Stories beyond the normal norms are far way better; more exciting, more thrilling and more inspirational. Let's keep our stories alive!
Sunday, June 24, 2012
Give your Heart a Break iii
Nag-aanticipate ba ako ng kiss? Oo! Pero hindi pwede, ayoko magkasala kay Aljohn.
At hinalikan nga ako ni Mac sa ilong. Napadilat ako sa ginawa niya. Magkahalong relief at panghihinayang naramdaman ko. Panghihinayang? Why?
“Remember?” tanong nito.
Naguguluhan ako sa reaction ko pero napatango pa rin ako.
Naalala ko na noong kami pa, kapag nag-away kami lagi naming ginagawa na halikan sa ilong ang isa’t isa sa tuwing nakakagawa kami ng pagkakamali. Kung sino ang may sala ay siya ang hahalik. Ito ang paraan naming dalawa ng paghingi ng tawad.
“Thank you again for the chance Arjay.”
“You’re welcome.”
“See you around?” tanong nito,
“Yeah of course. So shall we call it a night?”
“Yeah. Good night dear old friend.” Wika nito.
Napangiti ako.
Everything’s going out just fine for now. It’s true na nangungulila pa rin ako kay Aljohn pero the thing between my ex-boyfriend and I are finally sealed and that’s already a reason for me to be happy.
Dumiretso na ako sa kuwarto at nahiga sa kama. Dina-digest ko pa rin ang bilis ng nangyari kanina. That’s the least thing I am expecting to happen pero God has His own way to end nightmares and what He did is really, really great. Napangiti ako.
Bumangon na ako at tinungo ang banyo para mag-shower dahil nakaramdam ako ng panlalagkit. While in the shower, ramdam ko pa rin yung saya sa nangyari kanina at nag-vibrate ito sa buo kong pagkatao dahil may pakanta-kanta pa ako habang sinasabon ang katawan ko.
Dinala ko ang kasiyahang iyon hanggang sa pagbibihis. Bigla akong may naalalang gawin, dapat matagal ko ng nagawa ito kung hindi lang dahil sa sobrang busy sa defense at kung anu-ano pang requirements bago maka-graduate. Inilabas ko na ang mga materials ko.
Isa-isa kong dinikit ang mga wallpapers sa kuwarto ko. Nothing much to be added dahil maganda na iyong material I believe. Gupit dito, dikit doon. I’m having so much fun. I should be sleeping at this hour of the day pero hindi kasi I’m energized and I cannot sleep. Wala rin naman masyadong gagawing makeover sa kuwarto dahil in the first place maganda naman ang structure ng room ko.
So rather than over dressing my room, have to keep it simple with a black toned paper with white streaks on it na parang kidlat that complements the cover sheet of my bed from Crates and Barrel. It’s so relaxing and I can’t help but to smile. I so love this creation.
Inayos ko na rin ang distortions na naganap sa buong kuwarto ko dahil sa ginawang pag-aayos. Hindi ko sinasadya na mahawi ang lamesitang pinaglalagyan ko ng picture naming dalawa ni Aljohn at nalaglag ito. Basag ang frame. Dali-dali ko itong pinulot at dahil sa pagmamadali ay nabubog ako. Kita ko ang mapulang likido na lumabas sa sugat. Nilinis ko muna ang sahig bago ko nilinisan ang sugat ko.
“I’m sorry Aljohn, nabasag iyong picture frame natin. Bili na lang ako ng bago bukas.” Wala sa sariling nawika ko.
Matapos kong malinis iyong bubog ay tuluyan na akong nahiga.
Ang weird ko. Naligo muna ako bago nagkabit ng wallpapers at naglinis ng kuwarto. Silly. Now, nanlalagkit na naman ako. Pahinga muna ako sandali then shower ulit. May pangiti-ngiting kumento ko sa inasal ko.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa may orasan ko at nakitang hatinggabi na. Nagtataka sa kung sino ang nagtext ng ganoong oras. Inabot ko ang unit ko sa lamesita.
1 message received.
Binuksan ko at nakitang galing iyon kay Mac.
‘Gudnyt dear old friend! Hav a great sleep. Thank you for the 2nd chance.’
Hindi na ako nag-reply dahil baka pag ginawa ko iyon ay mauwi na iyon sa magdamagang pag-uusap. Muli kong ibinalik ang awditibo sa kinalalagyan nito at muling dinama ang lamig ng unan. Sarap lang sa pakiramdam. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pansamantalang nagpahinga. Ngunit bago pa ako tuluyang tangayin ni Mr. Sandman ay nag-shower ulit ako.
Finally makakatulog na rin. Sabi ko ng matapos makabihis.
Nahiga na ako at natulog. Time check, 3:05am.
“Anak wake up. Andito si Mac.” Paggising sa akin ni mama.
“Hmmmmm.” Tugon ko dito at binalewala iyong sinabi niya.
“Dali na dyan at may pag-uusapan tayo.” Wika pa nitong medyo seryoso.
“Ma naman eh...”, tumingin sa phone ko, “...are you for real? 8:00 am?”
“Oo at kung hindi ka pa babangon diyan papauwiin ko bisita mo.”
“Babangon na.” Napilitan kong tugon dahil nakakahiya dun sa tao.
Papunta na sana ako sa banyo ng pigilan niya ako.
“Magkaibigan kayo ... ulit?” hindi napigilang tanong niya.
Nilingon ko lang siya pero hindi ko magawang magsalita.
“Kelan pa?”
Hindi pa rin ako nagsasalita.
“Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa iyo?” Medyo pikon nitong tanong combo pa ng nakakunot nitong noo.
“Pwede mag-brush muna? Maamoy mo pa hininga ko kakahiya naman sa’yo.” Sagot ko rito habang takip ko ang bibig ko. Natawa siya sa inasta ko imbes na magalit.
I don’t always have a choice. Nawika ko na lang sa isip at tuluyang pumunta sa banyo para maghilamos at mag-brush.
“Now what?” tanong ko rito ng makita kong naghihintay lang ito sa labas ng pinto matapos kong mag-ayos.
“I want to know everything.”
Buntong-hininga.
“Just a minute.” Sabi ko rito.
Nagpunas muna ako ng tuwalya at kita ko naman ang pagsunod nito ng tingin sa akin. Talagang naghihintay ito na magsalita ako. I don’t always have a choice. Muli kong naisaisip.
“Yeah, yeah. We’re friends again kagabi lang.”
“Why?”
“Ma, for old time’s sake. We’re friends before bago namin naisipang mag-level up.” Explain ko rito.
“Pero he’s the reason kung bakit muntik ka ng hindi makatapos noon and this.” Sabay taas ng kamay ko at pakita ng pilat sa aking wrist.
“Ma, that’s a very long time ago. See, graduate na ang baby mo with flying colors at buhay na buhay.” Pag-a-assure ko rito.
“Pero...”
“Ma, trust my judgment this time. Kaya ko na ang sarili ko tsaka you don’t want to see your baby na lampa and doesn’t know how to make decisions on his own right?”
Napatango na lang ito.
“So, stop being silly ma. Your baby’s a big boy na.”
“You’re never a big boy to me. You’re still a baby and ayokong nasasaktan ka. Mahal na mahal kita Jay.”
“Awwwww, I’m touched. Here, give baby a hug.” At inilahad ko ang mga braso ko.
Lumapit naman si mama at binigyan ako ng hug. Para kaming mg auto pero that’s how we converse.
“Ma, can I ask you something?”
“Sure.”
“Bakit ang drama mo ngayon considering na umaga pa lang? We still have more time today and yet inumpisahan mo sa kadramahan.”
“That’s just I am.”
“Wooshoo! Ang sabihin mo affected ka sa pinapanood mo gabi-gabi. Stop watching teleseryes hindi na bagay.” Suhestiyon ko rito.
“No way kiddo! Kailangan kong panoorin nangyayari kay Celine at Frank.” Pagkontra niya.
“Huh? Who?” naguluhan kong tanong.
“Si Kris Aquino at Albert Martinez sa Kung Tayo’y Magkakalayo iyon palibhasa puro libro inaatupag mo.”
“For real?” di makapaniwalang tanong ko.
“Uh-uh.”
“Grow up ma. You’re 32 years old so act like one.” Sermon ko dito.
“I am and still young tsaka andun kaya si Coco Martin.” Kita ko rito ang pagpula ng pisngi niya.
“Okay fine.” Nasagot ko na lang.
“So should I meet my visitor now?” tanong ko rito.
Pumormal na ulit ito bigla.
“Okay but I’ll watch you.”
“Ma!”
“I’m kidding.” Ngiti nito na may kalakip na pag-aalala.
“Fine.”
At tuluyan na nga kaming bumabang dalawa. Dumiretso na ito sa kusina habang ako ay tumungo sa sala para harapin siya.
“Wow aga mo naman. Ano meron?”
Sasagot na sana ito ng biglang nagsalita si mama.
“Mac, dine with us. Pasensya na at late na nagising itong batang ito.” Paanyaya ni mama.
“Ah eh no worries po. Napaaga lang kasi ako ng dating.” May pag-aalangang sagot nito.
Napaaga? Yeah right! Dapat natutulog pa ako ngayon. Sabi ng isip ko.
“So saan na nga ba ulit lakad niyo nitong si Jay?” tanong ni mama habang naghahain.
Lakad? Kami? Anong meron? Ano to? Nakatingin lang ako rito na may halong pagtataka.
“Actually po kasama kayo kaso inuna ko lang po sunduin si Jay birthday po kasi ni mama ngayon eh.”
Dali-dali namang kinuha ni mama cellphone niya at may binasa.
“Hala oo nga pala birthday ni Inday ngayon. Nakalimutan ko. Hala dalian mo dyan Jay nakakahiya kay Inday.” Pagmamadali ni mama sakin.
Muli ko tiningnan si Mac at kita ko rito ang pagsilay ng ngiti. Pinipilit nitong hindi matawa sa reaction ni mama. Napangiti na lang din ako.
“Ano pa nginingiti-ngiti mo dyan. Hala kain na ng makaligo ka na. Naku...” tuloy-tuloy na pagpapaulan ni mama ng bala sa akin. Naglakad na ako papunta sa lamesa.
“Relax ma, heto na kakain na ako at bibilisan ko rin para hindi nakakahiya kay tita Inday.” Sabi ko rito habang nagsasandok ng makakain.
Napansin ko na lang na hindi pala sumunod si Mac. Tinawag ko ito pero umiling lang.
“Ma, mukhang ayaw ni Mac luto mo o ayaw kumain eh.” Pagsusumbong ko.
Tumingin naman si mama sa kanya. Dali-dali itong tumayo. Natawa ako. Dumulog na rin sa hapag si Mac at nag-sandok ng kakainin niya.
“Babawi ako sa’yo.” Bulong nito.
Napansin ito ni mama.
“Ahem, bawal magbulungan sa harap ng pagkain.” Saway ni mama.
Napayuko ng ulo si Mac. Ang cute niyang tingnan pag nahihiya or napapahiya.
A harmless creature. Kumento ko.
Andaming tanong ni mama kay Mac. Kala mo nasa isang showbiz oriented talk show kami. Ano nangyari sa’yo, anong nangyari ke ganire. Si ano kamusta na. Blah blah blah. Normal na kay mama alamin ang lahat lalo na sa akin pero okay lang dahil sobrang love ko yan.
“Sige na Jay maligo ka na ako na bahala dito. Utang mo sakin paghuhugas ng pinggan ngayon.” Sabi nito habang nagliligpit.
“Okay.” Tugon ko rito.
Tumingin ako kay Mac na busy sa pagte-text.
“I’ll be quick Mac. Paantay na lang and sorry to keep you waiting.”
Ngiti lang tugon nito.
Umakyat na ako sa kuwarto ko para ihanda gagamitin ko.
Tees o sleeves? Sige t-shirt na lang. Hmmm, ano kaya magandang kulay dito? Heto na nga lang. What about yung pang-ibaba. Pants or shorts? Geez, ang hirap mag-decide. Pagkakuha ng isa at hindi nagustuhan ay ibabalik at mamimili na naman.
“Pants.” Lumapit ito sa cabinet ko at siya na mismo ang namili ng susuotin ko.
“Ma!” gulat kong nawika.
“I know matatagalan kang mamili ng susuotin that’s why I came here to help.”
“Matagal?”
“Yeah like 20 minutes already.”
“What?”
Tumango lang ito.
“No I can manage.”
“Shut up. Go at maligo ka na. I’ll fix your things here. Mga bata talaga ngayon ang babagal kumilos...”
Hindi ko na tinapos ang speech ni mama dahil naisip ko may point siya. Kailangan ko ng magmadali dahil sobrang nakakahiya na kay Mac.
“Ten minutes.” Sigaw pa ni mama.
Hindi na ako tumugon at tuluyan ng pumasok sa banyo at naligo. Just like the song goes, I did my best but I guess my best wasn’t good enough.
“11 minutes, 39 seconds and 78 laps.” Sabi ni mama na may hawak na stop watch.
“No way, I’m as fast as superman.”
Lumapit ito at pinakita iyong stop watch.
“That ain’t real. It’s not working.” Sabi ko rito at tumungo na sa kama para sana magbihis ng may maalala ako. “Ma, may you please?”
“Please what?”
“Get out of my room? Magbibihis na ako.” Malambing kong sabi rito baka umepekto.
“Why? Eh nakita ko naman na iyan. Ang liit nga eh. Mas malaki pa iyong sa bata sa kanto.” Pang-aasar nito sabay tawa. Badtrip!
“Excuse me. This is big and you know that.” May pagka-pikon kong sabi.
“Patingin nga?” Akma niyang aagawin iyong tuwalya ko.
Umiwas ako.
“Ma, stop that. It’s not funny.” Seryoso kong sabi sa kanya.
Tumatawa lang ito. Naghabulan kaming dalawa sa loob ng kuwarto ko. Nahuli niya ako at pinilit na tanggalin tuwalya ko pero hindi ako nagpatalo. Nagpambuno kami sa pag-alis niya ng tuwalya ko pero sumuko na rin siya dahil sa pagod.
“F-fix yourself. Aasikasuhin ko muna bisita mo sa baba baka nakatulog na sa kahihintay sa’yo.” Sambit nitong hinahabol ang hininga.
“Yeah kaya ma labas na.” At pinagtulakan ko na siya habang humihingal din.
Nang tuluyan ng nakalabas si mama ay nagbihis na ako. Isinuot ko iyong inalabas niyang damit. Ang ganda ng napili niya. Ibang klase talaga taste niya sa damit pati combinations.
I cannot live without her. Nasabi ko sa sarili.
Mahal na mahal ko si mama kaya naman lahat ginagawa ko para pagaanin ang loob niya. Siya na kasi nag-alaga sa akin at tumayong ama’t ina simula ng mamatay si papa dahil lumubog iyong barkong pinagtatrabahuan nito.
Binilisan ko na ang pag-aayos at sobrang nakakahiya na kay Mac. Dami kasing pinag-iisip eh. Bulong ng isip ko.
Bumaba na ako at nakita kong nanunuod pa rin si Mac. Lumapit ako rito at napansin kong hindi man lang ito nakilos kahit bahagya iyon pala ay natutulog na ito. Sinipat ko ang facial features niya. May katangusan ang ilong, mahahabang pilikmata, manipis na labi, makinis na mukha. Ang gwapo mo pa rin Mac.
May biglang umubo sa likod ko. Nagulat ako at inayos ang sarili.
“May boyfriend ka na anak. Be loyal and faithful.” Pagpapa-alala nito.
Napahiya ako. Buti na lang tulog ito. Napatango na lang ako. Ginising ko na si Mac para makaalis na kami.
“Ah, tita alis na po kami.” Paalam niya kay mama.
“Sige ingat kayo and pakisabi na lang kay Inday sunod ako mamaya.”
“Sige po.”
“Ma alis na kami.” Sabay halik at yakap dito.
“Wait Jay.” Sabi nito at umalis. Saglit lang ay may inabot itong pera sa akin. “Just in case.”
“Thanks ma. See you later and huwag masyado magpapakapagod huh.” Sabi ko rito.
“I will. Bye.”
“Bye ma, I love you!”
“I love you too.”
At tuluyan na nga kaming umalis ni Mac. Dala nito iyong sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa habang bumibyahe. Parang hindi ako sanay na tahimik siya kaya naman pinilit ko itong kinausap.
“Bakit hindi ka nagsabi kagabi na birthday pala ni tita ngayon?”
“Eh wala naman kasi sa plano na maghahanda siya eh kaso nasabi ko sa kanya na nagkita at nagkausap tayo kaya naman sabi niya imbitahan na rin kita although na-invite na niya mama mo.”
“Ah ganun ba? Pero bakit hindi ka man lang nagtext?”
“Mas maganda kung surprise.”
“Surprise ka dyan at dahil sa ginawa mong yan naghintay ka ng matagal at nakatulog sa tagal kong kumilos.”
“Sanay na ako dun at wala ka pa ring pinagbago sa pagka-pagong mo.”
“I’m proud of that.”
Nagtawanan kami at ng matapos ay katahimikan muli ang naghari.
“Ang sweet niyo ng mama mo.” Pagbasag niya.
“Yeah, ganyan talaga kami tsaka alam mo naman na siya na lang naiwan sa akin.” May himig lungkot na wika ko.
“Don’t tell me iiyak ka?” pang-aasar niya.
“No way. Ako pa ba iiyak? Di uyyy!” ganti ko rito.
Nagtawanan ulit kami and this time pinilit naming hindi matahimik para hindi naman boring yung biyahe namin papunta sa kanila. Di rin naman na nagtagal at nakarating na kami sa village nila. Parang ang tagal ng byahe pero kung tutuusin eh 10 minutes lang kung sa tricycle yun.
Ipinasok na nito ang sasakyan sa may garahe at bumaba na kami. May mangilan-ngilang bisita na rin akong nakikita. Sinisipat ko kung may mga kakilala ako o wala ng may mahagip ang tingin ko. Lalapitan ko sana ng hilain ako ni Mac papasok.
“Ma we’re here.”
“Ang tagal niyo naman.” Wika ng nanay niya.
“Happy birthday po tita!” pagbati ko rito sabay halik sa pisngi.
“Arjay, I miss you hijo. Buti napadalaw ka ulit. Tagal na nung huli mong bisita dito ah.” Sabay yakap nito sa akin.
“Oo nga po tita eh medyo naging busy po nung nag-college na.”
“Sabagay pero alam mo minsan kinukulit ko itong si Makko na dalhin ka rito eh. Na-miss kaya kitang bata ka.” Sabi nito na may kasamang pagpisil sa pisngi ko. “Hala, maiwan ko muna kayo rito. Asikasuhin ko muna iyong ibang mga bisita at ikaw asikasuhin mo iyang si Jay.”
Ngiti lang tugon ko rito.
“Sure thing ma.”
Nang makaalis na si tita ay tiningnan ko ito. Tumingin din siya sa akin. Sumilay sa akin ang isang nakakalokong ngiti.
“Why?” tanong niya.
“Wala naman . . . MAKKO!” sambit ko rito kasabay ng pagtawa.
Tumawa na rin ito at kiniliti ako. Iwas naman ako ng iwas. Para kaming mga tanga na naghahabulan sa loob ng bahay. Buti na lang at sa may bakuran nila gaganapin iyong salu-salo kaya hindi kami nakakaistorbo.
“Ang kulit mo Makko, tama na.” Sabi ko rito dahil hinihingal na ako.
“Ulitin mo pa akong tawaging ganyan at makakatikim ka talaga sa akin.”
“Talaga lang huh.”
“Oo.” Sagot niya habang nasa kabilang dulo ito ng lamesa sa kusina.
“MAKKO!” sambit ko.
Muli hinabol niya ako hanggang sa hindi sinasadyang may nabunggo ako. Dahil sa intense ng pag-iwas ko kay Mac ay muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nahawakan nung taong nabunggo ko.
“Ikaw?” sabay pa naming nasabi.
(itutuloy)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天
Post a Comment