Friday, August 27, 2010

Soulmate... Checkmtate! Part 4

hindi lahat nang nakikita natin ay may katotohanan. maaaring isa lamang iyong palabas at tayo ay parte nun at kailangan nating gampanan ang role na iniatang sa atin. we have to make our characters real na tipong kailangang ilabas ang tunay na emosyon. pero paano kung sa palabas na iyon, ikaw ang maging bihag. mananatili ka ba sa lungkot at pighati o isipin na kailanagan mo nang magsuot nang maskara para itago ang tunay na saloobin at ipakita sa manunuod na kaya mo pa hanggang sa lubusang paggaling nang iyong karamdaman.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------

hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko nang mga panahong iyon. ang alam ko lang ay sobra akong nasasaktan sa mga ipinapakita nang tadhana sakin. hinahayaan ba ako nitong saktan o sadya lamang talagang mapaglaro ito at pwedeng magkaroon ng twist sa buhay pag-ibig ko.

hinayaan kong dumaloy ang emosyon ko. blangko ang isipan ko. may sariling isip ang mga paa ko. tatakbo, maglalakad, tatakbo. malabo na din ang paningin ko gawa nang patuloy na pag-agos nang luha ko. may naririnig akong nagtatawanan, nang-uuyam, nang-iinis pero wala akong pakialam sa kanila. ang iniinda ko ay ang katotohanang hindi ko kayang panindigan ang pasakit na dala nang pagmamahal na gaya nito.

"aray!" sigaw nang isang babae. natauhan akong bigla at namalayan ang matatalim na tingin niya sa akin. "hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!"

"ah, eh, miss sorry huh. hindi ko sinasadya." patuloy pa din ang hikbi ko.

"hayaan mo na hon. kita mo na ngang umiiyak yung tao eh dadagdagan mo pa. sorry nga pala sa inasal niya, lex tama?" hindi ko siya sinagot. bagkus, pinahid ko ang luha ko at muling humarap sa babae.

"miss sorry ulit." sabay alis ko. hindi ko alam kung saan na ako pupunta.

mahapdi na ang mata ko. medyo may kalakihan na din ang eyebags ko. nakita ko iyon nang mapadaan ako sa isang salamin. para akong sinakluban nang hiya kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta nang dorm ko. dahil sa pagmamadali, hindi ko na nilingon pa kung sino man yung taong tumawag sa pangalan ko.

nang makapasok sa loob, akyat agad ako nang kuwarto ko at naghilamos. tiningnan kong muli ang sariling repleksyon sa salamin. bawat anggulo ay gusto kong inspeksyunin. bawat kakulangan ay dapat kong punuin. isang ring sa cellphone ko ang nagpabalik sa katinuan ko.

hoy gaga, anong emote natin at di mo kami pinansin ni raki? andito kami sa baba. babain mo kami.

text ni irene. bakit kasama niya si raki? anong ginawa nila? hay naku, pati ba naman ang bestfriend ko pinag-iisipan ko nang masama. wala naman siyang alam sa nangyayai sakin kaya hindi ko dapat siya isali sa walang kwentang drama kong to. tama, isa lang itong drama.

dali-dali kong sinuot ang maskara ko at bumaba. isang bagong lexter ang ihaharap ko sa kanila. ibabalik ko ang dating masayahin at walang drama gamit ang maskara ko.

"hi guys!" sabay flash nang isang ubod tamis na ngiti. alam kong pilit iyon pero kailangan eh. "anong atin?"

"sapak and super tadyak gusto mo?" sabi ni irene.

"oh bakit? wala naman akong ginagawang masama ah." sabay paawa effect.

"tong malanding ito. ni hindi mo nga kami pinansin ni raki kanina eh. ano bang meron kasi huh?" tiningnan ko lang saglit si raki at nakita kong naguguluhan siya sabay bawi ko nang tingin.

"hala, sorry. tinawag niyo ba ako. hindi ko narinig eh."

"malamang paano mo maririnig eh tumatakbo ka kanina na parang horse tapos mega cry ka pa."

"ah. pasensya na." sabi ko sabay ngiti ulit. "tara kain muna tayo saglit. gutom na ako eh."

"you owe me big time lex!" sabay mulagat. natawa ako sa reaction niya.

tahimik lang si raki habang naglalakad kami. wala naman akong balak kausapin siya dahil wala akong guts. ni lakas nang loob nawala. para lang siyang isang kaawa-awang bata na nagmamasid samin at matamang nakikinig.

---
"lex may problema ka ba?" tanong niya pagkatayo ni irene para um-order. nagrepresent ang bakla eh.

"ako? hmmm, wala naman. bakit?"

"kasi parang ang layo mo. ni hindi mo nga ako kinakausap eh. ni hindi mo man lang ako kinamusta kanina."

"ah pasensya ka na huh. wala kasi akong maikwento sayo eh." sabay tawa. alam kong alam niyang hindi talaga ako okay.

"may problema ba tayo? gusto mo na ba akong lumayo sayo? gusto mo na bang kumawala sakin?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. hindi ko alam kung san ako huhugot nang sagot ko. seryoso siya, pero paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? at siya paano niya ba sasabihin sa akin ang totoo?

"wala tayong problema raki dahil wala namang 'tayo' sa pagitan nating dalawa. magkaibigan tayo alam mo yan. hindi ko gustong lumayo ka sa akin dahil wala akong karapatan para sabihin sa iyo yun. and besides, alam kong alam mo na hindi ko ugali ang makiapid sa boyfriend nang iba." walang pigil kong sagot. natameme siya. hindi niya alam ang isasagot.

malaki na ang nagagawa naming tensyon at sakto ang pagdating ni irene para pababain iyon. siya na din mismo ang naglatag nang mga pagkain namin. na-sense niya ang bigat nang ambience saming dalawa dahil ni isa ay walang gustong magbukas nang topic kaya't siya na ang bangka. pinilit niyang pinapagaan ang atmosphere sa loob ng food chain na iyon. paminsan-minsan ay tumtawa ako samantalang si raki ay isang tipid na ngiti lang.

natapos ang gabi nang may dala padin kaming bigat sa kalooban. diretso ako nang kuwarto. gusto ko nang matulog pero ayaw akong dalawin nang antok. nag-soundtrip muna ako habang nagpapaantok. maya-maya ay may kumatok sa pintuan ko. ka-dorm ko at sabi niya may naghihintay daw sakin sa labas. lasing daw. hindi daw ito aalis hanggat hindi kami nag-uusap nang mabuti. no choice na naman ako kundi bumaba at harapin siya. may idea na ako kung sino iyon.

"gabi na ah bakit hindi ka pa umuuwi?" bungad ko sa kanya.

"hindi ako uuwi hanggat hindi mo ako kinakausap nang mabuti."

"lasing ka na kaya umuwi ka na. bukas na tayo mag-usap kapag matino ka na."

"matino ako. alam kong mga sinasabi at ginagawa ko."

"pwede ba raki, uwi ka muna. please! magpahinga ka na." sabay talikod ko. bigla naman niya akong ikinulong sa mga bisig niya. hindi ako makagalaw dahil sa higpit. pinilit kong makawala pero wala talaga.

"please lex, makinig ka muna sakin."

"makinig saan raki? may dapat ba akong malaman huh?" iritado kong sagot.

humihikbi siya sa likod ko. first time kong marinig ang pagtangis niya. bigla namang nanlambot ang puso ko. hinaplos ko ang kamay niya na waring sinasabi na handa na akong makinig sa sasabihin niya. lumuwag ang pagkakayakap niya.

"lex, pwede mo ba akong samahan?" hindi na ako nakatugon pa dahil namalayan ko ang sarili na nakaupo sa kotse na dala niya. kinakabahan pa nga ako dahil lasing siya tapos magda-drive siya. baka mabunggo kami nito at kami ang maging headline bukas. pero hindi, banayad ang takbo namin parang sanay nang mag-drive nang lasing.

hindi ako familiar sa dinadaanan namin dahil di naman ako taga-manila talaga. pero parang feeling ko dumadaan kami sa roxas blvd dahil sa nakikita kong dagat. minsan na akong nakapunta dito nun. medyo may katagalan ang byahe.

isang tapik sa balikat ang nagpagising sakin. nakatulog pala ako. pupungas-pungas akong tumingin sa kanya. bahagya na siyang nakangiti. iba na ang aura niya ngayon. may kasiyahan nang maaaninag sa mukha niya. nginitian ko din siya. inaya na niya akong bumaba.

inisip kong nasa isang park lang kami dahil sa mga puno na nakikita ko sa paligid pero partially correct ako. naghahanap ako nang mga palaruan nang mga bata pero wala akong makita sa halip mga lapida ang meron. doon ko napagtanto na nasa memorial park pala kami.

hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. lumalakad kami sa damuhan. medyo naguguluhan ako sa nangyayari. bakit ba kami andito? anong ginagawa namin dito?

---
in loving memory of nicolai enrique

yan ang nabasa ko sa lapida. naramdaman niya sigurong nagtataka ako kung sino iyon at bakit kami andun.

"lai, si lex. lex si lai." hindi ko magawang matawa sa inaasta ni raki. para kasing tanga eh ipakilala ba naman ako sa patay. "siya yung sinasabi ko sa iyo nun. di ba may usapan tayo? siguro naman time na para palayain ko na ang sarili ko sa pangako ko sa iyo? wag kang mag-alala. sasabihin ko na ang lahat kay mica pero hindi muna ngayon. bigyan mo naman ako nang sign oh kung pinapayagan mo na ako. gusto ko na kasing itama lahat nang dapat itama eh."

nakikinig lang ako sa mga pinagsasasabi niya. di nagpalit saglit, nakaramdam ako nang isang malamig na hanging dumampi sa balikat ko. sobrang lamig. hindi ako naniniwala sa mga multo pero not this time. iba sa pakiramdam eh. biglang nagsalita si raki.

"salamat lai. maraming salamat! pinasaya mo ako nang sobra." at lumuhod siya at hinagkan ang lapida. muli niyang hinawakan ang kamay ko at iginiya pabalik sa kinaroroonan ng kotse.

bakit siya masaya? anong nangyayari? sino si lai? sino si mica? ang gulo!

(itutuloy)

Monday, August 16, 2010

Soulmate... Checkmate! Part 3

si raki? chess player din?

para silang mga artista na pinagtitinginan. palibhasa may mga itsura at may dating at parang proud pa sila sa ganung eksena. natutuwa ako sa mga reactions nila. nang mpadaan sila samin tinawag ko siya. pero laking taka ko nang hindi man lang niya ako lingunin. aba may attitude agad? sabi ko sa isip ko. di ko na din siya pinansin hanggang sa magstart ang competition.

naiinis ako sa kanya dahil sa pandededma niya. at dahil dun gagawin ko ang lahat para makaharap ang team nila lalo na siya at ipaparamdam ang ginawa niya sa akin. ilang series of elimination din ang nangyari.laban dito laban doon. nanatili akong matatag. sabihin na nating nakakapit sakin ang swerte kaya naman tuloy-tuloy padin ang laban ko. hanggang sa magbreak para sa semi-finals. ibang system kasi ang gamit namin at hindi yung talagang ginagamit na scoring system. knock out kaagad pag talo.

strategies and reminders lang ang mga pinagsasasabi ni coach. lahat naman kami ay nakikinig. bagamat may mga nalaglag na sa team namin, kami padin ang may pinakamaraming members na nakapasok pangalawa sila raki. pag tingin ko sa board, aba, at siya na pala ang susunod kong makakalaban. napangiti ako at di maiwasang matawa dahil magagawa ko na ang plano ko.

at nagstart na nga kami. white pieces ang hawak ko at siya naman ay black. nakagawian na na ang white ang nauunang tumira kaya naman ginalaw ko ang pawn ko at inilagay sa D3. tumira din siya at inilagay ang pawn niya sa D7. then, kanya-kanya nang labas ng mga army. ilang gantihan ng kainan at check ang nangyari. habang naglalaro ay nawala ako pansamantala sa konsentrasyon nang makita kong seryoso ang mukha ni raki. kahit na ganun ay ang lakas pa din nang dating niya sa akin. naputol ang ilusyon ko nang sabihin niya ang CHECK!

tiningnan ko ang nangyayari sa board at totoo nga. medyo dehado na ako sa laban. open ako sa column ng D at nakita ko ang knight ko na pwede kong gamiting sacrifice para makaligtas ang king. ginalaw ko ito at hinayaan sa plano.

bigla kong napagtanto, bakit sa larong chess kailangang magsakripisyo nang maraming piyesa para lamang patuloy na mailigtas ang hari. at bakit kailangang patuloy na umatake ang mga ito para depensahan ang hari nila. parang sa sitwasyon ng tao, may mga taong gumagawa nang mga matitinding sakripisyo para sa mga minamahal nila. pero para saan ba ang pagsasakripisyo kung nababalewala naman ito nang hari. buti sana kung naappreciate niya.

sa paglagapak ng kamay ko sa orasan namin sa tabi nang table di ko namalayan ang pagtulo nang luha sa mga mata ko. nagulat pa ako nang abutan ako nang panyo ni raki. sa gitna nang laban,parang huminto ang lahat. waring nakatingin sa aming dalawa hindi dahil sa naglalaro kami nang chess kundi dahil sa eksenang nangyayari. dahil sa hiya, hindi ko kinuha ang panyo niya at pinahid ang luha ko gamit ang kamay ko.

"ituloy na natin ang laban pasensiya ka na." tangi kong nasabi.

ilang galaw na lang ay malapit na matapos ang laban. at 4 na lang ang piyesang natitira sa board. king at queen sa kanya, king at knight sa akin. parang nanadya ang pagkakataon sa akin, bigla kong naalala itong taong kaharap ko ngayon. ilang beses niyang sinabing siya ang knight ko at malamang ako ang king niya. haist ewan. pilit kong dinidipensahan ang hari ko gamit ang knight. hindi naman ako masyadong makakilos hanggang sa makuha ko ang adbentahe nang laro. sinunud-sunod ko ang atake hanggang sa umabot na kami nang halos 3hours. kami na lang ang inaantay na match dahil sa sobrang pukpukan namin.

"YEEEESSSS!!!" napatayo akong bigla nang ma-CHECKMATE ko siya. thumbs up ako kila coach at gumanun din sila sa akin. tuwang-tuwa ako sobra sa kadahilanang nakapaghiganti na ako at dahil natalo ko na naman siya.

bilang isang sport na tao, nakipagshake hands ako. nakita ko naman na parang nanlumo ang kanilang team. marahil si raki ang secret weapon nila kaya hindi sila makapaniwala na tinalo ko siya. isang napakalakas na halakhak ang narinig ko sa utak ko. itinuloy na ang finals. pukpukan ang lahat nang mga kalahok. sobrang fulfilled ako kaya nang makaharap ko ang teammate ko, sinadya kong magpatalo sa kanya.

--

kakatapos lang nang game nang mapag-pasyahan naming magcelebrate sa kfc. kwentuhan dito, kwentuhan doon. walang puknat na tawanan. larawan nang isang masayang team. walang anu-ano ay may dalawang kamay ang biglang yumakap sakin mula sa likod. sobrang nagulat ako. pati ang buong team at si coach ay natameme. dahan-dahan kong nilingon kung kanino galing ang mga kamay na iyon. nagulat ako and natuwa nang makilala siya.

"joerick! musta ka na?" tanong ko.
"eto okay pa din naman." sabay tingin sa mga kasama ko. "oopps, sorry may celebration ata kayo. sorry po for interrupting." paghingi niya nang sorry.
"hindi okay lang iyon. ahm nga pala, guys meet my close friend (actually ex) joerick singular. and joerick they're my teammates. kapapanalo lang namin sa invitational kanina."
"nakita nga kita kanina eh and congratulations po pala sa inyong lahat." sabay bitaw ng isang ngiti.

since 'friend' ko siya, inaya na din siya ni coach na makicelebrate samin. ayun kwentuhan na naman at ang mga teammates kong girls, hayun at angpapacute kay joerick. panu ba naman kasi he's an adonis. may katangkaran siya, maputi, gwapo at magaling pumorma plus he wears glasses na lalong nagpapogi sa kanya. nangingiti ako nang lihim dahil di nila alam na once we had an affair.

--
"lex, sabay na tayo uwi huh." aya niya.
"o sige ba. for old and good times sake." ayun nga at naglakad na kami palabas ng food chain.

namasyal muna kaming dalawa sa 4th floor para tumingin ng mga paintings. isa kasi siyang painter at hilig niya iyon. may nakita akong obra na nagpahinto sa akin. naramdaman ko sa painting ang sobrang kalungkutan. di ko alam kung ano ang story nun pero yun ang naramdaman ko at sinabi ko sa kanya yun. hinawakan niya lang ang kamay ko nang mahigpit sabay hila sa akin paalis dun. habang naglalakad, ewan ko parang nakaramadam ako nang uneasiness. masyado kasing tahimik.

"ahm lex."
"oh?"
"nagbago ka ba?"
"huh?"
"ganun ka pa din ba sakin?" patay, yan na nga ba sinasabi ko eh. san naman ako hahagilap ng sagot ko. biglaan. bigla kong naikuyom ang palad ko sa dibdib ko. pinakiramdaman at sinabing "hindi ko alam".
nalungkot siya pero lumuhod siyang bigla sa harapan ko. buti na lang konti lang ang dumadaan sa parteng iyon ng mall. "pwede ko bang maangkin muli ang puso mo?"
"hindi ko alam ricko, hindi ko alam."
"please lex, hayaan mo akong patunayan sa'yo na muli akong karapat-dapat diyan sa puso mo. hayaan mong iguhit kong muli ang ating pagmamahalan." sa di kalayuan ay nakita ko naman si raki. natilihan ako kaya naman agad ko siyang pinatayo.
"tumayo ka nga dyan ricko. nakakahiya, may mga tao dun."
"eh ano naman kung may mga tao, wala akong pakialam sa kanila."
"tayo sabi eh." meydo iritable kong utos. naramdaman niya iyon kaya tumayo na din siya. nang sipatin ko muli si raki, hindi man lang niya ako tiningnan. nainis na naman ako kaya inaya ko nang umuwi si joerick.

--
lulan ng kotse niya, di niya maiwasang hindi maglambing sa akin. nariyan yung hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho, minsan naman pag-red light tinutunaw niya ako nang titig at ngingiti nang ubod nang tamis. hindi ko tuloy maiwasan na bakit hindi ko pagbigyan si ricko pero may kung anong tumututol sa isip ko. paano na si raki pag tinanggap ko si joerick?

naguguluhan ako kaya naman sumakit ang sentido ko at napapikit ako. namalayan ko na lang na hinahaplos niya ang ulo ko. pagmulat ko, nakapark kami sa gilid ng high-way. bigla akong umayos at siya din. nag-drive siya ulit hanggang sa makarating kami nang dorm ko. binati niya ang landlady namin. kay tagal nilang hindi nagkita kaya naman walang sawang kwentuhan at kamustahan ang nangyari. ang ending na lang, dun matutulog sa bahay si joerick.

umakyat na kami sa kuwarto. pagkapasok ay agad siyang humiga sa kamang dati na niyang hinihigaan samantalang ako naman ay dumiretso sa kabinet para kumuha nang mga damit namin. inihagis ko sa mukha niya ang damit niya at lumabas na ako nang kuwarto para mag-shower.

agad akong tumapat sa shower matapos maghubad dahil kanina pa ako lagkit na lagkit at the same time, tensed dahil sa pwedeng mangyari ngayong magkasama na naman kami sa iisang kwarto. ewan ko ba kung talagnag down ang senses ko ngayon dahil di ko man lang naramdaman ang pagdating ni joerick sa shower at ang pagyakap niya ulit sa akin. ramdam ko ang pagkatao niya sa may bandang puwitan ko at nagkakabuhay. para itong nakakahawang sakit na dali-daling kumapit sa akin. kabilis ng mga pangyayari.

namalayan ko na lang na gumaganti ako sa halik niya. inaamin ko na nuong kami pa ay may mga nangyayari na samin pero never akong pumayag na pasukin niya ako. hanggang blow job lang ako. hindi dahil sa hindi ko siya mahal kundi ayoko lang talaga. at sa isang iglap, nangyayari na naman ang kahapon.

--
kapwa na kami nakahiga sa aming kama. tiningnan ko siyang mabuti. isang anghel na natutulog. inaamin ko. mahal ko pa rin siya, pero may gusto na din ako kay raki. hindi ko alam ang gagawin ko. ayokong may masaktan ni isa sa kanila. ayoko ding mawala ang isa sa kanila. litong lito ako. bumangon ako at bumaba. tumungo ako sa kusina at nagtimpla nang kape. pwede iyon sa dorm namin tutal kape nang lahat iyon. naubos ko na't lahat lahat ang tinimpla kong kape pero magulo padin ang takbo nang isip ko. hanggang sa nakatulog ako sa kusina. hindi umepekto ang kape.

pagkagising ko kinabukasan, nagluluto na si ate nang agahan namin. pag-angat ko nang ulo ko, nagulat pa akong makita si ricko na nakatulog din sa harap ko. shit bakit ganito. early in the morning pero titig na titig akong nakatingin sa maamo niyang mukha.

"oh lexter, matunaw naman yang si joerick. kung makatitig ka kala mo parang gusto mo na siyang lusawin ah." sabay tawa ni ateng kusinera.
"hindi naman te, dito pala ako nakatulog kagabi." pag-iiba ko.

nagising ata siya dahil sa ingay ng piniprito ni ate. binati niya ako nang good morning gayundin si ate. inaya ko na siya ulit umakyat at nang makaligo na.

--
"uy raki, teka! bakit ba di mo ako pinapansin. kahapon ka pa huh. tinawag kita pero hindi mo ko pinansin ni hindi mo nga sinabi sa akin na chess player ka din pala. akala ko ba friends tayo? pero bakit ganun ka?" sabi ko sa kanya na may himig pagtatampo.
"yun lang ba. sorry!" sabay talikod at lakad palayo sa akin. hinabol ko siya.
"teka nga sabi eh! ano bang problema at nagkakaganyan ka? nagbago kang bigla."
"nagbago? ako? hindi ko alam." at tuluyan na siyang umalis. tameme ako.

bakit ganun ikinikilos niya. hindi ko siya maintindihan. tinext ko ang baklang irene pero out of coverage ang pota. no choice. naglakad-lakad ako sa kahabaan ng recto. hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko. namalayan ko na lamang ang sariling umiinom ng beer mag-isa sa isang di kagandahang bar/resto. isa... dalawa... tatlo... hindi pang-limang bote ko na ito. ito na ang pinakagrabe kong inom. usually dalawa lang ang tinitira ko pero iba ngayon. wala na akong pakialam kahit na nakauniform pa ako at naka-ID. gusto kong ilabas lahat ng sama nang loob ko.

bakit ganun siya? bigla siyang nagbago. ano bang ginawa ko sa kanya. SSSSSSSSSSHHHHHHIIIITTTT!!!! hindi ako sanay nang ganun.


isinubsob ko ang sarili sa lamesa habang umiiyak. sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. bakit may mga taong darating sa buhay mo tapos biglang aalis nang walang pasabi. lumabas akong sumusuray na. tumutulo pa din ang mga luha ko sa tindi nang sama nang loob ko. mahal mo na yung taong gumawa sau nun eh kaya masakit talaga. ewan ko kung anung meron at may isang kamay na humablot sa kamay ko. akala ko hold-up na hindi pala. bigla niya akong kinabig at hinalikan.

dala nang kalasingan gumanti ako. pinilit kong tingnan ang mukha niya pero hindi ko maaninag. masyadong malabo. hindi ko makita. nahihilo na ako. para akong naduduwal. hanggang sa nagsuka na ako pero hindi niya ako binitiwan. inakay niya pa ako at isinakay sa pedikab. hindi ko alam kung saan kami pwedeng makarating pero bahala na siya.

--
sobrang sakit nang ulo ko. ito na ata ang tinatawag nilang hang-over. ang sakit pala talaga. parang binibiyak ulo ko. pagtingin ko sa paligid, nanibago ako. hindi ito kuwarto ko sa dorm. kulay ang blue nang walls nito samantalang purple sa room ko. tsaka sino nagdala sakin dito. pinilit kong alalahanin kung sino yung tumulong sakin pero hindi ko din maalala. sumakit lang lalo ulo ko. hawak-hawak ko pa ang ulo ko nang may pumasok.

"gising ka na pala." napaangat ako nang ulo dahil sa pamilyar na boses. napaluha ako dahil sa si raki pala ang taong tumulong sakin kagabi.
"oh bakit ka umiiyak? please wag, tahan ka na." inaalo niya ako? himala. parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. instant sweet siya sakin ulit.
"ah, eh, nahihiya kasi ako sayo. nakita mong halos matumba na ako kagabi sa sobrang kalasingan."
"ano ka ba, okay lang yun. ano ba kasing nangyari kagabi at nag-iinom ka?" tanong niya. napatitig lang ako sa kanya.
"ah wala. trip ko lang iyon."
"trip ka dyan. eh di sana nang-imbita ka man lang para may kasama ka." sabay tawa. natawa din ako. ewan pero parang biglang nagbago ang lahat. balik sa dati kumbaga.

--
ilang weeks na din na parehong idini-date ako nila raki at joerick. wala pa akong balak na alamin kung ano ang magiging response ko sa kanila pero natutuwa ako sa takbo nang mga pangyayari until one time. bigla na namang nawala si raki. hindi ko din siya makontak. pero nakikita ko naman siya pag dumadaan ako sa school nila. hindi na ako nakatiis nang minsang makita ko siya dun. hindi ko napigilang magalit lalo pa't ilang araw na siyang di nagpaparamdam sakin. lalo pang tumaas ang tensyon ko nang makita kong may kahalikan siyang babae. nasaktan ako sobra. umiiyak ako. tumakbo ako pero hindi palayo kundi papunta sa kanila.

itutuloy...

Saturday, August 14, 2010

Soulmate... Checkmate! Part 2

“hi lex! Hindi ko na kailangan pang imbitahin kang umupo dahil nakaupo ka na. hahaha!” pambungad niya. “siguro nagtataka ka ngayon and kinakabahan dahil di mo alam kung ano ang pwede kong gawin sa’yo, tama ba?” wala pa din akong imik. Kinakabahan talaga ako sa kanya.



“magsalita ka naman lex, hindi ka naman siguro pipi ano?” actually, hindi ako makapagsalita kasi nakatingin lang ako sa mukha niya. Moreno din siyang gaya ko pero tinamaan ako. Malakas ang sex appeal niya. Tipong isang ngiti lang eh bibigay na ako.



“ah, eh… sorry! Nagulat lang ako.”



“nagulat ka saan? Dahil lalaki ako na humahanga sa’yo at hindi babae?” napalunok akong bigla. Alam ba niya ang totoo tungkol sa akin? Shit pag nagkaganun. Hindi naman ako halata ah. Maingat naman ako sa lahat ng ginagawa ko. Tsaka humahanga? Ano ba ito!



“ah, eh, hindi naman. Ano kasi…”



“wag mong sabihin na-love at first sight ka sakin?” muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. “joke lang, pero nakita ko nag-blush ka. Uuuyyy, crush niya ako.”



“epal nito. Feeling mo gwapo ka, hindi kaya.” Nakabawi kong sagot.



“hindi nga pero tinamaan ka naman nang appeal ko. Kanina mo pa kasi ako tinitingnan eh alam ko namang walang dumi yung mukha ko.” Toinks, sapul ako dun ah.



“whatever. Oh bakit mo ako pinapunta dito? May sasabihin ka bang importante?”



“masyado ka naming nagmamadali lex. Hindi mo pa nga ako tinatanong kung anong pangalan ko tapos ganun na. nakakatampo naman samantalang ginawa ko lahat ng paraan malaman ko lang pangalan mo.” Oo nga, tinamaan na naman ako dun ah. Stranger pa pala siya sakin tapos ganun. Teka, anung sabi niya?



“anong sinasabi mong ginawa mo ang lahat para sa pangalan ko?” taking tanong ko.



“wag mo nang alamin kung paano. Nga pala, I’m raki dimagiba.” Napangiwi ako sa apelyido niya. Kala ko sa teleserye lang merong ganun, sa totoong buhay din pala. Napansin niya ang reaksiyon ko kaya naman muli siyang nagsalita.



“oh bat ganyan reaction mo? Hay naku, judgmental ka pala.” Sabay simangot.



“naku hindi naman. Sorry kala ko kasi sa teleserye lang me ganun.” Napayuko ako. Pagkayuko nakita kong nakasungaw yung ID niya. Enrique apelyido niya hindi Dimagiba. “sinungaling ka naman pala eh.”



Nakita niyang nakatingin ako sa ID niya sabay tawa. “binibiro lang din kita. Tiningnan ko lang reaction mo. Sineryoso mo pa ang paghingi nang sorry huh.” Bakit ganun, may dulot na ligaya ang pagtawa niya. Parang ilang sandal pa ay kaya na nito akong patulugin. Nangiti ako nang wala sa oras.



“uuuyyy, nangingiti siya. Aminin mo na kasi in love ka sakin nuh.” Napahiya ako for the 3rd time.



“hoy, kapal mo huh. Sino nagsabi sayong in love ako sayo. Masyado namang malakas ang hangin dito sa kfc. Sarado naman ang mga bintana ah. Saan kaya nanggagaling?” seryoso kong banat. Sabay muwestra nang mga kamay. Tumawa lang ito.



Madami siyang mga kuwento. Kung anu-ano. Halos buong buhay na nga niya ay idinadaldal na sa akin pero para akong engot na nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya. Nag-eenjoy na akong kasama siya hindi gaya kanina na may kaba at pangamba.



“buti naman at ngumingiti ka na. siguro naman palagay na ang loob mo sa akin.” Ngiti lang ang sagot ko. “i-save mo number ko huh baka kasi hindi mo gawin eh.” Oo nga nuh. “pede ba kitang dalaw-dalawin sa school niyo or sa dorm mo?”



“huh, bakit? Anong meron?” tanong ko.



“gusto ko lang makasigurado na nakauwi ka nang maayos or kung nasa school ka ba para hindi na ako mag-aalala pa.” sabay bitaw ng isang ngiti.



“nagpapatawa ka naman. Hindi naman ako babae para alagaan nang ganyan and isa pa binata na ako kuya.” Inistress ko ang word na kuya. “tsaka, hello, FYI, kaya ko ang sarili ko. Marunong ata akong mangarate.”



“ah basta, wag nang makulit. Please let me be your knight simula ngayong araw na ito.” Sabay hawak sa sa kamay ko. Ewan ko pero parang may kuryenteng dumampi sa mga kamay ko nang hawakan niya iyon.



Tama kaya siya? Love at first sight ba ako o masyado lang akong nadadala sa mga teleseryeng napapanood ko. Baka masyado lang talagang sweet . . . sa isang lalaki. Toinks!



--

“pssst, bakla. Ayun si papa raki oh inaantay ka na.” kasalukuyan na kaming nasa labas ng school nun at nakita ko nga siya na nakatayo sa labas sa may hepa boulevard. Lumapit kami sa kanya.



“hi! Bakit andito ka?” pambungad kong tanong sa kanya.



“Gaya nang sabi ko, let me be your knight.” Yumuko siya na parang isang knight sa harap ko. Shit nahiya ako dahil andaming estudyante sa paligid. May mga nakangiti, may mga ewan, may nandidiri.



“umayos ka nga diyan raki. Nakakahiya yang ginagawa mo. Tsaka pwede ba hindi naman ako maharlika para bigyan ng ganyang saludo nuh!”



“aba, ang bakla nag-inarte. Eh kung bunutin ko kaya isa-isa buhok mo sa kili-kili nang matigil ka diyan. Tsaka, keribels ba nila na may papa na gumaganyan sayo. Mga inggit lang iyan.” Sabay tawa nang nakakagago.



“kahit kelan ka talaga Irene, napaka-engot mo. PDA kaya iyan.” Sabi ko naman.



“see papa raki eh di lumabas din ang trulagen. Gusto niya may privacy kayong dalawa. Ikaw naman kasi binigla mo si friendship. Hala sige tara sa tambayan at dun tayo magganyanan.” Isang ngiti ang nakita kong sumilay sa mga labi niya. Mukhang nagustuhan niya ang sinabi nito.



--

“so Irene, pwedeng pag may klase kayo eh pakibantayan muna si lex baka kasi kung anu-ano gawing kagaguhan niyan eh.” Sabi ni raki pagkadating niya after um-order.



“oh sure papa raki. Akong bahala sa monghang ito.”



“aba, aba, aba. At ako talaga ang topic dito mga friendship huh. Eh kung alugin ko kaya mga ulo niyo para umayos takbo nang mga utak niyo.” Sabay tawa ko. Natawa din si Irene pero lumalafang na pala ang hitad.



Patuloy lang ang mga walang kabuluhan naming balitaktakan tungkol sa mga buhay buhay. Lumalalim na ang gabi at kailangan na naming magsiuwian. Malapit lang naman ang mga dorms namin nila Irene kaya inuna na naming siyang ihatid. Lakad mode ang ginawa naming para bawas bilbil na din.



Isang halik sa pisngi ang iginawad ni Irene saming dalawa ni raki bilang thank you sa paghatid daw sa kanya. Aba, pag ako lang naghahatid sa kanya ni kiss ayaw ibigay. Sipa ang abot ko. Parang I smell something fishy ah. Patuloy kami sa paglalakad.



“lex, may alam akong shortcut dito para hindi tayo masyado gabihin papunta sa inyo.” Tumango na lang ako kahit na alam kong 10-15 minutes lang eh andun na ako sa dorm namin.



Dumaan kami sa isang eskinita. Ang dilim, nakakatakot. Na-sense niya ata ako kaya naman hinawakan niya ang kamay ko. HHWW ang drama naming dalawa. Nang feeling ko nasa kalagitnaan na kami nang eskinita, bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Na-shock ako sa ginawa niya pero ano pa nga ang magagawa ko kundi mag-emote na din.



“thank you lex huh for coming into my life. Promise I will take care of you. Uulitin ko, let me be your knight.”



Natameme na naman ang emote ko. “ah, eh… ikaw ang bahala.”



“thank you ulit lex.” Sabay hug ulit. Maya-maya pa ay nakalabas na kami sa eskinita.



--

4 5683 968! Yan ang nakalagay sa may locker ko. At sino na namang hudas-talipandas ang may kagagawan nito. Kinuha ko ang papel at ibinulsa. Hindi ako makarelate sa numbers na iyon. Ano ba kasi iyon?

--



Exam week na kaya hindi na muna kami masyado napagkikita ni raki. Ayaw ko namang obligahin siya na ihatid sundo niya parin ako kahit na gusto niya. Patuloy parin naman ang text namin at ang mga sweet nothings.



Gaya nang dati may note na naman sa locker ko. 4 6477 968! Shit, ano na naman ba iyon? Hindi na ako nakatiis at isinangguni ko na kay reyna Irene.



“hala bakla, hindi kaya code iyan. Parang sa da vinci code. Kailangang i-de… i-de…”



“i-decipher”



“ayun nga, kailangan mo siyang i-decipher para malaman mo ang mensahe na yan. Bat ganun, lagi na lang ikaw. Una, may papa raki ka na, pangalawa nagka-stalker ka and pangatlo hayan, may secret notes ka pa. ano bang meron ka at talo mo ang beauty ko? Para kang babae pero may bayag ka naman.” Seryoso ang emote nang lola mo.



Batok ang inabot niya sa akin. “aray ko naman. Di ka na nabiro. Oh hala sige maiwan na kita dyan friendship at andyan na si papa ko. Babush!” at tuluyan na siyang umalis.



Honestly, naguguluhan na ako. Bakit ako may ganitong unique letter sa locker ko? Bakit may raki na nagbabantay sa bawat kilos ko? Tumayo ako at humarap sa salamin. Tinitigan kong mabuti ang moreno kong itsura. Sakto lang naman, hindi kagwapuhan at hindi kapangitan. Yun nga lang makinis ako. Wala akong pimples sa mukha and scars sa katawan.



Hindi ako agad nakatulog kakaisip sa sinabi ni Irene na kailangan kong I-decipher yung codes. Tinutukan kong maigi ang mga numero. Ano kayang meron ditto? Biglang nag-ring cp ko. Nagtext si raki. Matapos kong basahin ang good luck text niya parang may kung anong pumasok sa isip ko.



Bakit hindi ko naisip iyon? Tama! Biglang nanliwanag ang utak ko at kinuha ang mga codes at inumpisahang i-break iyon. Nagulantang ako sa natuklasan ko tungkol sa mga codes na iyon. Sino namang tao ang makakaisip nang ganitong drama?



--

Tapos na ang exam ko at laman parin ng isip ko ang mga notes na natanggap ko. Hindi iyon mawala-wala sa isip ko. Nagtext si coach at pinapapunta kami sa tagpuan dahil sa isang mahalagang anunsiyo. Dali-dali akong tumungo doon.



Wala pang 5minutes kumpleto na ang members at si coach.



“guys, kailangan na nating umpisahan ulit ang practice. Siguro naman hindi lingid sa inyo na 3weeks from now, may invitational cup tayong dadaluhan sa megamall. Gaya nang dati, ganun pa din ang inaasahan ko. Alam kong hindi niyo ako binigo nung una, let’s make it to the top again. Practice will start tomorrow at 5:30pm. You know the rule, no late comers. Okay?” sabay-sabay kaming sumagot. Ano ba naman iyan kahit labag sa kalooban namin kailangan naming sumunod. Para sa team, para kay coach, para sa school.



Diretso na ako nang uwi sa dorm para magpahinga. Nagulat pa ako na nakabalandra si raki sa pintuan ng dorm at may dala-dalang chess board.



“ano na naman to raki?”



“well alam ko kasi na malapit na ang invitational cup niyo kaya naman heto, andito ako ngayon para tulungan kang mag-practice. Be gentle huh.”



“be gentle ka diyan. Hala pasok na at tingnan natin kung gaano ka kahusay sa laro na iyan.



Inumpisahan agad namin ang laban namin pagkaupo sa visitor’s area. In fairness, magaling siya huh. Hindi ko akalain na may ibubuga siya. Actually, nahirapan ako ulit. Tipong wala na akong lusot. Ginalaw niya ang bishop niya para i-check ako. Natetense na ako kasi naman halos wala na akong moves. Naramdaman niya ata ang reaction ko kaya naman hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing relax lang ako. Ipinikit ko ang mata ko gaya nang dati. Pagmulat ko, laking gulat ko na may knight pa pala ako sa tabi na pwedeng ipanlaban. Ginalaw ko ang knight at kinain ang bishop niya.



Ilang saglit pa ay natapos na din ang laban. Ako ang nanalo siyempre. In fairness magaling talaga siyang player. Lumabas muna kami para kumain.



--

3weeks later



Excited ang buong team dahil opportunity na naman ito para sa aming mga players. Kailangan naming ibalandra na kami ang hari sa laro nang chess



Nagtipon na ang lahat ng mga kalahok sa ground floor ng mall. Nagregister at naghihintay na mag-bukas formally ang competition. Habang nag-aantay ay katext ko si raki at kinukumusta siya. Maya-maya pa, dumating na ang mga “araw” at hindi maiwasang hindi ako mapalingon. Shit! Totoo ba ito?



Si raki? Chess player din?



itutuloy...

Wednesday, August 11, 2010

Soulmate... Checkmate!

tahimik ang buhay lalo na kung walang istorbong darating sa daraanan. kung minsan natatamaan nang bagyo pero kawasa'y titila din at muling sisikat ang araw. may mga pagkakataong nadadapa tayo at nasusugatan pero heto at tumatayo parin tayo gaya nang isang tipikal na pinoy. madalas naman natututunan nating sumaya kahit sandali lang dahil di natin alam na kapalit nito ay grabeng sakit at paghihirap. ano pa nga ba ang magagawa natin kundi ituloy ang buhay at ituloy ang laban kahit halos wala nang malusutan. sabi nga nila habang may buhay may pag-asa kaya't wag susuko hanggang sa maisakatuparan ang mga pangarap natin at maipanalo ang laban ng buhay sa pagsasabi nang CHECKMATE!

hi guys, ako si lexter 19, 5'6 ang height, moreno, katamtaman lang ang katawan at isang estudyante sa isang university sa u-belt na kasali sa UAAP na isang hayop na may apat na paa. isang normal na estudyante lang naman ako kung tutuusin eh. may konting barkada, lalaki at babae, at walang nagkakagusto. hahah.

---

KRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGG!!!

napabalikwas ako nang bangon sa sobrang lakas ng tunog ng alarm clock ko. muntik na akong malaglag sa higaan sa sobrang pagkagulat. 6:45 na. tamang oras para sa paghahanda ko para pumasok. bumangon na ako at tumungo sa banyo. habang naglalakad sa hallway ay nakakasalubong ko ang mga taong araw-araw kong nakikita simula nang tumuntong ako rito sa manila. batian nang good morning dito, good morning diyan. minsan nakakasawa kaya nginingitian ko na lang.

wala pang 30 minutes at heto nakagayak na ako papuntang school. konting lakad lang naman ang ginagawa ko at hayan nasa harap na ako nang gate nang school. batian portion ulit kay manong guard at entrada na ang pagpasok ko. sa di kalayuan ay natanaw ko na agad ang mga friendships ko. beso-beso at kamustahang walang humpay.

kasalukuyan kaming naglalakad nun sa hallway nang bigla akong nahinto.

--
announcement!

chess club is now open for new members. if interested, please contact this number or just see me in my office at 10am every weekdays. --- coach

--

"bakla, titig na titig ka diyan?" tanong ni irene, bestfriend ko.
"open daw sila sa new members oh." sabay turo sa announcement.
"nakikita ko siya oh kailangan pang ituro. hmp." sabi niya sabay muwestra. natawa ako sa reaction niya. "hala, kung gusto mag-try eh di sige hindi yung pinag-aantay ako rito nang matagal."
"oo na nga magta-try na. ang sungit nito. laplapin kita jan eh."
"naku kuya, wag po. bata pa po ako, magagalit si nanay at tatay." parang siyang bata na ewan sabay bunghalit ng nanggagagong tawa.

masayang kasama si irene. well, alam niya kung ano ako dahil nahuli niya ako one time na may ka-date na lalaki at hindi ako tinantanan hanggat hindi ako umaamin. well, wala namang kaso iyon kasi nananatiling sikreto saming dalawa iyon. siguro. hahaha.

pumasok na kami sa classroom. nagkuwentuhan pa nang kung ano-ano habang nag-aantay sa prof naming pagong. maya-maya pa ay dumating na siya at umaatikabong lecture ang nangyari. kung tutuusin naman, madaldal nga kami pareho pero may ibubuga naman kami pareho ni irene. nasa dean's list din kami. yun nga lang hindi kami nerdy type. at sa wakas, natapos din ang walang humpay na sagot-tanong portion at lumabas na si kong pagong. time check: 9:45am. walangyang iyon, nag-extend nang 15 minutes. hmp. kinalabit ako ni irene.

"woy, di ba magtry ka sa chess keme ni coach andres? anong petsa na oh lumarga ka na at nagugutom na din ako."
"saglit lang naman te at inaayos ko pa mga gamit ko kaya."
"aba naman, ang pagong mo naman. ika-countdown na kita. 10... 9... 8..."
"oo na, eto na tatayo na oh wag ka na magcountdown wengya ka. pinagmamadali mo ko paano if i dont look good paglabas natin dito di mas lalong walang hahagip ng tingin sakin." tawa lang ang sagot ng hitad sa drama ko.

ayun nga at dali-dali kaming lumakad papunta sa kabilang building para puntahan si coach andres. pagdating namin doon ay walang ibang tao bukod samin ni irene at ni coach. agad kaming lumapit sa kanya at nagpakilala.

"good morning sir, nabasa ko po sa board na kailangan niyo po nang bagong member sa team. gusto ko po sana subukan na makapasa and maging member." entrada ko. lalaking lalaki. hahaha.
"good morning..." sabay tingin sa i.d. ko. "... mr. santos, good at may nakabasa din ng post ko na iyon. you know what, ikaw pa lang ang unang pumansin sa invitation ko na iyon. as you can see, tayong tatlo lang ang tao dito." ngiti lang ako. interesado talaga ako kasi ang last na laro ko nito ay nung grade 6 ako.
"hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. hindi na kita itetest kung papasa ka sa standards ko sa ngayon kasi gahol na ang team sa oras para sa audition kaya ngayon pa lang mr. santos magpractice ka na nang mabuti at titingnan natin ang magiging performance mo next week sa intercollegiate competition. good luck satin and God bless sa team." sabi niya at tuluyan nang lumabas.

mangha ako sa mga sinabi ni coach. aba hindi na ako dumaan sa kung anong screenings pa. tanggap na ako agad, literal na member na nang knights society o chess varsity nang school namin. laking tuwa ko dahil excited ako sa darating na competition. debut ko yun as a chess player ngayong college. dahil sa sobrang saya, niyaya ko si irene na kumain sa tambayan namin na kfc. dating gawi ang order namin. hindi mawawala ang large mashed potato sa meal namin. actually kahit yun lang eh enjoy na kaming dalawa.

habang kumakain ay tuloy lang ang kuwentuhan naming walang puknat. kung anu-anong topic, lalaki, babae, yung competition, studies, etc. ang ingay naming dalawa sa loob. wala kaming pakialam kung malakas boses namin. parang amin na nga ang kfc dahil sa inaasta namin. buti na lang kakilala ni irene yung manager na yun kaya okay lang. dun kami lagi pumupwesto sa may malapit sa pinto, sa may upuang malambot. trip lang. lagi iyong nakareserve samin. mismong si manong guard na ang nagrereserve para samin. hahaha. tamang trip lang.

pagkatapos namin kumain ay dumiretso na agad kami sa klase at tinapos ang maghapon sa loob ng apat na sulok ng silid na iyon. uwian na naman, nauna nang umuwi si irene dahil may date pa daw ang loka sa jowawits niya na sa kabilang school lang din naman nag-aaral. kasalukuyan akong naglalakad ng tumunog ang cp ko. pagtingin ko, si coach ang nagtext. naalala ko binigay ko pala contact ko sa kanya kanina. pinapapunta niya lahat ng varsity sa tagpuan namin sa loob ng campus. alam ko kung saan iyon.

dali-dali kong tinungo ang lugar na maraming puno, may mga benches at table na yari sa kahoy. iyon kasi bali ang training spot namin kasi peaceful at the same time conducive para sa mga meetings na ganito. pagdating ko doon ay ako na lang ang hinihintay.

"guys, good afternoon sa inyo. nagpatawag ako nang isang meeting kasi gusto ko makilala niyo ang bagong member ng team." sabay tingin sa akin ni coach na parang nagsasabing magpakilala ako. nahihiya akong pumunta sa harap nila.
"hi, ako si lexter santos, 19, student ng college of accountancy, and ... single. nice meeting you all guys." isa-isa din silang nagpakilala. lahat sila may itsura pero hindi ko sila trip. 5 kaming lalaki sa team at 2 babae. dahil sa ako ang pinakabago sa team, inaalalayan nila ako.

halos araw-araw na ang practice namin dahil ilang araw na lang at competition na. pagkatapos nang klase ay diretso agad ako sa tagpuan para mag-ensayo. naiintindihan naman ni irene yon. minsan andun siya para manuod. minsan naman andun siya para mangulit at kung ano-ano pa. wala lang siyang magawa pa ganun.

--

"team, eto na ang araw na pinakahihintay natin. ngayon natin ipamalas ang come back ng mga champions okay? wag niyo sana akong bibiguin guys."
"yes coach!" sabay-sabay naming sabi.
"and you lexter, wag masyadong kabahan. kaya mo yan. gawin mo lang yung ginagawa mo sa practice and i'm sure mag-eenjoy ka."
mag-eenjoy nga ako nito andaming cute boys. shit! sa isip-isip ko. lumandi kahit tensed.

malaki ang venue kaya naman lahat kaming andudun ay sabay-sabay na isinalang. kanya-kanyang bracket. nagulat ako na halos lahat ng members ay magkakasama sa mga brackets ako lang ang nahiwalay at nag-iisa.

kaya mo yan lex. pagpapalakas ko nang loob sa sarili ko. aba, pipilitin kong makaabot ng championship noh. sayang ang mga pinaghirapan ko.

sinimulan na ang competition. tutok lahat ng players gayundin naman ako siyempre. ayaw ko mapahiya sa team ko lalo na kay coach. isang maling galaw lang, talo na ako. inobserbahan ko ang galaw ng kalaban ko. puro siya atake kaya sobrang open ang defenses niya. magaling naman siya kung tutuusin pero hindi niya napansin na open siya sa may right side niya. gumawa ako nang tactics ko at huhuliin ko siya.

--

"congrats team sa pagkakapasok natin sa finals. galingan niyo pa and you lexter you did an excellent job. ikaw pa lang sa team ang walang talo. keep it up." nahiya ako nang kaunti dahil pinuri ako ni coach. honestly di ako sanay na tumanggap nang kahit anong recognitions. wala namang silbi iyon sakin eh. hindi din naman siya nakakadagdag ng pogi points sakin. isa-isang nagcongratulate ang mga team members sa isa't isa and sabay-sabay kaming naglunch and nag-isip ng magandang strategy.

maya-maya pa pumasok na ulit kami sa loob at tinuloy ang laban. semi-finals na nang tournament at unti-unti na kaming nalagas. sa standing, ako ang rank 1 at ang 2-5 ay mga teammates ko din. kung ipagpapatuloy namin ito ay magiging champion kami ulit at kami-kami din ang maghaharap sa finals.

napansin ko na yung isang player na tumalo sa teammate ko eh maangas. mayabang talaga ang dating. hindi ko lang alam kung pati ugali sakop nun. sabi nang teammate ko, magaling daw sa strategy talaga ang taong iyon. nag-promise ako sa kanya na pag nagkaharap kami, ilalampaso ko siya at igaganti ko siya. natuwa naman ang loko sa sinabi at pag natalo ko daw, libre niya ako sa sbarro. shit, pizza and pasta. yummy! gagalingan ko talaga.

tagal ko na ding hindi kumain dun dahil sa may kamahalan ang pagkain. di kaya nang bugdet baka mabutas bulsa ko. tiningnan ko ang standing ng mga pumasok sa finals. pasok pa din ako at ang dalawa ko pang teammates. tatlo na lang kaming mag-dedefend sa school namin. actually, since ako ang rank 1 sa semi-finals, kalaban ko si angas ungas na nasa 2nd spot. pag-aagawan namin ang champion title. at yung teammates ko, bahala na sila kung anong spot ang gusto nila sa 3rd and 4th.

sumalang na kami. tama nga, magaling siya, sobrang magaling. nahirapan ako. halos wala akong makitang butas. maganda ang defense at offense niya. nag-iisip ako nang pantalo sa kanya kaso hirap na hirap na ako.

--flashback--
"apo, pag nahihirapan ka na sa laro at wala ka nang makitang pwedeng ilusot na tira, pumikit ka saglit at isipin mo na ang chess ay ang buhay mo."
--end--

pumikit ako saglit at inisip ang sinabi nang namayapa kong lolo. pagmulat ko nang mata ko ay laking pagtataka ko na parang may isang kamay na dumampi sa kamay ko at siya na mismo ang gumalaw nito. sa isang iglap lang biglang nagbago ang tension. napunta na lahat sa kanya. nakita ko din ang kahinaan niya. palaging ang queen at ang tower ang ginagalaw niya tinapatan ko nang knight at queen din. hayun, nadali ko siya. at hala, CHECKMATE siya.

--

isang linggo na ang nakakaraan nang manalo ang team namin sa competition. naglalakad kami ni irene palabas ng school nang may isang batang hangos na tumatakbo palapit sa akin. gusgusin siya. iiwas sana ako na mabunggo pero parang sa akin talaga ata ang direksyon niya kaya nabunggo din niya ako. natumba siya. tumayo at may kinuha sa bulsa. isang sulat.

Lexter Santos,

Good day sayo!

tama ba spelling ng name mo? heheh. nakita kita last week sa chess event. ang galing ng mga moves mo. sabi nila baguhan ka daw pero parang hindi kasi alam mo na ang mga galaw mo pagdating sa laban eh. nakakainspire ka. sana magmeet tayo soon.

PS kung available ka today, meet me sa tambayan niyo ni irene at 5pm sharp.

yours truly,
you knight

"bakla, may stalker ka and OMG kilala niya din ako. dont tell me isasalvage niya ang beauty ko. wawa naman ang bebe ko." parang engot lang sa emote si irene.
"tumigil ka nga landi nito. sa tingin mo papauto ako sa kanya. manigas siya. hindi ko nga siya kilala eh." sabay tunog ng cp ko.

feeling ko hindi ka pupunta mamaya kaya kapag hindi ka dumating, expect mong nasa labas ako nang room mo or sa labas ng dorm mo. - your knight

shit naman na buhay to oh. pinabasa ko kay irene ang text at naloka ulit ang beauty niya sa nabasa. stalker na stalker ang dating. natatakot ako sa maaari niyang gawin kaya nag-decide akong puntahan siya after class.

mabilis na lumipas ang mga oras at 5pm na. nagtext na siya ulit na nasa 2nd floor daw siya nang kfc. kinakabahan akong pumunta dun. parang eyeball ang dating. pagpasok ko nang fastfood binati ako ni manong guard at nagrespond naman ako. umakyat na ako sa taas. dinig na dinig ko ang tibok nang puso ko na gusto nang sumabog sa sobrang kaba. pagdating ko sa taas, iisang tao lang ang andun. nakatalikod siya sakin at mukha ding estudyante. bababa na sana ako nang magtext ulit siya.

wag mo na balaking bumaba. lumapit ka na sakin. di kita sasaktan. - your knight

lalo akong kinabahan. may ESP ba itong taong to at alam ang nilalaman ng utak ko? dahan-dahan akong lumapit. umupo ako sa karap niya and gulat na gulat. shit totoo ba ito? pero paano? bakit?

itutuloy

Sunday, August 1, 2010

Love in Another Perspective

this story was inspired/derived from someone... ahm, "ikaw", kilala mo na kung sino ka... eto na iyong nirequest mo sakin... sana mabigyan ko talaga nang justice ito. nakakahiya naman kasi kung hindi di ba... heheh.. basta andito lang ako lagi para sayo... susuportahan kita sa alam kong ikakabuti mo.. :DD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Beep. Beep.

isang text ang nagpagising sa akin sa isang napakahabang paglalakbay nang utak ko habang mistulang tuod na nakatingin sa harapan ng computer.

nga pala, ako si erik, 21, tambay sa ngayon, isang event singer. 5"7' ang height ko, medyo may mga baby fats pa, tsinito at sabi nang iba ay cute daw. well, tama siguro sila kasi, it runs in the family. my mom has been crowned as ms. quezon city way back in her times, my sister followed her step, my dad is as gorgeous as my mom, and me? hahah... i'm the simplest form in the house having these pair of glasses. indi ako nerd pero my eyes needed them.

binasa ko ang text na nareceive ko.

hi! bati nang isang numerong hindi ko kilala.

hi! may i know who's this pls? tugon ko.

ahm, i'm nicolas. got your number sa isang blog for bisexuals.

ah okay. your asl?

22, bi, pampanga. kaw?

ang layo mo naman. erik, 21, bi, qc.

uo nga nuh. hahah. pero okay lang yan.

got fb?

yeah. ********_****@yahoo.com

got it. here's mine. **************09@yahoo.com

na-add na kita. bakit naman pixelated picture mo? tanong niya.

wala lang trip lang. same as you, neon color ang picture mo. hahah.

iyon amg simula nang pagpapalitan namin ng mga mensahe ni nico. kala ko he's just another guy na masipag magtext sa una pero later on eh biglang dadalang then mawawala. pero nagkamali ako. consistent siya sa pangungulit sa akin, same as sa pangungulit ko sa kanya.

one time, i was lying on my bed ng biglang mag-ring ang phone ko. tiningnan ko ang name nang caller just to found out na he's calling.

hello nico. how are you?

i'm doing great po sir. kaw?

sir ka jan. i'm doing great as well. nga pala, why call now?

wala lang. namiss kasi kita eh.

namiss? hahah. stupidity knocks, lagi nga tayong magkausap eh.

bakit ba, alang basagan ng trip.

ah ganun huh. trip lang pala huh. sabay drop ng call. di ko alam pero may himig ng sakit akong naramdaman ng sinabi niyang trip. tumawag siya ulit.

bakit tumawag ka na naman? pwede ba wag mo kong pagtripan, okay?

masyado mo namang sineryoso yung sinabi ko. sorry na rik. miss lang talaga kita. tsaka, i've waited this long para marinig ko ang boses mo. please sorry na.

whatever! next time ayaw ko nang trip.

opo. anyway rik, ang ganda nang boses mo. para kang isang anghel na bumaba mula sa langit.

hoy nico, stop that. niloloko mo na naman ako. gusto mo atang patayan kita ulit huh. paghahamon ko.

no, huwag. honestly, gusto ko yung boses mo. parang musika sa pandinig, i'm loving it. kinilig ako nang di mawari sa sinabi niya.

hahah. boses pa lang naiinlove ka na. how much more pag nakita mo ako. baka you can't get me out from your system.

see, pati pagtawa mo. it's angelic.

hay naku nico, masyado ka nang oa huh. trip na naman to ano?

hahah. siyempre hindi rik. teka, asan ka ba ngayon?

andito sa bed ko malamang. how would you think this irresistible man rooming in the streets at this time in the night. hahah.

pilosopo ka naman. seryoso niyang tugon. naramdaman kong parang sumosobra na ako sa kanya. ang tagal niyang tumahimik.

nico, still there? hui, magsalita ka naman. earth calling nico from mars, earth calling. hindi pa din siya sumagot. papatayin ko na sana nang marinig kong nagsalita siya.

inatake ako nang conscience ko dahil sa nangyari that time. honestly, hindi naman ako ganun. nagkataon lang na nakapalagayan ko na nang loob si nico kaya minsan binabara ko siya. pero i'm oa na kasi nasasaktan na siya which is not good. nasasaktan din ako in a way na hindi na siya nagsasalita.

every night na kaming nagtatawagan ni nico. exactly 11pm ang umpisa nang conference namin hanggang any time sa madaling araw. masaya siyang kausap sa kadahilanang nag-eenjoy ako.
it's been 2 1/2 years since i had this feeling sa isang taong i barely know. pipigilan ko ba ulit ang sarili ko na maging masaya ulit? no way. i shoud have to make this thing to work.

until one time, isa sa mga conference namin bigla siyang naputol. hindi ko alam kung bakit. nagtampo ako kasi kasalukuyan kaming naghaharutan eh. nabitin ako kumbaga. (i'm having a boner that time - i guess you know what i mean.) kaya nang tumawag siya ulit ay hindi na ako na-excite pa. hindi ko sinagot yung tawag niya. nang mag-end, nagsend ako nang text message sa kanya informing him na matutulog na ako. isang maikling ok na may kasamang sad face ang sagot niya.

sino ba namang tanga ang hindi mabubwisit. although hindi niya naman kasalanan iyon, still naiinis ako. simula nang gabing iyon, hindi na madalas magparamdam si nico. sabi ko sa sarili ko, confirmed he's just another guy.

ginawa kong busy ang sarili ko at nag-rehearse ako. oo nga pala, i almost forgot. i have a wedding to attend this weekend and hindi pa nakahanda ang peace ko. oh my gosh! dali dali kong inilabas ang susi ko at ipinasok sa seradura nang pinto. now, i'm in my music room.

well, i find peace sa music room ko everytime nakikita ko yung mga gadgets na matagal kong pinag-ipunan. mukhang recording studio tong room. almost complete with the high tech stuffs and a soundproof wall. gumagawa ako nang mga recordings ko dito everytime na may nagrerequest.

hinanap ko yung mga pieces ko and agad ko naman itong nakita. hinawakan ko ito and played my minus one. tanging yaman, panunumpa, and would you believe i have a version of runaway. yan kasi yung mga songs na gusto nang mga ikakasal sa kanilang wedding. i added grow old with you, i do (cherish you), all my life and the way you look at me (my favorite song). bonus na yon since i know the groom and he's someone special.

everytime i do rehearsals, ni-rerecord ko ang mga iyon to see if everything was great. ala namang sablay except sa song na i do (cherish you) dahil parang kulang sa emotion. inulit ko nang inulit yung song hanggang sa mapili ko yung pinakamagandang version. mahilig kasi akong mag-iba nang tono.

masyado akong naging busy sa rehearsal kaya when i check my watch, it's almost 6pm na. it's time for dinner. i got out of the room, get my things and went straight to the kitchen. iniisip niyo siguro na napakalaki nang house namin or something like a mansion pero to disappoint you, hindi. isang simpleng bungalow lang yung bahay namin and my music room is yung dating bodega na kinonvert ko.

pag-check ko nang phone ko eh nagulat ako na i got 20 texts and i missed 10 calls. parang andami naman atang calls. when i checked it out, si nico pala yung tumatawag and most of the texts eh galing din sa kanya. nangungulit, nangungumusta, nag-aalala. naisipan kong magreply sa kanya thru text na lang kasi magsa-shower pa ako. sinabi ko na busy ako a while ago sa pagrerehearsse ko nang wedding song siya. dahil sa nalaman niya, kinulit niya akong bigyan ko daw siya nang sample. sabi ko, check his email kasi isesend ko na lang dun yung sample ko. natuwa naman ang mama sa sinabi ko at heto pa, may special request ang loko. pagdating daw nang wedding, tatawagan niya ako and i will let him hear the entire wedding. (pwede ba yun?)

time's really fast approaching and its the big day today for angelo (my ex-bf). i feel so happy that all at once, nakita ko siyang contented and very much happy wearing his tuxedo. he whispered something to me as i came in and shook his hands.

i love you still erik and i will miss you! thank you for coming and be my singer. isang ngiti and halik sa pisngi lang ang sinagot ko sa kanya. simpleng respeto sa mapapangasawa niya and sa almost 2years naming relation. alam kong mahal ako ni angelo pero mahal din niya si inah - his wife. wala na akong maramdamang kirot, everything has been expected and accepted.

habang inaantay ang bride, nag-rehearse muna ako ulit ng pieces ko. nakita ko kay angelo ang saya nang magiging isang asawa. nakatingin siya sa akin and ganun din ako sa kanya. naputol lang iyon nang mag-ring ang phone ko. gaya nang napag-usapan, papakinggang daw niya ang live performance ko.

mag-uumpisa na ang entourage dahil dumating na si inah. holy crap! sino yung katabi ni angelo. he stands 5"9"" siguro, maputi and so handsome. hindi din naman ako papahuli siyempre, wearing a tuxedo din kaya nga lang he looks so perfect. hindi maiwasang hindi ako panlambutan nang tuhod. pero guys, another story na siya.

when inah stepped her feet inside the church, the music begun to ring and i started to sing. hindi ko alam how will i feel pero somehow i'm feeling grateful that finally angelo would settle down. they're really good with each other and they will make a great family. *sigh.

and so the wedding goes on.

i checked my phone once again. may text si nico. narinig daw niya ang lahat and sinabi niya na parang kasali siya sa kasalan dahil sa tindi daw ng boses ko. napakaganda daw. siguro nga totoo kasi after my performance sa reception, someone approached me and he got my digits. he's a talent manager daw. many other approached me and congratulated me for a job well done. kinuha din ni best man number ko.

nung tinawagan ako ulit ni nico after the party, nagulat ako sa mga pinagsasasabi niya.

hi rik, great songs and i love you este it pala. heheh

hoy nico, trip na naman to. pero kinilig ako sa sinabi niya. thanks for the complement.

wala yun nuh. you deserve it.

moment of silence.

ahm rik, may gusto sana akong sabihin sa iyo eh.

sure, ano yun.

i have a boyfriend. hu-waaaaatttt?!

so? hindi ko pinahalata na nasaktan ako. siyempre para saan pa tsaka i'm not in the position.

i'm sorry kung ngayon ko lang nasabi.

wala yun tol. that's the first time i said tol sa kanya.

ayoko ko na kasing maglihim pa sayo. simula nung tinawagan kita, gusto ko nang sabihin sa iyo pero nagdadalawang isip ako kasi baka pag sinabi ko na sa iyo eh bigla kang magbago and i don't want that to happen kasi... kasi... kasi...

anong kasi? stop this drama or else! pagbabanta ko kasi nag-iba na talaga mood ko.

kasi mahal na kita. oo mahal na mahal. parang biglang tumigil ang pag-inog nang mundo sa mga sinabi niya.

no, you can't!!!

anong i can't?

you can't love me if you're already commited. maawa ka naman sa bf mo. wag mo siyang saktan.

pero anong gagawin ko? hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong mahulog sa iyo.

pero mali ito nico. maling-mali. ngayon pa!

anong ngayon pa?

i can't continue loving you gayong mayroon nang nagmamay-ari sa puso mo. i don't want to be the other guy here, i want to be the only guy. umiiyak kong sabi.

umiiyak ka ba rik? sorry kung nasasaktan ka dahil sa akin. mas mabuti nang ganito kesa naman patuloy lang kitang paglihiman.

the conversation we had ended to one solution. maging special friends kami despite na may karelasyon siya. pumayag ako sa kadahilanang natatakot ako na muling maramdaman ang feeling nang pagiging malungkot.

dumaan ang mga araw na mas lalo siyang naging sweet sa akin. maya't maya ang sabi niya nang i love you and ganun din ako sa kanya. i'm enjoying the feeling pero sa kabilang banda, i felt sad kasi hindi lang ako ang sinasabihan niya nang ganun.

we've been constant special friends for a month or so. may mga tampuhan moments na kami kasi nga one step higher na yung relationship namin. masaya pa kaming nagkwentuhan nung april 23 nang gabi then suddenly may nangyari. tumawag siya the following day.

rik, may sasabihin ako sayo. really important. kinakabahan ako pero hinayaan ko lang siya.

hiwalay na kami nang boyfriend ko.

bakit? anong nangyari?

nothing important, i fell out of love sa kanya.

at dahil ba iyon sa akin? assuming lang.

oo. lagi na lang kaming nag-aaway dahil sayo. sabi ko na eh.

so anong gagawin mo ngayon?

lalayo muna ako. hahanapin ko ang sarili ko. ewan, hindi ko alam.

ano ba naman yan nico! ayusin mo nga. ano ba plano mo?

plano ko? tuluyan ka nang kalimutan. nagulantang ako sa sinabi niya. may authority ang boses na lumabas sa receiver nang phone ko. ayoko nang maging pabigat pa sayo. ayoko nang ako ang maging dahilan nang mga sama nang loob mo. ayoko nang maging pabigat pa sayo. sabay putol nang linya.

hindi ako makapaniwala na sa isang iglap tatapusin na niya ang lahat sa ganun. napaka-unfair sa part ko iyon. naging tuliro ako. nagpost ako nang message sa blog ko para ilabas lahat ng mga sama nang loob ko. gustong kong basagin lahat ng pwedeng basagin pero nanaig ang pagiging rationale ko. pumunta ako sa loob ng music room at doon ko inilabas lahat ng hinanakit. sumigaw ako nang sumigaw. wala namang makakarinig sakin eh.

nang mag-calm down na ako, tumayo ako. nagplay ng music at kumanta. in this way, lalo pang gagaan ang dinadala ko. kinanta ko ang thanks to you. hindi ko siya nirecord this time dahil ayoko.

know what, until today naaalala ko padin si nico. binura ko na din yung facebook account ko (alter account) at nagpalit nang bago para maka-move on. ngayon mas lalo kong naintindihan na love really moves in mysterious way and in another perspective kasi kahit di pa kami nagkikita, kahit thru phone calls and texts lang kami minahal ko siya nang totoo and lubos. pero iyon nga ang napala ko. anyway, so much for the crying-over-spilled-milk drama. that was laready over. iba na ngayon. i ended up being happy, being with someone i just met at the wedding, being stonger than i used to be. no more silly talks on strangers over the phone. i've learned.

thanks for reading. Godbless..

'til here.

erik

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

watch out for the next post about erik... Love in Another Perspective Sequel...