Monday, July 18, 2011

The Letters 5

WRITER:Unbroken/Rovi

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.







March 18,2009

Ang lamig. I feel so cold. Tama ba naman kasing magpaulan nung uwian. Pakiramdam ko magkakasakit ako. Di to maganda.


I laid to bed and tried to rest. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Di na to mganda,maybe dapat akong umabsent bukas. Kahit na di maganda ang pakiramdam ko at parang aapuyin na ako sa lagnat,masaya pa rin ako. Bakit? Kasi nakita ko ang concern sakin ni George kanina.


* * *


Kaninang hapon..


Kitang-kita ko ang pagpupuyos ng kamao ni George. Nagtataka ako kung bakit umupo sya sa kanan ko,dapat sa kaliwa sya at di sya dapat mangagaw ng pwesto. I looked at him for a second,tumama ang mata nya sa akin at nabanaag ko ang galit dito. Di ko alam kung sakin ba sya galit or may pinagdadaanan sya. Ilang beses kong narinig ang pagdadabog nya sa station pero di ko naman pinansin. The Hell I care.


* * *


“Bakla! 11:30 na! Out na!” sigaw ni Allyna na isa sa mga kaclose ko na sa office.


Si Allyna ang matatawag nating babaeng bakla. Babae,pero bakla kung bumanat. May kaliitan at may kaputlaan ang kanyang kulay pero wala kang mapipintas sa ugali. Winner sa kabaitan at tunay na kaibigan. Yung nga lang mahaba lang talaga ang kanyang baba.


“Yes. Uuwi na ako. I mean tayo.” sagot ko rito.


“Oo te. Gora pandora na tayo.” masiglang sabi nito.


“Yes.”


Nagbadge-out na kami at sumakay na ng elevator. Kung minamalas ka nga naman,kasabay ko sa elevator ang mayabang at masungit na si George. Buti nalang at iilan lang kami sa elevator kaya di siksikan at makakapagcartwheel ka pa sa loob. Kasabay rin namin si Allyna.


“George,san ka nga pala umuuwi?” tanong ni Allyna kay George.


“San Mateo.” sagot nito sabay ngiti kay Allyna.


Nagtama ang aming mga paningin at kaagad syang umiwas,sabay kuyom ng mga kamao at nagpakawala ng isang hininga.


“Okay ka lang George?” tanong ni Allyna.


“Yep. Okay naman ako. Medyo iritado lang.” sagot nito.


Nakaramdam ako ng kakaiba dun sa “medyo iritado lang” na sagot nito. Pakiramdam ko ako ang pinatatamaan. Nakakainis. Bakit ba ako nagkakaganito?


Napansin ni Allyna ang pagtahimik ko. Tumingin ito sa akin at nagwika.


“Te? Anong problema? Meron ka din ba ngayon? Para kang si George.” sabi nito sa akin.


“Gaga. Wala. Kakatapos ko lang nung isang araw,ang lakas nga nga tagas eh.” pagbibiro ko.


Nakita kong ngumiti si George sa nasabi ko. Tumingin ako dito,nakita nya na nakatingin ako at bigla nyang tinanggal ang ngiting nakaplaster sa kanyang mga labi. Naconfirm ko na,sa akin nga naiinis si George. Di ko sya masisi dahil mali rin naman ang ginawa kong pagsara ng elevator sa kanya. Pero masisi ko ba ang sarili ko na nainis ako sa nakita ko? Di ko alam kung ano bang nararamdaman ko. Nagseselos ata ako. Putangina.


“George,kilala mo na ba yan si Chris?” tanong ni Allyna.


“Bakla yan.” pabirong dagdag nito.


“Yep. Kateam ko sya,nakilala ko na sya.” malamig na sagot ni George.


“Chris,te? Ikaw? Kilala mo na ba yang si George? Bakla din yan.” sabi ni Allyna.


Bakla din si George? Pero bakit may GF? Bisexual? Silahis na nagbabagong buhay na?


“Oo. Kilala ko na. Pinakilala na ni TL Mary sa amin.” sabi ko sabay gawad ng isang ngiting plastik.


At bumukas na ang elevator. Parang batang nakawala ang mga nasa loob. Agad na nagsitakbuhan papalabas ng building. Napahinto lang nang makitang malakas ang buhos ng ulan.


“Ayy bakla. Umuulan,magbagong buhay ka na daw para huminto ang ulan.” sabi ni Allyna.


“So ano? Kakain na ko ng pekpek? Ganun?” sagot ko.


“Why not! Tignan mo si George! Nagpapakatino na!” sabi nito sabay bato ng tingin kay George.


“Oo naman. Mahal na mahal ko si Joy.” sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.


“Ikaw na ang may pechay!” sabi ni Allyna.


Tumawa kami. Ilang segundo pa ay di pa din matinag ang ulan. Nagaalangan na ako kung paano ako uuwi dahil wala akong payong. Bumeso na si Allyna at ang kanyang nobyong si Patrich.


“Te,una na kami ha? Sabay ka na kaya. Wala ka bang payong?” tanong nito.


“Wala eh. Sige na mauna na kayo. Kaya ko to.” sagot ko.


“Sure ka ha?” sabi nito sabay hawi ng bangs.


“Oo naman.” sagot ko.


“Eh ikaw George. May payong ka ba?”


“Wala eh. Sige mauna na kayo.” sabi nito kay Allyna.


Ano ba yan? Bakit pareho pa kaming walang payong? Nakakainis. So maiiwan kaming dalawa dito sa lobby sa pagaantay sa paghupa ng ulan? Ganun na yun? Parang ayoko. Di ko gusto. Bahala nga.


“Sige George at Chris. Mauuna na kami ha? Magsabay nalang kayong dalawa pauwi.” sabat ni Allyna.


Tumango kami in unison. Then there's an awkward silence. Wala pa ding nagsasalita sa aming dalawa. At wala din akong planong mauna. Manigas sya. Nanatiling walang kakibo-kibo si George. Patuloy ang paglakas ng ulan,galit na galit ang langit. Parang natatakot na ako umuwi.


Parang istatwang nakatayo si George sa lobby. Tumingin ako sa kanya pero di sya nakatingin. Dahan-dahang akong lumabas ng building kahit na malakas ang ulan. Tumakbo ako habang patuloy na nakikipaglaban ang aking katawan sa malalaki at malamig na patak ng ulan. Ilang segundo pa ay basang-basa na ako. Nagaantay ako ng taxi pero walang dumadating. Hindi na to maganda.


“Putangina naman Chris oh! Gago ka ba? Bakit ka naliligo sa ulan?” sigaw ni George sabay takbo papalapit sa akin kasama ang kanyang payong.


Tumingin lang ako sa kanya. Tumabi na ito sa akin at pinayungan ako sa gitna ng malakas na ulan.


“Akala ko ba wala kang payong?” tanong ko.


“Pinauna ko lang sila Allyna.” sagot nito.


“Bakit ka nagpapaulan?” naiinis na sabi pa nito.


“Bakit ka ba naiinis?” tanong kong nanginginig.


“Wala!” sigaw nito sakin.


“Fine.” sabi ko sabay irap.


Di ko maintindihan kung bakit parang kinikilig ako sa nangyayari. Pamura-mura pa sya pero alam ko naman na concerned sya akin. Di nya pa aminin. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng kalsada habang nagaantay ako ng taxi. I felt his left hand touch my shoulder. It felt great.


“Ayan na. Basang-basa ka na Chris! Ang tigas tigas kasi ng ulo mo!” sigaw nito sa akin.


Tumingin lang ako sa kanya. Nanginginig ang aking panga.


“Ihahatid na kita sa inyo!” sabi nitong pagalit.


“Kaya kong umuwi. Salamat.” sabi kong mahina.


“Hindi ihahatid nga kita!”pagtutol nito.


May dumaan na taxi at agad kong pinara.


“Salamat sa pagpayong George.” sabi ko.


At nagmadali akong sumakay ng taxi.


“Manong,kapitolyo.”


Till next time,
Chris

0 comments: