Sunday, September 18, 2011

Torn Between Two Lovers? xv

Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si Francis makalipas ang naging encounter namin. Naiintindihan ko naman yung galit niya pero sana hindi siya basta-basta naniwala sa mga paninira sa akin. Totoo ko siyang minahal at wala akong pinagsisihan doon. Siguro nga lang, sa ganitong paraan magwawakas ang kung anumang special na namamagitan sa amin.

“Hey girl, pansin ko na hindi na kayo madalas magkasama ni Francis.” Bungad ni Febbie.

“Busy siya sa studies girl. Alam mo naman may hinahabol na grade, running for Cum Laude ata yun eh.” Si Xyza na ang sumagot.

“Ah ganun ba? Nakaka-miss kasi mga panlilibre niya eh.”

“Ah kaya mo pala siya hinahanap kasi magpapalibre ka ulit.”

Nanatili pa rin akong tahimik.

“Siyempre naman nuh, laman tyan din yun tsaka makakatipid pa tayo nun.”

Natawa si Febbie sa sinabi nito pero bakit hindi ko magawang matawa or mangiti man lang. Hurting? Siguro, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang malabo na ang lahat sa amin.

Naglalakad kami sa hallway nun pabalik sa classroom ng hindi inaahasang makakasalubong namin si Francis at Jie. Medyo na-tense ako. Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang mukha ni Francis pagkakita sa amin.

“Hi Francis!” Bati ni Febbie sa kanya pero parang hangin lang ito na hindi pinansin ni Francis.

“Ay hindi pinansin!” Pang-aasar ni Xyza.

Sumimangot lang ito.

“So paano ba yan mukhang wala nang libre si Francis sa’yo!” Patuloy na pang-aasar ni Xyza.

“Bakit hindi siya namansin?” Nahihiwagaang tanong ni Febbie. “Dhen, nag-away ba kayo?”

Nabigla ako sa tanong nito. Medyo malayo kasi iniisip ko.

“H-huh?”

“Ang sabi ko, nag-away ba kayo ni Francis at maging ikaw eh hindi man lang niya pinansin? Ang layo kasi nang iniisip mo eh.”

Hindi ko alam kung sapat na ba ang ilang araw na nakalipas para masabi ko na ang dahilan. Kinapa ko ang sarili ko pero napagtanto kong hindi ko pa pala kaya.

“Ah girl, lapit na ang time dalian natin. Ayoko masabunan ni Mr. Cristobal.” Pagbabago ko sa topic sabay hila kay Xyza. Mahirap na baka madulas pa ito.

“Teka naman!”

“Dalian mo kasi lumakad. Umatake na naman kasi pagiging pagong mo eh.” Pambawi ko para ipakita na hindi ako apektado.

“Fuck you!!!” Sigaw nito.

At dahil sa pagsigaw na ito ni Febbie, bigla na lang lumabas sa kung saan yung teacher na nanghahabol ng sinturon.

“Bullshit nursing students! You don’t know how to show respect to others then I’ll give you what you deserve.” At ayan na naman, binubunot na naman niya ang mahiwaga nitong sinturon habang dada pa rin ng dada.

Dahil sa nasaksihan, aba, namalayan na lang namin si Febbie na dumaan sa harapan namin. Para itong si The Flash sa pagtakbo dahil na rin sa takot. Tawang-tawa kami sa hitsura nito nang madatnan namin sa classroom.

“Ayan, sumigaw ka pa ulit dun sa klase ni tanda tingnan ko lang kung maka-hirit ka pa.” Pangbubuska ni Xyza.

Hindi pa rin ito makaimik bagama’t nakakaawa ang reaction nito.

“Huy Febbie, wala na si tanda. Pwede ka nang bumalik sa dati mong kulay.” Pang-asar ko pa.

“Kabuwisit talaga kayong dalawa!” Inis nitong sumbat.

“Aba’t sino ba kasi nagsabing sumigaw ka at itataon mo pa sa tapat ng klase niya.” SI Xyza.

“Alam ko ba kasi.”

“Eh sana sa susunod bago ka sumigaw ng ganun eh tingnan mo muna kung may nagkaklase.” Panunumbat ko.

“Hay naku, buti na lang nakatakbo ako.”

“Oo nga, nagulat nga kami sa nangyari eh. Dapat pala lagi kang hahabulin ng sinturon ni tanda eh.”

“Tama ka dyan girl!” Sabay bigay namin ng nakakalokong tawa.

Ramdam naming dalawa ni Xyza na hindi pa rin moved on si Febbie sa nangyari kaya naman patuloy lang namin siyang inaasar. Kakagulat naman na unti-unti na rin itong gumaganti.

Maya-maya pa dumating na ung prof namin at nag-umpisa na naman magturo. Walang kamatayang pakikinig na naman sa isang boring na kagaya niya. Gustuhin ko mang making eh hindi ko talaga maiwasang hindi mag-daydream. Mas maigi na siguro iyon kesa naman makatulog ako kakapakinig sa kanya.

“Okay class! That’s all for today. We’ll be having our departmental meeting in 10minutes. Please read your notes and we’ll be having a graded recitation tomorrow.”

At dahil sa narinig kong iyon ay biglang pumalakpak tenga ko sa sobrang kasiyahan. Sa wakas maaga niyang tinapos yung klase. Unang beses itong nangyari kaya naman iba talaga ang hatid nitong tuwa sa akin.

“Anyway, Mr. Lopez, you are expected to be there in the meeting.”

“Sir?” Biglang naputol yung kasiyahan ko.

“You have a business in the said meeting since you are a part of our department student council.”

‘What???? Ano naman itong kalokohan na ito gov!’ Sigaw ng utak ko na sinisisi si gov.

“I’m expecting you there Mr. Lopez.”

Napatango na lang ako.

“Ambilis talaga nang karma. So paano girl una na kami sa’yo.” Pambabawi ni Febbie.

“Fuck!” nasambit ko na lang.

Sa lahat kasi nang ayaw ko ay um-attend ng faculty meetings dahil sa sobrang boring nun plus the fact na baka andun si Francis. No choice ako, ayoko naman na pag-initan ako ni Sir Cristobal bukas dahil sa hindi ako um-attend ng meeting.

Masama ang loob ko habang tinutungo yung daan papunta sa office. Bakit pa kasi ako sumali sa org na ito eh. Andami na ngang masalimuot na pagkakataon itong idinulot sa akin.

Nakasabay ko naman si gov at maging siya ay nagulat ng malamang kasama kami sa meeting. Nakita ko rin ang pagdating ng iba pa naming mga kasama, pati si Francis.

“Bakit hindi kayo magkatabi ngayon ni Francis? Magka-away kayo nuh?” Pabulong na sabi ni gov.

“Gov, chismoso ka talaga. Kalalaki mong tao eh ganyan ka.”

“Confirmed. So anong pinag-awayan niyo?”

“Shut up! Baka marinig ka ni dean mapagalitan pa tayo.”

“Magkuwento ka sa akin mamaya.”

“Ayoko!” Pagtanggi ko rito.

Pero hindi nagpatalo si gov. Pinabayaan ko na lang siya. Badtrip na badtrip naman kaming mga officers dahil hindi naman pala para sa amin yung meeting pero bakit kami pinatawag. Sana kasama ko mga kaibigan ko ngayon at nag-eenjoy.

Lukot talaga mukha ko sa sobrang banas habang bumababa nang office. Buti na lang nauna na si gov. Di sinasadyang matapunan ko nang tingin yung isang taong dahilan ng matinding away namin ni Francis sa di kalayuan. Bigla naman ang pagsikdo nang inis sa akin. Gusto ko itong sugurin pero pinilit kong maging kalmado. Nakakahiya.

Gusto kong i-compose sarili ko kaya naman dumiretso ako sa banyo para makapag-ayos man lang. Naghilamos lang ako saglit then tumingin sa salamin. Matama kong sinisipat ang mukha ko nagbabakasaling inagos na nang tubig ang pagkainis ko.

Napahinto ako sa may kanto nang banyo dahil sa dalawang pamilyar na boses na nag-uusap.

“Hindi ko alam kung anong nangyari pero malakas ang kutob kong ikaw ang dahilan ng biglaang pag-alis ni Dhen sa bahay.”

“Ano naman sa’yo kung ako nga? Dapat lang sa kagaya niya yung ganun.”

“Wala kang karapatang husgahan siya dahil hindi mo siya ganap na kilala.”

“Ah I see. Alam mo, sa iyo na siya kasi bagay kayo. Ang drama niyo pareho eh.”

“Tarantado ka pala eh!”

“Susuntukin mo rin ako? Sige, ipamukha mo sa akin na ikaw nga ang knight in shining armor niyang best friend mong manggagamit!”

“Kahit kalian hindi ko naramdamang ginamit lang ako ni Dhen at kung gagamitin man niya ako handa akong maging kasangkapan niya para matupad mga gusto niya dahil mahal ko siya hindi kagaya mo na walang paninindigan.”

“You have no right para sabihing wala akong paninindigan! Nakakaawa ka Arnel. Harap-harapan ka na ngang ginagawang tanga pero mahal mo pa rin yung tao? How pity!”

Hindi ko na narinig pa yung mga sumunod na pag-uusap nila dahil sapat na ang mga narinig ko mula kay Francis para lisanin yung lugar. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko dahil sa nalaman ko kung gaano kagalit sa akin si Francis. Hindi ko naman napansin na may kasalubong pala ako at nabangga ko siya.

“Aray! Watch where you’re going freak!” Sabi nito sa akin.

Napatingin ako rito.

“Awww, ikaw lang pala yan Dhen.” May halong pangungutya sa tinig nito.

Tatalikod na sana ako nang muli itong magsalita.

“Umiiyak ka? Bakit? Dahil nag-away kayo nung best friend mo? Ginagamit mo rin ba siya?” Sunod-sunod na tanong nito.

Humarap ako rito at agad siyang inundayan ng suntok sa mukha. Sapul siya.

“Tangina! Bakit mo ako sinapak!”

“You deserve it! One, for stitching up stories para siraan ako kay Francis and secondly dahil sa paninirang puri mo sa amin ni Arnel. I can sue you for that!”

“Sue me? Wow, come on! Kaya mo ba? May pera ka ba?”

“Siguro nga wala akong yaman ng kagaya sa inyo pero atleast maipagmamalaki ko na hindi ko kailangang gumawa nang story at palabasing manggagamit ang ibang tao para lang makuha ko iyong gusto ko. Mas mabuti pa si Courage (the Cowardly Dog) nagagawang harapin problema niya nang patas unlike you!”

“Bakit? Totoo naman na ginamit mo lang si Francis dahil alam mong may gusto siya sa iyo para pagselosin yung best friend mong uto-uto eh!” Panunumbat niya.

“Hindi ko na kasalanan na ako ang nagustuhan ng best friend mo at hindi ikaw. Subukan mong tumingin sa salamin at tanungin sarili mo bakit hindi na lang ikaw?” Sumbat ko sa kanya. “At isa pa, hindi ko na kailangang manggamit ng tao dahil sobra-sobra ang natatanggap kong pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan ko!”

Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang expression ng mukha nito. Saglit kong nakita ang lungkot sa pagkatao nito bago nito muling binuhay ang isa pa nitong pagkatao.

“Sa tingin ko ikaw ang mas nakakaawa sa ating dalawa dahil pilit mong isinisiksik yung sarili mo sa mga taong gusto mo. Alam ko rin na dahil doon kaya ginawan mo ako nang storya na nanggagamit ako dahil sa katotohanang natatakot ka na tuluyang mawala iyong taong pinakamamahal mo.” Pagpapatuloy ko.

“Successful ba ginawa ko?” Sabay bitaw ng isang malakas na tawa. “Naku sorry huh. Kung nung una pa lang sana eh iniwasan mo na siya di sana hindi humantong sa ganito. Tsaka di ba sinabihan na kita dati pa na gagawin ko ang lahat mapasaakin lang si Francis?”

“Nakakaawa ka!” Sabay duro ko rito.

“Sino ang mas nakakaawa sa atin ngayon? Ako o ikaw na talunan?”

“Jie?” Boses na nanggaling sa likuran niya.

Napatahimik kaming pareho at napaharap rito. Bumakas naman ang takot sa mukha ni Jie.

“K-kanina ka pa diyan?”

“Oo at narinig ko ang lahat.”

“I can explain Francis.” May pagmamakaawa sa boses nito.

“Hindi na kailangan. I already had enough, tama na.”

Akma itong lalapit sa akin pero pinigilan ko nang iling. Bagama’t bakas sa mukha nito na gusto nitong magpaliwanag, mas minabuti ko na lang na maglitanya.

“Don’t try to justify anuman mga nagawa mo. Like you, I already had enough. Mao-overload na utak ko sa kung ano pa ang mga sasabihin mo.”

“Tara na.”

Bahagya akong nagulat sa pagsulpot ni Arnel sa likod ko.

“Tutunganga ka na lang diyan? Uuwi na tayo dumbass!”

Aba kung makautos kala mo siya ang boss. Binatukan ko nga.

“Aray ko!” Sabay kamot sa parteng tinamaan ko.

Tiningnan ko si Francis sa huling pagkakataon bago tuluyang nilisan yung lugar. Narinig ko pa ang pagmamakaawa ni Jie na pakinggan siya ni Francis ngunit isang matunog na mura lang ang natanggap nito.

Nakaramdam ako nang pangungulila sa nasirang pagkakaibigan namin. Hiniling ko na sana panaginip lang ang lahat pero hindi. Tuluyan na ngang winakasan ng pagkakataon ang masalimuot na story naming dalawa ni Francis.

Umakbay naman si Arnel sa akin at pilit na ipinaparamdam na hindi niya ako papabayaan. I felt security and comfort sa gesture niya na iyon. Ninanamnam ko ang kasalukuyang nararamdaman ng magsalita ito.

“Ginagamit mo ba ako?”

Bigla kong nailayo sarili ko sa kanya.

“Ganyan na rin ba tingin mo sa akin? Geez, magsama-sama kayo!” At tumakbo na ako palayo rito.

Nakalimutan kong mas mabilis nga palang tumakbo si Len sa akin kaya naman naabutan niya agad ako.

“Bitawan mo ako!” Pagpupumiglas ko sa yakap nito.

“I won’t.”

At walang pasintabi ako nitong pinaharap at inangkin ang mga labi ko. Sa pagkagitla ay hindi ako maka-react. Overwhelmed pa rin ako sa mga naganap pero sapat na ang halik niya para tunawin ang kung ano mang agam-agam na namamahay sa dibdib ko. Gumanti na rin ako sa mga halik nito.

“Dhen, I love you!” Sabi nito matapos ang halikan.

“Salamat sa pagmamahal Len.”

“Wala iyon. Alam mo namang high school pa lang tayo mahal na kita di ba?”

“Bilang best friend, oo.”

“Uto! Nagka-aminan na nga tayo sa resort nung 4th year eh.”

“Huh? Hindi ko maalala yun ah.” Pagsisinungaling ko.

“You’re still not good in lying.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Saan mo gustong umuwi? Sa bahay niyo o sa bahay namin?” Pagbabago nito sa topic.

“Sa bahay namin siyempre.”

“O sige, uwi muna tayo sa bahay. Kuha lang ako nang bihisan ko at doon tayo matutulog sa bahay niyo.”

Hindi na lang ako tumutol.

Matapos naming makapunta sa bahay nila, konting paalam at pagkuha nang mga gamit ay umuwi na kami sa bahay. Diretso nang kuwarto ang drama ni Len dahil napagod daw ito. Pinabayaan ko na lang.

“Len, mag-shower ka na muna.”

“Maya na. Pinagpapawisan pa ako.”

“Ikaw bahala.”

Tumabi naman ako sa kanya sa kama. Niyakap niya ako.

“Len, salamat sa pagtatanggol kanina.”

Nakatingin lang ito sa akin.

“Narinig ko yung pag-uusap niyo ni Francis.”

“Ah, ganun talaga. Mahal kasi kita kaya ayokong may manakit sa’yo.”

“Kasi gusto mo ikaw lang.” Banat ko.

“Uto! Magtigil ka nga!” Saway nito.

Natawa naman kami pareho.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Pa-kiss.”

“Ayaw ko nga. Nakakarami ka na eh.”

“Gusto mo naman pakipot ka pa.”

“Pakipot mo your face.” At hinampas ko ito nang unan.

“Ah gusto mo pala pillow fight huh, sige pagbibigyan kita.” Gumanti rin ito nang hampas sa akin.

Nakailang palitan kami nang hampas ng bigla akong napuruhan at napatumba. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang pangyayari dahil nagdilim ang buong paligid. Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero iisang bagay lang ang nagpagising sa akin.

“Hayop ka talaga Len! Mapagsamantala ka!” Pambungad ko sa kanya.

“Eh kasi naman, napasarap tulog mo eh. Para kang si sleeping beauty. Di ba halik lang ang magpapagising sa kanya kaya sinubukan ko at hayun nga effective naman.”

“Effective ka dyan! Ang sabihin mo, nagtake advantage ka.”

“Gusto mo naman.”

Natahimik ako. Gusto ko nga rin kasi ang may humahalik sa akin. Madali akong mahulog sa mga taong humahalik sa labi ko gaya ni Francis at nito ngang si Len.

“See? Hindi ka na makapagsalita kasi totoo.”

“Uto! Ayoko nang mga nakaw na halik, mas gusto ko pa rin yung may pasabi.”

Napatango ito. “Pwede ba kitang halikan? O ayan ah nagpaalam ako.”

Napangiti ako sa simpleng gesture niya na iyon. Hinablot ko yung shirt niya para mapalapit sa akin at sinamsam ang mga labi niyang sabik (daw) sa mga labi ko.

----


Dumating ang weekend, ewan ko kung anong tumakbo sa isip ni Arnel at dumating ito sa bahay na naka-motor at nakaporma.

“Saan ang lakad at naka-get up ka?”

“Aakyat sana ako nang ligaw!”

“Uto! Ligaw ka dyan. Tumigil ka nga.” Saway ko rito pero deep inside eh kinikilig ako.

“Hi tita!” Bati nito kay mama nang makita niya ito.

“O Arnel, pasok ka.”

“Naku hindi na po. Medyo nagmamadali eh.”

“Mukha nga, saan ba lakad mo?” Tanong ni mama.

“May pupuntahan po kasi kami ni Dhen ngayon eh. Di po ba siya nagpasabi?”

Nanlaki mata ko sa sinabi nito.

“Hindi naman marunong magpaalam yan eh.”

“Magpaalam ka kasi.” Sabi sa akin. Gusto ko na talaga itong upakan.

“Oh bakit hindi ka pa naghahanda riyan? Anong oras na.” Pamumuna ni mama sa akin dahil hindi pa rin ako makakilos.

Hindi ko man alam kung saan pupunta pero kailangan ko na lang sakyan trip nitong si gago. Sinabihan ako ni Len na magdala nang extra na damit kaya yun ginawa ko. Wala talaga akong idea sa gagawin namin.

Bago lumabas ay saka pa lang ako nakapagpaalam kay mama. Binigyan naman ako nito nang pera kalakip ng ilang bilin.

“Hoy gago! Saan mo na naman ako dadalhin?” Pakikipag-usap ko rito habang nagda-drive siya.

“Basta, mag-eenjoy ka run promise!”

“Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ibubunton ko sa’yo yung sermon ni mama.”

“Just sit back and relax. Kapit kang maigi dahil in a few minutes andun na tayo.”

Nahihiwagaan pa rin ako kung anong tumatakbo sa isip ni Arnel. Alam ko naman na ginagawa niya ito dahil pareho na kaming malaya pero bakit hindi ko maramdaman ng ganap. Iba kasi ang alam sa nararamdaman eh.

Patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng mamukhaan ko yung tinatahak naming daan.

“Len papunta ba tayo nang resort?”

(itutuloy...)

4 comments:

blue said...

ganda...syang ung ky francis.....nauna ako......tnx author...glng mo

dada said...

Dapat sinuntok ni francis si jie eh......sana magka ayoz n sila francis at dhen....sweet naman ni arnel....but im still hoping n sana francis and dhen until the end hehe....(*_-)

Anonymous said...

cute ng story otor.. 1 milyong palakpak para sa u..


..gus2 ko rin si francis at dhen magktuluyan

-jb

ram said...

sayang naman si francis. parang mas gusto ko si francis kay dhenz. si arnel kc may balak pang magasawa.