Sunday, August 1, 2010

Love in Another Perspective

this story was inspired/derived from someone... ahm, "ikaw", kilala mo na kung sino ka... eto na iyong nirequest mo sakin... sana mabigyan ko talaga nang justice ito. nakakahiya naman kasi kung hindi di ba... heheh.. basta andito lang ako lagi para sayo... susuportahan kita sa alam kong ikakabuti mo.. :DD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Beep. Beep.

isang text ang nagpagising sa akin sa isang napakahabang paglalakbay nang utak ko habang mistulang tuod na nakatingin sa harapan ng computer.

nga pala, ako si erik, 21, tambay sa ngayon, isang event singer. 5"7' ang height ko, medyo may mga baby fats pa, tsinito at sabi nang iba ay cute daw. well, tama siguro sila kasi, it runs in the family. my mom has been crowned as ms. quezon city way back in her times, my sister followed her step, my dad is as gorgeous as my mom, and me? hahah... i'm the simplest form in the house having these pair of glasses. indi ako nerd pero my eyes needed them.

binasa ko ang text na nareceive ko.

hi! bati nang isang numerong hindi ko kilala.

hi! may i know who's this pls? tugon ko.

ahm, i'm nicolas. got your number sa isang blog for bisexuals.

ah okay. your asl?

22, bi, pampanga. kaw?

ang layo mo naman. erik, 21, bi, qc.

uo nga nuh. hahah. pero okay lang yan.

got fb?

yeah. ********_****@yahoo.com

got it. here's mine. **************09@yahoo.com

na-add na kita. bakit naman pixelated picture mo? tanong niya.

wala lang trip lang. same as you, neon color ang picture mo. hahah.

iyon amg simula nang pagpapalitan namin ng mga mensahe ni nico. kala ko he's just another guy na masipag magtext sa una pero later on eh biglang dadalang then mawawala. pero nagkamali ako. consistent siya sa pangungulit sa akin, same as sa pangungulit ko sa kanya.

one time, i was lying on my bed ng biglang mag-ring ang phone ko. tiningnan ko ang name nang caller just to found out na he's calling.

hello nico. how are you?

i'm doing great po sir. kaw?

sir ka jan. i'm doing great as well. nga pala, why call now?

wala lang. namiss kasi kita eh.

namiss? hahah. stupidity knocks, lagi nga tayong magkausap eh.

bakit ba, alang basagan ng trip.

ah ganun huh. trip lang pala huh. sabay drop ng call. di ko alam pero may himig ng sakit akong naramdaman ng sinabi niyang trip. tumawag siya ulit.

bakit tumawag ka na naman? pwede ba wag mo kong pagtripan, okay?

masyado mo namang sineryoso yung sinabi ko. sorry na rik. miss lang talaga kita. tsaka, i've waited this long para marinig ko ang boses mo. please sorry na.

whatever! next time ayaw ko nang trip.

opo. anyway rik, ang ganda nang boses mo. para kang isang anghel na bumaba mula sa langit.

hoy nico, stop that. niloloko mo na naman ako. gusto mo atang patayan kita ulit huh. paghahamon ko.

no, huwag. honestly, gusto ko yung boses mo. parang musika sa pandinig, i'm loving it. kinilig ako nang di mawari sa sinabi niya.

hahah. boses pa lang naiinlove ka na. how much more pag nakita mo ako. baka you can't get me out from your system.

see, pati pagtawa mo. it's angelic.

hay naku nico, masyado ka nang oa huh. trip na naman to ano?

hahah. siyempre hindi rik. teka, asan ka ba ngayon?

andito sa bed ko malamang. how would you think this irresistible man rooming in the streets at this time in the night. hahah.

pilosopo ka naman. seryoso niyang tugon. naramdaman kong parang sumosobra na ako sa kanya. ang tagal niyang tumahimik.

nico, still there? hui, magsalita ka naman. earth calling nico from mars, earth calling. hindi pa din siya sumagot. papatayin ko na sana nang marinig kong nagsalita siya.

inatake ako nang conscience ko dahil sa nangyari that time. honestly, hindi naman ako ganun. nagkataon lang na nakapalagayan ko na nang loob si nico kaya minsan binabara ko siya. pero i'm oa na kasi nasasaktan na siya which is not good. nasasaktan din ako in a way na hindi na siya nagsasalita.

every night na kaming nagtatawagan ni nico. exactly 11pm ang umpisa nang conference namin hanggang any time sa madaling araw. masaya siyang kausap sa kadahilanang nag-eenjoy ako.
it's been 2 1/2 years since i had this feeling sa isang taong i barely know. pipigilan ko ba ulit ang sarili ko na maging masaya ulit? no way. i shoud have to make this thing to work.

until one time, isa sa mga conference namin bigla siyang naputol. hindi ko alam kung bakit. nagtampo ako kasi kasalukuyan kaming naghaharutan eh. nabitin ako kumbaga. (i'm having a boner that time - i guess you know what i mean.) kaya nang tumawag siya ulit ay hindi na ako na-excite pa. hindi ko sinagot yung tawag niya. nang mag-end, nagsend ako nang text message sa kanya informing him na matutulog na ako. isang maikling ok na may kasamang sad face ang sagot niya.

sino ba namang tanga ang hindi mabubwisit. although hindi niya naman kasalanan iyon, still naiinis ako. simula nang gabing iyon, hindi na madalas magparamdam si nico. sabi ko sa sarili ko, confirmed he's just another guy.

ginawa kong busy ang sarili ko at nag-rehearse ako. oo nga pala, i almost forgot. i have a wedding to attend this weekend and hindi pa nakahanda ang peace ko. oh my gosh! dali dali kong inilabas ang susi ko at ipinasok sa seradura nang pinto. now, i'm in my music room.

well, i find peace sa music room ko everytime nakikita ko yung mga gadgets na matagal kong pinag-ipunan. mukhang recording studio tong room. almost complete with the high tech stuffs and a soundproof wall. gumagawa ako nang mga recordings ko dito everytime na may nagrerequest.

hinanap ko yung mga pieces ko and agad ko naman itong nakita. hinawakan ko ito and played my minus one. tanging yaman, panunumpa, and would you believe i have a version of runaway. yan kasi yung mga songs na gusto nang mga ikakasal sa kanilang wedding. i added grow old with you, i do (cherish you), all my life and the way you look at me (my favorite song). bonus na yon since i know the groom and he's someone special.

everytime i do rehearsals, ni-rerecord ko ang mga iyon to see if everything was great. ala namang sablay except sa song na i do (cherish you) dahil parang kulang sa emotion. inulit ko nang inulit yung song hanggang sa mapili ko yung pinakamagandang version. mahilig kasi akong mag-iba nang tono.

masyado akong naging busy sa rehearsal kaya when i check my watch, it's almost 6pm na. it's time for dinner. i got out of the room, get my things and went straight to the kitchen. iniisip niyo siguro na napakalaki nang house namin or something like a mansion pero to disappoint you, hindi. isang simpleng bungalow lang yung bahay namin and my music room is yung dating bodega na kinonvert ko.

pag-check ko nang phone ko eh nagulat ako na i got 20 texts and i missed 10 calls. parang andami naman atang calls. when i checked it out, si nico pala yung tumatawag and most of the texts eh galing din sa kanya. nangungulit, nangungumusta, nag-aalala. naisipan kong magreply sa kanya thru text na lang kasi magsa-shower pa ako. sinabi ko na busy ako a while ago sa pagrerehearsse ko nang wedding song siya. dahil sa nalaman niya, kinulit niya akong bigyan ko daw siya nang sample. sabi ko, check his email kasi isesend ko na lang dun yung sample ko. natuwa naman ang mama sa sinabi ko at heto pa, may special request ang loko. pagdating daw nang wedding, tatawagan niya ako and i will let him hear the entire wedding. (pwede ba yun?)

time's really fast approaching and its the big day today for angelo (my ex-bf). i feel so happy that all at once, nakita ko siyang contented and very much happy wearing his tuxedo. he whispered something to me as i came in and shook his hands.

i love you still erik and i will miss you! thank you for coming and be my singer. isang ngiti and halik sa pisngi lang ang sinagot ko sa kanya. simpleng respeto sa mapapangasawa niya and sa almost 2years naming relation. alam kong mahal ako ni angelo pero mahal din niya si inah - his wife. wala na akong maramdamang kirot, everything has been expected and accepted.

habang inaantay ang bride, nag-rehearse muna ako ulit ng pieces ko. nakita ko kay angelo ang saya nang magiging isang asawa. nakatingin siya sa akin and ganun din ako sa kanya. naputol lang iyon nang mag-ring ang phone ko. gaya nang napag-usapan, papakinggang daw niya ang live performance ko.

mag-uumpisa na ang entourage dahil dumating na si inah. holy crap! sino yung katabi ni angelo. he stands 5"9"" siguro, maputi and so handsome. hindi din naman ako papahuli siyempre, wearing a tuxedo din kaya nga lang he looks so perfect. hindi maiwasang hindi ako panlambutan nang tuhod. pero guys, another story na siya.

when inah stepped her feet inside the church, the music begun to ring and i started to sing. hindi ko alam how will i feel pero somehow i'm feeling grateful that finally angelo would settle down. they're really good with each other and they will make a great family. *sigh.

and so the wedding goes on.

i checked my phone once again. may text si nico. narinig daw niya ang lahat and sinabi niya na parang kasali siya sa kasalan dahil sa tindi daw ng boses ko. napakaganda daw. siguro nga totoo kasi after my performance sa reception, someone approached me and he got my digits. he's a talent manager daw. many other approached me and congratulated me for a job well done. kinuha din ni best man number ko.

nung tinawagan ako ulit ni nico after the party, nagulat ako sa mga pinagsasasabi niya.

hi rik, great songs and i love you este it pala. heheh

hoy nico, trip na naman to. pero kinilig ako sa sinabi niya. thanks for the complement.

wala yun nuh. you deserve it.

moment of silence.

ahm rik, may gusto sana akong sabihin sa iyo eh.

sure, ano yun.

i have a boyfriend. hu-waaaaatttt?!

so? hindi ko pinahalata na nasaktan ako. siyempre para saan pa tsaka i'm not in the position.

i'm sorry kung ngayon ko lang nasabi.

wala yun tol. that's the first time i said tol sa kanya.

ayoko ko na kasing maglihim pa sayo. simula nung tinawagan kita, gusto ko nang sabihin sa iyo pero nagdadalawang isip ako kasi baka pag sinabi ko na sa iyo eh bigla kang magbago and i don't want that to happen kasi... kasi... kasi...

anong kasi? stop this drama or else! pagbabanta ko kasi nag-iba na talaga mood ko.

kasi mahal na kita. oo mahal na mahal. parang biglang tumigil ang pag-inog nang mundo sa mga sinabi niya.

no, you can't!!!

anong i can't?

you can't love me if you're already commited. maawa ka naman sa bf mo. wag mo siyang saktan.

pero anong gagawin ko? hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong mahulog sa iyo.

pero mali ito nico. maling-mali. ngayon pa!

anong ngayon pa?

i can't continue loving you gayong mayroon nang nagmamay-ari sa puso mo. i don't want to be the other guy here, i want to be the only guy. umiiyak kong sabi.

umiiyak ka ba rik? sorry kung nasasaktan ka dahil sa akin. mas mabuti nang ganito kesa naman patuloy lang kitang paglihiman.

the conversation we had ended to one solution. maging special friends kami despite na may karelasyon siya. pumayag ako sa kadahilanang natatakot ako na muling maramdaman ang feeling nang pagiging malungkot.

dumaan ang mga araw na mas lalo siyang naging sweet sa akin. maya't maya ang sabi niya nang i love you and ganun din ako sa kanya. i'm enjoying the feeling pero sa kabilang banda, i felt sad kasi hindi lang ako ang sinasabihan niya nang ganun.

we've been constant special friends for a month or so. may mga tampuhan moments na kami kasi nga one step higher na yung relationship namin. masaya pa kaming nagkwentuhan nung april 23 nang gabi then suddenly may nangyari. tumawag siya the following day.

rik, may sasabihin ako sayo. really important. kinakabahan ako pero hinayaan ko lang siya.

hiwalay na kami nang boyfriend ko.

bakit? anong nangyari?

nothing important, i fell out of love sa kanya.

at dahil ba iyon sa akin? assuming lang.

oo. lagi na lang kaming nag-aaway dahil sayo. sabi ko na eh.

so anong gagawin mo ngayon?

lalayo muna ako. hahanapin ko ang sarili ko. ewan, hindi ko alam.

ano ba naman yan nico! ayusin mo nga. ano ba plano mo?

plano ko? tuluyan ka nang kalimutan. nagulantang ako sa sinabi niya. may authority ang boses na lumabas sa receiver nang phone ko. ayoko nang maging pabigat pa sayo. ayoko nang ako ang maging dahilan nang mga sama nang loob mo. ayoko nang maging pabigat pa sayo. sabay putol nang linya.

hindi ako makapaniwala na sa isang iglap tatapusin na niya ang lahat sa ganun. napaka-unfair sa part ko iyon. naging tuliro ako. nagpost ako nang message sa blog ko para ilabas lahat ng mga sama nang loob ko. gustong kong basagin lahat ng pwedeng basagin pero nanaig ang pagiging rationale ko. pumunta ako sa loob ng music room at doon ko inilabas lahat ng hinanakit. sumigaw ako nang sumigaw. wala namang makakarinig sakin eh.

nang mag-calm down na ako, tumayo ako. nagplay ng music at kumanta. in this way, lalo pang gagaan ang dinadala ko. kinanta ko ang thanks to you. hindi ko siya nirecord this time dahil ayoko.

know what, until today naaalala ko padin si nico. binura ko na din yung facebook account ko (alter account) at nagpalit nang bago para maka-move on. ngayon mas lalo kong naintindihan na love really moves in mysterious way and in another perspective kasi kahit di pa kami nagkikita, kahit thru phone calls and texts lang kami minahal ko siya nang totoo and lubos. pero iyon nga ang napala ko. anyway, so much for the crying-over-spilled-milk drama. that was laready over. iba na ngayon. i ended up being happy, being with someone i just met at the wedding, being stonger than i used to be. no more silly talks on strangers over the phone. i've learned.

thanks for reading. Godbless..

'til here.

erik

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

watch out for the next post about erik... Love in Another Perspective Sequel...

1 comments:

bn said...

bongga. . . nakapggawa ka kaagad nang story hekhek