Friday, July 9, 2010

SHORT STORY: Si Andrei Part 8 (the last chapter 1)

pasensiya na po dear readers sa sobrang tagal ng update. ngayon lang ulit nagkaroon ng time para magsulat. heheh.

maraming marami ng sa lamat po sa walang sawang pagsubaybay niyo sa kuwento ni tonton. sana po ay magustuhan niyo ang huling alay ko sa inyo.

to josh-idol! salamat sa comment.. miss ko na magbasa ng mga gawa mo. and tama ka, may pinaghuhugutan ako sa istorya ko. hindi ko lang mawari kung dahil sa pagiging hopeless romantic ko o ewan. hahah.

to dylan-nakakatuwa ka din idol... kahit busy ka nakakapag-update ka pa din sa mga posts mo and yet hindi ako nadidis-appoint sa mga gawa mo... lagi akong nata-touch in most points. keep itup.

to cyr-hahah.. ituloy mo lang yang pagsusulat mo. meron ka ding talent kaya't i-nurture mo..

to mharveerick-okay lang yan tol. atleast at ease ako na nabasa mo yung part 7... heheh... uo, magsusulat pa ako nang iba kumbaga mga isang post lang habang pinag-iisipan ko ung plot ng susunod kong story...

to just-thanks dahil isa ka sa mga reader ko na laging nagbibigay ng encouragement sa akin... i'll write more stories po...

to khail-oks lang yun tol. ako din medyo naging busy eh especially now dahil nag-enroll ako for masteral... heheh... mamimiss ko kayong mga readers ng story na ito.

to gboi-yeah i promise na after this mini story eh may kasunod pa ito... heheh... matatagalan nga lang nang kaunti.. heheh...

to ketianc-my sobrang kulit reader ever... heheh... sana magustuhan mo tong last part and sana mabuhay kong muli ang katawang lupa mo. heheh

to rham jairus-haven't heard from you for ilang days na din... heheh... anyways, naipost ko ata yung number ko sa may cbox sa ibaba... sana mahanapan niyo pa siya... heheh... kung like niyo lang din naman akong itext eh... hahah...

to kearse, jayem, mark roxas, dave, lerrad, drei, bx, allen, roan, enso, poi, vladimire, xavier, xian, mark, eric, acairo, daniel, mr. kira, creama de fruta, john, mac, lanzdiaz and to all anonymous readers-maraming salamat sa inyong lahat guys! without you this story wont be a success...

I LOVE YOU ALL GUYS!

merong story na malapit nang lumabas dito na nagpaiyak sa akin... heheh.. watch out for it... its an item to catch by lenard... heheh...

til here...

lablotz,

dhenxo :DD

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

eksakto alas 3 ng hapon ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ng tito niya. wala pang 30minutes nang biglang nag-unahan sa paglabas ang mga pasahero nito. biglang tumakbo si alvin para salubungin ang tito niya. nagulat ako sa nakita ko. hindi ko akalain na bata pa pala ang sinasabi niyang tito. napako ako sa kinatatayuan ko. hindi ako makapaniwala. pinaglalaruan ba ako nang tadhana? totoo ba itong nakikita ko? parang kilala ko ang tito niya na hindi.

habang lumalapit ay lalo kong namumukhaan kung sino iyong sinasabi ni alvin na tito niya. nagimbal ako sa natuklasan.

"tonton? ikaw ba yan?" tanong niya agad ng makalapit sa akin.
"ah... eh... oo ako nga ito." utal kong sagot sa kanya. nagtataka si alvin kung paano kami nagkakilala nag tito niya kaya sumabad ito agad.
"magkakilala na kayo? bakit hindi ko alam! kayo ba ni tito tonton?"
"kami?" sabay pa kaming natawa nang tito niya. "hindi nuh!"
"eh paano kayo nagkakilala kung hindi naman pala kayo?"
"mahabang istorya saka ko na ikukwento sa'yo." sabay tawa ulit. isang kalabit sa tagiliran ang nagpaigtad sa akin. paglingon ko sa likod ko ay nakita ko si arjay. napayakap akong bigla sa bestfriend ko. bumitaw din ako agad dahil may nag-aantay pa sa kanya. ang boyfriend niyang si ALJOHN. (siya ang tito ni alvin).

matagal na nagyakapan ang dalawa at makikita mong sobrang inlove sila sa isat isa. bigla naman akong nakaradam ng sobrang lungkot. namimiss ko si andrei. di lingid kay alvin ang reaksyon ko kaya naman lumapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang. tila nagsasabi na, i'm still here. at di nagtagal napagpasiyahan na naming umuwi na para makapagpahinga na din kami.

habang nasa daan ay panay ang kuwentuhan nang magnobyo samantalang kaming dalawa naman ni alvin sa likod ay tahimik. nakatingin lang ako sa may bintana, pinagmamasdan ang mga taong madaanan. may magkarelasyon na napakasweet, may mga barkadahan ng mga estudyanteng nagkakatuwaan, may mga office workers, vendors at kung anu-ano pa. nang biglang may isa na namang familiar face akong nakita sa may kumpulan nang mga kalalakihang nangtitrip.

hindi puwedeng si andrei yung nakita ko. wala siya dito. nasa u.s .na siya. hindi na siya babalik pa dito. pilit kong winawaksi sa isip ko na kahit kailan ay hindi na kami magkikita o kaya ay magsasama pa ni andrei.

"tatahimik na lang ba kayong dalawa diyan sa likod? aba, mapapanis ang mga laway niyo diyan ah. magkuwentuhan din naman kayo para hindi kayo antukin." pero dinedma lang namin sila. kapwa may malalim kaming iniisip nung mga sandaling iyon.

para may magawa naman ay inilabas ko ang cellphone ko, i-plinug ang headset at ikinabit sa tainga ang earpiece. nang pindutin ko ang play button, feeling ko ay nakahiga ako sa ulap sa ganda nang hawi ni agot sa bawat salita na binibitawan niya.

Everyday i'll always love you
Everyday i'm always thinking of you
Everyday i will be right here waiting for you!

kasabay noon ay ang pag-uunahan nang mga luha ko. inihehele nang awitin ang mga luha ko para ilabas ang kinikimkim na kadilimang naghahari-harian sa dibdib ko. isang kamay ang humawak sa kamay ko at ibinalik ako sa realidad. nang lingunin ko si alvin ay nakita ko din siyang umiiyak. hindi ko na itinanong pa pero niyakap ko siya nang mahigpit. ilang saglit pa ay nasa bahay na nila kami. agad naming tinulungan si aljohn na ibaba ang lahat ng mga gamit niya at ipinasok sa loob ng bahay.

nang maipasok na namin lahat ng gamit niya ay agad naming napagpasyahan na umakyat na para magpahinga din. wala kaming imikan ni alvin hanggang sa makarating sa pinto. pinauna ko siyang pumasok since kuwarto niya iyon and i respect him being the owner of the place. nang ilalapat ko na ang pinto ay bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni alvin. hindi ko alam ang dapat maramdaman. masaya ako na kasama si alvin dahil kahit papaano eh naiibsan niya ang lungkot na nararamdaman ko. pero sa kabilang banda ay malungkot ako dahil imbes na si andrei ang dapat kong kasama ay ibang tao ang kasa-kasama ko ngayon. hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at pilit dinadama ang init ng katawan niya.

kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya. nakita ko nang harapan ang mga pagtangis niya. ang mga luhang bumabasa sa pisngi niya, ang mga luhang nag-uunahang tumulo mula sa mata niya. hindi dapat siya umiiyak, hindi bagay sa mukha niyang napakagwapo. ipinahid ko ang palad ko sa pisngi niya.

"shhhh alvin, hindi bagay sa'yo ang umiyak. tahan na please. hindi ako sanay na nakikita kang ganyan." pero parang hindi niya ako narinig at isinandal ang mukha niya sa balikat ko. hinayaan ko lang siya at niyakap siya.

masyadong mabigat ang ambience sa paligid. kung hindi ako gagawa nang paraan ay lalamunin kami nang katahimikan. katahimikang gumising sa mga nagwawala naming damdamin na siyang dadagdag sa kabigatan nang paligid. iniangat ko ang mukha niya at hinalikan siya nang mariin sa labi. ang halik na iyon ay nagsilbing signos kay alvin para tumahan na.

maya-maya pa ay tumahan na siya at kumalas na din sa halikan namin. nang muli ko siyang tingnan ay nakangiti na siya pero hindi niya pa din maitago ang kalungkutan na nakasalamin sa mga mata niya. niyaya ko na siyang mahiga. nang lumakad na ako patungo sa bed, sumunod siya.

ibinagsak niya ang katawan niya at hapong hapo sa nagdaang eksena at pumikit. tumabi ako sa kanya at matama ko siyang pinagmamasdan. si alvin. gwapo, mayaman, matalino, matangkad, perfect adonis nang mga kababaihan pero bakit malungkot siya? bakit lalaki ang minahal niya at hindi babae? may nangyari ba sa nakaraan para magkaganito siya? sino ba ako sa kanya? kung saka-sakaling mahal niya ako, hindi ko ba masusuklian ang pag-ukol niya na iyon sakin? kung magiging kami, paano na si andrei? magiging unfair ako sa kanilang dalawa.

ang gulo-gulo nang isip ko. bigla itong sumakit kakaisip. hindi ako agad nakatulog kaya hinanap ko ang bag ko. naalala kong naidala ko pala ang laptop ko kaya kinuha ko ito at binuksan. as usual, pampatanggal stress ang facebook sa akin. pag-open ko pa lang sa account ko ay halos sumabog na ang screen ko sa dami nang pop-up messages mula sa mga friends ko. naalala ko na may usapan pala kami na ngayon kami mag-uusap usap. hayun, at imbes na magpahinga ay nakipagkwentuhan ako. since may built-in cam ang unit ko, nakapag-chat kami na may cam sa facebook.

napansin nila na iba ang background nang kuwarto kaya tinanong nila ako kung nasaan ako. sinabi ko naman sa kanila ang totoo at inilibot ang camera sa loob. nahapyaw ng camera ang natutulog na si alvin. muli akong inusisa nang mga kaibigan ko. at sinabi ko na naman ang totoo. tinanong nila kung kami daw ba, ang sinabi ko ay hindi at magkaibigan lang kami. kuwentuhan pa nang kuwentuhan hanggang sa mapatingin ako sa mga friends kong naka-online. napatda ako sa natuklasan. naka-online si andrei. natilihan ako hindi ko alam ang gagawin ko.

pinindot ko ang name ni andrei at binuksan nito ang pm bar sa baba. kinakabahan ako. clinose ko na lang yung kay andrei at nakipag-usap ulit sa mga friends ko. nasa kasagsagan kami nang pag-uusap nang biglang nag-pop up ang pm ni andrei.

andrei: hi ton! musta ka na? ang tagal kong tiningnan ang message niya tinatantya kung totoong minessage niya ako. hanggang sa naisipan kong sumagot.
ako: oh hi! eto okay naman. kaw? andrei: :( ako: bakit sad face? andrei: kinalimutan mo na ba ako ton? hindi ako agad nakasagot
andrei: hindi mo na ba ako mahal? ako? i still love you and everyday it grows. binago ko bigla ang topic. hindi pa ako handa na muling pag-usapan ang bagay na iyon. ako: musta ka na diyan sa amerika? andrei: :'( hindi ako okay dito. i missed Philippines. and i badly missed someone. i dont know if he feels the same way. ako: ah, eh, kelan ka ba uuwi? or shall i say uuwi ka pa ba? andrei: uuwi ako siguro kung may dapat pa akong uwian kasi if none then i'll stay here for good. nalungkot akong bigla sa sinabi niya. andrei: ahm ton, pwede open mo skype mo. cam 2 cam tayo. ako: teka saglit lang. ayusin ko lang sarili ko. kagigising ko lang eh. andrei: ok

nag-isip muna ako kung bubuksan ko ba talaga ang skype ko o hindi. namimiss ko siya sobra pero dapat pa bang pagbigyan ang sinisigaw ng pusot isipan ko? parang may sariling pag-iisip ang kamay ko at binuksan ang ym ko. namalayan ko na lang na nakaopen na ang cam ko at the same time ang cam niya. after such a long time, ngayon ko lang ulit nasilayan ang mukha ni andrei. lalo siyang gumwapo. nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang makita kong tumatawag siya. parang wala sa sariling kinansel ko ang tawag niya. nagtype siya.

andrei: why did you drop the call? still mad at me?
ako: i'm not ready to talk and hear your voice. honestly yes, galit pa din ako sayo. hindi ko nga alam kung bakit kita kinakausap ngayon eh sa kabila nang lahat.
andrei: im sorry kung bigla kitang iniwan. im sorry kung sinaktan kita. pero sana listen to what your heart tells you. i know you still love me and it feels that i love you more.
ako: i dont know what to think or say. im hurt and wounded, andrei. sobrang sakit.
andrei: what will i do just to make it go away. i'll make it up to you.
ako: hindi ko alam.

saktong bumangon si alvin at tiningnan kung anong ginagawa ko. sumilip siya sa screen. alam kong nakita siya ni andrei pero dedma lang ako sa reaksyon niya. nang nakaalis na si alvin ay nag-message ulit siya.

andrei: kaya ba hindi mo ako masagot-sagot everytime i ask you if you still love me kasi may bago ka na pala. at kaya pala hindi mo pa ako handang patawarin dahil may kinakasama ka nang iba. shit, hindi na dapat pa ako nag-effort. i thought may babalikan pa ako. akala ko lang pala. i shouldn't had hoped for a come back. can i call it fair? sinaktan na natin ang isa't isa. sana masaya ka. sige na, baka nakakaistorbo na ako sayo. thanks for your time. bye!

muling gumuho ang mundo ko sa huling mensahe ni andrei lalo na sa huling salita niya. BYE! anong ibig sabihin nun? hindi ko maintindihan. bakit niya kailangang gawin yun. kung sinabi ko sanang mahal ko siya may pag-asa pa sanang magkabalikan kami. muli na namang namatay ang kawawa kong puso. napatangis na lang ako. isinubsob ang mukha sa unan. hinayaang mabasa ang unan para lamang maisigaw nang puso ko ang sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng mga mumunting luha na dumadaloy mula sa mga mata ko.

tama nga ang kasabihang, you'll never miss the water until it's gone. sobrang iyak ko nang mga panahong iyon. kulang na lang ay ilabas ko ang nagdurugo kong puso at hayaang sumigaw sa labis na sakit na nararamdaman. nagulat si alvin ng lumabas siya nang banyo at nakita akong umiiyak na nakahiga sa lapag. dagli siyang tumakbo patungo sa akin at inalo ako.

bakit ba puro na lang iyakan ang nangyayari sa araw na ito? wala na bang kasiyahang natitira sa mundo? bakit palagi na lang ako ang nakakadama nang sakit? yan ang mga tanong sa isip ko habang yakap yakap ako ni alvin. napagpasiyahan kong umuwi na kinabukasan. nagpaalam na ako kay alvin, aljohn and arjay na mauuna na akong uuwi sa probinsiya.

pilit man na pigilan ako nina alvin at arjay ay wala na silang nagawa pa dahil buo na ang desisyon ko. kaya naman kinagabihan ay nag-empake na ako nang mga gamit ko. dinampot ko ang huling damit ko nang bigla akong matigilan. iyon kasi yung damit ko nung unang may nangyari samin ni andrei. sobrang napaka-memorable nang shirt na iyon. iniyakap ko siya sa katawan ko iniisip na kahit sa huling saglit ay madama ko ang presensiya niya na nakaap sa akin.

maaga akong natulog kinagabihan dahil sa sobrang pagod at frustration. wala na akong iniluha pa dahil nasaid nang lahat. mugtong-mugto ang mga mata ko pagkagising kinaumagahan. tiningnan ko sa salamin ang sarili at nakita ko ang kahabag-habag na itsura ko. dumiretso na ako nang ligo para naman mabawasan ang pamamaga nito.

kasalukuyan akong nagbibihis nang ayain ako ni arjay na mag-agahan na. pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para saluhan sila sa hapag. magkatabi ang mag-bf at masayang kumakain. pero wala si alvin. asan ka ya siya? tinanong ko sila kung napansin ba nila si alvin pero hindi daw nila nakita. nagtaka ako bakit wala siya dito. maaaring nasaktan ko siya sa biglaang desisyon ko na pag-uwi kaya naman naisipan kong puntahan siya sa kuwarto niya at magpaalam nang maayos.

tapos na akong kumain at patungo na ako sa kuwarto ni alvin nang biglang nagbago ang isip ko. mas lalong hindi ako makakaalis kung magpapakita pa ako sa kanya. hindi niya ako papayagan. kaya minabuti ko na lang na dumiretso na sa kuwarto ko para kunin ang mga gamit ko. pagbukas ng pintuan ay nagulat ako sa nabungaran.

"alvin? aning ginagawa mo rito?"
"inaantay ka." napatingin ako sa tabi niya dahil may isang maletang nakatayo doon.
"para saan yan?" sabay turo sa maleta.
"ano nga ba sa tingin mo? siyempre uuwi na din ako sa probinsya kasama ka. hindi ako papayag na mag-isa ka lang uuwi."
"naku, kahit hindi na alvin. sanay akong mag-isa kung hindi mo naitatanong."
"wag na kasing kumontra pa. sabay na tayong bumiyahe. tsaka anong gagawin ko dito sa bahay kung wala ka. maiinggit lang ako sa mga kumag na iyon. tsaka malungkot kaya ang mag-isa." ngumiti na lang ako.

wala na kasi akong magagawa pa. kaya't hayun, pareho kaming nagbababa nang mga gamit namin ng mabungaran namin ang lovebirds na nagtutukaan sa harap ng tv. takang-tingin sila nang makitang pati si alvin ay my dalang maleta. tinawag siya nang tito niya at nag-usap sila saglit. pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit ako kay aljohn at humingi nang dispensa sa maaga kong pag-uwi. alam ko naiintindihan niya ako dahil hanggang ngayon ay bakas padin sa mukha ko ang ebidensiya nang nakaraang gabi at marahil naikuwento na rin sa kanya ni arjay ang dahilan nun.

at nagbyahe na nga kami gamit ang sasakyan namin nung papunta pa lang kami. gaya nang ibang byahero, may mga stop overs din kami para magpahinga o kaya naman ay kumain. isa sa mga pinaghintuan namin ay ang lugar sa taas ng bundok. boundary iyon ng dalawang probinsiya. huminto muna kami saglit doon dahil may natanawan kaming isang lodge. antok na antok daw si alvin at kailangan niyang umidlip muna at para ligtas kaming babyahe.

ipinasok namin ang kotse at ipinark. dali-dali kaming kumuha nang kuwarto at nang makapahinga na. pagdating doon ay agad ibinagsak ni alvin ang katawan niya. tiningnan kong maigi ang kabuuan nang kuwarto. maayos naman ito. maaliwalas ang loob gawa nang pinaghalong white at blue na wallpaper. napakagandang tingnan. nakakarelax. pagdako nang tingin ko kay alvin ay nakita ko itong nakahubad at brief na lang ang tanging saplot sa katawan. natawa ako sa itsura niya. pero sa kabilang banda ay natuwa dahil binabalot ako nang matinding akap nang pagnanasa.

dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang titig na titig sa maumbok niyang harapan. nakakatakam at nang-aanyaya ang kanyang itsura. parang ang sarap niyang laruin. di ko na napigilan ang sarili kong damhin sa aking palad ang alaga niyang iyon. hindi pa ito gaanong matigas pero nagrereact nang husto kaya't in a matter of seconds, in full erection na siya. binaba ko ang garter ng brief niya at inilabas ito. wala akong naramdaman na inhibitions sa bawat galaw ko. sinunod ko lamang ang agos ng damdamin at pagnanasa ko. agad ko itong sinubo. napaungol siya. tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko nang maramdaman kong gising siya dahil umuulos siya.

tiningnan ko ang mukha niya, nakapikit siya pero nung tumigil ako ay nagmulat siya nagsasabing ituloy ko lang. kaya't itinuloy ko ang pagsubo sa kanya. kabilis ng mga pangyayari at namalayan ko na lamang ang sarili na nakadapa habang siya ay nasa aking likuran at umuulos. masarap sa pakiramdam na muli ay may naglalabas-masok sa aking kaibuturan. magaling siya sa magaling at wala namang question dun. ilang ulos-hugot pa ay isinabog na niya ang kanyang katas sa loob ko. kapwa kami nanghina at bumagsak siya sa likod ko. nang makabawi nang kaunting lakas ay tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"i love you ton!" muli ko na namang narinig ang mga salitang iyon. di kawasa'y napaiyak ako. bigla naman siyang natilihan. "ton,may nasabi ba akong mali or nagawa?"
"wala alvin. pagpasensyahan mo na ako. masyado lang kong emotional ngayon."
"sigurado ka ba?"
"oo" lingid sa kanya na ang luhang iyon ay ang luha ng pananabik sa isang taong nagmamahal at minamahal.

unti-unting umuusbong ang pagtingin ko kay alvin sa kabila nang lahat nang mga nangyaring sexual samin. araw-araw ay lagi niya akong pinapakitaan nang pagpapahalaga at pagmamahal. hanggang sa ako na mismo ang nakahuli sa sarili na nahuhulog na sa kanya. nang minsang tinanong niya ako kung pwede daw ba maging kami ay nag-isip muna ako saglit saka siya sinagot ng oo. tuwang-tuwa ang mama nang marinig ang sagot ko. abot hanggang langit ang sumilay na ngiti sa kanyang mapupulang labi. at hindi niya napigilang halikan ako in public. dangan lamang at wala nang masyadong tao dahil sa gabi na rin iyon.

masasaya ang mga unang araw namin ni alvin bilang official mag-on. hindi nawawala diyan ang away at tampuhan pero madali din namang naaayos at siyempre pa, hindi mawawala sa relasyon namin ang sex. ang mga araw ay naging linggo hanggang sa naging buwan. kinabukasan 2nd monthsary na namin.

kasalukuyan akong naglalakad sa mall nang mapansin ko ang isang lalaking kahawig ni andrei. nakatagilid ito sa akin. parehong-pareho sila nang features. dahan-dahan akong lumapit pero mukhang may alam ito sa nangyayari at nakatunog. bigla silang umalis. at ang nakakapagtaka ay same set of friends sila. shit! totoo ba ito? sinundan ko sila. para akong isang agent na sumusunod sa bawat hakbang ng mga pinaghihinalaang sindikato.

patuloy lang ako sa pagsunod ng makita kong dumating si ryan. (remember yung guy na dahilan ng first major heartbreak ko). agad itong lumapit sa grupo nila. tumabi ito kay "andrei" at bigla itong hinalikan sa labi. kantyawan ang mga barkada niya dahil hindi lang halik ang nangyayari kundi laplapan talaga. buti na lang at walang masyadong tao sa parteng iyon ng mall. kahit hindi ko tiyak kung si andrei iyon o hindi, labis akong nasaktan sa nasaksihan ko.

"hey ryan pare. long time no see." sabi ng isa sa kanila.
"oo nga. medyo busy lang eh."
"oo nga pala pare, congrats sa pagdispatsa dun sa ex nitong gagong to." sabay turo kay "andrei".
"ah yun ba? well ganun talaga kailangang umakting para papaniwalain siya na may nakaraan kami nitong si andrei."

tama ba ang narinig ko? si andrei ba talaga ang lalaking iyon? pero bakit? bakit siya nagsinungaling sa akin? tang-ina talaga.

"bakit ryan, wala ba talaga kayong nakaraan nitong gagong to?" sabay bunghalit ng tawa nang isa nila kasama.
"actually pare, meron. di mo naman maiiwasan na minsan sa isang all-guy group gaya natin, may hinahangaan kang isang member and a turnabout of events nagkakainlaban." tugon ni andrei. anu daw? nagkakainlaban?
"oh bat anung nangyari at nagbreak kayo." tanong nung isa pa.
"dahil nakilala niya si antonio lopez ba yun huh drei?" si ryan ang sumagot. "bigla niya akong iniwan para ipagpalit sa geek na patabaing baboy na iyon."shit! ako yun ah. hindi ko alam ang naging reaction ni andrei dun pero iisa lang ang alam ko nang mga panahong iyon. pinaglaruan niya lang ako.
"ikaw pre" sabay turo ni andrei dun sa isa nilang kaibigan. "ikaw ba iyong mysterious caller na nagbibigay ng warning kay tonton nun?"
"tang-ina pare, ang hina mo naman kung ngayon mo lang nalaman ang totoo. kasama sa plano natin yun. pero hindi namin ipinaalam sayo para sa ikakatagumpay ng misyon natin." sabay tawa nang nakakaloko.
"ano? kasama iyon lahat sa plano?"
"oo naman para mas maging natural lang ang bawat eksena niyo dude. ha! ha! ha!"
"so ngayon napatunayan na nating isang bakla iyong geek na iyon!"

hindi ko na tinapos pa ang usapan nila dahil malinaw na sa akin ang lahat. si andrei, si ryan at ang barkada nito ay mga walang kasing sama. palibhasa hindi ako kabilang sa kanila na mga habulin ng babae at bading. pero kahit na, hindi man lang nila inisip ang damdamin ko. nanlumo ako sa mga narinig ko kaya't napaupo ako sa sahig. para akong nawalan ng lakas at nawala sa tamang huwisyo.

narinig ko silang nagtatawanan at lalong lumalakas ang kanilang pagtawa. dumaan sila sa gilid ko na parang mga hangin. inangat ko ang mukha ko. nakita ko si andrei na nakatingin sa akin at gulat na gulat habang ako galit ang isinalubong sa mga titig niya. binawi nito ang kanyang tingin ng mapansing basang-basa ang mukha ko nang mga luha.

para akong batang ngumunguyngoy na ang mga tuhod ay sapo ang mukha. ang tagal ko sa ganoon eksena nang may taong humawak sa balikat ko. pag-angat ko, nakita ko ang mukha nag taong dati kong minahal. wala akong ibang maramdaman sa kanya kundi sobrang galit.

tumayo ako agad at dagli siyang iniwan. tumakbo ako papuntang urinals ng mall pero hinabol niya ako at hinablot sa braso. pilit niya akong iniharap sa kanya. pero isang malaks na suntok ang ibinigay ko sa kanya. natumba siya dahil sa di inaasahang reaction ko at duguan ang labi.

"putangina mo andrei. niloko mo ako. akala ko iba ka sa mga barkada mo pero nagkamali pala ako. ang galing mo naman at napaikot mo ako sa iyong mga kamay. napakagaling mong umarte na tipong mahal na mahal mo ako. hayop ka. hinding hindi ko mapapalagpas tong kagaguhan na ginawa mo sa akin. hinding hindi kita mapapatawad hanggang mamatay ako."
"hindi mo alam ang mga sinasabi mo tonton. you don't know what i am going through this time."
"shit ka! anong hindi ko alam. narinig ko ang lahat nang mga pinag-usapan niyo. pinaibig mo ako para patunayang irresistable kayo. kala mo kung sino kayo para manira nang buhay ng may buhay. mga wala kayong awa!"
"that's not true! i've been true to you. i lov---" naputol siyang bigla nang may nagsalita sa likod ko.

"babe anong nangyayari dito?" dumating si alvin at nakita niya kami ni andrei sa ganoong sitwasyon. kapwa kami nagulat at hindi alam ang gagawin. hindi ko alam kung paano niya kami natunton. "hoy, anong ginawa mo kay tonton?"
"dude, wala kang pakialam dito. its our problem."
"anong wala. tangina can't you see? umiiyak si tonton and i know for sure na ikaw ang dahilan niyan." pero parang walang narinig si andrei at nagsalita.
"ton, please give me a chance and listen to me."
"chance? chance yourself andrei. matagal nang tapos ang lahat sa atin at dahil sa ginawa mo kanina, mas lalo mong pinadama sa akin na walang taong seryosong magmamahal sa akin. i've tried to be the best for you pero ganun ang napala ko sa iyo. all this time, pinaglalaruan niyo lang ako." patuloy padin ako sa pag-iyak. bigla akong niyakap ni andrei kahit andyan si alvin.

sa pagkabigla ko ay natameme ako at naramdaman ko na lang na may isang pwersang humawak kay andrei at inilayo ito sa akin. nakita ko na lamang ang eksenang nakahiga si andrei sa floor at duguan ang mukha. ang maamo niyang mukha sa ngayon ay puno na nang dugo. nang paalis na kami, saka ko lamang napansin na nag-create na kami nang crowd at may dumating pang mga members ng first aid team at ilang guards at inalalayan si andrei.

naisipan ko na lang umuwi at inihatid ako ni alvin. sa totoo lang, sa kabila nang mga pangyayari ay nakaramdam ako nang awa kay andrei nang magtama ang aming mga mata. nakikita ko ang kanyang pagsusumamo na intindihin siya pero hindi ko magawa. saklot ako nang galit at paghihiganti. inaamin ko, mahal ko pa din si andrei. at mas lalo ko pa siyang minahal sa kabila nang lahat.

mabuti na rin siguro na nangyari ang bagay na iyon para tuluyan ko na siyang kalimutan at harapin ang bukas kasama si alvin. sa kakaisip ko sa mga bagay bagay ay bigla na lang akong nakakita nang isang maliwanag na ilaw patungo sa aming direksyon. papalapit iyon nang papalapit. hanggang sa makarinig ako nang biglang preno at isang BLAGGGG!!!!

(itutuloy...)


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
pasensya na guys. kailangan kong pahabain tong part 8 tsaka tugon na din sa inyong requests na pahabain pa ang story ko. heheh.. sana magustuhan niyo.

1 comments:

joshX said...

hi denx..nakapag-update ka na pala. ang ganda ng ending ng kwento mo...job well done!!2 two thumbs up galing sa kin!

super busy pa ako sa work at sa bagong baby boy ko eh kaya hindi ko pa maharap ang pagsusulat.

keep writing.