Monday, August 16, 2010

Soulmate... Checkmate! Part 3

si raki? chess player din?

para silang mga artista na pinagtitinginan. palibhasa may mga itsura at may dating at parang proud pa sila sa ganung eksena. natutuwa ako sa mga reactions nila. nang mpadaan sila samin tinawag ko siya. pero laking taka ko nang hindi man lang niya ako lingunin. aba may attitude agad? sabi ko sa isip ko. di ko na din siya pinansin hanggang sa magstart ang competition.

naiinis ako sa kanya dahil sa pandededma niya. at dahil dun gagawin ko ang lahat para makaharap ang team nila lalo na siya at ipaparamdam ang ginawa niya sa akin. ilang series of elimination din ang nangyari.laban dito laban doon. nanatili akong matatag. sabihin na nating nakakapit sakin ang swerte kaya naman tuloy-tuloy padin ang laban ko. hanggang sa magbreak para sa semi-finals. ibang system kasi ang gamit namin at hindi yung talagang ginagamit na scoring system. knock out kaagad pag talo.

strategies and reminders lang ang mga pinagsasasabi ni coach. lahat naman kami ay nakikinig. bagamat may mga nalaglag na sa team namin, kami padin ang may pinakamaraming members na nakapasok pangalawa sila raki. pag tingin ko sa board, aba, at siya na pala ang susunod kong makakalaban. napangiti ako at di maiwasang matawa dahil magagawa ko na ang plano ko.

at nagstart na nga kami. white pieces ang hawak ko at siya naman ay black. nakagawian na na ang white ang nauunang tumira kaya naman ginalaw ko ang pawn ko at inilagay sa D3. tumira din siya at inilagay ang pawn niya sa D7. then, kanya-kanya nang labas ng mga army. ilang gantihan ng kainan at check ang nangyari. habang naglalaro ay nawala ako pansamantala sa konsentrasyon nang makita kong seryoso ang mukha ni raki. kahit na ganun ay ang lakas pa din nang dating niya sa akin. naputol ang ilusyon ko nang sabihin niya ang CHECK!

tiningnan ko ang nangyayari sa board at totoo nga. medyo dehado na ako sa laban. open ako sa column ng D at nakita ko ang knight ko na pwede kong gamiting sacrifice para makaligtas ang king. ginalaw ko ito at hinayaan sa plano.

bigla kong napagtanto, bakit sa larong chess kailangang magsakripisyo nang maraming piyesa para lamang patuloy na mailigtas ang hari. at bakit kailangang patuloy na umatake ang mga ito para depensahan ang hari nila. parang sa sitwasyon ng tao, may mga taong gumagawa nang mga matitinding sakripisyo para sa mga minamahal nila. pero para saan ba ang pagsasakripisyo kung nababalewala naman ito nang hari. buti sana kung naappreciate niya.

sa paglagapak ng kamay ko sa orasan namin sa tabi nang table di ko namalayan ang pagtulo nang luha sa mga mata ko. nagulat pa ako nang abutan ako nang panyo ni raki. sa gitna nang laban,parang huminto ang lahat. waring nakatingin sa aming dalawa hindi dahil sa naglalaro kami nang chess kundi dahil sa eksenang nangyayari. dahil sa hiya, hindi ko kinuha ang panyo niya at pinahid ang luha ko gamit ang kamay ko.

"ituloy na natin ang laban pasensiya ka na." tangi kong nasabi.

ilang galaw na lang ay malapit na matapos ang laban. at 4 na lang ang piyesang natitira sa board. king at queen sa kanya, king at knight sa akin. parang nanadya ang pagkakataon sa akin, bigla kong naalala itong taong kaharap ko ngayon. ilang beses niyang sinabing siya ang knight ko at malamang ako ang king niya. haist ewan. pilit kong dinidipensahan ang hari ko gamit ang knight. hindi naman ako masyadong makakilos hanggang sa makuha ko ang adbentahe nang laro. sinunud-sunod ko ang atake hanggang sa umabot na kami nang halos 3hours. kami na lang ang inaantay na match dahil sa sobrang pukpukan namin.

"YEEEESSSS!!!" napatayo akong bigla nang ma-CHECKMATE ko siya. thumbs up ako kila coach at gumanun din sila sa akin. tuwang-tuwa ako sobra sa kadahilanang nakapaghiganti na ako at dahil natalo ko na naman siya.

bilang isang sport na tao, nakipagshake hands ako. nakita ko naman na parang nanlumo ang kanilang team. marahil si raki ang secret weapon nila kaya hindi sila makapaniwala na tinalo ko siya. isang napakalakas na halakhak ang narinig ko sa utak ko. itinuloy na ang finals. pukpukan ang lahat nang mga kalahok. sobrang fulfilled ako kaya nang makaharap ko ang teammate ko, sinadya kong magpatalo sa kanya.

--

kakatapos lang nang game nang mapag-pasyahan naming magcelebrate sa kfc. kwentuhan dito, kwentuhan doon. walang puknat na tawanan. larawan nang isang masayang team. walang anu-ano ay may dalawang kamay ang biglang yumakap sakin mula sa likod. sobrang nagulat ako. pati ang buong team at si coach ay natameme. dahan-dahan kong nilingon kung kanino galing ang mga kamay na iyon. nagulat ako and natuwa nang makilala siya.

"joerick! musta ka na?" tanong ko.
"eto okay pa din naman." sabay tingin sa mga kasama ko. "oopps, sorry may celebration ata kayo. sorry po for interrupting." paghingi niya nang sorry.
"hindi okay lang iyon. ahm nga pala, guys meet my close friend (actually ex) joerick singular. and joerick they're my teammates. kapapanalo lang namin sa invitational kanina."
"nakita nga kita kanina eh and congratulations po pala sa inyong lahat." sabay bitaw ng isang ngiti.

since 'friend' ko siya, inaya na din siya ni coach na makicelebrate samin. ayun kwentuhan na naman at ang mga teammates kong girls, hayun at angpapacute kay joerick. panu ba naman kasi he's an adonis. may katangkaran siya, maputi, gwapo at magaling pumorma plus he wears glasses na lalong nagpapogi sa kanya. nangingiti ako nang lihim dahil di nila alam na once we had an affair.

--
"lex, sabay na tayo uwi huh." aya niya.
"o sige ba. for old and good times sake." ayun nga at naglakad na kami palabas ng food chain.

namasyal muna kaming dalawa sa 4th floor para tumingin ng mga paintings. isa kasi siyang painter at hilig niya iyon. may nakita akong obra na nagpahinto sa akin. naramdaman ko sa painting ang sobrang kalungkutan. di ko alam kung ano ang story nun pero yun ang naramdaman ko at sinabi ko sa kanya yun. hinawakan niya lang ang kamay ko nang mahigpit sabay hila sa akin paalis dun. habang naglalakad, ewan ko parang nakaramadam ako nang uneasiness. masyado kasing tahimik.

"ahm lex."
"oh?"
"nagbago ka ba?"
"huh?"
"ganun ka pa din ba sakin?" patay, yan na nga ba sinasabi ko eh. san naman ako hahagilap ng sagot ko. biglaan. bigla kong naikuyom ang palad ko sa dibdib ko. pinakiramdaman at sinabing "hindi ko alam".
nalungkot siya pero lumuhod siyang bigla sa harapan ko. buti na lang konti lang ang dumadaan sa parteng iyon ng mall. "pwede ko bang maangkin muli ang puso mo?"
"hindi ko alam ricko, hindi ko alam."
"please lex, hayaan mo akong patunayan sa'yo na muli akong karapat-dapat diyan sa puso mo. hayaan mong iguhit kong muli ang ating pagmamahalan." sa di kalayuan ay nakita ko naman si raki. natilihan ako kaya naman agad ko siyang pinatayo.
"tumayo ka nga dyan ricko. nakakahiya, may mga tao dun."
"eh ano naman kung may mga tao, wala akong pakialam sa kanila."
"tayo sabi eh." meydo iritable kong utos. naramdaman niya iyon kaya tumayo na din siya. nang sipatin ko muli si raki, hindi man lang niya ako tiningnan. nainis na naman ako kaya inaya ko nang umuwi si joerick.

--
lulan ng kotse niya, di niya maiwasang hindi maglambing sa akin. nariyan yung hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho, minsan naman pag-red light tinutunaw niya ako nang titig at ngingiti nang ubod nang tamis. hindi ko tuloy maiwasan na bakit hindi ko pagbigyan si ricko pero may kung anong tumututol sa isip ko. paano na si raki pag tinanggap ko si joerick?

naguguluhan ako kaya naman sumakit ang sentido ko at napapikit ako. namalayan ko na lang na hinahaplos niya ang ulo ko. pagmulat ko, nakapark kami sa gilid ng high-way. bigla akong umayos at siya din. nag-drive siya ulit hanggang sa makarating kami nang dorm ko. binati niya ang landlady namin. kay tagal nilang hindi nagkita kaya naman walang sawang kwentuhan at kamustahan ang nangyari. ang ending na lang, dun matutulog sa bahay si joerick.

umakyat na kami sa kuwarto. pagkapasok ay agad siyang humiga sa kamang dati na niyang hinihigaan samantalang ako naman ay dumiretso sa kabinet para kumuha nang mga damit namin. inihagis ko sa mukha niya ang damit niya at lumabas na ako nang kuwarto para mag-shower.

agad akong tumapat sa shower matapos maghubad dahil kanina pa ako lagkit na lagkit at the same time, tensed dahil sa pwedeng mangyari ngayong magkasama na naman kami sa iisang kwarto. ewan ko ba kung talagnag down ang senses ko ngayon dahil di ko man lang naramdaman ang pagdating ni joerick sa shower at ang pagyakap niya ulit sa akin. ramdam ko ang pagkatao niya sa may bandang puwitan ko at nagkakabuhay. para itong nakakahawang sakit na dali-daling kumapit sa akin. kabilis ng mga pangyayari.

namalayan ko na lang na gumaganti ako sa halik niya. inaamin ko na nuong kami pa ay may mga nangyayari na samin pero never akong pumayag na pasukin niya ako. hanggang blow job lang ako. hindi dahil sa hindi ko siya mahal kundi ayoko lang talaga. at sa isang iglap, nangyayari na naman ang kahapon.

--
kapwa na kami nakahiga sa aming kama. tiningnan ko siyang mabuti. isang anghel na natutulog. inaamin ko. mahal ko pa rin siya, pero may gusto na din ako kay raki. hindi ko alam ang gagawin ko. ayokong may masaktan ni isa sa kanila. ayoko ding mawala ang isa sa kanila. litong lito ako. bumangon ako at bumaba. tumungo ako sa kusina at nagtimpla nang kape. pwede iyon sa dorm namin tutal kape nang lahat iyon. naubos ko na't lahat lahat ang tinimpla kong kape pero magulo padin ang takbo nang isip ko. hanggang sa nakatulog ako sa kusina. hindi umepekto ang kape.

pagkagising ko kinabukasan, nagluluto na si ate nang agahan namin. pag-angat ko nang ulo ko, nagulat pa akong makita si ricko na nakatulog din sa harap ko. shit bakit ganito. early in the morning pero titig na titig akong nakatingin sa maamo niyang mukha.

"oh lexter, matunaw naman yang si joerick. kung makatitig ka kala mo parang gusto mo na siyang lusawin ah." sabay tawa ni ateng kusinera.
"hindi naman te, dito pala ako nakatulog kagabi." pag-iiba ko.

nagising ata siya dahil sa ingay ng piniprito ni ate. binati niya ako nang good morning gayundin si ate. inaya ko na siya ulit umakyat at nang makaligo na.

--
"uy raki, teka! bakit ba di mo ako pinapansin. kahapon ka pa huh. tinawag kita pero hindi mo ko pinansin ni hindi mo nga sinabi sa akin na chess player ka din pala. akala ko ba friends tayo? pero bakit ganun ka?" sabi ko sa kanya na may himig pagtatampo.
"yun lang ba. sorry!" sabay talikod at lakad palayo sa akin. hinabol ko siya.
"teka nga sabi eh! ano bang problema at nagkakaganyan ka? nagbago kang bigla."
"nagbago? ako? hindi ko alam." at tuluyan na siyang umalis. tameme ako.

bakit ganun ikinikilos niya. hindi ko siya maintindihan. tinext ko ang baklang irene pero out of coverage ang pota. no choice. naglakad-lakad ako sa kahabaan ng recto. hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko. namalayan ko na lamang ang sariling umiinom ng beer mag-isa sa isang di kagandahang bar/resto. isa... dalawa... tatlo... hindi pang-limang bote ko na ito. ito na ang pinakagrabe kong inom. usually dalawa lang ang tinitira ko pero iba ngayon. wala na akong pakialam kahit na nakauniform pa ako at naka-ID. gusto kong ilabas lahat ng sama nang loob ko.

bakit ganun siya? bigla siyang nagbago. ano bang ginawa ko sa kanya. SSSSSSSSSSHHHHHHIIIITTTT!!!! hindi ako sanay nang ganun.


isinubsob ko ang sarili sa lamesa habang umiiyak. sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. bakit may mga taong darating sa buhay mo tapos biglang aalis nang walang pasabi. lumabas akong sumusuray na. tumutulo pa din ang mga luha ko sa tindi nang sama nang loob ko. mahal mo na yung taong gumawa sau nun eh kaya masakit talaga. ewan ko kung anung meron at may isang kamay na humablot sa kamay ko. akala ko hold-up na hindi pala. bigla niya akong kinabig at hinalikan.

dala nang kalasingan gumanti ako. pinilit kong tingnan ang mukha niya pero hindi ko maaninag. masyadong malabo. hindi ko makita. nahihilo na ako. para akong naduduwal. hanggang sa nagsuka na ako pero hindi niya ako binitiwan. inakay niya pa ako at isinakay sa pedikab. hindi ko alam kung saan kami pwedeng makarating pero bahala na siya.

--
sobrang sakit nang ulo ko. ito na ata ang tinatawag nilang hang-over. ang sakit pala talaga. parang binibiyak ulo ko. pagtingin ko sa paligid, nanibago ako. hindi ito kuwarto ko sa dorm. kulay ang blue nang walls nito samantalang purple sa room ko. tsaka sino nagdala sakin dito. pinilit kong alalahanin kung sino yung tumulong sakin pero hindi ko din maalala. sumakit lang lalo ulo ko. hawak-hawak ko pa ang ulo ko nang may pumasok.

"gising ka na pala." napaangat ako nang ulo dahil sa pamilyar na boses. napaluha ako dahil sa si raki pala ang taong tumulong sakin kagabi.
"oh bakit ka umiiyak? please wag, tahan ka na." inaalo niya ako? himala. parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. instant sweet siya sakin ulit.
"ah, eh, nahihiya kasi ako sayo. nakita mong halos matumba na ako kagabi sa sobrang kalasingan."
"ano ka ba, okay lang yun. ano ba kasing nangyari kagabi at nag-iinom ka?" tanong niya. napatitig lang ako sa kanya.
"ah wala. trip ko lang iyon."
"trip ka dyan. eh di sana nang-imbita ka man lang para may kasama ka." sabay tawa. natawa din ako. ewan pero parang biglang nagbago ang lahat. balik sa dati kumbaga.

--
ilang weeks na din na parehong idini-date ako nila raki at joerick. wala pa akong balak na alamin kung ano ang magiging response ko sa kanila pero natutuwa ako sa takbo nang mga pangyayari until one time. bigla na namang nawala si raki. hindi ko din siya makontak. pero nakikita ko naman siya pag dumadaan ako sa school nila. hindi na ako nakatiis nang minsang makita ko siya dun. hindi ko napigilang magalit lalo pa't ilang araw na siyang di nagpaparamdam sakin. lalo pang tumaas ang tensyon ko nang makita kong may kahalikan siyang babae. nasaktan ako sobra. umiiyak ako. tumakbo ako pero hindi palayo kundi papunta sa kanila.

itutuloy...

0 comments: