Wednesday, July 27, 2011

Torn Between Two Lovers? ix

Kakatapos lang naming panuorin nun yung DVD na dala niya at napag-isipan naming umorder na lang ng makakain kesa magluto pa ako.

“Kuya anong gusto mo?” Bigla niyang tanong.

“Gaya nang iyo.” Simple kong tugon.

“Ah okay kuya. Order lang ako saglit huh.”

“Sige.”

Inilabas niya phone niya at nag-dial. Narinig ko na lang na sa McDo pala siya tumawag. Matapos niyang ibaba yung phone eh tinanong ko agad siya.

“May float ba tsaka large fries?”

“Oo naman kuya. Hindi mawawala yun.”

“Yes!!!” Parang bata kong sagot sa kanya.

Tatawa-tawa naman si Francis habang pinagmamasdan ako.

Nagkukulitan pa kami nang may biglang kumatok sa pinto. Agad naman itong pinuntahan ni Francis at hindi nagtagal ay bumalik na ito agad.

“Tsaraaaaannn!” Sabay labas ng inorder niya.

Nag-asal bata naman ako na may papala-palakpak pa habang inaabot yung float tsaka fries.

“Francis, lapit ka.” Seryoso kong sabi.

Napakunot noo siya sa sinabi ko.

“Don’t worry, wala akong gagawing masama sa’yo.”

Lumapit naman siya agad. Sumandal ako sa balikat niya.

“Thank you huh.”

“Saan kuya?”

“Sa mga moments na ganito. Sa mga panlilibre mo, sa mga pagpapasaya mo sa akin.”

“Wala yun kuya. Masaya naman ako sa ginagawa ko kaya okay lang sa akin.”

“Hmmmm.”

“Bakit kuya? Hindi ka ba nag-eenjoy?”

Isang kamay ang lumanding sa ulo niya.

“Aray ko huh!”

“Loko ka kasi eh. Mukha ba akong hindi nag-eenjoy?”

Natahimik siya. Gayundin ako. Naramdaman ko na lang na may nakaambang fries sa bibig ko. Napatingin ako dito. Sa halip na ngumanga ay dinampian ko nang halik yung mga labi niya.

Napapikit na lang ako sa ginawa ko. May dulot talagang sensation ang halik na iyon.nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay nagpakawala ito nang matamis na ngiti. Natawa ako bigla kasi nakaamba pa rin yun fries. Natawa na rin siya.

Ang siste, susubuan niya ako nang fries at ganun din ako. Salitan kami. May mga times na trip naming pagsabayin. Nasa ganun kaming eksena nang may magsalitang babae.

“Ayieee, hon ang sweet nilang dalawa oh!”

Bigla naman kaming naghiwalay ni Francis. Kabadtrip. Di man lang nagpasabi na uuwi na sila agad.

“Kuya, ate, meryenda po tayo.” Nahihiyang sabi ni Francis.

“Naku hindi na. Sige lang. Kakatapos lang din naman naming kumaen eh.” Pagtanggi ni Jessa.

“Ah, ahm, ang bilis niyo naman? May naiwan ba kayo?” sabay tayo ko na may hinahanap kunwari.

Hindi ko kaya yung mapanuring tingin ni Arnel sa akin kaya nagpaalam ako na may kukunin lang sa kuwarto. Isasara ko na sana yung pinto nang may humarang na kamay dito. Pagsilip ko, patay.

Nagkunwari naman ako na parang inosente. Pumasok siya sa loob. I composed myself.

“Yes, anything?”

“Could we talk?”

“We’re already talking.”

“Yung tayong dalawa lang.”

Inisip ko na baka naghihintay na si Jessa sa labas.

“Ahm, some other time na lang. Ayaw ko naman na istorbohin kayo ni Jessa.”

Tumahimik muna siya bago nagsalita.

“Kami o baka ayaw niyo maistorbo intimate moments niyo niyang bisita mo?” With emphasis sa salitang moments.

Medyo nainsulto ako.

“You don’t have any concerns kung ano man yung ‘moments’ namin ng bisita ko dahil bahay namin ito and I have the sole rights kung paano ko ie-entertain mga bisita ko.”

“So that’s your treatment sa akin. Bisita ako rito ah.”

“Bisita yourself! You always slam the door open as if you own this house and yet bisita?”

“You’re being rude na sa akin Dhen. Bumabalik ka na naman sa dati. Is this how you really wanted?”

“Wanted what?”

Nagsusumbatan na kaming dalawa but we kept our voices low pero ramdam pa rin yung intensity nang bawal salitang lumalabas sa mga bibig naming.

“As if you’re itching to kick me out of your life!”

“Anong sinasabi mo?”

“Ramdam ko naman eh. Ramdam na ramdam ko na habang tumatagal lalong tumitindi yung panlalamig mo sa akin. Bakit Dhen? May problema ba tayo?”

Ayoko sumagot dahil ayoko magbreakdown.

“Ano Dhen, bakit hindi ka sumagot?” Hindi na niya napigilang yugyugin ako.

“Marami Len!! Sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano ko pa iha-handle!”

“Kaya ba ginagawa mong escape goat si Francis? Hindi ka na naawa sa tao.”

Tiningnan ko siya nang masama.

“How dare you! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Ni hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ko para sabihin mong pampalipas oras ko lang si Francis! Gusto mong malaman yung totoo? Fine! I want to get rid of you Len! You’re hurting me so much. Kumplikado ka masyado. Hindi ko hahayaang masaktan mo ulit. Once is enough.”

Nabigla siya sa naging reaction ko. Agad niya akong niyakap. This is why I hate dramas.

“I’m sorry for making things so hard for you. Ako rin nahihirapan. We could make things work out. Pro---”

“Hon okay lang ba kayo ni Dhen dyan?” Naputol yung sasabihin niya dahil sa tanong ni Jessa sa labas.

Kumalas ako sa yakap niya. “Leave.” Malamig kong sabi.

“Babalik ako. Hintayin mo ako. Mag-uusap pa tayo.”

“Saka na. Ayaw muna kita makausap.”

Malungkot siyang lumabas ng kuwarto. Dali-dali ko naman inayos sarili ko at naghalughog ng pwedeng gawing alibi nang maalala ko na may binili pala akong brownies para kay Francis.

“Anything wrong kuya?” Bungad ni Francis pagkalabas ko nang kuwarto.

“None. Why?” Sabay abot ng box ditto.

“You seemed uneasy. Come on tell me.”

“Wala Francis, promise.” Sabay taas ng kamay na nagpa-promise talaga.

Alam kong hindi siya convinced kaya naman I flashed him a smile.

“If you’re ready I’m willing to listen kuya.”

Bumuntong-hininga lang ako.

“Hala, yung float ko!” Dinukwang ko yung inumin. “Inubos mo fries ko?”

“Oo kuya. Sayang eh, lumamig na kasi.”

“Aww, sayang naman. Di bale, atleast nabusog ka naman.”

“Hus style mo bulok!”

“Bulok pala huh.”

At inulan ko siya nang kiliti. Malakas kiliti niya sa batok kaya yun pinuntirya ko. Hindi sinasadya na napatid ako at napasubsob ako. Natahimik siya. Ang tagal ko kasing hinalikan yung floor. Todo concern naman siya. Kunwari naman ako na nasaktan talaga.

“Kuya, okay ka lang ba?”

Ungol lang ako.

“Hala, kuya. Saan ang masakit?”

Tahimik.

“Kuya!”

Natatawa ako sa reaction niya kaya hindi ko na napigilang tumawa. Nagulat siya sa reaction ko pero tumawa na rin siya.

---


“Kuya, sa sunod ulit huh.”

“Yeah, anytime basta i-text mo na lang ako.”

“Opo kuya.”

“So, see you soon?”

“Yeah.”

“Ingat sa pagda-drive huh.”

“Opo kuya. Text kita later when I got home.”

Ngiti na lang ako.

“Ngayon ka lang uuwi?” Si Arnel na sumulpot sa kung saan.

Ang bilis ko nagshift mood. Ang bastos kasi nang dating sa akin eh.

“Opo kuya eh.”

“Ingat.”

At umalis na nga si Francis.

Dire-diretso lang ako sa loob. Bahala na siya kung papasok siya o hindi. Labas pasok na nga yan dito sa bahay eh.

“Asan sila tita?”

“Wala.”

“Si bunso? Si ate?”

“Wala.”

“Ikaw lang nandito?”

Tiningnan ko lang siya. Gusto ko na ngang sugurin eh kaso nagpaka-civil na lang ako. Tama ba naman na tanungin kung ako lang ba ang nasa bahay. Stupidity kills.

Ramdam pa rin sa pagitan namin yung tension mula kanina lalo na sa akin.

“Hindi mo pa rin ba ako kakausapin ng matino?”

“Bakit ka nandito?”

“Don’t answer me with a question.”

A gave him a dumb look.

“Please usap tayo. Ayusin natin to.”

“Ayusin? Wala naman tayong dapat ayusin in the first place. Lumalagay lang ako sa dapat paglagyan. I don’t want to interfere with your affairs.”

“Meron Dhen. I’m losing my best friend and I want to win him back.”

“You’re not losing him. Ginagawa niya lang yung dapat niyang gawin for his BEST FRIEND to be happy.”

“But his doing the other way around.”

“Ano ba dapat niyang gawin? Tugunin yung nararamdaman mo? Ang maging kabit? No way Len. Hindi niya gagawin yun.”

“Kabit? Hindi ko inisip na gagawin kitang kabit Dhen.”

“Eh ano?”

“Hindi ko alam.”

Tahimik.

“Am I asking too much?”

“Oo.”

“What do you want me to do? Do you really want to get rid of me?”

“No.”

“Then ano?”

“I want you to be still with your girl. Tama na muna yung affection mo sa akin. Nahihirapan ako, nasasaktan, nagi-guilty. Ayaw mo naman siguro yun di ba? Bigyan na muna natin ng space yung friendship natin. Let’s focus to one situation at a time para iwas complication.”

“Hindi ko maintindihan yung hinihingi mo Dhen pero promise me one thing. Babalik ka. Hindi mo ako iiwan forever. Kasi ako maghihintay ako, I don’t want to lose you. Special ka sa akin.”

“Promise.”

Yumakap siya.

“I’ll wait.”

Nagpaalam na siya pagkatapos. Ang bigat dalhin sa dibdib kasi unang beses kong hiniling sa kanya na pansamantalang layuan ako. Yung yung naisip kong win-win solution and sana tama ako.

After some time, namimiss ko ang best friend ko. But I have to stand on my grounds na kailangan ko nang putulin ang ugnayan namin. It’s more than unfair sa girl friend niya mas lalo na sa akin. I don’t want to be hurt anymore.

History always repeats itself even a thousand folds. Kainis.


(itutuloy…)

6 comments:

silhouette said...

ayan!!
may update na!! :D
pero bitin pa din.. :))

Mr. Brickwall said...

WOAH! I hate people like Len. So selfish of him! tsk! Kung mahal mo dapat sabihin mo, PANINDIGAN mo! Kung di mo kaya, wag mo na sya pahirapan pa, linawin na agad, para walang umaasa.

Sana mas mabilis update nito gaya nung the letters. :))

rham jairus said...

Ang tagal kong naghintay sa update nito haha more more more update hehe!

Anonymous said...

sa wakas my update na sana magkaroon din you soulmate checkmate kahit bitin ok lng tagal na din noon

sobra talaga nakakasabik ang mga kwento di na ako makapaghintay araw araw ko binubuksan ito kung may updat na hehehheh

Ganda ng blog stories and series More power to you all!!!

Jasper Paulito said...

this happened to me... really. he's happily married now but we still manage to see each other once or twice in a year. nasa abroad kami pareho pero magkaiba ng bansa. best of friends pa rin kami. walang nangyari at walang nangyayari each time na nagkikita kami pero the closeness, yong akbay niya, yong minsan susubuan pa niya ako... nandiyan pa rin. we share pa rin sa ice cream, we sometimes eat sa same plate. sweet pa rin siya.his wife knows we are very close pero hanggang doon lang... i have feelings for him pero i am not expecting anything from him. just the friendship... and thank heavens, bff kami. nangyari rin sa amin ang selosan. ako sa girlfriends niya, siya naman sa mga kaibigan kon boys. hahaha.

thanks Dhenxo... this story reminds of me and my best friend.

Kevin Dhale said...

Gusto ko maiyak dun sa best friend part... One week ago, nagalit ako ng sobra dahil may di nagawang maganda sa kin ang best ko. Ako naman ay maunawain pero sawa na din akong masaktan at magpatawad ng paulit-ulit habang siya ay paulit-ulit na nangangako na di na uulit... Ganyang ganyan, di ko alam kung ano talaga ako sa kanya, kung totoo ba siya sa kin kasi it seems di niya ko sineseryosong best friend. Pero alam ko ding ako best nia,, Humiwalay ako sa kanya hanggang ngayon pero i miss him... hay.