Monday, September 5, 2011

Torn Between Two Lovers? xii

Bati mode lang po:

Salamat sa mga patuloy na bumibisita sa blog ko para tingnan kung may update na ba ako. Salamat din sa mga nagko-comment. Naaappreciate ko po iyon ng sobra. Salamat din sa pamilya ko rito sa BOL, sa mga kapatid ko, sa mom ko, at higit sa lahat sa BABE ko. Proud na proud ako sa'yo alam mo yan. Keep up the good work and let's aim for the best! I LOVE YOU!

Enjoy po niyo itong update ko na ito. :D

Lovelots,
dhenxo :DD

--------------------------------------------------------------------------------

“Hey kuya!”

Rinig ko ang pagtawag na iyon ng isang pamilyar na boses sa may likuran ko. Hinarap ko ito.

“Oh Francis.”

“Hi! Kamusta ka?”

“I’m looking good naman sa tingin ko. Hindi ba ako ganun sa tingin mo?” Seryoso kong tugon.

“Loko ka kuya. Medyo may katagalan na rin kasi nung last time na nagkasama tayo kaya gusto kong mag-catch up tayo sa isa’t isa.” Halos matawa sa sagot ko.

“Matagal na ba ang three days?”

Tumango lang ito.

“Really?”

“So let’s hang out after ng meeting.”

“Meeting? Teka anong meeting yan?” Naguguluhan kong tanong.

“Hindi ka ba na-inform? Nagpatawag si gov ng meeting mamayang 5:30pm sa may second floor ng nursing office.”

“Talaga? Bakit hindi ako in-inform?” May tampong usal ko.

“Huwag na magtampo kay gov. Busy yun tsaka nasabihan naman na kita di ba kaya smile na dyan.”

Hindi pa rin ako mangiti. Trip lang.

“Pag hindi ka ngumiti, hahalikan kita.”

Bigla akong natilihan kaya naman ngumiti na ako. Ayokong ma-issue ulit in public. Tama na yung isang beses. Napalis ang ngiti ko agad at napalitan ng walang emosyong maskara ang pagkatao ko nang masilayan ang paglapit ng kontrabida.

Umakbay ito kay Francis sabay salita.

“Dude, don’t forget yung lakad natin mamaya after class huh.” Pagpapaalala nito kay Francis.

“Mamaya na ba iyon? Naku naman, pwede pass muna?”

Tumingin muna nang matalim sa akin si Jie bago sumagot.

“Pass na naman? Naku, lagi na lang ganyan. Nakakatampo ka na sobra.”

“Hindi naman dude. Nagpatawag kasi si gov ng urgent meeting kaya hindi ako makakasama mamaya sa’yo.”

“Lagi naman eh. Ako na lang lagi ang last priority.” At nag-walkout na ito nang tuluyan.

Naku naman, ako na naman ang sisisihin nung gagong iyon. Ano ba naman iyan. Ako na lang lagi ang may mali. Nakakainis na sobra.

“Huy kuya!”

“Oh?”

“Natulala ka dyan.”

“Hindi kaya. O siya sige na, una na ako sa’yo at may klase pa ako.”

“Sige kuya. See you later.”

Tumango na lang ako.

Lukot ang mukha ko habang binabagtas ang pasilyo papunta sa room. Iniisip kung bakit sa dinami-rami nang taong pwedeng dapuan ng malas eh ako pa talaga. Maya-maya pa ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ko yung nangyari sa pagitan naming dalawa ni Arnel nung nakaraang gabi.

“Dhen, I have to tell you something.”

“Sige ano iyon?”

“Break na kami ni Jessa.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Agad ko naman iyon binawi dahil baka drawing lang yung sinabi niya. Mahirap ng umasa. Sabi nga nila, never expect never assume.

“What’s with that look?” Tanong niya.

“Why?”

“Ginawa ko lang yung alam kong tama.”

“Mali ka. Alam ko kung gaano mo kamahal si Jessa. Huwag na sana tayong maggaguhan.”

“Maniwala ka naman sa akin, kahit ngayon lang.” May tinig ng pagsusumamo na sambit niya.

“Nabartik kan (Lasing ka na).” Pag-iwas ko sa usapan.

“Haan pay (Hindi pa).”

“Oo kaya. Namumula ka na.”

“Hindi kaya.”

“Wen (oo).”

“Madi (Hindi).”

“Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Baka gusto niyong pag-untugin ko kayo.” Pagsaway ni Xyza.

“Tumigil ka na raw.” Sabi ko rito.

Ngumiti na lang ito.

“Anyway, let’s play.” Pag-aya ni Febbie.

“Anong laro yan?” Tanong ko.

“Jungle book.”

“Wala na bang mas luma pa dyan? Gusto ko yung teks na lang meron pa ako dyan.” Sarkastiko kong banat..

“Dali na huwag ng maarte.”

“Teka, lagyan natin ng twist.” Suggestion ni Xyza. “Instead na sabihin natin yung mga crush natin eh magtatanong tayo nang kung anu-ano sa natalo. What do you think?”

“Pwede yan. Gusto ko iyan. Ikaw ba Dhen ayos lang sa’yo?”

“Ayos lang sa akin.” Sumagot agad si Arnel.

Ramdam ko na nakatuon na naman sa akin ang atensyon nila kaya naman labas sa ilong akong sumagot.

“May magagawa pa ba ako?”

Napangiti naman ang tatlo sa sagot ko.

Sa umpisa nang game eh medyo mga pa-tweetums pa ang mga tanong pero nung lumaon ay medyo seryoso na at kumplikado.

Sadyang mapang-asar ang pagkakataon dahil madalas na sa akin tumapat ang huling letra. Wala kasing iwasan ng kamay gaya nang nakasanayan.

“Nakailang talo ka na Dhen? Baka gusto mong magbigay sa amin?” Pang-aalaska ni Xyza.

“Dali na, dami pang satsat.” Sabi ko.

“Sige ako una magtatanong.” Si Febbie.

“Okay. Bilisan mo lang huh.”

“Sige eto na.” Tumigil saglit sa pagsasalita si Febbie. May pa-bitin effect pang nalalaman. “Mahal mo ba si Francis?”

Putakti! Heto na, bumanat na ang bunganga nang isang tsismosa. Kita ko naman ang pagkagitla sa mukha ni Arnel.

“Next question please.” Paiwas kong sagot.

“Andaya, walang ganun. Ang usapan ay usapan.”

“Fine.” Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy. “ Gusto ko si Francis.” Pa-safe kong sagot.

Bumakas sa mukha ni Arnel ang lungkot at sakit. Bagama’t ramdam ko na gusto niyang itanong sa akin kung bakit pero nanatili siyang tahimik. Hindi ko naman gusto na magpaliwanag pa dahil kalabisan na iyon. Isang tanong isang sagot lang.

“Bakit?” Follow-up question ni Febbie.

“Ooopps, one question lang per tao.” Pagpapaalala ko sa kanila.

“Ah ganun pala huh, sige ako magtatanong nun. Bakit ‘gusto’ mo lang siya at hindi mahal?” SI Xyza.

Tumingin muna ako sa ngayo’y blangko nang itsura ni Arnel. Sinisipat kong maigi kung dapat ko ba itong sagutin o hindi. “Kasi ayokong masaktan ulit at magmahal ng may sabit. Mas safe nang sabihin ang gusto kesa mahal para iwas disgrasya.”

Nakita ko siyang bumuntong-hininga.

“Kaya mo ako binitiwan.” Malungkot na sabi nito.

“Oo.”

Nanaig ang katahimikan sa aming apat. Hindi naman nakatiis yung dalawa kaya naman inalis nila yung awkwardness sa paligid.

“O siya, tuloy na natin yung laro.”

Naghawak-hawak na kami ulit ng mga kamay at nagpatuloy sa laro. This time, hindi ko na mahawakan ng maigi yung kamay ni Arnel. Nahihiya? Hindi naman siguro. Tama lang yung ginawa ko. Nagi-guilty? Hindi ko alam. Natigil lang ako sa kakaisip ng nagsalita si Xyza.

“Naku, paano ba yan Arnel ikaw na ang nasa hot seat pasensyahan na lang huh.”

Tumango lang ito.

“Bakit kayo nag-break ni Jessa?” Hindi napigilan ni Xyza na maitanong.

“Dahil kay Dhen.”

Patay na! Ayoko nang ganito.

“Anong bakit kay Dhen?”Wala sa sariling pag-follow up niya.

“Gusto ko na kasing palayain yung sarili ko. Hirap na akong magpanggap.”

“Magpanggap?” Si Xyza ulit. Dumadami na tanong nito ah.

“Oo. Magpanggap na lubos akong masaya sa piling ni Jessa kahit na alam kong mas sasaya ako sa piling ng iba.”

“At si Dhen yung tinutukoy mong iba?” Tanong pa ulit ni Xyza.

Tumango lang si Arnel.

“Dhen, masuwerte ka. Ang dami naghahabol sa’yo. Ano bang meron ka?”

“A-aba malay ko. Huwag mo akong tanungin wala akong alam dyan.” Depensa ko.

“Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko dahil sa ginawa ko lang kung ano yung alam kong tama.”

“Ano naman iyon?” Umatake na naman pagiging slow ni Febbie.

“Sinasabi kasi nang puso ko na makipaghiwalay na kay Jessa para bigyang daan yung taong matagal ko nang mahal.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman that time pero iisa lang ang sigurado ako, may saya akong naramdaman sa sinabi niyang iyon.

“Eh di…” Magtatanong pa sana si Febbie pero pinigilan ko na.

“Huy, nakakarami na kayo nang tanong ah. Isa-isa lang di ba?” Pagsaway ko sa dalawa.

Napaismid naman sila.

“Huwag kang magpadala sa sinasabi nang puso mo, i-workout mo relationship niyo ni Jessa dahil iyon ang tama sa maraming bagay.” Biglang litanya ko na ikinagulat nila maging ako.

“Anyway, turn ko na magtanong di ba? Hmmmm. How do you see yourself 5years from now?” Sa tingin ko safe ako sa tanong na iyon kasi I’m referring sa career niya pero nagkamali ata ako.

“5years from now, I’ll be happy with someone I’ve loved since we became best friends.”



“Earth calling Dhen! Earth calling Dhen! Mayday! Mayday!” Parang ewan na bungad sa akin ni Xyza.

“Huy, andyan pala kayo.”

“Wala, espiritu lang itong nakikita mo.” Pambabara ni Xyza. Napatawa na lang ako.

“Hay naku, hanggang ngayon ba naman girl di ka pa rin nakakamove-on? Matagal pa ang 5years.” Pang-aalaska ni Febbie.

“Ewan ko sa inyo! Kung anu-ano mga pinagsasasabi niyo.” Hindi pa rin maalis-alis sa mga labi ko ang ngiti.

“Hay naku, bakit kasi kailangan pang i-deny yung totoo ehh kitang kita naman ang ebidensiya sa mga ngiti mo. Blooming ka kaya girl.” Si Xyza.

“Oo nga.”

“Weh di nga?” Sagot ko. “Hay naku, gutom lang iyan.”

“Hindi rin girl. Teka nga, nakita ko nag-usap kayo ni Francis sa may baba kanina. Anong meron?” Usisa ni Xyza.

“Wala naman. Sinabi lang niya na may meeting kaming mga officers mamaya.”

“Ay, so hindi ka makakasama sa session namin?” Si Febbie.

“Mukhang ganun na nga.”

“Sayang, tatambay pa naman kami sa McDo.”

“Re-sched niyo yan mga hayup kayo!”

“Bahala na.” Sabay pa nilang sabi.

At tuluyan na kaming pumasok sa classroom.

5:15pm. Time check. Mukhang walang balak tong prof namin na magpauwi ah. Dapat hanggang 5pm lang kami sa kanya pero ginanahan ata na magturo. Sabagay wala naman kaming magawa kasi major subject namin iyon kaya sapilitang makinig na lang.

Mukhang napansin naman niya na drained na kami kaya naman dinismiss niya na kami pero nag-iwan pa nang lintik na assignment. Walastik lang eh. Walang patawad. Maya-maya pa ay biglang nag-vibrate phone ko. Pagtingin ko ay nag-alarm yung note ko.

Dali-dali na akong nag-ayos ng gamit at pumunta na sa meeting namin. Ilang lakad lang ay nasa office na ako. Wala pang masyadong tao pero ine-expect ko na sunud-sunod ng dadating yung mga iyon. Hindi nga ako nagkamali. Nag-reserve ako nang upuan para kay Francis kasi 6pm pa out nun sa class eh

Hindi ko namalayan yung oras at 6:30pm na pala. Tiningnan ko phone ko kung may text si Francis pero wala, ni miscall wala rin. Tinext ko siya kung nasaan siya, pero lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang reply. Medyo nabadtrip ako.

Kahit na sabihin kong sinusubukan kong mag-focus eh hindi ko iyon magawa nang ganap. Lumilipad kasi isip ko. Hindi man lang siya nagtext na hindi pala siya makakarating. Eksaktong 7pm ng tapusin na ni gov yung meeting. Isa-isa na kaming lumabas ng office. Nagpahuli ako dahil ayokong kausapin si gov. Baka kung anu-ano na naman ang mapag-usapan namin.

Pagbaba ko ay may humila sa kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay nasuntok ko siya.

“Aray!” Daing niya. “Bakit mo ako sinuntok?”

“Gago ka pala eh! Bakit ka kasi nanggugulat?”

“Sorry! Hinintay kasi kita eh.”

“Huh?”

“Huwag bingi-bingihan Dhen. Mamaya matuluyan ka dyan.”

“Ewan ko sa’yo. Teka bakit ka pa nandito? Kanina pa tapos klase mo huh?”

“Eh hinintay nga kita di ba?”

“Bakit mo ako hinihintay?”

“Gusto ko kasi ayain kang mag-dinner.”

“Dinner? Anong meron?”

“Wala naman.”

“Ewan ko sa’yo. “

“Tara na.”

Wala na akong nagawa pa dahil hawak-hawak niya kamay ko. Sa sobrang higpit ay mahihiya ang katawan kong hindi sumama. Kahit na medyo naiinis pa rin ako sa hindi pagsipot ni Francis, unti-unti naman iyong pinapalis ni Arnel.

“Hop in.” Pag-imbita niya.

Umangkas na ako sa motor niya. Banayad ang takbo namin sa highway dahil sa may mga itinatanong si Arnel sa akin. Napag-alaman ko rin na nasabi pala nung dalawa kong kaibigan kung nasaan ako nang mga oras na iyon kaya pala nandun siya.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ko.

“McDo.”

“Wow, ang romantic mo huh.”

“Romantic pala huh. Sige kapit ka.” At pinasibad niya agad yung motor niya.

Binagtas namin ang daan papuntang simbahan. Nagtaka ako.

“Bakit dito?”

“Basta, huwag ka nang magtanong.”

Akala ko sa simbahan talaga kami tutuloy pero nilagpasan namin iyon. Ilang metro lang ang layo nang huminto na kami.

Ngayon ko lang nakita tong lugar na ito.

“Kelan pa ito rito?”

“Matagal na.”

“Bakit hindi ko alam.”

“Paano mong malalaman eh school-bahay-McDo ka lang naman.”

Nagandahan ako sa ambience nung lugar. Napaka-cozy. Coffee shop siya pero pwede na ring maging lover’s nest. Medyo may kalayuan ang distansya nang mga tables kaya naman malayang makakapag-usap ang mga couples o groups na pupunta rito.

“Teka, bakit dito mo ako dinala?”

“Don’t worry, may tea sila rito and warm white chocolate drink.”

“Aba, siguro madalas kayo rito mag-date ni Jessa ano kaya alam mo.” Biglang nagbago expression ni Arnel.

Me and my big mouth. Natahimik na lang ako. Para makabawi eh ako na ang naghanap ng table. Umakyat ako sa second floor. Pinili ko yung pwestong malapit sa may bintana. Kahit papaano kasi magandang pagmasdan ang mga view sa labas.

Ilang sandali pa ay papalapit na si Arnel dala ang tray ng order niya. Nang mailapag niya ito sa mesa ay laking gulat ko sa nakita ko.

“Paano mo nalaman na paborito ko ang blueberry muffin?” Nitong college ko na lang kasi nagustuhan yung pagkain na iyon.

“Ano pa at naging best friend mo ako kung hindi ko malalaman iyan.” May pagmamayabang sa tono nito.

“Ang sabihin mo, tinanong mo sila Febbie about dyan.”

Napangiti na lang siya.

“Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago. Maparaan ka pa rin sa mga bagay na gusto mong malaman.”

“Siyempre naman. Sabi nga nila kung gusto maraming paraan…”

“Kung ayaw maraming dahilan.” Pagsabat ko sa kasabihan niya.

“Dhen?”

“Hmmm.”

Bago siya muling nagsalita ay hinawakan na nito ang kamay ko.

“Ngayong libre na ako at sa tingin ko ay libre ka rin, may pag-asa na bang maging tayo?”

Natameme ako sa tanong niya. Hindi ako makahagilap ng maisasagot.

“Ah, eh. Ahm.”

“Sige hindi kita mamadaliin. Gusto ko makilala mo ako hindi bilang best friend mo kundi bilang isang taong magmamahal sa’yo higit pa sa pagiging best friend.”

Natahimik ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Sa sobrang tahimik naming dalawa ay rinig na rinig namin ang tawanan ng mga taong papaakyat sa hagdan.

Napalingon ako sa kanila na siyang pagkakamali ko. Muling nabuhay yung inis na akala ko’y naiwaglit ko na sa isip ko. Naramdaman ko na lang ang pagdiin ng pagkakahawak ni Arnel sa kamay ko kasabay nun ang biglaang pagtahimik nung mga bagong dating.

“Lipat tayo nang ibang shop.” Nasabi na lang nung isa.

Hindi siya nagpatinag sa paanyaya nang kasama niya.

“Kuya?” May pag-aalala sa tono nito.

Pinilit kong itinago ang totoong saloobin ko pagkakita sa kanya. “Yes?” Sabay bitaw ng pilit na ngiti.

“I’m so…”

“You don’t have to. Malaki ka na. May sarili ka nang isip at marunong ka na rin magdesisyon para sa sarili mo kaya huwag kang humingi nang tawad sa akin kung iyon man ang balak mong gawin.”

“Alam ko may mali ako kuya. Ni hindi man lang ako nakapagtext to inform you na hindi na ako makaka-attend sa meeting.”

“It’s fine.” Nagpalabas ako nang isang malalim na hininga bago muling nagsalita. “Arnel tara na.”

Tumayo na ako ganun din si Arnel. Naramdaman kong hindi agad ito sumunod sa akin kaya tiningnan ko ito.

“Walang patutunguhan yan.” Kita ko ang pagkuyom ng palad ni Arnel. Nagbabadya nang isang gulo. Buti na lang napigilan ko.

Pagkababa ay dumiretso na ako sa may motor niya at sumakay. Agad naman niya itong in-start at lumakbay na kami pauwi.

“Antayin mo ako rito. Saglit lang ako.” Paalam ko sa kanya pagkababa ko.

Dumiretso na ako sa kuwarto at nag-impake nang ilang mga gamit. Balak ko kasing magpalipas ng gabi kila Arnel. Kilala ko na si Francis. Gagawa iyon ng paraan para makapag-usap kami ngayong gabi at hindi ko hahayaang mangyari yun ngayon.

“Ma, mag-overnight ako kila Arnel.”

“Hindi ka na nahiya. Mang-iistorbo ka pa.” Sagot ni mama.

“I love you ma!”

“Kayo talagang mga bata kayo. Kung ano maisipan agad ginagawa. O siya, heto kunin mo para may panggastos ka.”

Inabot ko naman agad yung perang bigay ni mama. Dali-dali na akong lumabas.

“O, anong ibig sabihin niyan?” Gulat na tanong niya.

“Dun ako makikitulog sa inyo tonight. Trip lang.”

Alam ko hindi siya kumbinsido sa rason ko pero hindi rin siya tumutol.

Habang nasa daan ay panay ang vibrate ng phone ko. Pagsilip ko, si Francis. Gaya nga nang nasabi ko, hindi ko siyay bibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.

“Hindi mo ba sasagutin yung tumatawag sa iyo?”

“Mag-drive ka na lang diyan. Huwag ka nang makialam pa.” At iginapos ko ang mga bisig ko sa katawan niya.

Malamig ang hangin na dumadampi sa mga pisngi ko pero tila ba walang tatalo sa lamig na nararamdaman ko kay Francis. Kung tutuusin, mababaw lang ang dahilan pero pilit kong pinapalaki.


(itutuloy...)

1 comments:

Darkboy13 said...

Love kotalaga ang istor na ito next na po....