Wednesday, August 31, 2011

Torn Between Two Lovers? xi

“Here.”

Sabay abot sa kanya nang towel.

“Sige kuya una na ako mag-shower huh.”

Habang naghihintay sa pagbabalik ni Francis ay nahiga muna ako at nagmuni-muni. Hindi ko maintindihan bakit lahat na lang mga taong nagmamahal sa akin eh palaging hindi ganap na pwedeng maging akin. Masyado ba akong hopeless romantic at lahat na lang ng nagpapakita nang pagkagusto sa akin ay nagugustuhan ko na rin? Hindi kaya nagiging unfair na ang tadhana sa akin.

Si Arnel na naging best friend ko simula pa lang nung high school. Siya na nakapalitan ko nang ilang malalambing na mga sandali ngunit hindi maging ganap dahil siya ay takot sa ama niyang sundalo kaya mas pinili ang ‘tuwid’ na daan. Ngayon, heto si Francis. Very vocal naman siya sa pagsasabing gusto niya ako at dahil dun nagustuhan ko rin siya. Kagaya nang kay Arnel, may hadlang din sa aming dalawa, si Jie. Hays, hindi ko na alam gagawin ko.

Nagulat na lang ako sa mga bisig na pumulupot sa akin.

“You look scared kuya.” Sabay tawa.

“Loko ka kasi eh. Bakit ka naman nanggugulat?”

“I’m not masyado ka lang preoccupied.”

“Preoccupied? Siguro nga.”

“Ano ba kasi gumugulo sa’yo? Care to tell me?”

“Hindi pa ako sigurado kung magsasalita ako ngayon sa’yo but I just want you to be here with me. Don’t leave me.”

“What are you saying kuya?”

“Masakit ang maiwanan Francis, I tell you.”

“Hindi kita maintindihan.”

“You don’t have to.”

“Ang labo mo.” Sabay kalas sa pagkakayakap sa akin.

“Uto! Hala, magsa-shower muna ako.”

Bago ako lumabas ng kuwarto ay tiningnan ko muna siya. Mukhang malalim din ang iniisip.

Sa ngayon, napagpasyahan kong hayaang ipaanod sa tubig ang lahat ng mga bumabagabag sa akin. Naisip kong walang saysay na ipagtabuyan si Francis gaya nang ginawa ko kay Arnel. Tama na ang minsang nagkamali ako.

Pagbalik ko ay nakahiga pa rin ito at mukhang sarap na sarap sa pagtulog. Matapos magbihis ay nilapitan ko ito.

“Francis, I’m so happy that you came into my life. You brought me happiness that only you can give. I know na in the near future, magkakaroon tayo nang mga pagtatalunang bagay habang lumalalim ang pinagsamahan natin but let me assure you this mahal na kita.” ‘But I can’t promise you na magiging tayo.’ Sigaw ng isip ko. “Let’s cherish everything we had. Huwag tayong magmadali. Ayokong isang araw maging stranger na tayo sa isa’t isa.” And I gave him a kiss.

Tumabi na ako nang higa sa kanya sa kama. Maya-maya pa ay yumakap na ulit ito sa akin. Nang sipatin ko ang mukha nito ay naaninag ko ang ngiti sa mga labi nito.



--

“Dhen!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngayon ay papalapit na ang taong sanhi nang paglayo ko kay Arnel.

“Oh Jessa!”

“Hi! Are you busy?”

“Uhm, not really. Why?”

“Let’s have snack together.”

“Sure. I’ll just fix this.”

“Take your time.”

Bakit ganun, it’s so sudden na lumapit ito sa akin. Ayokong mag-isip na may kailangan ito sa akin but I can’t help myself na this has something to do with him.

“Okay let’s go.”

Dumiretso na kami sa cafeteria. Usually, hindi ako kumakain dun dahil kapitbahay lang naman namin ang school aside sa mahal ang billihin dun. Matapos maka-order ay agad nang nagsimula si Jessa.

“How are you?”

“Doing just fine. Ikaw?”

“Great! Uhm. . .” Medyo napansin kong may gusto siyang sabihin but hindi niya magawa-gawa.

“Is there something you want to ask me?”

Tumango lang ito.

“Okay ka lang ba?”

“Yeah.”

“Ano nga pala itatanong mo?”

“Ano mo si Arnel?”

I’m dumbfounded.

“Ano? What do you mean?”

“Huwag na tayong maglokohan dito. I know there’s something about you two.”

I kept my silence.

“Pansin ko kasi na iba ang closeness niyo. You care a lot sa isa’t isa and most of the time lagi kang bukambibig nun na kesyo ganito, ganun. Sometimes nga pinagseselosan na kita pero iniisip ko na lang na magbest friends kayo and normal lang iyon. Pero lately pansin ko ang pagiging tahimik niya. Yes we go out on dates pero parang ang layo nang iniisip niya. Naba-bother ako lalo pa nang minsang nasabi niya na huwag ko raw mababanggit pangalan mo. Then one time, nagsasalita siya habang tulog at ang sabi Dhen don’t do this to me. Ngayon sabihin mo sa akin, ano mo siya?”

Bigla akong pinanlamigan. Nakakaramdam na kaya ito?

“Best friend.”

Simpleng sagot ko. Walang anu-ano ay bigla niya akong sinampal. Nagulat ako.

“What the?! Bakit mo ako sinampal??”

“Pinagkatiwalaan kita. I never thought na papatol si Arnel sa mga kagaya mo. I’m expecting this ,that you’ll deny having an affair with my boyfriend.”

“Dahil yun ang totoo.”

“No it’s not. You can’t fool me. You can’t FOOL ME! Akala mo hindi ko pansin? Nung una pa lang kitang makita, I knew already na bakla ka. Kahit ipangalandakan mo sa buong mundo na hindi ka bakla, nararamdaman ko. What’s so special about you eh wala ka namang dapat ipagmalaki dahil kahit kailan hindi mo siya mabibigyan ng anak. You’re dreaming if maagaw mo siya sa akin?” Nag-iba bigla ang tahimik at mabait na si Jessa.

She’s starting to get on my nerves. Ayoko makipagtalo dahil una nasa public kami pero her words are enough to make me to do so.

“You know what? Insecurity kills.” Sabay tayo ko at alis ng cafeteria.

Bago ako makalabas ay narinig ko pang tinawag niya akong BAKLA. Gusto kong umiyak pero ayoko naman ipangalandakan sa lahat na talunan ako. Ayoko naman masyadong i-down sarili ko. Tama na yung mga sinabi ni Jessa sa akin.

Siguro nagawa niya yun dahil sa nasasaktan siya pero tama ba namang saktan ako? Umiwas na ako. Lumayo pero bakit kailangan pa akong habulin? Dumiretso ako nang banyo at nagkulong sa isa sa mga cubicles. Doon, inilabas ko lahat ng hinanakit ko. Hindi ko na napansin ang takbo nang oras. Pag-check ko nang phone ko, tadtad ako nang text messages galing sa mga kaibigan ko. Tinatanong kung bakit absent daw ako. Hindi ako nagreply.

Paglabas ko nang cubicle ay laking pagsisisi ko dahil sa nasa loob din si Arnel. Pagkakataon nga naman.

“Dhen, umiyak ka?”

Umiling lang ako. Niyakap niya ako bigla. I pushed him away, alam ko napahiya siya.

“Anong problema?”

I composed myself.

“Leave me alone.”

Nakita ko sa mga mata niya ang pagkahabag sa akin.

“Huwag mo akong kaawaan! I don’t need those. I told you to stay away from me.” Pangtataboy ko sa kanya.

“But Dhen kailangan mo ako.”

“HINDI KITA KAILANGAN!!!”

Gulat siya sa naging reaction ko. Bago pa man siya muling magsalita ay tuluyan na akong lumabas ng CR.

Just imagine the heavy day with matching rains. Grabe, it sucks! I’ve seen this in movies and I can’t believe na mangyayari ito sa akin. I stayed in the rain long enough to feel its comfort. Napaupo ako sa isang bato dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

“Huy girl, anong emote mo dito at nagpapakabasa ka?”

“Febbie!” At napayakap ako sa kaibigan ko. Wala itong pakialam kahit mabasa man ito. She hugged me back.

“Anong nangyari?”

“Marami.”

“Umpisahan mo na.”

Mag-uumpisa na sana akong magkuwento nang mag-alburoto yung tiyan ko. Napatawa kami bigla.

“Hala, tara uwi muna tayo at ng makameryenda ka saka ka magkuwento. Dami mong pinagdadaanan ngayon eh.”

“Sinabi mo pa. Teka si Xyza?”

“Sinundo ni Ruben?”

“Oohh, may session pala sila ngayon.”

“Yeah.”

“Oh ikaw, bakit ka nandito? Paano mo ako nakita?”

“Kasi nagpunta ako sa CR kanina tapos nakita ko na may taong nagpapaulan sa may baba. I just knew na ikaw iyon kaya naman agad kong kinuha payong ko then hayun Coco Crunch!”

“Talagang naisingit ang Coco Crunch eh.”

“Naman. Gutom na rin kasi ako girl eh.”

“Hindi halata.”

At sabay pa kaming tumawang dalawa.

“Mamaya, punta raw si Xyza sa bahay niyo. Jamming tayong tatlo. Nagpabili ako nang iced tea tsaka pulutan.”

“Ambilis naman ng mga kamay mo at naitext mo agad si Xyza.”

“Ako pa.”

“Teka nga, iinom kayo sa bahay namin? Respeto naman. Walang umiinom dun.” Sagot ko.

“Gaga, anong inom? Food trip tayo mamaya habang ume-emote ka.”

“Ah ganun, so ako pala ang main course? Eh bakit hindi na lang kayo ang magchikahang dalawa at matutulog na lang ako.”

“Sorry ka hindi pwede yun. On the way na raw siya eh.”

“Walastik. Baka gusto niyo na ring magdala nang bihisan niyo at dun na rin kayo matulog mga nyeta kayo.”

“Ay oo nga. Teka, hatid kita sa inyo then uwi ako saglit kukuha lang ako nang bihisan ko.”

Nagsisi pa ako dahil sa sinabi kong iyon. Dapat hindi na lang ako nagsalita pero salamat pa rin sa mga ito dahil ready sila laging makinig sa mga kadramahan ko.

Gaya nang sabi niya, matapos akong maihatid ay umuwi agad ito para kumuha nang mga damit niya. Wala pang isang oras ay halos sabay na dumating yung dalawa. Agad ko naman silang pinapasok.

“Idiretso niyo na mga gamit niyo sa kuwarto.” Sabi ni mama.

“Okay po tita.” Sabay na sagot nung dalawa.

“Oy girl, bakit nasaan yung kama mo?” Gulat na tanong ni Febbie dahil carpet tsaka comforter lang ang nasa kuwarto.

“Inilabas ko muna. Ayoko namang sa kama ko kayo tapos ako sa lapag? Aba, wala nang gentleman ngayon lalo pa sa inyo.” Seryoso kong sagot.

“Nyeta ka talaga kahit kalian. Ah basta sa akin yung kulay pink.”

“Alam ko, kay Feb naman yung may pagong na print.”

“Ambait mo talaga girl kahit kalian.” Sarcastic na sabi nito.

“Thank you.”

At ibinaba na nga nila mga gamit nila.

“Teka, ano yang dala niyo?”

“Pagkain tsaka iced tea.”

“Hindi yun, ayan oh.” Sabay turo sa isang boteng nakatago sa may likod ni Xyza.

“Ah eto ba? Mag-spin the bottle kasi tayo later.”

“Patingin nga?”

Nanlaki mata ko nang makitang Red Horse pala yun at ang matindi grande pa.

“Mga gago talaga kayo. Sabi ko di ba hindi tayo iinom? Alam niyo naman na hindi ako umiinom ng ganyan.”

“Eh di wag kang makiinom. Sa amin na lang ito ni Febbie, di ba girl?”

“Hay naku, basagin ko pa sa mga ulo niyo yan eh.”

Tumawa na lang yung dalawa.

“Mag-uumpisa na ba tayo?”

“Teka saglit, magluluto lang muna ako.”

“Girl, wag seafoods huh.” Pareho kasing may allergy yung dalawa run.

“Sure!”

“Ano bang iluluto mo?”

“Pusit.”

Kita kong napangiwi si Xyza samantalang nanlaki ang dati nang may kalakihang mata ni Febbie.

“Girl, okay na kami rito wag ka nang mag-abala.” Biglang bawi ni Xyza.

Natawa na lang ako sa reaction nila. Tuluyan na nga akong lumabas para magluto.

“Tagal ka pa ba diyan?”

“Pwede naman siguro maghintay Xyza di ba?”

“Nagtatanong lang garampang (malandi)!”

“Gutom ka na? Umpisahan niyo na nang makatulog na kayo.”

“Partakam kitdi (Bilisan mo)!”

“Okay.”

Kakapasok ko lang sa kuwarto nun dala yung niluto ko nang tawagin ako ni mama dahil may bisita raw. Agad ko naman nilatag yung niluto ko bago ko hinarap yung bisita.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Can we talk?”

“Para saan?”

“Sa nangyayari sa’yo.”

“Bakit? Hindi ba sabi ko sa’yo layu---“

“Pagtatabuyan mo na naman ako?”

“Bakit hindi mo papasukin yang bisita mo?” Walastik talaga timing ni mama.

“Opo ma.” Wala sa ilong na sagot ko kay mama. “Pumasok ka raw.”

Pumasok naman siya. Umupo muna ito sa sofa. Pumasok naman ako saglit sa kuwarto para tingnan yung dalawa.

“Hoy mga durbab (matakaw), hindi ulam yan! Mga buwisit kayo at talagang kumuha pa kayo nang kanin huh!”

“Nagutom kami girl eh tsaka ang sarap kasi nito.”

“Sige marami pa sa kusina. Tinadtad ko nga nang hipon yan eh.”

“Keber!” Sabi pa nung dalawa.

“Sino pala bisita mo?”

“Si Arnel.”

“Talaga?” Sabay tayo ni Xyza at lumabas ng kuwarto.

Natawa ako sa hitsura nito na puno ang bibig tapos may kanin kanin pa. Ano kayang reaction ni Arnel pagkakita dito? Can’t wait.

Paglabas ko, nag-uusap yung dalawa. Dumiretso muna ako sa kusina para lagyan ulit yung bowl. Pagdaan ko sa sofa wala na yung dalawa yun pala nasa kuwarto na.

“So it seems may bago tayong ka-jamming. Welcome pare.” Sabi ni Febbie.

Ngumiti lang ito. Waring nahihiya pa.

At umupo na ako paharap sa kanya. Katabi ko sa kanan si Xyza, si Febbie sa kaliwa. Inumpisahan na naming magkuwentuhan, bangkaan. Nakakamiss pala yung ganito. Wala pa naman akong napapansing paparating na confrontation. All’s flowing smoothly. Nang medyo nalalasing na yung tatlo, dun na nag-umpisa ang lahat.

“So girl, anong emote mo kanina sa ulan?”

Nanlaki yung mata ni Xyza samantalang may pag-aalala sa mukha ni Arnel. Hindi ako lasing at hindi ako nakiinom kaya kaya ko itong lusutan.

“Ah yun ba? Wala naman. Gusto ko lang maligo sa ulan.”

“Boo! Maligo sa ulan mo your face.” Si Xyza.

Tahimik pa rin si Arnel.

Bumuntong hininga muna ako. Sinimulan ko nang magkuwento. Maingat ako sa bawat salitang lumalabas sa mga bibig ko. Ayoko namang palabasing masama si Jessa sa harap ng bf nito. Takot ko lang na maresbakan. Para akong nasa talk show dahil nasa hot seat ako. Puro sila pilit na sabihin ko raw kung sino iyong babaeng iyon pero ang sagot ko na lang eh hindi ko kilala. Hanggang sa dumating sa point na iniiwasan kong mangyari.

“So hindi mo talaga sasabihin yung name?”

“Hindi ko kilala eh.”

“Okay.”

“Mababaw na reason yun kung bakit ka nagpaulan kanina.”

Tahimik ako. Nakikiramdam. Hindi ko alam kung sasagot o hindi.

“Dahil sa akin.” Walang pakundangang sabi ni Arnel.

Sabay na tumingin yung dalawa kay Arnel.

“What do you mean dahil sa’yo?” Tanong ni Febbie.

“Nasa CR ako kanina nang lumabas siya sa cubicle. Kagagaling niya lang nun sa iyak. Nung sinubukan kong mag-offer ng tulong, pinagtabuyan niya ako then nagkaroon kami nang pagtatalo at ayun na.”

“Nag-away na naman kayo?”

Tumango lang ito pero ako tahimik lang. Mas ninais ko na lang na uminom ng iced tea.

“Anong pinagtalunan niyo?”

“Tinanong ko kung bakit siya umiyak pero hindi siya sumagot. I insisted pero pinagtabuyan niya ako.”

“Dahil ayoko nang dumagdag ka pa. Masyado nang maraming nangyayari sa akin at nakakapagod na.” Hindi ko na napigilang hindi magsalita.

“Then why ask me to leave? You know I can help.”

“That’s the least you could do to help me.” Malungkot kong sabi.

“NO! Kung dati hindi kita nagawang panindigan, this time I’ll do everything to win you back.”

“Everything you said? Kaya mo bang ipagtapat sa tatay mo na you’re into guys? Kaya mo bang ipangalandakan sa lahat na ako ang pinili mo? At lalong lalo nang kaya mo bang saktan si Jessa just to please me?” Sunod sunod kong tanong.

Tumahimik siya.

“I expected this from you Arnel, you’re as coward as before.”

“I’ve changed.”

“Really? Since when?”

“Since the day you told me not to hinder your way.”

“Why? I didn’t ask you to change for me!”

“Because I have to.”

“Because you have to?”

“Oo dahil I’m so lost without you. I’m not the same person as to when I’m with you.”

“Stop it! I don’t want to listen.”

Pero hindi tumigil ang mokong.

“I want to bring back the times when you’re still mine.”

“I was never yours damn!” I was starting to turn red at mukhang nag-eenjoy ang dalawa sa nakikita nila sa akin. Pangiti-ngiti sila.

“Bakit kayo ngumingiti ngiti dyan. Is there something funny?”

“Meron.”

“Ano??”

“Ikaw!!!” Sabay tawa nang dalawa.

“Fuck you both!” Lalo lang tumawa yung dalawa napansin ko rin naman ang mga ngiti ni Arnel.

“And you, why are you smiling?”

“You’ve never changed Dhen.”

“You want me to change? You should be ready for that.” May banta sa boses ko.

“But Dhen, I’m just joking.”

“This isn’t the perfect time for you to throw a joke on me. You knew how much I HATE you!”

Then suddenly, he bursted. Umiyak siyang bigla. That’s the first time I saw him cried na wala nang bukas. He tried to hide his face away pero hindi niya magawa. Natahimik naman yung dalawa sa kakatawa dahil doon.

Nakonsyensya ako sa nangyari pero I have my grounds. Pag inalo ko siya, lalaki na naman ulo nito at iisiping okay na kami ulit and I won’t let it happen… for now.

Nang medyo nagpacify siya nang konti, nagulat na lang kami nang kinuha niya yung bote nung Red Horse at tinungga yung natira. Medyo may karamihan pa iyon kaya naman lahat kami napa-woah sa ginawa niya.

Pinigilan namin siya pero ayaw patigil. Nag-aalala rin ako sa kanya dahil baka mapaano siya.

Napahinto si Febbie and Xyza sa sumunod kong ginawa. Inagaw ko yung bote sa kanya at agad siyang hinalikan sa labi. Natapon yung laman nun sa amin gawa nang marahas kong pag-agaw dito. Kumapit siya sa batok ko at idiniin pa ang mga labi ko sa kanya. Hindi ako lasing or ano pero this is something what my heart’s been longing for. Agad din akong bumitaw at agad bumalik sa upuan. Tulala siya sa ginawa ko pero nagawa niyang ngumiti.

Napapalakpak naman yung dalawa naming kasama sabay sabi nang live show.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Arnel at tumabi na sa akin. Papakipot pa ako na kunwari ayaw ko siyang makatabi pero nung inakbayan niya ako hindi ko naman magawa itong tanggalin. Kinikilig naman yung dalawa sa postura namin.

“Dhen, I have to tell you something.” Si Arnel.


(itutuloy…)

Wednesday, August 24, 2011

The Letters 9

WRITER:Unbroken

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.






September 17 2009,

Mabilis lumipad ang mga buwan. Napabayaan ko na din ang journal ko dahil sa trabaho. September na at natapos na din ang bday ko. Naging medyo abala ako sa trabaho. May bagong pasok sa barkada namin nila Allyna na si Rovi. Nagstart si Rovi nang June. Naging masyado akong busy nung mga nakaraang mga buwan. Nakakafrustrate.

Wala pa din namang pinagbago. Ganoon pa din ang buhay ko. Bahay,trabaho konting gimik. Kahit papaano ay nabawasan na ang paggimik ko sa Malate na halos weekly dati. Di ko alam kung bakit pero masasabi ko na ang barkadahan namin sa office ay isa sa mga dahilan kung bakit ako nagiging mas matino. Syempre.kahit wala syang sinabi o pinagbawal sakin,si George pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagbabago. Gusto ko,kahit papaano ay makita nya ako bilang isang responsableng tao. Ayokong isipin nya na wasted ako. Tingin ko di nya yun magugustuhan.

George. Si George na naman. Lagi namang si George eh. Nangungulit pa din naman si Hubby sakin pero ayoko na talaga. Wala na akong maramdaman eh. Alangan namang pilitin ko. Always remember not to stay whenever you find yourself unhappy,and that's what I did. Masaya naman ako sa nagiging takbo ng buhay ko as of the moment,with my friends around and George,undefined,with me.

Gumising ako ng maaga para sa araw na ito. Excited akong makita ang mga workmates ko. Ewan ko ba,the moment I opened my eyes,positivity seemed to run deep in me. I feel so positive today. I just hope na maging okay lahat sa akin. I hope all is well.

After pressing the clothes I usually wear,naramdaman ko ang aking phone na nagvavibrate sa aking bulsa. I instantly picked it and was a bit surpised to see that George was actually calling me.

“Hello”

“Chris nasaan ka?” sagot nito sa kabilang linya.

“Nasa bahay bakit?”

“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”

“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”

“Baka naman may katagpo ka?” may halo ng sarkasmo sa kanyang tono.

Napahinto ako sa sinabi ni George. I sensed something. Is he getting jealous?

“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”

“Aba! Ewan ko sayo!” pagalit nitong sabi.

“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”

Natahimik si George sa kabilang linya.

“Ganoon ba?” halata ang pagaalala sa boses nito.

“Kamusta na pakiramdam mo?” dagdag pa nito.

Napangiti ako sa inaasal nya. Kahit papaano ay concern sya sakin.

“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot ko.

“Good.”

“Yep.”

“Ingat ka. See you later sa work.”

“Bye.”

“Bye.”

The line got disconnected.

* * *

Nakangiti kong tinapos ang pagpaplantsa.

Oh George. Nakakainis ka paminsan-minsan. Ang sarcastic mo sa akin pero kahit na ganun ka,sa t'wing magkakasakit ako,kahit nagsusungit ka,alam kong nagwoworry ka. Alam ko at nararamdaman ko na concerned ka sakin.

Ano na nga ba tayo George? Ano ba ako sa'yo? Kasi alam ko sa sa sarili ko kung ano ka sakin eh. I know na mahal kita. I really do love you. I knew it. Eh ikaw? After all the sarcasm you've shown and somewhat the concern you've let me feel? Ano ba talaga ako sa'yo? Do you need to clarify this? Do I have to clarify this? Rather,do we have to clarify this?

Buntong-hininga.

Naiinitan ako. Dapat na kong maligo.

I took a shower. The bathroom was a bit spacious para sa isang kwarto. Okay naman at tiles ang sahig maging ang mga pader nito. May isang life-sized mirror din na nakadikit sa pader. Nakakatuwa kasi you would be able to see your own body while giving yourself a bath. It was just wonderful. Habang nagsasabon ako,di ko maiwasang mapatingin sa katawan ko sa salamin.

Medyo nanibago ako sa nakita ko.

Am I actually losing weight?

Kita ko na ang collar bone ko. Di to maganda. Bakit ako nangangayat? Kain naman ako ng kain ah. Ang weird ng katawan ko.

Why do I have rashes sa may chest ko?

Saan na naman ako naallergy? Ano ba to.

After having a quick shower, I got myself dressed. Typical office boy get-up. Had my hair fixed. Went down. Hailed a cab.

* * *

“Chris kain na tayo.”

“Sure.”

Bumaba tayo at kumain sa isa sa mga fastfood sa ibaba ng building. Same set-up,magkatapat tayo sa upuan. Kumakain ng mga paborito nating pagkain. Iba nga lang ngayon dahil nakakabingi ang katahimikan natin. Nakakapanibago lang. May mali ba?

“Chris.”

“Bakit George?”

“Wala na kami ni Joy.”

Nagitla ako sa narinig.

“Ahhh.” tangi kong nasabi.

I saw how you sighed. Malalim. I know that you're really having a tough time.

“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi ko.

I was a bit confused sa inasal ko. Bakit kailangan pang sa grupo nya iopen? Bakit di nalang sakin? Oo nga? Bakit sinuggest ko pa na sa grupo nya na iopen? Kung tutuusin chance ko na yun para makausap sya about that eh. I think I've wasted my chance. Ayoko na naman bawiin baka sabihin nya eh inconsistent ako sa mga sinasabi ko. Di naman siguro tama yun,isa pa may pride ako. Ano ba yan.

“Salamat Chris.”

“No worries.”

I gave you a reassuring look that I would always be here for you. You stared at me as if you wanted to say something. Nagtitigan tayo. I just realized how handsome you are. I don't know,you may not be the man some people think of as handsome but to my heart you carry the key.

“Chris.”

Napapitlag ako sa pagkagulat.

I saw you smiled upon seeing that look on my face. I tried to bring my composure back as fast as I could.

“Oh?”

“Salamat sa lahat.”

“Ha?”

“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”

“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”

Kaibigan? Naitanong ko sa sarili ko.

“Oo nga Chris. Salamat.”

I smiled. Natapos na nating kainin lahat ng orders at naisipan na nating umakyat sa building.

We waited for the lift. We got in at tayong dalawa lang ang tao. I kept my distance,mga ilang tambling din ang layo ko sa'yo.

“Chris?”

“Oh?”

“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” pagaya mo sakin.

Walang salisalita ay agad mo akong hinatak papalapit sayo. Tinago ko ang pamumula ng aking mukha. Nanahimik ako,bigla mo kong inakbayan. Nakakagulat.

“Bakit natahimik ka?” tanong mo sakin.

“Ha?”

“Nanahimik ka Chris. Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.”

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” nagulat ako at nasabi ko yun sayo.

Tumingin ka sakin,trying to weigh kung nagsisinungaling ba ako or hindi. Hinigpitan mo ang akbay mo sakin. Lalong gumulo ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam kung naging masaya ka ba sa narinig mo or what? Di mo man lang iconfirm kung masaya ka sa akin o hindi. Ano ba talaga?

Lalo mong hinigpitan ang akbay mo sakin.

“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”

“Wala George. Wala.”

“Gusto mo ba ko Chris?”

“Ha?”

At bumukas ang elevator. Sinagip ako ng elevator sa kapahamakan. Nagmadali akong bumalik sa station ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nagpapawis ako pero di ko alam kung bakit,ngayon ko lang napagtanto na umamin na pala ako sa'yo. Narinig mo ito pero umarte ka at nagbingibingihan. Di ko na alam kung paano ako aarte sa twing magkasama tayo.

Nakaramdam ako ng pagkailang sa nangyari kanina. Dapat nga maging okay na ako dahil nasabi ko na rin sa'yo na gusto kita. Pero bakit ganun? Nahihiya na akong tumingin at makipagusap sayo? I saw you looking at me,natetense ako. Di ko alam kung bakit.

“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?” tanong mo sakin.

“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot ko.

“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”

“Ha?” I said,natameme.

“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”

“Ha? George kkaa..siii..”

“I won't take no for an answer.”

Then you turned away.

Wala akong choice kundi sumama mamaya. I don't know if this is what I really want. I wanted to blame my stupid mouth for admitting that I do like you. Di ko alam kung bakit,bahala na nga mamaya.

Till next time,

Chris.


Tuesday, August 16, 2011

The Kiss

"Ren, okay ka lang ba?"

Tahimik.

"Huy, ano na?"

Tipid na ngiti.

"Ren naman. May kausap ba ako rito?"

Tahimik.

"Ayaw talaga?"

"Bili ka na muna pagkain mo."

"Ayaw. Usap muna tayo."

"Kain muna tayo bago tayo mag-usap."

"Sure?"

Tango.

"Okay. Gusto ko kasi mag-Vegetarian ngayon eh o kaya naman Pao Tsin. Hmmm. Ano ba masarap?"

"I really don't know."

Natawa siya sa sinabi ko. Napamaang naman ako.

"What?"

"Wala."

"Weird."

"Order lang ako saglit."

"Okay."

Nilabas ko phone ko at nagcheck ng messages.

"Manuel!"

"Oh?"

"Halika dali?"

"Anong meron?"

"Basta!"

Lumapit naman siya agad. Pagkalapit niya ay agad ko siyang hinatak sa batok at hinalikan. Medyo gulat man siya ay nakuha pa rin niyang gumanti.


"Ayaw ko pala mag-Bodhi. Siopao na lang." Narinig kong sabi ni Manuel nung dumaan siya sa likod ko.

Dinedma ko na lang. Maya-maya tinawagan ko yung isa kong kaibigan, si Ken.

'Hello?' Sagot niya.

'Sorry.'

'Ano?'

'Sorry.' Sabay drop ng call.

Balisa ako sobra. Hindi ko alam paano ko haharapin yung taong naging dahilan ng confusion ko. Then bumalik na siya sa table namin.

"Ren, gusto ka raw kausapin ni Ken."

"Mamaya na lang. Order na muna ako."

Sinubukan kong umiwas sa magiging tanong ni Ken sa akin. Alam kong kukulitin niya ako bakit ako nag-sorry sa kanya. Magulo kasi sobrang gulo.

Alam mo naman pala yun eh pero bakit mo ginawa. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko yung sinabi nang bf ko sakin. Habang naglalakad ay para ako nitong unti-unting tinutusok sa dibdib. Hays bahala na.

"Miss magkano po coffee niyo?"

"35 pesos sir."

"Ah, isa nga."

"Baka gusto niyo po nang Big Junk na rin po for 55 pesos na lang."

"Ah ganun ba? Sige, isang Sugar-coated donut na lang."

Agad namang inabot ni ate yung order ko matapos magbayad.

"Pwede po extra creamer?"

Tumalima naman ito at agad nagbigay.

Bakit nga ba ako um-order ng coffee? Tensed ba ako? Ewan.

Paglapag ko nang order ko, agad akong kinausap ni Manuel.

"Bakit ka um-order ng kape?"

"Bakit?"

"Don't answer me with another question."

"Wala lang. Trip ko lang." Habang binubuhos yung creamer sa kape.

"Anong problema ba?"

"Ubusin mo muna yang pagkain mo."

Talagang inubos niya nga agad yung kinakain niya para magkausap na kami.

"So, anong problema?"

"Wala."

"Come on Ren. Si Josh ba ito?"

Tahimik.

"Si Ken?"

Tahimik.

"Ano Ren?"

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Pwede ba akong tumabi sa'yo?"

Tumabi naman agad siya para bigyan ako nang space.

"So anong problema?"

"Sorry for dragging you with the situation."

"Saan ka galing?" Si Josh.

"Dyan lang sa may park."

"Sinong kasama mo?"

"Si Manuel."

"Bakit kayo magkasama?"

Nagtaka ako sa huling tanong niya.

"DI ba nasabi ko sa'yo na tatambay kami sa park?"

"Anong ginawa niyo?" Malamig na tanong nito.

"Bakit ganyan mga tanong mo?"

"Damn! Don't answer me with a question!" Medyo may kataasan na sabi nito.

I sense danger.

"Ano ba kasi gusto mong palabasin?"

"Wag na tayong maggaguhan Renmar?"

"What did you call me?"

"Bakit mo ito ginawa sa akin? I trusted you and yet you disappointed me."

"Can you tell it straight Josh?"

"Fuck you! Wala kang karapatang humalik sa iba dahil may boyfriend ka na!!!"

Napaatras ako. Sobra sobra galit ni Josh sa akin.

"Let me explain."

"I don't want to hear anything from you. Tama na muna."

"You have to listen."

"Why? Dahil guilty ka?"

"Oo guilty ako pero it was just a prank."

"Kelan pa naging prank ang pakikipaghalikan?"

"Dapat hindi ko yun ginawa. I'm sorry I caused you pain."

"Alam mo naman pala iyan pero bakit mo ginawa?"

Natameme ako.

"Atleast you have the courage to tell me na nagkamali ka." Sabay alis.


"Ano yun?" Napabalik ako bigla sa katinuan.

"Save the friendship and not to pursue with the feelings."

"Huh? Naku Ren huh, ayoko nang mga ganyang philosophical statements mo."

"Naniniwala ka ba sa saying na yun?"

"Partially yes. May connection ba yan sa problema mo?"

"Nasaktan ko si Josh."

"Paano?"

"Kiss."

"Gusto mo kiss?"

Tiningnan ko lang siya nang masama.

"Nakita niya tayong nag-kiss kahapon."

Namilog mga mata niya.

"OMG! You must be kidding me."

"Sana nga."

"Sorry."

"You don't have to."

"Yes, I do."

"Ako nag-initiate nung kiss."

"Hindi kita pinigilan."

"That's fine. Not your fault, it's mine."

"Huwag mong solohin. Kasali pa rin ako run."

"Don't bother. Okay naman na kami." Pagsisinungaling ko.

"Anong nangyari ba?"

"Do I owe you this?"

"Ikaw."

Kinuwento ko sa kanya lahat.

"Gusto mo kausapin ko siya?"

"Nope. Okay na kami."

"Sure ka?"

Tango. Kita ko naman sa kanya na hndi siya naniniwala.

"Ren, bakit ka pa nagkakaganyan eh okay na kayo?"

"Dahil guilty ako."

"What do you mean?"

"After the kiss, nagsisi ako bakit ko nagawa yun. Naging unfair ako sa kanya, sa'yo."

"The bottom line here is naging unfair ka sa sarili mo hindi samin ni Josh."

Tahimik.

"In the first place, bakit ka na-guilty?"

"Hindi ko alam."

"Okay. Why did you initiated the kiss."

"It was just a prank."

"At pumatol naman ako."

Tumingin ako sa kanya.

"Honestly, no malice ako run. Ikaw ba?"

"Yun nga eh, sakin meron."

"Since when?"

"Alam mo naman na crush kita sa umpisa pa lang."

"I knew that very well kaya sobrang thankful ako. So kelan nga?"

"After the kiss."

"Why?"

"Hindi ko alam."

"It was really your intention to kiss me?"

"No."

"Then why bother?"

"Dahil for once in my life I dream of kissing you."

Nag-blush siya sa sinabi ko.

"Why?"

"I don't know."

"Okay naiintindihan ko na kahit papaano. Does it has something to do with the philosophical statement you had last Sunday?"

"Manuel, may itatanong ako sa'yo."

"Sige ano yun?"

"Paano kung may taong seseryoso sa'yo, tatanggapin mo ba?"

"Depende kung seryoso rin ako sa kanya."

"Paano mo malalaman na seryoso siya sa'yo?"

"Mas maa-appreciate ko yun pag sinabi niya yun directly to my face."

"Ah okay."


"Siguro."

"I want a definite response."

"Wala. Hindi ako iyon."

"Hindi ikaw yun meaning sa ibang tao."

Tahimik.

"Sino Ren?"

"Do I have to reveal that person's identity?"

"Oo."

"Why?"

"Ren, gusto kong maging maayos trabaho ko bukas kaya naman please sabihin mo na sino."

Nag-isip muna ako bago nagsalita.

"Ganun pala talaga yun nuh, iba pag nagalit sa'yo yung taong mahal mo dahil sa isang pagkakamali." Napa-segway ako.

"Depende yan."

"Pero thankful pa rin ako."

"Weird!"

"Tinanggap pa rin ako ni Josh ng buo despite sa nakita niya."

"Ano ba sabi niya?"

"Atleast umamin daw ako sa pagkakamali ko."

"So tinanggap mong mali mo nga iyon?"

"Oo, there's no use denying. Nakita niya ang lahat."

"Pero you should have atleast defended yourself."

"It's no use denying."

"Why?"

"Mahal ko si Josh at mahal ako ni Josh." Napaluha ako nang lihim. Hindi na kasi ako sigurado kung ganun pa rin siya sakin eh.

"Sige ikaw na. You already."

Tahimik ulit.

"So who's the mysterious guy?"

"Do I have to tell you?"

"Yes!" With conviction.

"Not now. Please!"

Medyo gumagaan na kasi pakiramdam ko.

"Now na."

"Manuel..."

"Hmmm?"

"Naguguluhan ako. Anong gagawin ko?"

"Gusto mo bang lumayo ako?"

Sa dinami-rami na nang mga pinagdaanan kong may lumayo at nagpalayo, hindi ko na ata kakayanin pang bumilang si Manuel dun.

"Nope. Ayokong lumayo ka sa akin. Ayoko rin siyang mawala sa akin."

"Hindi naman ako mawawala Ren eh. Didistansya lang ako."

"You're not going to do that on me."

"Sure ka?"

"Yes. May isa lang akong hiling."

"Ano yun?"

"Let's stop addressing each other as hon."

"If that's what you wanted."

"Thanks."

"Okay na tayo huh."

Tumango na lang ako then we hugged. Naghiwalay kami ni Manuel na hindi pa rin na-resolve yung issue, issue sa srili ko. I was guilty as charged and now kailangan ko nang makausap si Josh to fix things. Mahal ko siya.

The Letters 8

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.








March 20, 2009


Hello mister lappy,



Gulat ka ba? Ako rin eh. Isa itong malaking himala. Time check, 8am. This isn’t me. Ha ha ha! Wanna ask why? Well, I’ll be asking Joy out. Magdedate kami. At bakit naman? Inuusig ka na ba nang kunsensya mo dahil muling bumabalik ang pagkabakla mo? Nope! Kung ganun, bakit? Bakiiiittttt? Shut up stupid. Basta gusto ko lang dahil maganda ang gising ko ngayon. This is the moment. Sana nga tama ka. Sana nga mali ako. Tse!

I grabbed my phone and called Joy. Ang tagal niyang sagutin. Naka-ilang dials pa ako bago niya sinagot yung tawag.

“Good morning babe!”

“How are you?”

“I’m fine. How about you?”

“Any plans today before or after work?”

“Ah sige.”

Narinig kong ibinaba niya sa isang flat surface ‘yung phone niya muna dahil may tumawag sa kanya. Boses nang isang lalaki ang narinig ko. Siguro yung kapatid niya iyon.

‘Hon, sino ba kausap mo?’ Yung lalaki. Natameme ako sa address nung guy kay Joy.

‘Bakit mo ako pinapatahimik? Sino ba yan?’

Nakarinig ako nang mga yabag. Papalakas ng papalakas. May dumampot sa unit ni Joy.

“Who are you?” Hindi ako sumagot.

“Are you mute?” Hindi pa rin ako umiimik. Sasagot na sana ako nang muli itong magsalita.

“Whoever you are, stop calling my girl again or you’ll perish!” May pagbabanta sa boses nito at pinutol na ang tawag.

Na-shock ako and hindi ko alam how will I act normally again. Si Joy? Si Joy na dahilan ng pagpapakatino ko! Si Joy na dahilan kung bakit ko tinalikuran ang dati kong buhay at pagkatao! Si Joy na naging buhay ko. Si Joy na . . . CURSE YOU!!!

I grabbed my phone again and texted Allyna.

Hey, I won’t be able to go to work today. May malaki kasi akong problema eh. Need some time for it. Please tell TL about this and the guys if they’re looking for me, especially Chris. Okay? See you soon.

At pinatay ko na ang phone ko. Gusto kong maiyak dahil sa nangyari pero no amount of tears would dare to fall. Dinidikta nang isip ko na why should I spare her a tear after stepping on me, on my pride. Sinasabi naman ng puso ko na let her explain. Let her defend her side. Defend?

Sabi ko na nga ba eh. Mali ang gising mo. Tsk. Tsk. I should have known. Ngayon sinong kawawa? Ayoko makipagtalo sa’yo. Please, gusto ko muna nang peace of mind. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang. I needed rest.

Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan ang panghehele nang oras sa akin. Nakatulog pala ako ulit.

------

“George wake up!”

Tinig ng isang lalaki? Pagmulat ko nagulat ako sa tumambad sa akin.

“Chris? What are you doing here?”

“Making you your coffee. Here, have a sip.” Pag-aalok nito sa akin.

Tiningnan ko lang siya. Iniisip ko kung bakit siya nandito.

“Don’t worry, may creamer yan.”

Inabot ko na yung mug ko.

“Thanks!”

Pagbalik ko nang tingin sa kanya ay may mga lalaking kumuha rito.

“NOOOOOOOO!!!!!!!!! CHRIS!!!!!!!!!!!!!!!!”


------

What a bad dream! Bad dream nga ba? Hindi naman eh. When I look at my clock, napabalikwas ako nang bangon. Mag-1:10 pm na, papasok ako. PAPASOK AKO. Hindi ako papatalo sa emotion ko ngayon. I have to move forward without Joy in it. Kailangan kong bawiin ang sarili ko.

Dali-dali akong pumasok ng banyo at naligo nang matapos ay kumuha nang damit sa cabinet at agad sinuot. Halos takbuhin ko na ang elevator ng building sa sobrang pagmamadali. Muntik na naman akong mag-hyperventilate buti na lang naalala ko yung tinuro saking deep breathing exercises ni madam nurse.

Mukha akong tanga habang nag-DBE sa loob ng elevator. Natawa pa ako sa hitsura ko na pawisan at nakanguso sa reflection ko sa loob. Nang makalabas na ay agad akong tumakbo ulit para makaabot on time.

Nakita ko si Chris na nakaupo na sa station niya. Since nakaabot naman ako bago magstart ang classes ay nagawa ko pang ayusin ang sarili ko. I put my things over the table at walang sabi-sabi’y inumpisahan na ang klase.

Ramdam ko na Chris has something to ask base na rin sa reaction niyang pasilip-silip sa cubicle ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya or shall I say does he has to know about it. Napabugha na lang ako nang hininga. I’m trying my best to focus on my lectures. I’m doing a great job – knowing Chris is beside me. Hush!

When I got the chance to look at him, huli! Nakatingin nga siya sa akin. Bakit ganun? Bigla siyang natakot ng magtama mga tingin naming dalawa? Agad niyang binawi yung tingin niya sa biglaang pagiging tense.

“Ahhh.” nausal niya nang muling tumingin sa akin.

Tinaas ko ang aking kilay bilang sagot sa sinabi niya anticipating for calming words from him.

“George salamat kahapon.” he managed to say atleast.

I tried my best to give him a smile, yung hindi pilit. I guess I succeeded. Nagpahid na rin ako nang pawis na kanina pa tumutulo sa noo ko. Somehow, nahiya ako sa hitsura ko.

“George, is everything okay? I heard na problemado ka daw sabi ni Allyna? Maybe I could help.” sabi niya without even hesitating if I would refuse or not although natuwa ako sa inakto niya.

“No. Thanks.” matipid kong sagot after debating with myself if I should entrust the matter sa kanya.

“Ahh okay.” he said, dumbfounded.

------


Hours passed and still I kept my mouth shut unless may importanteng query si Chris sa akin. I don’t mind what he thinks about me as of the moment. I’m still battling kung sasabihin ko na ba sa kanya na I have problems with Joy.

I didn’t notice na dinner break na pala at hindi pa ako aware sa time kung hindi pa ako tumayo si Chris. Without uttering any words, I grabbed his hand. Napatingin itong bigla sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong ko na nararamdaman ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi ko.

“Ha? Bakit?” nagulat at natakot niyang tanong.

“Wala lang. Sorry kanina ha? Medyo iritado ako kasi ang init sa labas. Tapos muntik pa akong malate.” Pagsisinungaling ko. Although, mainit talaga sa labas but it doesn’t justify my rudeness sa kanya.

“Ahh Okay. I understand.” Paniwalang sabi nito sabay ngiti.

“Ang cute ng ngiti mo.” Nagulat na lang ako sa kusang lumabas mula sa bibig ko.

“Ha?” Maang na sabi niya.

“W-wala sabi ko san ka pupunta?” sabi ko at binitawan na ang kamay niya dahil nararamdaman ko nam naman that familiar spark I had with my ex-bf.

“Ahhh dinner time. Kakain ako sa baba.” sabi niya.

“Ahh nice.”

Then there's an awkard silence.

Ano tutunganga ka na lang ba dyan at magfu-food vigil ka? Jusko George, dalian mo na dyan. Pack your things. Hindi naman ata tama na pinaghihintay mo si Chris. Dahil sa sinabi nang bakla kong ego, bumalik ako sa sitwasyon namin ngayon. Inayos ko na nga ang mesa ko and kinuha yung bag sabay tayo.

“Tara?” Offer ko sa kanya.

“Ha? Saan?” Anticipating niyang tanong sa akin. Lihim akong natawa sa gesture niyang iyon.

“Dinner.” Maikli kong sagot sa kanya.

Hindi ko na pinatagal pa ang pagmo-moment niya dahil hinatak ko na agad siya. I wanted to feel security kaya naman I held his hand interlocking on mine. Pagkarating sa baba ay agad din akong bumitaw dahil sinakluban ako nang espiritu ng hiya.

“Where do you want to eat?” Tanong ko.

“Ahm, anywhere.”

“Okay let me think. As far as I remembered, walang resto or chain na may pangalang anywhere. Do you know where that place is?” Pang-aalaska ko sa kanya.

Natawa naman siya.

------

“Titingnan mo na lang ba phone mo? Aren’t you going to answer it? Malay mo important yan.” Sabi ni Chris sa akin dahil may katagalan na pala akong nakatingin sa unit ko.

Babe Joy calling. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon after seeing her name flashing on my screen.

“Ah, you think so?” Balik tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

“I don’t think so.” Sabay patay ng phone at isinilid sa bulsa ko at nagpakawala ulit ng malalim na hininga.

“Mukha kang problemado talaga. Is everything fine?”

“Yeah.” Simple kong tugon.

Muli nag-ring yung phone ko.

“Sagutin mo na yan. Kanina ka pa tinatawagan niyan ah. Sino ba yan?”

“None of your business.”

“Ah, o-okay. Sorry!”

Nanaig na naman saming dalawa ang katahimikan. Hindi namin kapwa alam kung paano magsisimula nang conversation.

“What if you found out that, in your case, your guy was cheating on you?” Pambabasag ko.

Napamaang siya sa biglaang tanong ko sa kanya.

“Ah, eh. I . . .”

Di ko na siya pinatapos at muling nagsalita. “Sa tingin mo ba eh magagawa kong manloko?”

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

“Bakit nga pala kita tinatanong agad ng ganyan eh kakakilala pa lang natin.”

Kinuha ko yung baso ko at uminom.

“Do you think it would be fair if I play the game she started?”

“Hindi.” Seryoso niyang tugon.

Tiningnan ko siya sa mata. Unti-unti na akong pinaghaharian ng galit.

“That’s fair Chris! That’s fair!” Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses.

“Hey calm down! Calm down! Hindi ko alam kung saan nagmumula yang galit mo but I think kailangan mo ring marinig yung paliwanag niya.”

“Hindi na kailangan. Narinig ko na ang dapat marinig. I’ve been fooled!”

“Pero. . .”

“Let’s go.” Sabay tayo na.

Walang nagawa si Chris kundi ang sumunod sa akin.

Tahimik kami kapwa habang naglalakad pabalik ng building. Walang may gustong magbukas ng topic. I tried at least not to make him feel na sa kanya ko ibinubunton ang galit ko.

Nagtataka si Allyna sa ikinikilos naming dalawa nang makarating na kami sa station. Kinukulit niya si Chris pero no comment naman ito. Hindi na ito nag-atubili pang magtanong sa akin dahil nag-umpisa na akong mag-lecture.

------

“Ah, George let’s go.” Aya ni Chris sa akin.

“Okay.”

Inayos ko na station ko at kinuha ang bag bago tuluyang umalis.

Gaya kanina ay wala pa rin akong imik habang naglalakad palabas ng building. Masyado akong pre-occupied kaya hindi ko napansin ang isang babae sa labas.

Wala ako sa sariling pumara nang taxi at iniwan si Chris. Napalingon na lang ako nang marinig kong sumara iyong kabilang pintuan. Galit ang rumehistro sa mukha ko.

“You leave or I leave!” Pagbabanta ko.

“Walang bababa. We need to talk!”

Masyado na akong pagod para makipagtalo pa. Gusto ko nang umuwi kaya naman hinayaan ko na siya sa gusto niya.

Pilit kong pinapasaya ang sarili sa mga nadadaanang mga street lights. Mas maigi na ito kesa naman kausapin siya.

------

“Get off!” Pilit kong tinatanggal mga kamay niya sa pagkakayakap sa akin ng maisara ang pintuan.

“I’m sorry babe. I’m sorry.” Panimula niya.

“Sorry? Sorry for breaking my trust or for fooling me or both?”

“Hindi kita niloko at hinding hindi ko yun magagawa sa’yo.”

“Oh really.”

“Pinsan ko yung nakausap mo kanina. Niloko ka lang niya. Please maniwala ka naman sa akin.”

“Hindi ko alam kung paano pa maniniwala sa’yo Joy.”

“Listen to what your heart tells you.”

“My heart’s telling me that I’m hurting because of you.”

“Then let me prove myself again.”

“Does that make any sense huh?”

“Oo kasi I’m afraid to lose you.”

“Dapat naisip mo na yan bago ka nagloko.”

“I’m telling you, hindi kita niloko. Believe me George, babe.”

Hindi ako sumagot.

“Gabi na, umuwi ka na.” Pagtataboy ko sa kanya.

“No, hindi ako uuwi hanggang di tayo nagkakaayos.”

“In time. Hayaan muna natin ang isa’t-isa na hanapin ang sarili. It will be beneficial to both of us.”

Nagpakita siya nang sign of defeat by nodding.

“Hatid na kita.”

------

After kong makabalik. Agad kong tinawagan si Chris.

“Hi!”

“Ahm, I’m fine.”

“Nakauwi ka ba nang maayos?”

“Ah okay. Nga pala sorry kanina.”

“Bawi ako sa’yo soon.”

“Basta. Okay?”

“O siya good night. See you sa office tomorrow.”

At pinatay ko na ang phone ko.

So ‘til next time lappy,

George.



Wednesday, August 3, 2011

Torn Between Two Lovers? x

Maraming maraming salamat po sa mga nag-abang ng update ko. Nakakatuwa pong isipin na maraming nakarelate dun sa last chapter. Pasensya na rin po kung may katagalan akong mag-update.

Gusto ko rin pong magpasalamat sa taong nagpapasaya sa akin. Please let me have this space to tell him my appreciation. Babe, thank you sa pagbu-boost mo nang confidence ko and drive to continue writing. Sabi mo nga na dapat ko tong tapusin kasi marami ang nagbebenefit dito. I'm so glad and contented right now having you around. I miss you and I'll see you soon.

Enjoy!

---------------------------------------------------------------------------------------------

It’s been days nung hiniling ko kay Len na layuan muna ako. Masisisi ba ako? Hindi. I’m just doing what I know is right. Sa sampung mali ko, gusto ko itama ang isa. One at a time ika nga. Mas naintindihan ko how it is being the other person sa isang relationship; nakaka-guilty, nakakainis. Hindi ko ginustong mangyari ito, pinili ko lang na mahalin siya but it has to end. (I hope so.)

Aaminin ko, it’s been lonely since that day kasi wala nang makulit na bestfriend akong umaaligid, wala nang bestfriend na nangungulit, wala nang bestfriend na nagtatampo dahil di ko nagawa yung ganito, yung ganun, wala nang bestfriend na maglalambing. Hays, nakakainis na ewan. Mahirap talagang dalhin pero naniniwala ako I can get over with this.

“Huy girl, anong emote?” Si Xyza.

“Wala naman.”

“Come on, tell us.”

Tahimik.

“May problema to girl.” Si Febbie.

“Oo nga. Mukhang ayaw magsabi eh.”

“Hindi naman girls.”

“Teka lang huh mukhang may idea na ako.”

Sabay naman kaming napatingin ni Febbie sa sinabi ni Xyza.

“Kasi pansin ko lang huh, hindi ko na madalas makitang magkasama kayo ni Arnel. May LQ ba kayo?”

“Gago! Anong LQ ka dyan! Kami ba eh hindi naman.”

“Ay comfirmed na girl.” Sabay apir nung dalawa.

“O dali na. you owe us a kwento of what happened between you and si Arnel.”

Buntong-hininga.

No choice na ako basta pag ganito malakas radar ng dalawa. Gawa na rin siguro na kilala na nila talaga ako. Kinuwento ko sa kanila lahat ng mga pangyayari. Mataman naman silang nakikinig sa bawat sinasabi ko.

“Tama lang ginawa mo girl. Maski ako, ayoko sumabit.” Comment ni Xyza after ng kuwento ko.

“Sinabi mo pa, takot ko lang sa karma.”

“Yun na nga, pinili kong masaktan kesa makasakit sa damdamin ng iba lalo pa at kitang kita ko how Jessa loves him at kung paano niya iyon tumbasan.”

“Papaka-martyr ka na naman girl. Hayaan mo may dadating din na para sayo soon.”

“Wow, kung maka-advice ka Feb ah parang hindi ka pinagsabay din noon.” Si Xyza.

“Fuck you!”

“Thank you!”

Dahil sa asaran nung dalawa, nabawasan kahit papaano yung lungkot ko. Nakisabay na ako sa kulitan nila. Kahit nasasaktan ako, iba pa rin talaga kapag may mga kaibigang dumadamay sa’yo sa mga oras na ganito. Nakakawala nang lungkot.

“Hi kuya!” Biglang sulpot ni Francis sa kung saan.

Napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti na naman siya.

“Oh hi! Musta?”

“Okay lang ako kuya. Ikaw ba? Pansin ko kasi na emo ka kanina. May problema ba?”

“Hay naku Francis, yang kuya mo. Pagsabihan mo nga minsan na huwag mag-isip isip ng kung ano-ano. Hala, baka isang araw makita na lang natin yan sa kalsada na ang dungis dungis.” Sabay tawa nung dalawa.

“Ang sweet niyo talaga mga letse kayo.”

Tumatawa na rin si Francis sa kulitan namin.

“Nga pala, isang tanong isang sagot.” Pag-iba ni Febbie.

“Ano po iyon ate?”

Nagtinginan muna yung dalawa na para bang nagkaintindihan sila. Medyo kinabahan ako dahil mukhang may plano itong dalawang ito ngayon.

“Seryoso ka ba dito sa kaibigan namin?” Si Xyza na ang nagtanong.

Nanlaki mga mata ko sa tanong niya.

“Xyza, tigilan mo yan!” Pagsaway ko.

“Ano ba girl, kikilatisin lang namin siya. Hindi naman namin siya sasaktan eh.”

“Nakakahiya. Wag niyo nang ituloy.” Seryoso kong sabi.

“Ayos lang yun kuya.” Sabay flash ulit ng kanyang killer smile.

“See girl, interested din siya. Okay, balik tayo. Nasa hotseat ka ngayon remember and sagutin mo tanong naming dalawa nang may katapatan at katotohanan. Mangako ka.”

“Opo. Promise!”

“Okay by the power vested in me I will now pronounce you as. . .”

“XYZA!!!”

“Okay fine.” Sabay hagikhik niya. “Going back, seryoso ka ba sa kaibigan namin?”

Tumingin muna sa akin si Francis bago sumagot.

“Opo.”

“Paano ka namin pagkakatiwalaan?”

“Hayaan niyo pong patunayan ko sa inyo na seryoso ako sa kanya. I don’t want to overwhelm you with my words mas maigi po atang ipakita ko na lang yun kesa sabihin pa.”

“May point nga naman siya girl.” Sabay tango. “Next question, halimbawang maging kayo nitong damulag na ito. . .”

“Wow ang sweet talaga!” Sarkastiko kong sabi.

“Shut up nga muna dyan, busy kami.”

“Fine. Huwag lang kayo magkakamali!” Pagbabanta ko. Tumango lang ito

“So yun nga, if ever na maging kayo niyang si Dhen, maipapangako mo ba samin na hindi mo siya sasaktan?”

Natagalan bago sumagot si Francis.

“Hindi ko po maipapangako na hindi siya masasaktan dahil sa akin. Ayoko naman pong mangako nang isang relasyong perpekto, na walang away, na walang nasasaktan pero hanggang kaya ko iiwasan kong saktan siya.”

Na-touch ako sa sinabi niya. Totoo nga naman iyon. Walang perpektong relasyon. Lahat dumadaan sa pagsubok.

“I see. Mukhang iba ka sa kanila.”

“Third question, pag nagdate kayo pwede bang dapat kasama rin kami?”

“What?!” Gulat kong sabi.

“Oh bakit? Sosolohin mo?”

“Walastik talaga kayong dalawa pagdating sa pagkain bigla kayong nagiging ewan.”

“Laman tiyan din iyon girl.”

“Mga patay gutom!”

“Busog naman.”

“Hay ewan, kayo talaga!”

Natatawa na naman si Francis sa amin.

”Anong sagot mo Francis? Naku wag kang magkakamali, hindi mo na ito makikita pa kahit kalian.”

Lalong natawa si Francis sa tinuran ni Xyza.

Nagpalitan pa kami nang ilang kulitan at nakikisama na sa amin si Francis. Nakuha na niya kasi ang mga loob nung dalawang gahaman.

“Huy Francis, andito ka pala.”

Natigil kami dahil sa nagsalita. Medyo nagbago mood ko na hindi naman alintana sa dalawa.

“Huy Jie upo ka.”

“Hindi na. Kumain ka na ba? Tara kain na tayo.” Aya niya dito.

“Hala oo nga. Kuya kain na tayo. Sabay-sabay na tayo nila ate Xyza and ate Febbie.”

“Naku hindi na. Busog pa kami di ba?”

Tumango na lang yung dalawa sa sinabi ko.

“Ah ganun po ba? Sige po kain na kami. Nice meeting you mga ate.”

“Nice meeting you rin.”

“Sige kuya see you later.”

Tumango na lang ako bago sila tuluyang umalis.

“Hmmm, what’s with that face girl?”

“Ang slow mo Feb.”

“Huh?”

“Sabi ko na nga ba, pagong ka talagang walanghiya ka.”

“Ay nagsalita ang talipandas na elepante.”

“Che! Anyway, mukhang gumana ang gaydar ko dun sa Jie na yun. Dhen, sino yung kanina?”

“Best friend niya.”

“Teka medyo nakukuha ko na Xyza. Parang ikaw lang at si Arnel yung si Jie at Francis?”

“Nakuha mo rin slow!” Pang-aasar ni Xyza.

“Tama ba kami Dhen?” Pandedeadma niya sa pang-aasar nito.

“Hindi ko alam kung kagaya nga nang situation naming dalawa ni Len. Kasi sa amin, nakikita niyo naman na mahal namin ang isa’t isa pero sa kanila hindi ko alam.” Nalungkot ako sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Len.

“Pero ramdam mo ba na may pagtingin yang si Jie kay Francis?”

“Oo.”

“Ay, kaya pala wala pang development sa status niyo ni Francis?”

Tumango lang ako.

“Naku, ang malas mo naman girl diyan sa mga lalake mo.”

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Naku hayaan mo na yan girl. Kung hindi man si Francis iyang para sayo, ipagdadasal namin na dumating na si mister right sa ating dalawa soon.”

“Tama buti pa ako may Ruben.”




--

Mula nang mangyari yung sa batibot palagi na naming kasama si Francis tumatambay doon. Minsan sinusundo siya ni Jie para sabihing kakain na raw sila, o kaya naman ay magrereview, o kaya naman uuwi na. tinataasan na lang nila Xyza and Febbie nang kilay yung mga ginagawi ni Jie. Noon nila mas napatunayan na tama nga yung hinala ko.

Hindi ko naman masisisi si Jie kasi mas matagal na niya itong kilala at mas nauna itong magmahal kay Francis. Civil naman ako sa kanya at ayokong maging rude kasi kahait papaano maayos naman itong makitungo sa akin until one day.

Nasa library ako nun nang dumating si Jie.

“Kuya, pwede ba tayong mag-usap?”

“Oh Jie, sige saglit lang. Ayusin ko muna itong mga gamit ko.”

“Hindi na kuya dito na lang tayo para may privacy tayo.”

“Sige ikaw bahala. Have a seat.”

Umupo naman ito.

“So anong pag-uusapan natin? Mukhang seryoso ito ah tama ba ako?”

Matagal bago siya nagsalita.

“Iwasan mo na si Francis kuya.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Bakit?”

“Basta.”

“Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na iwasan siya nang walang sapat na dahilan.”

Tumahimik siya.

“Alam ko na. Umamin ka nga sa akin, mahal mo si Francis. Tama ako di ba?”

Hindi siya sumagot.

“Bakit mo ito ginagawa?”

Tahimik pa rin siya.

“Gusto mong layuan ko si Francis dahil gusto mong bumalik siya sa’yo? That’s so selfish of you Jie.”

“Selfish na kung selfish pero iwasan mo na siya.”

“Hindi mo ako pwedeng diktahan Jie! Buhay ko ito at ako mismo ang didiskarte.”

Tumahimik ulit siya.

“I have to go, ayokong dumating sa point na magalit pa ako sa’yo nang todo. I have high respect on you dahil best friend ka niya, huwag mong hayaang masira iyon.” Sabay walk-out.

“I’ll do anything para bumalik si Francis sa akin. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa iyo. Tandaan mo yan.” Sa kung saan ay sabi niya.

Tiningnan ko lang siya nang masama bago tuluyang umalis.

Nakita ko sa hallway si Francis pero hindi ko ito pinansin. Nagtaka siya siguro kasi naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. Humarap na ako sa kanya.

“What’s wrong?”

“Wala.”

“Come on kuya, alam ko may nangyaring hindi maganda sa’yo.”

“Wala ito Francis pagod lang ako.” Sakto namang nakita ko na nasa likod na si Jie. “I have to go.”

Walang lingod-likod akong umalis.

Nag-vibrate yung phone ko kaya naman dinukot ko ito. Nakita ko na may message siya sa akin. Pagkabasa ko ay agad ko itong binalik at hindi na nag-aksaya nang panahon pa na magreply.

Akala ko wala na sila run sa lugar na yun kaya nilingon ko. Laking pagkakamali na ginawa ko yun, nakita kong nakayakap si Jie kay Francis at nakatingin pa ito sa akin na waring sinasabi na One Point for me.

Mas lalo ko tuloy binilisan maglakad. Badtrip na badtrip ako. Kitang kita iyon sa classroom gawa nang pagiging tahimik ko at palaging nakakunot noo. Pag tinatanong ako nang mga prof ko parang out of the world mga sagot ko.

“Anong nangyayari sayo?” Tanong ni Xyza.

“Oo nga naman girl. Alam mo bang obvious ka kanina nung tinanong ka ni ma’am nang anong gamot para sa ulcer tapos ang sagot mo eh paracetamol. Girl, out of this world ka pang-lagnat yun.”

“Bakit may pain naman pag ulcer.” Walang kuwenta kong sagot.

“Uto! Hindi mo kami maloloko. Kahit utot mo alam namin ang ibig sabihin.”

Wala na naman akong ligtas sa dalawa.

“Huwag muna ngayon, wala ako sa mood magkuwento.”

“Ay ang arte! Anyway, sige ikaw bahala. Basta utang mo yan ngayon huh.”

Tumango na lang ako para matigil sila.

Hanggang sa matapos yung araw tahimik lang ako. Ni hiindi ako makausap ng matino nung dalawa. Nang matapos na yung final class ko, nagulat ako nang makitang nasa labas si Francis.

“Oh, kanina pa out mo ah.”

“Hinihintay kita.”

“Bakit?”

“Mag-uusap tayo.”

“Pwede bukas na lang? Pagabi na rin kasi.” Pagtanggi ko.

“Walang problema. Dun ako matutulog sa inyo. Andun na mga gamit ko, dun tayo mag-uusap.”

I threw him a questioning stare.

“Ramdam ko kasi kuya na hindi mo ako kakausapain about dyan sa problema mo kaya ako na gagawa nang paraan. Don’t worry nagpaalam na ako kila tita.”

Wala na akong nagawa. Kaya hayun, sumakay na kami sa kotse niya. Hinatid muna namin yung dalawa ugok sa mga bahay nila bago kami tuluyang umuwi. Pagkadating sa bahay ay agad na kaming dumiretso sa kuwarto.

Pagkapasok ay hindi napigilan ni Francis sarili niya at hinalikan ako. Pinilit kong gumanti pero ramdam niya na may kulang kaya naman tumigil siya. Tumingin sa mga mata ko. Ngumiti.

“I’m sorry.”


(itutuloy…)