Tuesday, June 28, 2011

The Letters 1

NOTE: Collaboration po namin ito ng aking friend na si Dhenxo Lopez (Ang owner ng blog na ito). Nawa po'y inyo iyong maibigan. :)

This part was written by Unbroken/Rovi.
FB:iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/







March 16,2009


Kupal kong diary/journal/spring notebook,


Fuck. Ang sakit ng ulo ko. I just had one hot steamy sex with someone I met sa isang bar sa Malate. Goodness Gracious,he was so big. But I must admit that I had a very good time. I just so love sex. I just so love hooking up and flirting with guys sa bars. I think that this is really my thing. Who knows? True love might meet me there.


Okay. So ang sakit nga ng ulo ko diba? Grabe yun,alam mo yung feeling na lasing na lasing ako tapos i'll have a good sex? Chemical Fun! Just heaven. Ang sarap. Pero pag gising mo,disaster!


I'm thinking of not going to work today. Tinatamad ako. Ang sakit pa ng ulo ko eh. Wag nalang kaya akong pumasok? Nadedemonyo na naman akong gumimik ngayong gabi.


Ewan ko ba kung bakit ako nagkaganito. Dati naman okay ako nung nasa Isabela pa ako. Masaya at simple ang buhay,di ko alam ang paginom at pagyoyosi. Clean-living ika nga. Pero masaya naman ako sa Maynila. Though napakalaki nga lang talaga ng pinagiba ko nang mapadpad ako dito.


Nung una ayaw ko sumama sa Maynila,nung nagtagal na,napapayag ako ng tita ko. Pangako nya kasi sakin na pagaaralin nya ako ng Nursing dito sa Maynila. Well.tinupad naman nya,yung nga lang naobliga na rin akong huminto dahil kulang na sa pera. Sayang nga at mga Duty nalang ang kulang ko.


Naobliga din ako magtrabaho. Awa naman ng Diyos,napasok ako sa bilang isang ESL teacher. Madali lang ang trabaho,Petiks kung petiks,kahit papaano naman ay okay ang sahod. Di ko lang maintindihan kung bakit parang nawawala ako sa landas? I mean bakit parang nagiging makamundo ako? I feel so lost. Nangungulila ako sa pagmamahal. I just need someone to tame the devil in me.


* * *



So ayun,nalabanan ng mabuting ako ang masamang ako. Pumasok ako ngayon sa trabaho.


Same typical office set-up. Ang daming cubicles kung saan nandun ang stations naming mga teachers. Isang computer per teacher. May headset,phone etc. We have to call our students then have classes with them. 10 minutes per class so hindi na din naman masama. IN fact,napakaentertaining nga ng mga trabaho.


Okay naman ang mga tao sa office. Mababait naman silang lahat,isa pa wala namang kaso sa kanila kahit bakla ako,so keri lang. People in the office knows that I'm gay,wala naman akong tinago. Syempre may mga nanghinayang,pero natanggap din naman nila ako.


“Chris,may mga bagong trainee oh.” sabi sa akin ng isa kong kasama.


“Really? Naku,hayaan mo sila. Magtrabaho nalang tayo.” sabi ko.


“Okay. Arti mo.” pabirong sabi nito.


“Gaga. Hayaan mo na,di naman natin ikakayaman ang mga bagong trainee. Buti sana kung may malalandi dyan.” pabiro kong sagot.


“Te,malay mo naman no. Don't lose hope.” sabi nito.


“Gaga.”


Narinig ko nalang na pinapakilala ng TL ko ang bagong member isa-isa. Hindi ko masyadong pinansin kasi makikilala ko rin naman sya pag turn ko na syang makilala eh. So ayun na nga.


“Bakla.” tawag ni Ate Joy sa akin na seatmate ko.


“Yes Straight?” sabi ko.


“Moreno yung bago. May nunal.” nanchichismis na sabi nito sa akin.


“Ayy talaga? Hayaan mo sya.” sabi ko,sounding so aloof.


“Echusera. Kagandahan?” nangiinis nitong sabi.


“Ewan ko sayo.”


Patuloy ako sa pagtatype. Hinantay ko nalang na lumapit sa akin ang aming TL o Team Leader na si TL Mary. Ilang segundo pa,nakita ko na syang nakabungisngis with her braces. Nasa likod na nga nya ang Trainee.


“Uhhmmm. Teacher Chris.” tawag nito bilang pagkuha ng atensyon ko.


“Yes TL?” nagigiliw-giliwan kong sabi.


“Uhhmm.” sabi nito sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang tenga.


“Uhmm,we have a new member for the team.” dugtong nito.


Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Nagaantay akong ipagpatuloy nya ang pagpapakilala sa amin ng bagong empleyado. Bakit parang natetense ang TL ko? Mukha ba akong masungit?


“Uhhhm,Yes. Uhhm. Yes. This is Teacher George.” sabi ni TL sa akin.


Ngumiti ito bilang respeto. Muling bumanat si TL.


“Ahhh Teacher Chris,he'll be sitting here.” sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan ko.


“Ahh okay. Sure sure.” sabi ko rito sabay ngiti.


“Nice meeting you Chris.” sabi ni George sa akin.



Tila huminto ang mundo ko ng masilayan ko ng husto si George. Di ko alam pero parang he made an impact sa akin. Di naman sya kagwapuhan,sakto lang. Tama nga si Ate Joy,moreno nga sya at may nunal. Sakto lang talaga sya. Pero I can't take my eyes off of him. Weird.


Inaalyze ko ang mukha nya.


“Teacher Chris?” sabi ni TL.


“Uhh yes? “


Nakita kong nakaumang ang kamay ni George,imposing a handshake. Nagulat ako. I took his hand and we did a firm handshake. Ngumiti ako sa kanya. Ganun din sya sa akin. Hindi ko alam,pero parang may something. May Spark,parang Meralco.


“Teacher Chris,are you okay? Namumula ka.” concerned na sabi ni TL.


I instantly checked myself in the mirror and see myself blushing. I felt an iota of mortification within me. Nakakahiya. Kinikilig ba ako?


“I'm okay TL. Thanks.” sagot kong pagiwas sa panunuksong nangangamoy.


“Okay. Teacher Chris,iiwan ko muna dyan sa tabi mo si Teacher George. Kindly assist him if he has questions ha? Be kind.” sabi ni TL.


“Yes TL.”


Ayun na nga. Tumabi na sa akin si George. Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Nahihiya ako sa kanya. Alam mo yun? Nakakainis. Para akong teenager na kinikilig twing nakakatabi ang campus crush. Di to maganda.


“Bakla namumula ka oh?” pangiinis ni Ate Joy sa akin.


“Ako? Namumula? Hindi ah! Nakakainis ka Ate Joy!”


I looked at the mirror again. Dumbfounded,Yeah. I'm blushing.


This is just not right.


Laters,
Chris.

Friday, June 24, 2011

Torn Between Two Lovers? viii

“Ugghhh!”

Napadilat ako dahil sa narinig. May umuungol. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may kakaiba pero wala naman. Patuloy lang ang mga ungol na ngayon ay lumalakas na. Nanggagaling yun sa pwesto ni Francis.

Napabangon ako at sinigurong dun nga banda galing. Di nga ako nagkamali kaya naman agad ko siyang pinuntahan. Inabot ko yung switch ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang pagkakita ko sa ayos ni Francis na unat na unat.

Patuloy lang siyang umuungol. Ginigising ko siya pero hindi magising. Kinakabahan na ako. Sinubukan ko siyang gisingin muli pero hindi pa rin effective. May nabasa ako sa isang libro noon na pag hindi raw magising ang isang taong binabangungot ay umusal lamang ng prayer. Yun nga ang ginawa ko.

Nagdasal ako sa tabi niya ngunit hindi pa rin. Napahawak ako sa kamay niya habang patuloy sa pagdarasal. Hindi nagtagal ay naramdaman kong humigpit pagkakahawak niya sa kamay ko. Napadilat ako at tiningnan siya.

Wari mo’y naligo ito sa sobrang pawis habang nakaupo sapo ang ulo.

“Saglit kuha ako nang tubig tsaka pamalit mo.”

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

“Kuya huwag mo ako iiwan.” Usal niya habang di mapigilan ang pagtulo nang mga luha niya.

Napayakap naman ako sa kanya.

“Hindi kita iiwan Francis. Tahan na.”

Patuloy lang ako sa pagyakap at paghaplos sa likod niya nang maalala ko na dapat pala ako kumuha nang tubig.

“Saglit lang huh, kuha lang ako nang maiinom tsaka pagbibihisan mo.”

“Kuya dalian mo huh. Ayoko mag-isa.”

Tumalima naman ako agad at kumilos na. Wala pang isang minuto ay nakabalik na ako sa kuwarto dala ang isang baso nang tubig at bihisan. Inabot ko na iyon agad sa kanya.

“Bakit mo kinukuha unan kuya?”

“Tabi na kasi tayo matutulog. Okay?”

“Opo.”

“Yan good boy. Lika na kay daddy dali.” Sabay pagpag sa katabing space.

Tuwang-tuwa naman ang loko at tumalon pa sa kama.

“Ay excited?”

“Opo daddy.” At nagboses bata pa.

“Yuck!” Natawa na lang kami pareho. Naka-move on na siya.

Inakala kong nakatulog na siya nung tumahimik na siya. Sinulyapan ko. Nakapikit na siya kaya naman napagpasiyahan ko na ring matulog.

“Sorry kuya huh, naistorbo pa tuloy tulog mo.” Rinig kong sabi niya.

“Wala yun. Kinabahan nga ako kasi baka napano ka na eh.”

Tahimik ulit.

“Lika nga dito, lapit ka.” Lumapit naman siya.

Inangat ko ulo niya para sa braso ko siya uunan. Yung isang kamay ko naman ay iniyakap ko sa kanya. Instinct na sigurong maituturing yun para maramdaman niyang secured siya. Napayakap na rin siya sa akin. Ganun ang ayos naming natulog.




“Good morning daddy!” Bungad niya sa akin pagmulat ko.

“Good morning din Francis.” Nagulat pa ako nang halikan niya ako. Nakabawi rin ako agad. “How was your sleep?”

“Never been better.”

“Hus, bolero.”

“True yun kuya ah!”

“Sabi mo eh.”

“Ay di naniwala oh.” Patampo niyang tugon.

“Nagtatampo ka na nyan?”

“Nope.”

“Weh di nga?”

“Nope.”

“Sige bahala kang magtampo dyan.”

Bumangon siya agad at talagang nagtampo nga. Babangon na rin sana ako pero nahihirapan akong tumayo.

“Francis.”

Hindi siya sumagot.

“Francis tulong.”

“Bahala ka riyan tumayo mag-isa.”

“Hindi ko nga maigalaw braso ko paano ako tatayo?” Sa totoo lang kaya ko naman tumayo gamit ang isa ko pang kamay pero inaamo ko lang siya.

“Style mo bulok.”

“Francis!!” Napasigaw na ako bigla. Napahangos naman siya agad sa akin.

“Huwag mong gagalawin! Huwag mong gagalawin!” Hiyaw ko dahil sa biglang sumakit yung braso ko.

“A-anong nangyayari kuya?” Taranta niyang tanong at biglang hinawakan ako sa braso.

“Namamanhid yung braso ko. Ang sakit sobra! Please huwag mo munang gagalawin.” Halos maiyak-iyak ko nang sabi.

“Kuya sorry! Sorry!” Binatukan ko uli siya. “Aray! Pangalawa na yan huh.”

“Bakit ka ba kasi nagsosorry?”

“Eh kaya nagkaganyan yan kasi ginawa kong unan kagabi.”

“Hay naku, mawawala rin ito maya-maya basta di lang magalaw. Parang di ka nursing ah.” Tumawa pa ako para naman gumaan pakiramdam niya kahit paminsan-minsan ay napapangiwi ako pag nasasagi.

Mukhang nagkamali ako dahil napayuko siya. Inangat ko mukha niya gamit yung nangalay na kamay ko na ngayon ay hindi na gaanong masakit.

“Huwag na malungkot huh. Ayaw ko makita kang nakasimangot o kaya naman malungkot kaya naman smile na, please?”

Alangan pa rin ito. Kaya naman nilapastangan kong muli ang mga labi niya bilang pang-aamo ko sa kanya. Saglit lang iyon pero kapalit naman nun ang isang ngiti sa kanya. Sapat na iyon sa akin. Nakabawi na siya maging ako rin.

“Ang aga namang drama nito. Halika na nga at kumain na tayo.”

Lumabas na kami at kumain. Matapos iyon ay agad na itong nag-ayos para umuwi. Bitbit ang backpack niyang iyon ay nagpaalam na siya kila mama.

“Hatid na kita.”

“Di na kuya. Kaya ko na ito tsaka baka masanay ako na may naghahatid sakin eh mahirapan ka pa.”

Oo nga naman. Tama siya dun ah.

“Ganun ba? O sige tawag na lang ako nang tricycle.”

Tinawag ko yung nakapila at lumapit naman ito agad.

“O text mo ako pag nasa bahay ka na huh?”

“Yup. So paano kuya, see you sa school.”

Tumango lang ako. Hahalik sana siya pero pinandilatan ko para sabihing di pwede. Nakuha naman niya agad kaya yumakap na lang.

“I love you kuya.” Bulong niya sabay kalas sa yakap. Ngumiti na lang ako.




“Hays, napagod akong bigla dun ah.” Sabi ko sa sarili nang tuluyan ng mawala sa paningin ko yung sinasakyan ni Francis.

Papasok na ako sa loob nun ng tumunog yung phone ko.

Bez Arnel

Ano na naman kaya nakain ng taong ito at nagtext. Binuksan ko yung message. Parang mas lalo akong napagod sa nabasa ko. Kakatapos ko lang makipagharutan kay Francis tapos heto na naman ang isa. Salawahan lang eh.

“Ma, pupunta raw si Arnel ngayon.” Walang gana kong sabi kay mama.

“Ganun? O siya pupunta muna ako sa palengke. Ikaw na muna bahala rito sa bahay tsaka dyan sa bisita mo.”

“Okay.”

Matapos iyon ay tumungo na ako sa sala at nanuod muna nang TV. Hindi pa nag-iinit yung puwet ko sa upuan ng muli ito magtext. Nasa labas na raw siya. Tumayo na ako para puntahan siya.

“Oh bakit parang pagod ka?”

“Huwag mo na lang pansinin yan. Anong meron?”

“Wow sungit ah. Meron ka ba ngayon?”

“Don’t start with me.” Sabay irap.

“Okay. Anyway, sila tita?”

“Obvious ba?”

Napakamot siya nang ulo. “Oo nga naman.”

“Do you want anything? Merienda?” Habang nakatutok ang mga mata sa paborito kong palabas.

“Ahm, hindi na.” Tumahimik siya.

Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Kakausapin ko na sana nang makita kong nakatulog pala ang loko. Napailing na lang ako. Maya’t maya ko siyang tinitingnan. Ang amo kasing tingnan ng hitsura niya ngayon.

“Baka matunaw ako.”

“Ulol!” Sabay hampas ng throw pillow.

“Aray! Nananakit?”

“Dapat lang sa’yo yan.”

“Pa-kiss nga!”

“Tukmol, di pwede.”

“Bakit naman?”

“Wala tayo sa bahay niyo o kaya sa isang private na lugar. Baka mahuli tayo.”

“Eh wala naman sila di ba?”

“Basta hindi pwede.”

“Ay ang damot naman. Para halik lang eh.”

“Anong para halik lang ka dyan! Len umayos ka nga.”

“Sabi mo eh.” Sabay iling.

“Anong meron?”

“Saan?”

“Wala.”

“Hay naku.”

“Ewan.”

Nakatutok ako sa panunuod samantalang siya ay walang puknat kung makapagtext. Iyon marahil ang paraan naming dalawa para punuan yung gap na naghahari sa pagitan namin. Maya-maya pa ay may tumatawag sa labas.

“Saglit lang po.” Sabi ko sabay tayo.

Mga ilang minuto na rin siguro akong nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan yung babaeng kanina pa nagtatao po sa labas. Nagngingitngit ang kalooban ko.

“Hi.” Labas sa ilong na bati ko.

“Hi Dhen! Andyan ba si Arnel?”

“Ah oo. Saglit tawagin ko.” Sabay talikod.

Nasa pintuan na ako nun ng maalala kong hindi ko pa pala siya pinapasok or inalok man lang na uminom. Ewan. Nagdadalawang isip ako kung papatuluyin ko pa ba siya. Nagtatalo ang pagkainis ko kay Len at sa babaeng ito at yung better side of me. Siyempre nanaig ang hiya ko. Binalikan ko siya para papasukin.

“Hayan siya oh.” Sabay turo kay Len na nakaupo.

“Hi hon! I miss you!” Sabay halik sa pisngi nito.

Lalo akong nag-alburoto. Padabog akong umupo sa sofa. Napatingin pa silang dalawa sa akin. Nakaramdam ako kaya tumingin din ako sa kanila sabay sabi nang sorry at ngiting pilit.

Nakatutok ang mga mata ko sa screen pero tutok na tutok ang tenga ko sa pinag-uusapan nila.

“Ahm hon, bakit mo nga pala ako pinapunta rito kila Dhen? Nakakahiya naman.”

“Na-miss lang kasi kita eh. Kelan na ba kasi ulit tayo huling lumabas?” What the!? Hindi dating place itong bahay!!! Kapal at pinapunta pa rito!!! Buwisit talaga!!!

“Hindi ko na rin maalala eh. Hmmm, two weeks ago?”

“Tama, sa may park tayo nun with matching sorbetes tsaka cotton candy.” Sabay tawa. Malas nga naman oo.

“Oo nga hon. Tapos napag-usapan din natin yung future natin 3 years from now. Remember, nagplan tayo about our wedding?”

Bigla akong napaubo parang nasamid.

“Dhen okay ka lang ba?” Si Jessa.

“Ah, oo. Huwag niyo akong intindihin.”

At nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan. Medyo tumatahimik si Arnel. Buwisit na buwisit naman ako. Hindi na ako makatiis. Gusto ko nang umalis pero saan naman ako pupunta? Malamang makakaramadam si Francis pag siya ang tinawag ko.

“Ah Dhen, phone mo nagri-ring.” Si Jessa ulit.

“Huh?”

“Phone mo.” Si Len.

“Ah sorry.” Sabay dukot ng phone at sagot dito.

Tumayo ako at bahagyang lumayo.

“Buti tumawag ka!” Halos pabulong kong sabi sa kausap ko.

“Ay anong meron?” Si Xyza.

“Mahabang kuwento Xy. Kuwento ko sa’yo lahat pero may kapalit.”

“Ano?”

“Magdala ka nang float and fries for two rito sa bahay tapos kunwari hindi mo alam na may bisita ako rito sa bahay. Gets?”

“Copy.”

“Okay. Now na.”

At naputol na ang linya kasabay nun ang pagkakita kong nag-smack silang dalawa. Gusto ko nang ibalibag tong dalawa palabas. Feeling ko nananadya itong si Len eh. Lintik lang ang walang ganti!

Nag-ring ulit phone ko.

“Nasaan ka na? Bakit ang tagal mo?” Singhal ko sa tumawag.

“Huh? Kuya?”

“Ay FRANCIS! Sorry. Ikaw pala yan.” Diniinan ko talaga ang pangalan niya para marinig ni Len.

Napalingon naman ito. Palihim na nagbubunyi ang kalooban ko dahil sa nakita kong medyo naningkit ang mga mata nito.

“Anong meron at napatawag ka?”

“Nakalimutan ko kasi kuya yung ano ko.”

“Anong ‘ano’ mo?”

“Yung ano ko sa banyo.”

“Ano nga yun?”

“Yung brief ko.” Natawa ako dahil sa sobrang hina nang pagkakabanggit niya sa brief. “Kuya naman eh. Nahihiya na nga akong sabihin tinawanan pa.”

“Sorry, natawa talaga ako sa pagkakasabi mo nang brief eh.” At ginaya ko ang hina nang pagkakasabi niya.

“Lagot ka sakin. Humanda ka, malapit na ako.”

“Can’t wait!” Sabay tawa ulit.

Pansamantala kong nakalimutan ang dalawang nilalang sa loob ng bahay na kanina pa pinapapak ng langgam. Tingnan ko lang kung anong mukha ang ihaharap mo sakin after this.

Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas. Dali-dali ko itong pinuntahan. Bumukas na ang pintuan at iniluwa noon si Francis na kuntodo porma.

“Oh saan ang date huh Francis?”

“Saan pa nga ba kuya? Eh di rito sa bahay mo.”

“Loko. As if pwede.”

“Malay mo kuya makalusot.”

“Ewan.”

“Ay kuya teka, may nakalimutan ako.”

“Don’t tell me brief din yan.” Natawa lang ito.

“Wait lang huh, kunin ko.” Pandededma niya sa pang-aasar ko.

“Okay.”

Di rin nagtagal ay bumalik na rin siya.

“O nasan yung kinuha mo.”

“Secret. Sa loob ko na lang ibibigay.”

“No! Pakita muna bago pumasok.”

“Guard? Ikaw ba yan?”

“Oo at oo pa kaya dali na. ilabas na iyan.”

“Si kuya naman excited masyado. Hala sige na nga.”

May dinudukot siya sa bulsa niya. Nag-eexpect naman ako na singsing iyon o kaya naman ay necklace or wrist band pero nagkamali ako.

“Ano yan?” Sabay turo sa hawak niya.

“DVD.”

“Harry Potter?”

Tumango lang siya. Sa sobrang kasayahan ay nayakap ko siya nang mahigpit. Natigil lang kami nang may tumikhim sa likuran ko. Napalingon ako. Kita ko naman ang reaction ni Len. Naiinis rin ito lalo pa at naabutan niya kami sa ganung sitwasyon.

“Ah, Francis. Pasok ka muna sa loob.” Anyaya ko. Sumunod naman ito.

“Ah Dhen, alis na muna kami ni Arnel huh. May pupuntahan lang kami.” Maharot nitong sabi.

“Ingat.” Sabay talikod. “Nga pala BEZ, pasara na lang yung pinto pagkalabas niyo huh.” At tumalikod ulit.

Narinig ko na lang ang may kalakasang paglapat ng pintuan. Waring padabog kaya naman sobrang nagbubunyi ako. Kasunod nun ang message ni Xyza na hindi na raw siya makakapunta dahil dumating sa bahay nila yung bf niya.

(itutuloy...)

Saturday, June 4, 2011

Jaylord!

“Den tulog na tayo.”

“Sige.”

Nagpaalam na kami sa senior namin sa ER para umidlip dahil wala pa naman pasyente.

“Saan mo gusto pumwesto?” Tanong niya sa akin.

“Dun na lang siguro ako sa may edge nang foam.”

“Okay sige.”

Nilapat ko na ang aking pagod na katawan sa foam.

“Hala saglit naman Den. Wala pang cover yan eh.”

“Eh ano naman Jaylord. Pagod na ako, huwag ka na maarte.”

Narinig ko na lang ang paglabas niya nang treatment room kung nasaan ako. Maya-maya ay bumalik rin ito na may dalang sheet cover.

“Tayo ka na muna diyan Den. Latag ko lang ito. Saglit lang ito promise para naman masarap tulog natin.”

“May magagawa pa ba ako?” Sabay tayo.

Inayos na nga nito ang hihigaan naming dalawa.

“Teka, si Chicky hindi mo ba aayaing umidlip rin?” Tanong ko.

“No need guys, andito na ako.” Nasa likuran nap ala namin.

“Walastik ka rin eh ano. Hinintay mo pa kaming mag-ayos dito bago ka pumasok huh.”

Tawa lang ang isinukli nito.

Ako naman ay bumalik na sa pagkakahiga.

“Kuha muna ako nang tubig huh. Una ka na matulog huwag mo na akong hintayin.”

“As if!” Sagot ko.

Umalis na nga siya para pumunta sa may station. Pagbalik niya ay narinig kong sinabihan nito si Chicky na lumipat ng puwesto dahil gusto rin nito sa edge nang higaan. Pero sorry siya, ayaw ni Chicky kaya napilitan itong pumagitna sa amin.

Hindi pa rin ako dalawin ng antok pero nakapikit lang ako. Unusual lang hindi naman kami ganito ka-close ni Jaylord nung college, in fact, dito na lang rin kami nagkakilala nang maigi at nagkasama nang matagal. MAGKASAMA? Shit, katabi ko yung college crush ko sa bed.

Nagmumuni-muni pa ako nun ng maramdaman kong idinantay niya ang braso niya sa akin. Hindi ako makakilos. Gusto ko na rin siyang yakapin pero nanaig ang hiya ko sa katawan. Nagulat na lang ako nang tinanggal niya ang pagkakadantay niya sa akin dahil sa isang HOY na nanggaling mismo sa akin.

‘Tanga!’ Nasabi ko na lang sa sarili ko.

Tumalikod na ito sa akin. Natulog akong may panghihinayang.

5am na nang magising ako. Bubulyawan ko sana si Jaylord dahil sa hindi niya panggigising pero naalala ko yung nangyari kaninang madaling araw. Nabalot ako nang hiya at guilt. Wala na rin siya sa tabi ko nang mga oras na iyon.

Bumangon na ako at nagmumog.

Pagsilip ko sa labas ay masaya itong nakikipagkuwentuhan kay kuyang guard.

Ilang saglit pa ay may dumating na pasyente. Dahil sa kaming dalawa pa lang ang gising ay no choice kami kundi asikasuhin yung dumating.

Siya tagakuha nang details ng patient samantalang ako naman ang tagakuha nang vital signs (BP, pulse and respiratory rate, temperature). Hindi maiwasang magdikit ang mga balat namin at sa bawat dampi ay ramdam ko ang tensyong namamagitan sa amin.

Walang gustong umimik. Tahimik naming inasikaso ang patient.

---

Sa wakas out na rin. Inaya ko na si Chicky na umalis na.

“Si Jaylord hindi mo ba tatawagin?”

“Hindi na siya bata.”

Nagulat na lang ako na katabi ko na pala siya.

“Bakit hindi mo ako hinintay?”

Tiningnan ko lang siya.

Tahimik naming tinahak ang daan pauwi.

---

December 2009

Pauwi ako nun galing Manila nang magkatextan kami.

Ako: hey musta?

Jaylord: okay naman. Ikaw?

A: im great. Pauwi na ako galing Manila.

J: abroad ka na? iiwan mo na ako?

A: adik much? Baliw! May inayos lang ako.

J: :(

A: ay ewan ko sayo.

J: iiwan mo na kasi ako.

A: pde ba yun?

J: bkit hindi eh hindi mo naman ako mahal.

Ano daw? Mahal? Mahal din ba niya ako?

A: huh?

J: wala :(

A: hoy umayos ka huh mamaya niyan maniwala ako mahalin na kita.

J: mahal mo ako?

A: ay hindi.

J: :(

A: bkt na naman?

J: wala.

A: fine.

J: hindi mo ba talaga ako mahal?

A: hindi. Crush lang kita.

J: seryoso?

A: ay hindi. Joke lang yun. Ewan ko sa’yo!

Dun ko lang nalaman na umamin na ako sa kanya.

J: bkt ako? marami pa naman na mas guwapo sakin dyan.

A: basta.

J: crush din kita.

A: wala namang gaguhan Jaylord.

J: :)

After ng nangyaring yun ay mas lalong naging madikit sa akin si Jaylord. Sa tuwing magkakasama kami nang duty ay extra care siya.

One time, nagkita kami sa Manila (mga late December yun). Nagdate kami sa KFC along EspaƱa Blvd sa tabi nang UST. Date? Oo kasi pumayag siyang lumabas kaming dalawa. Kaen, kuwentuhan, kulitan at tawanan ang pinaggagagawa naming dalawa dun.

“Crush mo ba talaga ako?”

“Oo.” Tugon ko.

“Okay.”

“Bakit?”

“Crush din kita.”

“Bakit?”

“Mabait ka kasi tsaka malambing.”

“Bf material ba ako?” Tanong ko.

“Oo.”

“So may pag-asa bang maging tayo?” Tanong ko ulit.

Ngumiti lang siya.

“Is that a yes?”

Biglang nag-iba expression mukha niya.

“Okay I understand.” Nalungkot na rin ako.

“Mahal na ata kita.”

“Ata? Dapat sigurado ka.”

Hindi siya umimik.

“Ah I see. May girlfriend ka nga pala. Sorry nakalimutan ko.”

Tahimik pa rin siya. Akma niyang hahawakan kamay ko pero iniurong ko ito.

“I have to go. Wala pa akong tulog.”

Sabay walk-out. Narinig ko ang pag-urong ng upuan niya.

Hinawakan niya braso ko.

“Usap naman tayo.”

“Wala na tayong pag-uusapan pa Jaylord.”

“Meron.”

“Ano? Yung girlfriend mo? Kung gaano mo siya kamahal? Letse, all this time pinaasa mo ako sa wala!” Mahina kong sumbat.

“Tayo. Kelangan nating pag-usapan tayo.”

“Let me remind you, walang tayo!”

“Listen Den please. Mahal na kita pero…”

“Kanina sabi mo mahal na ATA kita tapos ilang minutes lang sure ka na na mahal mo ako? Fuck you! Hindi ko kailangan ng awa mo.” Pagputol ko sa sinabi niya.

“Den naman. maniwala ka naman.”

“Maniniwala lang ako na seryoso ka dyan sa sinasabi mo pag sinabi mo sa girlfriend mo na nanglalandi ka nang lalaki behind her back.” Maanghang ko sagot rito.

“Hindi ko kailangang gawin yan. Mahal ko girlfriend ko!” Hindi na niya napigilang magtaas ng boses.

“Mahal mo siya tapos mahal mo ako? So ano ako, parausan?”

“That’s not what I meant.”

“Hindi ko sinabi sayo na mahalin mo rin ako at mas lalong hindi ko sinabing sakyan mo ang nararamdaman ko just to please me or just to boost your damn ego!”

“So hindi mo talaga ako mahal.” Malungkot na sabi nito.

Lumapit ako rito. I held his face.

“Mahal kita Jaylord pero wala akong mapapala sa katangahan ko sayo. You’ve already mastered the trick of being a paasa and I congratulate you for that. Bye.”

At tuluyan na akong tumalikod at lumayo sa kanya. Kasabay nang pagbaba ko sa overpass ay ang pagbaba rin ng mga luha ko.

Totoo. Umasa ako dahil binigyan niya ako nang assurance through his words and acts pero hindi matanggap ng pride ko na pinaasa ako.

Sumakay na ako nang jeep at kakalimutan ko na ang nangyari. Kakalimutan ko na siya.