hello guys, thanks sa continuous patronage sa mga entries ko... ahm ito na po yung ending part and sana magustuhan niyo...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
mabuti na rin siguro na nangyari ang bagay na iyon para tuluyan ko na siyang kalimutan at harapin ang bukas kasama si alvin. sa kakaisip ko sa mga bagay bagay ay bigla na lang akong nakakita nang isang maliwanag na ilaw patungo sa aming direksyon. papalapit iyon nang papalapit. hanggang sa makarinig ako nang biglang preno at isang BLAGGGG!!!!
anong nangyayari? bakit madilim? bakit may sasakyan sa harap ko? bakit andaming tao sa paligid? bakit biglang lumiwanag? mga tanong sa isip ko.
nakita ko sa pagtingin ko sa side na inilalabas nila si alvin at napansin kong duguan ito. bakit nila kinuha si alvin? bakit siya duguan? pati ako ay hindi na aware sa nangyayari. may mga dugong dumadaloy sa mukha ko at tumatama sa mata ko. mahapdi. sobrang hapdi. hindi ko na alam pa ang mga sumunod na pangyayari dahil di ko na mapigilan ang pumikit sa sobrang pagod. may dalawang brasong pilit akong hinihila palabas hanggang sa isang malaking pagsabog ang nadinig ko. naghiyawan ang mga tao at tuluyan na akong nakatulog.
hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulog kaya't ng pagmulat ko parang nanibago ako. may babaeng nakatayo sa tabi ko at nakangiti. maganda ang postura niya. eleganteng elegante.
"how are you hijo?" tanong niya.
"o-okay lang naman po ako." sagot ko.
"would you like something to drink?" umiling lang ako.
"o sige, magrest ka muna jan huh." tango lang ang sagot ko.
nasan ba ako? kaninong bahay ito? hindi amin to. asan sina nanay at tatay? si bunso? nakalimutan kong itanong dun sa babae kung asan sila at kung sino siya. pinilit kong tumayo pero may mga kung anong bagay na nakakabit sa akin. doon ko nalaman na nasa ospital pala ako. pero parang hindi kasi parang isang kuwarto ito sa condo dahil kumpleto ang mga kagamitan.
nilibot ko ang aking tingin nang mahagip ko ang isang lalaking natutulog. nang mahinuha ko kung sino iyon ay biglang akyat ng galit at pagpupuyos nang damdaming ang bumalot sa akin. isang unan ang kinuha ko at ibinalibag iyon sa kanya. gulat siyang nagising dahil sa kung anong bagay ang dumapo sa kanya. nang tingnan niya ako ay doon niya nakitang gising na ako.
hindi siya makalapit sa akin dahil alam niyang galit ako. ibang-iba ang itsura niya ngayon. pumayat siya at ang mala-anghel niyang mukha ay nadistort nang konti gawa nang malalaking eyebags at paglubog ng pisngi.
"bakit andito ka??? lumayas ka dito!! nasaan si alvin? san mo siya dinala!!!" pasinghal kong sabi sa kanya.
"ton, please calm down. you need to rest."
"rest? hindi ko yun magagawa hanggang sa ikaw ang nakikita ko. kailangan ko si alvin!" nakita ko sa unang pagkakataon ang mga luha ni andrei. labis siyang nasaktan pero ganoon din ako. hanggang ngayon kasi ay sarado ang puso ko sa kanya dahil sa ginawa niya. walang sabi-sabi siyang lumabas at umalis.
nang wala na siya ay bumuhos naman ang mga iniingatan kong luha. hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi padin mawala-wala sa puso't isip ko ang pagmamahal ko sa kanya. hindi ko din matanggap kung gaano akong nagpakatanga sa kagaya niya. pero anu't ano pa man, ang bottomline dito ay mahal ko pa din siya. pero paano ko magagawang iparamdam yun kung inuusig ako nang konsensya ko dahil kami pa ni alvin.
bigla akong natuliro nang maalala siya. nasaan siya? may nakita akong machine na sa tingin ko eh pangtawag ng nurse. pinindot ko ito. wala pang 5min ay may dumating na nurse at inasikaso ako.
"asan si alvin, alvin montez?" tanong ko agad.
"ah nasa kabilang kwarto po sir. naka-confine po kayo pareho kasi naaksidente po kayong dalawa two weeks ago pa." whaaaattt??? 2wks ago pa?
"pu-puwede ko ba siyang puntahan?" tango lang ang tugon ng nurse. agad niya akong inakay na tumayo at inalalayang maglakad.
paglabas ng pinto ay nakita ko pa si andrei pero agad din itong tumalikod. ilang hakbang pa ay nasa harap na ako nang pinto nang kuwarto ni alvin. kinakabahan ako sa pwede kong makita sa loob. baka hindi ko kayanin ang eksena doon. kumatok ang nurse at pinihit ang knob. pagbukas ay nakita kong nakahiga si alvin at natutulog. puro benda ang katawan. tiningnan ko ang sarili ko pero gaya niya ako din ay meron at ang masaklp pa ay sa ulo ang benda ko. dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan nito. hindi ko namalayan ang mga tao sa paligid.
agad akong umiyak pagkalapit ko sa kanya. hindi ko lubos maisip na dahil sa akin ay magkakaganito siya. sobra akong nakokonsensya sa nakikita ko. biglang ma humawak sa balikat ko. marahil ay ramdam na ramdam niya ang hinagpis ko.
"hijo, don't cry so much. your friend is alright. okay na siya." tiningnan ko kung sino iyong nagsalita at nakita kong siya iyong babae sa kwarto ko kanina. hindi ako sumagot sa kanya dahil nahihiwagaan ako sa pagkatao niya.
"nagtataka ka siguro kung sino ako tama ba? ako si aniceta arce-montez, mama ni alvin." doon ko narealize ang role nung babaeng yon sa sitwasyon namin.
"pa-pasensya na po kayo kung dahil sa akin ay napahamak ang anak niyo" patuloy akong tumatangis.
"walang may gusto sa nangyari at hindi ka namin sinisisi. sa nakikita mo, nagrerecover pa si alvin sa mga injuries niya and napagdesisyunan namin na iuwi na siya sa australia para doon na ituloy ang recovery niya." sabi nito. tuluyan nang ilalayo sakin si alvin.
"pero..."
"alam ko hijo na there's something special between the both of you. hindi naman naglihim sakin si alvin eh. boyfriend mo siya hindi ba? hindi ako nagagalit kung magkarelasyon kayo nang anak ko pero siguro it's about time na para i-settle niyo ang relasyon niyo into friendship dahil nakikita ko kung gaano siyang nasasaktan each time na nababanggit niya si andrei. he said that he can't afford to lose you but he's willing to give you your freedom back when opportunity calls."
hindi ako makapaniwala sa mga sinasabe ni mam aniceta.
"actually, when we had a heart to heart talk, sinabi niya din sakin na he loves you so much and he's willing to do what he ought to do just to keep you happy even if he had to sacrifice himself. nung mapansin niyang parang nag-iiba ka na simula nang muli mong makausap yung ex mo, he asked God for a sign. a sign which is something unbearable but escapable. and when he received that sign, he know for sure that he had to set you free."
"ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko na naguguluhan.
"this accident, this is the sign." nagulat pa ako dahil gising na pala si alvin at matama akong tinitingnan. maluha-luha pa siya dahil sa sinabi niyang iyon.
"pero alvin, hindi ko pwedeng basta ka na lang iwan. mahal kita alam mo yan di ba?"
"alam ko naman yon ton eh. sabi nga nila di ba, if you love someone and you felt that that person isn't happy anymore, you should initiate the chance for that person to be happy. i know you still love andrei. hindi ko lang matanggap nung una dahil mahal kita pero dahil sa accident na ito, which is i call a divine intervention, i have to do what is right. im setting you free." tuloy-tuloy na paliwanag sakin ni alvin. alam kong masakit na magpaalam sa minamahal mo dahil naranasan ko na iyon. naramdaman ko ang mga palad ni alvin na pinupunasan ang luha ko.
"shhhh, don't cry. hindi ko kaya na nakikita kang ganyan. i'll be fine ton. i know nasabi na sayo ni mama na pupunta na kami nang australia for my rehabilitation and i'll be staying there for good." hindi pa din ako umiimik.
"ahm ton, would you promise me one thing?"
"ano yon alvin? kahit ano gagawin ko para lang sayo."
"forgive and forget everything you and andrei had gone through. nag-usap na kami and i realized that napakabuti niyang tao. he explained to me the whole thing and i understand it now. go on and talk with him. he's been waiting for you since we caught an accident. siya ang nagtyagang nagbantay sayo when you we're fast asleep. siya din yung nag-aasikaso sayo and the one who pulled you out sa sasakyan bago iyon sumabog." dahil sa mga sinabi ni alvin ay nakaramdam ako ng habag sa tinuran ko kay andrei. pansamatala kong nakalimutan ang sakit na dulot niya.
"and one more thing tonton, don't forget to update me huh. i'll give you my contact details soon as we got there. okay?" sabay hug sakin. ang higpit nang yakap niya and sobrang mamimiss ko iyon. and for the last time, we kissed luckily kanina pa umalis mama niya to give us time para mag-usap nang masinsinan.
i'm a lucky guy kung tutuusin dahil andyan si alvin at ang mama niya. his mom even gave me a scholarship to finish my career kahit na ilang beses ko na iyong tinanggihan. sobrang blessed ako sa kanila.
after one more week stay sa ospital eh nakalabas na din kami. si alvin and family got their feet off to australia na. malungkot na mamaalam sa kanya pero nangako ako na magiging magkaibigan padin kami and susubukan kong kausapin muli si andrei.
dahil sa pagkakaospital ko ay andaming lessons akong naiwanan kaya naman humiram ako nang mga lecture notes ni arjay at binasa iyon. gabi-gabi akong puyat para makahabol sa kanila. dahil na din sa dala kong medical certificate ay pinagbigyan ako nang mga professors ko na magtake ng special quizzes provided na these exams are tougher than the ones they've been given to the class.
bahay-school-library-bahay. yan ang daily routines ko to catch things up. nakalimutan ko pansamantala ang pangako ko kay alvin dahil na din sa kagustuhan kong mamaintain ang mga grades ko. dumating ang araw ng mga special quizzes ko. pinaghandaan ko ito nang sobra. honestly nahirapan ako pero worth it naman ang ilang gabing pagpupuyat ko dahil lahat yun naipasa ko and most of them got A+ sa corner ng paper ko. tuwang-tuwa ako. dahil sa good performance ko ay nakahabol ako kay arjay and we shared the top spot sa patalinuhan.
now there's one more thing left, i have to face andrei. is it now or never. bumalik na din si andrei sa school namin to continue his studies. member na din siya nang varsity nang basketball - nga pala tosser ako nang men's volleyball varsity namin - and napapansin ko na hindi na niya kasama ang mga friends niya lalo na si ryan.
one time, practice namin nun mga bandang 6pm, nakita ko siyang pumasok sa gym. wala namang practice ang basketball team that time kasi scheduled ang mga practices namin. hindi ko muna siya ininda kasi seryoso ako sa pagiging tosser ko. hinati ang team namin para maglaro nang isang game, battle of 3 sets.
napunta ako sa mga baguhang members. kumbaga, old varsity vs fresh varsity. in fairness naman saming mga baguhan,magagaling kami and hindi kami nagpapatalo sa kanila. in fact, kami ang nanalo sa 3rd set 32-30. ganyan ka-close ang laban namin. tuwang tuwang nakipag-shake hands samin ang buong team. may mga bago na raw papalit sa kanila paggraduate nila.
matapos ang konting usaoan ay dumiretso na ako nang shower sa cr. wala kasi kaming locker room dun kaya sa cr na ang tuloy namin since cubicles din iyon. matapos kong magshower at magbihis ay diri-diretso na ako nang lakad. gusto ko nang umuwi dahil sa pagod na ako. nasa gate na ako nang bigla kong maalala si andrei.
dagli akong bumalik sa gym para puntahan siya, nagbabaka-sakaling andun pa sya. pero patay na ang lahat ng mga ilaw. patalikod na ako nun nang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. muli ko na namang nalanghap ang pamilyar na amoy na iyon. hindi ko maiwasang hindi na naman umiyak. bakit ba siya ganito? bakit hanggang ngayon eh mahal niya padin ako sa kabila nang lahat.
tinanggal ko ang mga kamay niya sa mga mata ko at hinarap siya. madilim ang paligid pero tila ba may liwanag na umaaninag saming dalawa. nag-uusap kami sa gitna nang katahimikan at kadiliman. hindi ko na mapigilan ang sarili ko. agad ko siyang siniil nang nag-aalab na halik. gumanti din siya sa ginawa ko. hinapit niya ako papalapit sa kanya at hinagkan pa nang mariin. may katagalan din kami sa ganoong sitwasyon. ako na ang humiwalay samin.
"ton, i'm really sorry."
"tama na andrei. let bygones be bygones. tapos na iyon. sasayangin pa ba natin ang binigay ni alvin na second chance para mag-work out tayong dalawa?"
"pero i owe you an explanation."
"alam ko pero saka na muna iyan. gusto kong i-cherish nating dalawa kung anuman ang nangyayari sating dalawa ngayon. make me feel that this night is special."
"as you wish your highness." sabi niya na may kasamang tawa. magkaakbay kaming lumabas ng campus at dumiretso nang mcdo since kapwa kami nagcrave ng float and fries.
habang nasa fastfood chain kami ay pinag-usapan namin ang lahat nang mga nangyari. inamin niya sa akin na nung pinauwi siya nang daddy niya sa states ay kinausap siya nito nang mabuti tungkol sa report ng school na maganda ang performance niya academically and tinanong kung sinong inspiration niya. walang atubiling sinabi niyang ako ang dahilan nang lahat. kinamusta din daw nang daddy niya ang set of friends niya. nasabi niya dito na they're not good influence kaya naman pinapalayo siya nito sa mga iyon. unti-unti niya itong ginagawa hanggang sa si ryan na mismo ang nakapansin nang kanyang paglayo. kinompronta siya nito at doon niya inamin na hanggang ngayon ay inuusig sya nang konsensya niya sa ginawa nilang pustahan sakin. dahil sa galit ni ryan ay muntik na niya akong mapatay dahil may dala siyang baril. naiputok niya iyon at tumama sa dibdib niya. itinaas niya ang damit niya at ipinakita sa akin ang peklat nito. sakto namang may nakakita sa pangyayari at humingi nang tulong at dinala siya sa ospital.
"oh anung nangyari kay ryan?" tanong ko.
"hanggang sa ngayon he's hiding. maybe he flew somewhere else where no one could identify him." sabay tawa.
"eh yung ibang barkada mo?"
"naireport silang lahat sa pulis kasi one time they had a pot session in one the members boarding house, eh unluckily they forget to lock the knob. his landlady opened the door to see if he was around and found out that they were all sleeping naked and all the paraphernalias are scattered on the floor. she immediately called the police and the authority drag them all of. now they're in a rehab."
"ah, eh ikaw, bakit ka andito? kala ko ba you're staying in the US for good?"
"bakit? ayaw mo na ba talaga akong makita and makasama for the rest of your life?"
"huh? what do you mean?"
"it's a surprise pero can't contain it anymore. i'm processing a petition for you. gusto kang makilala ni daddy and want you to stay and be a part of the family."
"di ko magets andrei."
"daddy wants you to be his son-in-law."
"son-in-law what?"
"hey dumbass, nagpetition kami ni daddy na kunin ka dito sa pilipinas para makasama ka namin sa america. he's not even bothered if we decided to get marry. ikaw na lang ang hinihintay nung papers."
"pero..."
"don't worry about nanay, tatay and bunso. agree sila sa decision namin and eventually in the near future, susunod sila dun. inuna lang namin ung sayo. kasi honestly, i can no longer live my life without you in it. i'll do everything i can just to make you stay. i love you so much antonio lopez. now, permit me to do this." sabay tingin sa mga mata ko nang diretso.
taka man sa kung anong gagawin niya ay tumango na din ako. he pulled something in his pocket. akala ko magpo-pronounce siya nang will you marry me sabay labas ng ring pero hindi pala. naglabas siya nang locket at binuksan iyon. naluha pa ako nang makita ang picture naming dalawa na masaya, naka-enclosed sa heart na may forever. niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa labi.
madaming tao ang nasa loob ng mcdo and wala kaming pakialam sa mga nanunuri nilang mga tingin. ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligayan na dulot ng pagbubuklod namin ni andrei.
pumayag ako sa kasunduan namin ni andrei na after kong makagraduate and pumasa nang board exam ay susunod na ako sa kanila. malayo pa naman iyon kung tutuusin pero excited na ako sa pwedeng mangyari. kasado na ang lahat para sa amin. arrange na ang mga bagay-bagay. magkasama padin kami ni andrei sa university. masaya kami sa takbo nang relasyon namin. engaged na kami kung tutuusin. may mga ups and downs kami pero nasesettle din naman agad iyon.
umuwi si daddy nung march para dalawin kami ni andrei and para pormal na ding makilala sila nanay at tatay kasabay nang pagpaplano nang future naming dalawa. wala namang humadlang sa partido ko kaya lubos ang ligaya namin.
sa ngayon ay masaya naming hinaharap ang bawat bukas. magkasama sa lahat ng bagay. ang mga puso namin ay itinali na sa isa't isa. sa school, kami ay inseparable bestfriends pero sa mga malalapit samin they knew the real score kaya off limits na kami pareho. so, hanggang dito na lang folks and maraming maraming salamat sa pagiging part niyo sa buhay ko. let's all be HAPPY and GAY!!! heheh....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
(end)
email: denz_freak88@yahoo.com
5 comments:
hi denx..nakapag-update ka na pala. ang ganda ng ending ng kwento mo...job well done!!2 two thumbs up galing sa kin!
super busy pa ako sa work at sa bagong baby boy ko eh kaya hindi ko pa maharap ang pagsusulat. Masaya na mahirap maging family man and bisexual at the same time. ang kulit ng panganay ko na girl tapos i2 bunso na baby boy sobrang likot din.
keep writing.
Ayy, i became sad after reading the whole story. Panu na c alvin? Gusto ko pa man din ung character nya. Gwa ka ng an0ther versi0n ung c alvin at anton ang ngka2luyan please...
Love the story Masyabo akong naapektuhan sa buong story mo It a dream come true Well thank for the great story Ill pray for your happiness!!!!!
KUDOS!
well-created ..
it is such a masterpiece -- a work of art ..
Thanks kuya Dhen --
thanks kuya. 90%.
bharu
Post a Comment