DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Sabi nila. Kahit daw mahal nyo pa ang isat-isa kung hindi pa ito ang tamang oras para sa inyo ay mag hihiwalay din kayo.
CHAPTER 1
Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open agad ng fb para mag laro nang naadikan kung laro na ninja saga. Pag-open ko sa fb ko nakita kung may bagong friend request nanaman ako. Chenik ko pero di ko maalala ang mukha. Hinayaan ko nalang at nag laro na.
Habang nag papaka-busy ako sa pag-lalaro ng typing maniac(isang laro sa fb) bigla nalang may nag appear na notification na may nag message sa akin. Agad ko naman itong binasa.
SUBJECT: O.O
Message:
“Musta na?”
Nang i-check ko ang profile ng taong nag sent sakin ng message na yon, napag-alaman ko na ito pala ang taong nag sent sakin kanina ng friend request.. agad kung pinindot ang accept button sa profile nya at nag reply agad ako sa message nya.
AKO:
“Woi! Okey lang naman ako hehe.. dapat talaga ganyan ang subject mo parang naninilip lang lol!hmmm familiar ang mukha mo ah pero yung name mo kakaiba hahaha!”
Hinihintay ko na mag reply s’ya sa message ko pero nakapag palitan nalang kami ng batian sa chat ng mga ka kabarkada ko eh d pa rin na reply. Chenik ko nalang ang profile info nya kasi familiar talaga sakin ang mukha ni kolokoy.
Habang chenichek ko ang profile nya bigla nalang s’ya nag pm.
SIMPATIKO AKO: cnxa na dc hehe
AKO: walang problema. :P hu u ba?
SIMPATIKO AKO: iba ka na talaga lol! D mo na aq kilala huh.. Rome to.
AKO: rome? Dami ko kakilalang rome lol cnung rome at bakit iba pangalan mo sa fb? Adik kaba?
SIMPATIKO AKO: wahahahaha!!! Ervin Rome Ruales bestbud mo…yay!!!
AKO: waaat daaaaaa Eyfffff!!! Tangina ang puti mo na hayup ka! Long time no see!! Musta kana? jan kapa sa cebu?
SIMPATIKO AKO: HAHAHAH! Adik ka! Uu pero uwi ako jan sa susunod na month para sa birthday ni mama. Maputi ba? Mas pogi noh? ahhaha Okey naman ako. Kaw ba musta na?
AKO: Ayus ahh! Yabang mong animal ka! Okey naman din ako ganun pa din.. :D ayus yan!! Nang makapag kita naman taU at makapag lasing ulet bwahahaha!
SIMPATIKO AKO: wahaha ganun talag! Uu ba!! Baka jan na muna ako, nag stop kc ako sa trabaho ko d2. Oi out na muna ako liligo lang may date eh. Hahaha anu number mo nang ma txt kita..
AKO: may pumapatol napala saU ngayon? WAHAHAH cge cge ito number ko!0917****** geh ingatz!
4 years… nagbalik s’ya..
_______________________
Reminiscing the past
“Class I have an announcement to make. Iho, come in” sabi ng teacher namin nung 4th year. At may pumasok na isang lalaking matangkad, chinito, maganda ang pangangatawan, at kakaibang kulay ng balat nito parang ang puti nito dati at dahil sa binilad sa araw eh mamulamula Parang Amerikano lang. Pero kahit ganun paman eh gwapo parin.Siguro kasing edad ko lang to 16 lang ata to pero matured ang katawan ah.
“Introduce yourself to your new classmates iho.” Sabi ulet ng teacher naming pagkapasok ng lalaking cute at simpatiko ang dating.
“Hi. Hmmm ehh…”sabay kamot sa ulo nito na parang nahihiya. “My name is Ervin Rome Ruales from Surigao City my friends call me Ervin.” Ang mahiya-hiya n’yang pag-kakasabi. ”oh! so your from Surigao City a best place for surfers. ”singit naman ni ma’am na halatang intersado sa lugar. ”tell us something about yourself iho.”sabi ulet ni ma’am.
“uhmmmm.. I love sports specially surfing kaya ganito ang kulay nang balat ko. Hehe. Only son lang ako that’s why my mom decided to transfer me here kasi dito na s’ya naka assign.”Sabay ngiti nito na nagpakita samin ng dimples nito at mapuputing ngipin.
“Thank you Mr. Ruales. Welcome to St. Mary’s Academy. We will assure you that you will be enjoying your last year in high school right class?.” Ang nakangiting pag-wewelcome ni Mrs. Agner sa aming bagong kaklase.”YES MA’AM!” sabay sabay naming sabi.
You may take your seat beside Mr. Alberto. The vacant seat at the last row.
Halatang kinikilig ang matanda kay Mr. New guy. Kay tanda na kumikiringking pa rin. Ang sabi ko nalang sa isip ko.
Nag lakad na nga ang bago naming kaklase papunta sa aking tabi at umupo.
”hi I’m Ervin Rome.”sabay lahad nang kamay n’ya sa akin at ngumiti ulet. Ampota ang bango!mas gwapo pala s’ya sa malapitan at ang sarap pang ngumiti!! kaya pala pati si ma’am eh kinilig sa kanya!
“hello, Arl Christopher Earl Alberto” sagot ko na pinilit pakalmahin ang sarili sabay shake hands sa kamay n’ya.”
Holly crap! Bakit ganito! Ang lambot ng kamay n’ya at nakakakuryente!!
“Nice meeting you Arl Christopher Earl. How do you like me to address you ang haba kasi nang pangalan mo eh?”sabay kamot n’ya nanaman sa ulo n’ya.
“Ace nalang para d ka mahirapang i-memorize hahaha” ang pagbibiro ko sa kanya. Ewan ko ba parang ang gaan agad ng loob ko sa taong ito. Siguro dahil sa mga mata nitong nangungusap at parang malungkot kahit ngumingiti.
“hahaha tama ka I’m not good with names kasi. Makakalimutin kasi ako hehehe.”
Nag ring ang bell ibig sabihin break na namin ang pinakapaborito kung subject sa lahat. Isa sa mga hilig ko kasi ang lumamon. Hehehe
“Uhmm.. Ace okey lang ba kung sumabay ako sayo sa canteen?” Di makatingin ng deretso si kolokoy halatang nahihiya.
”hindi! wag kang sasama sa akin!” Ang pasigaw kung sagot sa kanya. Na bigla s’ya sa cnabi ko at halata ang disappointment sa mukha n’ya.
Aktong aalis na sana pero hinawakan ko ang braso n’ya.
“hephephep! San ka pupunta? Binibiro lang kita oi!hahahah kaw naman syempre okey lang friends na tayo dba?”Ang naka ngisi kung sabi sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mga mata n’ya at sabay sabi
“Loko ka!!kala ko naman totoo ang sinabi mo haha kinabahan basta ako!” tinawanan ko naman s’ya sabay lakad papunta sa pintuan ng room namin.
“Hoy! Tara na baka abutan tayo ng bell di pa tayo makakain.” Ang pasigaw kung tawag sa kanya. Agad syang tumakbo papunta sakin at nakangiti ng ubod ng tamis sa akin deretso akbay.”
Nyay!!may paakbay akbay na ang loko! Bago palang kami magkakilala ah!
Nasa canteen na kami at naka bili na ng sandwich at coke na pareho naming trip kainin nung araw na yon. Nag hahanap kami nang mauupuan ng biglang lumapit samin ang ibang mga kaklase naming babae at puro nag papakilala sa kanya.
Mga babae nga naman.. basta bago agad kakagatin! Naku naku!! At si mokong naman nag-eenjoy sa paulit ulit na pag sasabi ng pangalan n’ya. Dahil gusto ko nang maka-kain at nag wewelga na ang mga alaga ko sa t’yan ko, inaya ko na si mokong na don nalang kami sa favorite spot ko tumambay para walang disturbo.
“Hanep! Ka bago mo lang dito ang dami mo nang fans ah. At halatang nag eenjoy ka sa pakikipag kilala sa kanila.” Pang aalaska ko sa kanya.
“Hindi naman, hehe ayaw ko lang bigyan sila ng impression na bastos ako.” Sabi naman nya na busy sa pag tanggal ng tissue paper sa sandwich n’ya.
“Ace, wala kabang ka close sa mga ka klase natin ngayon? Bakit wala ka manlang kinakausap sa kanila bago ka rin ba dito sa school na ito?” seryoso n’yang tanong sakin.
“Transferee din ako eh.. nung 3rd year nauna lang ako sayo ng isang taon, may kaibigan naman ako pero wala na s’ya.” Ang malungkot kung sagot sa kanya.
“What do you mean wala na s’ya? Namatay ba?” si Ervin
“Parang patay na din. Iniwan n’ya ako eh. Di ko nga alam kung bakit pero bigla nalang syang nawala at di na nagparamdam.”sabay buntong hininga.
“Okey lang yon! Wag kana malungkot dyan dito naman ako dba? We can be bestfriends from now on. Hmmm yon eh kung okey lang sayo.” Nakangiti nyang sabi sa akin.
“Oo ba! Walang problema at dahil jan tawag ko sayo eh Rome, para maiba sa mga nakasanayang tawag ng mga tao sayo. Hahaha” inakbayan ko s’ya at yon din ang ginawa n’ya habang nagtatawanan kami.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break namin at kailangan na naming pumasok para sa aming next subject.
Sa English subject namin nag karoon ng groupings na pang dalawahan para sa isang nag aalab na activity. Si ma’am talaga umulan, umaraw, bumagyo adik pa rin sa klase. Ayaw mag sayang ng oras hahays. At dahil bago lang tong c rome sa class eh sinabi ko kay ma’am na kung pwedi eh kami nalang ang magka group. Pumayag naman s’ya agad ng walang pag aalinlangan.
“Ok class go to your respective partners then after that I will be assigning a topic for each of you.” Sabi ni Ma’am Ramos.
Nag sitayuan na ang iba, syempre dahil magka tabi na kami ni rome ng upuan di na namin kailangan pang maki gulo.
“Alright! now listen because I won’t repeat it anymore after giving you your topics.”
Ayon na nga at binigyan kami ng topic ng teacher namin na mataray. Na timing naman na swak o sinadya ni ma’am ang topic para saamin dahil ang topic namin is about getting to know. Getting to know? Anu yon parang slam book lang lol. Adik naman tong c ma’am kung makapag bigay ng topic at anu ang purpose nang activity na ito? Hmmmm.. naputol ang pagkikipag usap ko sa aking sarili ng biglang mag-salita si Ma’am.
“Mr. Alberto and Mr. Ruales your topic is collecting information. Since Mr. Ruales is new to our school I will give you a time to get to know each other more. It’s Monday, so next Monday is the time for your report. You have one week to collect information from each of you. You will share to us how much you know about your partner like a story teller. It will help you to practice on how much you can easily construct your sentence and how will you deliver it. For us to enjoy the story.” Mahabang paliwanag ni ma’am.
Kinakabahan talaga ako sa activity ni ma’am. Hindi kasi ako ang taong madaling mag open up sa taong hindi ko naman kilala o kahit na close ko pa. ako ang taong tinatawag nilang reserve. Kaya nga siguro walang gustong lumapit sa akin dahil sa ugali ko. I don’t enjoy small talk. Pero kakaiba itong si rome lahat ng hindi ko magawa sa iba nagagawa ko sa kanya.
After ng lahat ng classes namin, napagusapan namin ni Rome na simulan na namin ang getting to know 101. Sabi n’ya sa akin na di maganda kung pipilitin naming alamin ang mga bagay bagay about sa amin. Binigyan n’ya ako nang idea on how to work it out. Sabi n’ya since na mag bestfriend na kami eh lagi daw kami mag bonding by that daw unti unti naming makikilala ang isat isa.
Sinimulan na nga namin ang bonding moment namin. Nag punta kami ng mall at nag laro sa archade, nag kwentohan ng kung anu anu lang. about sa mga favorite bands, anime movie, anime character. Nag sisimula na kaming magasaran. Kalog rin pala itong si Rome akala ko kanina eh mahinhin ang loko yon pala lakas din mang asar.
Na kwento ko sa kanya na ang pinaka best hobby ko at pinaka best tambayan ko eh sa kwarto ko habang nag gi-guitara.
“Wow!! Marunong kang tumugtog ng guitar Ace?” Di makapaniwalang tanong ng loko.
“Oo! Bakit d ka na niniwala? Tara sa bahay ng ma sampolan kita.hahahahha!”Sabi ko na may halong kayabangan.
“Yabang! Okey lang ba na sumama ako sa bahay n’yo? Di ba magagalit mom mo sa akin?” parang ewan na tanong nia may pa beautiful eyes pang nalalaman ang gago.
“Aayain ba kitang pumunta kung magagalit yon? At dapat talaga may beautiful eyes na kasama? Adik ka!” natatawa kung sabi.
“Abat! Bakit? Di naba pweding mag tanong ngayon ha? Kelan pa pinagbawal ang mag tanong?”sagot n’ya na may pang aasar na tono.
“Ewan ko sayo! Lakas mung manginis!!” nag aasar asaran kung sabi
“HAHAHAHA! Wag kanang mainis oh cge tara sama ako sa inyo. Bukas naman kaw sasama ko sa bahay okey ba yon?” gamit ang kanyang ngiting nakakaloko at nakakawala ng katinuan.
“Oo na! para kang alimango ang pula mo pag naluluro!” Patawa kong sabi.
Itutuloy:
1 comments:
u know what? supposedly nag rereview ako for our midterm exam.. but when i read this? i can't stop . nakaka inis at gabi na wala pa akong narereview bacause of this story..
pero ok lang.. I am a writer too... and i can say that so far you are one of the best writer i've encountered. very humorous talaga
jonny of sicret =D
Post a Comment