Sunday, June 17, 2012

Give your Heart a Break ii



“H-how are you?” Tanong niya na may pagka-hesitant.

“I’m ok.” Simpleng tugon ko.

“That’s great to hear Arjay.” Mahina ngunit dinig kong sambit niya.

“How about you?” tanong ko na hindi man lang tumingin sa mukha nito.

“I’m doing just fine like you.” At ramdam kong humarap ito sakin.

Napatingin ako rito. Ngumiti siya, yung ngiting nagpaibig sa akin pero agad din akong nagbawi ng tingin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayong nagkita ulit kami. Tama bang makipag-usap ako sa kanya sa kabila ng ginawa niya sa akin? That was 4years ago pa.



“Arjay come over here.” Aya niya ng minsang magpunta kami sa may shrine malapit sa park.

“Saglit lang.” Tugon ko habang binabagtas ang mabatong daan papunta sa kinaroroonan niya.

“Ang tagal mo naman eh, dalian mo para makita mo pa iyong view.”

“Ang hirap kaya makapunta dyan sa kinalalagyan mo nuh.” May arte kong tugon.

Tahimik lang itong nakatingin sa malayo. Ilang saglit pa ay narating ko na rin ang puwesto niya at namangha ako sa aking namasdan.

“Ang ganda dito di ba?” tanong niya patungkol sa sunset.

Napatango lang ako. Hinawakan niya kamay ko.

“I love you so much Arjay ko! You’re my one, my everything!” Pagsigaw nito mula sa kinalalagyan naming dalawa.

“I love you too Mac ko! You’re my life, my world!” Ganting sigaw ko. Napangiti ako.

Iniharap niya ako at tiningnan sa mga mata.

“Mahal na mahal kita Arjay.”

“Ako man Mac.”

“Mangako tayong dalawa na tayong dalawa habang buhay at saksi ang araw sa magiging pangako natin.”

“Nangangako ako Mac. Ikaw lang at wala ng iba pa.”

Napangiti siya at hinagkan ako. Iyon ang naging takda sa pangako namin sa isa’t isa.



“Kamusta na kayo nung bf mo?” Naulinigan kong tanong ni Tonton na siyang bumasag sa pagbabalik-tanaw ko.

“Wala na kami.”

“Since when?”

“3 years ago pa.”

“Why? Dahil pinagpalit mo rin siya sa iba?” Walang kagatul-gatol na tanong nito. Bakas dito ang galit sa ginawa nito sa akin noon.

Umiling ito.

“Gaano kayo katagal?”

“1 year.”

“1 year lang?” may pagka-sarkastiko sa tinig nito.

Tumango ito.

“Tsk, tsk, tsk. Ipinagpalit mo ang apat na taon para lang sa isang relasyon hindi man lang napantayan yung nauna? Nakakaawa ka naman. Arjay’s a great catch pero binalewala mo. I pity you!” Galit na ito. Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang galit nito although nasabi niya noon na pag nakita niya ito ay uupakan niya. Sa inaasta niya ay mukhang pwedeng magkatotoo.

“Kulang pa yan eh...” patuloy na pang-aaway nito.

Literal na nanlaki mga mata ko sa inaasal ng kaibigan. Hindi ko ito napaghandaan.

“Tonton!!!” Pagsaway ko rito. Oo naiintindihan ko na maaaring may nabuong galit si Tonton para dito dahil sa mga kuwento ko noon pero hindi na to tama. That was a very long time ago.

“What?!?”

Kinausap ni Andrei ang nobyo.

“I’m sorry.” Iyon na lang ang nasambit ko.

“That’s fine. Hindi ko naman siya masisisi dahil mali naman talaga ako eh.” Kita sa maamong mukha nito ang pagtataka hindi dahil sa inaasal ni Tonton kundi sa alam nito. Bumuntong-hininga ito. “He did the same thing I did to you. I guess karma kicked me off.” Nakangiti nitong paglalahad.

“Yeah and you deserved it.” Galit pa ring turan ni Tonton.

“Shhhh.” Pagsaway ni Andrei.

Nagmamaktol na tumalikod ito sa katipan. Sinusuyo naman ito ni Andrei at pinagpapaliwanagan. Kitang kita mo sa mga ito na nagtatalo sila dahil sa sitwasyong kinasusuungan ko ngayon. Maya-maya pa ay nagpaalam ang mga ito na mamamasyal muna para bigyan na rin kami ng oras para mag-usap.

“I’m watching you.” Pagbabanta pa nito bago tuluyang umalis.

Katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa. Walang gustong magbukas ng topic.

Hindi rin siya nakatiis at siya na ang bumasag sa katahimikan.

“C-can I hold your hand?” may pag-aatubiling tanong nito.

Tumango lang ako at agad niya itong ginagap.

“I missed how I touch this hand at wala pa ring pinagbago. Malambot pa rin at napakasarap hawakan. It made me wonder why it came to me na palitan ka when the truth is hawakan ko pa lang ang kamay mo ay napapabilis na nito ang takbo ng puso ko hindi gaya ng sa kanya.” Sabi nito habang mariing hawak-hawak ang aking kamay.

Pinili ko na lang na hindi magsalaita ngunit ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Kinikilig ba ako?

“Arjay?”

“Hmmmm?”

“I’m really sorry if nagawa ko iyon sa’yo. You’re friend is correct, you’re a great catch pero ipinagpalit kita. I supposed you should not be talking to me right now after all pero I’m really grateful dahil hindi mo ako pinagtabuyan.”

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita.

“Tama ka. Hindi dapat kita kinakausap ngayon dahil sa ginawa mo sa akin noon. You don’t know how many sleepless nights ang pinilit kong kayanin just to make me realize na we’re over.”

Tahimik siya.

“I gave you my heart, my soul, my life pero hindi mo pinahalagahan. I’m so miserable that time lalo pa’t may mga nagbabalita sa akin that the two of you were a great couple. You don’t understand how I wanted to end my life that time.”

Tahimik pa rin siya.

“Pero somehow I thank you for doing that to me. I’m so young, so weak yet that incident made me stronger and smarter and that’s the time I met Aljohn, my boyfriend. Noong una ang gusto ko lang naman ay makabawi pero later I realized that I have found my new life.” At napngiti ako.

“Right and you deserve someone better than I am.” May panghihinayang sa tinig nito.

“Bakit?” biglaang tanong ko rito.

“Bakit ang alin?”

“Bakit bigla kang sumulpot ulit sa buhay ko?”

“I want to reconcile with you Arjay kahit friendship lang okay na sa akin.”

“Why?” Tanong ko ulit.

“Gusto kong bumawi sa’yo.”

“You don’t have to.”

“I have to.”

“Why?”

“Dahil gusto ko.”

Napabuntong-hininga ako. Naramdaman niya naman iyon kaya dumistansiya siya ng konti. Napangiti ako sa reaction niya. Pagtripan ko nga ito.

“Hindi ka pa rin nagbabago. Lahat ng gusto mo dapat makuha. When will you ever change?” tanong ko dito na may seryoso pa ring mukha.

“Pag naging friends na tayo ulit?” patanong na sagot niya.

I looked at him and once again I saw that same eyes na magpaparamdam sa’yo na you’re safe with me. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago nagsalita.

“Ang kulit mo pa rin.”

Tumawa itong nakakagago.

“Why?”

“Hindi ka pa rin nagbabago. You’re still giving out a sigh before you speak when we’re talking about something serious.”

Napangiti ako at napansin pa pala niya iyon.

“So will you accept me ‘again’ as a friend?”

“Hayyyy, ang kulit mo. Whatever! I always don’t have a choice.”

“You always have a choice.”

“And my choice is to give you another chance. Friends?” nawala na ang bigat sa dibdib ko. Na-let go ko na rin totally.

“Yippee!” parang bata nitong tugon.

“So can I have your number?”

“No, you can’t.”

“Why?” malungkot na tanong nito.

“Kasi pag kinuha mo wala na akong number.” Pagbibiro ko dito.

“Make sense.” Sabay tawa nito.

Sa totoo lang na-miss ko iyong tawa niyang iyon. Isi-nave ko number ko sa cellphone niya at agad naman niyang tinawagan ang telepono ko para mai-save ko rin number niya. Nagkuwentuhan na kami tungkol sa mga nangyari samin after niya akong iwan. Nagkwento pa ako ng tungkol sa relasyon namin ni Aljohn. Bagamat lumatay sa mukha nito ang lungkot sa tuwing nababnggit ko kung gaano na ako kasaya ngayon ay pinili na lang nitong maging Masaya rin para sa akin.

Ganun pala pakiramdam na naibuhos mo lahat ng sama ng loob mo sa taong dahilan ng mga pag-iyak mo noon. Gumaan ng sobra iyong dibdib ko. Alam kong nasaktan din siya sa ginawa niya sa akin pero hindi maipagkakailang ako ang dehado nung panahong iyon. Panay ang sorry nito.

“Sorry ka ng sorry. Magtira ka naman bukas.”

Tawa lang siya. “Ang kulit mo!” sabay kurot sa pisngi ko.

“Aray ko naman. Aba, sinasaktan mo na naman ako?” pagbibiro ko dito.

“Tse! Bakit kasi ang kulit mo.”

“Ganun talaga. Eh ikaw bakit ang tanga mo?” mukhang wrong move ako doon ah. Nakita ko kasing sumimangot ito.

“Sorry.” Pagpaumanhin ko.

“No, ayos lang.”

“Ayos lang pero nakasimangot ka pa rin.”

Ngumiti siya at mukha siyang tanga na ikinatawa ko.

“Bakit mo ako tinatawanan huh?”

“Basta ang dami mo namang tanong.” Tugon ko.

Nagtatawanan at nagbibiruan na kami ng bumalik si Tonton at Andrei.

“Looks like we missed something here eh.” Bati ni Andrei.

“Ah hindi naman. Nagkausap na din kasi kami sa wakas nitong gagong to kaya okay na kami pareho.” Tugon ko.

“Really?” Skeptic na tanong ni Tonton.

“Yeah, don’t worry, uhm...”

“Tonton, Arjay’s bestfriend.” Pagpapakilala nito.

“Don’t worry Tonton, I came here in peace. Ngayong okay na kami ni Arjay, tutulong ako sa pagpapasaya sa kanya while Aljohn’s not here.”

“Still, I’ll watch your moves.” Pagbabanta pa rin nito na ikinangiti ko naman. Mahal na mahal talaga ako ni Tonton.

“Oh by the way, I’m Andrei, Tonton’s boyfriend.” Sabay lahad ng kamay.

Inabot naman ito ni Mac at nakipag-kamay. “”Mac, Arjay’s dumbass ex-boyfriend slash friend.” Ngiti nito.

Nagustuhan ni Tonton iyong sinabi ni Mac kaya naman napangiti ito.

“Moving on, what’s your plan Arjay?” tanong ni Andrei.

“Hmmm, don’t have yet.”

“I have a great idea.” Pagsingit ni Mac.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

“Let’s watch a movie, my treat.”

“Ayun naman pala eh, ano pang hinihintay mo Arjay. Tumayo ka na dyan.” Utos ni Tonton na ikinatawa ko talaga. Bigla kasing nag-shift mood ito.

“Heto na nga oh.” At tumayo na nga ako.

Umakyat na kami sa moviehouse at namili ng papanuorin. Ang daming magagandang palabas ngayon pero iisa ang tumatakbo sa mga isip namin ni Tonton.

“Toy Story 3!” Sabay pa naming sigaw.

Pumila na si Mac habang kami namang tatlo ay nagku-kwentuhan. Maya-maya ay nagpaalam si Andrei na bibili lang daw ng pwedeng kainin habang nanunuod. Hindi naman gaano nagtagal si Mac at may hawak na itong apat na tickets.

“Nasaan si Andrei?” tanong niya.

“Bumili ng pagkain.” Tugon ko.

“Ah ganun ba, ako na sana ang bibili eh nakakahiya naman.”

“Anong nakakahiya dun eh ikaw na ang manlilibre ng ticket.” Si Tonton.

“Eh gusto ko kasing bumawi kay Arjay kaya dapat sana ako ang taya.”

“Oh sige pagbalik niya papabayaran ko nagastos niya.” Seryosong tugon ni Tonton.

Tinaasan ko ito ng kilay. Ngumiti lang ito na wari mo’y may pinaplano. Maya-maya nga’y dumating na si Andrei na may hawak na pagkain.

“Dude, iyong resibo?” bungad na tanong ni Mac.

“Huh? Bakit?” takang tanong ni Andrei.

“Babayaran ko.”

Nagtataka ito sa inaasal ni Mac kaya ipinaliwanag na ni Tonton kung bakit nagkakaganon ito.

“No need, this is my share.”

“Pero...”

“No buts shall we?” paggiya nito.

Tumuloy na nga kami. Maganda iyong puwestong napili ni Mac dahil hindi masyadong malayo, hindi rin malapit. Kanya-kanya na kaming upo at habang hindi pa nag-uumpisa ang palabas ay panay pa rin ang kuwentuhan naming apat.

Kapwa kami natahimik ng nagsimula ng i-roll ang palabas. Puno ng tawanan at maya-maya ay katahimikan ang bumalot sa amin kasama ng ilang mga manunuod din.

Pasulyap-sulyap naman ako sa dalawa at gaya nga ng inaasahan ay sweet ang mga ito. Walang pakialam sa iisipin ng iba sa kanila. Nakaramdam naman ako ng inggit. Muling ibinaling ko ang tingin sa big screen ng maramdaman kong isinasandal ni Mac ang ulo ko sa balikat niya.

Nagtataka ako sa gawi niya kaya naman tumingin ako rito. Matama niya akong tinitingnan. May assurance sa mga titig niya na nagsasabing I am here kaya naman pumayag na ako sa gusto nito. Naging ganun ang setups naming apat hanggang sa matapos ang movie.

“Grabe ang ganda talaga ng Toy Story. Pinaiyak na naman niya ako.” Kumento ni Tonton.

“Yeah especially when Andy gave all of his toys including Woody and Buzz dun sa girl.” Dagdag ni Andrei.

“Ibang klase iyong nabuong friendship sa kanila, nakakainspire.” Sambit naman ni Mac.

Matapos nito magsalita ay tumahimik ang mga ito. Napatingin ako sa kanila at lahat sila ay nakatingin din sa akin.

“What?” tanong ko.

“Wala ka man lang bang comment sa pinanood natin?” tanong ni Tonton.

“Ah, eh, maganda iyong movie siyempre.” Walang kwentang tugon ko.

“Nonsense bhest. Lumilipad na naman siguro isip mo ano? Earth calling Arjay! Earth calling Arjay!” wika pa nito sabay alog sa ulo ko.

Natawa naman ako. Oo nga naman parang wala na naman ako sa sarili ko. Kung anu-ano kasi pumapasok sa isip ko. Ang pagbabalik ni Mac, ang pagiging magkaibigan namin, ang sweetness niya. Hayysss, sumasakit ulo ko!

“Hoy bhest!”

Nagulat naman ako rito.

“Oh?”

“Hay nako, wala ka nga sa katinuan.”

“Sorry. Oh ano na?”

“Una na kaming uwi ni Andrei at tumawag si nanay.”

“Ganun ba? Sabay na ako sa inyo.”

“Paano si Mac?” tanong nito.

“May sasakyan ba kayo?” tanong ni Mac.

Umiling kami.

“Tara hatid ko na kayo.”

“Okay, makakatipid kami nito.” Nagbibirong sagot ni Tonton.

At iyon nga hinatid kami ni Mac. Inuna niya sina Tonton at Andrei. Pumasok muna kami sa bahay nila para magpakita na rin kila nanay at tatay.

“Hindi na ba kayo kakain?”

“Hindi na po nay. Kumain na rin po kasi kami kanina eh bago kami umuwi.” Sabi ko rito.

“Ah ganun ba? O siya ingat kayo sa pag-uwi.”

“Salamat po.” At nagmano na ako rito pati kay tatay.

Inihatid naman kami ni Tonton sa may labasan.

“Hoy Mac, ingatan mo tong best friend ko huh. Malaman ko lang na sinaktan mo to, humanda ka sa akin.”

“Lakas makababae ng habilin mo bhest huh.” Pagbibiro ko rito.

“I just want to make sure na makakauwi ka ng walang nangyayaring masama.”

“I promise.” Assurance ni Mac.

“Good. I have your word for that.”

Napangiti na lang si Mac. Nagyakapan muna kami bago kami tuluyang umalis.

Habang nasa byahe ay hindi ko pa rin mapigilang mag-isip. Napakagaling kasi ng pagkakataon, kung kailan ako malungkot ay saka siya darating.

“Arjay, thank you.”

“Saan?”

“For the chance.”

“Everybody deserves a second chance Mac tatandaan mo yan and besides hindi na tayo bumabata. Let’s promote world peace.” Litanya ko.

Natawa naman ito sa huling sinabi ko. Ilang kuwentuhang kutsero ang pinagsaluhan naming dalawa bago kami tuluyang nakarating sa bahay.

“Aba, parang ang tagal ng byahe. Nilibot ata natin tong lugar natin ah.”

Tumawa lang siyang nakakagago.

“Hay naku, o siya. Thanks for the time and I enjoyed it.” Sabi ko.

“Thank you din Arjay. Hindi mo lang alam pero pinasaya mo ako ng sobra.”

Akmang bababa na ako ng pigilan ako nito. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Bigla ako napahinto. Ina-anticipate ang pwedeng mangyari.

Papalapit na ng papalapit ang mukha niya. Para namang nag-slow motion ang galaw nito. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako at naghintay sa susunod niyang gagawin.

0 comments: