuwa naman ako sa nakikita ko sa mag-ama. Inutusan niya si Arnel na lumayo muna at mag-uusap daw kami.

“Alam mo ba, na-realize ko noon lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya at tama siya hindi ako naging tatay sa kanya kaya naman babawi ako.”

Natuwa ako sa sinabing iyon ni tito.

“Alam mo masakit pa rin sa akin na yung bunso ko eh sa kapwa niya pumatol…” Ramdam ko pa rin na may hinanakit siya sa mga pangyayari. “…pero wala na akong magagawa pa run eh. Siguro, susuportahan ko na lang siya kasi sa tingin ko yun yung nakikita kong paraan para makabawi sa kanya.”

“Tito…”

“Eto lang sana hiling ko sa inyo, huwag niyo sanang papabayaan ang isa’t isa at hanggang maaari intindihin niyo ang pagkukulang niyo. Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa.”

“Tito maraming maraming salamat po! Hindi niyo po alam pero napakasaya kop o na tinanggap niyo na kung anong meron sa amin ni Len. Pinapangako ko po na iintindihin ko siya hanggang kaya ko.”

“Isa pa pala.”

“Ano poi yon tito?”

“Bigyan niyo naman kami nang apo.”

Dahil sa huling sinabi ni tito ay hindi ko maiwasang hindi matawa. Hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Arnel.

“Anong pinag-uusapan niyong dalawa riyan?”

“Wala po.” Tugon ko.

“Anong wala! Sabihin niyo!” May utos na sabi nito.

“Huwag mong sasabihin pinag-usapan natin huh.” Sabi naman ni tito.

“Opo.” Sagot ko.

“Ah ganun, so may secret-secret na. Sige bahala kayo mga buhay niyo.” At tumalikod ito sa amin.

Natawa kami lalo ni tito sa inasta ni Arnel. Pinagsabihan naman ito ni tito.

Nag-bonding ulit yung mag-ama. Nagkuwentuhan sila sa mga bagay-bagay na nakaligtaan ni tito sa buhay ng bunso niya. Nakakatuwang tingnan yung dalawa habang parang bata si Arnel na may actions pa talaga ang pagkukwento. Isa ito sa mga issues ko noon na hindi ko akalaing magkakaroon ng magandang resulta.

Hindi na rin masyadong nagtagal pa si tito sa bahay at nagpaalam na. Hinatid namin ito sa labas. Muli humingi nang tawad sa amin si tito at nagpasalamat na rin.

“Masaya ka ba?” Tanong ko rito nang wala na si tito.

“Oo naman. Sobrang saya!”

“Ako rin masaya ako para sa’yo.”

“Mas masaya ako para sa atin.” At yumakap sa akin.

“Drama mo.”

“Mahal mo naman.”

“Uto!”

Inaya ko na siyang pumasok sa loob.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Ano pinag-usapan niyo ni papa?”

“Wala iyon. Huwag mo masyadong isipin.”

“Dali na, sabihin mo na.”

“Huwag na sabi eh.”

“Hindi mo sasabihin?”

“Hindi.”

“Ganun?”

“Oo.”

“Eh di huwag.” May tampo nitong sabi.

“Uto ka talaga!” Sabay batok ko rito.

Tumakbo ako papasok sa kuwarto at hinabol naman ako nito. Pinaulanan niya ako nang isang libong kiliti. Hindi naman ako makailag. Masaya ako sobra dahil maayos na naming haharapin ang bukas kasama nang isa’t isa at ang mga pamilya naming handa kaming suportahan.

“I love you Dhen!”

“Uto!”



---WAKAS---

Nais kong pasalamatan ang mga taong sumubaybay sa Torn Between Two Lovers? at patuloy na nagbibigay ng mga comments. Alam kong maaaring nagsasawa na kayo sa kakabasa nang batian portions ko pero hinding hindi ako magsasawang pasalamatan kayo at gawin ang bahaging iyon dahil sa pamamagitan niyon ay naipapadama ko sa inyo ang aking kagalakan. Saying thank you is not enough for making this story a success! I love you guys!

Siyempre hindi mawawala ang pagbanggit ko sa mga pangalan niyo.

Pink 5ive
zekie
marc
nate
Jhae17
Jay (Jcoi)
Superman
ged
ram
Dave17
mark
alfie
Rue (Idol gusto ko yung gawa mo. Sana marami pang ganun)
Coffee Prince
Aerbourne14
Zildjian (Isa ka na sa mga bago kong idol. Grabe ang ganda nang The Right Time mo. Aabangan ko yung next story mo.)
dada (Sana patuloy mong suportahan ang kaibigan nating si Zildjian)
blue
Anonymous
Silent Readers
atbp (Pasensya na po sa mga ibang hindi ko nabanggit ngunit taos-puso pa rin po akong nagpapaalamat sa inyo).

Hanggang sa muli mga kaibigan. Mahal na mahal ko kayo.

Lovelots,

Dhenxo :DD

PS: Ooopppssss, muntik ko nang makalimutan. Sa isang taong nagbibigay ng ganap na kaligayan sa aking buhay. Salamat. Binuhay mo ang passion ko sa pagsusulat. Mag-iisang taon na ang story na ito ngunit dahil sa motivations mo ay nagawa ko siyang tapusin. Zeke, mahal na mahal kita. Ingatan mo lagi sarili mo and I'll see you soon. I'll wait for you.