Wednesday, July 27, 2011

Torn Between Two Lovers? ix

Kakatapos lang naming panuorin nun yung DVD na dala niya at napag-isipan naming umorder na lang ng makakain kesa magluto pa ako.

“Kuya anong gusto mo?” Bigla niyang tanong.

“Gaya nang iyo.” Simple kong tugon.

“Ah okay kuya. Order lang ako saglit huh.”

“Sige.”

Inilabas niya phone niya at nag-dial. Narinig ko na lang na sa McDo pala siya tumawag. Matapos niyang ibaba yung phone eh tinanong ko agad siya.

“May float ba tsaka large fries?”

“Oo naman kuya. Hindi mawawala yun.”

“Yes!!!” Parang bata kong sagot sa kanya.

Tatawa-tawa naman si Francis habang pinagmamasdan ako.

Nagkukulitan pa kami nang may biglang kumatok sa pinto. Agad naman itong pinuntahan ni Francis at hindi nagtagal ay bumalik na ito agad.

“Tsaraaaaannn!” Sabay labas ng inorder niya.

Nag-asal bata naman ako na may papala-palakpak pa habang inaabot yung float tsaka fries.

“Francis, lapit ka.” Seryoso kong sabi.

Napakunot noo siya sa sinabi ko.

“Don’t worry, wala akong gagawing masama sa’yo.”

Lumapit naman siya agad. Sumandal ako sa balikat niya.

“Thank you huh.”

“Saan kuya?”

“Sa mga moments na ganito. Sa mga panlilibre mo, sa mga pagpapasaya mo sa akin.”

“Wala yun kuya. Masaya naman ako sa ginagawa ko kaya okay lang sa akin.”

“Hmmmm.”

“Bakit kuya? Hindi ka ba nag-eenjoy?”

Isang kamay ang lumanding sa ulo niya.

“Aray ko huh!”

“Loko ka kasi eh. Mukha ba akong hindi nag-eenjoy?”

Natahimik siya. Gayundin ako. Naramdaman ko na lang na may nakaambang fries sa bibig ko. Napatingin ako dito. Sa halip na ngumanga ay dinampian ko nang halik yung mga labi niya.

Napapikit na lang ako sa ginawa ko. May dulot talagang sensation ang halik na iyon.nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay nagpakawala ito nang matamis na ngiti. Natawa ako bigla kasi nakaamba pa rin yun fries. Natawa na rin siya.

Ang siste, susubuan niya ako nang fries at ganun din ako. Salitan kami. May mga times na trip naming pagsabayin. Nasa ganun kaming eksena nang may magsalitang babae.

“Ayieee, hon ang sweet nilang dalawa oh!”

Bigla naman kaming naghiwalay ni Francis. Kabadtrip. Di man lang nagpasabi na uuwi na sila agad.

“Kuya, ate, meryenda po tayo.” Nahihiyang sabi ni Francis.

“Naku hindi na. Sige lang. Kakatapos lang din naman naming kumaen eh.” Pagtanggi ni Jessa.

“Ah, ahm, ang bilis niyo naman? May naiwan ba kayo?” sabay tayo ko na may hinahanap kunwari.

Hindi ko kaya yung mapanuring tingin ni Arnel sa akin kaya nagpaalam ako na may kukunin lang sa kuwarto. Isasara ko na sana yung pinto nang may humarang na kamay dito. Pagsilip ko, patay.

Nagkunwari naman ako na parang inosente. Pumasok siya sa loob. I composed myself.

“Yes, anything?”

“Could we talk?”

“We’re already talking.”

“Yung tayong dalawa lang.”

Inisip ko na baka naghihintay na si Jessa sa labas.

“Ahm, some other time na lang. Ayaw ko naman na istorbohin kayo ni Jessa.”

Tumahimik muna siya bago nagsalita.

“Kami o baka ayaw niyo maistorbo intimate moments niyo niyang bisita mo?” With emphasis sa salitang moments.

Medyo nainsulto ako.

“You don’t have any concerns kung ano man yung ‘moments’ namin ng bisita ko dahil bahay namin ito and I have the sole rights kung paano ko ie-entertain mga bisita ko.”

“So that’s your treatment sa akin. Bisita ako rito ah.”

“Bisita yourself! You always slam the door open as if you own this house and yet bisita?”

“You’re being rude na sa akin Dhen. Bumabalik ka na naman sa dati. Is this how you really wanted?”

“Wanted what?”

Nagsusumbatan na kaming dalawa but we kept our voices low pero ramdam pa rin yung intensity nang bawal salitang lumalabas sa mga bibig naming.

“As if you’re itching to kick me out of your life!”

“Anong sinasabi mo?”

“Ramdam ko naman eh. Ramdam na ramdam ko na habang tumatagal lalong tumitindi yung panlalamig mo sa akin. Bakit Dhen? May problema ba tayo?”

Ayoko sumagot dahil ayoko magbreakdown.

“Ano Dhen, bakit hindi ka sumagot?” Hindi na niya napigilang yugyugin ako.

“Marami Len!! Sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano ko pa iha-handle!”

“Kaya ba ginagawa mong escape goat si Francis? Hindi ka na naawa sa tao.”

Tiningnan ko siya nang masama.

“How dare you! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Ni hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ko para sabihin mong pampalipas oras ko lang si Francis! Gusto mong malaman yung totoo? Fine! I want to get rid of you Len! You’re hurting me so much. Kumplikado ka masyado. Hindi ko hahayaang masaktan mo ulit. Once is enough.”

Nabigla siya sa naging reaction ko. Agad niya akong niyakap. This is why I hate dramas.

“I’m sorry for making things so hard for you. Ako rin nahihirapan. We could make things work out. Pro---”

“Hon okay lang ba kayo ni Dhen dyan?” Naputol yung sasabihin niya dahil sa tanong ni Jessa sa labas.

Kumalas ako sa yakap niya. “Leave.” Malamig kong sabi.

“Babalik ako. Hintayin mo ako. Mag-uusap pa tayo.”

“Saka na. Ayaw muna kita makausap.”

Malungkot siyang lumabas ng kuwarto. Dali-dali ko naman inayos sarili ko at naghalughog ng pwedeng gawing alibi nang maalala ko na may binili pala akong brownies para kay Francis.

“Anything wrong kuya?” Bungad ni Francis pagkalabas ko nang kuwarto.

“None. Why?” Sabay abot ng box ditto.

“You seemed uneasy. Come on tell me.”

“Wala Francis, promise.” Sabay taas ng kamay na nagpa-promise talaga.

Alam kong hindi siya convinced kaya naman I flashed him a smile.

“If you’re ready I’m willing to listen kuya.”

Bumuntong-hininga lang ako.

“Hala, yung float ko!” Dinukwang ko yung inumin. “Inubos mo fries ko?”

“Oo kuya. Sayang eh, lumamig na kasi.”

“Aww, sayang naman. Di bale, atleast nabusog ka naman.”

“Hus style mo bulok!”

“Bulok pala huh.”

At inulan ko siya nang kiliti. Malakas kiliti niya sa batok kaya yun pinuntirya ko. Hindi sinasadya na napatid ako at napasubsob ako. Natahimik siya. Ang tagal ko kasing hinalikan yung floor. Todo concern naman siya. Kunwari naman ako na nasaktan talaga.

“Kuya, okay ka lang ba?”

Ungol lang ako.

“Hala, kuya. Saan ang masakit?”

Tahimik.

“Kuya!”

Natatawa ako sa reaction niya kaya hindi ko na napigilang tumawa. Nagulat siya sa reaction ko pero tumawa na rin siya.

---


“Kuya, sa sunod ulit huh.”

“Yeah, anytime basta i-text mo na lang ako.”

“Opo kuya.”

“So, see you soon?”

“Yeah.”

“Ingat sa pagda-drive huh.”

“Opo kuya. Text kita later when I got home.”

Ngiti na lang ako.

“Ngayon ka lang uuwi?” Si Arnel na sumulpot sa kung saan.

Ang bilis ko nagshift mood. Ang bastos kasi nang dating sa akin eh.

“Opo kuya eh.”

“Ingat.”

At umalis na nga si Francis.

Dire-diretso lang ako sa loob. Bahala na siya kung papasok siya o hindi. Labas pasok na nga yan dito sa bahay eh.

“Asan sila tita?”

“Wala.”

“Si bunso? Si ate?”

“Wala.”

“Ikaw lang nandito?”

Tiningnan ko lang siya. Gusto ko na ngang sugurin eh kaso nagpaka-civil na lang ako. Tama ba naman na tanungin kung ako lang ba ang nasa bahay. Stupidity kills.

Ramdam pa rin sa pagitan namin yung tension mula kanina lalo na sa akin.

“Hindi mo pa rin ba ako kakausapin ng matino?”

“Bakit ka nandito?”

“Don’t answer me with a question.”

A gave him a dumb look.

“Please usap tayo. Ayusin natin to.”

“Ayusin? Wala naman tayong dapat ayusin in the first place. Lumalagay lang ako sa dapat paglagyan. I don’t want to interfere with your affairs.”

“Meron Dhen. I’m losing my best friend and I want to win him back.”

“You’re not losing him. Ginagawa niya lang yung dapat niyang gawin for his BEST FRIEND to be happy.”

“But his doing the other way around.”

“Ano ba dapat niyang gawin? Tugunin yung nararamdaman mo? Ang maging kabit? No way Len. Hindi niya gagawin yun.”

“Kabit? Hindi ko inisip na gagawin kitang kabit Dhen.”

“Eh ano?”

“Hindi ko alam.”

Tahimik.

“Am I asking too much?”

“Oo.”

“What do you want me to do? Do you really want to get rid of me?”

“No.”

“Then ano?”

“I want you to be still with your girl. Tama na muna yung affection mo sa akin. Nahihirapan ako, nasasaktan, nagi-guilty. Ayaw mo naman siguro yun di ba? Bigyan na muna natin ng space yung friendship natin. Let’s focus to one situation at a time para iwas complication.”

“Hindi ko maintindihan yung hinihingi mo Dhen pero promise me one thing. Babalik ka. Hindi mo ako iiwan forever. Kasi ako maghihintay ako, I don’t want to lose you. Special ka sa akin.”

“Promise.”

Yumakap siya.

“I’ll wait.”

Nagpaalam na siya pagkatapos. Ang bigat dalhin sa dibdib kasi unang beses kong hiniling sa kanya na pansamantalang layuan ako. Yung yung naisip kong win-win solution and sana tama ako.

After some time, namimiss ko ang best friend ko. But I have to stand on my grounds na kailangan ko nang putulin ang ugnayan namin. It’s more than unfair sa girl friend niya mas lalo na sa akin. I don’t want to be hurt anymore.

History always repeats itself even a thousand folds. Kainis.


(itutuloy…)

The Letters 7

WRITER:Unbroken/Rovi

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.










March 20, 2009

Journal,


Madaling araw na pero di pa din ako makatulog.Di ko malaman kung anong nangyayari. I feel better dahil nakapagpahinga ako at naalagaan naman ako nung nurse sa clinic. Masaya din ako dahil kahit papaano bumaba ang lagnat ko at di na ako masyado nagchichill unlike kanina nang pumasok ako sa office. Nakita ko ang aking sarili sa salamin,mukha akong may sakit pero di pa rin naalis ang nakaplaster na ngisi sa aking mga labi.

“Bakla. Oh bakit pumasok ka pa kanina sa office? Eh may lagnat ka na nga?” sabi ni Kevin na aking officemate/roommate

“Bebegirl. Kailangan eh,alam mo naman na kailangan kong pumasok at magagalit ang mga Koreano pag absent ako.” sabi ko.

“Sabagay. Pero how are you feeling na ba bakla?” tanong ni Kevin sa akin.

“Medyo okay na naman ako. Nakapagpahinga na ako sa clinic kanina.” sabi ko sa kanya.

“Malanjutay ka. Kaya ka lang masaya kasi balita ko si George ang nagdala sayo sa clinic.” pangaasar nito sa akin.

I really couldn't help but to giggle nang marinig ko ang sinabi ni Kevin. Di ko alam pero parang may kuryenteng dumidila sa katawan ko sa twing maririnig ko ang pangalang George. Di ko maiwasang di kiligin at obvious na obvious sa akin. Nakakahiya.

“Bakla nagbablush ka oh!” pangaasar ni Kevin.

“Bebegirl hindi ah! Ang OA mo!” depensa ko

“Ayan oh! Icheck mo sa salamin!” Agad nitong dinampot ang pink na kwadradong salamin at itinapat sa mukha ko.

“Ayan! Namumula ka!” sabi pa nito.

“Ha? Hindi ah! Grabe ka!” sabat ko.

“Eh ano yan? Namumula oh? Nagmaxipeel ka?”

Tawanan.

“Oo na. Dinala ako ni George sa clinic. Masaya ka na?” sabi ko

“Kaloka ka. Namanchi! Kaso bakla may pechay si George no. Paano ka? Number two ka ganun?” sunod-sunod na tanong nito.

“Bakit kami ba? Di naman ah.” sabi ko.

“Di nga kayo,pero mukhang nagugustuhan mo na sya.” seryosong sabi nito.

“Ang OA mo talaga bebegirl! Ang OA ha? Wala pa ngang one week yung tao sa office magugustuhan ko na agad? Grabe ka!” sagot ko.

“Bakla,sa basketball ko nga,in 2 minutes nananalo pa ang dehado. Sa loob pa kaya ng ilang araw na nabigyan kayo ng pagkakataong magmoment? Wag mo akong echusin. Bakla na ako. Wag mo na akong baklain. Echusera ka.” sabi nito

Natahimik ako sa narinig. Di ko alam kung anong isasagot ko. Habang sinasabi ni Kevin yung linya na yun,nangingiti ako. Kaso nung bigla nyang inispluk na may pechay o may jowa si George ay parang nasira ang moment. Parang biglang gumuho yung magandang mga bagay na naiisip ko para samin. Oo nga pala,may GF nga pala si George at nagpapakatino na sya. Pero kung ganoon bakit ba napakafriendly nya sakin? Ano bang gusto nya? Di ko din sya maintindihan. Magpapakita ng sweetness,pero di ko maintindihan kung para saan? Bakit? Am I spreading myself too thin? Masyado bang obvious na I have this something para sa kanya? Teka? May something ba ako para sa kanya? OMG.

“Bakla. Natulala ka na dyan. Di mo na ako sinagot. K. Thanks. Bye. Goodnyt.” sabi ni Kevin sabay talon sa kama at talukbong ng kumot.

Agad akong umupo sa gilid ng kama namin ni Kevin.

“Bebegirl,bakit ganun sya sakin?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Wala na. Tulog na ako. Goodnyt. Zzzzzz.” pabirong sabi nito.

“Gaga ka talaga! Dali na mamaya ka na matulog, Dali na!” pangungulit ko.

“Kiki naman nito oh. Anong problema? Dedede ka?”

“Gaga! Bakit ganun sakin si George?” tanong ko dito.

“Ewan ko. Di naman kami close no.”

“Sa tingin mo nga?” tanong ko.

“Di ako makatingin.”

“Sa palagay mo?” sabi ko.

“Di ako mapalagay.” pangdadaot nito.

“Taena naman bebegirl eh.” sabi ko.

“Hahaha! See? Eh di interested ka din sa kanya. Inarte ka pa dyan kanina.”

“Oo na fine! Fine! Fine! I kras him na.” sagot kong namumula.

“You kras him? Does he kras you ba?” sabi nito.

“Ewan.” clueless kong sagot.

“Ayan ka na naman Criselda ha? Kiki mo. Pag nasaktan ka na naman sakin ka na naman iiyak. Basta di dapat laging puso. Ginawa ang utak para gamitin,wala pa kong nakitang utak na pangdisplay. Gamitin mo utak mo this time,para di mangalawang.” sagot nito.

“Bebegirl naman eh.”

“Ayyy ang kikay mo ha? Para kang bata dyan. Kiki mo.” sabi pa nito.

“Sige pagiisipan ko. Matulog ka na nga.” sabi ko.

“K, Thanks. Bye. Nyt.”

Ilang segundo pa ay nakita kong naghihilik at tumutulo na ang laway ni Kevin. Bakla kung bakla magpayo,pero he makes sense naman. Sana nga ay maisip ko kung ano ba talagang nararamdaman ko kay George. Sana nga maging tama ang desisyon ko. Sana maging maganda din ang kahinatnan nito. Sana lang.

* * *

Maaga akong nagising bukas. Wala na si Kevin sa room,siguro ay pumunta na sa kanyang part-time job. Naginat-inat ako at bumangon sa kama. Iniligpit ko muna ang aking pinaghigaan at ibinukas ang bintana para pumasok ang hangin sa kwarto. Nilaplap ng sinag ng araw ang aking maputlang balat. Maganda ang buhay,masaya ang buhay. Nakakaramdam ako na magiging okay ang araw na to. Sana nga.

Naligo,nagbihis,nagayos ng buhok. I'm off to work.

Lord,sana naman di ko makita si George at yung GF nya na magkasama. Please?

I took a cab going to work and wala pang 20 minutes ay nasa office na ako. People have been asking how I was and all that. I feel okay na naman kahit papaano. May hinahanap ako sa office,wala pa sya. Napansin ni Allyna na ilang stations lang ang layo sakin na parang may hinahanap ako,she went near me and said:

“Si George ba? Di ata makakapasok kasi may problema daw na inaayos.” sagot nito.

“Really? Sana maging okay na naman.” sabi ko,trying not to sound concerned

“Bakit Ati? Bakit mo hinahanap si George?” tanong nito sa akin.

“Wala lang.” sagot ko

“Echusera. Bakit nga?”

“Wala lang. Gusto ko lang sanang magpasalamat.” sabi ko sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.

“Ayyy ang sweet. Sana maging close kayo para maging masaya tayong friends.” sabi nito sabay balik sa kanyang station.

Isang minuto nalang at maguumpisa na ang mga klase ng mga teachers nang nagulat akong dumating si George. Humahangos at pawis na pawis. Halatang tumakbo para di malate sa work. Teka? Akala ko ba di sya makakapasok at may problema? Bakit nandito sya? Anyhow,di ko na naman business yun para pakialaman ko pa.

Umupo sya sa station nya at agad na inopen ang computer. He looked so serious at parang nakakatakot magstart ng conversation. Nakita nyang nakatingin ako sa kanya at tumingin ito sa akin na parang galit na ewan. Nakaramdam ako ng takot.

“Ahhh.” nausal ko.

Tinaas nya ang kanyang kilay bilang sagot sa aking sinabi.

“George salamat kahapon.” I managed to say atleast.

Ngumiti lang ito at nagpahid ng pawis na kanina pa tumutulo sa kanyang noo.

“George,is everything okay? I heard na problemado ka daw sabi ni Allyna? Maybe I could help.” sabi ko,di ko alam kung paano o bakit ko nasabi.

“No. Thanks.” matipid na sagot nito.

“Ahh okay.” I said,dumbfounded.

* * *

Naging ganoon ang set-up namin ni George. I tried to make a conversation pero parang di sya interesado sa akin. He's a totally different guy now. Kahapon ang sarcastic nya pero dinala ako sa clinic at kahit papaano'y inalagaan. Pero ngayon,I can't read what's on his mind. Nakakabingi yung silence nya. Di to maganda.

6PM na. Dinner break ko na. Saan ba masarap kumain?

I packed my things and left my station clean. I'll be back in an hour. Papaalis na ako nang biglang hatakin ni George ang kamay ko.

“Saan ka pupunta?” tanong nito.

“Ha? Bakit?” nagulat at natakot kong tanong.

“Wala lang. Sorry kanina ha? Medyo iritado ako kasi ang init sa labas. Tapos muntik pa akong malate.” paliwanag nito.

“Ahh Okay. I understand.” sabi ko sabay ngiti.

“Ang cute ng ngiti mo.” sabi nito withoout batting an eyelash.

“Ha?” sabi ko na natulala at kinilig.

“Wala sabi ko san ka pupunta?” sabi nito at binitawan ang kamay ko.

“Ahhh dinner time. Kakain ako sa baba.” sabi ko.

“Ahh nice.”

Then there's an awkard silence.

Binitawan ni George ang kamay ko at nakita kong inayos ang kanyang work station. Kinuha din nito ang bag nya at muling humarap sa akin.

“Tara?” tanong nito.

“Ha? Saan?” tanong ko.

“Dinner.”

At muli nyang hinatak ang kamay ko papalabas ng opisina.

Till next time,
Chris.

Friday, July 22, 2011

The Letters 6

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.









March 19, 2009


Dear mister lappy,

I don’t know what has gotten into me. May mali eh. Alam ko at ramdam kong may mali. Yesterday was a not-so-good day. I have no plans of talking or even staring - yes! staring - at Chris pero buwisit, buwisit, buwisit! I can’t help myself from looking at him.

Alam kong nararamdaman na niya ang coldness ko pero nag-uumpisa pa lang ako. He's going to see the monster in me. I kept my distance sa kanya para mag-work yung “silent treatment” ko. My plans are set to be done kaso letse talaga.

I don’t know how Allyna knew about me at na-shock ako nang i-announce niya sa loob ng elevator that I wasn’t straight. I held no reaction pero deep inside gusto ko nang ipa-salvage ‘tong babaeng ‘to. Believe me, pinilit kong dedmahin yung sinabi niya. Siguro likas lang talaga sa babaeng ‘to na makaamoy ng pagkatao. Parang isang tunay na bakla,masyadong malakas ang kanyang Gaydar.

Anyway, nakaramdam ako nang concern kay Chris when he suddenly run under the rain. I was astonished upon seeing that. Di ko maiwasang di magtaas ng kilay pero deep within me,I feel so concerned. What a stupid deed di ba? Well, your guess is as good as mine at apir tayo dyan. He's trying to avoid me which I don’t know kung bakit ayokong iwasan niya ako.Weird. Not now.

Tumakbo ako papunta sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Hala ka! Kala ko ba bagong buhay ka na at pechay na gusto mo at hindi nutribun? Shut up stupid! Umatake na naman. Pinagalitan ko siya sa pagiging stupid niya pero nainis din ito. Ano ba gagawin ko sa taong ‘to. Nakakairita rin ang aking baklang alter-ego.

He was soaking wet as he stand like a stupid slut under the rain. Nilapitan ko sya at pinayungan. I saw how he shivered meaning nilalamig sya dahil sa kagaguhang ginawa nya. Kundi ba naman tanga eh. Ang bobo!

“Ihahatid na kita sa inyo!” sabi kong pagalit.

“Kaya kong umuwi. Salamat.” sabi niya,mahina ngunit dinig ko pa rin.

“Hindi ihahatid nga kita!”pagtutol ko.

May dumaan na taxi at agad niyang pinara.

“Salamat sa pagpayong George.” sabi niya.

At nagmadali nang sumakay ng taxi at iniwan ako.

“Manong,kapitolyo.” Narinig ko pang sabi niya bago tuluyang umalis yung taxi.



* * *



Naiinis ako! Sa kabila nang pinakita kong mabuti sa kanya kahapon eh ganun pa rin ginawa niya. Ano ba kasi gusto niyang mangyari? Hindi ko siya mai-spell. I have to clear things out.

Maaga akong pumasok ngayong araw na ito. Nasa may building na ako pero hindi pa ako pumapasok sa loob. Inaabangan ko siya. Gusto ko siyang kausapin. I guess luck’s hand is in mine dahil nakita ko na ang pagbaba niya mula sa taxi.

Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagkalikot sa dala niyang bag kaya naman hinablot ko siya papalapit sa akin. Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa kanyang maamong mukha.

“Ay palaka! Ano ba!” nagulat na sabi nito

Isang seryosong tingin ang isinagot ko sa kanya. Nabanaag ko naman ang rumehistrong takot sa mukha niya.

“A-anong problema G-george?”

“We need to talk!”

“Ah eh mag-log in muna ako.” Ramdam ko ang pag-iwas niya.

“Iniiwasan mo ba ako huh Chris?” Hindi ko pa rin siya binibitawan.

“Ah eh hindi ah. Bakit mo naman nasabi yan?”

“Nararamdaman ko eh.”

“Huh?” At nakita kong pinagpapawisan siya.

“Nararamdaman kong . . . mainit ka! Bakit ka pa pumasok? Nilalagnat ka ah?” Di ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya.

Natameme siya sa reaction ko. “Naku, kaya ko ito. Nakainom naman na ako nang gamot kanina eh.”

“Halika!” Sabay hablot ulit sa kanya.

“Teka, saan tayo pupunta?”

“Ipupunta kita dun sa clinic para makapagpahinga ka muna.”

“Hindi pwede magagalit si TL tsaka ayoko um-absent.”

“Stupid! Hindi ka aabsent. Ako na bahala kay TL at ako na rin bahala sa DTR mo basta ang unahin mo ngayon ay magpahinga.”

Nag-alala talaga ako sa kalagayan niya. Hindi ko naman magawang sisihin siya sa katangahan niya kagabi dahil ayoko naman na madagdagan pa nararamdaman niya. Gusto ko sana syang sermunan pero para saan pa? Baka mas lumala lang ang lagnat nya pag nagkataon. Tatahimik nalang ako kahit gusto ko talaga syang batukan.



* * *


Matapos ko siyang iwanan sa clinic ay dumiretso na ako sa floor namin para mag-log in. Pumasok ako at dali-daling kinausap si TL tungkol sa kalagayan ni Chris. Sinabi ko rin na ita-time in ko na rin ito. Considerate naman siya kaya’t pinayagan ako.

Heto ako ngayon, natutulala. Nag-aalala pa rin kasi ilang oras na rin ang nakakalipas eh hindi pa rin pumapasok si Chris.

Bakit? Kayo na ba at ganyan ka mag-alala sa kanya? Siyempre hindi. Apat na oras na rin kasi siyang late. Siguro nagpapahinga pa rin siya. Kahit na ba, mali pa rin yang ginagawa mo. Paano na si Joy? Bigla akong natauhan sa sinabi nang buwisit kong other half sa akin. For the first time, hindi ko siya binara.


* * *


Matapos akong mag-dinner ay agad ko siyang pinuntahan sa clinic. May dala-dala akong pagkain baka kasi hindi pa siya kumakain. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga at mukhang tulog. Lumapit ako nang dahan-dahan, nagmulat siya.

“Okay ka na ba?” May pag-aalalang tanong ko.

Tumango ito.

“Heto nga pala, binilhan kita nang pagkain. Kainin mo na habang mainit pa.”

Inayos ko sa may kalapit na mesa yung pagkain.

“Naku ako na. Kaya ko na.” Pagtanggi niya nang akma ko siyang susubuan.

“I insist. Say ahhh!”

At hayun, kumain na rin siya. After niyang maubos yung pagkain, bumalik na ako sa floor at nagsimulang magtrabaho. This time medyo panatag na ako. Maya-maya pa nakita ko siyang umupo na sa cubicle nito. Bagama’t medyo di pa rin maganda ang pakiramdam niya ay pinili pa rin nito ang pumasok.

“Thank you George!” Sambit niya.

Ngiti lang tugon ko.

Hayan. O paano mister lappy, sa susunod ulit. Masaya na ako ngayon. :DD

George :)

Monday, July 18, 2011

The Letters 5

WRITER:Unbroken/Rovi

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.







March 18,2009

Ang lamig. I feel so cold. Tama ba naman kasing magpaulan nung uwian. Pakiramdam ko magkakasakit ako. Di to maganda.


I laid to bed and tried to rest. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Di na to mganda,maybe dapat akong umabsent bukas. Kahit na di maganda ang pakiramdam ko at parang aapuyin na ako sa lagnat,masaya pa rin ako. Bakit? Kasi nakita ko ang concern sakin ni George kanina.


* * *


Kaninang hapon..


Kitang-kita ko ang pagpupuyos ng kamao ni George. Nagtataka ako kung bakit umupo sya sa kanan ko,dapat sa kaliwa sya at di sya dapat mangagaw ng pwesto. I looked at him for a second,tumama ang mata nya sa akin at nabanaag ko ang galit dito. Di ko alam kung sakin ba sya galit or may pinagdadaanan sya. Ilang beses kong narinig ang pagdadabog nya sa station pero di ko naman pinansin. The Hell I care.


* * *


“Bakla! 11:30 na! Out na!” sigaw ni Allyna na isa sa mga kaclose ko na sa office.


Si Allyna ang matatawag nating babaeng bakla. Babae,pero bakla kung bumanat. May kaliitan at may kaputlaan ang kanyang kulay pero wala kang mapipintas sa ugali. Winner sa kabaitan at tunay na kaibigan. Yung nga lang mahaba lang talaga ang kanyang baba.


“Yes. Uuwi na ako. I mean tayo.” sagot ko rito.


“Oo te. Gora pandora na tayo.” masiglang sabi nito.


“Yes.”


Nagbadge-out na kami at sumakay na ng elevator. Kung minamalas ka nga naman,kasabay ko sa elevator ang mayabang at masungit na si George. Buti nalang at iilan lang kami sa elevator kaya di siksikan at makakapagcartwheel ka pa sa loob. Kasabay rin namin si Allyna.


“George,san ka nga pala umuuwi?” tanong ni Allyna kay George.


“San Mateo.” sagot nito sabay ngiti kay Allyna.


Nagtama ang aming mga paningin at kaagad syang umiwas,sabay kuyom ng mga kamao at nagpakawala ng isang hininga.


“Okay ka lang George?” tanong ni Allyna.


“Yep. Okay naman ako. Medyo iritado lang.” sagot nito.


Nakaramdam ako ng kakaiba dun sa “medyo iritado lang” na sagot nito. Pakiramdam ko ako ang pinatatamaan. Nakakainis. Bakit ba ako nagkakaganito?


Napansin ni Allyna ang pagtahimik ko. Tumingin ito sa akin at nagwika.


“Te? Anong problema? Meron ka din ba ngayon? Para kang si George.” sabi nito sa akin.


“Gaga. Wala. Kakatapos ko lang nung isang araw,ang lakas nga nga tagas eh.” pagbibiro ko.


Nakita kong ngumiti si George sa nasabi ko. Tumingin ako dito,nakita nya na nakatingin ako at bigla nyang tinanggal ang ngiting nakaplaster sa kanyang mga labi. Naconfirm ko na,sa akin nga naiinis si George. Di ko sya masisi dahil mali rin naman ang ginawa kong pagsara ng elevator sa kanya. Pero masisi ko ba ang sarili ko na nainis ako sa nakita ko? Di ko alam kung ano bang nararamdaman ko. Nagseselos ata ako. Putangina.


“George,kilala mo na ba yan si Chris?” tanong ni Allyna.


“Bakla yan.” pabirong dagdag nito.


“Yep. Kateam ko sya,nakilala ko na sya.” malamig na sagot ni George.


“Chris,te? Ikaw? Kilala mo na ba yang si George? Bakla din yan.” sabi ni Allyna.


Bakla din si George? Pero bakit may GF? Bisexual? Silahis na nagbabagong buhay na?


“Oo. Kilala ko na. Pinakilala na ni TL Mary sa amin.” sabi ko sabay gawad ng isang ngiting plastik.


At bumukas na ang elevator. Parang batang nakawala ang mga nasa loob. Agad na nagsitakbuhan papalabas ng building. Napahinto lang nang makitang malakas ang buhos ng ulan.


“Ayy bakla. Umuulan,magbagong buhay ka na daw para huminto ang ulan.” sabi ni Allyna.


“So ano? Kakain na ko ng pekpek? Ganun?” sagot ko.


“Why not! Tignan mo si George! Nagpapakatino na!” sabi nito sabay bato ng tingin kay George.


“Oo naman. Mahal na mahal ko si Joy.” sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.


“Ikaw na ang may pechay!” sabi ni Allyna.


Tumawa kami. Ilang segundo pa ay di pa din matinag ang ulan. Nagaalangan na ako kung paano ako uuwi dahil wala akong payong. Bumeso na si Allyna at ang kanyang nobyong si Patrich.


“Te,una na kami ha? Sabay ka na kaya. Wala ka bang payong?” tanong nito.


“Wala eh. Sige na mauna na kayo. Kaya ko to.” sagot ko.


“Sure ka ha?” sabi nito sabay hawi ng bangs.


“Oo naman.” sagot ko.


“Eh ikaw George. May payong ka ba?”


“Wala eh. Sige mauna na kayo.” sabi nito kay Allyna.


Ano ba yan? Bakit pareho pa kaming walang payong? Nakakainis. So maiiwan kaming dalawa dito sa lobby sa pagaantay sa paghupa ng ulan? Ganun na yun? Parang ayoko. Di ko gusto. Bahala nga.


“Sige George at Chris. Mauuna na kami ha? Magsabay nalang kayong dalawa pauwi.” sabat ni Allyna.


Tumango kami in unison. Then there's an awkward silence. Wala pa ding nagsasalita sa aming dalawa. At wala din akong planong mauna. Manigas sya. Nanatiling walang kakibo-kibo si George. Patuloy ang paglakas ng ulan,galit na galit ang langit. Parang natatakot na ako umuwi.


Parang istatwang nakatayo si George sa lobby. Tumingin ako sa kanya pero di sya nakatingin. Dahan-dahang akong lumabas ng building kahit na malakas ang ulan. Tumakbo ako habang patuloy na nakikipaglaban ang aking katawan sa malalaki at malamig na patak ng ulan. Ilang segundo pa ay basang-basa na ako. Nagaantay ako ng taxi pero walang dumadating. Hindi na to maganda.


“Putangina naman Chris oh! Gago ka ba? Bakit ka naliligo sa ulan?” sigaw ni George sabay takbo papalapit sa akin kasama ang kanyang payong.


Tumingin lang ako sa kanya. Tumabi na ito sa akin at pinayungan ako sa gitna ng malakas na ulan.


“Akala ko ba wala kang payong?” tanong ko.


“Pinauna ko lang sila Allyna.” sagot nito.


“Bakit ka nagpapaulan?” naiinis na sabi pa nito.


“Bakit ka ba naiinis?” tanong kong nanginginig.


“Wala!” sigaw nito sakin.


“Fine.” sabi ko sabay irap.


Di ko maintindihan kung bakit parang kinikilig ako sa nangyayari. Pamura-mura pa sya pero alam ko naman na concerned sya akin. Di nya pa aminin. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng kalsada habang nagaantay ako ng taxi. I felt his left hand touch my shoulder. It felt great.


“Ayan na. Basang-basa ka na Chris! Ang tigas tigas kasi ng ulo mo!” sigaw nito sa akin.


Tumingin lang ako sa kanya. Nanginginig ang aking panga.


“Ihahatid na kita sa inyo!” sabi nitong pagalit.


“Kaya kong umuwi. Salamat.” sabi kong mahina.


“Hindi ihahatid nga kita!”pagtutol nito.


May dumaan na taxi at agad kong pinara.


“Salamat sa pagpayong George.” sabi ko.


At nagmadali akong sumakay ng taxi.


“Manong,kapitolyo.”


Till next time,
Chris

Wednesday, July 13, 2011

The Letters 4

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.









March 17, 2009

Dear mister lappy,

Bakit ganun? Anong nangyari kay Chris? Pangit ba ang gising niya kanina o sadya lang talagang galit siya sa mundo? Hay ewan! Bahala na nga siya sa buhay niya. Matanda na siya and besides bakit ko ba iniisip yung incident kanina eh lagi naman na may nangyayaring ganun. Yun nga lang this time, sa akin nangyari and si Chris ang may gawa. Haist, what a life!

Naguguluhan ka na naman ba huh lappy? Kailangan na ba kitang i-upgrade ulit? Bumabagal na pick-up mo eh. Mukhang tanga lang eh! Sige ibunton mo pa sa laptop mo tutal hindi naman yan magre-react eh loser!! Letse, umarangkada na naman ang buwisit.

* * *

Nag-alarm na pala yung phone ko hindi ko man lang narinig. Ano ba nangyayari sa akin? Okay lang ba ako? Time check, 11am. Maaga pa pala. Teka, nagrereklamo na sikmura ko. Dali akong nagtimpla nang kape. Teka, nasaan ang creamer ko? Nasaaaaaaaaaaan? Buwisit naman na araw to. Hindi ako umiinom ng kape na walang creamer.

Nakita kong nagappear ang pangalan ni Joy sa phone ko. I grabbed it and answered her call.

“Babe.” Malamig kong tugon sa kanya.

“Sorry babe. Mali lang gising ko kanina tsaka naubusan na pala ako nang creamer.”

“Babawi ako sa’yo. Okay? Sunduin kita maya.”

“Sure, bili lang ako muna nang creamer huh. Love you babe!”

“Kiss ko nasaan?”

“How sweet!”

At tuluyan ko nang pinutol yung connection.

Bumaba na ako sa tinutuluyan ko at tuluyan ng bumili sa tindahan ng creamer. Matapos makabili ay bumalik na ako sa bahay at gumawa na ng kape.

Hay naku, ang aga-aga nag-iinarte! Pwede naman na uminom na lang ng chocolate drink meron namang stock dun. Tumahimik ka nga kung ayaw mong mabulyawan. Makaligo na nga lang.

* * *

“Hi babe!”

“Hi babe! Miss you!” At yumakap sa kanya. “Kumain ka na ba?”

“Hindi pa eh. Nagmadali kasi ako kanina.”

“Tsk. Tsk. Kaw talaga o siya tara daan muna tayo sa Megamall. My treat.”

“Sure!”

Bumabawi ba ako kay Joy? Hindi naman siguro. Ang sabihin mo, nagi-guilty ka kasi unti-unti ka nang nagkakagusto diyan sa Chris na yan. Ewan.

Matapos kaming kumain ay lumibot muna kami sa mall dahil 12:00pm pa lang naman. Pasok sa isang stall, sa kabila, sa isa pa hanggang sa halos maubos na ang oras. Time check, 1:00pm.

“Ah babe, tara na. 1pm na rin kasi baka mahuli pa tayo.”

“Oo nga. Di bale mabibili rin kita!” Sabay turo sa isang damit.

Natawa naman ako sa tinuran niya.

Lumabas na kami ng mall at naglakad papunta sa building ng pinagtatrabahuan ko. Nakakatuwang isipin na heto kami, nasa intersection nag-hihintay na magpalit ng kulay yung traffic light para makalakad na kami at ini-enjoy ang bawat sandali na magkasama kami ni Joy.

“Babe, sorry hindi kita maihahatid sa office niyo. Bawi ako sa susunod okay? Nagtext kasi TL namin eh bawal raw ma-late. Pasensya na.” Nasa may Rufo’s na kami sa baba ng building.

“Ano ka ba, siyempre okay lang yun. Ayoko naman na maging reason na mapaalis ka sa work mo. Kabago mo pa kaya. Saka na pag tumagal ka na dyan.” At tumawa siya.

“Kaya kita mahal na mahal eh.”

“Love you more babe!”

Ginawaran ko siya nang masuyong halik sa labi. Di nagtagal ay pinara ko sya ng taxi para siya naman ay makarating na sa work niya. Pagtalikod ko ay nakita ko naman si Chris na nag-aabang sa pagbaba nang elevator.

“Hi Chris!” sabi kong nakangiti sa kanya nang malapitan ko siya.

Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Ni wala man lang hi or kung ano man pero agad itong nagbawi nang tingin. Feeling ko nabastos ako. Nakakagago lang.

“Chris! Bakit mo ko inirapan?” sabi ko ulit.

Hindi pa rin ito sumagot. Para bang hangin lang ako na di nakikita.

*Ting!*

Bumukas na ang elevator. Being a true gentleman, pinauna ko siyang pumasok and with a snap sumara ang pintuan ng elevator. Napanganga ako sa nangyari. Hindi ko naihanda ang sarili sa ganito.

Badtrip na badtrip akong nagpipipindot ng down button pero mukhang matatagalan pa kaya naman hangos akong pumunta sa emergency exit ng building at nagpasyang maglakad na lamang. Ay hindi, tumakbo pala.

‘You’ll pay for this Chris!’ Asik ng kalooban ko.

Of all people ba naman na maaaring gumawa sa akin nun, siya pa. Letseng buhay talaga to! Nang marating ko ang 20th floor, grabeng hingal at pawis ang inabot ko. Naghihimagsik pa rin ang kalooban ko sa ginawa niya. Gusto ko na siyang komprontahin at sapakin pero hindi. . .

Hindi ito maaari. Nagha-hyperventilate ako.

* * *

“Are you alright?” Tanong ng isang matandang babaeng nakaputi.

“Nasaan ako?”

“Andito ka sa clinic ngayon.”

“Huh?” At kusang nag-rewind yung memory ko para maalala ang mga nangyari. Oo. Nag-hyperventilate nga pala ako dahil nagmamadali akong makarating sa floor namin.

Nanlisik agad ang mga mata ko ng maalala ang dahilan ng pagmamadali ko na iyon. Bumangon ako agad at kinuha yun bag ko.

“Thank you ma’am sa pag-aalaga sa akin.” At tuluyan ng naglakad palabas ng clinic.

Nakakuyom ang palad ko. Dala-dala ko ito hanggang sa floor namin. Nang maka-time in ay agad akong tinawag ni TL. Konting tanong at explain lang eh settled na ako. May isa na lang ang hindi pa. Kay Chris!

Nakita ko siyang busy na sa harap ng computer. Nakita kong wala pa pala yung katabi ko. May naisip akong idea. Bumalik ako kay TL at nakiusap na sana ay ilipat ako ng cubicle since absent naman iyong teammate ko na katabi ko. Mahabang diskusyon at napapayag ko naman siya.

Dumiretso na ako sa station “ko”. Ibinagsak ko sa lamesa ko ang bag at ipinaramdam presensya ko sa kanya. Napatigil siya saglit sa ginagawa niya. Tuluyan na akong umupo at nag-lecture.

Sa buong oras ng shift naming dalawa ay ramdam ang tension at ang pagiging heartless monster ko sa kanya. Gumaganti lang ako kaya I’m giving him my gratitude, coldness. Bahala na kung isipin ng iba na snob ako, the hell I care.

Humanda siya sa mga susunod na araw.

So lappy see you again next time! Good night!

George >:(

Wednesday, July 6, 2011

The Letters 3

WRITER:UNBROKEN/ROVI

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.









March 17,2009


George was okay. I mean yeah,he's not really my type cause I'm really into mainstream cute guys but there's really something in him na captivating. It seems na I really don't have the courage to keep my eyes and my mind off of him. Okay. This is not so right.


I grabbed a stick of Marlboro Lights,kinuha ang lighter sa maliit na tukador na pinapatungan ng lampshade. Hindi ko pa sinindihan ang yosi,I took a deep breath,pressed the lighter on until that little green flame came out. Masarap palang magyosi habang nakahiga ka sa kama.


Hindi to maganda,I swear. The moment I saw him,I knew it was different. And I don't know why I blushed nung pinakilala si George sa akin. I need to fight this feeling. Hindi pwede. Ayoko na masaktan,di na din pwede to. Mas masaya ang set-up kung saan ako naroroon.


Hithit. Buga. Hithit. Buga.


I tried clearing my cloudy mind when my phone rang.


I looked at the number. Unfortunately,it was unregistered.


“Hello?” sagot kong may malaking pagtataka.


“Hubby?” sabi ng lalaki sa kabilang linya.


“Oh bakit?” mababatid mo ang pagkairita sa aking tono.


“Am sorry please? Di ko na ulit gagawin yun. Para mo na namang awa.” pagsusumamo nito.


“Shut the fuck up.” matigas kong sagot.


“Sorry. I'll make it up to you. Kita tayo tonight. Please? Babawi ako sayo.” sabi nito.


“Di na natin kailangan magkita. Nakita ko ang dapat kong makita,nalaman ko ang dapat kong malaman. Tapos na tayo. Ayoko na.”


At nireject ko ang tawag.


Sumasakit lang ang ulo ko. Di masyadong maganda,sinabayan pa ni Carl na recent ex boyfriend ko. Ayoko na. Matutulog nalang ako with my heart aching and with it wondering how George was.


George na naman.



* * *



Okay. Same thing,the usual thing na nangyayari. Everytime na gigising ako ay napapagod ako ng husto. Nakakaloka lang. Bakit kaya ang hirap gumising? Mahirap din naman matulog? Ano bang problema ko? Don't tell me iniisip ako ni George? Ang ganda ko naman ata masyado nun. Isa pa di ko alam kung straight yun.


The first thing na lagi kong ginagawa paggising ko:Hanapin ang cellphone. I tried to look for my phone. Luckiliy,I was able to see it under my pink pillow. I've got 3 messages from different people.


1 from my TL saying:


“Don't be late today Teacher Chris. Take Care.”


Wow. Ang sweet ni TL kahit may pagkanerd.


1 from Carl saying:


“Hubby,sorry please? Would you give me another chance?”


and the last one from Ate Joy saying:


“Bakla! Kasabay ko si George kagabi. Same way kami ng inuuwian. Mabait naman sya,gusto nya ngang makipagclose sayo.”


Hindi ko alam pero napangiti ako nang mabasa ko ang message ni Ate Joy sa akin. Para bang may kilig na dumaloy sa akin. Ewan ko ba. Bakit naman nya ako gusto maging close? Bakit naman kaya? Dahil ba maganda ako? Chos!


Feeling inspired,nawala yung mood na tinatamad akong pumasok. Mabilis akong naghanda ng makakain at nagawa ko pang maghumm. Para na naman akong nakatira ng Dora Rat Killer. Di to maganda.



* * *



1pm na at nakagayak na ako papunta ng trabaho. 2pm ang call-time pero since malapit lang ako sa office,kaya din naman kahit 1pm ako umalis. I was the usual me,polo na nakapaloob,slacks at pointed shoes. Syempre standard feature ko na ang salamin ko since may problema ako sa mata.


Bumaba na ako ng bahay. Ilang minuto lang nakapara na ako ng taxi.


“Manong,sa may Pacific Center tayo.”


“Sige po Sir.”


Maayos naman ang pagpapatakbo ni Manong ng taxi. Wala pang 10 minutes ay malapit na ako sa building. Natanaw ko si George na naglalakad sa may intersection. Since nakared pa ang stop light,kita ko ang babaeng kahawak nito ng kamay. Mahaba ang buhok nya,may kaputian. Di ko nakita ng malinaw ang mukha nya pero alam kong kahawak nya ng kamay si George. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero hindi maganda,nakaramdam ako ng inis sa nakita ko.


Nasa tapat na ko ng building. Nakita ko si George na huminto sa may Rufo's sa baba ng aming building kasama ang babae. Pinagmasdan ko sila,mayamaya pa,ginawaran ni George ng halik ang babae sa labi nito. Di ko na kaya ang mga nakita ko,nagmadali akong pumasok sa lobby ng building.


Ilang segundo pa,nakita ko si George na nagmamadali sa pagpasok sa building. Since wala pa ang elevator ay nakita kong malapit na sya sa akin.


“Hi Chris!” sabi nitong nakangiti sa akin.


I remained silent. Tumitig lang ako at bigla ko ring binawi ito.


“Chris! Bakit mo ko inirapan?” sabi nito sa akin.


Di ko pa din sya pinansin. Ilang metro na lang ang distansya namin ng biglang bumukas ang elevator. Agad akong sumakay at isinara ito. Not allowing George to enter. Narating ko ang 20th floor ng matiwasay.


Pero I must admit na tinoyo ako. Di to maganda.


Bakit ganito ang nararamdaman ko? Do I feel jealous? Kung oo,bakit?


Till next time,
Chris

Sunday, July 3, 2011

Coffee Belle

Enjoy reading guys. Totoo po lahat ng events dito sadya ko nga lang tinago ang pangalan nung iba. :DD


--------------------------------------------------------------------------------------------


I am with friends last Saturday night sa Trinoma. Kamustahan, nag-updates sa mga events sa kanya-kanyang buhay, kwentuhang brownout (pahiram daddy Migs huh!) lang at syempre chibugan. Dumaan din saglit si Robo para makipagkamustahan at umalis din dahil sa may trabaho pa siya. Then around 9pm nang maisipan naming umalis ng Superbowl dahil na rin sa nabadtrip si Rovi sa “incompetence” nang isang waitress doon. So, lakad lakad lang sa Trinoma hanggang sa umabot kami sa SM North.

Nakakatuwa na ang tagal na pala naming hindi nakakapag-usap ng ganoon and first time ko ring ma-meet si Gab a.k.a. Whitepal ng MSOB.

“Baka gusto niyong humanap ng tatambayan?” sabi ni Rovi.

“Dyan o pwedeng umupo.” Sabay turo ko sa gutter.

“Eweness! You expect me to sit there?” si Rovi.

Natawa kami ni Gab sa reaction ni Rovi habang busy si Alex and Eban na nag-uusap sa likuran namin.

“Hey guys, gusto niyo na bang pumunta sa coffee shop?” tanong niya ulit.

“Maaga pa. Mamaya na lang ng konti.” Sagot ko.

“Kuya sa Jollibee na lang muna tayo.” Si Gab.

“Right. Pwede naman tayong magpalate dun eh since late din sila nagsasara.”

At hayun na nga. Nilakad na namin ang way papuntang Jollibee sa Mindanao Ave. Grabe, imagine ang distance ng SM North sa Mindanao Ave. compare mo sa pagpapawis ko. Bongga! Nakakaloka!

Pagkadating naming lima sa fastfood, dumiretso na agad kami sa second floor. Pahinga muna kami saglit at nag-iisip ng ma-oorder. Nang makapili na kami nang kakainin habang nagpapalipas ng oras, inaya ko si Alex na um-order.

“Huy Alex, ‘Not Available’ yung swirly bitch ni Rovi.” Sabi ko.

“Asan?”

“Ayun oh.”

“Hala, oo nga. Teka akyat ako sabihin ko lang.”

Pagbalik ni Alex ay kasama na niya si Rovi.

“Rov, not available swirly bitch mo.”

“Nakakaloka naman. o sige yung Very Rocky Brownies (tama ba to? Sorry di ko maalala) na lang.”

“Copy.”

“O siya balik na ako baka kung ano na ginagawa nung mga bata sa itaas.” Sabi ni Rovi with a grin smile.

“Ah miss, 3 chocolate sundae please and coke float and very rocky brownies (hindi talaga ako sure). Alex, dagdagan mo naman ng 28 tong pera ko.”

Matapos magbayad at umakyat ay agad naming nilantakan ang mga desserts. Kuwentuhan ulit ng bongga hanggang sa maisipan na naming lumipat na sa coffee shop.

Lulan ng jeep, binaybay namin ang daan papuntang West Ave. Hindi ako maka-move on sa lalaking katabi ko. Ang luwang ng space pero kung makagitgit kala mo sikip na sikip. At eto pa ang matindi, hindi man lang nagdalawang isip si kuya na ilabas ang kanyang mamahaling cellphone sa loob. (Matakot ka sa holdap manong!)

“Para po.” Biglang sabi ni Rovi.

Pagkababa namin ay nag-optical inspection muna ako. Mukha namang cozy ang place. Kokonti lang ang tao pero ang umagaw sa atensyon namin nila Alex at Eban ay ang grupo nang mga kalalakihan sa may corner ng shop.

Gaya nang nakagawian, tambay muna saglit bago um-order. Kulitang walang humpay nang dumating sila Ford at ang kanyang mga pamangkin. (Nga pala, lumipat kami nang puwesto nang mabakante yung katabi naming table para mas maganda ang view.)

Mga bandang 2am nang tumahimik ako sa kulitan namin nila Alex and Eban. Umayos ako nang upo na tipong pahiga na. Di kasi maiwasang manumbalik sa akin ang nakaraan matapos kong titigan yung si cute guy dahil hawig siya dun sa dati kong minahal.



---

“Dhen, punta ka mamaya sa practice ng cheer dance huh? Puntahan natin si Leo.” Sabi nang barkada ko.

“Sumali ba siya dun?” tanong ko.

“Oo kaya sumama ka na.”

Pagdating namin sa venue ay may umagaw ng pansin ko. Isang tsinitong lalaki na matamang nagmamasid sa mga sumasayaw. Biglang bumilis tibok ng puso ko nang lumingon ito sa amin at ngumiti.

“Happy birthday Nick!” Sabi nung kasama niyang chubby guy pero cute din.

“Salamat!” tugon nito.

“Huy ano yan?” sabay turo sa cp ko.

Nakita niya kasi na kakaiba yung cellphone ko (N-Gage QD kasi ang unit ng phone ko before). Hiniram niya at naglaro siya doon. Nang isinoli niya sa akin yung cp ko, may nakalagay na number sa screen nito.

“Kuya Nick, number mo to?”

Tumango lang ito sabay sabing “Save mo na lang.”

Dyan nagsimula ang lahat sa amin ni Nick (siyempre hindi totoong pangalan). Siya kasi ang president ng org naming mga nursing students at nagkataon naman na isa ako sa mga active leaders sa year level namin.

Gabi-gabi kaming magkasama ni kuya Nick simula nang makalipas ang isang lingo mula nung birthday niya at nagkapalitan kami nang number. Sa paanong paraan?

Sabay kumain, sabay na lalakad, inseparable talaga. Ang hindi ko kinaya ay ang katotohanang super sweet siya sa akin.

Dumating pa sa puntong may tawagan na kami sa isa’t isa. Siya si mister at ako si donut dahil bilugan ako. May mga instances na pag pagod na siya kakabantay sa mga dancers ay lalapit iyan sa akin at bigla na lang hihiga sa lap ko. Wala siyang pakialam kahit na makita kami nang ibang tao.

Minsan may nangyaring hindi maganda sa venue. Nag-away si Nick at si Peter (yung chubby guy na cute) dahil sa nabadtrip si Peter gawa nang nabasa yung bag niyang punung-puno nang mga important documents sa ulan.

Rinig naming lahat na nanduduon ang sigawan ng dalawa hanggang sa mag-walkout si kuya Nick. Gusto kong lapitan siya pero nakita kong lumapit sa kanya yung mga kaibigan nilang pareho at walang kasama si kuya Peter kaya hindi ko siya pinuntahan.

“Kuya Peter, sorry huh di ko naiwasang hindi makinig sa pag-aaway niyo.”

Tumingin lang ito sa akin.

“Wala yun tsaka na-badtrip lang talaga ako kasi nabasa yung bag ko at wala man lang nakaisip na mag-alis nun dun.”

Tinamaan ako kasi kung tutuusin malapit lang yung pwesto ko sa bag niya bago umulan.

“Sorry ulit kuya kasi malapit ako dun kanina bago umulan.”

Tumingin lang siya ulit at ngumiti.

“Huwag kang mag-alala wala akong sinisisi.” Sabay tayo at sukbit ng bag niya.

“Kuya saan ka pupunta?”

“Uuwi na ako.”

“Delikado na kuya. Hatinggabi na.”

“Hindi yan.”

“Di ka na ba papapigil?”

“Hindi.”

“Sige ihahatid na lang kita hanggang sa inyo para makampante ako.” Walang anu-anong sabi ko.

“Hindi mo na kailangang gawin yan. Kaya ko sarili ko and besides ayoko na madagdagan pa ang gulo sa amin ni Nick.”

Napalingon ako bigla kay kuya Nick at nakita kong nakatingin ito sa amin at nanlilisik ang mga titig. Bumawi ako agad.

“Sorry kuya ulit pero hindi talaga kita hahayaang umuwi nang mag-isa.”

“Huwag ng makulit, okay?”

“Last bargain, hatid na lang kita kahit hanggang kanto na lang.”

“Hay, ang kulit talaga.”

“Payag ka na kuya?”

“May magagawa pa ba ako?”

“O tara na.”

Umakbay ako kay kuya Peter at sinamahan siyang maglakad. Sa totoo lang nakaramdam ako nang takot ng maisip ko na maglalakad ako pabalik sa madilim na lugar na ito. Ang tataas ng mga damo. Pilit ko naman na iwinawaksi ang nararamdaman ko habang nakikipagkuwentuhan kay kuya.

Nang makapara na kami nang tricycle eh tumalikod na ako para maglakad pabalik. Gumapang ulit ang takot sa katauhan ko dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin. Buti na lang at wala naman hanggang makita ko yung ilaw sa community center.

Kinabahan akong bigla nang makakita ako nang anino na nakatayo sa may daanan papasok ng center. Dinukot ko cp ko at akmang itetext si kuya Nick ng may text message pala ako galing sa kanya.

At siya pa talaga ang nilapitan mo at hindi ako!

Binasa ko pa ang isa.

Tinamaan na! Mas mahal mo ba siya kesa sa akin???

Yan ang mga texts na bumagabag sa akin. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng tricycle sa tabi ko at ang ilaw nito ay tumama sa taong wari’y nag-aabang sa akin. Nagulantang ako lalo nang makilalang si kuya Nick pala iyon.

Bigla naman itong naglakad pabalik. Hahabulin ko sana pero nanaig sa akin ang takot na baka mag-away kami.

Tahimik lang ako sa may pinakasulok ng center. Ayoko makipag-usap kahit kanino lalo na sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko pag nagkataon na magkadaupang palad kami. Natilihan ako nang makitang papalapit si kuya Nick sa kinauupuan ko.

Pinilit kong maging kalmado pero lalo akong kinabahan ng makitang titig na titig siya sa akin. Nang makalapit na siya ay walang anu-anong humiga sa mga hita ko. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakaayos kaya nang makabawi ay inayos ko ang pagkakahiga niya.

“Bakit hindi mo ako nilapitan?” Bigla niyang sabi kahit nakapikit.

Hindi ako sumagot at tumingin sa malayo.

“Bakit si Peter?”

Tahimik pa rin ako.

“Mas mahal mo ba siya kesa sa akin?”

“Mas mahal kita kuya siyempre.”

“Bakit hindi mo ako nilapitan kanina nung nag-away kami at mas pinili mo siya?”

“Wala kasing kasama si kuya Peter tsaka nakita ko naman na andaming pumunta sayo para aluin ka samantalang siya wala.”

“Alam mo bang mas nagalit ako dahil sa ginawa mo?”

Hindi na naman ako nakaimik.

“Nakita kong umalis kayo kanina and sa tingin ko ihahatid mo siya. Tama ako di ba?”

Tumango ako. Ewan ko kung nakita niya.

“Magsasakripisyo ka nang ganun para sa kanya?”

“Kuya, may kasalanan ako sa kanya. Bumabawi lang ako.”

“Hindi mo kasalanan na umulan kanina kaya wala kang dahilan para bumawi.”

Natameme na naman ako.

“Pero mas nanaig ang concern ko sayo na maglalakad kang pabalik mag-isa.”

Nang sipatin ko siya ay nakatingin na siya sa akin.

“Tinext ako ni Peter na naiwan ka raw sa sakayan ng tricycle kaya naman inabangan kita sa labas at nagdasal na wala sanang mangyaring masama sayo.”

Na-touch ako sa sinabi niya. Hindi ko naiwasang mapaluha. Pinahid niya ang luha ko.

“Hindi kita pinapaiyak Dhen.”

“Kasi kuya eh.”

“Wala na yun. Kalimutan mo na lahat ng hindi magagandang nagyari ngayong gabi.”

Pilit kong ibinabalik ang sigla ko hanggang sa mag-uwian. Nagkaayos na kami ni kuya Nick.

“Guys, pack up na. Alas tres na nang madaling araw.” Sabi niya sa mga dancers and choreographers.

Lulan ng iisang tricycle, nagkaroon kami nang moment ni kuya Nick ng kaming dalawa na lang ang naiwan. Tahimik siya na waring may iniisip nang bigla siyang magsalita.

“Donut, akin ka muna huh.”

“Kuya talaga.”

“Bakit?”

“Anong bakit kuya?”

“Bakit hindi mo ako tinawag na mister?” may pagtatampo sa tinig nito.

“Sorry po mister.”

“Hayan. Ulitin ko. Donut, akin ka muna huh.”

“Opo mister ko.” Kinikilig na sabi ko.

Tuwang tuwa naman si kuya Nick at niyakap ako. Ganun ang sitwasyon naming dalawa bago siya bumaba nang tricycle.

Marami pang mga nangyaring ka-sweetan sa amin ni kuya Nick hanggang sa point na nasaktan ako.

Minahal ko na nang higit pa sa kaibigan si kuya Nick at alam kong ganuon din siya sa akin ngunit sadya lang talagang hindi kami itinadhana.

Birthday nun ng bestfriend ko na kaibigan niya rin. Imbitado kaming magbabarkada at mga kasamahan ni bestfriend sa org sa celebration niya. Kasalukuyan akong nasa labas nun ng dumating yung kabarkada naming beauty queen.

Pumasok siya sa loob para bumati at lumabas din na may dala nang plato. Usap-usap lang kami nang pakialaman ko cp niya. Tiningnan ko mga pics niya at gandang-ganda talaga ako sa kanya. Bigla kong naisip na magkalugar si kuya Nick at yung isang nakalaban nung barkada ko sa beauty pageant.

Pumasok ako at pinakita kay kuya Nick yung picture. Nagulat ako nang iabot niya yung cp kay kuya Peter at nakita kong naluha siya sa nakita. Doon ko nalaman na ex pala ni kuya Peter yung girl. Habang inaalo ko si kuya Peter ay patuloy naman ang pagkalikot ni kuya Nick sa cp nung barkada ko.

Pagsilip ko sa ginagawa niya ay pinapasa nap ala niya yung mga pics nung barkada ko sa cp niya. Nakaramdam ako nang inis sa ginawa niya kaya naman lumapit ako sa bestfriend ko at agad na nagpaalam. Sabi ko may emergency sa bahay.

Hindi na ako nagpaalam pa sa ibang mga bisita lalo na sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Wala akong karapatang magalit dahil unang una ay hindi naman kami. Masakit lang talaga yung nasaksihan ko.

Nakaraceive ako nang mga text messages galing sa kanya pagdating ko sa bahay pero hindi ko na pinansin pa. pinatay ko na ang cellphone ko dahil ayoko siyang kausapin.

Tumagal pa nang ilang linggo ang pag-iwas ko sa kanya hanggang sa ma-corner niya ako.

“Donut, ilang linggo ka nang umiiwas sa akin. May problema ba tayo?”

“Wala kuya. Naisip ko lang na siguro time na para maghanap na rin ako nang kaligayahan ko.”

“Hindi ka ba masaya sa akin?”

“Masaya ako kuya pero hindi na ako maligaya.”

“Ang labo nun Dhen.”

“Malabo na sa malabo kuya pero yun ang nararamdaman ko eh.”

“Nasaktan ba kita?”

“Ewan.”

“Kung anoman nagawa ko sorry na please! Hindi ko kaya yung ganito. Nasasaktan din ako.” Pagmamakaawa niya.

Nanlambot ako agad at hindi napigilang umiyak. Niyakap niya ako. Nang ma-pacify niya ako, tinanggap ko na rin ang sorry niya.

Lumipas ang mga araw na nagbalik na kami sa dati. Akala ko okay na lahat pero nagkamali na naman ako.

“Dhen, nakita mo ba si Nick?” tanong nung babaeng barkada ko.

“Hindi eh. Bakit mo siya hinahanap?”

“Sabay kasi kaming magla-lunch eh anong oras na.”

Lunch? Silang dalawa?

“Kayo ba?” di ko maiwasang itanong.

“Oo eh.”

Nasaktan ako at nadismaya sa nangyari. Hindi ko alam kung naitago ko ba yung nararamdaman ko pero ang nasagot ko na lang eh “itext mo na lang siya. Sige una na ako.”

Simula nung nalaman kong sila na pala, dun ko pinagtibay sa sarili ko na tapos na ang kung ano man ang namagitan sa amin ni kuya Nick. Ang sakit sakit. Nagtetext siya pero hindi ko na madalas sagutin. Ayoko naman na ako maging dahilan ng break-up nila.

Kahit nasaktan ako, ayoko manira nang relasyon. Pag nagkakasalubong kami, isang simpleng hi na lang ang ibinibigay ko. Ayoko na kasing makipag-usap sa kanya.

Nang minsang magkasama kami sa isang event, kinumpronta niya ako.

“Ano bang problema mo Dhen?”

“Wala akong problema.”

“Anong wala? Nagsimula ka na namang hindi ako pansinin. Dinededma mo na ako tapos sasabihin mong walang problema? Tangina Dhen, hindi ako tanga para hindi maramdaman na may mali sa atin.”

“Walang ‘atin’ at walang ‘tayo’ kuya. Kung anoman ang nangyayari sa akin ay wala kang kinalaman.”

“Hindi ako naniniwala.”

“Eh di wag.” Sabay talikod.

“Hindi na kita kilala.”

“Hindi na rin kita kilala kuya Nick. Sabagay, nagbabago nga naman ang mga tao. May mga panahong papasayahin ka yun pala sa dulo pinaasa ka sa wala. Alam mo kuya, sana sinabi mo sakin sa umpisa pa lang kung ano ang lagay natin para hindi ako umasa sa mga pinapakita mo.”

Natigilan siya.

“Oo kuya, minahal kita nang higit pa dahil nahulog ako sa mga paglalambing mo pero kita mo nga naman iiyak din pala ako dahil sayo.”

“I’m sorry.”

“You should be kaya kuya please lang hayaan mo na ako. Pakawalan mo na ako. Sawa na kasi ako eh.”

---

“Insan, pagamit naman ng phone mo.”

Naputol bigla pagmumuni-muni ko nang kausapin ako ni Eban. Agad ko naman in-activate yung wifi nang phone ko at inabot sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko akalain na babalik sa akin ang alaalang iyon. Ang matindi pa, history repeats itself.

Friday, July 1, 2011

The Letters 2

NOTE:Sinulat ng aking kaibigan/kapatid na si Dhenxo Lopez. Enjoy.

Ang name ng kanyang character ay George.





Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.








March 16, 2009

Dear mister lappy,


What a day! Sobrang hectic ng araw na ito. I’m so tired pero bakit ganun? Parang masaya ako na nakilala at nakita siya? This can’t be! Ayoko! I’m over with this!

Ha! Ha! Ha! You’re wondering who’s I’m referring right, lappy? Joy? Nope! Just a guy, tama, a guy na magiging kasama ko sa bago kong work. I think he’s nice kasi I saw it in his eyes. I loved how he blushed while staring at me. I don't know why pero kinikilig ako.

Effin’yeah right! Gaya nga nang sabi ko, this can’t be. I’m in love with Joy and ayoko siyang saktan. She’s my life! Life? Letse kang other half ko, tumigil ka. Chris isn’t my type! Chris isn’t my type! Ha! Ha! Ha! Panggagaya nang buwisit kong ego.


* * *




“See you later babe!” Paalam ko kay Joy.

“God bless sa orientation babe!”

“Thanks and I love you so much!” At ginawaran ko siya nang halik bago ako tuluyang sumakay ng bus papuntang Ortigas.



* * *



Kinakabahan ako sa puwedeng mangyari pero I’m excited na rin. I don’t know kung bakit pero parang may magandang mangyayari today.

Di naglaon ay nasa tapat na ako nang building ng magiging bagong tahanan ko. Pumasok na ako. Tinanong ako ng guard kung saan daw ang lakad ko, sinabi ko naman na for orientation ako. Oo nga pala, natanggap kasi ako na maging ESL Teacher ng mga Korean students.

Pinatuloy naman niya ako. Habang naglalakad sa pasilyo ay heto na naman si lintik na kaba. Hindi ako mapakali. Nakarating ako sa area na ganun pa rin ang nararamdaman ko. Ano ba! Compose yourself! Umaarte ka na naman. Kung di ka titigil, magha-hyperventilate ka niyan. Mas nakakahiya iyon. Saway ko sa sarili ko at nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong hininga.

Nagsimula nang mag-orient yung naka-assign samin. TL, yan ang madalas nilang sabihin kapag kinakausap siya nang mga nakaharap sa computer. Di ko maiwasang hindi mag-sight-seeing. Madaming magaganda ang nagtatrabaho doon. Madami ring gwapo! Sinaway ko ang sarili sa naisip na iyon.

Parang tumigil ang mundo ko pansamantala nang tumapat kami sa isang lalaking nakatalikod sa amin na tipong walang pakialam sa ginagawa ng TL niya. Nagta-type ito at mukhang seryoso pero para itong may magnet na hinihila ako sa kanya.

“Uhhmmm. Teacher Chris.” tawag nito bilang pagkuha sa atensyon nito.

So Chris pala ang name niya. Malamya siya kumilos at magsalita pero it didn’t stop me na pakinggan ang pagsasalita niya.

Chris has a good complexion. Maputi ito. Maganda rin at broad ang kanyang mga balikat. Makinis ang mukha nito at nakatayo ang kanyang nakawax na buhok. Sa pagkakatanda ko ay parang light brown ang sabog ng kulay sa kanyang buhok na bumagay naman sa kanya.Kita din ang medium sized na nunal sa bandang ilalim ng kanyang kaliwang ilong. I must admit that he looks good. And his body frame is just so adorable. I'm uncertain if he goes to the gym.

“Yes TL?” nagigiliw giliwan nitong sabi.

“Uhhmm.” sabi nito sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang tenga.

“Uhmm,we have a new member for the team.” dugtong nito.

Napantastikuhan naman ako sa itsura nito na waring hindi interesado sa ginagawa namin. Bukod pa nun, bakit parang natameme si TL na hindi rin nakalagpas sa kanya.

“Uhhhm,Yes. Uhhm. Yes. This is Teacher George.” sabi ni TL sa kanya.

Ngumiti ako bilang respeto at pagpapacute na rin. Papacute? Letse tumigil ka! Muling bumanat si TL.

“Ahhh Teacher Chris,he'll be sitting here.” sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan nito.

“Ahh okay. Sure sure.” sabi nito sabay ngiti.

“Nice meeting you Chris.” sabi ko sa kanya.

Nagtaka ako sa inasal ko. Usually tama na ang pagpapakilala sa sarili pero this time nag-initiate ako nang handshake. Iba ito. Mas lalo pang nakakagulo dahil nakatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

“Teacher Chris?” sabi ni TL.

“Uhh yes? “

Saka lang siya bumalik sa reality. Nakita niyang nakaumang ang kamay ko kaya naman ay inabot niya ito. Uh-oh! Bakit may spark? Lagot!

“Teacher Chris,are you okay? Namumula ka.” concerned na sabi ni TL.

“I'm okay TL. Thanks.” sagot niya matapos magsalamin.

“Okay. Teacher Chris,iiwan ko muna dyan sa tabi mo si Teacher George. Kindly assist him if he has questions ha? Be kind.” sabi ni TL.

“Yes TL.”

At tumabi na ako sa kanya. Para lang akong tanga na nakatutok sa computer pero hindi naman magawang i-orient ang sarili sa functions ng applications. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang usapan ni Chris at yung kaibigan nitong babae.

Bakit ganun? Hindi na bago sa akin ang magkagusto sa isang lalaki pero kakaiba ito lalo pa at may gf ako. I mean, I’m no longer used to it. Matagal nang hindi ako nagkaganito. Siguro na-attract lang ako kasi . . . OMG! Wala akong maisip na dahilan.

Napatingin ako sa kanya. Busy pa rin siya sa pakikipagdaldalan sa katabi niya. Natutuwa ako sa paraan niya nang pagtawa at yung mismong tawa niya. Uh-oh, I’m freaking out. Dali-dali akong tumayo at nagpaalam na magsi-cr lang.

Binilisan kong lumakad at nang makapasok sa isa sa mga cubicle ay muntanga lang na sapo ang dibdib. My heart’s racing. Lagot! Nilabas ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Joy.

“Hi babe!”

“Wala lang, I missed you lang.”

“Yeah, okay naman yung orientation. Mababait rin sila rito.”

“Yup, don’t worry makakasabay din ako sa kanila.”

“Anyway, I’ll fetch you later okay?”

“I love you so much babe! See you soon!”

Pagkababa ko sa linya ay agad akong nakaramdam ng guilt. Patay don! Naghilamos ako agad baka sakaling mawala yung nararamdaman ko. Bumalik na ako agad sa cubicle ko at inumpisahan ng mag-orient.

Buong pagtatrabaho ko ay nakikiramdam ako sa mga ginagawa niya kaya minsan ay hindi ko namamalayan na nagtatanong na pala yung mga students ko.

All in all, my day turned out fine but I got tired. Naihatid ko na rin si Joy sa bahay nila. Yeah we kissed! I love her. Eh siya? You love him na ba? Letse ka! Tumahimik ka!

Hay naku. So see you around mr. lappy!



Till next time,
George