Wednesday, July 27, 2011

The Letters 7

WRITER:Unbroken/Rovi

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.










March 20, 2009

Journal,


Madaling araw na pero di pa din ako makatulog.Di ko malaman kung anong nangyayari. I feel better dahil nakapagpahinga ako at naalagaan naman ako nung nurse sa clinic. Masaya din ako dahil kahit papaano bumaba ang lagnat ko at di na ako masyado nagchichill unlike kanina nang pumasok ako sa office. Nakita ko ang aking sarili sa salamin,mukha akong may sakit pero di pa rin naalis ang nakaplaster na ngisi sa aking mga labi.

“Bakla. Oh bakit pumasok ka pa kanina sa office? Eh may lagnat ka na nga?” sabi ni Kevin na aking officemate/roommate

“Bebegirl. Kailangan eh,alam mo naman na kailangan kong pumasok at magagalit ang mga Koreano pag absent ako.” sabi ko.

“Sabagay. Pero how are you feeling na ba bakla?” tanong ni Kevin sa akin.

“Medyo okay na naman ako. Nakapagpahinga na ako sa clinic kanina.” sabi ko sa kanya.

“Malanjutay ka. Kaya ka lang masaya kasi balita ko si George ang nagdala sayo sa clinic.” pangaasar nito sa akin.

I really couldn't help but to giggle nang marinig ko ang sinabi ni Kevin. Di ko alam pero parang may kuryenteng dumidila sa katawan ko sa twing maririnig ko ang pangalang George. Di ko maiwasang di kiligin at obvious na obvious sa akin. Nakakahiya.

“Bakla nagbablush ka oh!” pangaasar ni Kevin.

“Bebegirl hindi ah! Ang OA mo!” depensa ko

“Ayan oh! Icheck mo sa salamin!” Agad nitong dinampot ang pink na kwadradong salamin at itinapat sa mukha ko.

“Ayan! Namumula ka!” sabi pa nito.

“Ha? Hindi ah! Grabe ka!” sabat ko.

“Eh ano yan? Namumula oh? Nagmaxipeel ka?”

Tawanan.

“Oo na. Dinala ako ni George sa clinic. Masaya ka na?” sabi ko

“Kaloka ka. Namanchi! Kaso bakla may pechay si George no. Paano ka? Number two ka ganun?” sunod-sunod na tanong nito.

“Bakit kami ba? Di naman ah.” sabi ko.

“Di nga kayo,pero mukhang nagugustuhan mo na sya.” seryosong sabi nito.

“Ang OA mo talaga bebegirl! Ang OA ha? Wala pa ngang one week yung tao sa office magugustuhan ko na agad? Grabe ka!” sagot ko.

“Bakla,sa basketball ko nga,in 2 minutes nananalo pa ang dehado. Sa loob pa kaya ng ilang araw na nabigyan kayo ng pagkakataong magmoment? Wag mo akong echusin. Bakla na ako. Wag mo na akong baklain. Echusera ka.” sabi nito

Natahimik ako sa narinig. Di ko alam kung anong isasagot ko. Habang sinasabi ni Kevin yung linya na yun,nangingiti ako. Kaso nung bigla nyang inispluk na may pechay o may jowa si George ay parang nasira ang moment. Parang biglang gumuho yung magandang mga bagay na naiisip ko para samin. Oo nga pala,may GF nga pala si George at nagpapakatino na sya. Pero kung ganoon bakit ba napakafriendly nya sakin? Ano bang gusto nya? Di ko din sya maintindihan. Magpapakita ng sweetness,pero di ko maintindihan kung para saan? Bakit? Am I spreading myself too thin? Masyado bang obvious na I have this something para sa kanya? Teka? May something ba ako para sa kanya? OMG.

“Bakla. Natulala ka na dyan. Di mo na ako sinagot. K. Thanks. Bye. Goodnyt.” sabi ni Kevin sabay talon sa kama at talukbong ng kumot.

Agad akong umupo sa gilid ng kama namin ni Kevin.

“Bebegirl,bakit ganun sya sakin?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Wala na. Tulog na ako. Goodnyt. Zzzzzz.” pabirong sabi nito.

“Gaga ka talaga! Dali na mamaya ka na matulog, Dali na!” pangungulit ko.

“Kiki naman nito oh. Anong problema? Dedede ka?”

“Gaga! Bakit ganun sakin si George?” tanong ko dito.

“Ewan ko. Di naman kami close no.”

“Sa tingin mo nga?” tanong ko.

“Di ako makatingin.”

“Sa palagay mo?” sabi ko.

“Di ako mapalagay.” pangdadaot nito.

“Taena naman bebegirl eh.” sabi ko.

“Hahaha! See? Eh di interested ka din sa kanya. Inarte ka pa dyan kanina.”

“Oo na fine! Fine! Fine! I kras him na.” sagot kong namumula.

“You kras him? Does he kras you ba?” sabi nito.

“Ewan.” clueless kong sagot.

“Ayan ka na naman Criselda ha? Kiki mo. Pag nasaktan ka na naman sakin ka na naman iiyak. Basta di dapat laging puso. Ginawa ang utak para gamitin,wala pa kong nakitang utak na pangdisplay. Gamitin mo utak mo this time,para di mangalawang.” sagot nito.

“Bebegirl naman eh.”

“Ayyy ang kikay mo ha? Para kang bata dyan. Kiki mo.” sabi pa nito.

“Sige pagiisipan ko. Matulog ka na nga.” sabi ko.

“K, Thanks. Bye. Nyt.”

Ilang segundo pa ay nakita kong naghihilik at tumutulo na ang laway ni Kevin. Bakla kung bakla magpayo,pero he makes sense naman. Sana nga ay maisip ko kung ano ba talagang nararamdaman ko kay George. Sana nga maging tama ang desisyon ko. Sana maging maganda din ang kahinatnan nito. Sana lang.

* * *

Maaga akong nagising bukas. Wala na si Kevin sa room,siguro ay pumunta na sa kanyang part-time job. Naginat-inat ako at bumangon sa kama. Iniligpit ko muna ang aking pinaghigaan at ibinukas ang bintana para pumasok ang hangin sa kwarto. Nilaplap ng sinag ng araw ang aking maputlang balat. Maganda ang buhay,masaya ang buhay. Nakakaramdam ako na magiging okay ang araw na to. Sana nga.

Naligo,nagbihis,nagayos ng buhok. I'm off to work.

Lord,sana naman di ko makita si George at yung GF nya na magkasama. Please?

I took a cab going to work and wala pang 20 minutes ay nasa office na ako. People have been asking how I was and all that. I feel okay na naman kahit papaano. May hinahanap ako sa office,wala pa sya. Napansin ni Allyna na ilang stations lang ang layo sakin na parang may hinahanap ako,she went near me and said:

“Si George ba? Di ata makakapasok kasi may problema daw na inaayos.” sagot nito.

“Really? Sana maging okay na naman.” sabi ko,trying not to sound concerned

“Bakit Ati? Bakit mo hinahanap si George?” tanong nito sa akin.

“Wala lang.” sagot ko

“Echusera. Bakit nga?”

“Wala lang. Gusto ko lang sanang magpasalamat.” sabi ko sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.

“Ayyy ang sweet. Sana maging close kayo para maging masaya tayong friends.” sabi nito sabay balik sa kanyang station.

Isang minuto nalang at maguumpisa na ang mga klase ng mga teachers nang nagulat akong dumating si George. Humahangos at pawis na pawis. Halatang tumakbo para di malate sa work. Teka? Akala ko ba di sya makakapasok at may problema? Bakit nandito sya? Anyhow,di ko na naman business yun para pakialaman ko pa.

Umupo sya sa station nya at agad na inopen ang computer. He looked so serious at parang nakakatakot magstart ng conversation. Nakita nyang nakatingin ako sa kanya at tumingin ito sa akin na parang galit na ewan. Nakaramdam ako ng takot.

“Ahhh.” nausal ko.

Tinaas nya ang kanyang kilay bilang sagot sa aking sinabi.

“George salamat kahapon.” I managed to say atleast.

Ngumiti lang ito at nagpahid ng pawis na kanina pa tumutulo sa kanyang noo.

“George,is everything okay? I heard na problemado ka daw sabi ni Allyna? Maybe I could help.” sabi ko,di ko alam kung paano o bakit ko nasabi.

“No. Thanks.” matipid na sagot nito.

“Ahh okay.” I said,dumbfounded.

* * *

Naging ganoon ang set-up namin ni George. I tried to make a conversation pero parang di sya interesado sa akin. He's a totally different guy now. Kahapon ang sarcastic nya pero dinala ako sa clinic at kahit papaano'y inalagaan. Pero ngayon,I can't read what's on his mind. Nakakabingi yung silence nya. Di to maganda.

6PM na. Dinner break ko na. Saan ba masarap kumain?

I packed my things and left my station clean. I'll be back in an hour. Papaalis na ako nang biglang hatakin ni George ang kamay ko.

“Saan ka pupunta?” tanong nito.

“Ha? Bakit?” nagulat at natakot kong tanong.

“Wala lang. Sorry kanina ha? Medyo iritado ako kasi ang init sa labas. Tapos muntik pa akong malate.” paliwanag nito.

“Ahh Okay. I understand.” sabi ko sabay ngiti.

“Ang cute ng ngiti mo.” sabi nito withoout batting an eyelash.

“Ha?” sabi ko na natulala at kinilig.

“Wala sabi ko san ka pupunta?” sabi nito at binitawan ang kamay ko.

“Ahhh dinner time. Kakain ako sa baba.” sabi ko.

“Ahh nice.”

Then there's an awkard silence.

Binitawan ni George ang kamay ko at nakita kong inayos ang kanyang work station. Kinuha din nito ang bag nya at muling humarap sa akin.

“Tara?” tanong nito.

“Ha? Saan?” tanong ko.

“Dinner.”

At muli nyang hinatak ang kamay ko papalabas ng opisina.

Till next time,
Chris.

2 comments:

mcfrancis said...

ayan dininig ang dalangin mo na hindi mo makita na kagkasa si George at ang gf nya!!! at ang problema ata ni George eh ang gf nya... nagkahiwalay ba? hehehe

nako pagkakataon mo na ito Cris... hehehe

ang galing po talaga ng kwento

Mr. Brickwall said...

Hindi ko talaga gusto kapag ganito na love triangle na may involve na stranger girl. Kasi tingin ko agad mali, mali yung sitwasyon. Yung tipong "We had the right love at the wrong time" baga. Better kung malalaman yung story nung girl. Kaso magiging out na yung story sa plot nito. Ang gulo! Opinyon ko lang yun Mr.Author ah! Kasi madalas ko lang magustuhan yung story na may babae sa scene tapos yung dalawang lalaki pa din magkakatuluyan dahil either masama yung girl or sobrag bait nya to give way. hahahaha. Ang dami ko na nasabi.

Anyway, keep us posted! ganda ng story. :))