Friday, September 30, 2011

SUPPORT GUYS!!!!

Good Day Guys... :)

I want to ask some Help, Favor, Time, Basta :)

ammm, Ang Ating Kaibigan na si Sir Michael Juha, ay kasali
sa isang Contest ng PEBA (Pinoy Blog Expat Awards),
sana po ay tulungan at supportahan po natin sya dito..

Isa po syang mahusay na BlogWriter at kaibigan..

Hinihingi ko lng po ay.. i vote nyo sya sa pamamagitan
ng LIKE (Y) and then magcomment nadin ay sympre sa
mga mahihilig mag basa, basahin nadin po

BASAHIN AT MAG COMMENT SA:
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

ILIKE ang PAGE:
http://www.facebook.com/PEBAWARDS

ILIKE and COMMENT na din sa PIC:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

Maraming salamat po mga kababayan...

BE safe.. :)

Malaking bagay po ito para sa amin. Maraming Maraming salamat po :)

Wednesday, September 28, 2011

Torn Between Two Lovers? xvii

Bawat araw simula nang maging official ang relasyon namin ni Arnel ay labis na nagpapasaya at nagpapakulay sa araw ko. Maging sila Febbie at Xyza ay ganap na napapansin ang kakaibang ligaya na dulot nito sa akin.

“Huy girl, blooming ka. Ano bang meron?” Tanong ni Febbie.

“Huh? Wala naman.” Pagtanggi ko.

“ Hindi nga? Bakit hindi mo sabihin sa amin ang katotohanan? Ano pa’t naging girl friends mo kami kung di mo kami pagkakatiwalaan.”

“Seryoso, wala ito.”

“Hindi ka ata talaga namin mapapagsalita. Anyway, musta na kayo ni Francis?” Tanong ni Xyza.

Bago ako nagsalita ay tiningnan ko muna kung okay na ba ako sa nangyari sa pagitan namin ni Francis. Maging ako ay nagulat dahil wala na akong maramdamang hinanakit. Maaaring nagawa ni Arnel na pahupain ang anumang maling nararamdaman ko kay Francis.

“We’re through.” Simple kong tugon.

Napatango-tango na lang si Xyza waring nahulaan na kung anong nangyari sa amin.

“Anong ibig mong sabihin Dhen?” Takang tanong naman ni Febbie.

“Gaga ka talaga. Ang slow mo, ibig sabihin nun wala nang Francis-Dhen love story!” Nag-roll eyes pa si Xyza matapos magsalita.

“Bakit Dhen? Anong ginawa mo?” At hindi napigilan ni Febbie alugin ako.

“Hey wait!” At inilayo ko si Febbie. “Wala naman akong masyadong ginawa, itinigil ko lang ang pagkahibang ko sa kanya.”

“Ibig sabihin, binasted mo siya?” Ewan ko lang kung nagets na ba ni Febbie.

“Sige sabihin na nating binasted ko siya.”

“Pero bakit? Bakit???” Mukhang tanga nitong sabi sa akin.

“Febbie, OA much!” Sabi ko rito.

“Okay. Seryoso bakit nga?” Ayaw talaga papigil nito.

Kita ko naman kay Xyza ang kagustuhan nitong saktan na si Febbie ngunit nagpipigil ito nang sobra. Ngunit pinili ko na lang na ikuwento ang lahat kay Febbie para matigil na ito. Mula sa pag-aaway naming dalawa nung birthday ng tatay ni Arnel hanggang sa naging sagutan namin ni Jie sa may labas ng CR.

Nagtaka kami ni Xyza nang biglang lumakad palayo si Febbie. Nagulat kami sa sumunod nitong ginawa.

“Huy girl, tama na yan! Tapos na!” Habang inaawat ni Xyza si Febbie.

Kita ko naman na halos maiyak na si Jie matapos itong sugurin at sampalin ni Febbie. Nakaramdam naman ako nang awa rito.

“Jie, you should go now. I’m sorry sa ginawa nang kasama ko sa iyo.” At tumalikod na ito sa amin at lumayo.

“Masyado kang impulsive! Nanunugod ka agad. You should have acted just.” Pangangaral ko rito.

“Ang kapal kasi nang mukha niya eh!” Nanggagalaiti pa rin nitong sumbat.

“Tumigil ka na sabi eh. Sasampalin kita pag di ka huminto.”

Dahil sa sinabi ko ay biglang umayos si Febbie.

“Girl, masakit ang masampal.”

“Exactly my point.”

Tatawa-tawa naman si Xyza habang pinapanuod kami. Patuloy pa rin ako sa pangangaral kay Febbie at tila nag-eenjoy talaga si Xyza sa nakikita niya sa amin. Para namang bata ang hitsura ni Febbie na kinagagalitan ng kuya.

“Ahm Dhen.” Biglang awat ni Xyza.

Napatingin ako rito at nakitang may inginunguso ito sa likuran ko.

Parang nag-slow motion ang lahat sa ginawa kong paglingon. Naka-uniform ng pang-Criminology si Arnel na lalong nagpatikas dito habang lumalapit sa amin.

“Hi hon!” Bati nito sa akin.

Naghatid iyon ng isang libong kilig sa akin. Napanganga naman ang dalawa sa narinig nila.

“Did we just hear you call him hon Arnel?” Tanong ni Febbie.

“Hindi pa ba niya sinasabi sa inyo?” Nasabi nitong nakangiti.

Umiling si Febbie.

“Hmmm, now we know! Kelan pa?” Si Xyza naman ang nagtanong.

“Last week lang.”

“Kaya pala. May dilig na kasi kaya blooming na.” Gatong pa ni Xyza.

“Gago kayo!” Na hindi ko na napigilang mag-blush.

“Naku si Dhen nag-blush!” Pang-aasar pa ni Febbie.

“Tse! Tumigil na kayo!” Saway ko rito.

“Naku, tama na yan. Masyado nang namumula tong mahal ko.” Sabay akbay sa akin.

“Ayyyiiiiieeee!” Sabay pa na reaction ng dalawa.

“Ang sweet niyo naman!” Dagdag pa ni Xyza.

Patuloy lang kami sa pagkukulitan kasama si Arnel nang mapadaan kami sa may canteen. Naisipan naming bumili nang makakain habang nagkukwentuhan. Maya-maya pa ay may lumapit samin na hindi ko inaasahan.

Tiningnan ko lang si Arnel.

“Sige na, talk to him.” May pagpayag na sabi nito.

Lumayo muna ako pansamantala sa kanila. Nasa hotseat si Arnel sa tingin ko dahil dinig kong panay ang tanong nila sa naging development ng status namin.

“Kuya, I’m sorry for all the wrongs I caused you.” May sincerity nitong sabi sa akin.

“Wala na sa akin iyon Francis. I’m just glad that you did kasi mas nalaman ko kung sino ba talaga ang mas gusto ko.” Hindi ako nanunumbat pero yun talaga yung gusto kong sabihin.

“Pinapatawad mo na ako kuya?”

“Matagal na. Let’s just move on, continue with our lives and act as if nothing happened.” Sabi ko rito.

“Sige kuya. Napakabait mo talaga.” Bumakas naman dito yung ngiting bumihag sa puso ko.

“Anyway, how are things between you and Jie?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Inaayos na po namin yung nangyaring gusot sa pagkakaibigan namin.”

“That’s good. So this time ba pwede na bang magkaroon ng romance sa inyo?”

“Malabo kuya.”

“Bakit?”

“Hindi ko kasi kayang i-reciprocate yung nararamdaman niya eh. Hanggang best friend lang talaga kaya kong ibigay.”

“Ah I see. Anyway, friends?” Sabay lahad ko nang kamay sa kanya.

Magiliw naman niya itong tinanggap. Nagkakuwentuhan pa kami saglit ng napagdesisyunan nitong magpaalam na.

“Mukhang everything’s flowing smoothly ah.” Nang lumapit ako kay Arnel.

“Yeah right hon. Masarap sa pakiramdam na maayos na lahat ng gusot ko.” Sabi ko rito.

“Glad that you’re happy, at least, we can focus with each other na since all’s well.”

Tumango lang ako rito.

“Aray!” Biglang sabi ni Xyza.

“Oh girl napano ka?” Nag-aalalang tanong ni Febbie. Napatingin naman kami kay Xyza.

“Andami kasing langgam dito. Grabe ang lalaki pa!” Sabi nito.

Hinanap naman ni Febbie yung mga langgam.

“Girl, wala naman akong makita. Niloloko mo lang ata ako eh.” Sambit nito.

Natawa tuloy kami ni Arnel sa ginawa ni Febbie. Kahit kailan talaga si Febbie napaka-slow. Patuloy lang kami sa pagtawa samantalang panay naman ang palo ni Febbie kay Xyza dahil wala naman daw itong nakita.

Sobrang thankful talaga ako sa mga kaibigan kong ito. Balance na balance ang kakiyan ni Xyza, pagiging slow ni Febbie at ang pagiging seryoso at emotero ko. One thing in common samin? Wala.

Days are passing by at okay naman ang naging takbo nang relasyon namin ni Arnel. May ilang tampuhan at hindi pagkakaunawaan ngunit nagagawa naman naming ayusin iyon bago pa man lumala. Hindi rin lumilipas ang isang araw na hindi namin pinag-uusapang maigi yung naging problema.

Isang araw, nag-aya si Arnel ng date. Siyempre agad naman akong pumayag since wala rin naman akong lakad nung araw na pinili niya. Excited ako na parang natatakot kasi baka kung ano na namang kagaguhan ang pasukin namin.

“Saan ba tayo pupunta this time?” Tanong ko.

“Basta.”

“Ayan na naman yang basta mo eh.”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Meron kaso nga lang yung last time na pinagkatiwalaan kita eh dinala mo ako sa venue nang reception ng kasal and you pretended na kakilala mo sila.”

Dahil sa sinabi ko ay natawa ito. Halos mamula na ito sa kakatawa.

“Sige tawa ka pa. Kulang pa yan. Laugh your heart out.”

Nang mahimasmasan ito ay saka lang muling nagsalita. “Trust me, hindi ko na ulit gagawin yun.”

“Okay. Sabi mo eh.”

“So, ready?”

“Very much ready.”

“Then, hop in.” Utos nito.

Umangkas na ako agad sa motor niya.

Bago kami tumuloy sa ‘date’ namin, dumaan muna kami sa grocery store para bumili nang pwedeng kainin. Puro finger foods ang pinagkukuha niya.

“Date ba talaga ang trip mo o picnic?” Tanong ko rito.

“Date siyempre.”

“O eh bakit andami mong binibiling curls tsaka biscuits?”

“Basta, stay put ka lang diyan.”

“Okay. Hey wait, kuha lang ako nang softdrinks.”

“Sige, then, kuha ka na rin ng water.”

“Sure.”

Matapos naming mag-grocery eh tumuloy na kami sa pupuntahan namin. Just imagine na habang papunta kami sa lugar na sinasabi niya sakay ng motor, bitbit ko sa isang kamay yung supot na may lamang softdrinks at water at sa kabila naman yung mga curls.

Mukhang nafo-foresee ko na kung saan kami pupunta. Isa ito sa mga famous spots sa lugar namin in which lagi siyang dinadayo tuwing Mahal na Araw.

“Sa shrine tayo punta?”

“Yup.”

“Sige, maganda nga roon.”

“I know tsaka mas makakapag-usap tayo nang wala masyadong nakikialam.”

Ilang minuto pa ang lumipas at andun na kami sa lugar. Pinili namin yung cottage sa may ibaba nang burol. Pagkababa nang mga gamit, agad ko nang tinahak ang daan paakyat sa Stations of the Cross. Napaka-holy nung place kasi kahit saan ka lumingon may makikita kang imahe nang mga tauhan sa bibliya.

Nang marating ko ang tuktok, pumwesto ako sa may malaking statue ni Jesus. Siyempre, konting picture taking. May pagka-vain kasi ako sa pictures kaya naman lagi niya akong kinukuhanan kahit sa paglalakad ko.

Maya-maya pa ay lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

“Dhen, sobrang saya ko na finally nakuha na rin kita.”

“Ako rin. Masaya ako kasi hindi ka nagbago sa akin.”

“Ewan ko nga ba eh. Antagal ng panahon na naghintay ako. Andami na ring mga babaeng dumaan sa buhay ko pero hindi ko sukat akalain na ikaw pa rin pala ang itinitibok ng puso ko.”

“Pero Len, bakit nga ba ako ang pinili mo?” Tanong ko rito.

“Siguro, cliché nang maituturing ito pero kasi I can see in you yung mga characters ng taong gusto kong makasama habang buhay.”

“Like?”

“Basta.”

“Bakit nga?” Pangungulit ko.

“Andami mo naman tanong eh. Basta mahal kita yun yung mahalaga.”

Tumahimik na lang ako.

“Eh ako bakit mo ako minahal?” Tanong niya sa akin.

“Siguro kasi ikaw lang yung nag-iisang lalaking nakipagkaibigan sa akin nung first year. Alam mo naman na mga babae ang barkada ko pero pinilit mong makipaglapit sa akin kahit na ilang beses kitang itinulak palayo.”

“Naalala ko yan. I remembered how you yelled at me pag kinukulit kita.”

“Yep, kasi honestly natatakot ako, na baka pag kinaibigan kita at maging close tayo, sa sasabihin ng iba sa atin. Pwede ka kasing biglang lumayo sa akin dahil lalaki ka at ang lalaki ay ayaw sa mga kagaya kong mahinhin.”

“Sa totoo lang naisip ko rin yan.”

“See?” Sabi ko rito.

“Pero I persisted kasi alam kong mabuti kang tao at magiging magkaibigan tayo. Akalain mo bang magiging best friend pala kita.”

“Kaya nga eh. Tapos naalala ko inaway mo yung isang kaklase natin nung sinabihan niya akong bakla. Nakakatuwa kayo noon pero syempre napahiya ako nang sobra.”

“Alam ko yun kaya nga nanligaw ka nang babae noon para patunayan sa kanilang hindi ka bakla.” Sabi nito sa akin.

“Tama.”

“Naging kayo ba ni Jenalyn?”

“Hindi eh. Malaki ang chance ko na maging gf siya sa totoo lang.”

“O anong nangyari?”

“Naalala mo ba nung umiiyak siya after namin mag-usap?”

“Huh? Hindi ko alam yun ah. Kuwento mo nga?”

“Yun nga, after class nung hapon kinausap ko siya. Binibiro pa nga kami nang mga kaibigan niya kasi first time kong ginawa iyong ipaalam siya sa mga kaibigan niya.” Napatahimik ako.

“Then?”

“Nung nagkasarilinan na kami, sinabi ko sa kanyang hindi ko na itutuloy yung panliiligaw ko. Nagulat siya at nagtanong. Ang nasabi ko lang sa kanya gusto ko siya pero mas maiging maging magkaibigan na lang kami. Hindi matanggap ng pride niya yung sinabi ko kaya naman nasampal ako. Umalis siya nang umiiyak.”

“Bakit mo ginawa yun? Maganda rin siya tsaka honestly I’m looking forward na magkakatuluyan kayo. Gulat nga ako na biglaang hindi na kayo nagpapansinan.”

“Yun nga yung dahilan kung bakit ayaw na niya akong kausapin. I insisted na kahit yung friendship na lang yung i-save namin. Sayang kasi yung naipundar na naming pagkakaibigan.”

“Pumayag naman siya?”

“Oo.”

“Bakit mo nga ba hindi itinuloy?”

“Dahil may mahal akong iba.” Sabay harap sa kanya.

“Ako siguro yun nuh?” May pagkamayabang nitong sabi.

“Gaano ka naman nakakasigurong ikaw nga yun?”

“Basta feeling ko lang.”

“Asa ka naman na ikaw yun.”

“Hindi ba ako yun?” Kita ko naman ang paglungkot ng mukha nito.

“Uto ka talaga! O siya tara na medyo gutom na ako.” Pag-aya ko rito.

Ayaw man lang niya kumilos para bumaba. Hinila ko na lang siya para makakilos na pero parang wala na talaga sa mood..

“Pag hindi ka gumalaw diyan makikipaghiwalay ako sa’yo.” Pananakot ko rito.

Parang bigla naman itong natauhan.

“Aba, ang bagal mo dalian mo nga riyan baka mawala yung pagkain natin.” Sabi nitong bigla.

Natawa naman ako sa kanya. Isip-bata pa rin talaga.

Naghabulan kami pababa nang grotto. Kala mo mga batang paslit kami kung umasta. Nariyan yung nagtatayaan kami, o kaya naman ay aastang iaangkas niya ako sa likuran niya.

Nang marating namin yung cottage, agad kaming nagpahinga. Makalipas ang ilang sandali, nagsimula na kaming magmeryenda.

“Hon, huwag mo buksan lahat huh.”

“Sure, hindi ko naman kayang ubusin lahat ito eh.” Sagot ko.

“Maya pala samahan mo ako roon sa kabilang parte.”

“Bakit? Anong mayroon doon?”

“Makikita mo rin mamaya.”

Nakailang kuwentuhan pa kami at lambingan sa cottage nang maisipan na naming puntahan yung sinasabi niyang lugar. Habang tinatahak namin yung madamong daan, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka may ahas na biglang tumuklaw sa amin. Sabi niya naman na wala raw ahas doon kaya huwag akong mag-alala.

Ilang sandali nang paglalakad at natunton na rin namin yung gusto niyang dalawin. Namangha naman ako sa nakita ko. May mga kubo na andudun at may mga settlers. Lahat sila ay nakatingin sa amin.

Lumapit pa kami at bumati sa mga ito. Malugod din naman silang bumati pabalik sa amin at nakakapagtakang kilala nila si Arnel. Napag-alaman ko na madalas silang dalawin ni Len pag may pagkakataon para makipagkuwentuhan at mangumusta.

Maya-maya pa ay inabot na ni Len yung mga dala naming pagkain at inumin sa kanila. Doon ko lang nakita yung soft spot niya na iyon. Nang may pagkakataon, tinanong ko sa kanya kung alam ba nang mga parents niya yung pinaggagagawa niya ngunit hindi raw. Ako pa lang daw ang nakakaalam nun.

Patuloy lang ang kuwentuhan namin ng may biglang nagtext sa kanya. Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang itsura nito.

“Len, are you okay?”

“I’m not.” Seryoso nitong tugon.

Dahil sa nalaman ay agad na kaming nagpaalam sa mga ito. Nang makalayo ay kinausap ko itong muli.

“Anong problema?”

“We needed to go back home now.” Ramdam ko naman na mukhang mabigat yung laman nung text sa kanya kaya naman tumango na lang ako.

“Whatever happens, I’ll be here for you.” Pag-alo ko rito.

Sinubukan nitong ipakita sa akin na kaya niya sa pamamagitan ng pagngiti. I gave him a reassuring kiss.

Umangkas na ako sa motor nito pabalik sa kanila. Habang nasa daan ay hindi ko magawang magbukas ng topic. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat kong sabihin para mapagaan man lang iyong loob niya. Gusto ko siyang tulungan pero paano?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Tahimik sa loob. Nakaramdam ako nang hindi magandang pangyayari habang papalapit kami sa pintuan. Pagpihit pa lang niya nang door knob, kumabog na parang tambol ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Sumalubong sa amin si tita.

“Andun yung tatay mo sa may kusina. Kanina ka pa hinihintay.” Sabi nito.

“Good evening po tita.” Bati ko rito.

“Good evening din Dhen. Halika samahan mo ako mag-ayos ng mga kahoy sa likod.”

“Sige po. Sunod ako.” Sabi ko kay tita. Hinarap ko ulit si Arnel. “Hon, kaya mo yan. Andito lang ako sa likod mo.”

Tumango lang ito kaya tumuloy na ako sa likuran.

Gusto kong makinig sa magiging pag-uusap nila pero nakakahiya kasi kay tita kaya naman pinili kong huwag muna. Kasalukuyan naming inaayos yung mga nagkalat na kahoy ng makarinig kami nang malakas na kalabog mula sa kusina.

Napahangos kami agad ni tita roon para tingnan ang mga nagaganap. Pagdating namin ay kita ang nakabagsak na upuan na siyang lumikha nang ingay.

“Hindi ko maisip na pumatol ka sa isang bakla! I’m so disappointed in you!” Sabi ni tito kay Arnel.

Kita ko naman ang pagpipigil ni Arnel na sumagot. Nang biglang mapatingin si tito sa akin. Nanlilisik ang mga tingin nito na wari mo’y kikitil ng buhay.

“Bakit mo ginawa sa amin to? Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo??? I haven’t seen this coming dahil hindi ko binigyang pansin yung sweetness niyo dahil ang tingin ko mag-best friends lang kayo! Kung nalaman ko lang sa umpisa pa lang, pinigilan na kitang lumapit sa anak ko! ” Paninisi ni tito sa akin.

Hindi ko magawang sumagot dahil nahihiya ako. Lumapit ito sa akin

“Andami nang naging girl friends ni Arnel at lahat iyon ay magaganda, matatalino at galing sa mga respetadong pamilya kaya naman tuwang-tuwa ako sa bawat babaeng dinadala niya. I have high hopes para sa kanya na itataguyod niya ang apelyido namin pero nawala lahat dahil sa kalandian mo!” Patuloy nito.

“Tito, I-I didn’t mean to fall sa anak niyo po. It came unexpectedly.” Mahina kong sagot dito.

“Tangina! Sasabihin mo ngayong unexpectedly? Kahit kailan expected na sa inyo ang manglandi nang mga lalaki. Para ano? Para gawing mga kagaya niyong mga salot sa lipunan!” Humarap ito kay Arnel. “What happened to Jessa? Bigla mo siyang tinapon dahil sa bakla na iyan?”

“Minahal ko si Jessa. Totoo napakaganda niya and she’s the perfect girl at mother ng magiging anak namin pero hindi ko na siya kaya pang lokohin. Marami pang mas babagay sa kanya, higit pa sa akin.” Malumanay na sabi nito.

“You’re a disgrace to the family!” Na may kahalong panduduro kay Arnel.

Hindi ko na napigilan pang mapaiyak. Maging si tita ay pinipigilan na mapaiyak.

“Ako na nagsasabi sa inyo na itigil niyo na ang kalokohan niyo dahil kung hindi mapipilitan akong ipatapon ka sa kapatid ko sa Mindanao.” Sabi nito kay Arnel sa malumanay na boses.

“Hindi mo pwedeng gawin sa akin yan! Matanda na ako! I know now what is best for me at hindi mo ako mapipigilang gawin kung ano yung nakikita kong tama!” Biglang sumbat na nito sa ama.

“Tama? Kailan pa naging tama na ang lalaki ay pumatol sa isang bakla? Sige sabihin mo sa akin!” Nanggagalaiti nitong sumbat kay Arnel.

“Nagiging mali lang ang ito sa mga kagaya mong makitid ang takbo nang utak at walang ibang inalala kundi ang sariling pride at kaligayahan!”

Dahil sa sinabi ni Arnel ay sinugod ito ni tito at sinuntok. Napatumba naman ito sa lakas ng impact. Inawat ni tita si tito samantalang inalalayan ko si Arnel.

“Len tama na.” Pagmamakaawa ko rito.

“No Dhen. Kailangan kong manindigan.”

Tumayo ito.

“You were never a father to me. All this time, iniisip mo na isa kang perpektong ama sa aming mga anak mo pero nagkakamali ka! Hindi ko makitang isa kang ama sa akin!”

Napatakip na lang ng bibig si tita sa sobrang pagkabigla nito sa mga sinabi ni Arnel.

“Wala kang karapatang sabihin na wala akong kuwentang ama! Lahat ginagawa ko para sa pamilyang ito!” Sigaw na sabi ni tito.

“Siguro nga tama ka, ikaw kasi tagabigay ng allowance namin. Sa tingin mo ba yun na yun? Alam mo ba how I felt each time na may mahalagang event sa buhay ko and yet walang tatay na dumadalo? Nasaan ka nang mga panahong iyon? Alam ni mama lahat, lahat ng hinanakit ko sa’yo pero lagi niyang sinasabi na intindihin ka. That’s what I did.”

Moment of silence. Hindi na napigilan ni Arnel na mapaiyak.

“I pursued your dream na maging pulis dahil frustrated police officer ka dahil sa military ka gustong ipasok ni lolo. Alam mo ba lahat ginawa ko para mag-excel sa klase? Pinasok ko rin ang student council para kahit paano ipagmalaki mo ako pero anong natanggap ko sa’yo? Wala! Ni simpleng appreciation hindi mo man lang maibigay! Bakit ka ganun pa? Bakit lahat ng decisions ko kinukontrol mo?”

“Dahil ayokong mapariwara ka! Gusto kong maging successful ka at sumunod sa mga yapak namin ng lolo mo!”

“Hindi yun ang gusto mong mangyari pa. Gusto mong maging kagaya niyo ako ni lolo dahil tinanggihan kayo ni kuya! Alam mo pa dahil sa pagkontrol mo sa mga kilos ko, hindi ako naging masaya kasi ang lagi kong naiisip baka hindi mo magustuhan yung kakalabasan ng mga decisions ko! Lumaki ako na walang sariling desisyon at paninindigan. I was grounded by your rules!”

Nanggagalaiti pa rin si tito sa mga sinasabi ni Arnel sa kanya. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa tagpong iyon. Na-shock si tita sa mga salitang lumabas kay Arnel dahil ito yung unang beses na sumagot ito sa ama.

“Alam mo ba na sa tuwing may family day nung bata pa ako, lagi mong sinasabi na darating ka. Lagi akong nag-eexpect ng presence mo. Isang oras, dalawa, tatlo pero dumating ka ba? Sila mama at kuya lang lagi ang nanduduon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin sa tuwing makikita ko mga kaklase ko kasama nila mga tatay nila? Alam mo rin ba kung gaano ako mainggit pag masaya sila? Hindi! Kasi busy ka riyan sa trabaho mo! Wala ka nang oras sa akin! Buti pa sila ate at kuya nakaranas na um-attend ka sa events nila! Were you proud of me?” Hindi nito napigilang maibulalas.

Sa tingin ko medyo kumalma na si tito dahil nawala na ang pagkuyom nito sa mga kamao niya.

“I love you pa but its just wrong na pati puso ko kokontrolin mo pa. Sobra na iyon. Sana maging masaya ka na lang sa amin ni Dhen. Kahit ito na lang yung hihingin ko sa’yo.” Malumanay na sabi nito.

Iyon na ang huli niyang nasabi bago umalis sa eksena si tito. Hindi na ito sinundan pa ni tita. Napahagulgol si Arnel ng niyakap ko ito. Sinubukan ko siyang aluin. Hindi ko ine-expect na ganito kabilis yung mga pangyayari sa amin.

Lumapit sa amin si tita. Niyakap niya kami ni Arnel. “Hayaan mo muna tatay mo, he’ll soon realize na may point ka. Just give him time.”

Simula nung araw na iyon, hindi na umuuwi si Arnel sa kanila bagkus sa amin na ito nanirahan pansamantala. Gusto niya sanang mag-rent na lang kahit bedspace pero hindi pumayag si mama at si papa. Kahit papaano mas mapapanatag sila na makitang ligtas si Arnel. Tanggap naman kami sa bahay namin kahit na nung umamin ako eh feeling ko kagaya ni tito si papa pero nagkamali ako. Ang sinabi niya na lang samin ay huwag babuyin yung bahay niya. Masuwerte ako sa papa ko.

Kahit papaano, kita ko naman ang pagsusumikap ni Arnel para ipakita sa pamilya ko na pinaninindigan niya ako. Nakaantabay sa amin ni Arnel ang mga magulang ko. Tinutulungan nila kami sa bawat desisyong gagawin namin.

Isang araw sa school, nakita kong nag-uusap si Arnel at Jessa sa may puno malapit sa may building namin. Mukhang may pinag-uusapan silang seryoso dahil kitang kita ko ang pagpunas ni Jessa sa mga luha nito. Pinabayaan ko na lang muna silang mag-usap.

“Girl, tara meryenda tayo. Nagugutom na ako eh.” Aya ni Febbie.

“Lagi ka namang gutom eh.” Pang-aasar ko.

“Oh well, ganun talaga. Kailangan eh.”

“Saan mo ba dinadala mga pagkain mo eh ang liit mo pa rin naman tsaka hindi ka ganun kataba?” Tanong ni Xyza.

“Alam ko kung saan.” Sabi ko rito sabay tingin sa dibdib nito.

Lumiyad pa si Febbie para bigyang emphasis yung dibdib niya. Nagtawanan na lang kami.

“Dali na, hirap na baka mangayayat pa. Wala nang magkakagusto sa akin.” Sabi nito.

“Desperada?” Usal ni Xyza.

“Palibhasa kasi kayo may mga dilig kaya wala na kayong pakialam sa akin.” Pagdadrama nito.

“Hay naku samahan na nga natin ito baka kung saan pa mapunta kadramahan nito. Mas lalo itong di magugustuhan ng mga lalaki.” Sabi ko.

“Tama ka.” Pag-sangayon ni Xyza.

Naglalakad na kami papunta sa canteen ng may tumawag sa akin. Si Arnel pala kasama si Jessa. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko ni Xyza sa akin. Tiningnan ko lang ito bago muling hinarap yung dalawa.

“Hon, saan kayo punta?” Tanong nito sa akin.

“Ahm sa canteen. Meryenda lang kasi nagugutom si Febbie eh.” Sabay turo rito.

Tahimik lang si Jessa at kitang kita rito na galing ito sa iyak.

“Ah ganun ba. Sama na kami sa inyo.”

“Hindi ba kami nakakaistorbo?” Hindi maiwasang masabi ni Febbie.

Napatingin kaming lahat kay Febbie at napatahimik.

“Ahm, Dhen. C-can we talk?” Usal ni Jessa.

Kita ko naman ang pagngiti ni Len sa akin. Napatango na lang ako.

“Excuse us guys, una na kayo sa canteen.” Sabi ko sa kanila.

Bago pa umalis si Arnel at sumunod sa dalawa eh bumulong pa ito sa akin ng I love you. Siyempre may dulot iyong kilig sa akin.

“Dhen, I-I’m sorry.” Sambit ni Jessa nang makaalis na yung tatlo.

“Para saan?” Takang tanong ko.

“Kasi, kasi ano…” May hesitations sa tinig nito.

“Sige kaya mo yan.” Pang-eencourage ko rito.

“Ahm, ako kasi nagsabi kay tito nang tungkol sa inyo ni Arnel.” Nakayuko nitong sabi.

Tahimik lang ako. Hindi na ako nagulat pero hindi ko rin maiwasang matuwa sa pagiging tapat niya.

“Nagawa ko lang naman iyon kasi sobrang mahal ko si Arnel. Masyado akong naging selfish. Hindi ko na inisip na pwede ka pa lang mapahamak maging si Arnel sa desisyon ko. Hindi ko ginustong lumayas siya sa kanila.”

“Jessa.” Sabay hawak ko sa balikat niya. Napatingin ito sa akin na may namumuong luha sa mga mata nito. “Kahit na ganun ang ginawa mo sa amin, hindi ko na magawa pang magalit sa’yo. Ayoko na rin kasing magalit pa, dadami lang wrinkles ko.” Sabi ko rito.

Napangiti naman ito sa huli kong sinabi.

“Ayan, dapat ngiti ka lang palagi kasi mas maganda ka pag ganyan. Kung nagkataong straight ako, aagawin kita sa best friend ko.”

“Loka!” Nasambit nito bigla sa akin na nagpatigil sa amin pareho.

Napatawa na lang kami.

“Honestly Jessa, I never expected you na lalapit sa akin at hihingi nang tawad. In the first place, ako pa nga dapat mag-sorry sa’yo kasi dahil sa akin nasira relasyon niyo.”

“Oo nga sinira mo relasyon namin. Kainis ka!” Sabi nito at tinampal pa ako sa balikat.

Mabait pa lang talaga si Jessa kasi nagawa nitong makipag-usap sa akin na kala mo eh walang gulong namagitan sa pagitan namin.

“Pero kamusta naman na ang buhay pag-ibig mo ngayon? May bago na bang nagpapatibok sa puso mo?”

“Maraming nagpaparamdam pero sarado pa kasi ngayon puso ko for applications eh. Still recovering pa kasi.”

“Ah ganun ba? Naku, hangad ko ang kaligayahan mo.”

“Salamat Dhen huh.”

At niyakap ako nito. Gumanti na lang ako nang yakap.

Inaya ko na si Jessa na sumama sa aming magmeryenda sa canteen. Masaya naman kaming nagbabangkaan. Nakiki-sabay na rin paminsan-minsan si Jessa sa mga biruan namin. Nag-aadjust pa kasi siya pero kita mo naman na mas masaya na siya ngayon compared noon.

Matapos ang huling klase naming iyon nung hapon, nakita ko agad si Arnel na naghihintay sa labas ng classroom namin. Nang makita ako nito ay agad na itong nag-ayang umuwi. Siyempre walang nagawa yung dalawa kong kaibigan kasi si Arnel yung batas eh.

Nagkukuwentuhan lang kami sa mga naganap sa amin nung araw na iyon habang naglalakad pauwi nang bahay. Mababakas mo na rin naman ang kasiyahan sa mukha ni Arnel dahil nabawasan na rin siya nang isang tinik sa dibdib. Isa na lang ang alam kong iniinda niya ngayon.

Nagtatawanan pa kami nang pumasok sa loob ng bahay ng kapwa kami biglang natahimik. Hindi ko alam na may bisita pala kami at ang nakakagulat pa ay ang katauhan msimo nang bisita.

“Son?” Tumayo ito pagkakita sa amin.

Napatda ako sa katagang lumabas sa bibig ng bisita namin. Sinipat ko si Arnel at bakas rito ang kaligayahang makita muli ang nakagalit na ama. Napaluha ito. Hinagod ko naman ang likuran nito.

“Pa?” May agam-agam na banggit nito.

Agad naman na nag-reach out si tito kay Arnel. Napatakbo na ito para mayakap ang ama. Labis ang kaligayahang namamahay sa dibdib ko dahil kahit papaano ay nagkaayos na sila. Matapos magyakapan nung dalawa ay kapwa sila napatingin sa akin. Inaya naman ako ni tito na yakapin din siya.

Mas nalubos ang kaligayahan ko nang yakapin si tito. Tama siguro akong sabihin na tinanggap na ni tito ang relasyon namin ng anak niya.

Nang bumitaw ako sa yakap niya ay nagsalita ito.

“Dhen, I’m sorry sa mga masasakit na salita na nasabi ko sa’yo noon.”

“Naiintindihan ko po yun tito. Galit po kasi kayo sa pangyayari kaya hindi niyo na napigilan ang sarili niyo.”

“Oo nga eh. Alam mo ba nung oras na iyon, kung hindi pa kami nagkasagutan nitong anak ko eh hindi ko malalaman na may sama pala ito nang loob sa akin. Wala kasi itong lakas ng loob na sumagot sa akin eh.”

Litanya ni tito habang ginugulo buhok ni Arnel. Natutuwa naman ako sa nakikita ko sa mag-ama. Inutusan niya si Arnel na lumayo muna at mag-uusap daw kami.

“Alam mo ba, na-realize ko noon lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya at tama siya hindi ako naging tatay sa kanya kaya naman babawi ako.”

Natuwa ako sa sinabing iyon ni tito.

“Alam mo masakit pa rin sa akin na yung bunso ko eh sa kapwa niya pumatol…” Ramdam ko pa rin na may hinanakit siya sa mga pangyayari. “…pero wala na akong magagawa pa run eh. Siguro, susuportahan ko na lang siya kasi sa tingin ko yun yung nakikita kong paraan para makabawi sa kanya.”

“Tito…”

“Eto lang sana hiling ko sa inyo, huwag niyo sanang papabayaan ang isa’t isa at hanggang maaari intindihin niyo ang pagkukulang niyo. Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa.”

“Tito maraming maraming salamat po! Hindi niyo po alam pero napakasaya kop o na tinanggap niyo na kung anong meron sa amin ni Len. Pinapangako ko po na iintindihin ko siya hanggang kaya ko.”

“Isa pa pala.”

“Ano poi yon tito?”

“Bigyan niyo naman kami nang apo.”

Dahil sa huling sinabi ni tito ay hindi ko maiwasang hindi matawa. Hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Arnel.

“Anong pinag-uusapan niyong dalawa riyan?”

“Wala po.” Tugon ko.

“Anong wala! Sabihin niyo!” May utos na sabi nito.

“Huwag mong sasabihin pinag-usapan natin huh.” Sabi naman ni tito.

“Opo.” Sagot ko.

“Ah ganun, so may secret-secret na. Sige bahala kayo mga buhay niyo.” At tumalikod ito sa amin.

Natawa kami lalo ni tito sa inasta ni Arnel. Pinagsabihan naman ito ni tito.

Nag-bonding ulit yung mag-ama. Nagkuwentuhan sila sa mga bagay-bagay na nakaligtaan ni tito sa buhay ng bunso niya. Nakakatuwang tingnan yung dalawa habang parang bata si Arnel na may actions pa talaga ang pagkukwento. Isa ito sa mga issues ko noon na hindi ko akalaing magkakaroon ng magandang resulta.

Hindi na rin masyadong nagtagal pa si tito sa bahay at nagpaalam na. Hinatid namin ito sa labas. Muli humingi nang tawad sa amin si tito at nagpasalamat na rin.

“Masaya ka ba?” Tanong ko rito nang wala na si tito.

“Oo naman. Sobrang saya!”

“Ako rin masaya ako para sa’yo.”

“Mas masaya ako para sa atin.” At yumakap sa akin.

“Drama mo.”

“Mahal mo naman.”

“Uto!”

Inaya ko na siyang pumasok sa loob.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Ano pinag-usapan niyo ni papa?”

“Wala iyon. Huwag mo masyadong isipin.”

“Dali na, sabihin mo na.”

“Huwag na sabi eh.”

“Hindi mo sasabihin?”

“Hindi.”

“Ganun?”

“Oo.”

“Eh di huwag.” May tampo nitong sabi.

“Uto ka talaga!” Sabay batok ko rito.

Tumakbo ako papasok sa kuwarto at hinabol naman ako nito. Pinaulanan niya ako nang isang libong kiliti. Hindi naman ako makailag. Masaya ako sobra dahil maayos na naming haharapin ang bukas kasama nang isa’t isa at ang mga pamilya naming handa kaming suportahan.

“I love you Dhen!”

“Uto!”



---WAKAS---

Nais kong pasalamatan ang mga taong sumubaybay sa Torn Between Two Lovers? at patuloy na nagbibigay ng mga comments. Alam kong maaaring nagsasawa na kayo sa kakabasa nang batian portions ko pero hinding hindi ako magsasawang pasalamatan kayo at gawin ang bahaging iyon dahil sa pamamagitan niyon ay naipapadama ko sa inyo ang aking kagalakan. Saying thank you is not enough for making this story a success! I love you guys!

Siyempre hindi mawawala ang pagbanggit ko sa mga pangalan niyo.

Pink 5ive
zekie
marc
nate
Jhae17
Jay (Jcoi)
Superman
ged
ram
Dave17
mark
alfie
Rue (Idol gusto ko yung gawa mo. Sana marami pang ganun)
Coffee Prince
Aerbourne14
Zildjian (Isa ka na sa mga bago kong idol. Grabe ang ganda nang The Right Time mo. Aabangan ko yung next story mo.)
dada (Sana patuloy mong suportahan ang kaibigan nating si Zildjian)
blue
Anonymous
Silent Readers
atbp (Pasensya na po sa mga ibang hindi ko nabanggit ngunit taos-puso pa rin po akong nagpapaalamat sa inyo).

Hanggang sa muli mga kaibigan. Mahal na mahal ko kayo.

Lovelots,

Dhenxo :DD

PS: Ooopppssss, muntik ko nang makalimutan. Sa isang taong nagbibigay ng ganap na kaligayan sa aking buhay. Salamat. Binuhay mo ang passion ko sa pagsusulat. Mag-iisang taon na ang story na ito ngunit dahil sa motivations mo ay nagawa ko siyang tapusin. Zeke, mahal na mahal kita. Ingatan mo lagi sarili mo and I'll see you soon. I'll wait for you.

Friday, September 23, 2011

Torn Between Two Lovers? xvi

Salamat po sa pagsubaybay! Mahal ko kayo lalo ka na BABE ko!

Enjoy po... :D

Lovelots,

Dhenxo :DD

-------------------------------------------------------------------------------------------------


“Maganda pa rin dito.” Sambit ko nang bumungad sa akin yung resort.

“Yeah, sakto sa gusto kong mangyari.”

“Anong sakto sa gusto mong mangyari?”

“Tingnan mo na lang. Alam ko naman na mag-eenjoy ka sa akin ngayong gabi eh.”

“Kapag ako hindi nag-enjoy, isang taon kitang hindi papansinin.”

“Hala, huwag naman. Isang lingo mo nga lang akong hindi kausapin eh halos mabaliw na ako, isang taon pa kaya?”

“Kaya umayos ka.” Banta ko rito.

Sumaludo na lang ito sa akin na kala mo isa akong official.

“Uto!”

Pagkapasok namin, pansin ko na agad ang mga pami-pamilyang nag-uumpukan sa may pool. Nag-eenjoy sila sa bawat pagkampay nila nang mga kamay nila sa tubig. Rinig na rinig ang tawanan, asaran at hiyawan na siya namang nagpangiti sa akin.

“Ayos ngiti mo ah.”

“Katuwa kasi sila.” Sabay turo ko sa mga isang grupo na nag-aasaran.

“Parang tayo lang yan nun. Naalala mo pa ba?” Sabi niya.

Tumango lang ako.

“Kamusta na kaya sila? Tagal ko nang walang balita sa kanila eh.”

“Sa pagkakaalam ko, busy pa rin sila sa pag-aaral saan man sila ngayon. At si Abie…” Tumingin muna ito sa akin bago nagpatuloy. “…nagtatrabaho raw sa may department store.”

“Nasabi na sa akin ng kapatid niya yan.” Wala na akong maramdamang hinanakit kay Abie. Matagal na kasing tapos yung nangyari at nakalimutan ko na yung pakiramdam.

“Buti naman. O siya tara na sa cottage para makapahinga muna tayo saglit.”

Sumunod naman ako rito.

“Teka, heto rin yung cottage natin dati ah.” Sabay punta sa likurang part para tingnan kung andun pa rin yung sinulat namin. “Andito pa rin yung Vluxicate!”

“Naalala mo pa pala yung pangalan ng grupo natin.”

“Siyempre naman. Kanang kamay kaya ako nang leader kaya imposibleng makalimutan ko iyon.”

“Ikaw na!”

Natahimik ako saglit.

“Maiba ako, anong meron at bakit tayo pumuntang dalawa rito?”

“Gusto lang kitang masolo.”

“Uto! Ayan ka na naman. Epekto siguro yan ng alikabok sa daan.” Inalog-alog ko ulo nito.

“Anong ginagawa mo?” Matapos pigilan yung ginagawa ko.

“Baka kasi maalis yung alikabok eh para gumana nang maayos takbo nang utak mo.”

“Puro ka naman kalokohan eh.”

“Puro ka kasi biro. Huwag ganun baka atakihin ako sa puso.”

“Uto! Seryosohin mo naman kasi ako.” May pagmamakaawa sa boses nito.

“Ahm, pwede mamaya nang konti? Medyo mainit pa kasi eh.”

“Puro ka talaga kalokohan.”

“Mahal mo naman.” Pabulong kong sabi.

“May sinasabi ka dyan?”

“Wala!”

“Sasabihin mo o hindi?”

“Wala naman kasi akong sasabihin ah.” May arte kong tugon.

“Ah ganun!” At inambahan ako nito nang isang libong kiliti.

Buti na lang at medyo maluwang yung cottage kaya nagawa kong makaiwas sa kanya. Hindi nga lang ito matigil hangga’t hindi ako nakikiliti.

“Tumigil ka!”

“Ayaw! Sabihin mo muna yung sinabi mo kanina.”

“Grow up Len! Isip-bata ka na naman.”

“Uray mampay (Kahit na ba)!” Balewala nitong sagot.

“Agsardingkan (tumigil ka na)!”

Nag-make face lang ito. Wala talagang plano magpatalo. Pagod na rin ako sa kakaiwas kaya naman umupo na ako. Hingal na hingal. Naghahanap ako nang pwedeng mainom ng maalala kong wala nga pala kaming dalang tubig o pagkain man lang.

“Len, nauuhaw ako.”

“Ayan oh.” Sabay turo sa pool.

“Yuck! Andami nang ihi niyan eh.”

Tatawa-tawa lang si mokong.

“Don’t worry dun tayo kakain sa may dining hall nila.”

“Di pa ako gutom. Uhaw oo.”

“Eh di dun na rin.”

“Libre ba yun?” Kukulangin kasi budget ko pag nagkataon.

“Kuripot! Oo, libre yun huwag kang mag-alala.”

“Good. Pahinga muna ako.”

“Sige may puntahan lang ako saglit.” Paalam nito.

Simula pa lang ng araw ay nag-eenjoy na ako. Paano pa kaya hanggang mamaya? Napangiti na lang ako dulot ng saya.

“Dhen gising!” May patampal-tampal pa sa pisngi ko. Nakaidlip pala ako.

“Ano ba? Maaga pa.” Maktol ko rito.

“Tarantado! Wala ka sa bahay niyo.”

Bigla kong naalala na nasa resort nga pala kami.

“Pasensya naman. Bakit antagal mo?” Tanong ko.

“Anong tagal? Saglit lang ako umalis kanina pagbalik ko tulog ka na.”

“Ganun ba?”

“Oh inom ka muna.”

Inabot ko naman yung bottled water at tinungga. Grabe, ilang lagukan lang ubos agad sa sobrang pagkauhaw ko.

“Di ka pa ba maliligo?”

“Palinis mo muna yung tubig.”

“Arte mo huh.”

“Ganun talaga.”

“So pag hindi ito nalinis hindi ka maliligo?”

“Oo.”

“Tingnan natin.”

“Sige subukan mo. Iiwan kita rito.”

“Kaya mo ba?”

Napaisip ako. Walanghiya ang layo nang lalakarin ko pag nagkataon. Ayoko naman maglakad sa ilalim ng init ng araw.

“See? Na-realize mo rin na hindi ka basta-basta makakauwi kung wala kang sasakyan.”

Inismiran ko lang ito. Tatawa-tawa naman si mokong sa reaction ko.

“Dhen, punta na tayo sa dining hall.”

“Okay.”

Tinungo na nga namin yung hall. Loko-loko talaga itong si Arnel at ginagap ang kamay ko. Sa hiya ko, agad kong binawi kamay ko sabay kurot dito. Napa-aray naman siya pero hindi nagpapigil. Umakbay na lang para safe.

Nanlaki mata ko nang makitang venue pala nang isang kasal yung hall. Nang sipatin ko si Arnel, pa-easy-easy lang ito, nagbigay ng assuring look at nagpatuloy sa paglakad. Kita ko naman na may pangiti-ngiti ito sa mga nakakasalubong namin. Terno naman suot naming dalawa sa attire nilang pang-beach kuno.

Nakipila na kami papunta sa may cater table. Malayo pa lang ay sumasamyo na ang sarap ng mga pagkain kaya mas lalo tuloy akong ginutom. Nung finally makakuha na kami nang pagkain, pumuwesto na kami sa isa sa mga tables na bakante.

May ilan ding bisita ang naki-table sa amin. Ang daldal talaga nitong kasama ko kasi kung sino-sino kinakausap. Akala mo naghahagilap ng boto sa nalalapit na eleksyon. Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa cottage.

“Len, sino pala yung kinasal?”

Ngumiti lang ito at hindi sumagot.

“Hoy kinakausap kaya kita. Huwag kang bastos.”

Bumunghalit ito nang tawa.

“Walanghiya, sige tumawa ka pa.”

“Hindi ko sila kilala.” Na hindi pa rin matigil sa kakatawa.

“Ano???”

“Seryoso, hindi ko sila kilala.”

“Gago ka talaga! Paano pag nalaman nilang hindi talaga tayo bisita?”

“Eh hindi naman di ba?”

“Ewan ko sa’yo. Kala ko naman kilala mo yung ikinasal. Ang lakas pa talaga nang loob mong makipag-usap dun ah.” Hindi pa rin maalis yung pangamba ko.

“Siyempre naman.”

Tumahimik kami pareho. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming mag-gatecrash sa mismong reception ng isang kasal. Nakakahiya yun.

“Dhen, ligo na tayo. Konti na lang mga tao.” Pambabasag nito sa katahimikan.

“Ikaw na lang. Ayokong masunog.”

“Arte talaga nito! Hindi bagay kaya.”

“Ah hindi bagay pala huh.” Lumayo ako nang bahagya rito. “Effective ngayong oras ang TRO ko. Dapat hindi ka lalapit sa akin ng 20meters.”

“Anong sinasabi mo?” May pangiti-ngiti pa nitong sabi.

Akala niya siguro nagbibiro ako pero nung lalapit siya ay tinabig ko ito. Bahagya mang nagulat sa reaction ko ay pinabayaan niya na lang ako.

“Sige bahala ka. Maliligo na ako.”

“Go ahead. Maluwang pa yung pool.”

At naligo na nga ito. Ako naman, dumiretso na sa may cottage at tumambay. Hindi talaga ako makatiis sa sobrang alinsangan ng panahon. Paypay dito, paypay doon. Kasagsagan kasi nang init kaya naman halos maligo na ako sa pawis samantalang si Arnel naman ay sarap na sarap sa paliligo nito.

Panay naman ang pagtawag nito sa akin pero panay din ang tanggi ko. Ayaw ko talaga maligo sa pool, I mean sa public pool. Everytime kasi na ginagawa ko iyon pagdating ng gabi bigla na lang akong tinatrangkaso. Masakit katawan ko na may kasamang mataas na lagnat. Kung suswertehin naman, maiimpeksyon pa ang tainga.

Mataman ko na lang na pinapanuod si Arnel sa ginagawa nitong pagpapasikat. Maya-maya pa naramdaman kong nagba-vibrate phone ko. Tumayo ako para kunin phone ko. Pagsilip ko, may incoming call ako.

“Hello?”

“Yes.”

“Ay tita, opo kasama ko po siya ngayon.”

“Ganun po ba? Kahit ako man po nagulat eh.”

“Sinabi mo pa tita. Bigla-bigla na lang nagsabi kay mama kanina na may pupuntahan daw po kami.”

“Yes tita.”

“Opo tita.”

“Sige po.”

“Ako na pong bahala sa isang ito.”

“Salamat po.”

At pinutol na ni tita yung tawag. Walanghiya talaga itong taong to. Hindi rin pala nagpaalam sa kanila kung saan siya pupunta. Naku, makakatikim talaga ito sa akin ng aking makasaysayang batok. Sakto namang kakaahon nito. Pasimple akong ngumiti.

“Sino kausap mo?” May selos sa tinig nito.

“Bakit gusto mong malaman?”

“Karapatan ko malaman iyon kasi ako ang kasama mo rito.” Kalmado ngunit may batas na sabi nito.

“Gusto mong malaman?”

Tumango ito.

“Lapit ka rito.”

“Eh yung TRO mo?”

“Pansamantala munang walang bisa.”

Lumapit naman ito agad at agad ko nang ibinigay sa kanya yung makasaysayang batok ko.

“Aray! Masakit yun ah!” Sabi nito.

“Gago ka pala eh. Hindi ka rin pala nagpaalam kay tita na may lakad ka. Buti na lang tumawag sa akin. Naku ikaw talaga!”

Pangiti-ngiti na lang ito.

“Sige ngumiti ka lang, ubusin mo yan ngayon dahil pag-uwi natin mamaya tingnan natin kung makangiti ka pa.”

“At sino nagsabi sa’yong uuwi tayo mamaya?”

Nanlaki mata ko sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“Bukas pa tayo uuwi.”

“Hindi puwede Len. Kailangan kong umuwi mamaya. May proposal pa akong tatapusin.”

“Hindi! Kaya nga kita dinala rito para kahit papano makalimot ka sa pressure ng council niyo eh.”

“Len naman eh.” Halos mangiyak-ngiyak ko nang sabi rito.

“Let’s just enjoy the day okay? Promise ko sa’yo na hindi ka mabo-bored pag kasama mo ako.”

Dahil nakalift pa yung TRO ko, nagawa nitong makalapit pa sa akin at hinapit ako sa bewang.

“Dhen mahal na mahal kita.”

Nakatingin lang ako rito.

“Hindi mo alam pero you mean the world to me.” At hinagkan ako nito.

Hinayaan ko lang siyang i-enjoy yung moment. Pilit ko naman na huwag masyadong maapektuhan. Nang humiwalay yung labi niya, binatukan ko pa ulit.

“Aray! Nakakarami ka na huh.”

“Ang corny mo kasi eh.”

“Corny pala huh. Tingnan ko lang.” At hinuli na naman ako nito para bigyan ng isang libong kiliti.

Hindi nakaligtas sa amin ang mga salitang “ang sweet niyo naman” mula sa mga taong nakakita sa ginagawa namin. Hindi ko na pinansin pa kung sarcastic ba iyon o may inggit. Wala akong pakialam.

Bumalik na ulit si Arnel sa paliligo at ako naman ay sa cottage. Muni-muni sabay text. Ayaw ko talaga kasi maligo sa pool eh. Nakakatuwa talaga si Len. Kasi pag kami lang magkausap, Dhen tawag niya pero pag maraming nakakarinig best o kaya hon tawag niya sa akin. Hindi ko na naman namalayan na nakaidlip na naman ako.

Nang imulat ko mga mata ko, magga-gabi na pala. Hindi ako nakaidlip pala, tulog. Hinanap ko si Arnel pero hindi ko ito makita. Baka naman nag-stroll lang. Muli kong nakita yung burol na naging saksi sa pag-aaminan namin ni Arnel ng saloobin namin noon. Di ko maiwasang mapangiti.

Tinungo ko ito dahil gusto kong balikan ang nakaraan. Papaakyat n asana ako nang may pumigil sa akin.

“Mamaya ka na umakyat dyan. Kain muna tayo.”

“Kain? Hay naku, ayoko. Kumain ka mag-isa mo. Ipahamak mo pa ako.”

“Seryoso, kakain tayo. Naka-order na rin ako.”

Nakatingin lang ako rito. Tinatantya kung seryoso nga siya.

“Tara, kunin natin sa canteen yung in-order ko tapos dalhin natin sa cottage. Doon na lang tayo kumain.”

Sumunod na lang ako rito. Mukha ngang nagsasabi ito nang totoo dahil nakita ko ang pag-abot nito nang bayad sa kahera. Dinala na nga namin yung pagkain sa may cottage. Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Sa totoo lang, napaka-romantic ng scene. Para kaming tanga na nagsusubuan ng pagkain. Matapos naming kumain, nagpahinga muna kami saglit.

“Sarap ng tulog mo kanina ah.”

“Oo nga. Hindi ko na namalayan. Ganun talaga ako kapag sobrang init ng panahon. Bigla-bigla na lang makakatulog.”

“Ahhh.”

“Ikaw anong ginawa mo kaninang tulog ako?”

“Nag-swimming lang tapos umakyat sa burol.”

“Then?”

“Anong then? Yun lang ginawa ko kanina.”

“Ah okay.”

“Teka nakapahinga ka na bang maigi?” Tanong nito.

“Medyo bakiit?”

“Kaya mo na bang umakyat sa burol?”

“Oo naman. Anong akala mo sa akin?”

“Sige tara na akyat na tayo.”

Paanyaya niya. Since may papadilim na rin ang paligid, hindi na ako tumanggi pa nang hawakan niya kamay ko. Ganito pala kasarap sa feeling yung wala ka nang masyadong iniisip na problema. Yung tipong may peace of mind kasama yung taong mahal mo at nagmamahal sa iyo.

Ilang lakad pa ay narating na rin namin ang tuktok. Napa-wow naman ako sa nasaksihan. Ang gandang silayan ang paglubog ng araw. Napaka-romantic.

“Naalala ko rito tayo unang nag-aminan.” Sabay upo niya sa may damuhan.

“Tama. Naalala ko rin kung paano tayo magmukhang tanga habang nag-iisip kung paano magsisimula.” Napangiti na lang ako.

“Oo nga eh. Andaming pasikot sikot. Grabe first time kong gumanon.” May patawa-tawa pa nitong sabi.

“First time? Utuin mo pa ako. Eh ilang beses mo na kayang ginawa yung sa mga naging girl friends mo nung high school.”

“Eh siyempre iba ka eh tsaka ikaw lang naman yung lalaking minahal ko nang ganun noon hanggang ngayon.”

Pinili ko na lang muna tumingin sa malayo. Ramdam ko kasi ang pamumula nang pisngi ko.

Tahimik.

“Nga pala, Len bakit parang nag-alangan ka kanina nung mabanggit mo pangalan ni Abie? What are your thoughts ba?”

“Ah kasi baka bigla kang mag-walkout eh.”

“Walkout?”

“Yeah, just like what you did before nung pilit siyang sumisingit sa moments nating dalawa.”

“Ah yun ba. Naku, I’m over with it matagal na. Honestly, I’m missing her now.”

“Ako rin.” Natahimik siya saglit. “Dhen, pinagselosan mo ba talaga si Abie?”

“Hindi ah. Bakit ko naman pagseselosan yun?” Deny pa ako.

“Woooo! Uto ka talaga. Alam mo hindi mo maitatanggi sa akin ang pagseselos mo dahil kitang kita ko kung anong reaction mo noon.”

“Bakit mo pa tinatanong kung alam mo na pala?”

“I just want to make sure.”

“Uto ka! Kala mo huh, kita ko rin kung paano mo ako gustong amuin noon pero di mo magawa kasi bantay sarado ka kay Abie.” Sabay tawa ko.

“Grabe kasi kung makakapit yung babaeng yun. Hindi na ako makakilos sa sobrang kapit niya.”

“Parang ganito ba?” At kumapit ako sa braso niya.

“Oo ganyan nga pero this time okay na okay sa akin kasi mahal ko naman yung gumagawa eh.”

“Uto! Lakas mo maka-high ah!” At bumitaw na sa kanya.

“O bakit ka bumitaw? Nag-eenjoy ako kaya.”

“Upak gusto mo?”

“Sige di bale na lang. Sayang naman effort mo, hindi rin naman ako masasaktan niyan eh kasi weak ka.”

“Weak pala huh.” At binigyan ko siya nang suntok sa braso.

Kita ko ang pagngiwi niya.

“Ano weak ba?”” Pang-aasar ko.

“Wala pa rin. Mahina pa rin. Gusto mo paramdam ko sa’yo kung ano yung malakas sa weak?” Habang hinihimas niya yung braso niya.

“Naku, di bale na. Sige na, weak na ako.” Takot ko lang na magkapasa.

“Bakit pala si Jayson napili mong makasama noon?” Tanong niya.

“Harmless kasi siya.”

“Wow harmless? Ayos ah.”

“Naman.”

“Seriously?”

“Hmmm, kasi siya lang yung feeling ko eh libre nung mga oras na iyon. Couples kasi ‘kayo’ noon kaya naman OP kami ni Jayson.”

“Couple nga kaso yung partner ko iniwan ako.” Sabi nito sabay nguso na parang kawawa.

“Hindi kaya siya nang-iwan sa’yo. Siya ang iniwan dahil nakahanap ka nang bagong partner.” Panunumbat ko sabay kapit sa kanya ulit.

“Hindi kaya. Kung alam niya lang kung gaano kasakit sakin nung iwan niya ako at hindi pinapansin.”

“Buti na lang kahit papaano meron si Jayson na sinakyan trip ko noon.” Pambabalewala ko sa sinabi niya.

Natahimik na naman kami. Hindi ko alam pero uso talaga ata ang biglaang pananahimik.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Look at me.” Utos nito na agad ko naman ginawa.

“Uulitin ko yung sinabi ko sa’yo noon.”

“Ano i---?” Pinigil niya ako sa pagsasalita.

“Shhh! Hayaan mo na lang muna akong magsalita.” Napatango na lang ako. “Ngayong libre na ako at libre ka na rin, maaari na bang maging tayo?”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Overwhelming kasi yung mga nangyayari at hindi ko maiwasang hindi isipin na baka nananaginip lang ako ngunit nagawa ko pa ring sumagot.

“Talaga?” Tuwang-tuwa niyang tanong.

Tumango lang ako.

“Salamat Dhen. Sobrang salamat! Hinding hindi kita sasaktan.”

“Uto! Ilang beses mo na kaya akong sinaktan.” Sumbat ko sa kanya.

“Eh di iiwasan kong saktan ka.”

“Loko-loko!”

“Let’s seal it with a kiss.” Sabi nito sa akin na siya naming ginawa.

Sa hinaba-haba nang panahon, sa ganito rin pala aabot yung story naming dalawa. Andaming twists and turns pero buti na lang naging matatag siya. Pasalamat rin ako na sa best friend ko ako tumango at hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko. Hindi lingid sa amin na marami kaming problemang kakaharapin pero nangako kami sa isa’t isa na hindi kami bibitiw. Mapanindigan kaya naming dalawa ang pangako?

(itutuloy...)

Sunday, September 18, 2011

Torn Between Two Lovers? xv

Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si Francis makalipas ang naging encounter namin. Naiintindihan ko naman yung galit niya pero sana hindi siya basta-basta naniwala sa mga paninira sa akin. Totoo ko siyang minahal at wala akong pinagsisihan doon. Siguro nga lang, sa ganitong paraan magwawakas ang kung anumang special na namamagitan sa amin.

“Hey girl, pansin ko na hindi na kayo madalas magkasama ni Francis.” Bungad ni Febbie.

“Busy siya sa studies girl. Alam mo naman may hinahabol na grade, running for Cum Laude ata yun eh.” Si Xyza na ang sumagot.

“Ah ganun ba? Nakaka-miss kasi mga panlilibre niya eh.”

“Ah kaya mo pala siya hinahanap kasi magpapalibre ka ulit.”

Nanatili pa rin akong tahimik.

“Siyempre naman nuh, laman tyan din yun tsaka makakatipid pa tayo nun.”

Natawa si Febbie sa sinabi nito pero bakit hindi ko magawang matawa or mangiti man lang. Hurting? Siguro, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang malabo na ang lahat sa amin.

Naglalakad kami sa hallway nun pabalik sa classroom ng hindi inaahasang makakasalubong namin si Francis at Jie. Medyo na-tense ako. Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang mukha ni Francis pagkakita sa amin.

“Hi Francis!” Bati ni Febbie sa kanya pero parang hangin lang ito na hindi pinansin ni Francis.

“Ay hindi pinansin!” Pang-aasar ni Xyza.

Sumimangot lang ito.

“So paano ba yan mukhang wala nang libre si Francis sa’yo!” Patuloy na pang-aasar ni Xyza.

“Bakit hindi siya namansin?” Nahihiwagaang tanong ni Febbie. “Dhen, nag-away ba kayo?”

Nabigla ako sa tanong nito. Medyo malayo kasi iniisip ko.

“H-huh?”

“Ang sabi ko, nag-away ba kayo ni Francis at maging ikaw eh hindi man lang niya pinansin? Ang layo kasi nang iniisip mo eh.”

Hindi ko alam kung sapat na ba ang ilang araw na nakalipas para masabi ko na ang dahilan. Kinapa ko ang sarili ko pero napagtanto kong hindi ko pa pala kaya.

“Ah girl, lapit na ang time dalian natin. Ayoko masabunan ni Mr. Cristobal.” Pagbabago ko sa topic sabay hila kay Xyza. Mahirap na baka madulas pa ito.

“Teka naman!”

“Dalian mo kasi lumakad. Umatake na naman kasi pagiging pagong mo eh.” Pambawi ko para ipakita na hindi ako apektado.

“Fuck you!!!” Sigaw nito.

At dahil sa pagsigaw na ito ni Febbie, bigla na lang lumabas sa kung saan yung teacher na nanghahabol ng sinturon.

“Bullshit nursing students! You don’t know how to show respect to others then I’ll give you what you deserve.” At ayan na naman, binubunot na naman niya ang mahiwaga nitong sinturon habang dada pa rin ng dada.

Dahil sa nasaksihan, aba, namalayan na lang namin si Febbie na dumaan sa harapan namin. Para itong si The Flash sa pagtakbo dahil na rin sa takot. Tawang-tawa kami sa hitsura nito nang madatnan namin sa classroom.

“Ayan, sumigaw ka pa ulit dun sa klase ni tanda tingnan ko lang kung maka-hirit ka pa.” Pangbubuska ni Xyza.

Hindi pa rin ito makaimik bagama’t nakakaawa ang reaction nito.

“Huy Febbie, wala na si tanda. Pwede ka nang bumalik sa dati mong kulay.” Pang-asar ko pa.

“Kabuwisit talaga kayong dalawa!” Inis nitong sumbat.

“Aba’t sino ba kasi nagsabing sumigaw ka at itataon mo pa sa tapat ng klase niya.” SI Xyza.

“Alam ko ba kasi.”

“Eh sana sa susunod bago ka sumigaw ng ganun eh tingnan mo muna kung may nagkaklase.” Panunumbat ko.

“Hay naku, buti na lang nakatakbo ako.”

“Oo nga, nagulat nga kami sa nangyari eh. Dapat pala lagi kang hahabulin ng sinturon ni tanda eh.”

“Tama ka dyan girl!” Sabay bigay namin ng nakakalokong tawa.

Ramdam naming dalawa ni Xyza na hindi pa rin moved on si Febbie sa nangyari kaya naman patuloy lang namin siyang inaasar. Kakagulat naman na unti-unti na rin itong gumaganti.

Maya-maya pa dumating na ung prof namin at nag-umpisa na naman magturo. Walang kamatayang pakikinig na naman sa isang boring na kagaya niya. Gustuhin ko mang making eh hindi ko talaga maiwasang hindi mag-daydream. Mas maigi na siguro iyon kesa naman makatulog ako kakapakinig sa kanya.

“Okay class! That’s all for today. We’ll be having our departmental meeting in 10minutes. Please read your notes and we’ll be having a graded recitation tomorrow.”

At dahil sa narinig kong iyon ay biglang pumalakpak tenga ko sa sobrang kasiyahan. Sa wakas maaga niyang tinapos yung klase. Unang beses itong nangyari kaya naman iba talaga ang hatid nitong tuwa sa akin.

“Anyway, Mr. Lopez, you are expected to be there in the meeting.”

“Sir?” Biglang naputol yung kasiyahan ko.

“You have a business in the said meeting since you are a part of our department student council.”

‘What???? Ano naman itong kalokohan na ito gov!’ Sigaw ng utak ko na sinisisi si gov.

“I’m expecting you there Mr. Lopez.”

Napatango na lang ako.

“Ambilis talaga nang karma. So paano girl una na kami sa’yo.” Pambabawi ni Febbie.

“Fuck!” nasambit ko na lang.

Sa lahat kasi nang ayaw ko ay um-attend ng faculty meetings dahil sa sobrang boring nun plus the fact na baka andun si Francis. No choice ako, ayoko naman na pag-initan ako ni Sir Cristobal bukas dahil sa hindi ako um-attend ng meeting.

Masama ang loob ko habang tinutungo yung daan papunta sa office. Bakit pa kasi ako sumali sa org na ito eh. Andami na ngang masalimuot na pagkakataon itong idinulot sa akin.

Nakasabay ko naman si gov at maging siya ay nagulat ng malamang kasama kami sa meeting. Nakita ko rin ang pagdating ng iba pa naming mga kasama, pati si Francis.

“Bakit hindi kayo magkatabi ngayon ni Francis? Magka-away kayo nuh?” Pabulong na sabi ni gov.

“Gov, chismoso ka talaga. Kalalaki mong tao eh ganyan ka.”

“Confirmed. So anong pinag-awayan niyo?”

“Shut up! Baka marinig ka ni dean mapagalitan pa tayo.”

“Magkuwento ka sa akin mamaya.”

“Ayoko!” Pagtanggi ko rito.

Pero hindi nagpatalo si gov. Pinabayaan ko na lang siya. Badtrip na badtrip naman kaming mga officers dahil hindi naman pala para sa amin yung meeting pero bakit kami pinatawag. Sana kasama ko mga kaibigan ko ngayon at nag-eenjoy.

Lukot talaga mukha ko sa sobrang banas habang bumababa nang office. Buti na lang nauna na si gov. Di sinasadyang matapunan ko nang tingin yung isang taong dahilan ng matinding away namin ni Francis sa di kalayuan. Bigla naman ang pagsikdo nang inis sa akin. Gusto ko itong sugurin pero pinilit kong maging kalmado. Nakakahiya.

Gusto kong i-compose sarili ko kaya naman dumiretso ako sa banyo para makapag-ayos man lang. Naghilamos lang ako saglit then tumingin sa salamin. Matama kong sinisipat ang mukha ko nagbabakasaling inagos na nang tubig ang pagkainis ko.

Napahinto ako sa may kanto nang banyo dahil sa dalawang pamilyar na boses na nag-uusap.

“Hindi ko alam kung anong nangyari pero malakas ang kutob kong ikaw ang dahilan ng biglaang pag-alis ni Dhen sa bahay.”

“Ano naman sa’yo kung ako nga? Dapat lang sa kagaya niya yung ganun.”

“Wala kang karapatang husgahan siya dahil hindi mo siya ganap na kilala.”

“Ah I see. Alam mo, sa iyo na siya kasi bagay kayo. Ang drama niyo pareho eh.”

“Tarantado ka pala eh!”

“Susuntukin mo rin ako? Sige, ipamukha mo sa akin na ikaw nga ang knight in shining armor niyang best friend mong manggagamit!”

“Kahit kalian hindi ko naramdamang ginamit lang ako ni Dhen at kung gagamitin man niya ako handa akong maging kasangkapan niya para matupad mga gusto niya dahil mahal ko siya hindi kagaya mo na walang paninindigan.”

“You have no right para sabihing wala akong paninindigan! Nakakaawa ka Arnel. Harap-harapan ka na ngang ginagawang tanga pero mahal mo pa rin yung tao? How pity!”

Hindi ko na narinig pa yung mga sumunod na pag-uusap nila dahil sapat na ang mga narinig ko mula kay Francis para lisanin yung lugar. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko dahil sa nalaman ko kung gaano kagalit sa akin si Francis. Hindi ko naman napansin na may kasalubong pala ako at nabangga ko siya.

“Aray! Watch where you’re going freak!” Sabi nito sa akin.

Napatingin ako rito.

“Awww, ikaw lang pala yan Dhen.” May halong pangungutya sa tinig nito.

Tatalikod na sana ako nang muli itong magsalita.

“Umiiyak ka? Bakit? Dahil nag-away kayo nung best friend mo? Ginagamit mo rin ba siya?” Sunod-sunod na tanong nito.

Humarap ako rito at agad siyang inundayan ng suntok sa mukha. Sapul siya.

“Tangina! Bakit mo ako sinapak!”

“You deserve it! One, for stitching up stories para siraan ako kay Francis and secondly dahil sa paninirang puri mo sa amin ni Arnel. I can sue you for that!”

“Sue me? Wow, come on! Kaya mo ba? May pera ka ba?”

“Siguro nga wala akong yaman ng kagaya sa inyo pero atleast maipagmamalaki ko na hindi ko kailangang gumawa nang story at palabasing manggagamit ang ibang tao para lang makuha ko iyong gusto ko. Mas mabuti pa si Courage (the Cowardly Dog) nagagawang harapin problema niya nang patas unlike you!”

“Bakit? Totoo naman na ginamit mo lang si Francis dahil alam mong may gusto siya sa iyo para pagselosin yung best friend mong uto-uto eh!” Panunumbat niya.

“Hindi ko na kasalanan na ako ang nagustuhan ng best friend mo at hindi ikaw. Subukan mong tumingin sa salamin at tanungin sarili mo bakit hindi na lang ikaw?” Sumbat ko sa kanya. “At isa pa, hindi ko na kailangang manggamit ng tao dahil sobra-sobra ang natatanggap kong pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan ko!”

Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang expression ng mukha nito. Saglit kong nakita ang lungkot sa pagkatao nito bago nito muling binuhay ang isa pa nitong pagkatao.

“Sa tingin ko ikaw ang mas nakakaawa sa ating dalawa dahil pilit mong isinisiksik yung sarili mo sa mga taong gusto mo. Alam ko rin na dahil doon kaya ginawan mo ako nang storya na nanggagamit ako dahil sa katotohanang natatakot ka na tuluyang mawala iyong taong pinakamamahal mo.” Pagpapatuloy ko.

“Successful ba ginawa ko?” Sabay bitaw ng isang malakas na tawa. “Naku sorry huh. Kung nung una pa lang sana eh iniwasan mo na siya di sana hindi humantong sa ganito. Tsaka di ba sinabihan na kita dati pa na gagawin ko ang lahat mapasaakin lang si Francis?”

“Nakakaawa ka!” Sabay duro ko rito.

“Sino ang mas nakakaawa sa atin ngayon? Ako o ikaw na talunan?”

“Jie?” Boses na nanggaling sa likuran niya.

Napatahimik kaming pareho at napaharap rito. Bumakas naman ang takot sa mukha ni Jie.

“K-kanina ka pa diyan?”

“Oo at narinig ko ang lahat.”

“I can explain Francis.” May pagmamakaawa sa boses nito.

“Hindi na kailangan. I already had enough, tama na.”

Akma itong lalapit sa akin pero pinigilan ko nang iling. Bagama’t bakas sa mukha nito na gusto nitong magpaliwanag, mas minabuti ko na lang na maglitanya.

“Don’t try to justify anuman mga nagawa mo. Like you, I already had enough. Mao-overload na utak ko sa kung ano pa ang mga sasabihin mo.”

“Tara na.”

Bahagya akong nagulat sa pagsulpot ni Arnel sa likod ko.

“Tutunganga ka na lang diyan? Uuwi na tayo dumbass!”

Aba kung makautos kala mo siya ang boss. Binatukan ko nga.

“Aray ko!” Sabay kamot sa parteng tinamaan ko.

Tiningnan ko si Francis sa huling pagkakataon bago tuluyang nilisan yung lugar. Narinig ko pa ang pagmamakaawa ni Jie na pakinggan siya ni Francis ngunit isang matunog na mura lang ang natanggap nito.

Nakaramdam ako nang pangungulila sa nasirang pagkakaibigan namin. Hiniling ko na sana panaginip lang ang lahat pero hindi. Tuluyan na ngang winakasan ng pagkakataon ang masalimuot na story naming dalawa ni Francis.

Umakbay naman si Arnel sa akin at pilit na ipinaparamdam na hindi niya ako papabayaan. I felt security and comfort sa gesture niya na iyon. Ninanamnam ko ang kasalukuyang nararamdaman ng magsalita ito.

“Ginagamit mo ba ako?”

Bigla kong nailayo sarili ko sa kanya.

“Ganyan na rin ba tingin mo sa akin? Geez, magsama-sama kayo!” At tumakbo na ako palayo rito.

Nakalimutan kong mas mabilis nga palang tumakbo si Len sa akin kaya naman naabutan niya agad ako.

“Bitawan mo ako!” Pagpupumiglas ko sa yakap nito.

“I won’t.”

At walang pasintabi ako nitong pinaharap at inangkin ang mga labi ko. Sa pagkagitla ay hindi ako maka-react. Overwhelmed pa rin ako sa mga naganap pero sapat na ang halik niya para tunawin ang kung ano mang agam-agam na namamahay sa dibdib ko. Gumanti na rin ako sa mga halik nito.

“Dhen, I love you!” Sabi nito matapos ang halikan.

“Salamat sa pagmamahal Len.”

“Wala iyon. Alam mo namang high school pa lang tayo mahal na kita di ba?”

“Bilang best friend, oo.”

“Uto! Nagka-aminan na nga tayo sa resort nung 4th year eh.”

“Huh? Hindi ko maalala yun ah.” Pagsisinungaling ko.

“You’re still not good in lying.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Saan mo gustong umuwi? Sa bahay niyo o sa bahay namin?” Pagbabago nito sa topic.

“Sa bahay namin siyempre.”

“O sige, uwi muna tayo sa bahay. Kuha lang ako nang bihisan ko at doon tayo matutulog sa bahay niyo.”

Hindi na lang ako tumutol.

Matapos naming makapunta sa bahay nila, konting paalam at pagkuha nang mga gamit ay umuwi na kami sa bahay. Diretso nang kuwarto ang drama ni Len dahil napagod daw ito. Pinabayaan ko na lang.

“Len, mag-shower ka na muna.”

“Maya na. Pinagpapawisan pa ako.”

“Ikaw bahala.”

Tumabi naman ako sa kanya sa kama. Niyakap niya ako.

“Len, salamat sa pagtatanggol kanina.”

Nakatingin lang ito sa akin.

“Narinig ko yung pag-uusap niyo ni Francis.”

“Ah, ganun talaga. Mahal kasi kita kaya ayokong may manakit sa’yo.”

“Kasi gusto mo ikaw lang.” Banat ko.

“Uto! Magtigil ka nga!” Saway nito.

Natawa naman kami pareho.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Pa-kiss.”

“Ayaw ko nga. Nakakarami ka na eh.”

“Gusto mo naman pakipot ka pa.”

“Pakipot mo your face.” At hinampas ko ito nang unan.

“Ah gusto mo pala pillow fight huh, sige pagbibigyan kita.” Gumanti rin ito nang hampas sa akin.

Nakailang palitan kami nang hampas ng bigla akong napuruhan at napatumba. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang pangyayari dahil nagdilim ang buong paligid. Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero iisang bagay lang ang nagpagising sa akin.

“Hayop ka talaga Len! Mapagsamantala ka!” Pambungad ko sa kanya.

“Eh kasi naman, napasarap tulog mo eh. Para kang si sleeping beauty. Di ba halik lang ang magpapagising sa kanya kaya sinubukan ko at hayun nga effective naman.”

“Effective ka dyan! Ang sabihin mo, nagtake advantage ka.”

“Gusto mo naman.”

Natahimik ako. Gusto ko nga rin kasi ang may humahalik sa akin. Madali akong mahulog sa mga taong humahalik sa labi ko gaya ni Francis at nito ngang si Len.

“See? Hindi ka na makapagsalita kasi totoo.”

“Uto! Ayoko nang mga nakaw na halik, mas gusto ko pa rin yung may pasabi.”

Napatango ito. “Pwede ba kitang halikan? O ayan ah nagpaalam ako.”

Napangiti ako sa simpleng gesture niya na iyon. Hinablot ko yung shirt niya para mapalapit sa akin at sinamsam ang mga labi niyang sabik (daw) sa mga labi ko.

----


Dumating ang weekend, ewan ko kung anong tumakbo sa isip ni Arnel at dumating ito sa bahay na naka-motor at nakaporma.

“Saan ang lakad at naka-get up ka?”

“Aakyat sana ako nang ligaw!”

“Uto! Ligaw ka dyan. Tumigil ka nga.” Saway ko rito pero deep inside eh kinikilig ako.

“Hi tita!” Bati nito kay mama nang makita niya ito.

“O Arnel, pasok ka.”

“Naku hindi na po. Medyo nagmamadali eh.”

“Mukha nga, saan ba lakad mo?” Tanong ni mama.

“May pupuntahan po kasi kami ni Dhen ngayon eh. Di po ba siya nagpasabi?”

Nanlaki mata ko sa sinabi nito.

“Hindi naman marunong magpaalam yan eh.”

“Magpaalam ka kasi.” Sabi sa akin. Gusto ko na talaga itong upakan.

“Oh bakit hindi ka pa naghahanda riyan? Anong oras na.” Pamumuna ni mama sa akin dahil hindi pa rin ako makakilos.

Hindi ko man alam kung saan pupunta pero kailangan ko na lang sakyan trip nitong si gago. Sinabihan ako ni Len na magdala nang extra na damit kaya yun ginawa ko. Wala talaga akong idea sa gagawin namin.

Bago lumabas ay saka pa lang ako nakapagpaalam kay mama. Binigyan naman ako nito nang pera kalakip ng ilang bilin.

“Hoy gago! Saan mo na naman ako dadalhin?” Pakikipag-usap ko rito habang nagda-drive siya.

“Basta, mag-eenjoy ka run promise!”

“Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ibubunton ko sa’yo yung sermon ni mama.”

“Just sit back and relax. Kapit kang maigi dahil in a few minutes andun na tayo.”

Nahihiwagaan pa rin ako kung anong tumatakbo sa isip ni Arnel. Alam ko naman na ginagawa niya ito dahil pareho na kaming malaya pero bakit hindi ko maramdaman ng ganap. Iba kasi ang alam sa nararamdaman eh.

Patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng mamukhaan ko yung tinatahak naming daan.

“Len papunta ba tayo nang resort?”

(itutuloy...)

Wednesday, September 14, 2011

The Letters 10

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.






September 17, 2009


Hi there mister lappy,


How long have I been able to talk to you? Days? Weeks? Months? Sorry kung di na kita napapansin lately. Masyadong sabog ang schedule ko plus the fact of what had happened with my relationship my long-time girlfriend. Haist!

So am I! I’m back! Hurray! Ge, magpakasaya ka lang dyan. I’m so tired of arguing with you, with her, with . . . myself.

Ha! Ha! Ha! What a very nice intro eh mister lappy. Emote kaagad ang pasalubong ko sa’yo. Can’t help it lalo pa at lately lang yun nangyari. Here we go again! This is how I deal with it. Ang alalahanin ang mga nagdaan para mas madaling maka-move on.

Anyway, it is really weird. I had a break up and yet I can feel inside me that something is happy with it. Could it be you stupid? Of course! Of course it is me kasi finally mabibigyan na nang katuparan ang story niyo ni Chris! I should’ve known. *sigh

When I woke up this morning, there’s this awkwardness in the room, maybe because of ‘that’ lost. Usual routines, after waking up titimpla nang coffee with creamer, maliligo, magbibihis then papasok.

While bathing, naisip ko ang sinabi nang baklang ako. Could she – Yeeeeeeeeeessssssss! – be right? Is it about time na bigyan ko ng chance si Chris? Pero what if rebound ang kalabasan? He would be hurt. Di ko ata kaya yun. Pinagpatuloy ko ang paliligo na si Chris pa rin ang laman ng isip ko.

Ilang saglit pa ang binuno ko sa loob ng banyo at tuluyan na akong lumabas with that angry look on my face. Naalala ko kasing bigla yung pang-iiwan niya sa amin kagabi.

“Hello” siya.

“Chris nasaan ka?” sagot ko.

“Nasa bahay bakit?”

“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”

“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”

“Baka naman may katagpo ka?” hindi ko alam pero affected ako sa nasabi ko but I have to stand on my ground. Naiinis kasi ako.

“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”

“Aba! Ewan ko sayo!”

“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”

Natameme ako after knowing na may problema pala siya kagabi without even me noticing it.

“Ganoon ba?” biglang nagbago ang tono ko. “Kamusta na pakiramdam mo?”

“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot niya.

“Good.”

“Yep.”

“Ingat ka. See you later sa work.”

“Bye.”

“Bye.”

Then I disconnected the line.

* * *

Habang nasa byahe papuntang office, nag-aapuhap pa rin ako nang sasabihin sa kanya. Oo mali ako dahil nag-isip agad ako na may katagpo siya kagabi kaya niya kami iniwan. Teka nga. Geez George! You’re jealous that he might be dating someone else. Hindi matanggap ng ego mo na may nakauna sa’yo! “Shut up!” Napahinto bigla si manong driver dahil sa sinabi ko with that who-the-hell-is-he-talking-with look. “Pasensya na po manong. Practice lang para sa play namin.” At itinuloy naman niya ang pagdadrive habang natatawa ako na ewan sa inasta ko.

Pagkadating sa office ay wala pa si Chris pero nung dumating na ito ay saka naman ako nagpapaka-busy. Still, I’m looking for the right words to say sa kanya for opening up a conversation. Tahimik. Tahimik pa rin. Tahimik ulit.

Sinapo ko ang ulo ko kasi parang di ko na kakayanin pa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hello! Paanong hindi eh oras ng trabaho. Umayos ka nga dyan George baka di ako makapagtimpi at masabunutan kita dyan. That’s the snap when I checked the time. Bingo!

“Chris kain na tayo.” Pag-aya ko sa kanya. Finally, may lumabas ding salita mula sa akin.

“Sure.”

Bumaba na kami para maghanap ng pagkakainan. Nakakailang kasi there’s this silence na namamayani sa amin. This is not us. Hindi ko alam kung paano magbubukas ng usapan. Am I lost for words? Until I felt the need to open up dahil sa nangyari samin ni Joy.

“Chris.” Pero hindi ako makatingin sa kanya.

“Bakit George?”

“Wala na kami ni Joy.” Sabi ko without hesitating.

Tiningnan ko siya at hindi nakaligtas sa akin yung reaction ng mata niya after hearing my revelation sa gulat niyang expression. May kung anong kumislap dito. Parang masaya sa nangyari.

“Ahhh.”

Napabuntung-hininga ako. Hindi kasi yun yung ine-expect kong sasabihin niya sa akin.

“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi niya.

Honestly, I’m disappointed dun sa huli niyang sinabi. I gave out another sigh. Why am I expecting too much from Chris. We’re friends. Friends na may lihim na pagtatangi.

“Salamat Chris.”

“No worries.”

That’s the cue para tingnan siya. Parang na-hypnotized ako sa mga tingin niyang iyon. Kakaiba. I felt instant security sa tingin niyang iyon. Uh-oh, this is it! Shut up please. Just for now. Let me have this moment.

“Chris.”

Nangiti akong bigla dahil sa pagkagulat niya. Malalim siguro iniisip niya kaya ganun na lang reaction niya.

“Oh?” Pagbabago niya sa composure niya.

“Salamat sa lahat.”

“Ha?”
“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”

“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”

Ouch! Kaibigan lang pala turing niya sa’yo George.

“Oo nga Chris. Salamat.”

He smiled and I too.

Bumalik na kami nang building after eating and waited for the lift. Nakakapagtaka bakit ang layo niya sa akin. Di naman kami magkagalit ah.

“Chris?”

“Oh?”

“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” Sabi ko ngunit naramdaman kong wala siyang drive para tumabi sa akin.

I grabbed his hand at kinabig palapit sa akin. Inakbayan ko siya trying to tell him na hindi ko siya sasaktan.

“Bakit natahimik ka?”

“Ha?”

“Nanahimik ka Chris.” Hindi pa rin siya umimik. “Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.” Bigla-bigla ko na lang sabi.

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.”

I looked at him. Is he telling me the truth or he just wanted to make me feel loved at the moment? Naguguluhan ako. Masaya ako knowing na na-confirm ko na may gusto siya sa akin and I know din na may puwang na siya sa akin pero parang natatakot ako.

Ayokong mailang siya kaya hinigpitan ko ang pag-akbay sa kanya. I want to seize the moment. Ang sarap sa pakiramdam.

“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”

“Wala George. Wala.”

“Gusto mo ba ko Chris?”

“Ha?”

At bumukas ang elevator. Letse! Mukhang natakasan ako ah. Pangiti-ngiti akong lumabas ng elevator hanggang sa makabalik sa station ko.

I can’t help it. Gusto ko siyang tingnan. Kung pwede nga lang na magkaharap kami nang station eh hihilingin ko. Nahuhuli ko siyag tumitingin din sa akin pero agad ding binabawi.

“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?”

“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot niya.

“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”

“Ha?” Caught off-guard.

“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”

“Ha? George kkaa..siii..”

“I won't take no for an answer.”

At umalis na ako.

* * *

No choice na siya kaya naman after work eh sumama na rin siya sa akin to sip some coffee.

“Chris.”

“Hmm.”

“Do you mean it?”

“Alin?” Nakita kong para siyang nabulunan.

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” Panggagaya ko sa sinabi niya. Pinamulahan siya.

“Th-that’s not what I mean. Ano yun, ah . . .”

“Yes or no lang naman ang sagot Chris eh masyado kang defensive.”

“Defensive ka dyan. Ano lang yun.”

“You don’t have to explain, nakuha ko na.” Natahimik ka. Marahil nahihiya ka kasi obvious na totoo yung nasabi mo.

“Masaya ako.” Tumingin sya sa akin. “You know what, simula nung una tayong magkausap naramdaman na kita.”

“Huh?”

“I mean, ramdam ko na crush mo ako.” Sabay tawa. “Joke lang. Honestly, ramdam ko na magiging close tayo, like this: having quality time talking, having fun and everything. Masaya rin ako na despite sa nangyari samin eh may isang tao pa rin na nagmamahal sa akin.”

Tahimik pa rin si Chris.

“Chris, uulitin ko. A big thanks for being there for me always. . .“ niyakap ko siya, “ and a hug for loving me.”

Nag-usap pa kami saglit bago kami tuluyang nagpaalaman at umuwi na may ngiti sa aming mga labi.


Until next time lappy. See you around.

George

Tuesday, September 13, 2011

Torn Between Two Lovers? xiv

Hello guys! I'm sorry sa delayed update. Heheh. Hope you enjoyed this chapter. BABE I LOVE YOU! :)

Lovelots,

Dhenxo :DD

-----------------------------------------------------------------------------------

Tinatamad pa akong bumangon kaya naman ninais ko munang mag-stay pa sa higaan. Alam ko rin na sa mga oras na ito ay gising na si Arnel at malamang ay may ginagawa na ito. Hindi ako nagkamali dahil narinig kong may parang nagsisibak ng kahoy sa likuran.

Gusto ko mang mag-isip-isip pero hindi ko naman magawa kasi maingay nga sa labas kaya naman sapilitan akong bumangon. Dumiretso ako sa banyo at nag-ayos ng sarili bago tumungo sa hapag para kumain. Ginutom ako bigla eh. Buti na lang at may nakahanda nang pagkain.

Matapos kong mag-almusal ay agad ko nang pinuntaha si Arnel. Kasalukuyan pa rin itong nagsisibak at waring hindi ako napansin. Nagulat na lang ito nang malamang pinapanuod ko siya. Aba, nagpasikat pa lalo itong si mokong.

“Sige, igihan mo pa. May ilang kahoy pa na sisibakin duon oh.” Sabay turo sa may imbakan nila.

“Sige basta para sa’yo.”

“Uto!”

Tumawa lang ito.

“Kumain ka na ba?” Tanong nito sa akin.

“Oo. Ikaw ba nagluto?”

“Hindi, si mama.”

“Sabi ko na eh. Masyado kasing masarap kung ikaw may gawa nun.”

“Ang sweet mo huh!” Sarkastiko nitong tugon.

“Pikon ka talaga!”

“Humanda ka sa akin mamaya at sisibakin kita.”

“Ang bastos mo! Isusumbong kita kay tita. Tita!” Sabay tawag sa mama niya.

Narinig naman ako nito at sumagot.

“Si Arnel po kasi ang aga-aga eh kung anu-ano pinagsasasabi.”

Narinig kong pinagsabihan nito yung anak niya.

“Buti nga sa’yo. Sa susunod na gumanyan ka, ako mismo sisibak sa’yo.” Nang may pangiti-ngiti kong banta.

Natahimik naman ito pero kitang-kita mo sa kanya na may binabalak siya. Hinayaan ko na lang siya atleast early in the morning eh naka-one point na ako. It’s a good start. Medyo matagal pa ang araw kaya naman kailangan kong maghanda para makabawi ako sa mga atake niya.

Habang naghihintay sa kanya ay naisipan ko na lang na manuod muna nang TV. As usual, anime pinapanuod ko. Basta morning lagi kong inaabangan paglabas ng mga cute na fairies (kung familiar kayo sa Mirmo De Pon). Sa totoo lang memorize ko yung kanta nila with matching dance pa.

Nakarinig na lang ako nang mga impit na tawa sa likuran ko. Napalingon ako rito at bigla naman ang pag-akyat ng hiya sa akin.

“Ang galing mo pala sumayaw Dhen. Paano ulit yun?” Pang-aasar niya kasabay ng paggaya niya sa sayaw.

Napahiya man ako ay nakabawi agad ako.

“Ulol! Huwag ka nang sumayaw diyan. Kawawa naman yung tugtog sa’yo, maawa ka.”

Pero wala itong narinig at itinuloy pa rin ang pagsasayaw. Nakakatawa siyang pagmasdan habang sumasayaw. Kasi ba naman parehong kaliwa paa niya. Iba ang galaw ng katawan sa paa niya. Nakakatawa talaga. Napansin niya naman ako na tumatawa kaya naman tumigil na siya.

“Ang yabang mo naman.”

“Bakit inaano ba kita?”

“Sige ikaw na ang magaling sumayaw.” May pagkapikon na nitong sabi.

Mas lalo lang akong naengganyong asarin pa siya. Asar-talo pa rin siya sa akin ever since.

“Halika dali ituro ko sa iyo kung paano yung sayaw.” Pang-aasar ko pa rin sa kanya.

“Ewan ko sa’yo.”

“Ay nagtatampo ka na sa lagay na yan?” Di pa rin ako tumitigil.

Aba’t nag-walkout ang mama. Pinabayaan ko na lang ito dahil sigurado ako maya-maya eh okay na naman kami. Habang naghihintay sa kanya ay naisipan kong ipagpatuloy yung pinapanuod ko. Kaso isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.

“Tita, si Len po?” Tanong ko nang dumaan si tita.

“Hindi ba nagpaalam sa iyo? Alam mo ba saan siya pumunta?” Sunod-sunod na tanong ni tita.

“Hindi po tita.”

“Umalis eh dala yung motor niya.”

“Huh? Ano ba naman yan. Iniwan ako.”

“Babalik din iyon mamaya.”

“Sige antayin ko na lang po tita pagbalik niya.”

Medyo nabadtrip ako sa ginawa ni Arnel. Iniwan ako buti na lang kahit papaano ay andyan si tita. Kita ko naman na may ginagawa si tita sa kusina kaya naman nag-volunteer na akong tumulong para naman hindi ako ma-bored since nawala yung mood kong manuod.

“Sige maigi yan para naman may katulong ako.”

“Teka tita, ano po palang meron? Kasi ang aga gumising ni Len tapos kanina nagsibak pa ng kahoy eh.”

“Ah, birthday ng tito mo ngayon kaya naman maghahanda kami.”

“Talaga po? Naku sige tutulong po ako para mapadali itong pagluluto.”

“Buti na lang at andito ka. Hindi ko kasi maasahan yang si Arnel sa pagluluto eh.”

“May taga-sibak naman po kayo nang kahoy kaya naman bawi kayo dun.”

“Tama ka dyan. O siya alam mo naman paano magluto nang igado di ba?”

“Opo naman tita. Ako na bahala diyan.”

At sinimulan ko na nga maghiwa nang mga karne at laman-loob na kasama sa putaheng iluluto ko. Enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko kaya naman hindi ko na halos napansin yung oras. Kahit papaano rin ay nawaglit sa isip ko ang inis na nararamdaman ko. Hindi ko rin maiwasang mapakanta pampatanggal boredom.

“Naku Dhen, hindi ka makakapag-asawa niyan.” Pagpuna sa akin ni kuya Arn.

“Loko ka kuya. Makakapag-asawa ako siyempre.”

“Sabagay, para na nga kayong mag-asawa eh.”

Pinamulahan ako nang pisngi dahil sa sinabi niya.

“Ano ba yang sinasabi mo kuya? Hindi ko pa nakikita mapapangasawa ko.” Defensive kong sagot.

“Hindi pa ba? Akala ko kasi nasa tabi-tabi lang siya.”

“Tumigil ka dyan Arn. Iniistorbo mo kami rito sa kusina.” Saway ni tita kay kuya.

‘Buti na lang at sinalo ako ni tita.’ Nginitian ko na lang si tita.

Sige pa rin ako sa pagtulong sa pagluluto sa kusina nang dumating si Arnel at ang hindi inaasahang bisita.

“Hi po tita!” Malugod nitong bati. Bahagya pa itong nagulat pagkakita sa akin. “Hi Dhen!” At bumeso pa.

Hindi ko maramdaman na sincere siya sa ginawa niya.

“Hello hija, buti nakarating ka.”

“Opo, sinundo po kasi ako ni Arnel eh.” Sinadya niyang ilakas yung sinabi niya para inisin ako..

‘Eto pala way mo nang paghihiganti Len huh? Sige tingnan lang natin kung sino ang susuko.’ Usal ko sa sarili ko.

“Ah ganun ba? Maigi na rin iyon para may representative ang mga kabataan sa birthday nitong tatay nitong si Arnel.”

Nangiti na lang si Jessa at kumapit pa sa braso nito. Ako naman na kasalukuyang naghihiwa ay hindi ko naiwasang hindi mapalakas yung tunog ng kutsilyo sa chopping board. Napatingin naman sila sa akin.

“Sorry tita. Hirap kasi hiwain nito eh.” Palusot ko rito.

Alam kong hindi iyon bumenta kay Jessa. Sa ngayon hahayaan ko na muna siya sa moment nila ni Arnel pasasaan ba at makakaganti rin ako. Matapos naming magluto ay agad na akong nag-ayos para naman maging presentable ako sa mga bisita nang tatay ni Arnel.

Minadali ko ang paliligo dahil malapit ng dumating ang mga bisita ni tito at walang katuwang si tita na eestima nang mga bisita. Matapos kong magbihis ay dumiretso na ako ulit sa kusina para tumulong.

“Happy birthday tito!” Bati ko rito nang dumating ito.

“Naku salamat balong (hijo). Buti naman dumating ka.”

“Naku tito, kagabi pa po ako rito hindi lang po tayo nagpang-abot.”

“Ah ganun ba? Naku, ikaw talaga bakit mo naman hinayaang magpagod yung bisita natin?” Sumbat nito sa asawa nito.

“Wala kasi akong aasahan sa bunso mo tsaka marunong din pala magluto itong si Dhen eh kaya naman pinatulong ko na.”

“Naku salamat ulet Dhen huh.”

“Wala po iyon tito. Actually, hindi ko po alam na birthday niyo po ngayon. Hindi po kasi nabanggit ni bunso sa akin eh.”

“Hayaan mo na yon. Baka nakalimutan niya lang sabihin.”

“Tama po kayo tito. Andun nga po pala sila ni Jessa sa may sala.”

At umalis na nga si tito sa kusina at dumiretso na sa may labas para asikasuhin ang mga bisita nito. Kami naman ni tita ay salitang nagse-serve nang pagkain ng sa gayon ay hindi nakakahiya sa mga bisita. Dahil na rin sa nakatoka ako sa kusina ay hindi ko na halos magawa pang kumain gawa nang nabusog ako kakatikim.

“Dhen, palagay naman ako nang igado sa may lamesa. May dumating pa kasing mga bisita.”

“Ah sige po tita ako na po bahala rito.” Busy na kasi si tita sa pag-aasikaso sa labas.

Habang dala-dala iyong putahe ay hindi ko naiwasang hindi masilayan iyong mga bagong dating. Literal akong napahinto nang makilala kung sino iyong bisita. Kung hindi pa ako tinawag ni tita ay hindi ako gagalaw. Lumapit na ako sa lamesa para ma-refill yung ulam. Napansin naman ako agad nung bisita.

“Uy Dhen, andito ka rin pala?”

“Ah, eh, o-opo tita.” Pagsagot ko rito.

“Buti naman at hindi mabo-bored yung kasama ko.”

‘Patay na, mukhang kasama pa siya ni tita.’ Sa loob-loob ko.

“S-sino po?” Kabado kong tanong.

“Si Francis. Andun siya sa kotse ayaw bumaba kasi mabo-bore nga raw siya rito. Teka tawagin ko lang.”

Kung mamalasin ka nga naman. When it rains, it pours nga talaga. Sunud-sunod na malas. Ano ba ito! Ang tagal bumalik ni tita. Pagbalik nito ay kasama na nga nito si Francis ngunit pansin mo rito ang galit. Galit? Bakit?

Dahil sa napansin ko ay hindi ko magawang makipag-usap sa kanya. Parang umurong dila ko.

“Son, sama ka muna kay Dhen huh makiki-umpok muna ako.” Tango lang sagot nito.

Tahimik itong kumukuha nang pagkain niya. Hindi ko talaga magawang magsalita.

“Magkakilala pala mama mo at tatay ni Arnel nuh?”

“Oo.” Maikling sagot nito.

“Dahil ba ito sa kampanya?”

“Oo.”

Mukhang galit nga ata talaga ito sa mundo. Nang…

“Baaaakkkklllllaaaaaa!!!” Nagulantang ako sa familiar na boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Buti na lang busy ang mga tao kaya hindi gaano pansin ang pagtawag sakin nito.

Humarap ako at humangos naman ito papunta sa akin sabay pose. Natuwa naman ako sa ayos ni Xyza. Kahit papaano kasi eh nawala pansamantala yung tension na nararamdaman ko. Histrionic kasi ang dating ng loka, yung tipong gusto laging siya ang center of attraction. Naka-casual dress ito tapos may headband na may malaking butterfly, may dalang malaking bag at lahat ng iyon ay puro kulay pink.

“Ayos ang porma natin huh? Saan ba ang fashion show?”

“Kinnam (fuck you)!”

Natawa lang ako rito.

“Ang lakas talaga nang pang-amoy mo ah. Akalain mo hanggang dito kila Arnel naamoy mo yung pagkain!” Pang-aasar ko rito.

“Siyempre naman girl! Ako pa. Basta lafang, game ako riyan kahit saan pa iyan. Laman-tiyan din iyan.”

“Gagatil (malandi)!”

“Uy, andyan ka pala Francis! Hi!” Bati nito sa katabi ko.

“Hello ate!” At nagbigay ito nang tipid na ngiti.

Awkward ng feeling para sa akin dahil eto ang unang pagkakataon na nagkaharap-harap kami nila Jessa, Arnel, at Francis. Buti na lang at andyan si Xyza para maging mediator naming lahat. Siya ang bumabangka.

Tumayo ako saglit at dumiretso sa kusina. Hindi ko namalayan ang pagsunod ni Francis. Nagulat na lang ako na nasa likuran ko pala ito.

“Let’s talk.” Maikli nitong sabi ngunit ramdam mo ang authority.

Ayokong makita kami ni Arnel na nag-uusap kaya naman lumabas kami sa may kusina. Dumiretso kami kung saan naka-park yung sasakyan niya.

“Dito na tayo sa labas mag-usap.”

Nagbuntong-hininga siya bago muling nagsalita.

“Bakit mo ginawa sa akin iyon?”

Natameme ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin.

“Minahal mo ba talaga ako o pampalipas oras lang?”

“Anong sinasabi mo?”

“Nasabi na sa akin ni Jie ang lahat. Sinabi niya sa akin na hindi mo naman daw ako totoong minahal at pinapaasa mo lang ako. Pinaglalaruan mo lang daw ako dahil ang totoo si kuya Arnel talaga ang mahal mo at dahil sa may gf siya kaya naman ginamit mo ako. Totoo ba iyon kuya?”

Nasaktan ako sa tanong nito. Akala ko ramdam nito na totoo ako sa pinakita ko sa kanya pero mukhang hindi pa pala at ang masakit pa run ay ang katotohanang napaikot na ni Jie si Francis sa mga kasinungalingan nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Daw??? Meaning hindi siya sigurado? Pero sa tono mo parang naniwala ka na sa kanya.”

Tahimik ito ngunit kita mo sa mata nito ang galit.

“Gusto mong malaman yung totoo?” Galit na rin ako dahil natapakan yung ego ko.

Tahimik pa rin siya.

“Oo Francis pinaglaruan lang kita!!! Ayan gusto mo marinig di ba?” Hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng luha ko.

Kita ko naman ang pagrehistro nang galit sa maamo niyang mukha at agad niya akong sinuntok.

“How could you do this to me? Minahal kita pero bakit mo ako pinaglaruan! Tama si Jie, nagkamali talaga ako na ikaw pa ang minahal ko. Maraming tao ang mas deserving kong mahalin. Sinayang mo lahat ng effort ko! Napaka-walang kwenta mong tao! All this time nag-eeffort ako sa wala. Shit!” Nanggagalaiti nitong sumbat sa akin.

Sobrang sakit ng mga binitawan nitong salita sa akin. First time kong nakarinig ng mga ganitong bagay mula sa kanya kaya naman parang dinurog ako nang pinung-pino.

Tumayo ako at pinunasan yung labi kong pumutok dahil sa suntok niya. Kahit basang basa na nang luha yung mga pisngi ko ay nagawa ko pang lumapit sa kanya.

“Sige suntukin mo pa ako. Galit ka sa akin di ba dahil ginamit kita? Sige sa kabila naman para pantay.” Sabay abot ng kabilang parte nang mukha ko sa kanya. Pinilit kong ipinakita sa kanya na balewala lahat ng sinabi niya.

Kinuyom nito ulit yung palad niya at handa akong suntukin ulit. Handa na rin akong tanggapin yung kasunod na suntok pero laking gulat ko na hindi niya itinuloy.

“I shouldn’t have wasted my time in you. Kung itinuon ko na lang sa iba yung nararamdaman ko eh di sana masaya ako ngayon. I never imagined na ganyan ka pa lang tao. I don’t want to see your face ever again.” At umalis na ito sa harap ko.

Dahil sa panlulumo at sakit na nararamdaman ay napasandal ako sa may kotse nito. Itinuloy ko ang pagtangis. Bahagya pa akong nagulat ng may kamay na humaplos sa likod ko.

“Xyza!” At hindi ko na napigilang itodo yung iyak ko.

“Ilabas mo lahat ng sama nang loob mo girl. Andito lang ako hindi kita iiwan.”

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkahabag.

“Xyza, iuwi mo na ako sa bahay. Ayoko na rito.” Nagmamakaawa kong pakiusap sa kanya.

“Gaga ka! Hindi ako marunong mag-drive.”

“Sige na please!”

“ Anong gusto mo magtricycle tayo? Look at my dress naman, sayang kung idi-display mo lang sa trike!” Maarte nitong sabi.

“Shuta ka! Emote na ako rito o nakuha mo pang alalahanin yang damit mo. Mas mahal mo ba yan kesa sa akin?” Seryoso kong sumbat ditto.

“Shutanginames! Hampasin kaya kita nang headband kong may butterfly!”

“Bahala ka na nga! Uuwi na lang ako mag-isa. Sana walang mangyaring masama sa akin.” Pagpaparinig ko sa kanya.

“Tanamew! Hayop ka talaga! Papakamatay ka? Sige idaan mo sa ganyan at pag natuluyan ka mas lalong hindi ka tatanggapin sa langit. Imagine, bakla na nga tapos nagpakamatay pa! Ay imberna sobrang pasaway mo girl!” Litanya nito.

Tiningnan ko lang ito. Hindi pa rin ito tumitigil sa mga litanya niya kaya naman maingat akong bumalik sa loob at dumiretso sa kuwarto. Agad kong inayos yung mga gamit ko at isinilid sa backpack ko. naabutan naman ako ni Arnel na nag-aayos.

“Saan ka pupunta?”

“Uwi na ako. May emergency daw sa bahay.” Pilit kong pinakalma yung boses ko.

“Ihatid na kita.”

“Hindi na. Asikasuhin mo na lang yung mga bisita niyo.”

“Hintayin mo ako saglit lang ako kunin ko yung susi.”

“Sinabing huwag na eh!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

Aksidente naman na nahagip nito ang mukha ko.

“Anong nangyari sa mukha mo?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

“Wala ito. Nasugatan lang kanina sa kusina nung nagluluto.” Pagsisinungaling ko.

“Nagsisinungaling ka Dhen. Ano nga nangyari sa’yo?” Pagpupumilit niya.

Ayoko na talagang sumagot. Gusto ko nang umeskapo.

“Pakisabi na lang kila tito at tita na umalis na ako. Salamat nga pala sa pagpapatuloy.”

Pipigilan niya sana ako nang magsalita mula sa labas si Jessa. Agad na akong lumabas ng pinto at dumiretso sa kalsada para mag-abang ng masasakyan. Walang lingon-likod kong tinungo ang daan.

“Bakla!”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Xyza, nakasakay na sa van nila at inaaya ako na sumabay sa kanila. Naisip ko, mas magandang umiyak sa van kesa sa tricycle kaya naman sumakay na ako roon.

Sinabi naman ni Xyza sa mama niya na idiretso kami sa bahay namin. Hindi ko naman magawang umiyak dahil nakakahiya kay tita. Nang makarating na kami ay bumaba na ako matapos magpasalamat. Akala ko ay hindi na bababa si Xyza pero nagsabi ito sa mama niya na sasamahan lang daw ako. Touched naman ako sa ginawa nito.

Buti na lang busy si mama kaya hindi na ako nito napansin na maga ang mata at may putok pa sa labi. Kaawa-awa naman talaga ako. Sa dinami-dami nang taong pwedeng makaranas nito eh sa akin pa talaga ibinigay.

“Girl, bakit ka nagsinungaling?”

“Kung nakita mo lang sana yung galit sa mga mata niya maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa iyon.” Seryoso kong tugon.

“Sana nag-explain ka man lang.”

“Para saan pa? Talo na ako Xyza. Nahusgahan na ako bago pa man mag-umpisa ang trial.”

“Eh ano na balak mo?”

“Wal…”

“Ay shuta! Hala, sige labas! Kakain tayo. Ano bang meron sa kusina?” Sunod-sunod nitong litanya. Nagreklamo kasi sikmura ko gawa nang kadramahan ko plus hindi ako nakakain ng mabuti kanina.

Nakakatuwa lang na msimong siya pa nag-asikaso sa akin.

“Girl, touched ako sa gestures mo! Best friend talaga kita.”

“Gaga, may suhol to. Um-order na ako sa McDo at ikaw ang magbabayad.”

“Nakaalis na ba si tita?” Bigla kong tanong sa kanya.

“Oo bakit? May naiwan ka ba sa van?”

“Wala akong naiwan, may ipapauwi lang sana akong taong buwisit!” Sabi ko rito.

Kahit papaano eh andyan pa rin si Xyza para damayan ako. Nakakabawas ng bigat sa dibdib. Natawa lang siya. Akala ko talaga eh sa McDo siya um-order, yun pala sa coffee shop na pinagbibilhan ko nang paborito kong blueberry muffin.

“Hala girl!” Bigla nitong nasambit matapos makuha yung order niya.

“Oh anong banat mo?”

“Yung headband ko nawawala!!!” Halos nagwawala nitong sabi sa akin.

“Eh ano ba kasing meron sa headband na iyon at ganyan ka kung makareact?”

“Gaga! Yung butterfly ko!! May sentimental value yun eh.” Ngayo’y mangiyak-ngiyak na nitong sabi sakin.

“Heto.” Sabay abot ng cellphone ko.

“Aanhin ko ito? Ilalagay ko sa ulo ko kapalit ng headband ko?”

“Para kang tanga, siguro kasabay ng pagkahulog ng headband mo yung pagkahulog ng utak mo. Siyempre tawagan mo nanay mo baka naiwan mo sa van.”

Nagliwanag mukha nito at agad na tumawag kay tita. Tuwang tuwa nitong ibinalita sa akin na nahulog daw sa sasakyan yung pinakamamahal niyang headband. Di ko maiwasang mag-roll eyes.

“Masaya ka na?”

“Naman!”

“Dali na, baka lumamig na yung muffins ko leche ka!”

At idinaan na nga naming dalawa sa pagkain ng muffins.

(itutuloy...)