DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Chapter 8
Nang maka upo ako at busy pa rin sa pakikipag usap sa mga ka barkada ko agad namang may kumuha ng pansin namin.
“EHEM!!!” napalingon ako sa taong nagpapapansin. Di ko inaasahan ang nakita ko mas gwapo sya kesa sa pictures nya, mas maputi at mas lumaki ang katawan. Yummy! Sabi ko sa aking isip.
“So mag tititigan nalang kayo ganun?” si Mina ang bumasag sa huminto kung utak.
“Uhmm.. Hi Rome.” Ang nasabi ko nalang. Pakshet wala akong maisip na sasabihin sa mokong na to.
“Kanina pa yan naka simangot. Nag tatanong kung nag text kanaba or kung buhay kapa.” Ang sabi ni Red.
Binigyan ko sya nang isang ngiti saka nag salita. “Sorry Rome ah..” may idudugtong pa sana ako pero na unahan ako.
“Ok lang yon ang importante nandito na Supah Ace ko” sabay bitiw ng isang ngiti na kita ang dalawang dimples nya.
Namula naman ako sa sinabi nya. Tumayo sya sa kanyang upuan at binitbit ito sa tabi ko sabay bumulong sa akin nang “I miss you Supah Ace” Di ko alam kung panu eexplain ang aking naramdaman ng marinig ko ang sinabi nya basta may pinag halong kaba at kiliti yon ang sigurado ako.
“Oi!!! May pabulong bulong na sila! Anu nabang level yan Ervin?” ang walang prinong banat ni Angela.
Tumingin naman ako sa paligid at baka may nakarinig kay Angela sa lakas ng pag kakasabi nito talo pa ata ang sound system. Nakita ko naman na nakatingin lahat ng ka batch namin sa amin . Pasimple akong umusog para makaiwas sa intriga.
“Bakit ka umusog? Kinahihiya mo ba ako?” agad na tanong ni Rome ng mapansin nyang umusog ako palayo sa kanya.
“Hindi naman. Naiinitan lang ako dahil sa naparami ako ng ininum kanina sa family gathering.” Ang nakangiti kung sagot sa kanya para di nya mahalata pero dumikit pa rin si mokong sa akin.
Tuloy tuloy ang aming kwentohan at kumustahan. Napag usapan rin namin kung anu ang balak namin ngayong tapos na kami ng college. Habang nakikinig sa kwentohan ng barkada narinig ko naman ang usapan ng dalawang babaeng ka batch namin na katabi lang ng lamesa namin.
“Ang gwagwapo at ang gaganda talaga nila no?” sabi nang isa.
“Mababait pa lalo na yang si Ms. Garcia kinausap namin yan kanina at talaga namang nakipag kwentohan sa amin kahit sa states nag aral ganun pa rin ang ugali.” Komento naman ng isa na ang tinutukoy ay si Tonet.
“Talaga? Okey lang kaya kung lumapit tayo sa kanila para makipag usap? Gusto ko talagang makausap ang Crush ko!.” Tila kinikilig naman na sabi ng isa.
“Nakakahiya naman yon. Nakikita munang busy sila sa pag uusap about sa mga nang yari sa kanila nung college eh.” Pag tutul ng isa.
Napangiti ako sa mga narinig ko. Natutuwa ako na tama ang napili kung barkadahin. Hindi mga mata pobre at marunong makipag kapwa tao ang mga barkada ko. Sobrang proud ako ng marinig ko ang kumento ng dalawang babae na yon sa kanila.
Habang nag kwekwentohan kami pa simple namang humawak si Rome sa kamay ko at itinago ito sa ilalam ng lamesa namin. Natawa ako sa ginawa nya halatang sabik na sabik si loko. Tiningnan ko sya at nakita kung sa akin pala sya nakatingin habang may mga ngiti sa kanyang labi. Napangiti na rin ako sa ginagawa nya. Fast and furious style si mokong ah. halatang nag mamadali. Ang sabi ko sa aking isipan habang nakangiti ng ubod ng tamis sa sobrang kilig.
“Hoy Ace anu? Bakit di ka makasagot? Di ka naman ata nakikinig eh!” ang reklamo ni Tonet.
“Ha!? Ahh… ehh… anu ba kasi ang tanong di ko kasi narinig, ang lakas ng Speaker.” ang palusot kung sagot.
“Hay naku kayong dalawa! Itigil nyo na muna kaya yan. Marami pa kayong oras para dyan noh! Sabi ko what if mag invest muna tayo ng negosyo nating pito? Since wala pa naman tayong ginagawa, so for the meantime mag negosyo lang muna tayo?” si Tonet di pala nakaligtas sa kanya ang tinginan namin ni Rome.
“Anung negosyo naman ang nasaisip mo?” Si Rome naman ang sumagot.
“Mag bebenta kayo nang katawan habang kami ang mga bugaw nyo kainis!.” Ang naaasar na sabi ni Tonet na ikinatawa namin pati ng mga katabing lamesa na nakikinig pala sa usapan namin.
“Hala na inis na tuloy baby ko. Kayo kasi eh.” Ang nag lalambing na sabi ni Carlo sabay hawak sa kamay ni Tonet.
“BABY!?” ang gulat naming nasambit lahat.
“Oo baby, bakit ganyan kayo maka react? 4 yrs na kaya kami nitong baby ko.” Ang sabi ulit ni Carlo habang hinihimas himas ang kamay ni Tonet.
“4 Year??!! At kelan naman ito nang yari? You mean may relasyon na kayo bago pa man tayo nag hiwa-hiwalay?” ang gulat na tanong ni Angela kay Carlo.
“OA ang reaction mo girl walang poise. ako na mag eexplain wala kayong maaasahan sa baby ko na to” sabi ni Antonet
Biglang natahimik kaming anim. Halatang intersado sa malalaman namin.
“At talagang natahimik kayo huh? Mga etchuserong frogletz!” ang tatawa-tawang sabi ni Tonet.
“
Simulan na ang confession! Dami pang pasakalye!” si Mina na natatawa na rin.
“It’s started nung nasa Island tayo. panay na pag paparamdam nitong si mokong sa akin.” Ang pag sisimula ni Tonet
“Yung nahuli namin na sinusubuan ka nitong lokong to?” sabay batok ni Red kay Carlo na tinawanan lang ng huli.
“Yeah. Tapos sinagot ko sya nung mag hihiwa-hiwalay na tayo. Nung farewell party natin sa bahay nila. Nag drama na eh may paiyak iyak nang nalalaman.” Sabay tawa ni Tonet ng nakakaloka.
“Baby naman wag mo naman ikwento lahat. Nakakahiya eh.” Ang malambing na reklamo ni Carlo na ikinatawa naming lahat.
“Teka? Diba nasa states ka? Panu kayo tumagal?” na iintrigang tanong ni Mina.
“Simple! Anu ginagawa ng YM at FB?” malanding sagot ni Tonet.
“Kaya naman pala nabigla itong lokong to ng makita si Ace kasi sa isang profile lang pala nag papantasya. Buti nakaka raos ka tol!” banat agad ni Red.
“Ang baboy mo!” sagot ni Carlo na tinawanan naming lahat.
“Akala ko pa naman Pre torpe ka nung High School tayo na uto mo pala itong si Tonet.” Sabi ni Rome na natatawa pa rin.
“Nag salita ang hindi Torpe. Ikaw nga dyan nag sayang pa ng apat na taon eh!” sabi ni Tonet habang may nakaka lokong ngiti sa labi. Pinili kung hindi mag react at baka ako ang sunod na ma gisa.
Tawanan ang sunod na nang yari. Pinag tritripan nilang apat si Carlo. Nakikita ko naman sa mata ni Mina na masaya sya para sa aming dalawang kabarkada. Siguro sa loob ng apat na taon nakapag move on at nakapag let go na rin si Mina kay Carlo.
“So anu ang about sa business na sinasabi mo kanina Tonet?” ang pag babalik ko sa usapan namin kanina. Intersado kasi ako sa business na gagawin namin.
“Yung pisan ko kasi may bar sila sa downtown Area na isasara nya because shes going to London for good. At balak nyang paupahan ang bar. So naisip ko what if tayo tayo nalang ang mag take over ng bar na yon. kesa naman iba ang makakakuha diba?” pag explain ni Tonet.
“Uhmm maganda nga yan.” Sabi ko naman.
“Let’s check the place tomorrow or kung di kayo pwedi the day after tomorrow para makita natin. So game kayo?”
“
Game ako dyan para naman may ma pag-kaabalahan tayo while wala pa tayong mahanap na trabaho.” Sabat ni Mina.
“Tama si Mina may ipon naman ako. mag kanu ba ang ambagan?” si Red na sumangayon sa idea ni sinabi ni Mina.
“Tingnan muna natin ang place. Baka kasi may babaguhin tayo saka na natin problemahin ang ambagan. So kelan kayo available?” Tanong ni Tonet.
“The day after tomorrow nalang Tonet. We have a lot to catch up pa bukas nitong Supah Ace ko im planning to bring him sa bahay para ipakilala kay Mommy.” Sagot naman ni Rome.
“Ayyyyy!!! Meeting the future byenan na si Ace ibang level na talaga yan!” epal nanamang komento ni Angela.
“Tumigil ka! Lokaret ka talaga may makarinig sayo eh!.” Ang natatawa kung pag saway sa kanya.
Marami pang magagandang nang yari habang lumalalim ang gabi. Marami pa kaming napag usapang mag kakabarkada. Napag alaman din namin na may nanliligaw na ulit kay Mina at malapit na daw nya itong ipakilala sa amin. Si Angela naman single and available pa rin dahil siguro sa bunganga nito kaya natatakot ang mga lalake na umakyat ng ligaw. Bandang 3am kami nag decide umuwi. Si Mina at Angela ay sumabay kay Tonet at Carlo. Si Red naman ay mag isa sa kanyang Motor. Hinatid muna ako ni Rome sa aking sasakyan at nag bilin na bukas ay pupuntahan nya ako para daw makabawi sa mga taon na di kami nag kita. Sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko ang pamangkin ko dahil may ibibigay ako. Sinabi naman nya na gusto nyang sumama para makilala naman daw nya ang pamangkin ko.
Bago ako umalis humalik muna si Rome sa aking pisngi sabay sabing “I’ll see you tomorrow at 8am. Make sure na gising kana pag dating ko ah. bye” tango at ngiti lang ang sinagot ko at pinaandar na ang sasakyan.
***********************
Nagising ako dahil sa ginising ako ni Manag leth. Sinabi nitong may taong nag hihintay sa akin sa baba at kausap na nina Mama at Papa. Bigla kung na alala ang usapan namin ni Rome. Napatingin ako sa relo ko at napa balikwas ako ng higa dahil 10am na pala. Oh shet! Patay ako!!
Agad akong nag punta ng banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Pababa palang ako ng hagdanan naririnig ko na ang tawanan nina Rome at Papa ko sa baba.
“Good morning dad, Rome” ang bati ko sa kanilang dalawa.
“Good morning Supah Ace” ang nakangiting sagot ni Rome
“Good morning nak. Di mo naman sinabi sa amin ng Mommy mo na nakabalik na pala itong si Rome.”
“Tulog na kasi kayo kanina nang dumating ako. kahapon ko rin lang nalaman na umuwi na pala sya.” Sagot ko naman sabay upo sa sofa. Nanunuod pala ng basketball ang dalawa.
“Si Mommy nga pala asan dad?”
“Nasa kusina nag bake ng cake para sa dadalhin nyo sa bahay nila Rome. Nakakahiya naman sa Mommy nya kung pupunta ka don na walang dala.
Tumingin ako kay Rome. Nakangiti ito sa akin.
“Kanina ka pa ba?” tanong ko sa kanya.
“kaninag 8 pa yan nandito pero ayaw ka nya ipagising.” Si Papa ang sumagot.
“Sorry.” At napakamot ako sa aking ulo.
“Ok lang yon. Nag enjoy naman akong kausap Mommy at Daddy mo.” Ang ngangiti nyang sabi sa akin.
Nyay! Kinilig naman ako kay mokong. Nag papalakas sa parents ko. Sabi ko sa isip ko habang nakangiti.
“Oh bakit ka nangingiti dyan? Tanong ni Daddy sa akin.
“Huh? Hindi naman ah.” pag dedeny ko. Nakita ko si Rome na napahagikhik.
“Dad kailangan ko muna pumunta sa bahay nila Ate Claire dadalhin ko ang promise ko kay Ram.” Paiwas kung pag babago ng topic.
“Oh sige. Umuwi kayo dito before lunch para sabay sabay tayo.” Sabi ni Papa.
“Opo. Maya na ako maliligo pag kabalik namin. Di naman kami mag tatagal doon.” At tumayo para sana kunin ang susi ng kotche ko at ang action figure sa kwarto pero biglang nag salita si Rome.
“San ka pupunta? Kala ko ba aalis na tayo?”
“Kunin ko lang susi at yung action figure na ibibigay ko kay Ram” sagot ko naman sa kanya.
“Wag kanang mag dala ng kotche. Sa akin ka nalang sumakay yung action figure nalang ang kunin mo.” Tango lang ang sinagot ko sa kanya. Yummy talaga ni loko! Pogi!
Nasa daan na kami papunta sa bahay nina Ate Claire. Tahimik lang kaming pareho. Iniisip ko kasi kung anu ang mang yayari mamaya pag nakaharap ko na ang Mommy ni Rome. First time ko kasi itong makakausap at makikita. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tanungin si Rome.
“Rome di ba nakakahiya sa Mommy mo kung isasama mo ako sa inyo?” ang nag aalala kung tanong sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay ko at ginap ito bago sumagot. “Bakit naman nakakahiya? Makikilala na nya ang future manugang nya.” At ngumisi sa akin.
Inagaw ko ang kamay kung hawak nya at binatukan ko sya sabay sabing “Ulol! Sumeryoso ka nga. Bakit ba kasi kailangan mo pa akung isama doon?”
“Kailangan kasi para makilala mo na sya. Uuwi ng maaga si Mommy mamaya she’s excited to finaly meet you.”
Mas lalo naman akong kinabahan sa sinabi nya.
“B-bakit? Anu ba sinabi mo sa Mommy mo?”
“Wala naman. Sabi ko lang kailangan nyang umuwi ng maaga if she wants to meet my special someone.” Ang nakangiti nyang sagot sa akin.
“Alam ba nang mommy mo na ang special someone na sinasabi mo eh lalaki rin? Baka mag wala yon.” halata sa boses ko ang kaba.
“Trust me. she will understand once she meet you. Kaya wag kana kabahan dyan okey?”
“Rome don’t you think medyo mabilis ata ang mga pangyayari? Four years tayong di nag kita tapos agad agad mo naman akong dadalhin sa inyo para ipakilala sa Mommy mo. Postpone lang muna kaya natin ang dinner sa inyo?” sabi ko na pinipilit ipaintindi sa kanya ang sitwasyon namin.
“No.” ang may awturidad na sagot nito.
“Huh?”
“I said No. matagal ko nang hinihintay ang oras na ito Ace. I’ve waited long enough.” may diin nyang sabi.
Di na ako sumagot pa. siguradong sigurado na sya sa gagawin nya kaya alam kung di ko na mababago yon. Dumating kami sa bahay nina Ate Claire saktong alas 10 ng umaga. Agad naman kaming pinag buksan ng katulong nila.
“Ace, ang aga mo atang nagising himala.” Banat ni Ate Claire sa akin.
“Heh! Pasalamat ka nga at nagising pa ako eh. San ang paborito kung pamangkin?” sagot ko naman sa kanya
“Nasa banyo naliligo. Kanina kapa hinihintay nun.” At napatingin sya sa katabi ko.
“And who is this handsome man?” si ate Claire ulit.
“Ah Ate Claire this is Rome Ruales best friend ko nung high school.” Ang pag papakilala ko kay Rome.
Agad namang ilinahad ni Rome ang kamay nya para makipag shake hands na inabot naman ni ate Claire.
“Good morning po.” ang magalang na sabi nya.
“Hmmm.. ang aga nyo namang mag kasama ng BEST FRIEND mo.” Ang nakangising sabi ni Ate.
Nahiya naman ako sa malisyosa kung pinsan. Sabagay sya lang naman ang nakakaalam ng tunay kung pagkatao. Sya kasi ang naging takbuhan ko nung mag ka problema ako nung high school. Sya rin ang pinaka close sa akin sa lahat ng pinsan ko.
“Ah kasi anu.. may pupuntahan kami kaya maaga syang pumunta sa bahay.” Ang nag aalangang paliwanag ko.
“Defensive Much insan? At saan naman kayo pupunta?” don na sya kay Rome nakatingin na parang si Rome ang gusto nyang sumagot.
Napakamot ng ulo muna si mokong bago sumagot.
“Im inviting him mag dinner sa bahay namin.” ang nakangiting sagot ni Rome.
“Oh Dinner. Dyan nag sisimula ang lahat.” sabay kindat sa akin.
“Hindi ah! simpleng Dinner lang sa bahay nila!” ang pag tutol ko sa kalokohan nya.
“Defensive Much?.” At tumawa ito ng nakaka loka. Nakitawa na rin si Rome sa kanya.
“Anyway, Rome right? Ingatan mo pinsan ko kung hindi ako makakalaban mo. I will assume na alam mo na lahat sa kanya since na mag BEST FRIEND kayo.
“Don’t worry po Ate ako bahala sa kanya.” Sabay akbay nito sa akin.
“Manang ipag handa mu nga kami ng snacks.”
“Uncle Ace!!!” ang pasigaw na sabi ni Ram sabay takbo papalapit sa amin. Agad ko namang tinago sa likod ko ang action figure na promise ko sa kanya.
Napangiti ako dahil hubot hubad pa ito. Ang cute cute tingnan tuloy.
“Hep! Mag bihis ka muna bago mo kausapin Uncle Ace mo di kaba nahihiya sa kasama nya?” sita agad ng Mommy nito.
Bigla namang nag tago sa likod nya si Ram nahiya siguro ng mapansing may kasama ako. Natawa si Rome sa reaction ng bata.
“Go Baby Ram dress your self first before I give you your present.” Ang nakangiti kung sabi sa kanya at tumakbo sya pabalik sa yaya nya.
“Pasensya kana sa anak ko makulit talaga yon lalo na pag nakikita ang Uncle Ace nya. Pareho kasing adik sa superman kaya sila ang mag kasundo.”
“Anak mo yon? ang cute naman! Ang bibong tingnan.” Ang amazed na sabi ni Rome. Mahilig din pala sa bata tong lokong to.
“Yeah he’s my son. Syempre cute yan mana sa ama eh.” Pag yayabang ni ate Claire.
“Asan ang Daddy nya?” tanong ni Rome.
“Seaman ang asawa ko minsan lang kung umuwi” simpleng sagot ni ate Claire.
Nakabihis na ng muling bumaba si Ram. Agad itong tumakbo at hamalik sa akin.
“Good morning Uncle Ace. Where’s my present?” hanap nya agad sa action figure nya.
“Ask this man he has your present” at patago kung binigay kay Rome ang action figure na hawak ko para makapag simula sila ng usapan ng bata.
Natahimik si Ram habang tinitingnan ang mukha ni Rome halatang nahihiya. Si Rome na ang unang nag salita.
“Hi handsome I’m Rome and whats your name?” sabay ngiti
“Ram, my name is Ramuel Anthony” ang nahihiya pa ring sabi nito.
“Nice name. Before I give you your present can you tell me more about you?”
“I’m a fan of superman just like Uncle Ace. I also love to watch cartoons”
“Oh cartoons! I also love to watch cartoons when I was your age. What kind of cartoons do you watch?” parang bata rin nyang pakikipag usap dito.
“Blue’s Clues and Tom and Jerry”
“Wow! Ang galing namang sumagot at ang cute talaga!” sabay pisil sa pisngi ni Ram na may panggigil.
“Can we be friends?” ang nakangiti paring sabi ni Rome nag eenjoy sa bata si loko. Tango lang ang sinagot ng bata.
“Great! Then can you give me the same kiss you did to your uncle Ace?” Agad namang humalik ang bata sa kanyang pisngi. Nag kangitian nalang kami ni Ate Claire dahil sa mabilis na nakuha ni Rome ang loob ng bata.
“Wow sarap naman. Here’s your action figure and next time I will also buy one for you.”
“Talaga Uncle Rome? Yehey!!”
“Ayan dalawa na kayong ine-spoiled itong anak ko.” Tinawanan lang namin ni Rome ang sinabi ni Ate Claire.
“Ah Ate kailangan na naming umalis. Gusto kasi ni Dad na don kami sa bahay mag lulunch.”
“Ay ang bilis naman. Babalik kayo ha” si ate Claire.
“Syempre naman. Bye Baby Ram alis na sina Uncle.”
“Bye bye Uncle Ace and Unle Rome. Thank you for the present” at humalik ulit ito sa aming dalawa.
Bumalik na kami ng bahay ni Rome para don mag lunch. Marami kaming napag usapan nung mag lunch kami. Puro tanong si Papa kay Rome about sa pag aaral nito sa Cebu at sa kurso nito. Architechture pala ang kursong kinuha ni Rome. Impress na impress naman sa kanya si Papa.
Umuwi muna si Rome after naming mag lunch dahil inutusan daw sya ng Mommy nya na mag grocery para mamayang gabi. Ako naman ay nahiga muna para mag pahinga ng hindi ako magmukhang zombie mamaya sa bahay nila.
6.30pm dumating si Rome sa bahay at agad naman akong pumasok ng banyo para maligo. Natapos akong maligo pero hindi ko alam kung anu isusuot ko. Ewan ko ba, siguro dahil kinakabahan ako at gusto ko hind imaging mukhang ewan sa harap ng Mommy ni Rome.
Siguro naramdaman ni Mama na nahihirapan akong mag hanap ng damit. Kaya sumunod sya sa kwarto ko.
“Nak ang tagal mo naman. Nakakahiya kay Rome.” Bungad agad ni Mama sa akin pag pasok sa kwarto ko.
“Di ko kasi alam ang isusuot ko Mom.” Helpless kung pag amin sa kanya.
“Naku ang anak ko kinakabahan sa napipintong pag kikita nila ng byenan nya.” Ang tatawa-tawang pang aasar ni Mama.
“Mom naman. Pati ba naman ikaw.”
“Eh yon ang sabi ni Rome sa amin ng Dad mo eh. Papakilala kana daw nya sa Mommy nya.”
“What do you mean?” ang nag tataka kung tanong di ko kasi makuha ang ibig sabihin ni Mama.
“He already told us about his plan. Nag paalam na rin sya sa amin kanina kung pwedi daw ba syang manligaw sayo.” Nabigla ako sa sinabi ni Mama. What the! Nasabi ni Rome sa kanila yon?
“Manligaw? What the? A-Anung sabi ni Daddy?” kinakabahan kung tanong.
“Well, wala naman syang choice kung hindi hayaan kang sumaya. Mahal na mahal ka namin and we want you to be happy. Sino ba naman kami para pigilan kayo.” Si Mama
“Teka lang Mom. Wala pa akong balak na patulan ang kagaguhan ni Rome. We just meet yesterday after four years naming hindi magkita. Tapos ganito agad? Ang bilis naman ata! Ni hindi ko pa nga alam kung sya pa rin ba si Rome na best friend ko four years ago eh.”
“Rome reminds me a lot of your Dad. Ganun sya ka bilis man ligaw sa akin dati. Yung tipong wala kanang choice kung hindi ang sagutin sya kasi inunahan kana.” Ang nakangiti nyang pag babalik tanaw nung panahon ng ligawan nila ni Daddy.
“I don’t want to have any regrets at the end Mom. Gusto ko munang kilalanin ng mabuti ang bagong Rome na kaharap natin ayaw kung umabot sa point na masasaktan lang ako o mag kakasakitan lang kami. Its not easy to be in a relationship specially sa ganitong relasyon magulo ito. And what about lola and lolo? Baka ako pa ang maging dahilan ng maaga nilang pagkawala.” Seryoso kung pag eexplain sa aking ina.
“Im so proud of you son. Matured kanang mag isip. Hindi na ikaw ang dating Ace na kailangan ko pang bantayan. Do what you think is good for you basta if you need us dito lang kami ng daddy mo.” At yumakap sya sa akin.
“Ang drama natin.” Ang natatawa kung pag putol sa aming dramahan.
“Tulungan mo ako sa isusuot ko Mommy.”
Tinulungan nga ako ni Mama kung anu ang dapat kung isuot para maging presentable ako sa Mommy ni Rome. Pag kababa ko nakita ko rin na masinsinang nag uusap si Rome at ang Daddy ko.
“Rome im ready.” At bigla syang tumingin sa akin at ngumiti.
“Ang tagal mo namang mag bihis para kang babae.”
Tingnan ko muna si Daddy kung anu ang naging reaction nito sa sinabi ni Rome. Ngumiti ito sa akin at nag salita
“Ang gwapo naman ng only daughter ko.”
Natawa ako sa sinabi ni Papa. “Dad naman! Ok na sana ang gwapo dinagdagan mo pa.” Nag tawanan lang silang tatlo.
“Tara na? tumawag na si Mommy handa na raw ang Dinner natin at may surpresa din daw sya sa akin.” Si Rome.
At Umalis na nga kami ni Rome papunta sa bahay nila. Di ko pa rin matanggal ang kaba ko sa magiging reaction ng Mommy ni Rome pag nakita nito na hindi pala babae ang special someone ng anak nya. Pinag papawisan ako ng malamig kahit naka on ang Air con ng kotche ni Rome. Mga ilang minuto pa at pumarada kami sa isang bahay na may naka park na itim na kotche sa labas.
“May bisita ata si Mommy.” ang sabi ni Rome sabay patay ng makina ng kotche nya.
Mas lalo namang lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil ito na pala ang bahay nila Rome. Mukang wala nang urungan to. Bahala na! ang sabi ko nalang sa aking sarili.
Agad na nag door bell Si Rome sa gate nila at di nag tagal ay lumabas ang isang babaeng nasa early 50’s ata ang edad. Maganda ito sa suot na floral dress nito. Maputi at sexy rin ito. Halatang inaalagaan ang figure.
“Iho! Buti at nan dito kana.” Ang nakangiti nitong pag bati kay Rome.
“Mommy this is Ace yung sinasabi ko sayong special someone ko.” ang walang pag aalilangang pag papakilala ni Rome sa akin.
Nawala ang ngiti sa mga labi nito nang marinig nya ang sinabi ni Rome. Agad ako nitong tiningnan mula ulo hanggang paa tapos hinila papalayo si Rome at nag usap sila ng masinsinan kita ko ang galit sa Mommy ni Rome habang nag uusap sila. Nakita ko naman ang disappointment sa mukha ni Rome habang pabalik na sya sa kinatatayuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kabang nararamdaman parang gusto ko nalang mag laho sa lugar na iyon.
Pag kalapit sa akin ni Rome. Agad akong nag salita sa kanya ng pabulong “Rome I guess this is not the right time para mag kakilala kami ng Mommy mo uuwi na ako.” at tatalikod na sana ako para umalis pero biglang hinawakan ni Rome ang aking braso at sinabing. “No. tuloy ang dinner natin. Tara na sa loob.”
Itutuloy:
0 comments:
Post a Comment