Tuesday, August 16, 2011

The Kiss

"Ren, okay ka lang ba?"

Tahimik.

"Huy, ano na?"

Tipid na ngiti.

"Ren naman. May kausap ba ako rito?"

Tahimik.

"Ayaw talaga?"

"Bili ka na muna pagkain mo."

"Ayaw. Usap muna tayo."

"Kain muna tayo bago tayo mag-usap."

"Sure?"

Tango.

"Okay. Gusto ko kasi mag-Vegetarian ngayon eh o kaya naman Pao Tsin. Hmmm. Ano ba masarap?"

"I really don't know."

Natawa siya sa sinabi ko. Napamaang naman ako.

"What?"

"Wala."

"Weird."

"Order lang ako saglit."

"Okay."

Nilabas ko phone ko at nagcheck ng messages.

"Manuel!"

"Oh?"

"Halika dali?"

"Anong meron?"

"Basta!"

Lumapit naman siya agad. Pagkalapit niya ay agad ko siyang hinatak sa batok at hinalikan. Medyo gulat man siya ay nakuha pa rin niyang gumanti.


"Ayaw ko pala mag-Bodhi. Siopao na lang." Narinig kong sabi ni Manuel nung dumaan siya sa likod ko.

Dinedma ko na lang. Maya-maya tinawagan ko yung isa kong kaibigan, si Ken.

'Hello?' Sagot niya.

'Sorry.'

'Ano?'

'Sorry.' Sabay drop ng call.

Balisa ako sobra. Hindi ko alam paano ko haharapin yung taong naging dahilan ng confusion ko. Then bumalik na siya sa table namin.

"Ren, gusto ka raw kausapin ni Ken."

"Mamaya na lang. Order na muna ako."

Sinubukan kong umiwas sa magiging tanong ni Ken sa akin. Alam kong kukulitin niya ako bakit ako nag-sorry sa kanya. Magulo kasi sobrang gulo.

Alam mo naman pala yun eh pero bakit mo ginawa. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko yung sinabi nang bf ko sakin. Habang naglalakad ay para ako nitong unti-unting tinutusok sa dibdib. Hays bahala na.

"Miss magkano po coffee niyo?"

"35 pesos sir."

"Ah, isa nga."

"Baka gusto niyo po nang Big Junk na rin po for 55 pesos na lang."

"Ah ganun ba? Sige, isang Sugar-coated donut na lang."

Agad namang inabot ni ate yung order ko matapos magbayad.

"Pwede po extra creamer?"

Tumalima naman ito at agad nagbigay.

Bakit nga ba ako um-order ng coffee? Tensed ba ako? Ewan.

Paglapag ko nang order ko, agad akong kinausap ni Manuel.

"Bakit ka um-order ng kape?"

"Bakit?"

"Don't answer me with another question."

"Wala lang. Trip ko lang." Habang binubuhos yung creamer sa kape.

"Anong problema ba?"

"Ubusin mo muna yang pagkain mo."

Talagang inubos niya nga agad yung kinakain niya para magkausap na kami.

"So, anong problema?"

"Wala."

"Come on Ren. Si Josh ba ito?"

Tahimik.

"Si Ken?"

Tahimik.

"Ano Ren?"

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Pwede ba akong tumabi sa'yo?"

Tumabi naman agad siya para bigyan ako nang space.

"So anong problema?"

"Sorry for dragging you with the situation."

"Saan ka galing?" Si Josh.

"Dyan lang sa may park."

"Sinong kasama mo?"

"Si Manuel."

"Bakit kayo magkasama?"

Nagtaka ako sa huling tanong niya.

"DI ba nasabi ko sa'yo na tatambay kami sa park?"

"Anong ginawa niyo?" Malamig na tanong nito.

"Bakit ganyan mga tanong mo?"

"Damn! Don't answer me with a question!" Medyo may kataasan na sabi nito.

I sense danger.

"Ano ba kasi gusto mong palabasin?"

"Wag na tayong maggaguhan Renmar?"

"What did you call me?"

"Bakit mo ito ginawa sa akin? I trusted you and yet you disappointed me."

"Can you tell it straight Josh?"

"Fuck you! Wala kang karapatang humalik sa iba dahil may boyfriend ka na!!!"

Napaatras ako. Sobra sobra galit ni Josh sa akin.

"Let me explain."

"I don't want to hear anything from you. Tama na muna."

"You have to listen."

"Why? Dahil guilty ka?"

"Oo guilty ako pero it was just a prank."

"Kelan pa naging prank ang pakikipaghalikan?"

"Dapat hindi ko yun ginawa. I'm sorry I caused you pain."

"Alam mo naman pala iyan pero bakit mo ginawa?"

Natameme ako.

"Atleast you have the courage to tell me na nagkamali ka." Sabay alis.


"Ano yun?" Napabalik ako bigla sa katinuan.

"Save the friendship and not to pursue with the feelings."

"Huh? Naku Ren huh, ayoko nang mga ganyang philosophical statements mo."

"Naniniwala ka ba sa saying na yun?"

"Partially yes. May connection ba yan sa problema mo?"

"Nasaktan ko si Josh."

"Paano?"

"Kiss."

"Gusto mo kiss?"

Tiningnan ko lang siya nang masama.

"Nakita niya tayong nag-kiss kahapon."

Namilog mga mata niya.

"OMG! You must be kidding me."

"Sana nga."

"Sorry."

"You don't have to."

"Yes, I do."

"Ako nag-initiate nung kiss."

"Hindi kita pinigilan."

"That's fine. Not your fault, it's mine."

"Huwag mong solohin. Kasali pa rin ako run."

"Don't bother. Okay naman na kami." Pagsisinungaling ko.

"Anong nangyari ba?"

"Do I owe you this?"

"Ikaw."

Kinuwento ko sa kanya lahat.

"Gusto mo kausapin ko siya?"

"Nope. Okay na kami."

"Sure ka?"

Tango. Kita ko naman sa kanya na hndi siya naniniwala.

"Ren, bakit ka pa nagkakaganyan eh okay na kayo?"

"Dahil guilty ako."

"What do you mean?"

"After the kiss, nagsisi ako bakit ko nagawa yun. Naging unfair ako sa kanya, sa'yo."

"The bottom line here is naging unfair ka sa sarili mo hindi samin ni Josh."

Tahimik.

"In the first place, bakit ka na-guilty?"

"Hindi ko alam."

"Okay. Why did you initiated the kiss."

"It was just a prank."

"At pumatol naman ako."

Tumingin ako sa kanya.

"Honestly, no malice ako run. Ikaw ba?"

"Yun nga eh, sakin meron."

"Since when?"

"Alam mo naman na crush kita sa umpisa pa lang."

"I knew that very well kaya sobrang thankful ako. So kelan nga?"

"After the kiss."

"Why?"

"Hindi ko alam."

"It was really your intention to kiss me?"

"No."

"Then why bother?"

"Dahil for once in my life I dream of kissing you."

Nag-blush siya sa sinabi ko.

"Why?"

"I don't know."

"Okay naiintindihan ko na kahit papaano. Does it has something to do with the philosophical statement you had last Sunday?"

"Manuel, may itatanong ako sa'yo."

"Sige ano yun?"

"Paano kung may taong seseryoso sa'yo, tatanggapin mo ba?"

"Depende kung seryoso rin ako sa kanya."

"Paano mo malalaman na seryoso siya sa'yo?"

"Mas maa-appreciate ko yun pag sinabi niya yun directly to my face."

"Ah okay."


"Siguro."

"I want a definite response."

"Wala. Hindi ako iyon."

"Hindi ikaw yun meaning sa ibang tao."

Tahimik.

"Sino Ren?"

"Do I have to reveal that person's identity?"

"Oo."

"Why?"

"Ren, gusto kong maging maayos trabaho ko bukas kaya naman please sabihin mo na sino."

Nag-isip muna ako bago nagsalita.

"Ganun pala talaga yun nuh, iba pag nagalit sa'yo yung taong mahal mo dahil sa isang pagkakamali." Napa-segway ako.

"Depende yan."

"Pero thankful pa rin ako."

"Weird!"

"Tinanggap pa rin ako ni Josh ng buo despite sa nakita niya."

"Ano ba sabi niya?"

"Atleast umamin daw ako sa pagkakamali ko."

"So tinanggap mong mali mo nga iyon?"

"Oo, there's no use denying. Nakita niya ang lahat."

"Pero you should have atleast defended yourself."

"It's no use denying."

"Why?"

"Mahal ko si Josh at mahal ako ni Josh." Napaluha ako nang lihim. Hindi na kasi ako sigurado kung ganun pa rin siya sakin eh.

"Sige ikaw na. You already."

Tahimik ulit.

"So who's the mysterious guy?"

"Do I have to tell you?"

"Yes!" With conviction.

"Not now. Please!"

Medyo gumagaan na kasi pakiramdam ko.

"Now na."

"Manuel..."

"Hmmm?"

"Naguguluhan ako. Anong gagawin ko?"

"Gusto mo bang lumayo ako?"

Sa dinami-rami na nang mga pinagdaanan kong may lumayo at nagpalayo, hindi ko na ata kakayanin pang bumilang si Manuel dun.

"Nope. Ayokong lumayo ka sa akin. Ayoko rin siyang mawala sa akin."

"Hindi naman ako mawawala Ren eh. Didistansya lang ako."

"You're not going to do that on me."

"Sure ka?"

"Yes. May isa lang akong hiling."

"Ano yun?"

"Let's stop addressing each other as hon."

"If that's what you wanted."

"Thanks."

"Okay na tayo huh."

Tumango na lang ako then we hugged. Naghiwalay kami ni Manuel na hindi pa rin na-resolve yung issue, issue sa srili ko. I was guilty as charged and now kailangan ko nang makausap si Josh to fix things. Mahal ko siya.

0 comments: