Friday, August 27, 2010

Soulmate... Checkmtate! Part 4

hindi lahat nang nakikita natin ay may katotohanan. maaaring isa lamang iyong palabas at tayo ay parte nun at kailangan nating gampanan ang role na iniatang sa atin. we have to make our characters real na tipong kailangang ilabas ang tunay na emosyon. pero paano kung sa palabas na iyon, ikaw ang maging bihag. mananatili ka ba sa lungkot at pighati o isipin na kailanagan mo nang magsuot nang maskara para itago ang tunay na saloobin at ipakita sa manunuod na kaya mo pa hanggang sa lubusang paggaling nang iyong karamdaman.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------

hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko nang mga panahong iyon. ang alam ko lang ay sobra akong nasasaktan sa mga ipinapakita nang tadhana sakin. hinahayaan ba ako nitong saktan o sadya lamang talagang mapaglaro ito at pwedeng magkaroon ng twist sa buhay pag-ibig ko.

hinayaan kong dumaloy ang emosyon ko. blangko ang isipan ko. may sariling isip ang mga paa ko. tatakbo, maglalakad, tatakbo. malabo na din ang paningin ko gawa nang patuloy na pag-agos nang luha ko. may naririnig akong nagtatawanan, nang-uuyam, nang-iinis pero wala akong pakialam sa kanila. ang iniinda ko ay ang katotohanang hindi ko kayang panindigan ang pasakit na dala nang pagmamahal na gaya nito.

"aray!" sigaw nang isang babae. natauhan akong bigla at namalayan ang matatalim na tingin niya sa akin. "hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!"

"ah, eh, miss sorry huh. hindi ko sinasadya." patuloy pa din ang hikbi ko.

"hayaan mo na hon. kita mo na ngang umiiyak yung tao eh dadagdagan mo pa. sorry nga pala sa inasal niya, lex tama?" hindi ko siya sinagot. bagkus, pinahid ko ang luha ko at muling humarap sa babae.

"miss sorry ulit." sabay alis ko. hindi ko alam kung saan na ako pupunta.

mahapdi na ang mata ko. medyo may kalakihan na din ang eyebags ko. nakita ko iyon nang mapadaan ako sa isang salamin. para akong sinakluban nang hiya kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta nang dorm ko. dahil sa pagmamadali, hindi ko na nilingon pa kung sino man yung taong tumawag sa pangalan ko.

nang makapasok sa loob, akyat agad ako nang kuwarto ko at naghilamos. tiningnan kong muli ang sariling repleksyon sa salamin. bawat anggulo ay gusto kong inspeksyunin. bawat kakulangan ay dapat kong punuin. isang ring sa cellphone ko ang nagpabalik sa katinuan ko.

hoy gaga, anong emote natin at di mo kami pinansin ni raki? andito kami sa baba. babain mo kami.

text ni irene. bakit kasama niya si raki? anong ginawa nila? hay naku, pati ba naman ang bestfriend ko pinag-iisipan ko nang masama. wala naman siyang alam sa nangyayai sakin kaya hindi ko dapat siya isali sa walang kwentang drama kong to. tama, isa lang itong drama.

dali-dali kong sinuot ang maskara ko at bumaba. isang bagong lexter ang ihaharap ko sa kanila. ibabalik ko ang dating masayahin at walang drama gamit ang maskara ko.

"hi guys!" sabay flash nang isang ubod tamis na ngiti. alam kong pilit iyon pero kailangan eh. "anong atin?"

"sapak and super tadyak gusto mo?" sabi ni irene.

"oh bakit? wala naman akong ginagawang masama ah." sabay paawa effect.

"tong malanding ito. ni hindi mo nga kami pinansin ni raki kanina eh. ano bang meron kasi huh?" tiningnan ko lang saglit si raki at nakita kong naguguluhan siya sabay bawi ko nang tingin.

"hala, sorry. tinawag niyo ba ako. hindi ko narinig eh."

"malamang paano mo maririnig eh tumatakbo ka kanina na parang horse tapos mega cry ka pa."

"ah. pasensya na." sabi ko sabay ngiti ulit. "tara kain muna tayo saglit. gutom na ako eh."

"you owe me big time lex!" sabay mulagat. natawa ako sa reaction niya.

tahimik lang si raki habang naglalakad kami. wala naman akong balak kausapin siya dahil wala akong guts. ni lakas nang loob nawala. para lang siyang isang kaawa-awang bata na nagmamasid samin at matamang nakikinig.

---
"lex may problema ka ba?" tanong niya pagkatayo ni irene para um-order. nagrepresent ang bakla eh.

"ako? hmmm, wala naman. bakit?"

"kasi parang ang layo mo. ni hindi mo nga ako kinakausap eh. ni hindi mo man lang ako kinamusta kanina."

"ah pasensya ka na huh. wala kasi akong maikwento sayo eh." sabay tawa. alam kong alam niyang hindi talaga ako okay.

"may problema ba tayo? gusto mo na ba akong lumayo sayo? gusto mo na bang kumawala sakin?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. hindi ko alam kung san ako huhugot nang sagot ko. seryoso siya, pero paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? at siya paano niya ba sasabihin sa akin ang totoo?

"wala tayong problema raki dahil wala namang 'tayo' sa pagitan nating dalawa. magkaibigan tayo alam mo yan. hindi ko gustong lumayo ka sa akin dahil wala akong karapatan para sabihin sa iyo yun. and besides, alam kong alam mo na hindi ko ugali ang makiapid sa boyfriend nang iba." walang pigil kong sagot. natameme siya. hindi niya alam ang isasagot.

malaki na ang nagagawa naming tensyon at sakto ang pagdating ni irene para pababain iyon. siya na din mismo ang naglatag nang mga pagkain namin. na-sense niya ang bigat nang ambience saming dalawa dahil ni isa ay walang gustong magbukas nang topic kaya't siya na ang bangka. pinilit niyang pinapagaan ang atmosphere sa loob ng food chain na iyon. paminsan-minsan ay tumtawa ako samantalang si raki ay isang tipid na ngiti lang.

natapos ang gabi nang may dala padin kaming bigat sa kalooban. diretso ako nang kuwarto. gusto ko nang matulog pero ayaw akong dalawin nang antok. nag-soundtrip muna ako habang nagpapaantok. maya-maya ay may kumatok sa pintuan ko. ka-dorm ko at sabi niya may naghihintay daw sakin sa labas. lasing daw. hindi daw ito aalis hanggat hindi kami nag-uusap nang mabuti. no choice na naman ako kundi bumaba at harapin siya. may idea na ako kung sino iyon.

"gabi na ah bakit hindi ka pa umuuwi?" bungad ko sa kanya.

"hindi ako uuwi hanggat hindi mo ako kinakausap nang mabuti."

"lasing ka na kaya umuwi ka na. bukas na tayo mag-usap kapag matino ka na."

"matino ako. alam kong mga sinasabi at ginagawa ko."

"pwede ba raki, uwi ka muna. please! magpahinga ka na." sabay talikod ko. bigla naman niya akong ikinulong sa mga bisig niya. hindi ako makagalaw dahil sa higpit. pinilit kong makawala pero wala talaga.

"please lex, makinig ka muna sakin."

"makinig saan raki? may dapat ba akong malaman huh?" iritado kong sagot.

humihikbi siya sa likod ko. first time kong marinig ang pagtangis niya. bigla namang nanlambot ang puso ko. hinaplos ko ang kamay niya na waring sinasabi na handa na akong makinig sa sasabihin niya. lumuwag ang pagkakayakap niya.

"lex, pwede mo ba akong samahan?" hindi na ako nakatugon pa dahil namalayan ko ang sarili na nakaupo sa kotse na dala niya. kinakabahan pa nga ako dahil lasing siya tapos magda-drive siya. baka mabunggo kami nito at kami ang maging headline bukas. pero hindi, banayad ang takbo namin parang sanay nang mag-drive nang lasing.

hindi ako familiar sa dinadaanan namin dahil di naman ako taga-manila talaga. pero parang feeling ko dumadaan kami sa roxas blvd dahil sa nakikita kong dagat. minsan na akong nakapunta dito nun. medyo may katagalan ang byahe.

isang tapik sa balikat ang nagpagising sakin. nakatulog pala ako. pupungas-pungas akong tumingin sa kanya. bahagya na siyang nakangiti. iba na ang aura niya ngayon. may kasiyahan nang maaaninag sa mukha niya. nginitian ko din siya. inaya na niya akong bumaba.

inisip kong nasa isang park lang kami dahil sa mga puno na nakikita ko sa paligid pero partially correct ako. naghahanap ako nang mga palaruan nang mga bata pero wala akong makita sa halip mga lapida ang meron. doon ko napagtanto na nasa memorial park pala kami.

hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. lumalakad kami sa damuhan. medyo naguguluhan ako sa nangyayari. bakit ba kami andito? anong ginagawa namin dito?

---
in loving memory of nicolai enrique

yan ang nabasa ko sa lapida. naramdaman niya sigurong nagtataka ako kung sino iyon at bakit kami andun.

"lai, si lex. lex si lai." hindi ko magawang matawa sa inaasta ni raki. para kasing tanga eh ipakilala ba naman ako sa patay. "siya yung sinasabi ko sa iyo nun. di ba may usapan tayo? siguro naman time na para palayain ko na ang sarili ko sa pangako ko sa iyo? wag kang mag-alala. sasabihin ko na ang lahat kay mica pero hindi muna ngayon. bigyan mo naman ako nang sign oh kung pinapayagan mo na ako. gusto ko na kasing itama lahat nang dapat itama eh."

nakikinig lang ako sa mga pinagsasasabi niya. di nagpalit saglit, nakaramdam ako nang isang malamig na hanging dumampi sa balikat ko. sobrang lamig. hindi ako naniniwala sa mga multo pero not this time. iba sa pakiramdam eh. biglang nagsalita si raki.

"salamat lai. maraming salamat! pinasaya mo ako nang sobra." at lumuhod siya at hinagkan ang lapida. muli niyang hinawakan ang kamay ko at iginiya pabalik sa kinaroroonan ng kotse.

bakit siya masaya? anong nangyayari? sino si lai? sino si mica? ang gulo!

(itutuloy)

0 comments: