Friday, September 24, 2010

Soulmate... Checkmate! Part 6

Ilang days na ding hindi nagpaparamdam si Joerick. Oo, nami-miss ko na siya. Nami-miss ko yung pagiging sweet niya, lahat na-miss kong bigla. Pero para saan pa ba yung nararamdaman ko sa kanya? Dahil kaya sa talagang mahal ko pa rin siya sa kabila nang lahat ng mga nangyari sa pagitan namin o dahil sa masaya lang ako na muli siyang bumalik?

Matapos ang drama session namin ni Raki, heto at balik na sa normal ang lahat. ‘Exclusively Dating’ ang status namin ngayon dahil sa gusto naming kilalanin pang mabuti ang isa’t isa. Sinusundo pa din niya ako sa school, hinahatid sa dorm, magkasama sa mga lakad at kung anu-ano pa. Habang tumatagal lalo kong nararamdaman yung feeling na handa ko nang i-commit ang sarili ko sa isang relationship. Na handa ako sa anumang pwedeng bumangga sa relasyon naming.

Papunta na ako sa locker nun nang may makita akong mga lavender sa floor. Inisip ko na may nakaiwan lang dun. Habang papalapit nang papalapit sa locker, dumadami yung mga bulaklak. Nagtataka na ako. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, sumilip na parang isang agent. Wala naming ni anumang kaluskos at wala ding katao-tao. Pumasok ako pero ang mga mata ko ay kung saan-saan dumadako.

I’ve seen this in movies before. I am sensing danger. Ano bang meron dito? Chills came down on my skin. Tama, nag-goosebumps ako. Napaka-creepy despite the flowers. Napalingon ako sa locker ko nang may nakadikit na note.

539, 326437 47 8379 6327! 8253 6663 2273 63 96877353!

Kinuha ko ito at agad dinecipher. Lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ko nang malaman ang message. Naalala kong bigla yung last note na nareceive ko, pinag-iingat ako nang kung sino mang sender nitong mga to. At kagaya nun, warning message din ang laman nito ngayon. Napabalikwas ako sa takot. Dali-dali akong tumalikod nang mabunggo ako.

“Ouch!” Tiningnan ko ang nakabangga ko.

“Lex, ikaw pala yan? Teka bakit ganyan itsura mo? You seemed afraid?” Bigla ko siyang niyakap. “What happened? Bakit ka nanginginig? May sakit ka ba?” Sabay salat sa noo ko kung mainit.

“No, I’m okay. Thanks for the concern, Joerick.”

“You’re always welcome Lex.” Sabay flash nang same old smile. The smile that made me fall for him.

“Busy ka ba?” Tanong ko.

“Ako? Nope. Why?”

“Hindi kasi kita mahagilap these past few days and your phone’s not on the line din. Anong nangyari sayo?”

“Ah yun ba, may mga important matters lang akong inasikaso. Remember yung prinomise ko sayo before?”

---

Nasa may park kami nun at nakasakay sa swing. Medyo madilim ang kalangitan dahil sa may bagyong paparating pero heto kami nag-eenjoy. Hinihintay ang pagbagsak nang ulan.

“Lex, see the clouds?” Sabay turo sa itaas. Tiningnan ko iyon.

“In any moment, babagsak na ang ulan. At pag bumagsak yun, mababasa tayo. Pero I don’t care as long as you’re here with me.”

“Alam mo Joerick, ako din. I don’t mind getting wet under the rain kasi masaya ako eh. Here you are, here I am we can make the most out of it.” Napangiti ako.

Tumayo siya. Humarap sa akin at lumuhod.

“Lex, before the first drop of the rain fall, gusto kong malaman mo how much I love you and how much I wanted to be with you always. You’re my first and my last. There will be no other man na papalit sayo. You’ll always be here in my heart.”

May kung anong dinudukot siya sa bulsa niya. Nagulat ako na isang balisong yung kinuha niya. Anong iniisip niya. Itinaas niya ang suot niyang shirt at biglang hiniwa ang dibdib niya.

“Joerick, anong ginawa mo?” Natataranta kong sabi habang di malaman kung paano ko mapipigil ang pagdudugo nto.

“Shhh, Lex, stay calm. Listen. I am not thinking na magpakamatay. This is my pact for you. When this wound heals, mag-iiwan ito nang peklat at yung scar na iyon ang magpapaalala sa akin na minsan naging akin ka. As long as meron tong scar na to sa dibdib ko asahan mong ikaw pa rin nag-mamay-ari nito. And I know for sure na magkakahiwalay tayo for some reasons na hindi natin inaasahan pero pag nagkita tayong muli, muli kitang ibabalik sa akin at hindi na kita papakawalan.”

Kasabay nun ang pagbagsak ng patak nang ulan sa mismong sugat niya sa dibdib. Hinugasan nito ang sugat. Niyakap ko siya nang mahigpit at nangako ding maghihintay ako.

---

Biglang balik nang isip ko nang makita kong inoopen niya yung polo niya. Ipinakita nun sa akin ang scar na gawa nung mga panahong kami pa at ibinalik nito ang mga alaala nang kahapon.

“Di ba sabi ko sayo, hangga’t andidito itong peklat na to you’re still in here.”

Napaluha ako. Hindi ko ine-expect that a love that was lost long ago eh muling nagbabalik.

“Can I take you back? Can ‘we’ be again?”

Sunud-sunod niyang tanong pero tanging mga luha lang ang naisagot ko.

“Shhhhh, don’t cry. Sinasaktan mo ako niyan Lex eh. See I brought you these.” Sabay turo sa floor.

Sa kanya pala galing yung mga lavenders.

“Hindi mo na ba sila gusto?”

Bigla kong naalala na paborito ko ang lavender lalo na nung kasagsagan nang relationship namin. Kung ganun, naaalala pa pala niya ang lahat. Napangiti ako. Tumingin ako sa kanya at muli kong namasdan ang tamis nang pagkakangiti niya. Yakap lang ang nagawa ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

“Salamat Joerick. Salamat.”

-----------------

“Hoy baklaaaaaaaaaaaaa!” Sigaw ni Irene.

Tumingin ako sa kanya nang pagkatalim-talim.

“Wow, tiger look, r-a-w-r! Love it!” Sabay bida nang kapita-pitagang tawa niya pero dinedma ko siya.

“Aba at no pansin ang bruha. Hoy Lexter!”

“Kainis ka pota. Ang lapit lang natin tapos kung makasigaw ka kala mo nasa kabilang bundok ka to the height na bakla pa ang endearment mo. Napaka-sweet mo talaga.” Sabay ngiting sarcastic.

“Eto naman parang di ka na nasanay sa akin. Ano pa at naging bestfriends tayo. Kalerkey ito.”

“Ewan ko sayo. Bwisit ka, ilibre mo ako ngayon din para mawala ang inis ko.”

“Sabi ko na nga ba. Ganun ka pa din dakilang pampam.”

Wala din siyang nagawa nang hablutin ko siya papuntang canteen.

“Hoy Lex!” Sabay snap. “Nawawala ka na naman sa sarili mo. May problema ba?”

Tumingin ako sa kanya. *Sigh

“Di ka mag-oopen up?”

*Sigh

“Wala talaga?”

*Sigh

“Magsalita kang hayop ka!”

Naglabas siya bigla nang rosary at bible.

“Kung sino mang demonyo ka na sumapi sa katawan nang bestfriend ko lumayas ka ngayon din!”

Natawa ako sa ginagawa niya. Umusal ba naman bigla nang isang dasal at nagbasa nang verses sa bible. Nakakagulat. Isinara niya ang bible at itinago ito sa bag kasama nang rosary.

“Sa wakas, bumalik ka na. Effective talaga ang prayers.” At tumawa.

“Anong nangyari sayo at for the first time nakita kitang may hawak na bible at rosary? Geez, hindi kaya sayo lumipat yung demonyo?” Kinuha ko ang kamay niya at tiningnan. “Wala ding marka nang sunog tong kamay mo after mong makahawak nun.”

“Tse! Nagbago na ako mula nang makilala ko si papa. Shit, kinikilig tumbong ko.”

“Hala, nag-water water ka na namang babae ka. Hala, kumuha ka nang timba nang hindi masayang yang tubig parang gripo oh.”

“Gaga! Tumigil ka nga diyan. Wait a minute, wag mong ibahin ang usapan. Ikaw ang nasa ‘hot seat’ at ako ang host.” At parang engot na biglang ginaya si Kris Aquino.

Natawa na naman ako.

“Mamaya na yan. Bili na muna tayo at nagugutom na ako.” Irap ang natanggap ko mula sa kanya.

Hindi talaga ako tinantanan nang hitad dahil after naming makabili eh agad na siyang nag-usisa. Hindi ko napigilang maging seryoso ulit.

“Nagkita kami ni Joerick.”

“After a long week bigla siyang nagpakita? Haba, I smell something. Tell me more.”

“Nagkita kami sa locker room kahapon. Nagkausap kami.”

“Teka, I think he wants you back? Tama ba?”

Tumango lang ako.

“At kaya ka rin nagkakaganyan dahil may isang bagay kang hindi mapagdesisyunan?”

Tango ulit.

“Si Raki ba ito?”

Tango ulit.

“Malandi ka. Ako ba ang mag-story tell o ikaw?”

“Yung scar andun pa.”

“Huh? Ano namang epek nang peklat? Ako din meron niyan.”

“Gaga, hindi simpleng peklat yun.”

“Eh ano nga, ikwento mo na dali bago maubos tong merienda.”

“Kasi nga nung kami pa may ginawa kaming pangako sa isa’t isa. Remember si bagyong Dodong?”

“Oo, dahil sa bagyong yan muntik na akong malunod. Oh tuloy.”

“Nasa park kami nun, hinihintay na umulan.”

“Huwow, mumo-moment under the rain.”

“Punyeta ka, ikaw na lang kaya mag-kwento. Puro ka interruptions.”

“Eto naman, pinapagaan ko lang yung mood kasi feeling ko mas malalim pa sa deepest trench yan nang mundo.”

“Ewan ko sayo.”

“Sige na, babawiin ko yang merienda mo.”

“Oo na, making ka lang kasi.”

Tumahimik din ang bakla.

“Yun nga, nakaupo ako sa swing nang bigla siyang tumayo at lumuhod sa harap ko.”

Bago pa siya maka-comment ulit, dahil nakita kong nagreact siya, tinakpan ko agad ang bibig niya at tumingin sa kanya. Tumango na lang siya. Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya at nagpatuloy.

“Dumukot siya sa bulsa at naglabas nang army knife tapos bigla niyang hiniwa yung dibdib niya pero maliit lang. Sabi niya na alam daw niyang magkakahiwalay kami pero sa ginawa daw niyang iyon, maaalala niya ako at hanggang andun yung peklat na yun ako pa din daw ang nasa puso niya. Nangako din ako sa kanya na maghihintay ako. Then kahapon nga muli kong nakita yung peklat na iyon.”

“Pwede na mag-react?” Hindi ako sumagot kaya tinuloy niya.

“Ibig sabihin nun na sa hinaba haba nang panahong nagkahiwalay kayo ikaw pa din ang taong mahal niya?”

*Sigh

“Alam mo Lex, hindi naman sa pang-aano nuh. Hindi ko kasi makuha yung logic bakit kailangan pa niyang ipakita sayo ulit yung peklat. Kasi sabi mo di ba maliit lang yung sugat-slash-peklat, pwedeng niloloko ka lang niya. Kasi kung sa mukha niya ginawa yun or somewhere na visible at malaki malamang pinatanggal niya na yun. Gets mo?”

Hindi ako naka-imik. May point si Irene dun pero paano kung totoo naman ang sinasabi ni Joerick? Mas lalo akong naguluhan.

Sa buong araw nang klase ko, walang pumasok sa kukote ko sa mga lectures nang mga prof namin. Masyado akong pre-occupied sa sinabi ni Irene. Bothered din ako sa kung anong pwedeng mangyari samin ni Raki. Sumakit tuloy ulo ko sa kakaisip.

Wala sa sariling lumabas ako nang room after nang last class naming nang hapon nay un. Sumabay sa akin si Irene. Nagkuwento siya nang ilang bagay tungkol sa kanila nang bf niya pero wala akong interest dun. Nagpaalam din sa akin agad si Irene dahil sinundo siya nang bf niya. In all fairness, jackpot ang isang to. Swerte naman niya.

Huminto ako saglit sa may gate. Parang may hinihintay ako or nag-aabang lang nab aka may susundo sa akin. Pero maaga pa. May klase pa si Raki nang mga oras na iyon kaya wala akong magawa kungd hindi bumalik sa loob nang school. Lutang ako nun at namalayan ko na lang ang sariling nasa may tambayan naming mga players. Tagal ko na ding hindi nakakapaglaro nito.

Since may mga members din naman na andun napag-pasyahan kong makipaglaro sa kanila. Game naman silang lahat na makalaban ako. Masasabi kong ilan sa kanila ay may potential na makasama namin sa susunod na selection at may iba namang willing ma-train. Nag-enjoy ako sa bawat matches. Hindi ko namalayan ang oras at uwian na pala nila Raki.

Muli kong tinahak ang daan pabalik nang gate. Gaya nang inaasahan. Andun na siya naghihintay. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang guilt. Kahit hindi pa kami ni Raki feeling ko nagiging unfaithful na agad ako sa kanya dahil sa pag-eentertain ko kay Joerick.

“Hi Lex!” Ngiti.

“Hi Raki!” Ngiti din.

Iba talaga ang araw na ito. Biglang nag-iba mood ko nung makita ko ulit siya. Sumaya ulit ang pakiramdam ko. Dumaan muna kami sa mini-stop sa may EspaƱa. Nag-moment saglit at lumabas din. Para kaming mga bata habang kumakain nang ice cream. Mahal ko talaga si Raki, aware ako dun, kaya nga lang naguguluhan ako bakit parang may nararamdaman pa din ako kay Joerick. Hinayaan ko na muna ang sarili kong sumaya.

---

74627224 56 72 496 539 47264 826 6852 72 62527226 264 6242222545 28 6264484856.

Yan ang bumungad sa akin pagkapasok ko nang classroom. Maaga akong nakapasok dahil may tatapusin pa kami ni Irene.

Bakit sunud-sunod na ang mga warnings na natatanggap ko? May mangyayari ba?

1 comments:

Anonymous said...

san na po yung next chapter nito? Thanks.
-icy-

-