Tuesday, April 12, 2011

Don't you want to stay?

AUTHOR:Unbroken/Rovi
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/ (please follow)
FB:Iheytmahex632@gmail.com

NOTE:Feel Free to follow my blog. Comments are highly appreciated! Thanks!

"Don't you want to stay?"
by:Unbroken



"Hinaan mo muna yung aircon ang lamig eh."


"Tinatamad ako dad. Inaantok pa ako. Please ikaw na?"


You sat on the edge of the bed. Gazed at me. Kissed me on the forehead. Stood up then instantly reached the crank of the faulty air conditioner. I saw how the dim moonlight licked your body through the thin satin curtains of my room.


"Palitan mo na tong aircon mo."


"Pwede pa naman yan no."


"Ang kuripot ng baby ko."


I smiled. Unti-unti lang lumapit pabalik sa kama.


Seeing you makes me happy. I love to see how you smile. Nakakatuwa na t'wing makikita kita eh lagi kang nakangiti. It's as if you're not going through anything. That's what I love about you, kahit depressing na ang mga pangyayari and we both know that we're in a complicated set-up,you still manage to make things light and easy for us.


Umupo ka sa edge ng kama. I saw your back. Sexy as always. You possess those define back muscles that really turn me on. My fingers made their way to it. Hinahawakan kita sa paraang alam kong makakapagpatigas sayo. Parang explorer na sumusunod sa mapa ang aking mga daliri sa pagsunod sa mga guhit sa likod mo. Ramdam ko na nageenjoy ka dahil sa mga mahihinang ungol na namumutawi sa bibig mo.


You gave me that appealing stare which made my fingers stop from touching your back. Tumingin ka sakin while I was lying down. Dahan-dahan kang humiga. I can hear your heartbeat. You wrapped me with your arms. Nothing has ever felt this good. I must admit,everytime you touch me,it feels like I'm losing my virginity.

Nasubsob ako sa dibdib mong carpeted. Rinig ko ang tibok ng iyong puso. Dama ko ang init ng iyong katawan. Kita ko ang contentment sa iyong mukha. Sana hindi na matapos to. Sana wala na tong katapusan.

“Kailan tayo magkikita ulit dad?”

“Basta itetext kita.”

“Kelan naman kaya yun?”

“Alam mo naman set-up diba?”

“Oo naman. Di ko nakakalimutan dad kung ano ako sayo.”

“Eto na naman ba tayo baby?”

Sabay tayong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Namimiss kita Dad.” sabi ko.

“Magkasama tayo ngayon. Paano mo ako namimiss? Ang gara naman nun.”

“Paano mamaya? Uuwi ka na tapos maiiwan na naman ako magisa dito Dad.”

Nakita mo ang disappointment sa aking mukha while I was saying those words. You pinched me,i stopped worrying about the future.

“Alam mo naman na di ka magisa diba?”

“Physically,pag umalis ka, Am alone and lonely.” sagot ko.

“You never have to be lonely. Okay?”

You gave me a reassuring kiss. Somehow,I felt fine, but deep inside kinakain ako ng takot. Everytime we meet, ang saya-saya ko. I never felt so happy. To think of it,alam kong ikaw lang ang makakapagpaligaya sakin ng husto,that's the reason bakit ako nagstick sayo kahit alam kong kumplikado lahat,maging ang relasyon natin.

“Oh? Bakit natutulala ka?”

I was surpised. Thoughts have been running on my head that I didn't even notice you're staring at me. Dumbfounded,I unconsciously bit my lower lip with my teeth. You laughed and asked me what's wrong.

“Anong problema Baby?”

“Wala Dad.”

I lied. Alam kong nagiisip ako.

“I know you.”

“I know.”

“Tell Dad now. Anong problema ng baby ko?”

“Dad,I was wondering.”

“What?”

“Kung kailan tayo magkikita ulit? Madaming mga thoughts ang tumatakbo sa isip ko now pero di ko alam kung ano yung pinakamatimbang. Ang alam ko lang ayoko ng matapos tong ganito. Yung tayong dalawa,ganito lang na magkasama. Yung tipong di mo na kailangang umuwi sa kanila. Yung tipong akin ka nalang?” mahaba kong sabi.

I saw sadness in your eyes. Sadness that has always been with you everytime we talk about us. Alam kong nahihirapan ka na sa set-up natin,alam mong nahihirapan din ako. Bakit di pa natin mapakawalan ang isa't-isa? Does that mean we love each other much at biktima lang tayo ng panahon?

“Alam mong mahal na mahal kita baby.”

“Alam mo din na mahal kita daddy.”

“Sorry for putting you sa ganitong set-up.”

“Alam ko ang pinasok ko from the start.”

“Sorry.”

“I know na may family ka. Alam ko lahat. I must admit na di ko maiwasan minsan na magdemand ng panahon mo,pero anong magagawa ko? Pumatol at nagmamahal ako ng isang taong pamilyado eh. Alam kong magiging ganito tayo. Naramdaman ko na magkakagulo tayo somewhere in the middle.”

Tumagilid ka ng pwesto. Bali kaharap mo na ako ngayon. We were facing each other. Our eyes met. Deep sighs. Hearts confused. Shall we stay? Shall we go?

“Baby? I have a question.”

“Ano yun daddy?”

“Kung di mo ko nakilala,sino kaya ang kasama mo ngayon?”

Nangiti ako sa tanong mo. We never talked like this before.

“That I don't know. Alam mo naman na mabenta ako.” I said,jokingly.

You smiled.

“Eh ikaw? Ano ka kaya ngayon kung wala ako?” tanong ko.

You gave me that odd look. You were trying to analyze if I was just trying to weight your statements and I know you were figuring out if I'm serious. I know you. You kissed me on the forehead.



“Sagot.” I demanded.

“I don't know. Siguro I never learned how to be unfaithful kung di kita nakilala.”

I raised an eyebrow. So kasalanan ko palang nagtataksil ka sa asawa mo? Partly,yes. Pero di ko kagagawan lahat. It's not me.

“Really?” tanong ko.

“I think so?”

“Why did you say that?”

“Ewan. My relationship with my wife has always been stable and all that. After having met you,di ko na alam kung anong nangyari. All I wanted was just to be with you,di ko alam. Alam kong marami akong pagkukulang sayo,pero kung alam mo lang kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa'yo,you never would have doubted my feelings.”

“Dapat ba akong maging masaya dahil narinig ko yan sayo?” tanong ko.

“Siguro. On the first place I don't control your emotions.”

“Tama ka. We can't control how we feel. Di mo din ako masisi na sa twing uuwi ka sa inyo,jealousy brutally kills me.”

“Really? You seldom tell me you get jealous.”

“Hello? Ano ko robot? Di ba ko marunong magselos? At bakit ko pa sasabihin sayo na nagseselos ako? Para maguilty ka lalo?”

“Ikaw talaga.”

Tahimik. Parang musikang nanghaharana ang aming mga pusong naguusap. I have a gut feel that it would just have to end so soon.

“Baby?”

“Hmmm?”

Napatingin ako sa labas ng bintana. The rain started pouring like woah. I smiled.

“Why are you smiling baby?”

“It's raining daddy. Maybe it's a sign for you to stay a little longer.”

“Ikaw talaga. I have a question.”

“Ano yun?”

“Did you ever regret having me in your life?”

“What a question? Bakit mo naman natanong yan?”

“Wala naman. Baka kasi nahihirapan ka na sakin.”

“Oo. Nahihirapan ako sa set-up. Aminado ako. Pero I never complained. May narinig ka ba sakin?”

“Wala naman.”

“See. Yun yon. I have kept what I feel dahil ayokong mahirapan ka lalo. I know this is wrong. Alam na alam kong mahirap makiapid sa taong pamilyado. Alam ko lahat,pero tiniis ko dahil mahal kita.”

“Salamat sa pagmamahal.”

“You're welcome.”

“Gusto mo na ba kong hiwalayan?”

That question caught me off guard. Parang nawala ang katinuan ko nang marinig ko ang tanong na yan. Yung tipo bang 1M jackpot question sa “Who wants to be a millionaire?”,ganun ang dating. The question confused me. The question made me analyze things. The question made me weep.

“Ibabalik ko ang tanong sa'yo. Bakit mo natanong yan? Gusto mo na ba akong iwan?” tanong ko.

“Mahirap to para sakin...”

Before you could say anything,I had to cut you off.

“Spill it.” matigas kong sagot.

“I have to. Oo.”

“Shit.”

“My wife has been more suspicious nang may mga nakita syang sigarilyo sa pocket ko. She knows I don't smoke.”

“You could have lied.

“I did. Pero di sya naniniwala. Kilala nya ako.”

“Eh ako? Hindi ba kita kilala?”

“That's not the point.”

“Makikipaghiwalay ka sakin para sa asawa mo?”

“Hindi. Para sa mga anak ko.”

Asshole. Napatahimik ako sa narinig. Tama sya,para sa mga anak nya. I know I have his heart,pero mahirap pa rin talagang makipaglaban pag mga anak na ang pinaguusapan. I know how dedicated he is when it comes to his children at di ko naman kayang makitang walang ama yung mga yun. I think inuusig ako ng konsensya ko.

You stood up. Hinahanap ang mga damit mong nagkalat sa lapag. You're trying to make your way out of my room,and out of my life too. At this very moment, I really didn't know what I feel. Hindi ko alam ang dapat kong gawin,papakawalan ba kita? Ipaglalaban ba kita? I really don't know. Alam kong mas matimbang ang mga anak mo sa akin. Alam ko yan.

Patuloy ang paglakas ng ulan sa labas. Wala pa din tayong kibuan. We both know na iiyak tayo pareho the moment you try to leave. Alam natin pareho yan. You got dressed as fast as you could without even saying anything. Lumapit ka sa drawer ko na may malaking salamin then looked for my perfume to put on your own. I looked at the mirror,mas lumakas ang buhos ng ulan.

“I have to go.” you said sounding so calm.

“You really want to call this off?” tanong ko. Emotionless.

“I do. I have to. Let's break up.”

I didn't dare answer. I kept my mouth shut. You just stood there,sobbing. I knew you would cry. I knew it. I looked at you,I saw a miserable guy crying.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko.

“Ayoko talagang makipaghiwalay. Pero kailangan ko na. God knows how much I do love you.”

“Then why call it off?”

“I have to.”

“That's what your heart tells you?” tanong ko.

“No.”

We stared at each other. Both of us crying.

“Don't you want to stay for a little while?”

I didn't hear any response.

“Don't you want to stay?”

Tahimik.

“Don't you want to stay and hug me tight?”

Wala kang sagot. I turned my back. Humiga ako at humarap sa pader.

“Don't you want to stay with me here for the last time?”

Seconds after,I feel your arms wrap in my body,my heart. Then there's silence.

E N D

Wednesday, April 6, 2011

"Pick Up"

Author:Unbroken
Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
FB:iheytmahex632@gmail.com

Please follow my blog!



I've been walking for an hour now. I've got nowhere to go. I'm helpless. I need to sleep.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi to maganda. Sa lahat ng di maganda,ito ang pinakapangit.

Okay. Nilalagnat ako. I feel terribly sick. This is just not right. Naguunahan ang sipon ko s pagbagsak. Ang bigat din ng mata ko. I feel so sleepy. I feel undone. I feel like shit. This is not just the right time for breaking-up. I wish he could have been more lenient.

* * *

Patuloy ako sa paglakad sa kahabaan ng West Ave. Malakas ang sundot ng hangin sa aking balat. Buti nalang nagjacket ako,kahit papaano hindi lalala ang lagnat ko dahil sa lamig.

I kept thinking why our relationship ended and why does it have to end this way. I apologized for the wrong things I've done but I guess it's already the end for him. Yes,I'm wrong. I always had my youth as a reason whenever I practice Infedelity,that I know,was never right.

I love Mel. I must admit that he's not perfect (but who is?) , he tends to have lots of mood swings and he's really a boring guy. He's not that showy or even that affectionate. He never showed me his love in public,which I always demand him to do. He never gave me any of those fantastic things other guys could offer. But I stayed,because he made me feel loved. He loved me unconditionally. He loved me in his own way.

Naiiyak na naman ako. I must stop crying.

* * *

This all happened when I met Jeff.

Feeling sick and all,dahil wala si Mel sa bahay naisipan kong lumabas. Pakiramdam ko mas magkakasakit ako kapag nagstay ako dito sa bahay. Sabi naman sakin ni Mel lalabas sila ng mga barkada nya so malamang umaga pa uuwi yun.

Kahit na may sakit ako,I took a bath at gumayak papunta sa isang bar somewhere in Morato. Mabilis pa sa alas kwatro,agad agad kong narating ang bar na tinatambayan ko paminsan-minsan.

Hindi pa rin nagbabago,masaya pa rin ang ambiance ng bar. Malilikot at malalamlam ang ilaw. Maganda ang beat ng mga kantang pinapatugtog,napakaconducive sa pagpaparty. Ramdam mo ang tamang timpla ng treble at bass,nagproproduce ito ng magandang bounce na nagpapasayaw sa mga tao.

I stood there sa isang corner ng bar and moved my body in accordance to the beat of Keyshia Cole's I Remember. Gazing at the crowd,they seemed to get the mood of the song. Couples are dancing slowly,with the guys having their arms at the waists of their girls. Some single people or people that don't have companion are simply moving along with the song,including me.

Patuloy ako sa pagsayaw,dahan-dahan. All of a sudden,I felt something behind me.

“You alone?”

“Huh? Yeah.” nagulat kong sagot.

“Cool. Cute.” sabi nito sa akin.

Clueless kung sino ang nagsasalita,I suddenly faced him.

“I'm Jeff.” he said while insisting a handshake.

“Levi.” I grabbed his hand and gave him a firm shake.

Ngumiti ako. He smiled. Then there's an awkward silence.

Seconds after, he tried to break the silence by asking a question that got me thinking.

“You're single?”

I looked at him for a moment. He's a bit shorter than me. He probably stands 5'6 or even 5'5. He's just an average guy. He's got some extensions sa buhok nya. May kulay din to,I think may pagkablond? Not so sure. For some unknown reasons, I told him a lie.

“Yes. I'm single.”

“Oooh. Interesting.” sabi nito.

I just winked at him. He held my hand and we danced. He asked for my number.

* * *

“Levi may nagtext sayo.” sabi sa akin ni Mel.

“Ha? Sino?” nagtataka kong tanong.

“Jeff?” sabi ni Mel.

Namutla ako sa narinig. Di ko inaasahang itetext pa nya ako makalipas ang isang linggo. Akala ko di na nya ako itetext kaya kampante na ako. Tumingin sa akin si Mel with his usual quizzical look at inabot sa akin ang aking cellphone.

“Salamat Bhe.” sabi ko kay Mel.

“Sino yan?” tanong nito sa akin.

I tried to calm myself. I looked at him,met his eyes and said:

“Ah,kaibigan ko. Kilala to nila Kuya Rovi.” pagsisinungaling ko.

“Ah ganun ba? Okay.” sagot nito sabay kuha ng damit sa drawer.

“Saan ka pupunta? Anong oras na Bhe ah? May gala kayo ulit?' tanong ko.

“Yep Bhe. Gimik daw kami sa Ortigas ng mga barkada ko. Sama ka?” tanong nito sa akin.

“Hmmmm. Wag nalang siguro. Nakakahiya sa mga kaibigan mo.” sabi ko.

“Anong nakakahiya don? Parang kang ewan. Alam naman nila na tayo.” sabi nito sa akin.

“Kahit na,masyadong matured yung mga kaibigan mo. Aasarin ka na naman nila na Pedophile ka.”

“Ikaw talaga. Oh sige,pero pag gusto mong sumunod itext mo lang ako agad. Babalikan kita dito sa bahay.” sabi nito sa akin sabay tuloy ng kanyang pagbibihis.

Nalungkot kasi ako nang minsang sinabihan si Mel ng mga barkada nya na Pedophile,dahil nga masyado akong bata para sa kanya. He's 40 and I'm just 19. Di ko malaman kung bakit pangit ang tingin nila sa ganun. Mula noon,di na ko sumama sa twing may lakad sila ng barkada nya. Ayoko lang masaktan twing inaasar nila na ang bata ko masyado para kay Mel.

I looked at the text message Jeff sent me. He was asking me out tonight. Seconds after,there was a triumphant smile that showed on my face.

“Oh bakit nangingiti ka?” Tanong ni Mel na tapos ng magbihis.

“Wala naman. Sige na,dito nalang ako sa bahay.” sabi ko.

“Lalabas ka ba?” tanong nito.

“Hindi po. Dito lang ako sa bahay.”

“Sige sige. Basta pag gusto mong sumunod text mo ko agad.” sabi nito.

“Sige Bhe.”

“Aalis na ako Levi.”

At ginawaran ako nito ng isang matamis na halik.

“I love you Levi.”

“I love you too Mel.”

Then I was left alone.

* * *

“Sorry,nalate ako.” natataranta kong sabi kay Jeff.

“Oo nga. Pero okay lang yun, tara pasok na tayo sa loob?” tanong nito sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

Sinalubong na naman ako ng maligalig na atmosphere ng bar. Hinatak ako ni Jeff sa gitna para sumayaw. Walang kahirap hirap,isinasabay ko lang ang aking katawan sa beat ng kanta. Hinahawakan ako ni Jeff sa baywang at napapansin kong dinidikit dikit nya ito sa kanyang kaselanan. Di ko pinapahalata pero kahit papaano ay naeenjoy ko ang ganoong bagay.

Pasikip ng pasikip ang dance floor. Painit ng painit,hinarap ako ni Jeff sa kanya at sumayaw kami. He was flirting with me. Ginagamit nya ang kanyang mga mata para rito. Ilang segundo pa,hinalikan nya ako sa labi. Hindi ako nagpatalo,lumaban ako sa halikan.

Lumayo kami sa crowd at pumunta sa sulok ng bar kung saan ako nakatayo dati. Sinandal nya ako sa pader at siniil ng halik. Nagtutungali ang aming mga labi. Mas naging intense ang labanan ng aming mga labi,hinakawakan ko sya sa ulo at dinidiin ko ito papalapit sa akin. It actually felt so good. Di ko maipaliwanag ang thrill na nararamdaman ko sa ginagawa namin,this is something different sa usual na ginagawa namin ni Mel.

“Do you like it?” sabi ni Jeff na tila nangaakit.

“Oo.” bulong ko.

Muli,nagtama ang aming mga labi. For an instance,naisip ko si Mel. Paano kung malaman ni Mel to? Paano na ako? Di ko kayang mawala si Mel sakin. Pero di ko din mapigil ang sariii ko sa mga ginagawa ko ngayon. Patuloy kami sa aming ginagawa nang..

“Akala ko ba sa bahay ka lang ngayon at magpapahinga ka Levi?”

Pamilyar ang tinig na yon. Napahinto kami ni Jeff sa ginagawa namin at nakita ko kung sino ang nagsalita. Nagunahan ang aking mga luha sa pagtalon sa aking mga mata.

“Mel,I'll explain. Please.” sabi ko sabay tulak kay Jeff papalayo.

“No need Levi.”

Nakita ko ang reaksyon sa mga mata ni Jeff. Takang-taka ito sa mga nangyayari, He was dumbfounded.

“Akala ko ba single ka Levi?” sabi ni Jeff.

“Levi? Kailan ka pa naging single?” tanong ni Mel.

“Mel,I'll explain please.” pagmamakaawa ko.

“No need. Just get your things sa bahay. I don't want to see you there anymore.” matapang na sabi nito.

Nanghina ang tuhod ko sa narinig. Parang gulaman na malambot. Walang lumalabas na boses sa akin. Patuloy ang pagtulo ng aking luha. Tumakbo ako papalayo sa kanilang dalawa. Umuwi ako ng bahay na umiiyak.

* * *

“Mel sorry. Please? Di na mauulit.” pagsusumamo ko kay Mel.

“Levi,hindi na. I siad grab your things now.” sabi nito,matigas,with a sense of authority.

“Parang awa mo na Mel. Paano na ako? Saan na ako tutuloy nyan Mel? Please!” sabi ko.

“Puro nalang ikaw Levi! Paano naman ako? Inisip mo man lang ba ako nung lumalandi ka dun sa bansot na yon? Inisip mo man lang ba ako bago ka makipaglaplapan don?” sigaw ni Mel sa akin

“Sorry Mel.” umiiyak kong sabi,

“Leave Levi. Leave!”

Umiiyak kong kinuha ang aking gamit,nagempake at nagayos. Bago ako lumabas sa bahay,tumingin ako kay Mel at nagwika.

“I love you Mel. Sorry sa lahat.”

“Leave Levi.”

Kinuha ko ang aking jacker at ako'y umalis na.

* * *

Ang bigat ng pakiramdam ko. Dumaan ako ng Mister Kabab sa West Ave. para kumain. Para kong lalagnatin. Kumain ako ng madalian at lumabas na agad ng restaurant.

Patuloy ako sa paglakad sa kahabaan ng West Avenue. Di ko alam kung saan ako pupunta. I'm homeless and heart broken. Naglalakad ako pero wala akong sense of direction. Di talaga maganda to. Walang pumapasok sa utak ko. Di ko alam kung saan ako pupunta,I need a miracle.

I tried to call Jeff pero di nya sinasagot.

I dialled his number again pero this time,unattended na.

Pati si Jeff na may kagagawan ng lahat ng to ay wala na din.

Habang naglalakad ako ay may humintong itim na Ford Expediton sa akin. Binaba ng driver ang salamin ng sasakyan at tumingin sa direksyon ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mukha,may edad na eto at medyo napapanot na. Sya ay nakasalamin.

“Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin.

“Hindi ko po alam.” mahina at humihikbi kong sagot.

“Sakay na.”

“Ha? Bakit po?” umuubo kong sagot.

Tumitig lang sa akin ang lalaki at ngumiti ito.

Ang bigat ng ulo ko at inuubo ako. I feel completely restless.

Binukas ko ang pinto ng kotse. Humakbang at sumakay sa loob ng kotse. Sinara ng lalaki ang bintana at pinaharurot ang sasakyan.

W A K A S