DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
CHAPTER 4
“Salamat ah.” Ang pabulong ko na sabi kay Rome.
“Para saan?” balik na bulong nya sa akin..
“Dahil kung hindi dahil sayo. Malamang nasa Computer shop nanaman ako ngayon para aliwin lang sarili ko. Salamat talaga.” Ang sinsero kung sabi sa kanya.
“Hoy! Anu binubulong bulong nyo jan? Ang daya nyo ah.” Reklamo agad ni Red ng makita kaming nag bubulungan ni Rome.
“Hah? Wala no! sabi ko lang kay Rome na babaero ka talaga.” Ang sabi ko na agad naman nyang binara.
“Babaero? Maniwala ka dyan kay Carlo. Wala akong girlfriend noh! akala lang nila na girlfriend ko sila.” Ang mayabang na depensa ni Red.
“YABANG!” sabay sabay naming komentong tatlo na pinagtawanan lang ni Red.
Nag dinner kaming anim sa Jollibee. Puro kwentohan, tawanan at kung anu-anu pang kalokohan. Don ko lang ulit na ramdaman ang ganung saya. Bigla ko ulet naalala ang dawalang taon ko sa STEFTI ganito kami mag harutan ng mga ka barkada ko doon. Hiling ko nalang na sana di na maulit ang nang yari noon. buong akala ko mag tatapos ako nang high school na walang kaibigan man lang.
6 months ang lumipas at lalong naging mas matatag pa ang samahan naming pito. Pero ang mas naging close sa akin ay sina Antonet, Red at Rome. Yung iba naman close ko rin naman pero hindi ganun ka close sa tatlo.
Favorite day of the week Friday. Maaga akong nagising dahil sa isang tawag sa cp ko.
“Hello?” ang bati ko sa tumawag sa akin di na inabala ang sariling tingnan sa screen kung sino ang tumatawag.
“Supah Ace gising na!!” malakas na sabi sa kabilang linya.
“Dapat talaga sumisigaw ka? Ang aga aga!” ang maktol kung sagot sa kanya.
“Oo! Para di kana matulog ulit. Dali bangon kana dyan pupunta ako dyan sabay tayo punta ng school.” Si Rome.
“Huh? Bakit kailangan pa nating mag sabay? Di mo naba alam daan papuntang school at kailangan mo pa akong disturbohin? Galit ko paring sabi sa kanya sa inis na ginising nya ako.
“Eh kasi po nag txt sa akin si Carlo hihintayin nila tayo sa tambayan dahil may sasabihin daw sya.” Si Rome
“Ayon naman pala. Sayo naman pala nag txt eh bakit nadamay ako?” sagot ko sa kanya.
“Ang init naman ng ulo mo Supah Ace. Cge na please bangon kana maliligo na ako. See you after 30 mins!!” end call
Wala na ako nagawa kung hindi maligo at mag bihis. Ligong ibon lang ginawa ko dahil baka dumating na si loko at mangulit nanaman.
“MANAG LETH DON NALANG AKO SA CANTEEN NAMIN MAG BREBREAKFAST WAG NA PO KAYO MAG ABALA MAG HANDA!” Ang Pasigaw kung sabi kay Manag leth mula sa aking kwarto habang nag lalagay ng wax sa aking buhok.
Pag kababa ko nagulat ako nang makita ko si Rome na nasa hapag na at lumalamon. Agad naman syang lumingon sa akin at ngumiti sabay sabing “Good morning Supah Ace!tara breakfast tayo ang sarap ng luto ni nanay.”
“akala ko ba nag mamadali tayo? Bakit nakuha mo pang lumamon dyan.” Ang nakangiti ko nang sabi sa kanya sabay upo sa harapan nya para kumain na rin. Nagutom nga ako sa amoy nang niluto ni Manang. As usual wala sina mama at papa nasa Singapore for business trip.
“Sabi ko pa naman kay Manang na wag nalang mag handa kasi di ako kakain.” Sabi ko ulit.
“Nagutom ako sa amoy ng sinangag at hot dog eh kaya nang ayain ako ni Nanay na kumain, di na ako humindi. Di rin kasi ako nag almusal sa bahay sawa na ako sa luto nila doon.”
Di na lang ako sumagot at kumain na rin. Pogi talaga ni kolokoy at ang bango bango. Isama mo pa ang ayus ng buhok na bagay sa mukha nya.
After naming kumain ay deretso agad kami sa school. Nag pahatid kami sa driver namin tulad ng lagi kung ginagawa sa tuwing papasok ako. Hindi pa kasi ako pinapayagan mag drive ng dad ko kasi wala pa akong drivers license.
Lumakad na kami ni Rome papunta sa Tambayan namin para makausap at malaman kung anu ang sasabihin ni Carlo. Halatang maraming may crush kay kolokoy lahat sila napapalingon pag dumadaan kami. yung iba naman napapatigil sa kanilang morning chikahan at nag bubulungan. Sya na ngayon ang Campus Crush pangalawa nalang si Red. Yung favorite spot ko nung mga panahon na mag isa lang akong kumakain tuwing recess at lunch break, yon ang ginawa naming tambayan. Maganda ang tambayan namin dahil nasa likod sya ng buong campus kaya di kami ma iisturbo at di rin kami makaka sturbo ng iba. Maraming mga puno ang nakapaligid kaya mahangin at presko ang dating. Gumawa kami ng upuan sa ilalim ng malaking puno ng Manga para lahat kami maka upo since na nadagdagan kami ng lima.
“Ang tagal nyo naman 20 minutes nalang at flag ceremony na my geyyd!!.” ang reklamo agad ni Angela di paman kami masyadong nakakalapit sa kanila.
“Good morning too.” Ang sarcastic kung sagot kay Angela.
“Sorry naman. Lumamon pa kasi itong monster na kasama ko kaya kami natagalan.” Biro kung sabi sa kanila. Kamot lang ng ulo ang sinagot ni Rome halatang nahiya.
“Good morning Arl and Ervin.” Ang nakangiting bati sa amin ni Antonet.
“Guys punta tayo sa Resort namin sa Kuting tutal Friday naman ngayon walang pasok bukas don natin celebrate ang Christmas party ng barkada. Ok na sa kanila nasabihan ko na, tagal nyo kasi eh kayo nalang ang hinihintay namin. Mamaya tayo aalis after class don tayo hangang Sunday.” Ang singit agad ni Carlo di pa man kami nakakapag Good morning too kay Antonet.
“Kuting?” ang magkasabay naming tanong ni Rome.
“Yep. Isang small island na binili ni mommy para gawing private resort. Para sa mga honeymooners at kagaya nating mag babarkada. May bahay kami don at ang source ng electricity doon is generator kaya di kayo ma bobored.”
“OHHH YEAHH!!Sakto kasi hindi ako aattend sa Christmas Party natin next week.” banat agad ni Mina.
“Ako rin! Sure naman kasi ako na boring ang Christmas Party natin kaya sama nalang ako sa parents ko puntang bohol! Bongga diva??!” si Angela
Natatawa talaga ako dito kay Angela sobrang epal lang.
“Hmmmm ask Supah Ace. Pag go sya go din ako.” Sabi naman ni Rome.
“Bat ako? Wala ka bang sariling desisyon? Adik ka talaga.” Angal ko naman sa sinabi niya. Pero deep inside kinilig ako.. ayay!!!
“Coz you’re the boss!” Sabay pisil sa pisngi ko na lalong nag pakilig sa akin.
“Ang cheesy!! Kaloka!!” epal na sabi ni Angela at Mina.
Tiningnan ko ang reaction ng iba naming barkada pero nakangiti lang sila except kay Red na blanko ang expression ng mukha.
“Ok cge sama kami.” nakangiti kong sabi sa kanila. I don’t want to disappoint them. Specially Rome alam ko kasi na gustong gusto nya pumunta ng dagat para makapag surfing ang kaso sa lugar namin hindi malalakas ang alon. Kaya di nya magawa ang sport nya.
“ALRIGHT!!!” sigaw nilang lahat.
Hindi na kami pumasok nung hapon since na busy naman ang buong school for Christmas Party Preperation. Agad kaming nag si uwian para makapag pack-up at makapag handa. Napag desisyonan ng barkada na 500 each kada isa para sa aming pagkain, Finger Foods para pantawid gutom at para sa pulutan. Si tonet naman daw ang bahala para sa mallow na pag tritripan namin sa bonfire at softdrinks since na may grocery store sila ambagan nalang kasi kami sa kung anu ang pwedi naming dalhin pang dagdag. Aside sa 500 each. Kada isa sa amin kailangang mag bigay ng 300 para sa rerentahan naming Van na mag hahatid sa amin sa area kung saan malapit ang resort nila Carlo. Ang nakaka excite pa eh sasakay pa daw kami ng Bangka para ma rating namin ang Island resort nila.
Dumating kami sa Island Resort nila Carlo 4.30pm. Kahit na takot pa rin ang tatlong babae naming kasama dahil sa malakas na alon bigla silang nabuhayan pagkakita sa resort. White sand ito at sobrang ganda. Wala mang swimming pool bawi naman sa view at sa blue na tubig dagat. Kita ko rin ang saya sa mata ni Rome ng makita ang malalakas na alon. Alam ko na kung anu nasa isip ng lokong yon kaya agad ko syang binulungan.
“Satisfied?”
“Super duper satisfied!Di nga nag sisinungaling si Carlo nung sabihin nyang malakas ang alon dito.” naka ngisi nyang sagot sa akin.
“Guys ipasok na muna natin ang mga dala natin sa bahay. The Rest house has 5 rooms. Girls, u stay on one room at kaming apat naman eh sa isang room. One more thing Girls, you will be the one in charge of the kitchen. Kami namang mga boys ang mga masunuring alalay nyo. Kami rin ang mag huhugas para patas.” Ang naka ngising sabi ni Carlo.
“Fair enough.” Sagot naman ni Tonet.
Pumasok na kami sa Rest House nila Carlo. Namangha kami sa ganda nito. Simple lang ang mga appliances pero halatang eligante pang mayaman talaga. Sa first floor is sala at kusina na walang divider. Sa gitna naman nito ang hagdan papunta sa second floor kung saan nan doon ang Limang kwarto.
“Yang kwarto na nasa gitna ay ang personal room ni Mommy at daddy kung nan dito sila. ” Pag bibigay impormasyon sa amin ni Carlo.
“Ang ganda naman dito Carlo! This is simply amazing! Yung rest house namin sa Batangas di ganito ka ganda.” ang manghang sabi ni tonet.
“TAMA!!” pag sangayon nina Mina at Angela.
“Pang sosyal talaga ang dating” Dagdag pa ni Angela.
“Simula ng mabili ni mommy itong Island. Agad nila itong denivelop ni daddy para pagkaperahan at the same time para may mapag bakasyunan kami.” ang nakangiting wika ni Carlo.
Sinimulan na namin ang 2 nights at 3 days Christmas vacation namin. After naming kumain ng dinner at mag hugas, agad kaming lumabas para mag inuman at simulan ang bonding namin. May mga tama na kami at nag sisimula na ang kulitan at harutan.
“Guys Cheers para sa ating pito! Sana kahit hiwa- hiwalay na tayo sa college patuloy parin ang ating samahan and when time comes na pare-pareho na tayong successful sa mga careers na pinili natin, sana magkita kita ulit tayo at ipag patuloy ang samahan nating ito! Cheers!!” ang may tama nang sabi ni Tonet.
“Cheers!!”
“May suggestion ako! To make this night more exciting mag spin the bottle tayo pero puro truth lang. that way matatanong natin lahat ang gusto nating itanong sa isat isa. Kung sinu ang matapatan ng bottle sya ang nasa hot seat. Tatanungin sya isa-isa. Anu game? Sa lahat ng idea ni Angela ito ang pinaka pangit!
“Even personal questions?” naniniguradong tanong ni Tonet.
“But of course!! Barkada tayo. Dapat walang secret. Maganda ngayon eh para ma open natin sa isat isa ang mga bagay na kinikimkim natin. Anu deal?” lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni Angela. Halatang seryoso ito sa naisip na laro. Ang iba naman naming kasama ay di rin maitatangi ang mag excite.
“Game ako dyan!” sagot agad nina Mina at Tonet.
“Ako rin! Game ako dyan!” si Carlo
Tumingin naman ako kay Red at Rome sila nalang kasing dalawa ang hindi pa nag bibigay ng reaction sa naisip ni Angela. Pareho silang nasa gilid ko. Si Rome sa left side at si Red sa right side.
“Hoy! Kayong tatlo anu game ba kayo?” pangungulit pa ni Carlo.
“Ahh..ehh..” nag aalangan kung sagot pero biglang pinutol ni Red.
“Game kaming tatlo! Umpisahan na yan!” na kina bigla ko akal ko kasi di nya papatulan ang idea ni Angela.Abat!! bakit na damay kami ni Rome sa desisyon nya? Anu kaya nasa isip nitong lokong to.
“HOY ARL!” ang sigaw ni Angela.
“Oh!?” nabigla kung sagot dahil busy ang utak ko. Nararamdaman ko kasi na may masamang binabalak ang mga lokong to.
“Game na daw! Lasing ka naba? Bakit bigla kang natahimik dyan?” Si Angela ulit.
“Ah eh.. Oo parang may tama na nga ako. cge cge game.” Ang wala sa isip kung pag payag.
Pinaikot na nga nila ang lalagyan ng Mineral water. Sa kasamaang palad sa akin pa talaga huminto. Nakita ko silang nag sipag ngisihan sa isat isa. Parang naka planu na talaga ang lahat. Patay ako nito!!Siguro it’s about time na malaman nila ang past ko. Bahala na si batman!
Itutuloy:
Visit me here: http://zildjianstories.blogspot.com/
0 comments:
Post a Comment