Wednesday, August 11, 2010

Soulmate... Checkmate!

tahimik ang buhay lalo na kung walang istorbong darating sa daraanan. kung minsan natatamaan nang bagyo pero kawasa'y titila din at muling sisikat ang araw. may mga pagkakataong nadadapa tayo at nasusugatan pero heto at tumatayo parin tayo gaya nang isang tipikal na pinoy. madalas naman natututunan nating sumaya kahit sandali lang dahil di natin alam na kapalit nito ay grabeng sakit at paghihirap. ano pa nga ba ang magagawa natin kundi ituloy ang buhay at ituloy ang laban kahit halos wala nang malusutan. sabi nga nila habang may buhay may pag-asa kaya't wag susuko hanggang sa maisakatuparan ang mga pangarap natin at maipanalo ang laban ng buhay sa pagsasabi nang CHECKMATE!

hi guys, ako si lexter 19, 5'6 ang height, moreno, katamtaman lang ang katawan at isang estudyante sa isang university sa u-belt na kasali sa UAAP na isang hayop na may apat na paa. isang normal na estudyante lang naman ako kung tutuusin eh. may konting barkada, lalaki at babae, at walang nagkakagusto. hahah.

---

KRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGG!!!

napabalikwas ako nang bangon sa sobrang lakas ng tunog ng alarm clock ko. muntik na akong malaglag sa higaan sa sobrang pagkagulat. 6:45 na. tamang oras para sa paghahanda ko para pumasok. bumangon na ako at tumungo sa banyo. habang naglalakad sa hallway ay nakakasalubong ko ang mga taong araw-araw kong nakikita simula nang tumuntong ako rito sa manila. batian nang good morning dito, good morning diyan. minsan nakakasawa kaya nginingitian ko na lang.

wala pang 30 minutes at heto nakagayak na ako papuntang school. konting lakad lang naman ang ginagawa ko at hayan nasa harap na ako nang gate nang school. batian portion ulit kay manong guard at entrada na ang pagpasok ko. sa di kalayuan ay natanaw ko na agad ang mga friendships ko. beso-beso at kamustahang walang humpay.

kasalukuyan kaming naglalakad nun sa hallway nang bigla akong nahinto.

--
announcement!

chess club is now open for new members. if interested, please contact this number or just see me in my office at 10am every weekdays. --- coach

--

"bakla, titig na titig ka diyan?" tanong ni irene, bestfriend ko.
"open daw sila sa new members oh." sabay turo sa announcement.
"nakikita ko siya oh kailangan pang ituro. hmp." sabi niya sabay muwestra. natawa ako sa reaction niya. "hala, kung gusto mag-try eh di sige hindi yung pinag-aantay ako rito nang matagal."
"oo na nga magta-try na. ang sungit nito. laplapin kita jan eh."
"naku kuya, wag po. bata pa po ako, magagalit si nanay at tatay." parang siyang bata na ewan sabay bunghalit ng nanggagagong tawa.

masayang kasama si irene. well, alam niya kung ano ako dahil nahuli niya ako one time na may ka-date na lalaki at hindi ako tinantanan hanggat hindi ako umaamin. well, wala namang kaso iyon kasi nananatiling sikreto saming dalawa iyon. siguro. hahaha.

pumasok na kami sa classroom. nagkuwentuhan pa nang kung ano-ano habang nag-aantay sa prof naming pagong. maya-maya pa ay dumating na siya at umaatikabong lecture ang nangyari. kung tutuusin naman, madaldal nga kami pareho pero may ibubuga naman kami pareho ni irene. nasa dean's list din kami. yun nga lang hindi kami nerdy type. at sa wakas, natapos din ang walang humpay na sagot-tanong portion at lumabas na si kong pagong. time check: 9:45am. walangyang iyon, nag-extend nang 15 minutes. hmp. kinalabit ako ni irene.

"woy, di ba magtry ka sa chess keme ni coach andres? anong petsa na oh lumarga ka na at nagugutom na din ako."
"saglit lang naman te at inaayos ko pa mga gamit ko kaya."
"aba naman, ang pagong mo naman. ika-countdown na kita. 10... 9... 8..."
"oo na, eto na tatayo na oh wag ka na magcountdown wengya ka. pinagmamadali mo ko paano if i dont look good paglabas natin dito di mas lalong walang hahagip ng tingin sakin." tawa lang ang sagot ng hitad sa drama ko.

ayun nga at dali-dali kaming lumakad papunta sa kabilang building para puntahan si coach andres. pagdating namin doon ay walang ibang tao bukod samin ni irene at ni coach. agad kaming lumapit sa kanya at nagpakilala.

"good morning sir, nabasa ko po sa board na kailangan niyo po nang bagong member sa team. gusto ko po sana subukan na makapasa and maging member." entrada ko. lalaking lalaki. hahaha.
"good morning..." sabay tingin sa i.d. ko. "... mr. santos, good at may nakabasa din ng post ko na iyon. you know what, ikaw pa lang ang unang pumansin sa invitation ko na iyon. as you can see, tayong tatlo lang ang tao dito." ngiti lang ako. interesado talaga ako kasi ang last na laro ko nito ay nung grade 6 ako.
"hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. hindi na kita itetest kung papasa ka sa standards ko sa ngayon kasi gahol na ang team sa oras para sa audition kaya ngayon pa lang mr. santos magpractice ka na nang mabuti at titingnan natin ang magiging performance mo next week sa intercollegiate competition. good luck satin and God bless sa team." sabi niya at tuluyan nang lumabas.

mangha ako sa mga sinabi ni coach. aba hindi na ako dumaan sa kung anong screenings pa. tanggap na ako agad, literal na member na nang knights society o chess varsity nang school namin. laking tuwa ko dahil excited ako sa darating na competition. debut ko yun as a chess player ngayong college. dahil sa sobrang saya, niyaya ko si irene na kumain sa tambayan namin na kfc. dating gawi ang order namin. hindi mawawala ang large mashed potato sa meal namin. actually kahit yun lang eh enjoy na kaming dalawa.

habang kumakain ay tuloy lang ang kuwentuhan naming walang puknat. kung anu-anong topic, lalaki, babae, yung competition, studies, etc. ang ingay naming dalawa sa loob. wala kaming pakialam kung malakas boses namin. parang amin na nga ang kfc dahil sa inaasta namin. buti na lang kakilala ni irene yung manager na yun kaya okay lang. dun kami lagi pumupwesto sa may malapit sa pinto, sa may upuang malambot. trip lang. lagi iyong nakareserve samin. mismong si manong guard na ang nagrereserve para samin. hahaha. tamang trip lang.

pagkatapos namin kumain ay dumiretso na agad kami sa klase at tinapos ang maghapon sa loob ng apat na sulok ng silid na iyon. uwian na naman, nauna nang umuwi si irene dahil may date pa daw ang loka sa jowawits niya na sa kabilang school lang din naman nag-aaral. kasalukuyan akong naglalakad ng tumunog ang cp ko. pagtingin ko, si coach ang nagtext. naalala ko binigay ko pala contact ko sa kanya kanina. pinapapunta niya lahat ng varsity sa tagpuan namin sa loob ng campus. alam ko kung saan iyon.

dali-dali kong tinungo ang lugar na maraming puno, may mga benches at table na yari sa kahoy. iyon kasi bali ang training spot namin kasi peaceful at the same time conducive para sa mga meetings na ganito. pagdating ko doon ay ako na lang ang hinihintay.

"guys, good afternoon sa inyo. nagpatawag ako nang isang meeting kasi gusto ko makilala niyo ang bagong member ng team." sabay tingin sa akin ni coach na parang nagsasabing magpakilala ako. nahihiya akong pumunta sa harap nila.
"hi, ako si lexter santos, 19, student ng college of accountancy, and ... single. nice meeting you all guys." isa-isa din silang nagpakilala. lahat sila may itsura pero hindi ko sila trip. 5 kaming lalaki sa team at 2 babae. dahil sa ako ang pinakabago sa team, inaalalayan nila ako.

halos araw-araw na ang practice namin dahil ilang araw na lang at competition na. pagkatapos nang klase ay diretso agad ako sa tagpuan para mag-ensayo. naiintindihan naman ni irene yon. minsan andun siya para manuod. minsan naman andun siya para mangulit at kung ano-ano pa. wala lang siyang magawa pa ganun.

--

"team, eto na ang araw na pinakahihintay natin. ngayon natin ipamalas ang come back ng mga champions okay? wag niyo sana akong bibiguin guys."
"yes coach!" sabay-sabay naming sabi.
"and you lexter, wag masyadong kabahan. kaya mo yan. gawin mo lang yung ginagawa mo sa practice and i'm sure mag-eenjoy ka."
mag-eenjoy nga ako nito andaming cute boys. shit! sa isip-isip ko. lumandi kahit tensed.

malaki ang venue kaya naman lahat kaming andudun ay sabay-sabay na isinalang. kanya-kanyang bracket. nagulat ako na halos lahat ng members ay magkakasama sa mga brackets ako lang ang nahiwalay at nag-iisa.

kaya mo yan lex. pagpapalakas ko nang loob sa sarili ko. aba, pipilitin kong makaabot ng championship noh. sayang ang mga pinaghirapan ko.

sinimulan na ang competition. tutok lahat ng players gayundin naman ako siyempre. ayaw ko mapahiya sa team ko lalo na kay coach. isang maling galaw lang, talo na ako. inobserbahan ko ang galaw ng kalaban ko. puro siya atake kaya sobrang open ang defenses niya. magaling naman siya kung tutuusin pero hindi niya napansin na open siya sa may right side niya. gumawa ako nang tactics ko at huhuliin ko siya.

--

"congrats team sa pagkakapasok natin sa finals. galingan niyo pa and you lexter you did an excellent job. ikaw pa lang sa team ang walang talo. keep it up." nahiya ako nang kaunti dahil pinuri ako ni coach. honestly di ako sanay na tumanggap nang kahit anong recognitions. wala namang silbi iyon sakin eh. hindi din naman siya nakakadagdag ng pogi points sakin. isa-isang nagcongratulate ang mga team members sa isa't isa and sabay-sabay kaming naglunch and nag-isip ng magandang strategy.

maya-maya pa pumasok na ulit kami sa loob at tinuloy ang laban. semi-finals na nang tournament at unti-unti na kaming nalagas. sa standing, ako ang rank 1 at ang 2-5 ay mga teammates ko din. kung ipagpapatuloy namin ito ay magiging champion kami ulit at kami-kami din ang maghaharap sa finals.

napansin ko na yung isang player na tumalo sa teammate ko eh maangas. mayabang talaga ang dating. hindi ko lang alam kung pati ugali sakop nun. sabi nang teammate ko, magaling daw sa strategy talaga ang taong iyon. nag-promise ako sa kanya na pag nagkaharap kami, ilalampaso ko siya at igaganti ko siya. natuwa naman ang loko sa sinabi at pag natalo ko daw, libre niya ako sa sbarro. shit, pizza and pasta. yummy! gagalingan ko talaga.

tagal ko na ding hindi kumain dun dahil sa may kamahalan ang pagkain. di kaya nang bugdet baka mabutas bulsa ko. tiningnan ko ang standing ng mga pumasok sa finals. pasok pa din ako at ang dalawa ko pang teammates. tatlo na lang kaming mag-dedefend sa school namin. actually, since ako ang rank 1 sa semi-finals, kalaban ko si angas ungas na nasa 2nd spot. pag-aagawan namin ang champion title. at yung teammates ko, bahala na sila kung anong spot ang gusto nila sa 3rd and 4th.

sumalang na kami. tama nga, magaling siya, sobrang magaling. nahirapan ako. halos wala akong makitang butas. maganda ang defense at offense niya. nag-iisip ako nang pantalo sa kanya kaso hirap na hirap na ako.

--flashback--
"apo, pag nahihirapan ka na sa laro at wala ka nang makitang pwedeng ilusot na tira, pumikit ka saglit at isipin mo na ang chess ay ang buhay mo."
--end--

pumikit ako saglit at inisip ang sinabi nang namayapa kong lolo. pagmulat ko nang mata ko ay laking pagtataka ko na parang may isang kamay na dumampi sa kamay ko at siya na mismo ang gumalaw nito. sa isang iglap lang biglang nagbago ang tension. napunta na lahat sa kanya. nakita ko din ang kahinaan niya. palaging ang queen at ang tower ang ginagalaw niya tinapatan ko nang knight at queen din. hayun, nadali ko siya. at hala, CHECKMATE siya.

--

isang linggo na ang nakakaraan nang manalo ang team namin sa competition. naglalakad kami ni irene palabas ng school nang may isang batang hangos na tumatakbo palapit sa akin. gusgusin siya. iiwas sana ako na mabunggo pero parang sa akin talaga ata ang direksyon niya kaya nabunggo din niya ako. natumba siya. tumayo at may kinuha sa bulsa. isang sulat.

Lexter Santos,

Good day sayo!

tama ba spelling ng name mo? heheh. nakita kita last week sa chess event. ang galing ng mga moves mo. sabi nila baguhan ka daw pero parang hindi kasi alam mo na ang mga galaw mo pagdating sa laban eh. nakakainspire ka. sana magmeet tayo soon.

PS kung available ka today, meet me sa tambayan niyo ni irene at 5pm sharp.

yours truly,
you knight

"bakla, may stalker ka and OMG kilala niya din ako. dont tell me isasalvage niya ang beauty ko. wawa naman ang bebe ko." parang engot lang sa emote si irene.
"tumigil ka nga landi nito. sa tingin mo papauto ako sa kanya. manigas siya. hindi ko nga siya kilala eh." sabay tunog ng cp ko.

feeling ko hindi ka pupunta mamaya kaya kapag hindi ka dumating, expect mong nasa labas ako nang room mo or sa labas ng dorm mo. - your knight

shit naman na buhay to oh. pinabasa ko kay irene ang text at naloka ulit ang beauty niya sa nabasa. stalker na stalker ang dating. natatakot ako sa maaari niyang gawin kaya nag-decide akong puntahan siya after class.

mabilis na lumipas ang mga oras at 5pm na. nagtext na siya ulit na nasa 2nd floor daw siya nang kfc. kinakabahan akong pumunta dun. parang eyeball ang dating. pagpasok ko nang fastfood binati ako ni manong guard at nagrespond naman ako. umakyat na ako sa taas. dinig na dinig ko ang tibok nang puso ko na gusto nang sumabog sa sobrang kaba. pagdating ko sa taas, iisang tao lang ang andun. nakatalikod siya sakin at mukha ding estudyante. bababa na sana ako nang magtext ulit siya.

wag mo na balaking bumaba. lumapit ka na sakin. di kita sasaktan. - your knight

lalo akong kinabahan. may ESP ba itong taong to at alam ang nilalaman ng utak ko? dahan-dahan akong lumapit. umupo ako sa karap niya and gulat na gulat. shit totoo ba ito? pero paano? bakit?

itutuloy

1 comments:

bn said...

ahhhhhhhhhhhhhhh!!palong palo . . ang story. . . as in the best ka tlg friend . . .natatawa ako na kinikilig hekhek .. it felt na parang feeling ko part ako nung story