Wednesday, May 11, 2011

Torn Between Two Lovers? vii

Si Jie. Si Jie na ang tanging alam ko lang ay best friend ni Francis simula pa noong first year high school sila. May hitsura rin ito, matalino, mayaman. Nakakapagtakanga ngang bakit hindi ito nagustuhan ni Francis.

Sa school, inseparable sila. Halos magsasawa ka na nga na palagi mo silang makikitang magkasama. Tipikal na magkaibigan. Harutan, kantsawan at damayan pero bakit may nararamdaman akong mali. Alam ko meron talagang mali sa kanilang dalawa.

“Kuya?” Napatingin ako sa nagsalita.

“Hmmm.” Ang guwapo talaga niya.

“May problema ba?” Tanong niya.

“Wala naman. May naisip lang.”

“Huwag mo nang isipin yun. Andito naman ako eh.” At ngumiti.

Kinurot ko ilong niya. “Ang cute mo talaga.”

“Kaya mo nga ako nagustuhan eh.”

“Nagustuhan pala huh. Ugok mo.” Sabay tawa naming pareho.

“Ugok ka dyan. Totoo naman ah.”

“Whatever.”

“Huli ka kuya.” At pinaulanan ako nang hampas ng unan.

“Aray! Nakakasakit ka na ah. Ganyan ka ba magmahal? Nananakit?”

“Hindi naman. Ganito ako magmahal.” Sabay halik sa aking noo.

Napantastikuhan ako sa ginawa niya. Natawa naman siya sa naging reaction ko.

“Kala mo hahalikan kita sa lips huh.” Sabay labas ng dila.

“Asa ka. Simula ngayon di mo na matitikman tong mga labi kong to. Manigas ka!”

Tumawa lang siya. Narinig kong nagri-ring phone niya.

“Hoy, phone mo!” Tumalima naman agad siya.

Parang tanga pa na tinanong kung ayos lang daw ba na sagutin niya. Nailing na lang ako sa ginawa niya.

“Hello?”

“O napatawag ka?”

“Ah tapos na. Daanan mo na lang sa bahay bukas.”

“Oo eh.”

“Hoy excuse me! Nagpaalam ako kay mama tsaka alam niya kung nasaan ako.”

“Bakit mo tinatanong? Susunduin mo ako ganun?”

“Yup, overnight ako dito.”

“Wala naman problema. Okay lang naman kila tita na makitulog ako ngayon eh. Welcome ako rito.”

“O siya ayaw pa maniwala eh. Heto kausapin mo si kuya.”

At iniabot nga niya sakin yung phone niya.

“Hello?”

“Kuya, dyan ba talaga matutulog ngayon yang si Francis?” Si Jie.

“Nagulat nga ako eh. Kasi ang paalam kay mama may pag-uusapan lang daw kami tapos yun pala may dala na siyang mga damit niyang pamalit.”

“Ganun po ba.” Ewan ko lang huh pero feeling ko nadismaya siya sa nalaman.

“May problema ba?”

“Ngayon niya lang kasi ginawa yan eh.”

“Alin?”

“Maki-sleep over sa ibang bahay.” Napatingin ako kay Francis na may questioning stare. Sumagot naman ito nang ANO. Umiling ako sabay bawi nang tingin.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Never pa siya natulog dito kahit may invitation naman siya.”

“Ganun ba? Ano daw dahilan niya bakit lagi niyang tinatanggihan yung alok mo?”

“Kesyo di raw siya papayagan o kaya naman eh may tinatapos siyang project. Sakto namang wala kaming mga projects or kung ano na pwedeng maging busy siya.”

Napabuntung-hininga ako.

“Sige hayaan mo kakausapin ko siya mamaya.”

“Naku kuya, huwag na. Baka isipin pa niya na nagsusumbong ako sa’yo mag-away pa kami niyan.”

“Eh mag-best friends naman kayo kaya walang issue roon.”

Matagal bago siya muling nagsalita.

“Nga pala, kuya kunin ko nga number mo para text text na lang tayo.” Pag-iiba niya sa usapan.

Ibinigay ko naman sa kanya kahit ramdam kong umiwas siya sa huling sinabi ko. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako at ibabalik ko na kay Francis yung phone.

Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila bagkus ay natuon ang buong atensyon ko sa nagawang pag-uusap naming iyon ni Jie.

Mukhang tama ako. Jie’s secretly in loved with his bestfriend. Sabi ko sa sarili. Pero. . .

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Francis.

“Kuya ano ba kasi problema?” Tapos na pala sila mag-usap.

“Huh?”

“Huh ka dyan. Kanina ka pa natutulala.”

“Wala ito. Pagod lang siguro.”

“Asus! Sabi ko naman sa’yo, huwag mong isipin yun. Mahal na mahal ka nun.” Pertaining to his self.

Natawa ako sa inasta niya.

“What’s funny? Hay naku.” Patampo niyang sabi pero lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Tahimik pa rin ako.

“Kuya?”

“Hmmmm.”

“Masaya ako kasi okay na tayo. Mas masaya ako dahil finally umamin ka na sa nararamdaman mo sa akin. Mas sasaya ako kapag . . .” Pambibitin niya.

“Kapag ano?”

“Kapag tayo.”

I am lost for words. My heart skips a beat while my mind settles in euphoria. Si Arnel. Biglang pumasok sa isip ko ang imahe niya. Naguguluhan na tuloy ako.

I like them both pero hindi ako papasok sa sitwasyong alam kong madedehado rin ako sa huli.

“Francis?”

“Kuya.”

“Masaya rin ako na okay na sa ating dalawa ang lahat but I can’t assure you of anything. I am confounded with the truth that you are around as well as si Arnel.”

Tahimik siya kaya nagpatuloy ako. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin giving him the feeling that he has to listen sa sasabihin ko.

“Overwhelming ang presence niyong dalawa. Minsan nga natatakot na nga ako na baka dahil sa lakas ng charisma niyo eh sabay kayong mawala sa akin.”

“No kuya! Hindi iyon mangyayari. I won’t leave you at that.”

“Don’t make promises Francis. I am tired of hearing those. Just do it wala nang need pa na gumawa nang stupid guarantees.”

“I have to.”

“Why?”

“Dahil mahal kita kuya, ikaw ang buhay ko.”

“Don’t say that. Iikot pa rin ang buhay mo without me.”

“Siguro nga pero days would be lonelier kung wala ka.”

“Why?”

“You’re responsible of me.”

“Huh?” Ano daw?

Ngumiti muna siya bago nagsalita. “You’re the reason of my smiles, the reason why I am looking up to a brighter day, my only reason kung bakit ko pinagbubuti lahat ng mga ginagawa ko sa lectures, sa office, sa bahay, sa lahat.”

“I’m flattered Francis but I can’t say the same.” Pagputol ko.

“Naiintindihan ko kuya. Ang gusto ko lang eh sana maramdaman mo na you’re my other half.”

“You’re too fast. Hindi pa tayo remember.” Napatawa kami sa sinabi ko.

“That’s why I love you.”

Natawa ako ulit. Nang makabawi na ako, nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Siya na bumasag sa gap na iyon.

“I’ll be missing this.” Malungkot niyang sabi.

Napabitaw ako sa yakap niya at hinarap siya. Bakas sa mukha ang pagkabigla at naguluhan.

“You’re leaving me?”

“Hindi kuya. I have no guts to leave you baka ikamatay ko iyon.” Binatukan ko siya.

“What’s that for?”

“Masyado ka nang OA.” Napakamot lang siya sa ulo niya.

“Honestly, I am afraid of losing you.”

“Ako rin, I am afraid of losing . . .” Tiningnan ko siya. Nakita ko naman ang anticipation sa mga mata niya. “. . .me.” At tumawa ako na para bang wala nang bukas.

Dahil dun ay nakatanggap ako nang ilang hampas ng unan. Tawa pa rin ako nang tawa.

“Nagoyo mo ako dun kuya huh. Ang korni mo!”

“Mahal mo naman.”

Dinaganan niya ako. Napatigil siya. Nag-uusap ang mga mata namin. Unti-unti niyang nilapit mukha niya sa akin.

“Oops, no kissing. Sabi ko di ba na hindi mo na ako mahahalikan.” Patuloy pa rin niyang nilalapit mukha niya.

“Sisigaw ako nang rape sige ka.” No comment.

“Francis!”

“Beg for me to stop!” May utos sa salita niya.

“Ulol mo. Beg beg ka dyan.”

“Then you can’t stop me.”

Pinigilan kong magkadikit mga lips namin. He moaned for failing but he’s insisting. Tinanggal niya kamay ko at hinawakan palayo kasabay ng paghawak sa kabilang kamay ko. Now I am guard less. Vulnerable.

“Kuya.”

Wala na akong magawa. Pilit ko mang labanan ang sarili pero hindi ko kayang pigilan na muling malasap ang mga halik niya kaya naman pumikit na ako. Without battling an eyelash, I felt his soft, warm lips against mine. The kiss was swift, pure and addictive. Tongues were pressed against each other. Soft moans were heard. Then suddenly we stopped.

“That was intense.” Sabi ko. He smiled.

“I love you kuya.”

“I like you more.”

“Oh bakit like lang?”

“I want to know you more.” He gave me that not-convinced stare. “Basta.”

“Okay.”

“One more?”

“Yes your majesty.”

And naulit ang paghihinang ng mga labi namin.


(itutuloy...)

Sunday, May 1, 2011

Torn Between Two Lovers? vi

So I'm back! Ahahah...

-------------------------------------------------------------------------------------

“Dhen, salamat huh.” Pambungad niya pagkapasok namin sa bahay nila.

“Para saan?” Tanong ko.

“Kasi pinili mong makasama ako ngayong gabi.” Sinsero niyang sabi sakin.

“Adik ka Len alam mo ba?” Pagbibiro ko.

“Kaw talaga. Basag trip ka lagi. Magseryoso ka naman, seryoso kaya ako oh.”

“Oo na seseryoso na po.” Sabay ngiti.

“Ayan ka na naman eh. Niloloko mo na naman ako.”

“Batukan kita dyan eh, seryoso na ako oh. Ewan ko sa’yo bahala ka nga.” At tumalikod na ako sa kanya bitbit ang bag ko kunwari nagtatampo.

“Dhen, sorry na. Naglalambing lang naman ako eh di mo man lang nasakyan.” Hinarap niya ako sa kanya. Yumuko naman ako. “Huy, tumingin ka naman sakin. Di ko na yun uulitin promise.”

“Di bagay sa’yo magseryoso Len. Natatawa ako sa hitsura mo, umayos ka nga.” At napabunghalit na ako.

Dahil sa sinabi ko ay nakatikim ako sa kanya nang napakaraming kiliti. Hindi ko napigilan ang sarili na mapatumba. Hindi pa siya nakuntento at ang mokong di ako tinigilan.

Tawa kami nang tawa. Nang mapagod ay sinuntok ko siya sa braso niya. Mahina lang iyon.

“Walastik ka! Napaniwala mo ako dun huh. Akala ko totoo na, sa susunod di na ako maniniwala sa’yo.” Sabi niyang nakangiti.

Naging pormal mukha ko sa sinabi niya. “Umalis ka na diyan sa ibabaw ko. Nahihirapan na akong huminga.”

“Ah eh sorry.” Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sa akin pero hindi ko tinanggap.

“Nasaan ba ang banyo niyo dito? Magsa-shower lang ako.” At binuksan ang bag para maglabas ng maisusuot.

“Doon sa labas may makikita kang palikuran. Teka mag-iigib muna ako nang tubig mo.”

“Huwag na ako na lang tsaka hindi naman ako lumpo para hindi magawa yun.” Pormal kong tugon.

Hindi na siya sumagot at ramdam kong ramdam niya ang biglaang paglamig ko sa kanya. Kinuha ko ang timba at tumungo na sa poso.

Binatak ko ang manggas ng t-shirt ko. Natawa ako sa inasal ko dahil akala mo naman mabigat na trabaho ang gagawin ko.

Kasalukuyan akong nag-bobomba nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pansamantala ko muna itinigil ang ginagawa at asikasuhin muna iyong tumatawag.

‘Hello ate! Napatawag ka?’

‘Asan ka?’ Tanong ng ate ko.

‘Bakit?’ Balik tanong ko sa kanya.

‘May pumunta dito kani-kanina lang hinahanap ka. Mukhang pupunta sa party.’

“’Bakit daw niya ako hinahanap?’

‘Wala namang sinabi.’

‘Natanong mo ba pangalan niya?’

‘Francis daw eh.’

‘Ah okay.’

‘Teka sabi ni mama pupunta ka sa party? Andyan ka na ba?’

‘Oo andito na ako. Ako nang bahala dun sa nagpunta dyan pag nakita ko.’ Pagsisinungaling ko.

‘O sige na.’

At pinutol na namin ang linya. Hindi na nakakapagtaka ang iginawi niya. May kasalanan ako sa kanya pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko. Sa tingin ko pa nga tama ang ginawa ko eh. Kitang-kita ko na may pagtingin si Jie sa kanya. Tsaka marami na silang pinagsamahan. Tsaka…

“Ano ba yan, maka-shower na nga at ang init.”

Matapos maglinis ng katawan at makapagbihis ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Wala ni isang miscall or text. Nag-eexpect ba ako? Oo.

Nakadama ako nang disappointment kaya napagpasyahan kong matulog na lang. Nakita ko si Arnel na nakahiga na kaya tumabi na ako.

Kahit nakalapat na ang katawan ko sa kama ay hindi ako dalawin ng antok. Pilit kong binabalik-balikan ang nangyari kanina sa party. Ngayon na lang ako inatake nang hiya sa nagawa ko.

Pabiling-biling ako sa higaan. Hindi ako mapakali kakaisip.

“Namamahay ka ba?” Tanong niya.

“Hindi.” Simpleng tugon ko.

“Ganun ba?” Naramdaman kong bumangon siya.

“Saan ka pupunta?”

“Lilipat ng higa.”

“Bakit?”

“Baka kasi hindi ka sanay na may katabi pag matutulog eh.”

Nainsulto ako. Gusto kong mag-walk out ulit pero saan naman ako pupunta. Pinakalma ko ang sarili ko. Masyado nang madaming tension ang namamahay sa loob ko.

“Len, huwag ka nang umalis. Tabi na tayo.” Sabi ko pero ang tingin ay nasa kisame.

“Sigurado ka ba na okay lang?” Tumango lang ako.

“Galit ka ba sa akin?” Umiling lang ako.

“Bakit di mo ako kinakausap?”

“Pasensya na may iniisip kasi ako eh.”

Humarap siya nang higa sa akin.

“Hindi kaya matunaw ako?” Pagbibiro ko. Napangiti siya.

“Sarap mo kasing tingnan eh.”

“Tse! Tumigil ka.”

“Dhen.” Lumapit siya.

“Kung ano man ang binabalak mo huwag mo nang ituloy.”

Pero hindi siya nagpapigil. Isinandig niya ang ulo niya sa balikat ko at idinantay ang kamay niya sa dibdib ko.

“Can I stay this way?” Hindi ako sumagot and he took it as a yes.

Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya.

“Len?”

“Hmmm?”

“Bakit ako?”

“Dahil ikaw lang.”

“Ang alin?”

“Ang gusto ko.”

“Bakit nga?”

“Masaya akong kapiling ka. Hindi ka maalis sa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Sa’yo lang naman ako nagkaganito eh.” Sunud-sunod na paliwanag nito.

“Eh si Jessa?” Hindi siya nakaimik.

“Sulitin natin kung anong meron tayo ngayon Dhen.”

Alam ko umiwas siya sa tanong ko kaya di na ako nagpumilit pa sa halip napabuntung-hininga na lang ako.

Ilang minuto matapos ang pag-uusap namin, sinilip ko kung tulog na siya. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Parang nahipnotismo ako sa titig niya. Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin. Hindi na ako nakaiwas pa.

For the first time ay naghalikan kami na para bang wala nang bukas. Isinantabi ko muna ang katotohanan tungkol kay Jessa. I want the moment to last. Mula sa simpleng paghahalikan, nagsimula nang maglakbay ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t isa.

Nang makaramdam ako nang boner mula sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na yelo. Tumigil ako sa ginagawa ko. Nagtataka siyang napadilat.

“Sorry, hindi pa ako handa sa ganito.” Sabay iwas ng tingin.

“Sorry Dhen, masyado akong naging mabilis. Hindi ko sinasadya, hindi ko na kasi napigilan eh.” Binatukan ko siya.

“Loko ka, pinagnanasaan mo pala ako.” Natawa siya. “Kelan pa?”

“Aba secret siyempre. Hindi ko pwedeng sabihin sa taong mukhang puwet.” Pang-aasar niya.

“Mukhang puwet pala huh.” At inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

Kunwari naman siyang umiiwas pero sa tingin ko nag-eenjoy siya. Hinayaan ko na lang na makaramdam siya nang ganun. Nang mapagod sa kakatawa, naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Likas talagang hindi sanay ang bestfriend ko na tahimik ako kaya naman siya na ang nagkusang bumasag sa katahimikan.

“Dhen.”

“Hmmm?”

“Pwede isa pa?”

“Isa pa ang alin?”

At ngumuso siya sa akin.

“Ano ba yan ang hilig. Teka don’t tell me naaadik ka na sa mga halik ko. OMG!” Pinanlakihan ko pa siya kunwari nang mata.

“Ulol ka.” At tumawa siya. “Sige na Dhen.” Binigay ko na din ang hiling niya. Sobrang nag-eenjoy na akong kahalikan siya.

Naalala ko pa nuong high school kami na pilit kong itinatago sa kanya ang pagkatao ko. Na sa bawat tanong niya sa aking pagkalalaki ay laging ang isinasagot ko ay hindi.

Sa bawat pagtataas ng kilay ng mga kaklase at schoolmates namin dahil sa kakaibang closeness namin noon, siya ang laging nagtatanggol sa akin. Laging magkatabi sa upuan, sabay umuwi, magkatabi sa higaan pag may sleepover at minsan ay nagsusubuan pa.

Kami ang sentro lagi nang tuksuhan sa grupo namin. Ang tawag nga nila samin eh lovebirds. Kinikilig ako sa tuwing magkasama kami at sweet sa isa’t isa. Nakakatawa ngang isipin na minsan ako pa rin ang priority niya kahit na ba may girlfriend siya. Ako pa rin ang punu’t dulo nang alitan nila kaya naman ako na ang kusang umiwas sa kanya.

Naging malungkutin na siya simula noon. Naalala ko pa nga kung paano ako kinausap nung isa sa mga naging girlfriend niya. Halos mangiyak-ngiyak na yung babae dahil sa biglaang panlalamig sa kanya nang bestfriend ko. Hindi niya daw kakayanin na mawala ito sa kanya kaya siya nakikiusap sa akin.

“Arnel, pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian sa kubo?” Seryoso kong sabi sa kanya.

“Bakit?” Malamig niyang tugon.

“May mga bagay tayong kailangang ayusin sa pagitan nating dalawa.”

“Okay.” At bumalik na ako sa nilipatan kong upuan.

Nang sumapit na ang oras, andudun na siya sa kubo. Seryoso siyang nakatingin sa malayo. Umupo ako sa harap niya. Ilang minutong katahimikan. Nag-iipon muna ako nang lakas ng loob bago magsalita.

“May mga bagay na kailangang isakripisyo para maging matagumpay ang isang bagay at kasama na dun ang turingan natin.”

Tumingin siya sa akin at bakas ang lungkot. Hindi ko kaya na nakikita ang taong mahal ko na ganun pero kailangan kong maging firm at realistic.

“Arnel, ayoko mang gawin ang pag-iwas sa’yo pero kailangan.”

“Bakit kailangan mong umiwas?” Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng luha niya.

“Dahil may mga taong nasasaktan sa pagkakaibigan natin.”

“Si Nikki ba yang taong yan?”

“Hindi na mahalaga kung sino pa iyon pero gusto kong ipaintindi sa’yo na…”

“Na ano? Na nahihirapan ka? Na nasasaktan ka sa sitwasyong pinasok ko?” Nag-break down na siya nang tuluyan.

“Nasasaktan? Oo nasasaktan ako pag ang mga babae mo lumalapit sa akin at humihingi nang payo kung anong gagawin nila pag nararamdaman nilang nanlalamig ka sa kanila. Na sa tuwing umiiyak sila, ang laging bukambibig ay kung may iba ba na nagpapasaya sa’yo. Nakaramdam ako nang guilt alam mo ba yun?”

“Kung nasasaktan ka sa paglapit nila sa’yo bakit hindi ako ang kausapin nila?” Iritado niyang tanong.

“Dahil ayaw nilang marinig mula sa bibig mo mismo ang isang kasinungalingan na walang nagpapasaya sa’yong iba gayong iba ang pakikitungo mo sa kanila.” Hindi ko naiwasang medyo tumaas ang boses ko.

“Bakit nga hindi ako ang kausapin nila? Bakit ikaw?”

“Dahil ako ang BESTFRIEND mo!”

“Ang labo mo. Kung bestfriend nga talaga kita dapat nakikita ko ang pagsuporta galing sa’yo at hindi ang pag-iwas na ginagawa mo ngayon. Alam mo bang ang sakit sa dibdib na hindi na tayo gaya nang dati?”

“Hindi na nga tayo gaya nang dati dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon. Pilit mo mang itanggi sa sarili mo pero iyon ang dapat.”

“Hindi iyon ang nararapat Dhen. Sa araw-araw na ginawa nang Diyos simula nung magka-girlfriend ako, nagbago ka na at nasasaktan ako sa pagbabago mong iyon. Alam mo, I missed my bestfriend! At alam mo kung ano ang mas masakit pa doon , I lost him!” At umalis na siya na lumuluha.


Hindi ko maiwasang mapaluha nang maalala ko ang malungkot na bahagi na iyon ng nakaraan namin. Nang muli ko siyang silipin ay mahimbing na siyang natutulog. Muli ko siyang hinagkan.

----------------------------------------------------------------------------------


“Good morning!” Bungad niya sakin ng imulat ko ang mga mata ko.

Tinakpan ko ang bunganga ko at bumati sa kanya. Natawa siya sa inasal ko. Napatakbo akong bigla sa banyo nang maramdaman kong sasabog na ang pantog ko. Nang mai-release ko na ang tension ay nakaramdam ako nang ginhawa.

“Halika na, kaen na tayo.”

Dumulog na ako sa hapag at dinaluhan siyang kumain. Parang bumalik ang mga masasayang araw naming dalawa. Nagsusubuan kami nang pagkain at ine-enjoy ang moment.

“Ano Dhen, sabay tayong maligo?” Aya niya sa akin.

“NO WAY!” Pagsalag ko sa alok niya. Tumawa naman siya.

“Andaya mo, hindi ko pa nakikita yang katawan mo samantalang ako ilang beses mo nang nakita. Unfair ito.”

“Unfair ka dyan. Tse! Hala sige, mauna ka nang maligo dali at ako ang susunod.”

Matapos maligo at makapagbihis ay naghanda na akong umuwi. Bitbit pa rin ang bag ko, umangkas na ako sa motor niya. Inutusan niya akong humawak ng mabuti at sumunod naman ako.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay namin. Agad kaming sinalubong ni mama. Bagama’t may kakaiba sa pagsalubong niya ay dineadma ko muna at inayang pumasok muna si Arnel. Naramdaman niya din ang ibang aura ni mama kaya hindi na siya tumuloy at nagpaalam ng umuwi. Hindi ko na siya pinigilan.

“Nasan ka kagabi?” Sumunod pala si mama sa kuwarto ko.

“Sa party.”

“Party? Bakit andito si Francis kagabi sabi ni ate mo at hinahanap ka eh magkasabay naman kayong umalis dito.” Hindi ako umimik.

“May ginagawa ka bang kalokohan?”

“Wala ma.” Depensa ko.

“Kung ganon, nasan ka kagabi?”

“Pumunta ako kila Arnel nagpasundo ako.”

“Nagpasundo? Bakit?”

“Eh nahihiya akong makitulog dun ma eh.”

“Bakit nung nagpunta dito si Francis malungkot siya? Anak, nag-away ba kayo?”

Umiling lang ako.

“O siya, grounded ka ngyong araw na ito.”

“Ma? Ang tanda ko na para ma-grounded.”

“Parusa mo yan sa pagsisinungaling mo.” At tuluyan na akong iniwan ni mama sa loob.

Ilang buntong-hininga din ang pinakawalan ko bago ko unti-unting pinilit na tanggapin ang kaparusahan ko. Sa totoo lang, wala din naman akong magagawa pag nagdesisyon na si mama. Siya kasi ang batas sa bahay.

Wala akong ibang ginawa sa maghapon kundi ang kumain, magluto, maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Napaka-domestic ng araw kong ito. Lalo pa akong nabagot ng wala man lang nagtext ni isa. Kaka-badtrip talaga.

Pinili ko na lang na mag-stay sa kuwarto ko. Isip-isip ng kung anu-ano.

“May bisita ka.” Si mama.

“Sino daw?” Pero walang tugon akong narinig kay mama kaya naman napilitan akng bumangon para harapin yung bisita ko. Nag-ayos muna ako nang gulo-gulo kong buhok bago tuluyang lumabas.

Ngiti ang sumalubong sa akin. Bagama’t may konting sakit pa rin akong nararamdaman sa puso ko, unti-unti naman itong tinatalo nang katotohanang nag-eeffort siya na puntahan ako rito sa bahay. Nagpaka-pormal ako.

“Hi!” Bati ko.

“Hello kuya. Kamusta ka na?”

“Hmmm, okay lang naman ako. Ikaw ba?” Pilit niyang itinago yung lungkot niya pero hindi niya napigilan.

“Kuya, sorry.”

“Ma, pwede ba kaming mag-usap sa kuwarto?” Sumagot naman agad ito. “Tara dun tayo mag-usap.”

“Sige po.” Tumayo siya at sumunod sa akin.

“Nga pala, juice or coke?” Tannong ko sa kanya.

Umiling siya.

“Water or coffee?”

Umiling ulit.

“Wala ka talagang gusto?”

“Meron.”

“Ano para maihanda ko muna bago tayo mag-usap.”

“Ikaw.”

Waaaaaaahhhhhh, natameme ako. Napatakbo ako bigla palabas. Tumungo ako sa kusina para magtimpla nang iced tea at makaiwas sa sinabi niya. Shet! Kinilig ako. (Hanglande lang!)

“Hala nakalimutan kong magdala nang pambara.” Pagpasok ko na pilit ibinabalik ang composure.

“Huwag na kuya gusto lang kitang makausap.”

“Ah okay, sabi mo eh.” Nate-tense ako. Ano ba yan. Para naman akong dalaga nito na nililigawan.

“Kuya…” hinawakan niya kamay ko. “…patawad sa nagawa ko kagabi.”

“Ikaw naman, lagi kang nagso-sorry kahit na hindi naman ikaw may kasalanan.”

“Mahal kita.”

“Alam ko.” Napatingin siya sa akin at namilog ang mga mata. “Ah, eh, nasabi mo kagabi.” Sabay bawi nang tingin.

“Wala ba akong pag-asa sa’yo kuya?”

“Hala, ibig sabihin ba nito…?”

“Oo kuya, nanliligaw na ako sa’yo.” Toinks, confirmed. Dalaga nga ako.

“Di ko alam paano magre-react Francis. First time ko.” Natawa siya sa huling sinabi ko.

“Huwag mong madaliin ang sarili mo kuya. Willing akong maghintay ng sagot mo.”

“Aaminin ko, gusto din kita. Gusto pa kitang makilala. Ilang beses na akong nasaktan sa mga nalaman at nakita ko sa’yo kaya naman siguro mas dapat na kilalanin muna nating maigi ang isa’t isa.” Sa wakas muli ko na namang nasilayan ang mga ngiting bumighani sa akin.

“Talaga kuya?” Napatayo siya at niyakap ako.

“Whoa Francis! Baka masanay ako at hanap-hanapin ko ito.” Sabay kalas sa yakap niya.

“Walastik ka kuya eh kung hahanap-hanapin mo yakap ko eh di text mo lang ako at yayakapin kita.”

“Palabiro ka talaga.”

“Ang saya ko, okay na tayo ulit.” Niyakap niya ako ulit. Hindi ko na siya sinaway pa. “Nga pala kuya, nagpaalam na ako kay tita na dito ako matutulog ngayon.”

“Wala na akong sinabi.”

At tumawa na siya ulit.

“Mukhang nagkakasiyahan na kayong dalawa diyan ah.” Saway ni mama sa kabila nang pinto.

“Hindi naman ma. May nasabi lang kasi siyang nakakatawa kaya kami tumawa.”

Loko-loko talaga tong taong to. Sana makilala ko pa talaga siya. Napahiga siya sa pagod gayundin ako. Nang makalapat na ang mga katawan namin sa kama, hindi ko maiwasang hindi maghikab.

“Aga pa kuya inaantok ka na.”

“Hindi naman.” Nang tiningnan ko siya ay nakatingin lang siya sa kisame.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Napaka-gwapo niya sa kabila nang mga pimples na nag-trespass dito. Ang lips niya, hmmmm. Shet! Ang sarap halikan. Di ko napigilan ang sarili kong humanga sa parte na iyon ng mukha niya.

Namalayan ko na lang ang mga impit na ungol niya. Oo. Nilalapastangan ko ang mga mapang-akit na mga labi niyang iyon. Hindi naman siya gumawa nang anumang move para pigilan ako. Ang sarap ng feeling na hinahalikan siya.

“Francis.”

“Kuya.”

Tumingin ako sa mga mata niya at muling dinama ang ligayang dulot ng mga labi niyang iyon sa pagkatao ko. Gusto ko talaga si Francis, hindi naman siguro malayong mahalin ko na din siya. Mabait siya, guwapo, matalino, active sa school, may kaya sa buhay. Ano pa bang hahanapin ko sa kanya? All-in-one na nga siya eh kumbaga kumpletos rekados.

Ngunit…

(itutuloy)

Torn Between Two Lovers? v

Nagulat ako sa nasilayan ko pagbukas ng pintuan. May babaeng nakatalikod at nasa aktong naghuhubad. Bigla akong pinagpawisan ng malamig kaya’t dali-dali ko din itong isinara. Bumalik na lang ako sa may sala dala-dala ang backpack ko.

“Kuya bakit di ka pa pumasok dun sa kuwarto para maibaba mo na yang bag mo.” Pambungad ni Francis ng makita niya akong nakaupo sa sofa.

“Ah, eh naka-lock kasi kaya hindi ko nabuksan. Nahiya naman akong kumatok baka kasi kung ano pa ang isipin nung tao sa loob.” Tugon ko.

“Naku kuya ikaw talaga. Tara samahan kita.” Sabay hila sa kamay ko.

Parang may kakaiba sa hawak niyang iyon. May parang kuryenteng dumaloy sa pagkakasugpong na iyon ng mga kamay namin. Napatitig ako sa mukha niya at nasilayan ko ang isang ngiti mula sa kanya. Dumoble tuloy ang pagpapawis ko nang malamig dahil doon. Sumunod na lang ako sa kanya.

Kumatok agad siya nang makarating kami sa harap ng pintuan. Sa una’y walang sumagot pero nang muli siyang kumatok ay tumunog na ang door knob.

“Ano ba Fran---“ Parang nahiya naman yung tao sa loob dahil sa ayos nitong nakatapis at sinara ang pintuan. “Bakit di mo man lang sinabi na kasama mo siya?”

“Ano ka ba ate nakita mo naman di ba na may dala siyang bag so ibig sabihin ilalagay niya muna yun sa kuwarto para hindi maging sagabal sa party? Nakakaasiwa kayang makisama sa party na may dalang bag.”

“Tse! Di mo man lang ako sinabihan.”

“Asus, dalian mo na dyan nang makapag-umpisa na kami.”

Maya-maya pa ay muling bumukas ang pinto at iniluwal nito si ate Maya. Ang ganda niya sa ayos na iyon.

“Hoy yang laway mo natulo na. Jusko itong batang ito. Ngayon ka lang ba nakakita nang dyosa na gaya ko?” Sabay tawa niya.

“Dyosa pala huh!” At tumawa na din kami.

“O siya, enjoy bro! The night is all yours!” Wika pa nito na may kalakip na mahinang tawa.

May bahid malisya ang dating sa akin nung tawa na iyon ni ate Maya. Pero hindi ko na lang masyadong binigyan ng pansin.

Iginiya na ako ni Francis papasok sa loob.

“Lagay mo muna sa may bed yung gamit mo kuya.” Utos niya sa akin at agad ko namang ginawa. “Ah kuya, salamat ulit huh.”

“Puro ka naman salamat eh. Baka mamaya niyan maumay na ako!” At natawa siya sa sinabi ko.

Narinig ko ang mga mahinang yabag palapit sa akin. Para naman akong dalaga na kinabahan. Nakakahiya na reaction pero excited ako. Naramdaman ko na lang ang presensiya niya sa likuran ko.

“Kuya salamat ulit.” At niyakap na niya ako nang tuluyan.

Ine-expect ko ang ganitong eksena pero iba talaga ang pakiramdam pag nangyari na ito nang totohanan. Di ko maiwasang hindi hawakan ang mga kamay niyang nakabalot sa akin na waring gumaganti nang yakap sa kanya.

Nagmo-moment kami nang makarinig kami nang isang tili galling sa aming likuran. Napaharap kaming nakayakap pa din siya sa likod ko at tiningnan kung sino iyon sumigaw.

“Little brother, di ka man lang ba nakapagpigil. Di pa nag-uumpisa ang party samantalang kayo nag-uumpisa na.” Sabay turo sa mga katawan naming nakayakap.

Dali-dali kaming naghiwalay.

“Ate Maya, mali yang iniisip mo. A-ano yun…” Pag-umpisa ko.

“Tsk, tsk, tsk. You don’t have to explain Dhenxo. Ayos lang sa akin yun and besides approve ka sa akin. Gusto kita for him.”

“Ate naman. Huwag ganun! We’re friends.” Depensa ni Francis. Kahit papaano ay nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Nag-expect kasi ako eh.

“Oo nga ate Maya, magkaibigan lang kami.” May bahid lungkot kong sabi kahit na nagawa kong ngumiti. Tumalikod na ako para muling ayusin ang mga gamit mo.

“Ang sama mo Francis. Bakit mo nagawang sabihin yan. “ At lumapit sa akin si ate para ako’y aluin.

“Di mo na kailangang gawin to ate. Okay lang ako. Walang kaso sa akin yung sinabi niya tsaka yun naman iyong totoo eh.”

“Yun ang totoo? Eh sa pagkakaalam ko, nagtapat siya sa iyo na may gusto siya sa’yo ah. Ano yun joke niya lang?”

“Ate tumigil ka na! Hayaan mo na kami dito. Ako nang bahala please lang.” Si Francis.

Tumayo na nga ito at tuluyan nang lumabas. Pero bago tuluyang makaalis ay may ibinulong ito kay Francis.

“Ah, kuya…”

“Wala iyon Francis. Naiintindihan kita. Wala kang dapat ipag-alala sa akin okay lang ako.”

“Sorry dun sa nasabi ko kanina. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon kay ate eh. Nabigla lang ako.” Hinayaan ko lang siyang magsalita. “Ano bang gusto mong gawin ko kuya para makabawi ako sa’yo. Gagawin ko ang lahat.”

“Wala kang magagawa dahil wala ka namang ginawang masama sa akin.”

“Kuya sorry na talaga.” At muli niya akong niyakap. Naramdaman kong namasa ang damit ko at sigurado ako na mga luha iyon. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at humarap sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha niya at inalo. “Tahan na, ang guwapo mo pa mandin tapos masisira lang iyan dahil sa pag-iyak mo? Haharap kang ganyan sa daddy mo?”

“Hindi ko naman sinasadya kuya eh. Patawad.”

“Cheer up Francis. Malapit ng mag-umpisa iyon party nang daddy mo.” Hinawakan ko ang mga pisngi niya. “Please smile.” Request ko sa kanya. Ginawa naman niya.

“Aaaaaaaaayyyyyyyy!!!” Sabay kaming napalingon sa may pintuan. Tama kami, si ate Maya ulit.

“Mga letse kayo! Nalingat lang ako saglit ganyan na agad eksena niyo?” May pangiti-ngiti pa nitong sabi.

This time hawak niya ang kamay kong binagtas ang daan papunta sa venue.

Grabe ang daming tao sa may garden nila. Parang bigla akong nahiya sa suot ko. Nakaporma silang lahat samantalang ako ay isang simpleng casual attire lang. ako na ang kusang bumitaw sa pagkakahawak niya dahil mahirap ng ma-issue kami sa mismong kaarawan nang daddy niya.

Nagpaiwan muna ako saglit sa isang tabi dahil nagpaalam si Francis na pupuntahan muna ang mga pinsan at mga kaibigan niya. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo.

“Hindi ka ba makiki-jam sa kanila hijo?”

“Ah ma’am kaw pala yan.”

“Tita na lang okay?” Tumango na lang ako.

“Hindi na po tita ayos lang naman po ako ditto eh tsaka nahihiya po ako.”

“Are you sure? Halika samahan mo ako.” Sumunod naman ako sa kanya.

Tumungo kami sa isang kubo sa may bandang dulo nang garden. Medyo natatabingan iyon ng mga halaman kaya hindi ko agad napansin. Pumasok si tita at binuksan ang ilaw.

“Tita, ang ganda naman dito sa loob. Parang hindi mo aakalain na isang kubo pala ‘to.” Napapantastikuhan kong kumento.

“Buti naman at nagustuhan mo. Paboritong lugar ‘to ni Francis.” Saad niya.

“Talaga po? Eh ano naman pong ginagawa niya dito?” Tanong ko.

“Kung ano-ano lang na magustuhan niya. Pero alam mo ba? Sa pagkakaalala ko, ang huli niyang punta dito ay noong naghiwalay sila ni Sienna.” Tumingin siya sa akin saglit. “Ex-girlfriend niya.”

“Ah, so kumbaga eh comfort zone niya ito tita?”

“Oo. Funny thing about this place eh nagagawa nang ambience dito na ma-lift up ang mood ng kahit na sino. Like today, masaya ako that finally nagagawa na naman ni Francis ang mga bagay-bagay na pilit niyang iniwasan. Lagi siyang nakangiti at lagi siyang nakaupo diyan.” Sabay turo sa isang couch sa likuran ko.

“Palagi nga siyang may tinitingnan na kung ano sa cellphone niya eh tapos biglang ngingiti.” Si ate Maya.

“Hala, hindi kaya nababaliw na si Francis o kaya’y nahanginan ng masamang hangin?” Pagbibiro ko. Natawa naman sila.

“Sa palagay ko nga’y may kinababaliwan na naman iyong batang iyon. Ganyan na ganyan ang mga gawain niya pag may isang tao siyang pinag-uukulan ng panahon.”

“Ganon po ba? Ang swerte naman nung taong iyon.” Kumento ko.

“Maiwan ko muna kayo ni Maya dito huh hijo. Asikasuhin ko lang mga bisita sa labas.”

“Sige po tita.”

“Tama ka dun Dhenxo. Napakasuwerte nung taong iyon dahil pag na-inlove ang kapatid ko ay all-out siya na tipong hindi na siya nagtitira pa nang para sa sarili niya.”

“Parang ako lang din pala siya.”

“Really? Kuwento ka nga tungkol sa lovelife mo pagbalik ko.” Lumabas si ate para kumuha nang makakain naming dalawa para may pagkaabalahan kami habang nagkukwentuhan.

Bumalik siya na may dalang isang tray ng mga pagkain.

“Hindi mo man lang ako tinawag ate para hindi ka na sana nahirapan na magbuhat niyan.”

“Naku, okay lang ako noh and I believe mahaba-habang kuwentuhan ito.”

At inumpisahan ko na ang kuwento ko. Para kaming nasa isang talkshow na may question and answer. Maya’t maya ang interruptions ni ate dahil talagang interested siya.

“So nagkaroon ka nap ala ng boyfriend?”

“Mobile bf ate. Kasi di naman kami personal na magkakilala. Kumbaga sa text lang tapos ayon sweet sa isa’t isa then eventually napagkasunduang gawing formal na ang status naming dalawa.”

“Ah sabagay uso na yang ganyan ngayon noh. Anyway, may picture ka ba niya? Pakita nga!”

Inilabas ko naman ang cp ko at pinakita sa kanya yung picture niya. Natulala siya.

“Eto ba si Brian?” Tanong niya.

“Oo ate siya iyan.”

“Paano ka naman nakakasiggurong siya nga iyan?” Tanong niya ulit.

“Nagkausap na kami sa webcam minsan ate at napatunyan kong siya nga iyan.”

“Ah ganon ba? Naku, ang swerte mo naman at nakahanap ka nang poging bf.”

“Ay inggit ba iyan ate Maya?” Pang-aasar ko sa kanya. Close na kasi kami.

“Hayaan mo na Brian. Oh teka, bakit naman kayo naghiwalay?”

“Biglang hindi na siya nagtetext or tumatawag tsaka lagging out of coverage yung number niya. Siguro nakahanap ng mas bagay sa kanya. Nung tiningnan ko nga account na sa Friendster eh dun ko nalaman na may boyfriend na pala siyang iba.”

“Ay may ganun? Ni hindi ka man lang inabisuhan na ayaw na niya sa ‘yo para di ka na umasa?” Iling lang sagot ko.

“Ayos pala yang Brian na yan huh. Ni hindi man lang inisip na may taong nag-aalala sa kanya.”

“Hayaan mo na yun ‘te kaya nga may word na past eh.” At tumawa ako.

“Speaking of past, sino naman ang present mo?”

“Present? Honestly po wala.”

“Bakit wala? Naku, dapat hindi ka pumapayag na wala kang karelasyon noh.” Natawa na naman ako sa sinabi ni ate.

Biglang nag-ring yung phone niya at nagpaalam na kakausapin lang. Tumango naman ako. Maya-maya pa ay nagpaalam siya na susunduin sa labas bf niya at nahihiya daw pumasok. Pinaiwan niya muna ako sa kubo dahil babalik din naman daw siya agad.

Since mag-isa lang ako, nilibot ko nang tingin ang kubo. May personal ref sa may corner, may tv at dvd player, may couch at lamesita. Kumpleto na para sa isang taong mahilig mapag-isa. May mga pictures din sa babaw ng tv. Family picture yung mga nakalagay pero may isang picture dun na siya lang. Napaka-gwapo niya talaga. Ang ganda nang pagkakangiti niya, napaka-natural walang halong pilit.

Naputol lang ang paglilibot ko nang tingin ng may pumasok sa loob ng kubo.

“France, you’re mockingly handsome!” Sabi nung lalaki.

“Thanks Jie ikaw din napaka-guwapo mo ngayon.”

“I love you dude!” Sabi nito sa kanya at bakas dito ang sinseridad sa sinabi.

“Loving you more dude!”

Walang ano-ano ay niyakap niya yung lalaki. Napaka-sweet nilang tingnan. Parang ‘sila’, nakakainggit. Di ko napansin na nakatingin na pala yung lalaki sa akin. Kumalas siya sa pagkakayap niya kay Francis at iniharap ito sa gawi ko.

Natilihan naman ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin. Paano ba ito?

Maging siya ay natahimik ng malamang andun din ako. Parang nagkaroon bigla nang isang wall sa pagitan naming dalawa na nag-create ng moment of silence.

“Ah, eh. Sorry! Hindi ko sinasadyang makita yun.” Yumuko ako at akmang aalis na nang pigilan niya ako.

“Don’t go please, I can explain everything.” Agad niyang sabi. Napailing lang ako.

“Uulitin ko, wala kang dapat ipaliwanag sa akin because you don’t owe me one.’ Sabay flash ng isang pilit na ngiti.

Di na niya ako napigilan pa nang tuluyan na akong lumakad palayo sa kubo. Naka-two points agad siya sa akin. Ayaw kong lumuha dahil gaya nga nang ayaw kong mangyari, ayaw kong mag-create ng scene. Bumalik ako sa lugar kung saan ako nagpaiwan kanina.

Nakatanaw lang ako sa lahat ng ginagawa nang mga bisita. Busy silang nagkukwentuhan at kumakain. Nakita ako ni ate Maya at inaya niya akog sumabay na sa kanila nang bf niyang kumain.

Kumuha kami nang pagkain sa buffet table at agad na nagtungo sa may kusina at doon pumwesto. Busy din naman ang lahat ng tao doon gawa nang kailangan nilang asikauhin ang mga bisita.

Sa buong oras namin sa kusina ay ramdam nila ate Maya ang pananahimik ko. Hindi nila ako nagawang tanungin pa dahil nirerespeto nila ang pananahimik ko. Maya-maya pa ay tumayo na sila at inaya akong sumama muna sa kanila.

Tumungo kami sa kuwarto ni ate at doon balak na patayin ang oras. Para kaming mga bata na naglalaro nang spin the bottle. Masaya naman ang nangyayari.

Pinaikot ni ate ang bote at huminto sa akin.

“Truth or dare?” Tanong niya.

Nag-isip akong maigi. Nahihirapan akong magdecide. Sige bahala na.

“Truth!” Sagot ko.

“Okay, ako na ang magtatanong sa iyo.” Sabi ng bf ni ate. “Buena manong tanong. May gusto ka ba kay Francis?”

Lagot sabi ko na nga ba eh! Tumingin ako kay ate. Nakangiti ito. Isang buntong-hininga muna ang ginawa ko bago sumagot.

“Oo.” Sabi ko na nakayuko.

Kinilig si ate daihl sa narinig. “Aaaaayyyyyy, sabi ko na eh. Ang galing talaga nang radar ko.” Sabay apir sa bf. “Gusto mo siya, gusto ka din niya bakit hind maging kayo?”

“Ahm sa tingin ko …” At inangat ko na ang mukha ko. “spin na yung bote. One question and answer lang to di ba?” Napakamot sa ulo si ate.

Wala siyang nagawa kundi paikutin na muli ang bote. Pag kinantot ka nga naman ng malas (pahiram Rovi huh), ako na naman ang tinuro nang bote.

“See? Pati yung bote nakikiayon. Kung sinagot mo na lang kanina eh di naligtas ka pa sana.” Sabay tawa.

“May choice pa ba ako kahit na dehado ako? Hindi pwedeng maging kami dahil hindi pa ako handa at sa tingin ko hindi pa din siya handa sa isang panibagong relasyon.” Na ang pasimpleng tinutukoy ko ay iyong Jie na kasama niya kanina.

Napatango na lang sila pero mukhang hindi kumbinsido. Ipinagpatuloy na naming tatlo ang laro hanggang sa mapagod na din kami. Napagpasyahan namin na ipagpatuloy na lang ang kuwentuhan. Gaya nang nangyari kanina, lumabas si ate Maya at pagbalik ay may dala na naman itong tray na puno nang pagkain ang pagkakaiba nga lamang ay may kasama nang alak. Lagot! Hindi ako umiinom nun. Bahala na.

Sa gitna nang tawanan naming tatlo ay may narinig kaming katok. Tumayo si ate at binuksan ang pinto. Iniluwa nito si Francis. Natahimik kami sa loob at tila nakikiramdam. Lalo pang nadagdagan ang naghaharing tension sa akin ng kasama niyang pumasok si Jie. Nakangit pa ito.

“Hi guys!” Bati niya sa amin.

“We’re good. Come and join us.” Aya ng bf ni ate.

At naghanap na din sila nang mapupwestuhan. Tumabi siya nang upo sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang magkatinginan kami and that’s it. May tension sa pagitan namin pero pinipilit kong iwaksi.

Naging tahimik ako pero sinusubukan ko pa ding pakalmahin ang sarili ko. Ayoko din naman na masira ang gabi ko dahil doon.

“Ah ate Maya, saan ang cr? Naiihi na kasi ako eh.” Pabulong kong sabi sa kanya. Tinuro naman niya sa akin. Tumayo ako at nagpaalam. “Excuse me guys, bladder break lang.”

Agad kong ni-lock ang pintuan pagkapasok ko. Humarap ako sa salamin at matamag tiningnan ang sariling repleksiyon.

Okay pa naman ako. Siguro kakayanin ko pa ang ilang minutong kaharap silang dalawa. Naghilamos na ako at lumabas.

“Okay ka lang ba?”

“Susmaryosep!” Natawa siya sa reaction ko.

“Okay ka lang ba?” Ulit niyang tanong.

“Uh-uhm. No worries. Nag-eenjoy naman ako kung yun ang inaalala mo.”

“Hindi iyon. Ahm, yung kanina …”

“Naku, sabi ko nga wala iyon. Walang kaso iyon sakin.” Naging seryoso siya kaya minabuti kong lagpasan siya.

Hinila niya kamay ko.

“Huwag mo naman sana akong ginaganito kuya, nasasaktan ako.”

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya hinarap.

“Ako pala ang nakakasakit dito di ko man lang alam. Sorry Francis huh kung nasasaktan kita.” Walang emosyon kong sabi.

“Kuya naman. Bakit ka ba kasi nagkakaganyan?” Mangiyak-ngiyak na niyang tanong.

“Hala, okay lang naman ako ah. Wala naman akong problema.”

“Isss. Bestfriend ko si Jie kahit tanungin mo pa kay ate.”

Defensive? Ano bang alam nito sa nararamdaman ko?

“Bakit ka nag-eexplain sa akin?”

“Dahil nararamdaman kong iyon ang dahilan ng pagiging cold mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko nararamdaman iyon.”

“Whoa Francis! Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Ang labas ngayon ay guilty ka sa isang bagay na ikaw lang ang nakakaalam.”

“Stop it kuya Dhenxo! Stop acting na hindi mo alam ang sinasabi ko!” Medyo napalakas na niyang sabi.

“Admitting na alam ko nga ang sinasabi mo, would it make any sense?”

“Oo dahil mahal kita!” Walang kagatol-gatol na sabi niya.

Natameme ako sa sinabi niya. Agad ko din naman binawi ang sarili ko.

“Mahal? Well, salamat kung gayon.” At tumalikod na ulit.

“Kailan ka kaya magkakaroon ng lakas ng loob para sabihing mahal mo din ako kuya.” Huminto ako saglit dahil sa narinig pero agad ko ding itinuloy ang paglalakad.

“Sinasayang mo lang ang oras mo sa kagaya ko. Hindi mo ba nakikitang hindi tayo bagay?”

“Makasarili ka kuya. Makasarili ka!” SIgaw niya sa akin.

Marahil narinig nila ate ang sigaw niyang iyon dahil lumabas silang tatlo para tingnan kung anong nangyayari sa pagitan naming dalawa.

Lahat sila ay may tinging nagtatanong nang ‘anong nangyari’ pero wala silang nakuhang sagot mula sa akin. Dumiretso na ako sa kuwarto niya at agad na inayos pabalik ang mga gamit sa bag.

“Dhenxo, anong nangyari?” Si ate Maya.

“SInabi ko lang yung totoo ate.”

“Anong totoo?”

“Na hindi kami bagay, na nagsasayang lang siya nang oras niya sa akin.”

Hinarap niya ako at binigyan ng isang sampal. Nagitla ako sa ginawa niya pero I deserve it.

“Akala ko ba gusto mo ang kapatid ko pero bakit mo nagawang sabihin iyon?”

“Hindi mo ba napapansin ate kung sino ang mas nagmamahal sa kapatid mo?”

“Anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan.”

“Lumingon ka lang sa paligid mo ate at malalaman mo din sinasabi ko.”

“Si Jie ba iyong tinutukoy mo?” Tahimik lang ako. “My God Dhenxo, maag-bestfriend yung dalawa at walang kaso doon.”

“Sana nga ate tama ka.” Natapos ko na ding ayusin ang mga gamit ko. “Ate salamat sa lahat huh. Naging masaya ako sa party ni tito and sorry kung nasira ko ang moment niyo. Patawad.” Isinukbit ko na ang bag ko at tuluyan ng nagpaalam. “Sige ate, uwi na ako. Nagkaroon kasi nang emergency sa bahay. Pakisabi na lang kay tito happy birthday and kay tita salamat din.” Sabay ngiti.

Tuluyan na akong lumabas. Walang tao sa may sala papuntang front door kaya malaya akong nakalabas.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Buti naman naisipan mo akong tawagan.”

“Salamat Arnel. Pwede bang iuwi mo na ako? Kakapagod pala ang party nila.” Sabay tawa.

“Ganon ba? O siya sige, sakay na dali.” Sabay abot ng helmet sa akin.

“Ah Dhen, pwedeng magtanong?”

Banayad lang ang takbo nang motor kaya nadinig ko iyon. “Ano iyon?”

“May gusto ka ba kay Francis?”

“Bakit mo naman natanong iyan?”

“Sagutin mo na lang kasi ako.”

“Hindi ko alam.” Pagsisinungaling ko.

“Hindi ka talaga marunong magsinungaling.”

“Ah, eh, Len, pwede ba akong makitulog sa inyo?”

“Iyon lang ba? Oo naman pwedeng pwede.”

At tuluyan na naming tinahak ang daan papunta sa bahay nila.

(itutuloy...)