This is my Teacher's Day offering po sa inyong lahat. I'm working on something and sana matapos ko siya sooner but not later. I'm so happy sa responses niyo sa story na Torn Between Two Lovers. You made my day guys. Thank you so much! Happy Teacher's Day pala sa kapatid kong si Rovi!
Enjoy reading guys!
Lovelots,
Dhenxo :DD
-------------------------------------------------------------------------------------
Punung-puno nang mga maliliwanag na ilaw ang patuloy na sumasalubong sa akin sa bawat pagdaan ko sa pasilyo nang lugar na iyon. Maraming tao akong nakikita na wari mo’y naghihintay sa kung ano. May mga umiiyak, may mga tumatawa, may mga nagdarasal, may mga nagkukwentuhan, may kinakabahan at kung anu-ano pa.
Habang binabaybay namin ang daan ay di naman mapigilan ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Luha nang kalungkutan? Pwede. Luha nang kasiyahan? Pwede rin. Pero para saan nga ba ang mga luha kong ito?
--
“Dhen, hijo.” Narinig kong tawag sa akin ng taong kinamumuhian ko.
Kadarating ko lang noon. At 7am? Yeah. Naisipan kasi namin ng barkada na lumabas since Friday kagabi and it’s a gimik day. Party all night ang ginawa namin. Babae roon, lalake rito. Kahit sinong matripan go lang ng go. Wala namang mawawala sa akin eh.
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Diri-diretso ako sa kuwarto ko. Pagka-lock ng pinto ay agad na akong naghubad at tumungo sa banyo para mag-shower. Hindi rin ako nagtagal doon dahil medyo hilo pa ako at gusto ko na talaga matulog.
Nakabihis na ako nun ng pantulog ng makarinig ako nang mga katok sa labas ng pinto.
“Dhen, hijo. Open the door.”
Napataas na lang ako nang kilay. Mabigat ang mga paa kong tinungo ang pintuan.
“Now what?” Anas ko rito.
“Good morning son. I just want to check my boy. Mukhang nag-enjoy ka kagabi ah at inabutan ka na nang liwanag.” Sabi nito na may ngiti sa labi. Ngiting di mo mababakasan ng kung ano mang kaplastikan.
“I’m tired and yeah nag-enjoy ako. Oh by the way, if you’ll excuse me, matutulog na ako.” Walang sabi-sabi kong tugon sa kanya.
Kasabay ng pagsambit ko nang huling salita ay ang dahan-dahan kong pagsara sa pintuan. Sa ginawa ko ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong guilt. Dapat lang sa kanya iyon.
Pagtalikod ko ay bigla kong nai-spotan ang family picture namin. Lahat kami ay nakangiti sa picture na iyon. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mukha namin.
Dahan-dahan ko itong nilapitan.
“Ma, I’m sorry. Palagi na lang kitang binibigo.” At di ko mapigilang haplus-haplusin ang imahe nang aking ina. “Hindi ko pa rin makapa sa sarili ko ang magpatawad. If only you’re here, siguro magiging madali ang lahat pero hindi. You left me with that bastard. I was still young, still vulnerable, still incomplete.”
Hindi ko na napigilang dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko ine-expect na sa loob ng mahabang panahon ay patuloy pa rin akong ngumunguyngoy sa pagkawala nang aking ina.
It’s been 10 years since that event came to me and 10 long hard years ang patuloy kong binubuhay sa sarili ko. Kung tutuusin, hindi worthy para sakin ang pagdaanan ang ganito. Hindi nararapat sakin na maging ganito.
Tumalikod na ako sa imaheng iyon at piniling matulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog ngunit paggising ko ay papalubog na ang araw. Tumayo na ako at lumabas.
Naabutan ko siyang nakaupo sa may sala at nagbabasa nang broadsheet. Hindi ko ito pinansin at dumiretso na sa kusina para maghanap ng makakain. Wala pang naihahandang pagkain kaya naisipan kong gumawa na lang ng sandwich.
Malapit na akong matapos kumain ng pumasok ito sa kusina.
“Good morning son.” Bati nito sa akin na nakangiti.
Hindi ko ito tinapunan man lang ng tingin. Morning when it’s actually getting dark? Silly.
“Do you want anything? Ipagluluto kita.”
“No need. I can fix my own food.” Sabi ko rito.
“Okay. Ahm, if you need anything feel free to tell me okay?” At humalik ito sa ulo ko.
Hindi ko pinansin yung ginawa niya. It felt nothing to me, really. Para nga lang iyong hangin na dumampi sa pisngi ko.
Lumabas na ito nang kusina at bumalik sa dati nitong puwesto sa sala at muling nagbasa. I sighed. Pagkatapos kong kumain ay pinili kong lumabas muna saglit at mag-unwind.
I lit a cigarette habang pinagmamasdan ang makasaysayang paglubog ni haring araw.
“Does smoking make you feel good?”
What the? Inis kong tugon sa sarili ko.
“Many people are dying everyday because of smoking.” Napatingin ako rito. “That’s according to the news.” Sabay taas ng newspaper.
“What do you want?” Tanong ko rito.
“Forgiveness.” Seryosong tugon nito. “Forgiveness from a sin na hindi ko ginawa.”
Patuloy lang ako sa paghithit-buga.
“Come on son, I’ve already suffered 10 years kaya patawarin mo na ako.”
“You don’t know what does that 10 years mean to me.”
“Alam ko.”
“No, you don’t.”
“I do.”
Bigla kong tinapon yung sigarilyo ko at hinarap siya.
“Really? So ibig sabihin pala alam mo yung pakiramdam na you feel that you’re alone samantalang may tatay ka naman na dapat gumagabay sa’yo? Alam mo ba yun?” Panunumbat ko sa kanya.
Hindi siya nakaimik.
“Alam mo rin ba kung paano ko pinilit ngumiti sa bawat hamon ng buhay at pinilit tumayo sa bawat pagbagsak ko at nakikita kong wala man lang ginawa yung tatay ko para tulungan ako?”
Tahimik pa rin siya.
“Nung panahong nalaman mong bakla ako, anong ginawa mo? Wala! Hindi ko nga alam kung galit ka ba sa akin o tinanggap mo ako. Sana nagalit ka man lang para atleast alam ko kung okay pa ba sa’yo na may kasama ka sa bahay kasi parang hindi ako nag-eexist. What did you do? You turned your back away from me. Tangina!”
“I’m sorry.”
“Sorry? Now you’re saying your sorry para saan? Dahil pinabayaan mo ako? Dahil sa pagiging bakla ko?”
“I’m sorry for everything, for not being the greatest father you ever dreamed of. Sinisisi ko hanggang ngayon ang sarili ko sa pagkawala nang mama mo. If it wasn’t me sana buhay pa rin siya hanggang ngayon. Sana masaya pa rin tayong tatlo habang hawak kamay nating hinaharap ang mga problema. If it wasn’t me hindi ka magkakaganyan.”
“Yeah, it’s your entire fault. Inagaw mo sa akin ang karapatan na mamuhay ng may isang ina.”
“I’m sorry.” Bigla siyang napahagulgol.
Nagulat ako dahil it was the first time that he cried before me.
“I still don’t know how to live my life without her at dahil doon ay nakalimutan kong may anak pa pala akong dapat asikasuhin. The day she died took away all of me. Lahat ng mga pangarap ko at mga kasiyahan ay kasabay nitong dinala sa ilalim ng hukay. Sometimes, I can still hear her laughing.” Patuloy pa rin ito sa pag-iyak na ngayo’y nakaluhod na.
“You’re irresponsibility took away my mom.”
“I’m sorry.” Muli nitong sambit nang ako’y tumalikod na para pumasok na sa loob.
Kahit nagdrama na siya ay hindi ko pa rin makuhang patawarin siya. Masyado nang malalim ang sugat na likha niya at masyado na rin matigas ang puso ko para magpatawad. Nang gabing iyon ay pinili kong magkulong na lang sa kuwarto.
“Ma, wake up! Wake up! Please!” Ngunit hindi gumigising si mama.
“Look ma, here’s my card! I got the highest grade in Math, English and Science ma. I did very well. My teacher told me na I’m in the top spot now. Ma please, bangon ka na!”
Wala pa ring kilos si mama.
“Ma naman eh, huwag ka na magbiro nang ganyan. Nasasaktan na ako oh, umiiyak na si baby boy. Di ba ayaw mo makitang umiiyak si baby boy?”
Wala pa rin.
“Maaaaa!!!!!!!”
Napabalikwas akong bigla. Nakatulog pala ako kaka-emote.
Shit! Bad dream! After 10 long years, bakit bumalik ka pa? Anong gusto mong sabihin sa akin? Bigla kong nakita ang picture naming nakasabit na sa di malamang kadahilanan ay biglang bumagsak. Tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na bubog.
Habang ginagawa ko iyon ay bigla na lang akong kinilabutan. Kilabot na kapareha nang naramdaman ko 10 years na ang nakalipas. Di ko alam kung anong gagawin ko kaya naman lumabas ako nang kuwarto at dahan-dahang lumapit sa pinto nang kuwarto ni papa.
Pinakinggan ko ang loob nito mula sa pintuan. Wala akong marinig na anumang kaluskos. Naglakas-loob akong pumasok. Trip lang. Maingat ako sa ginawa kong pagpasok.
Namangha ako sa kuwarto nila papa. Napaka-organize ng mga kagamitan maging ang mga libro sa may shelf. Alagang-alaga. Binuksan ko ang shelf at tiningnan isa-isa nang malapitan ang mga librong naroroon. Napatda ako.
Andito ka pa rin pala. Tinapon na kita di ba?
Inilabas ko ang libro nang Purpose Driven Life na bigay sa akin ni papa noong birthday ko. Isa-isa kong binuklat ang mga pahina nito nang may isang papel na nakaipit dito. Kinuha ko ito at sinubukang basahin.
Akma ko nang binubuklat ang papel ng bigla akong tinawag ni nanay. Nagulat ito nang makita ako na nasa kuwarto ni papa.
“Maygawd Dhen! What are you doing here?”
Natameme ako.
“Wow si nanay naglevel up na. Umi-English.” Pang-aasar ko sa kanya.
“I know right?” Natawa akong lalo sa inasta niya. “Teka mabalik ako. Anong ginagawa mo rito?”
“Wala naman nay.”
“Wala? As if I know.” Lalo akong napahagalpak.
“Baka naman ang gusto mong sabihin nay eh if I know.”
“Yun na rin yun.”
Kinukulit pa rin ako ni nanay ng biglang nag-ring yung phone sa labas.
“I shall return.” With matching gun sign pa at umalis na nga ito.
Muli kong hinarap yung papel. Iniisip ko kung bakit iyon nandodoon. Maya-maya pa ay hangos na tumatakbo si nanay papunta sa kinalalagyan ko. Takot ang rumehistro sa mukha nito nang bumalik ito sa kuwarto nila papa.
“Anong problema nanay?”
“S-si papa mo.”
“Bakit siya?” Walang emosyong tanong ko.
“Nabaril raw siya.”
“And?” Hindi nag-sink in agad sa akin yung balita ni nanay.
“Anak, nabaril ang papa mo!” Maiyak-iyak na sabi nito sa akin.
“What?!?!”
Sinabi ni nanay yung mga detalye sa nangyari kay papa kaya naman agad na akong lumabas ng bahay para puntahan kung nasaan si papa ngayon.
Hindi naglipat sandali ay dumating na ako sa hospital. Tinanong kong muli yung front desk officer tungkol sa papa ko gaya nang nangyari 10 years ago at sinabi nito sa akin na kasalukuyan itong inooperahan.
Dumiretso na ako sa may waiting area sa labas ng operating room. For the first time after 10 years, ngayon na lang ulit ako nakaramdaman ng takot. Takot na mawawalan na naman ako nang isang taong naging parte na nang buhay ko.
Isa, dalawa, tatlong oras pero hindi pa rin natatapos ang operasyon sa papa ko. Nag-decide akong pumunta nang chapel at magdasal. Tanging ang Diyos na lang ang malalapitan ko sa oras na ito.
God, please don’t do this to me. I know na hindi ako naging mabuting anak kay papa pero huwag niyo naman pong bawiin basta-basta si papa. Hindi ko na talaga kakayanin pa pag pati siya kukunin niyo. God, iligtas niyo lang po si papa magbabago na ako. Babawi ako sa kanya, ipaparamdam ko sa kanya kung ano yung hindi ko naibigay nung nakaraang sampung taon.
Taimtim pa akong nagdasal ng walang anu-ano ay biglang pumasok sa isip ko yung nakita kong papel na nakaipit sa libro. Dinukot ko ito sa aking bulsa at binuklat.
A diary page?
October 29, 2000
Hi mister diary!
Good day! I’m really excited today kasi today we’ll be shopping for Dhen’s birthday on the 4th of November. Wala siyang alam that we’re planning a party for him. It’s a total surprise. I asked dada to accompany me, actually it was dada’s idea to throw a party on his unico hijo. He really loved his young man. I remembered how he leaped upon knowing na lalaki yung magiging anak namin. I can see how he looked after him. Nakakatuwa. I never imagined na ganito siya. Honestly, he was the kind of guy na hangga’t maaari eh hindi niya ipapakita sa’yo kung ano yung totoo niyang nararamdaman pero hindi niya maiwasan lalo na kapag tungkol kay Dhen.
Isa iyan sa mga nagustuhan ko sa kanya. I love Lito so much. I love Dhen so much kasi he’s the boy that his father used to be. I love them both.
Oh wait, he’s here.
See you later mister!
Lovelots,
Sally
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang nababasa yung papel na hawak ko. Mahal na mahal ba niya talaga ako? Bakit hindi ko naramdaman?
Tuliro ang isip ko. Binabagtas ko ang isang pamilyar na daan. Huminto ako sa pamilyar na pintuan. The same room kung saan naka-confine si papa dahil sa isang malagim na aksidente na kumitil sa buhay ni mama. I cried in front of it nang makaramdam ako na may humahagod sa likod ko.
Si nanay. Niyakap ko ito nang mahigpit at umiyak pang lalo. Nang mahimasmasan na ako ay inakay na ako ni nanay pabalik sa waiting area. Ilang sandali pagkadating naman ay ang paglabas naman ng doctor.
“Kayo po ba ang kamag-anak ni Mr. Lito Paciente?”
“Opo dok kami nga po. Kumusta na po si papa?” May pag-aalala kong tanong dito.
“He’s still in danger and his kidney suffered dahil iyon ang napuruhan. Tatapatin na kita. Maliit ang chance nang papa mong mabuhay kung hindi maagapan ang kundisyon niya.”
“Ano po ang pwedeng gawin to save him?”
“We needed an urgent kidney transplant kaso according sa kidney center walang available na kidney para sa papa mo dahil marami pa ang nakapila.”
“Doc baka pwedeng ako na lang. I mean, ido-donate ko kidney ko para kay papa. I’ll do everything para sa kanya.”
“Are you sure?”
“Yes doc.”
“Do you know what will happen to you with this?”
Napailing ako.
“Alright, we’ll get your kidney through an operation and it should be transplanted to your father. During the entire procedure, your life is at stake. Meaning, pwede mo itong ikamatay. Are you still willing to do it?” Tanong ni doc.
Medyo nag-isip pa ako. Kinalabit ako ni nanay kaya napaharap ako rito.
“Anak.” Halos pabulong na nitong sabi sa akin.
“Ano po iyon?”
Lumingon ito saglit kay doc at ngumiti.
“Ahm, anong sabi ni doc? Di ko kasi naintindihan eh.” Nahihiya nitong tanong sa akin.
Napamaang ako. Tinatantya ko rin kung nagbibiro ba siya o seryoso pero mukha siyang seryoso.
“Seryoso nay?” Napangiti akong bigla. Kahit kelan talaga si nanay.
“Oo. Ano ba yung transpa, transpa-“
“Transplant nay.”
“Oh yun nga. Ano ba ibig sabihin nun?”
In-explain ko naman sa kaniya kung ano yun, pati na rin kung ano ang pwedeng gawin kay papa at yung maaaring mangyari sakin.
“Anak, sigurado ka ba?” Bakas dito ang labis na pag-aalala sa akin.
“Nay, hindi ko na kaya pang mawalan ng isang taong nagmamahal sa akin. Si papa na lang ang natitira sa akin. Iniwan na ako ni mama eh, wag na sana sumama si papa.” Seryoso kong sabi.
“Opo doc. Itutuloy ko po.”
Punung-puno nang mga maliliwanag na ilaw ang patuloy na sumasalubong sa akin sa bawat pagdaan ko sa pasilyo nang lugar na iyon. Maraming tao akong nakikita na wari mo’y naghihintay sa kung ano. May mga umiiyak, may mga tumatawa, may mga nagdarasal, may mga nagkukwentuhan, may kinakabahan at kung anu-ano pa.
Habang binabaybay namin ang daan ay di naman mapigilan ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Luha nang kalungkutan? Pwede. Luha nang kasiyahan? Pwede rin. Pero para saan nga ba ang mga luha kong ito?
Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin pero mas natatakot akong iwanan ni papa. Bakit ngayon ko lang na-realize na si papa na lang ang meron ako? Alam kong sobrang mahal ni papa si mama kaya naman ng mawala ito ay labis na nasaktan at nalungkot si papa. Dapat dinamayan ko siya.
Pa, mahal na mahal kita. I’m sorry if it had to be this way bago kita napatawad sa kasalanang hindi mo ginawa. I’m sorry for bringing you much pain. I’m sorry for all the coldness. Let me make up to you. God please help us.
At tuluyan na akong pinasok sa loob ng operating room.
2 comments:
It was a great story dhendhendhen! nice one.. Maganda ang tema at maganda ang gustong ipahiwatig :) nice nice nice!
mejo nguluhan aq sa mama at nanay lol
however, (after reading it again lol) nkuha q na kung anu ba talaga ang kwento
lessons learned:
listen, value, forgive
Post a Comment