bakit siya masaya? anong nangyayari? sino si lai? sino si mica? ang gulo!
yan ang mga katanungan ko habang kami ay naglalakad palayo sa puntod ni lai. magkahawak pa din ang aming mga kamay. ayaw naman niyang bitawan kahit medyo namamasa na ang mga palad ko. gusto ko siyang kumprontahin pero ano ang sasabihin ko? itatanong ko ba kung sino si lai at mica? bakit kailangan pa niyang magpaalam dito? grrrr, nalilito man ay tuloy pa din ang paa ko sa kalalakad.
bigla kaming huminto sa di kalayuan sa sasakyan niya. nagtataka ako kung bakit at kung anong meron. binitawan niya sa wakas ang kamay ko at humiyaw siya nang sobrang lakas. gulat na gulat ako sa inasta niya. humarap siya sa akin matapos niyang gawin iyon. bakas na bakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan. ako naman kabado. hindi ko alam kung anong pakulo na naman ni raki ito. nase-sense ko na may gagawin na naman ito na ikagugulat ko.
unti-unti siyang lumalapit sa akin, para naman akong timang na napaatras. hindi ko kasi mahulaan ang gagawin niya. para kaming ewan sa mga oras na iyon. natatawa na ako sa mga ginagawi niya hanggang sa hindi ko na napigilan siyang usisain.
"hoy raki, anong meron at nagkakaganyan ka?"
"alam mo ba lex yung feeling na for a very long time mong pinangarap na mapasayo eh finally naibigay na. hindi ko ma-contain ang happiness ko."
"huh? hindi kita maintindihan raki. every time ba na nalulungkot ka eh dito sa memorial ang gawi mo then masaya ka na after? hindi kaya may sayad ka na? o kaya naman may drugs dito at tinatago mo lang?" natawa siya sa sinabi ko.
"kahit kailan ka talaga lex. pero alam mo, masaya ako ngayon kasi finally malaya na ako."
malaya? saan? bigla naman akong sinaniban nang kalungkutan. natahimik ako sa huli niyang sinabi. pero paano siya naging malaya?
"hoy lex, okay ka lang ba? kanina ka pa tahimik diyan ah."
"okay lang ako raki. pagod lang siguro ako."
"o sige tara uwi na tayo." at tumuloy na kami sa kotse niya.
pagkapasok ay nakaramdam ako nang pagkahapo. isinandal ko ang ulo sa upuan at presto nakatulog ako. wala na akong alam sa nangyari. pagkagising ko ay nasa isang kuwarto na ako.
muli ko na namang nakita ang kuwartong ito. malamang sa oo, inuwi na naman niya ako. hinanap ko siya nang tingin pero wala. bumangon ako para hanapin siya. nagbabakasakali na nasa paligid lang siya. di ko maiwasang humanga dahil kalalaki niyang tao, organized ang mga gamit niya. lumapit ako sa may study table niya at bumulaga sa akin ang isang larawan na yumanig sa pagkatao ko. hinawakan ko ito nang maigi siya namang panggulat ni raki. nabitawan ko ang frame at nabasag ito.
"sorry, hindi ko sinasadya na galawin." sabay yuko at pulot nang mga basag na piraso nang frame. dahil sa hiya, nasugatan ang daliri ko. dali-dali siyang lumapit.
"hindi mo na dapat pa pinulot ang bagay na basag na. masusugatan ka lang pag pinilit mo lang na kunin sila." ina-applyan niya nang first aid ang daliri ko.
napansin niyang titig ako sa kanya. may gusto akong itanong pero naunahan ako nang hiya at takot. marahil napansin niya iyon.
"bakit ganyan ka makatitig? may dumi ba ako sa mukha?" sabi niyang nakangiti ngunit iling lang ang sagot ko.
"ah, alam ko na." huminto muna siya saglit at bumuntong hininga. "tungkol ito sa nakita mo hindi ba?" tahimik pa din ako. tumayo siya at kinuha ang picture. "siya si lai, ang ka... ka... kambal ko." nauutal siya dahil di niya naiwasang humulagpos ang damdaming kinikimkim. lumapit ako sa kanya at hinaplos haplos ang likod niya.
"alam mo lex, noong bata pa ako narinig kong umiiyak si mama. sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala nang kakambal ko. natuwa ako dahil nalaman ko na may kakambal pala ako at the same time nalungkot dahil hindi ko na pala siya makikita. hindi ko natiis na hindi itanong kay mama iyon at sinabi niya sa aking naibenta niya raw noong kasisilang pa lang namin ang kambal ko sa isang mag-asawang hindi magkaanak. laking pagsisisi ni mama noon dahil kung alam niya lang sana na magiging ganito ang buhay namin ay hindi na sana siya naipagbili." matama akong nakikinig sa kuwento niya at na-carried away ako. nahahabag ako sa sitwasyon niya.
"nang mga nasa high school na ako, bumalik sila mama sa probinsya kung saan ako ipinanganak para hanapin siya. laking sakripisyo nila mama at papa para hanapin siya lex. ilang gabing hindi sila umuwi at tanging ang tita ko lang ang kasa-kasama ko sa bahay. malungkot ang mapag-isa. hanggang isang araw, sa mismong araw nang kaarawan ko, dumating sila mama at papa at may kasama silang isang binata na kasing edad ko. nagtataka man pero hinayaan ko sila. masaya sila eh. sobrang payat nang kasama nila na tipong ilang taong pinagkaitan nang pagkain. lumapit sila mama at papa sa akin at pinakilala siya. nayakap ko ang binata nang malaman kong siya ang nawawala kong kakambal. isa iyon sa pinakamasayang araw sa buhay ko." huminto siya saglit para punasan ang luha niya.
"araw-araw ko siyang kinakamusta at kinakausap dahil alam kong naninibago siya sa sitwasyon niya. hinayaan ko siyang kabisaduhin ako nang sa gayun ay hindi siya mailang sa akin. hanggang sa tuluyan na siyang nakapalagayang loob ako. at bilang kakambal niya, lagi kaming magkasama sa mga lakaran. ipina-enrol pa namin siya sa school na pinapasukan ko. magkasabay kaming kumain, umuwi at kung ano-ano pa. magkakutsaba din kami sa mga kalokohan namin noon." sa ngayon binitawan niya ang picture at tumingin sa akin.
nabakas ko sa mukha niya na hindi pa tapos ang kuwento niya at may bigat pa siyang dinadala. hinaplos ko ang mukha niya para iparamdam sa kanya na handa akong makinig sa mga sasabihin niya. at nagpatuloy siya.
"at ayon nga, bago kami magtapos nang high school ay nagka-girlfriend siya. naging sentro nang buhay niya ang babae. iyon si mica. halos lahat ng oras niya ay nasa babaeng iyon. madalang na din kaming kumain at umuwi nang sabay dahil sa kanya. nakaramdam ako nang selos pero hindi ko siya masisi eh dahil gf niya iyon. nagpatuloy kami sa ganoong set-up hanggang sa sumapit ang final grading at busy sa paghahanda nang graduation.
dati-rati ay napakasigla niya pero naging matamlay siyang bigla. hindi namin alam nila mama kung bakit. pag tinatanong namin siya, ang sinasabi niya lang ay okay lang siya at pagod marahil sa school. pinabayaan namin siya dahil siguro tama siya. lumipas pa ang ilang araw at papalapit nang papalapit ang graduation. habang ako ay naeexcite, parang lalong nanghihina si lai. hanggang sa isang araw ay umubo siya nang napakatigas at nagsuka siya nang dugo. hindi namin alam nila mama ang gagawin kaya naman itinakbo agad namin siya sa ospital.
dahil na rin sa mga physical symptoms ni lai at sa pagsuka niya nang dugo kinumpirma nang doktor na may sakit nga si lai at nasa stage 4 na iyon. hindi na daw ganun kalaki ang chance para maka-survive. para akong binagsakan nang langit at lupa nuon lex. imagine, sa loob ng napakahabang panahon ipinagkait sa akin ang pagmamahal nang isang kakambal tapos nang dumating parang damit lang na ipinahiram sa akin at binawi agad." muli unti-unting bumabagsak ang mga luha niya.
"nagalit ako sa mundo, sa Diyos, sa lahat lalo na kila mama at papa. hindi ko sila inintindi dahil sa pagkakamali nila noon. ilang araw akong hindi pumasok sa school at nagkulong sa loob nang kuwarto." pinulot niya ang picture. "itong picture na ito, isa ito sa mga masasayang araw namin ni lai. isang araw, naisipan ko siyang dalawin. mag-isa kong tinungo ang pasilyo diretso sa kuwarto niya. pagbukas ko nang pinto nakita ko ang kahabag-habag na itsura nang kambal ko. lagas ang mga buhok, maputla ang labi at sobrang payat. umupo ako sa tabi niya.
nagmulat siya nang mga mata niya sabi niya 'aki, wag ka na magalit kila mama at papa. matagal na nilang pinagsisihan iyong nagawa nila at napatawad ko na sila. wag mo na sana silang pahirapan pa oh. tsaka pag wala na ako, sila ang makakasama mo.' pinigil ko siya sa sinasabi niya dahil hindi ko matanggap ang katotohanang ilang saglit lang ay babawiin na siya sa akin. pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ako." nakayuko siya at umiiyak pa din.
"alam mo lex, may wish si lai para sa akin. pag nawala daw siya, ako daw ang pansamantalang papalit sa puwesto niya para sa gf niya. ayoko sanang gawin pero anong magagawa ko laban sa wish nang isang taong malapit nang mawala. napatango ako. sabi pa niya, 'gawin mo lang iyon hanggang sa hindi mo pa nakikita ang taong siyang pag-aalayan mo nang buhay mo'. tumango ako bilang pag-sang-ayon lex. napayakap ako sa kanya.
wala pang mga isang oras, biglang tumirik yung mata niya. kitang kita nang dalawang mata ko ang pagwawala nang katawan niya sa kama. tumakbo ako sa intercom at nagtawag nang nurse. dumating sila agad kasama nang doctor. nag-declare sila nang code blue. hindi ko alam ang gagawin ko nataranta ako pero nagawa kong tumawag kay mama at sinabi ang sitwasyon. pagkababa ko nang phone ay siya namang lapit sa akin nang doctor at sinabing wala na siya. wala na ang kakambal ko, wala na si lai, lex. wala na siya." napahagulgol na siya.
"tama na raki, tama na." inaalo ko pa din siya. nagi-guilty ako dahil pinag-isipan ko siya nang masama.
"hindi pa ako tapos lex, kailangan mong marinig ang lahat." napamaang ako. "dumating sila mama at papa at nakita nila ang walang buhay na si lai sa mga bisig ko. agad nilang niyakap si lai at kagaya ko ay nagdalamhati din sila sa pagkawala niya. inilabas na namin siya at ibinurol sa probinsya. itinago namin ang pagkawala niya. ipina-cremate namin siya at idinala ang kanyang mga abo dito sa manila. ilang gabi akong hindi maka-move on sa pagkawala ni lai. siya lang ang nag-iisa kong kapatid pero binawi siya agad sa akin.
one time dinalaw niya ako sa panaginip ko at sinabing wag na akong umiyak pa dahil masaya na siya sa kinalalagyan niya. nagawa pa niyang ipaalala sa akin ang huling habilin niya. at nagising akong umiiyak. at ayun, hinanap ko si mica at nagpanggap akong siya. pinilit kong maging siya kahit na mahirap hanggang sa makapalagayan ko na ang pagpapanggap.
naging masaya akong kasama si mica hanggang sa nakita kita sa isang competition. kinausap ko si lai bago ako gumawa nang hakbang para makilala ka. at ayun nga naging magkakilala tayo. iyon na ang pinakamasayang araw sa buhay ko pagkatapos nang pagkawala niya. araw-araw kitang iniisip, walang ni isang minuto na hindi ako tumitingin sa orasan para makausap ka lalo na nang pumayag kang ihatid sundo kita.
may mga pagkakataong ilang araw akong hindi nagpaparamdam or nagpapakita sa iyo dahil sa ginagawa ko yung pangako ko kay lai. nung chess competition, pinili kong hindi ka pansinin nung tinawag mo ako and alam kong alam mo na i have my reasons. nung nagkaharap tayo, di mo siguro napansin dahil sa tensyon pero sinadya kong ipakain yung queen sayo para kahit papaano makabawi ako sa pandededma ko sayo.
and hindi ko na talaga kaya pa yung pagsisinungaling ko sa iyo nang makita kang umiiyak sa harapan ko kanina after seeing me and mica na naghahalikan. parang bumalik lahat nang sakit nung nawala sa akin si lai. feeling ko inulit kong saktan ang sarili ko sa ginawa ko kaya naman uminom ako para may lakas ako nang loob na harapin at kausapin ka nang masinsinan. kanina naipakilala na kita kay lai at naunawaan niya ako." si lai siguro yung malamig na hangin na dumampi sa akin kanina sa memorial. hindi ko maiwasang hindi kilabutan. napawi iyon nang makita ko ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kanya tanda na okay na siya ulit.
dahil sa mga kuwentong narinig ko mula sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili kong i-comfort siya. soft kisses ang binigay ko sa kanya at gumanti din siya nang halik. for the first time ay may nangyari samin.
---
isang linggo na ang nakakaraan simula nang nalaman ko ang lahat tungkol kay lai at ilang araw lang nang mabalitaan kong alam na ni mica ang lahat at naunawaan niya iyon at pati siya ay nagdalamhati sa pagkawala ni lai. naging magkaibigan kaming tatlo at minsan ay lumalabas pa.
papasok na ako nang school noon nang makita kong hangos na tumatakbo si irene papunta sa direksyon ko. may hawak itong isang papel.
"hoy bakla, andami mo nang utang sa akin. hindi na tayo nakakalabas ni papa raki huh. nga pala, ang secret admirer mo, may note na namang iniwan sa locker mo." sabay abot nang papel.
624-446428 58 7262 5244 539! 62425 62 62425 5482. 4242946 56 264 52428 627282546 52 5264.
medyo mahaba yung note niya at mapapalaban ako nito sa pag-decipher. napansin ko ding hindi na nagpapakita sa akin si joerick. ano na kayang nangyayari dun? bakit hindi niya man lang ako dalawin gaya nang ginawa niya dati? ano na naman ba ang nangyayari? or may mangyayari na naman ba?
itutuloy...
0 comments:
Post a Comment