Stories beyond the normal norms are far way better; more exciting, more thrilling and more inspirational. Let's keep our stories alive!
Sunday, July 29, 2012
Give Your Heart a Break v
“I just want to remind you young man na may boyfriend ka na at hindi tama na nakikipaglandian ka sa iba lalo na sa ex mo. Paano na si Aljohn?” bungad ni mama ng makapasok na kami sa loob ng bahay.
“Ma, wala naman ng masama dahil we’re all grown up and besides hindi ako nakikipaglandian.” Pagdepensa ko sa sarili ko.
“Sigurado ka?”
Tumango lang ako sa kanya.
“Kung hindi pala pakikipaglandian ang makipaghalikan anong tawag dun? Greetings? At sa lips?”
Napamaang ako. Patay, nahuli kami.
“Pe-pero hindi ako ang nanghalik ma. Si Mac iyon.”
“Regardless, may utak at judgment ka na para tumanggi sa gusto niya.”
May point siya. Natahimik ako dahil nahihiya ako. Guilty as charged. Napabuntong-hininga na lang ako.
“I’m sorry ma.”
“Hindi kita pinalaking ganyan Jay. Pumayag ako sa kagustuhan mong magmahal ng lalaki dahil may tiwala ako sa’yo at gusto kong lumigaya ka pero sana naman ingatan mo iyon.” Patuloy nitong pangangaral sakin.
“Opo.” Nasambit ko na lang.
Matagal na nanaig ang katahimikan sa loob ng bahay. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang tinamaan ako sa mga sinabi ni mama. Hindi ko siya pwedeng barahin ngayon dahil may mali ako. Bakit ko nga ba kasi hinayaang halikan niya ako.
Naupo na lang ako sa sofa sa sobrang pagkadismaya. Rinig ko naman ang ingay na nagmumula sa kusina ngunit balewala sa akin iyon. Nailing ako ng maalala ko ang nangyari kani-kanina lang.
Ano na lang kaya magiging reaction ni mama kapag nalaman niyang pinagbigyan ko si Mac na subukang bawiin ako kay Aljohn. Buntong-hininga na lang ang naisagot ko.
“May sasabihin ka pa ba sa akin?” tanong ni mama habang inaabot nito sakin ang mug kong may gatas.
Inabot ko naman ito. Naalala ko na madalas gawin ito ni mama sa akin noong bata pa ako sa tuwing lagi ko siyang nabibigo at talagang dinadamdam ko. Tiningnan ko muna siya bago humigop. Hindi ko alam pero mukhang hindi umeepekto iyong gatas.
Mukhang nakuha naman niya ang nararamdaman ko kaya tumabi na ito ng upo sa akin at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Biglang namuo iyong mga luha ko sa ginawa niya.
“Guys need to cry every once in a while.” Wika niya habang hinahaplos ang buhok ko.
“Ma, I’m sorry for disappointing you. Promise I won’t do it again.”
“Shhhhh, quiet. Nag-e-emote ako.”
Napakalas ako sa yakap nito at tiningnan siya. Kita kong nakapikit ito ngunit bakas din sa pisngi nito na nabasa ito ng luha. Kinabig niya ako ulit payakap sa kanya.
“I love you so much ma!”
“I love you more baby.”
Hindi na namin namalayang nakatulog na kaming dalawa sa sofa. Napasarap tulog ko dahil nagising na lang ako na may naaamoy akong ginigisang bawang at sibuyas. Napakabango. Bigla tuloy akong nagutom.
Tumayo ako at tumungo sa kusina. Iniyakap ko ang mga braso ko sa baywang niya.
“Gising ka na pala.”
Hindi ako sumagot.
“Naku naman, naglalambing baby ko. Hala magmumog ka na muna ng makakain na tayo. Lapit na rin maluto itong paborito mo.”
Hindi ako kumilos. Narinig kong itinigil niya ang paghahalo sa niluluto at hinarap ako.
“Aga-aga naman nito. Hey, ano? Ganyan na lang tayo hanggang maghapon?” wika niya.
Natawa ako sa inasal niya.
“I feel like hugging you all day ma. I’m safe when I’m in your arms.”
“Sus, bolero. Matapos mong makipaglandian kahapon maglalambing ka ngayon. Ano iyan bawi-bawi?”
“Kainis ka naman. Naglalambing na nga lang ako sa’yo eh. Tandaan mo ma, dalawang buwan din akong mawawala.”
“Ay oo nga pala. Sige diyan ka na lang buong maghapon para wala tayong magawa pareho.” Pambabalewala niya sa sinabi ko.
“KJ!” sambit ko sa kanya sabay kalas at tumungo na sa banyo para mag-ayos. Rinig ko pa ang pagtawa nito.
Matapos kong mag-ayos dumiretso na ako sa hapagkainan. Pagkaupo ko ay sabay na kaming nagdasal at sinimulan ng kumain.
“Your foods are great. One of the best in town.”
“In town lang?”
“Your foods are great. One of the best in the country.”
“Country lang?”
“Fine. Your foods are great. One of the best in the whole wide world kahit pa sa lahat ng universe sa kalawakan. Happy?”
Ngumiti lang itong nang-iinis.
“Ikaw sumosobra ka na huh. Kanina pang pagkagising ko basag na ako sa’yo.”
“Kasalanan ko?”
“May sinabi ako.”
At nagkukuwentuhan kaming dalawa habang nag-aagahan. Hindi sinasadyang masagi sa usapan namin ang update sa relasyon namin ni Aljohn.
“Hindi pa rin po kami nakakapag-usap hanggang ngayon.”
“Mukhang may katagalan na ring hindi nagpaparamdam iyon ah.”
“Miss ko na nga siya eh.”
“May balita ba nanay niya tungkol sa kanya?”
“Wala nga po eh. Ewan ko ba sa isang iyon bakit hindi magawanag magbalita man lang. Kakatampo na nga eh.”
“Hmmmm.”
Napatingin ako rito.
“Why?”
“Kaya ka siguro naglalandi dahil nami-miss mo siya at sa ganoong way mo inilalabas. Tama ba?”
“Hindi ah.”
“Lokohin mo pa ako. Mama mo kausap mo.”
“Ewan ko sa’yo.”
“Okay. Anyway, any plans sa pagre-review mo?”
“Baka luwas na kami ni Tonton next week para mag-enrol tsaka para maghanap ng matitirhan.”
“Hindi niyo na kailangang maghanap ng matutuluyan, nakakita na ako sa may Recto. Ayos naman iyong facilities and nakapagbayad na rin ako ng 18k doon para sa two months stay niyo.”
Nanlaki mata ko. “Seryoso?”
“Hindi joke lang.”
“Ma!”
“Oo nga. Ang kulit mo.”
Napatayo ako at niyakap siya ng mahigpit.
“Thank you so much ma! You’re the best mom in the whole wide world.”
“Naman. Ako pa ba?”
“I should tell this to Tonton.”
“Mamaya na kapag tapos na tayong kumain.”
At tinapos na nga naming dalawa ang pagkain namin. Ako na rin ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan. Ramdam na ramdam ko ang good vibes na umaagos sa buong katawan ko. Matapos iyon ay dali-dali kong tinawagan si Tonton para ibalita iyong ginawa ni mama. Tuwang-tuwa ito sa sinabi ko at excited na ring makita iyong tutuluyan namin.
“Labas tayo mayang hapon Jay.”
Nagtaka naman ako.
“Saan tayo pupunta?”
“Magde-date tayo.”
“Weee, excited na ako. Saan tayo magde-date?”
“We’ll watch Harry Potter and the Half-blood Prince.”
“Really? Yes! Yes! Yes!”
Sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko si mama sa pisngi.
“Pero seriously ma, bakit mo ginagawa ito?”
“Siyempre nagdaan din ako sa ganyan dati. Alam ko ang stress ng pagrereview kaya naman gusto ko na bago ka ma-pressure sa pag-aaral, magawa mo naman sana makapag-enjoy.”
“Ang sweet naman. Pa-hug ulit.”
“Nakakarami ka na huh.”
“Aayaw?”
“May narinig?”
“Wala.”
“Wala naman pala. Come here give mama a hug.”
At binigyan ko nga siya ng isang napakahigpit na yakap.
I can tell how much I love my mom and lagi ko iyong ipinaparamdam sa kanya sa tuwing may pagkakataon. She deserves it lalo na’t mag-isa niya akong pinalaki. She’s been the greatest girl friend I ever had and have.
Nang mga bandang hapon na ay gumayak na kami para pumunta sa mall at manood ng movie. Hindi ko na nga maalala when’s the last time na nanood kami ng ganito. Nung high school or nung elementary? Hindi ko na maalala sa tagal.
Enjoy na enjoy akong kasama si mama sa loob ng sine. Kitang kita ko rito na masaya’t nag-e-enjoy din siya sa ginagawa niya. Nang matapos iyong pinapanood naming dalawa ay para itong bata na nagkukwento. Nangingiti ako sa inaasal ni mama.
“Para namang di tayo magkasama sa loob kung maka-kuwento ka.”
“Eh bakit ba nag-enjoy ako eh. Sus!”
“Sus sinabi mo pa. Tutok na tutok ka nga sa screen eh. Akala mo yata ililipat ng channel. Ganyan ka kapag gusto mo pinapanood mo eh, dedma sa kasama.” Tugon ko sabay tawa.
“Ganun talaga.”
Maya-maya pa ay natahimik na ito. Napagod ata sa kakasalita.
“Kain na tayo. Nagutom ako eh.”
“Sa bahay na lang.”
“Hindi na. Tinatamad ako magluto.”
“Sino nagsabi sa’yong ikaw magluluto?” sabi ko.
“Marunong ka?”
“Naman. Ano ba gusto mo? Hotdog, noodles o sunog na kanin?”
“Naku di bale na. Bili na lang tayo dito tsaka natin iuwi.”
“Huwag kang makulit ma huh. Pagbigyan mo na ako this time. Please?” Pagmamakaawa ko rito.
Pumayag naman siya.
“Punta lang ako sa supermarket ma libot ka muna sa department store.”
“Ayaw mong pasama sa akin?”
“Hindi na. Kaya ko na ito. Sobrang gutom ka na ba?”
“Medyo. Merienda naman muna tayo.”
“Sure. Saan mo gusto kumain?”
“Sa mura na lang.”
“Titipid?”
“Hindi naman.”
At dumiretso na nga kami sa Jollibee. Um-order na kami ng kakainin at aktong maglalabas ito ng pera ng pigilan ko.
“Ako na. Libre kita. Hanap ka na lang upuan natin.”
Nangiti siya sa inasta ko. Habang naghihintay sa orders ko ay ka-text ko si Tonton. Sinabi ko lang kung ano mga ginawa namin ni mama ngayon at tuwang-tuwa siyang malaman na nag-e-enjoy si mama. Pansamantala ko munang itinago phone ko kasi kumpleto na iyong order ko. Binuhat ko na ito at isa-isang hinanap kung saan pumwesto si mama. Kita ko naman na nasa may bandang dulo ito umupo sa may parang sofa.
“Sigurado ka bang magluluto ka pa?” tanong niya sa akin.
“Yup.”
“Anong oras na rin.” Sabi niya.
“Kaya yan. Trust me.”
“The last time na pinagkatiwalaan kita binali mo ng slight eh.”
“Ibang trust iyon. Basta I’ll make you proud.”
“Talaga lang huh.”
“Promise.”
“Okay.”
Matapos naming kumain ay naghiwalay na kami ni mama. Siya tumungo sa department store, ako naman ay sa supermarket. Dala-dala ang pushcart ay may biglang kumalabit sa balikat ko. Napatingin ako sa kumakalabit.
“Hey! Andito ka rin pala.”
Ngumiti lang siya.
“Nakita ko kayo ni tita kanina sa Jollibee kaso nahiya akong lumapit.”
“Bakit naman?”
“Mukha kasing nagsasaya kayo eh.”
“Okay.” At muli ko ng tinulak iyong cart. Sumunod naman siya.
“Tapos nung naghiwalay kayo sinundan na kita.”
“Stalker?”
“Siguro.” Sabay tawa niya. “Teka ano bang bibilhin mo?”
“Magluluto kasi ako para kay mama ngayon.”
“Naks, ang sweet naman.” Sabay agaw sa cart. Pinabayaan ko na lang.
“Ganun talaga.”
“Ano bang iluluto mo?”
“Paborito kasi ni mama iyong pork binagoongan kaya iyon sana balak kong gawin.”
“Mukhang masarap iyon ah.”
“Masarap talaga lalo na kapag ako ang may gawa.”
“Sige na lang.”
“Hoy Makko, tigilan mo ako huh.” Sambit ko ng biglang may bumundol sa likuran ko. “Aray ko!”
Tiningnan ko siya at kita ko na inis ito sa ginawa ko. Itutulak niya sana ito ulit ng panlakihan ko ito ng mata. Tumigil siya.
Itinuloy ko na ang pamimili ko hanggang sa tingin ko ay nabili ko na lahat ng ingredients. Agad na kaming pumila sa may counter.
“Anong plano mo ngayong summer?”
“Mag-review.”
“Para saan?”
“Board exam.”
“Saan?” tanong niya.
“Sa Manila.”
“Bakit ang layo? Meron naman tayo dito ah.”
“Doon namin napagkasunduan ni Tonton at ni mama.”
“Pwede ba akong sumama?”
“Magre-review ka din?”
“Pwede makasama ka lang.”
Parang may kung anong sumundot na kilig sa akin.
“Ewan ko sa’yo.” Naiilang kong sagot.
“Kelan niyo naman balak na lumuwas?” pag-iiba niya sa usapan.
“Sa Wednesday na.”
“Ah okay.” Sagot nito.
Matapos kaming mamili ni Mac ay lumabas na kami. Hindi naman ganun karami binili ko. Umalis na rin siya agad. Tinext ko naman na si mama na tapos na akong namili at nasa may labas lang ng department store naghihintay. Maya-maya pa ay lumabas na ito kasama ng ilang paper bags na hawak niya.
“Ilang saglit lang ako nawala parang kalahati na ng department store nabili mo ah.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Well ganun talaga.”
“Tara na?”
“Yup.”
Tuluyan na nga kaming umuwi. Buti na lang hindi masyadong traffic kaya naman saglit lang ay nasa bahay na kami. Pagkapasok ay agad itong umupo sa sofa at nagpahinga samantalang ako ay dumiretso sa kusina para maghanda.
Inuna ko ng hiwain iyong karne para i-marinate bago iyong gulay. Nag-mince na rin ako ng garlic at onion. Hinayaan ko munang manuot iyong lasa ng asin sa karne bago ko ito inilagay sa mainit na kawali. Pinagmantika ko ito hanggang sa maging medyo crispy na siya. Isinunod ko iyong talong. Saglit lang ito maluto pagkatapos ay isinantabi ko muna. Mag-uumpisa na sana akong maggisa ng makita kong may nag-aabot ng bawang at sibuyas.
“Ma, ako na. Pahinga ka na lang doon.”
“Sure?”
“Yup.”
“Baka hindi mo kaya.”
“Kaya ko ito.”
“Okay. Nood muna ako sa sala.”
“Okay.”
Itinuloy ko na nga ang pagluluto. Gisa dito, gisa doon. Lagay nung karne at halo. Konti na lang at matatapos na akong magluto. Inilagay ko na iyong alamang para humalo sa lasa ng karne. Konting halo pa at timpla at tapos na akong magluto.
Nagluto na rin ako ng kanin. Para masigurong hindi ito masusunog ay sa rice cooker na ako nagsaing. Ayoko masira iyong dinner naming dalawa. Habang naghihintay na maluto iyong kanin ay naisipan ko namang ligpitin iyong mga ginamit ko. Hindi na rin naman nagtagal at naluto na iyong kanin. Naghain na ako at inaya na siyang dumulog.
“Ang bango naman ng niluto mo.”
“Siyempre naman. Ako pa?” pagmamayabang ko.
“Ano ba niluto mo?” sabay lapit sa lamesa. Napatda siya.
“Surprise!”
Nakita ko na naluluha siya.
“Bawal magdrama sa harap ng hapag. Magtatampo ang grasya.”
Dali-dali naman niyang pinigilan pagda-drama niya at umupo na.
“Tikman mo nga ma kung masarap.” Sabi ko rito na hindi pa rin ata makapaniwala.
“Masarap yan sigurado ako.”
“Eh, sige na.”
Kumuha naman siya ng kaunti at tinikman. Napangiti siya.
“Pwede na. Lasang binagoongan naman.” Kumento niya.
“Atleast pasado.” Pagmamayabang ko. “Alam kong paborito mo ito kaya ito na naisipan kong iluto.”
“Paano mo nalaman paano magluto nito?”
“Pinag-aralan ko sa internet kung paano tapos saka ko unti-unting pinagpraktisan sa tuwing wala ka.”
“Ah iyon ba iyong minsang nakagalitan kita dahil sa sobrang dumi ng kusina?” tumango lang ako. “Thank you Jay.”
“You’re welcome ma!”
Tuwang-tuwa ako na nagustuhan ni mama iyong ginawa ko. Nagulat kami na naubos naming dalawa iyong niluto ko kahit na nagmerienda pa kami sa labas kanina. Hindi ko na siya pinagtrabaho pa. Pumayag naman siya dahil sa sobrang pagod niya.
Matapos kong mag-asikaso sa baba ay pansamantala muna akong lumabas at nakita kong may tao sa gate. Paglapit ko ay parang bigla itong nawala. Namamalikmata lang siguro ako. Tumambay muna ako ng ilang minuto bag ko naisipang pumasok na at matulog. Napagpasyahan kong bukas na mag-empake at for sure mahihirapan akong maghanap ng damit na dadalhin.
(itutuloy)
Sunday, July 1, 2012
Give your Heart a Break iv
“Ikaw?” ang nabigla rin nitong sabi.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa mukha nito.
“Arjay, bakit mo minahal si Mac?” tanong niya sa akin.
“Bakit ko siya minahal?”
Napatango lang ito. Kasalukuyan kaming nasa kuwarto ni Mac dahil sa regular bonding moments naming tatlo every Saturday night simula ng maging kami.
“Ahm, dahil sa sobrang caring niya tsaka ano pa nga ba. Hmmm. Honestly wala akong maisip na dahilan kung bakit eh basta mahal ko siya sa kung ano at sino siya.”
“Yeah right. He’s really a good guy kaya naman everybody can love him.”
Napatingin ako rito. May pinaghuhugutan.
“W-what I mean is base sa mga sinabi mo anyone can love him, right? Girls, guys . . . and gays.” Pagpapaliwanag nito.
“Nag-e-explain?” natawa kami pareho. “You’re right there. He can be everybody’s greatest special person. I’m so lucky that I have him. Ako na ang pinakamasayang boyfriend sa buong mundo.”
Nakita ko na nag-buntong hininga ito pero hindi ko na gaanong binigyan pa ng pansin.
“So how’s you and your girlfriend.”
“We broke up.”
Nagulat ako sa sagot niya.
“What? I thought you love her and ganun din siya sa’yo?”
“I thought too.”
“What do you mean?”
“I fell out of love.”
“Then the other girl must be very lucky.”
Natahimik ito. Mukhang madaming bumabagabag kaya naman hindi ko na in-expand iyong topic. Naging parang nakakailang ang ambience sa paligid dahil sa katahimikan naming dalawa. Buti na lang ay dumating na si Mac.
“Merienda’s ready.”
Still napakaamo, mapupungay ang mga mata at makapal na kilay. Halos walang pinagbago except sa buhok nitong ngayon ay pinaiklian na nito. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kanya at hindi ko rin alam kung gaano na katagal kami sa ganoong sitwasyon.
“Ehem.” Pagbasag ni Mac sa nangyari samin.
Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya. Nag-ayos naman siya ng sarili. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong tagpong iyon dahil sa iyon na pala ang umpisa ng lahat.
Napabuntong hininga na lang ako na hindi nakaligtas kay Mac.
“Something’s wrong?” tanong nito ng makaalis kami sa sala.
Iling lang sagot ko.
“Come on Jay.”
“Nothing really.”
“Look, kung dahil sa kanya kaya ka nagkakaganyan papaalisin ko siya.”
“Sira! Of course not.” Sabay bigay ko ng ngiti.
Tiningnan lang ako nito. Hindi lang siguro ako nakapaghanda sa muli naming pagkikita.
“I’m serious and why still think na affected ako sa kanya.”
“Okay.” Simpleng tugon nito.
Tumungo na kami sa pinagdadausan ng birthday ni tita Inday. Napakaraming mga bisita at halos lahat ay ka-henerasyon nito. Bibihira ang mga kaedad namin ni Mac. Halos maiikot ko na ng 3600 ang ulo ko kakahanap ng muli kong mahagip ang anyo nito. Nakatingin sa akin. Para akong nahiya at agad nagbawi ng tingin.
Ako pa talaga ang nahiya? Galit kong turan sa sarili.
“Hey you dickhead, naglalakbay na naman ba utak mo?”
“Ah eh sorry.”
“Hay naku Jay. We’re here to relax. Come on let’s have fun please?” pagmamakaawa nito sa akin kasama iyong pa-cute nitong mata.
Napa-roll eyes na lang ako sa ginagawa nito sa akin.
I don’t really have a choice. Nasambit ko na lang sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago pilit na binago ang mood.
“Pssst.” Pagtawag ko dito.
Napalingon naman siya agad sa akin. Lumapit ako.
“Anong itinawag mo sa akin?” bulong ko sa tenga nito.
“Dickhead.” Sagot nito.
“Let’s see Makko.” Nangiti ako matapos kong masabi iyon.
At tiningnan ko ang hitsura nito at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito sa inis.
“Call me again names and we’ll see.” Sabay flash ko dito ng isang nakakagagong ngiti.
“I hate you for that.” Sabi nito na may inis pa rin.
“Can you really hate me?” sumbat ko rito kasabay ng sad face.
Tumalikod ito sa akin.
“Can you hate me?” pangungulit ko rito.
Hindi siya sumagot kaya naman tiningnan ko mukha nito ngunit tumalikod lang ito ulit. Hinabol ko naman ang mukha nito.
“Can you or can you not?”
Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa napika ito.
“Arrgggghhh! Stop it! I hate you so much because I love you still!” pikon na sabi nito habang nakahawak sa mga balikat ko.
Napatigil ako sa nasabi nito. Maging ito ay natameme ng ma-realize kung ano ang sinabi nito kani-kanina lang. Napatakip ito ng bibig.
So mahal pa rin niya ako all this time?
“Ah eh . . .” tulirong wika nito sabay dampot ng isang plato at abot sa akin. “. . .dig in.”
Inabot ko na lang iyong plato at pilit iwinawaksi iyong sinabi niya pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na mag-isip.
“What do you want? Pasta or rice?” tanong nito na ramdam kong pilit niyang tinatanggal iyong awkwardness.
Napatingin ako sa choices ng pagkain. Wala akong makitang pasta or rice. Puro bread and salads ang meron. Napatingin ako rito. Napangiti lang ito sabay baba ng mga plato namin at hinila ako ulit papasok.
“You’re weird.”
“Sorry.” Wika nito habang nakatalikod sa akin.
“Apology accepted.” Sambit ko naman na pilit inaalis iyong pagkabagabag niya. Ngumiti pa talaga ako para ipakita sa kanya na I’m okay kaso wala atang epekto.
“Hey Mac, chillax. I know. . .”
“No Jay. I mean it.” Pagputol nito sa dapat kong sabihin.
Mukhang may bagyong paparating. I can sense it. Uh oh. Not this time please!
“M-mean what?”
Humarap ito sa akin at tiningnan ako sa mata. “I still love you.”
Shoot!
“I know this is so sudden at alam ko ring this is not the right time pero after all what I did still I can’t get over you.”
Ginagap nito ang kamay ko.
“Jay, I’m really sorry that I left you for him. I’m really sorry that I’ve taken you for granted. Sorry for the pain I caused you.”
“Ah, eh. . .”
“You don’t have to say anything Jay. Gusto kong bumawi sa’yo.”
“We’re over Mac matagal na and I’m with Aljohn na.” Iyon na lang ang nasabi ko out of nowhere.
“I know. Maybe it’s not yet too late. I can still put up a good fight.”
“Mac.”
“Jay, please? All I ask from you is one more chance. I need to prove you my worth. I need you.” Desperado nitong litanya.
I don’t know what came into me at napatango niya ako. I saw how a smile painted on his face then all of a sudden he gave me a kiss.
Bang. It gave me shivers. It was short but it may last a lifetime. Nakatunganga lang ako. Bigla akong napaisip, tama ba itong ginagawa ko? I knew I’ve loved him pero bakit I still had the same hots for him.
Crap! A start of something anew.
After, naging sobrang maasikaso nito sa akin and talagang naging host ko sa birthday ni tita. Nakita kong dumating na si mama siguro mga past lunch na iyon at kuntodo chika ito sa kumare niya. Pasulyap-sulyap ito sa kinalalagyan ko. Maya-maya pa ay nag-vibrate phone ko.
One message received from mom.
Great! Nasambit ko na lang sa sarili ko. Nailing ako bigla ng mabasa message ni mom kaya naman nagpaalam ako ditto.
“Okay. Be back.” Wika nito.
“I will.”
Pinilit kong magpaalam dahil matutunaw na ako sa panakaw na sulyap ni mama. Her stare fires like hell. Ang alibi ko ay ginawa ko ng makatotohanan. Tinawagan ko ang best friend ko at nagkuwento tungkol sa mga sudden changes sa buhay ko.
“I don’t know.”
“Nabigla ako. Hindi ko naman puwedeng bawiin iyong nagawa ko na. Alam mo iyan.”
“I know. Real big trouble and now mom stares like as if she wanted to eat me whole.”
“Help me Ton. Paano if malaman ito ni Aljohn?”
“Not yet. Wala pa ring paramdam.”
“I know and I’m missing him so much.”
“Yeah. Sana matapos na ito.”
“Sige, see you in a few.”
At tuluyan na namin tinapos ang pag-uusap namin. Pagtalikod ko ay sakto naman na nagkita ulit kami. Nakatingin pa rin ito sa akin. Hindi ko maintindihan ibig sabihin ng tingin niyang iyon sa akin hanggang sa tuluyan na itong lumapit sa kinatatayuan ko.
“Hey.” Bati nito sa akin.
“Hi.” Ganti ko rito.
“How are you?”
“I’m great, ikaw?”
“Already moved on.”
Napangiti naman ako.
“Nga pala, I’m really sorry sa nangyari noon. Masyado ko lang talaga minahal yang best friend ko.”
“I’m sorry Jay pero mahal ko siya.”
“Mas mahal mo siya kaysa sa akin Mac?” tanong ko na umiiyak.
Hindi siya umimik pero sapat na ang hawakan nito ang kamay niya sa harap ko para sabihing totoo siya sa sinabi nito.
“Pero ako ang boyfriend mo at best friend mo lang siya.”
Hindi pa rin ito umimik. Nanliit ako bigla sa reaksyon nito.
“Pero...” hindi ako makapaniwala, “...pero sabi mo mahal mo ako? Na ako lang?”
“Noon iyon Jay bago ko na-realize na hindi ko kayang mawala sa tabi ko ang best friend ko.” Sa wakas ay nasambit nito.
“Mac, we’ve been together for four years tapos ganito lang? Aayaw kang bigla dahil dyan sa best friend mo? Please don’t do this to me.” may halong pagmamakaawa sa tinig ko.
“I’m sorry.”
Natahimik ako. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Never had I imagined na sa ganito matatapos ang lahat. Napaupo ako sa sobrang panlulumo. Lumapit ito sa akin at pilit akong inaalo.
Sinampal ko siya. “This is for hurting me.” Nabakas niya sa akin ang galit at sakit. Tumayo ako at lumapit sa taong nasa likuran niya at binigyan ito ng isang sampal. “This is for betraying me...” at isa pa, “...uhm, for breaking my trust. You deserve each other.”
At tuluyan na akong umalis sa eksena bitbit ang sugatan kong puso. Nang araw na iyon ay itinatak ko sa sarili kong I can live without him kahit na mahirap.
“Matagal na iyon Dylan. Kinalimutan ko na iyong sakit nung pangyayari though iyong mismong pangyayari mahirap ng alisin.” Sambit ko rito.
Napayuko naman ito sa sinabi ko.
“No pun intended. Nagmahal ka rin lang wala kang kasalanan doon.”
Tumingin ito sa akin dahil sa sinabi ko. Nginitian ko siya at gumanti naman ito ng ngiti.
“By the way, I’m sorry.”
“Huh? Para saan?” takang tanong nito.
“Sa pagkakasampal ko sa iyo noon. Aba masakit iyon ah.”
“Naku, wala iyon. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa sa akin iyon. Ako man, magagawa ko rin iyon kung mangyari man sa akin.” Sabi nitong natatawa sa inasal ko.
Natawa na rin ako. Maya-maya ay kapwa kami natahimik.
“Ngayon ko na-realize kung bakit mahal na mahal ka ni MacMac.”
“Huh? Anong ibig mong sabihin?”
“To tell you honestly, ikaw lagi ang pinag-aawayan naming dalawa.”
“Hala, bakit ako? Labas ako diyan ah.”
Natawa naman siya.
“Kasi lagi ka niyang ikinukumpara sa akin na kesyo hindi ka ganito, hindi ka ganyan. Nakakarindi. Hanggang sa isang gabing lasing siya, pangalan mo ang binanggit niya sa halip na ako. Maging sa panaginip niya ikaw pa rin ang isinisigaw niya.”
Natameme ako sa rebelasyon niya. Hindi ko inisip na may epekto pa rin ako sa kanya kahit sila na ng best friend niya.
“Minsan tinanong ko siya bakit ikaw pa rin laman ng puso niya kahit na ako na ang karelasyon niya, sabi niya dahil hindi daw ako ikaw. Ibang iba raw ako sa iyo. Sa totoo lang inggit na inggit ako sa’yo pero hindi ko magawang magalit sa iyo.”
“Dylan, let’s move on. Alam kong nahirapan ka pero you know what pinabilib mo ako. Ang tatag mo dude tsaka napaka-martyr mo. At dahil diyan iinom natin yan. Tara dali.” At hinila ko siya papunta sa loob.
Pansamantala ko siyang iniwan sa sala at lumabas muli para humingi ng konting maiinom. Pagbalik ko ay nakapirmi pa rin itong nakaupo na naghihintay sa akin. Agad kong inabot dito ang isang boteng hawak ko.
“Thank you.”
“Sus, wala iyon. O ano shot na.”
“Sige ba.”
Nasa ganoon kaming ayos ng makita kami ni Mac. Nakangiti ito sa amin. Inaya ko itong makipagkuwentuhan sa amin. Lumabas muna ito saglit para kumuha din ng maiinom at sumalo na sa amin. Napakasaya ng reunion naming tatlo. Hindi mo aakalaing may nangyaring malaking gusot sa aming tatlo noon.
Nasa gitna kami ng pagsasaya noon ng panay ang vibrate ng phone ko. Tumigil muna ako sandali sa ginagawa namin at sinilip iyong phone ko.
Shit!
“Guys, I have to go.” Paalam ko sa dalawa.
“Hahatid na kita.” Paanyaya ni Mac.
“No need. I can manage tsaka walang mag-aasikaso kay Dylan.” Pagtanggi ko.
“No, ayos lang sa akin. Go MacMac ihatid mo na si JayJay.”
“Seriously, I can manage.”
“But...”
“No buts. You want me to call you names para lang pumayag ka.”
“Andaya mo. Matututunan ko ring ma-get over iyang pamba-blackmail mo Jay.”
“Nah, in your dreams!”
Nagtawanan kaming tatlo.
“O siya, I’ll go ahead guys.”
“Ingat.” Sabi ni Dylan.
“Ingat, text ka pag nakauwi ka na.”
“Thanks. Sure I will.”
At lumabas na ako. Nagpaalam muna ako kay tita na aalis na. Sumama na rin sa akin si mama.
Nasa labas na kami at naghihintay ng taxi ng kurutin ako ni mama.
“What’s that for.”
“We have to talk when we got home.”
“Yeah yeah.”
Sakto naman na may dumaan na cab at pinara ko na ito. Wala pang 30minutes at dumating na kami sa bahay. Sigurado ako kung anong mangyayari ngayong gabi. I know mom.
(itutuloy)
Subscribe to:
Posts (Atom)